Close
 


YAYA | DAISY | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 45:50
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magandang araw po sa inyong lahat mga kastorya, mga ka-online, ako po ang inyong Papa Dudut, ini-invite kayong lahat na mag-like, share and subscribe.
00:10.0
At sana po ay suportahan niyo din po ang aking pang isang channel na pinagkakabalhang ko po at pinaghihirapan namin, ang Papa Dudut Vlogs.
00:20.5
Ang itatype niyo po sa inyong mga cellphone, sa inyong mga YouTube channel ay Papa Dudut Vlogs para mahanap niyo po ito.
00:28.1
Ngayong araw na ito sa ating episode, para sa isang ina, napaka-importante na ang kaligtasan ng kanyang mga anak.
00:37.6
Yung tipong kahit na lamok ay ayaw tayong padapuan ng nanay natin lalo na noong baby pa tayo.
00:44.3
Alam kasi ng isang ina na walang kalaban-laban ang isang sanggol kahit pa sa isang maliit na insekto.
00:52.1
Wala pa ang kakayahan ng isang sanggol para ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga naismanlalaman.
00:58.1
Ngunit paano nga ba poprotektahan ng isang ina ang kanyang anak kung ang naismanakit sa anak mo ay hindi basta-bastang nilalang?
01:12.5
Dear Papa Dudut
01:14.1
Good day sa iyo Papa Dudut at pati na rin po sa mga listeners mo sa lahat ng panig ng mundo.
01:22.3
Bago po ako dumako sa aking kwento ay gusto ko munang pasalamatan kita
01:26.9
dahil ang YouTube channel mo ang naging libangan ko kapag wala akong ginagawa.
01:32.9
Imbes na maging marites ako ay nakikinig na lamang ako sa mga kwentong pinapadala sa iyo.
01:40.4
Anyway, bago ko ipagpatuloy ang aking sulat ay gusto ko munang magpakilala sa lahat.
01:45.5
Ako nga pala si Daisy, isang mabuting ina na may edad na 35.
01:52.9
Medyo late na akong nakapag-asawa dahil natagalan.
01:55.8
Bago dumating ang icing sa ibabaw ng cupcake ko.
02:01.4
31 years old ako nang ikinasal ako sa aking mister na si Peter.
02:06.7
Ang daming ang nagtaas ng kilay kasi bakit daw ako pinakasalan ni Peter Papa Dudut.
02:12.6
Malamang ako ang nabuntis niya. Eh joke lang.
02:17.0
Totoo na nabuntis niya ako kaya niya ako pinakasalan pero mahal namin ang isa't isa.
02:22.5
Nabuo ang aming panganay dahil sa love at hindulat.
02:25.8
Hindi isa kung ano-ano.
02:28.2
Hindi lang talaga makapaniwala ang marami naming kakilala na ako ang nagustuhan ni Peter dahil sa
02:33.6
mahirap, dukha at walang pangarap sa buhay daw ako.
02:37.9
Tapos si Peter ay mayaman, stable ang buhay at independent.
02:43.1
Grabe sila sa pangaalipusta sa pagkatao ko Papa Dudut.
02:47.7
Well, totoo na mahirap at dukha ako pero yung walang pangarap sa buhay, I don't think so.
02:55.8
Anyway, tama na sa mga palabok Papa Dudut.
02:59.1
At baka iba na ang may kwento ko.
03:01.7
Baka ang mga marites sa buhay ko ang maging bida sa sulad kong ito kapag patuloy ko silang pinag-usapan sa programa mo.
03:09.6
Sa ibang sulad ko na lang sila, gigisahin.
03:13.0
Ang kwento ko ay tungkol sa isang karanasan sa aking buhay na hindi ko makakalimutan kahit ako ay nabubulok na sa ilalim ng lupa.
03:23.0
Responsabling ama at asawa si Peter.
03:24.9
Maayo siya makapag-provide.
03:27.9
Isa siyang civil engineer at talagang hindi siya nawawala ng project.
03:32.8
Sa iba't ibang lugar siya nagkakaroon ng trabaho.
03:36.1
Minsan sa malapit,
03:38.3
Minsan sa malayo.
03:40.5
Bihirang mangyari na magkasama kami sa isang straight na linggo.
03:44.7
Pero kahit na ganoon eh wala akong pagtatampo sa aking asawa.
