* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello! Kamusta? Ako si Miguel at ngayong araw pag-uusapan natin kung marunong ba magsalita ng Espanyol ang mga Pilipino.
00:14.4
Dahil sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ng mahigit sa tatlong daang taon, dapat marunong mag-Espanyol ang mga Pilipino.
00:30.3
So, marunong nga ba mag-Espanyol ang mga Pilipino? Ang maikling sagot ay hindi. Hindi marunong.
00:40.5
Dahil mahirap ang kasaysayan ng lingwaheng Espanyol sa Pilipinas.
00:53.6
Nagsimula noong 1571 noong naging parte yung Pilipinas sa Espanya.
01:05.6
Pero hindi katulad ng mga Amerikano, yung Espanyol hindi madaling naisama sa buhay ng mga Pilipino.
01:20.2
Dahil ang isang dahilan ay konti lang ang mga Espanyol na tumira sa Pilipinas.
01:30.3
Ang pangalawang dahilan ay malayo ang Espanya.
01:35.6
At ang pangatlong dahilan ay dahil hindi sentro ng atensyon ng Espanya ang Pilipinas dahil marami silang ibang mga sinakop na bansa.
01:55.1
So, dahil konti ang mga tumirang Espanyol sa Pilipinas,
02:04.2
konti rin ang mga...
02:05.6
Ang mga guro at ang mga eskwelahan ay kulang sa mga gamit.
02:14.0
Kahit ang mga misyonaryo ay nagtuturo sa lokal na lingwahe at hindi sa mga Espanyol.
02:25.1
Pero noong 18th at 19th century, ginawang obligatorio o kailangan,
02:34.4
aralin ang Espanyol sa eskwelahan.
02:39.6
Pero noong nagkaroon ng gera, yung Espanyol at mga Amerikano noong 1898,
02:50.6
tinigil ng mga Amerikano ang pag-aaral ng Espanyol
02:57.5
at nagtayo ng maraming pampublikong paaralan ang mga Amerikano
03:04.4
at tinuturo sa mga paaralan ang Ingles at hindi ang Espanyol.
03:14.1
At dahil doon, hindi kami marunong o hindi marunong ang mga Pilipino ng Espanyol,
03:24.2
lalo na ang mga kabataan.
03:27.1
Pero dati may panahon na ang Espanyol ay alam,
03:33.3
lalo na ng mga edukado at mga elite na class sa Pilipinas.
03:42.3
So mga mayaman, mga importanteng pamilya, at yun, mga may pera.
03:51.3
Halimbawa, ang pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal
03:56.5
ay nagsulat ng mga libro niya halos sa Espanyol.
04:03.3
At yun, pero dahil sa pagdating ng Amerikano,
04:11.4
lalo na noong 1987, yung Constitution,
04:18.0
yung opisyal na lenguahe, hindi kasama ang Espanyol.
04:23.7
So Ingles at Tagalog.
04:28.0
Yun, sayang dahil importanteng lenguahe ang Espanyol.
04:33.3
At sa tingin ko, pwedeng mag-aral ng isa o dalawa o tatlong lenguahe
04:43.1
ng sabay-sabay, walang problema.
04:47.6
Pero ngayon sa Mindanao, may dialekto na galing sa Spanish Creole na dialekto,
04:59.9
yung tawag dito, yung...
05:05.7
At sabi nila, pwede nila maintindihan ang Espanyol
05:09.6
dahil malapit ang Txabacano, ang dialekto na yun sa Espanyol.
05:18.9
At ngayon, sabi ng Spanish Language and Culture Institute sa Maynila
05:26.2
na mayroong tatlong milyong Pilipino ang nagsasalita ng Espanyol.
05:33.3
Sabi sa ibang sources, isang milyon o dalawang milyon.
05:38.2
Pero kumpara sa buong populasyon ng Pilipinas na 110 milyon na tao,
05:47.9
maliit ang dalawang milyon o tatlong milyon,
05:51.1
lalo na tatlong daang taon, 300 years at higit pa ang pagsakop ng mga Espanyol.
06:06.5
Ayon, at dahil din talaga sa mentalidad ng mga Amerikano na mahalaga ang Ingles,
06:17.9
kailangan mag-aral ng Ingles, kailangan lahat ng pampublikong paaralan Ingles,
06:25.0
bawal magsalita ng Tagalog, at talagang may immersion.
06:33.3
Sa paaralan sa mga bata.
06:37.0
Hindi lang sa mga libro, pati sa musika, at sa ibang paksa sa paaralan.
06:49.1
Yun lang, salamat sa atensyon nyo.
06:52.9
Pwede kayong sumuporta sa Patreon.
06:56.1
At kung may komento o mga suggestion kayo na topic,
07:01.2
pwede kayo mag-email.
07:03.3
Sa learnrealtagalog at gmail.com
07:07.1
Salamat, at sana malaking tulong.