Close
 


#12 - Memento Mori / Paalala: Mamamatay Ka
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Mamamatay ka, bakit magandang paalala 'to? Ano ang mga pinakamahalagang bagay sa buhay mo? Kung mamamatay ka bukas, anong gagawin mo ngayong araw? [FREE] Ito ang libreng transcript para sa'yo: ⁠https://drive.google.com/file/d/158K1NrJ5H5FFwCBKmR95Lnagw1bl6Ufw/view?usp=sharing⁠ May comment ka? O gusto mo sumuporta sa proyekto na 'to? Gusto mo sumali sa Telegram Immersion Group? Patreon: ⁠⁠⁠https://www.patreon.com/ComprehensibleTagalogPodcast⁠⁠⁠ Gusto mo magbook ng lesson? Email me: ⁠⁠⁠learnrealtagalog@gmail.com⁠⁠⁠ Maraming salamat! About this project: I created Comprehensible Tagalog Podcast to create interesting content with transcripts for intermediate Tagalog learners. I teach Tagalog online and I'm always inspired by my students. They come from different parts of the world but they share the same passion and curiosity for Tagalog. Unfortunately, there aren't enough content for learners especially at the intermediate level. This stage is vital and I believe that the ea
Comprehensible Tagalog Podcast
  Mute  
Run time: 07:49
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Noong unang panahon sa panahon ng mga Romano sa Roma, noong Ancient Rome, kapag nananalo sa gera ang mga Romans,
00:15.1
syempre may selebrasyon, syempre masaya, at syempre ang commander o ang general ng gera, ng army ng mga Romano ay parang isang bayani dahil nanalo sila ng gera
00:40.3
at yun ay sobrang importante para sa kanila.
00:44.0
Lalo na sa panahon na yun at habang nagse-celebrate sila, habang naglalakad sila dahil masaya at sinasalubong ng maraming tao,
01:01.1
merong tao na bumubulong sa tenga ng commander, ng general na alalahanin mo mamamatay ka.
01:14.0
Tandaan mo na mamamatay ka.
01:19.4
At yun ang paalala sa general na yun.
01:25.7
At minsan itong mga paalala na ito ang talagang kailangan natin sa buhay natin dahil minsan yung ego natin iniisip natin na mahaba ang buhay natin,
01:42.0
na mahala ang buhay natin.
01:44.0
Na matagal pa tayong mabubuhay sa mundo at nakakalimutan natin na lahat ito matatapos kung masaya ka, kung nanalo ka, at kung marami kang pera.
02:04.1
Minsan nawawala sa isip natin na lahat ito may katapusan.
02:13.5
Sabi ni...
02:14.0
Socrates, ang tamang pagpapractice ng pilosopiya ay tungkol sa kamatayan at sa pagiging patay.
02:27.6
At kahit sa mga sinaunang teksto sa budismo, meron silang salita na importante,
02:39.7
ang salitang maranasati.
02:44.0
At ang ibig sabihin ay alalahanin ang kamatayan.
02:51.3
At marami sa kasaysayan nagbabanggit na mahalaga na alalahanin ang kamatayan.
03:05.0
Tulad ng esayist sa Ona Prenses na si Michelle Dumuntang.
03:11.3
At gusto niya ang tradisyon noong ancient Egypt na kung may piyesta, maglalabas sila ng skeleton, ng buto-buto.
03:28.6
At sasabihin, uminom kayo at maging masaya dahil kapag namatay kayo, ganito ang itsura niyo.
03:41.3
Tulad nung skeleton.
03:44.9
At ngayon, sa panahon natin, parang hindi magandang ideya.
03:53.4
Bakit kailangan natin isipin ang kamatayan?
04:00.0
Pero bakit tayo natatakot sa kamatayan?
04:05.9
Bakit hindi natin pwedeng tanggapin na...
04:11.3
...mamamatay tayo at na hindi natin alam kailan?
04:16.5
At sabi din ni Muntin na kung iisipin natin ang kamatayan, katulad ito ng pagpapractice ng kalayaan.
04:32.8
Dahil yung tao na natuto kung paano mamatay.
04:41.3
Dahil ay natuto kung paano hindi maging isang slave o isang alipin.
04:53.7
At sa pribadong journal ni Marcos Aurelius, isang Roman Emperor.
05:04.9
Noong panahon ng mga Romans, sa journal niya na tinatawag na...
05:11.3
...meditations, may paalala siya sa sarili niya at sinulat niya na pwedeng mamatay ka ngayon.
05:24.2
At dahil doon, sana maging batay ito kung paano ka magsasalita.
05:37.6
At kung ano ang gagawin mo.
05:39.0
At kung ano ang iisipin mo.
05:43.8
So sa tingin ko, magandang paalala ito na dahil sa katotohanan na mamamatay ako, mamamatay ka,
05:56.3
isipin mo itong araw na ito at sana yung paalala na yun yung magdidikta sa gagawin mo ngayon.
06:07.8
Sa aksyon mo ngayong araw.
06:09.0
Sa sasabihin mo ngayong araw.
06:13.1
O sa iisipin mo ngayong araw.
06:18.4
At sa tingin ko, hindi ito nakaka-depress.
06:23.3
Hindi ito nakakalungkot.
06:25.7
Dahil ito ang paalala na pwede mong gawin kahit ano.
06:33.6
So ngayong araw, pwede kang...
06:39.0
Pwede kang galit sa kaibigan mo, pwedeng galit ka sa pamilya mo, sa nanay mo, o sa tatay mo.
06:46.6
O pwedeng gagawa ka ng hindi maganda.
06:51.9
O mananakit ka ng hayop, mananakit ka ng tao.
06:58.2
Pero kapag naalala mo na mamamatay ka, na mamamatay ang pamilya mo,
07:07.2
mamamatay lahat.
07:08.8
Nang tao na mahal mo, mamamatay ang paborito mong pusa o aso.
07:18.3
Itatanongin mo ang sarili mo, tama ba itong gagawin ko?
07:22.8
O sulit ba na galit ako sa pamilya ko?
07:28.9
Sulit ba na mananakit ako ng hayop?
07:34.5
Kung maikli ang buhay.
07:36.9
At itong buhay na ito,
07:38.7
isang pagkakataon lang sa maikling panahon natin sa mundo.
07:46.1
Memento Mori.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.