03:49.6
Alam ko na ginagawa niya yun para mabigyang kami ng magandang buhay Papa Dudut.
03:54.9
Hindi naman sa pagmamayabang.
03:58.2
Pero kahit paano ay nakakaluwag kami sa buhay Papa Dudut.
04:03.0
Nakatera kami sa maayos at may kalakihan na bahay.
04:07.4
Merong kaming mga sasakyan at kapag may gusto ako ay nabibili ko.
04:12.7
Pero syempre hindi ako gastadora.
04:16.3
Hindi ko ginagastos sa mga walang kwentang bagay ang perang pinaghihirapan ng aking si Peter.
04:22.5
Mag-iisang taon na ang panganay kong si Peter.
04:24.7
Pag-iisang taon na ang panganay kong si Anna nang malaman kong buntis na naman ako sa pangalawa namin ni Peter.
04:30.2
Eto kasing si Peter grabe ang pangigigil sa akin kapag umuuwi sa bahay.
04:35.2
Well, wala namang problema kung mabuntis ako kasi plano talaga namin ni Peter na magkaroon ng maraming anak.
04:42.1
Isang dosena ang gusto ni Peter.
04:44.8
Yun daw ang dahilan kung bakit malaki ang bahay na pinagawa niya at kung bakit nagsisipag siya sa pagtatrabaho.
04:52.4
Parehas kaming natuan ni Peter.
04:54.7
Pag-iisang taon na ang panganay kong si Peter.
04:56.1
Mag-iisang taon na ang panganay kong si Anna nang malaman kong buntis na naman ako sa pangalawa namin ni Peter.
04:56.2
Kapag may chance kahit pagod ay bumibisita si Peter sa aming bahay para masiguro na okay lang ako.
05:04.5
Bawat buwan na lumilipas ay nadadagdagan ang paglaki ng aking tiyan.
05:10.2
Malaki pa naman ang tiyan ko kapag buntis ako kaya kahit nasa 6 months pa lamang ang tiyan ko ay para nang nilonoko ang globe sa moa.
05:20.4
It's a boy pala Papa Dudut.
05:22.9
Sumama sa akin si Peter nang magpaultimasyon.
05:24.7
Para malaman kung ano ang gender ng aming second baby.
05:29.7
Labis ang saya ni Peter sapagkat gusto niya talaga ang lalaki na maging second baby naming dalawa.
05:37.7
Grabe, hindi ako makapaniwala na in 3 months ay apat na tayo dito sa bahay.
05:44.1
Asawa ko.
05:45.6
Ang masayang sabi ni Peter nang makarating kami sa bahay mula sa aking doktor.
05:51.0
Ha? Sino yung titira dito sa bahay?
05:54.7
Kukuha ka ng kasambahay?
05:56.5
Ang nagtatakakong tanong.
05:59.2
Yung baby na nasa tiyan mo, ano ka ba naman asawa ko?
06:03.7
Nabapakamot sa ulo na sagod pa ni Peter.
06:07.1
Ayaw nga pala.
06:08.8
Mga nganak na ako at madadagdagan na tayo ng isa kaya magiging apat na tayo.
06:13.3
I get it na.
06:14.6
Tugon ko sa kanya.
06:16.6
Pero sa tingin ko ay tama ang sinabi mo.
06:19.7
Mukhang dapat ay kumuha na tayo ng kahit na isang kasambahay o yaya.
06:23.1
Para may katulong ka sa pag-aalaga kay Ana at sa ibang gawaing bahay.
06:29.1
May hirapan ka na kasing kumilos kapag lumaki na ang tiyan mo.
06:33.0
May pag-aalala lang sa jest ni Peter.
06:37.0
Naisip ko na tama ang sinabi ng asawa ko, Papa Dudut.
06:40.8
Noong first time kong mabuntis ay nahirapan akong magigilos ng malapit na akong mga nak.
06:47.3
Wala naman akong kamag-anak na pwede kong makasama kaya solo talaga ako noon.
06:51.4
Ang mga kapatid ko ay may kanya-kanyang pamilya at ayoko na abalahin pa sila.
06:59.4
Ilang projects tuloy ang pinalampas ni Peter dati para mabantayan ako hanggang sa makarecover kahit papaano.
07:09.0
Gets ko kung bakit sa pangalawa kong pagbubuntis ay gustong kumuha ni Peter ng yaya.
07:14.9
Noong kasi wala pa si Ana.
07:16.6
Sa pagkakataong yun ay may Ana na at ayaw daw ni Peter na magkakataon.
07:21.4
At magpalampas ulit ng project dahil kailangan niya yun dahil madadagdaga na kami.
07:27.7
Naiintindihan ko siya, Papa Dudut.
07:29.8
Alam ko na kung pwedeng siya ulit ang magbantay sa akin hanggang sa mga nakako ay gagawin niya.
07:34.8
Pero iba na nga lang talaga ang sitwasyon ng panahon na yun.
07:38.5
Nagkasundo kami ni Peter na kumuha ng yaya pero ang sabi ko, ang gusto kong yaya ay yung kilala ko.
07:44.9
O kahit kilala ng kakilala ko.
07:47.4
Para naman ay maging komportable ako kahit papaano sa makakasama ko.
07:51.4
Ang naging usapan namin ay pansamantala lamang ang pagkuhan namin ng yaya.
07:57.1
Kapag kaya ko na ay full force na ako na mag-alaga ng anak namin.
08:02.8
Inayaan ako ng aking asawa na maghanap ng magiging kasama ko sa bahay ng ilang buwan.
08:07.9
Ang naisip ko ay ang tita baby ko na nakatira sa malayong probinsya.
08:13.0
Sa mga kapatid ng nanay ko, siya ang talagang kaklose ko noong bata pa ko.
08:18.5
Tinawagan ko kagad si tita baby at sinabi ko na makapagalaga.
08:21.4
At pwedeng lumuwa siya at samahan ako sa bahay ng ilang buwan.
08:26.1
Naku Daisy, gusto ko sana pero baka imbis na ikaw at ang anak mo ang alagaan ko,
08:32.9
ay ako pa ang alagaan ninyo.
08:34.9
Palaging sumasakit ang likod at tuhod ko.
08:37.9
Hindi ko na kaya magtrabaho kahit sa bahay pa yan.
08:41.1
Malungkot na sabi ni tita baby.
08:44.2
Sayang naman tita.
08:46.5
Malaki pa naman magpasahod si Peter plus bonus at may benefits pa.
08:49.8
Nagbibigay pa yun ng 13th month pay kahit malayo pa ang Desember.
08:54.6
Turan ko.
08:56.3
Eh kahit na anong suhol mo ay hindi ko talaga kaya.
08:59.5
Kung gusto mo magtatanong-tanong ako sa mga kakilala ko.
09:03.1
Tatawagan kita kapag may nahanap na ako.
09:06.0
Ang sabi ni tita baby.
09:08.7
Ay sige gusto ko yan tita.
09:11.0
Basta siguraduhin mo na mabuting tao at mapagkakatiwalaan ang ibibigay mo sa akin ha.
09:16.6
Paniniguro ko.
09:17.3
Alam ka naman bigyan kita ng kriminal.
09:20.4
Siyempre iba background check ko.
09:22.7
Ang tugon niya sa akin.
09:25.5
Tatlong araw lang ang lumipas at tumawag ulit sa akin si tita baby.
09:30.1
May anak daw ang kumari niya.
09:32.3
Dalaga at masipag sa gawaing bahay.
09:35.5
Sanay rin na mag-alaga ng bata dahil maraming kapatid na maliliit.
09:40.3
Ang pangalan niya ay Sherica.
09:43.0
22 years old, mabait daw at tahimik na bata.
09:46.0
Mapagkakatiwalaan din.
09:48.8
Lahat ay siniguro ni tita baby.
09:51.5
Nakausap ko pa sa phone si Sherica May at napansin ko sa boses niya na mabait nga talaga siya papadudut.
09:58.1
Nang araw na yun ay sinabi ko na si Sherica ang kukunin ko.
10:03.3
Nagpadala ka agad ako ng pamasahe sa kanya para makaluwas na siya.
10:07.3
Pinag-usapan na rin namin ang magiging sahod niya at ang mga gagawin niya.
10:12.2
Mag-aalaga siya kay Anna at minsan ay tutulong sa akin.
10:16.0
Sa gawaing bahay.
10:18.4
Inamin sa akin ni Sherica na wala siyang alam sa syudad.
10:22.2
Kaya sana isunduin ko raw siya sa terminal ng bus.
10:25.6
Hindi rin daw siya nakakabasa at nakakasulat.
10:29.5
Sobra ako na awa sa kanya papadudut.
10:32.9
Sinabi ko sa aking sarili na kapag naging mabuti ang performance niya sa amin ay pag-aaralin ko siya.
10:38.5
Dumating na ang araw ng pagsundo ko kay Sherica sa bus terminal.
10:43.4
Ang mahirap pa nito ay walang dalang cellphone si Sherica.
10:46.0
Dahil hindi ito marunong gumamit.
10:50.0
Kinabahan na ako ng lagpas isang oras na sana ay naroon na si Sherica.
10:55.8
Waba na ako ng kotse na karga si Anna at hinanap si Sherica pero wala akong makitang talagang matangkad na payat at morena na may mahabang buhok.
11:05.0
Tinawagan ko si Tita Baby.
11:07.5
Kahit siya ay kinabahan dahil walang alam si Sherica sa syudad.
11:11.9
Baka raw kung saan na ito napunta.
11:14.1
Ang sabi ko ay huwag mag-aaralan.
11:16.0
Pag-alala dahil mag-i-stay pa ako ng ilang oras sa terminal at baka late na dumating yung bus na sinakya ni Sherica.
11:24.4
Dumilim na lahat ng bus na nagbabaan ng pasahero ay tinignan ko ang lahat ng buhababa pero wala akong nakitang babae na kagaya ng description na ibinigay ni Tita Baby.
11:36.6
Sa pagkakataon na yun ay narealize ko ang kahalagahan ng cellphone.
11:41.5
Kung meron sana noon si Sherica ay kanina ko pa siyang natawagan at nalaman kung nasa ano.
11:45.8
Nasa ang lupa-lup na ba siya?
11:48.4
Muli kong tinawagan si Tita Baby at sinabi ko na wala pa rin si Sherica.
11:53.5
Pinayuhan ko siyang huwag munang sabihin sa pamilya ni Sherica ang nangyari at baka magpanik ang mga ito.
12:00.0
Sabi ko bukas ay babalik ako sa bus terminal at magtatanong sa mga naroon kung nakita nila si Sherica.
12:08.0
Gumalik ako sa bahay na puno ng pangamba papadudut.
12:11.8
Maging si Peter ay nabahala din ang sabihin ko na nawawala yata.
12:15.8
Yung yaya na pinadala ni Tita Baby.
12:19.9
Kinabukasan ay sinamahan ako ni Peter na bumalik sa bus terminal.
12:24.2
Nagtanong-tanong kami sa mga tao na nagtatrabaho sa lugar na yon pero wala raw silang natatandaan
12:29.5
na may nakita silang babae na kagaya ng dinescribe ko sa kanila.
12:34.6
Nakonsensya na ako dahil kapag may nangyaring masama kay Sherica ay ako ang masisisi.
12:42.0
Ako kasi ang nagpalawa sa kanya.
12:44.3
Sabi ko pa kay Peter,
12:45.8
dapat pala ay sinundo ko na lamang si Sherica sa probinsya kahit na malayo.
12:50.6
Hindi pa naman ako mga nganak at kaya ko pa ang bumiyahin ng malayo.
12:55.4
Papasok na ang sasakyan namin sa gate ng subdivision na aming tinitirhan ng kawayang kami ng security guard
13:01.1
at sumenyas ito na huminturaw kami.
13:04.7
Sinabi ng guard sa amin na may isang babaeng naghahanap sa akin.
13:08.4
Pinapasok na raw nito at papunta na raw sa bahay namin.
13:12.9
Napapalakpak ako sa tuwa.
13:14.0
Dahil ang una kong naisip ay si Sherica ang babaeng yon.
13:18.1
Ibinigay ko kasi kay Tita Baby ang adres ng bahay ko at malamang ay ibinigay niya yon kay Sherica.
13:24.5
Pag umi namin ay nakita namin si Sherica na nakatayo sa tapat ng gate ng bahay.
13:29.7
Kung ano ang pagkakadescribe ni Tita Baby ay ganun nga ito sa personal.
13:35.4
Sa morena lang siya medyo nagkamali dahil mapusyaw naman pala ang kulay ng balat nito kahit papaano.
13:42.0
Nagpakilala ang babae na si Sherica.
13:44.0
Pinapasok na namin siya at formal kaming nagpakilala sa isa't isa.
13:49.8
Mahihain siya papadudut.
13:52.0
Kimi at madalas ay nakayoko.
13:54.5
At hindi makatingin ang diretsyo sa amin ni Peter.
13:57.9
Ipinakilala rin namin siya kay Ana at natuwa ako ng abuhatin nito si Ana.
14:03.2
Tuwang-tuwa si Sherica sa bata.
14:05.6
Mukhang maghiliw at totoong sanay na mag-alaga ng maliliit na bata.
14:11.6
Umingiran ako ng pasensya kay Sherica.
14:13.5
Dahil hindi ko siya nakita sa araw na dapat ay susunduin ko siya.
14:17.9
Ang sabi niya ay nawili siya sa mga sasakyan na nakikita.
14:22.3
Umanis daw siya saglit sa terminal ng bus at naglakad-lakad hanggang sa naligaw na siya.
14:28.0
Ipinakita pa niya ang papel kung saan ay nakasulat ang adres ng bahay namin.
14:32.5
Nagpahati daw siya sa taxi kaya nakarating siya sa aming bahay.
14:37.0
Tuwang-tuwa ako dahil safe si Sherica.
14:39.6
Masaya rin ako na magkakaroon ako ng katuwang sa pag-aalala.
14:43.5
Nag-alaga kay Ana at sa paggawa ng mga gawaing bahay kahit na ilang buwan lang.
14:49.1
Sa unang araw ni Sherica sa aming bahay ay nakatutok siya kay Ana.
14:55.2
Umuwi si Peter ng gabi at sinabi ko sa kanya na mukhang hindi nagkamali si Tita Baby sa pagpili ng taong magiging yaya ni Ana.
15:04.0
Maghiliw kasi talaga si Sherica sa bata papadudod.
15:08.1
Kapag umiiyak ang anak ko ay kayang-kayang niyang patahanin kaagad.
15:11.9
Sana'y siyang magtimpla ng gatas.
15:15.1
Hindi rin siya napapagod kahit na isang oras na yata niyang buhad si Ana.
15:20.5
Ang sabi ni Peter kapag nagtuloy-tuloy ang magandang gawain ni Sherica ay bibigyan niya kaagad ng increase sa sahod.
15:28.0
Sabi ko gusto kong pag-aralin si Sherica na sinangayuna ng aking asawa.
15:33.9
Isang linggo pa ang lumipas at nanatiling mahusay si Sherica sa kanyang pagiging yaya.
15:41.9
Ang gusto ko rin sa kanya ay meron siyang pagkukusa.
15:46.1
Hindi ko na siya kailangang utusan.
15:48.4
Kapag alam niya na kailangan niyang gawin ng ganito ay ginagawa na niya.
15:53.5
Kapag alam niya na kailangan ko ng tulong ay agad siyang tumutulong.
15:58.9
Sa mga araw na yun ay hindi na gaanong nakakauwi ng bahay si Peter.
16:04.1
Tumatawag na lamang siya sa akin kapag meron siyang oras upang kumustahin kami.
16:09.5
Perfect na sana si Sherica papadudod.
16:11.9
Bilang yaya.
16:13.6
Pero medyo na-bother ako sa pagiging sobrang mahihain niya.
16:18.2
Simula kasi nang dumating siya sa bahay ay hindi ko natandaan na tumingin siya ng diretsyo sa mukha ko lalo na sa mata ko.
16:27.3
Nung una sabi ko eh baka nahihiya pa.
16:30.0
Binigyan ko ng ilang araw pero ganun pa rin siya.
16:33.3
Siyempre makakasama ko siya ng ilang buwan kaya gusto ko na makaklow siya kahit napapaano.
16:40.5
Sherica pangit ba?
16:41.9
Hindi ba ako maganda?
16:45.3
Nakakatakot ba ang mukha ko?
16:47.5
Tanong ko kay Sherica habang kumakain kami ng almusal.
16:51.4
Hindi po ate maganda ka po.
16:54.4
Bakit mo naitanong yan ate Daisy?
16:56.9
Ang tugon niya.
16:59.2
Eh kasi bakit hindi mo ko tinitignan sa face ko?
17:03.0
Iniisip ko tuloy na mukha kong halimaw o bakulaw.
17:06.8
Natatakot ka siguro sa mukha ko.
17:09.2
Ang nakatawa kong tugon.
17:11.9
Mahihiyain po kasi talaga ako ate.
17:15.4
Hindi kasi ako sanay na makisalamuha sa ibang tao.
17:18.9
Pasensya ka na po ate.
17:20.8
Ang nakayuku niyang pahayag.
17:23.3
Joke lang ha.
17:24.7
Baka mas talo kang mahihiyad dahil sa sinabi ko.
17:27.7
Pero alam mo masipag kang bata saka maganda ka.
17:30.7
Puri ko kay Sherica.
17:33.0
Tinanggap ko na na ganun talaga ang ugali ni Sherica papadudut.
17:37.9
Siguro nga ay hindi na maaalis sa kanyang pagiging mahihain.
17:41.0
Saka hindi naman nakakaapekto sa trabaho niya ang ugali niya na yon.
17:45.9
Kaya sabi ko ay wala akong dapat na ipangamba.
17:49.8
Sa pagtungtong ko sa aking ikapitong buwan ng pagbubuntis ay doon na ako nakapansin ang mga bagay nakakaiba kay Sherica.
17:58.0
Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.
18:01.4
Yung hindi basta tingin kundi titig talaga papadudut.
18:04.7
Eh ang laki pa naman ang mata niya kaya medyo natatakot ako.
18:08.7
Kapag napapansin niya na nakatingin rin ako.
18:11.0
Sa kanya ay bigla siyang yuyuko o kaya ay aalis ng walang imig.
18:15.7
Minsan nga habang natutulog ako isang gabi ay naalimpungatan ako.
18:20.0
Napasigaw ako dahil may nakita akong tao na nakatayo sa gilid ng kama kung saan malapit si Ana.
18:25.8
Akala ko ay kung sino na.
18:28.1
Si Sherica lang pala.
18:29.9
Ang sabi niya sa akin ay parang narinig niya na umiiyak si Ana kaya pumasok siya sa kwarto ko nang walang pasabi.
18:37.1
Nagduda ako kung totoo ang sinabi niya.
18:39.4
Kung umiiyak kasi si Ana ay ako ang unang magigising at makakadinig.
18:44.9
Eh sobrang himbing nagtulog ni Ana sa tabi ko papadudut.
18:48.9
Napansin ko rin na parang siya na ang nanay ni Ana.
18:52.2
Halos ayaw niyang ipabuhad sakin ang anak ko.
18:55.6
Isang gabi bago ang hapunan ay nasa tapat ng pinto si Sherica at karga si Ana.
19:01.8
Sherica akin na si Ana at pakakainin ko na siya.
19:04.9
Ang sabi ko.
19:06.6
Kukunin ko sana si Ana sa kanya pero iniwas niya.
19:09.4
Ang bata.
19:10.7
Ako na ate.
19:12.7
Luto na ba yung pagkain ni baby?
19:14.9
Tanong niya.
19:16.7
Oo kaya nga sabi ko eh pakakainin ko na hindi ba?
19:21.0
Pakakainin ko ba nang hilaw yung anak ko?
19:24.0
Joke!
19:25.1
Ang pagbibiru kong sagot.
19:28.0
Akala ko ay tatawa si Sherica pero ang seryoso ng tingin niya sa akin papadudut.
19:33.3
Alam mo yung tingin ng isang napikon.
19:36.0
Ganoon ang tingin ni Sherica kaya medyo natakot ako.
19:39.4
Inayahan ko na lamang siya na magpakain sa anak ko.
19:42.2
Siguro ay attached na siya kay Ana kaya ganoon na siyang umasta.
19:46.9
Kasabay din ng kaganapang yun sa bahay ay nabulabog ang aming subdivision.
19:53.0
Kinatok na mga nanay na kapitbahay ko ang aming gate.
19:56.5
Hinakabahan ako noong una nang malaman ko na may kasama silang dalawang tanod.
20:01.0
Umagang umaga ay nambulabog sila sa akin.
20:04.3
Nang tanungin ko kung bakit ay nauna nang magsalita yung isang nanay kesa sa mga tanod.
20:09.4
Mag-ingat daw ako.
20:11.5
Ang akala ko ay may gumagalang magnanakaw o kung sinong kriminal sa lugar namin.
20:16.5
Yun pala ay may nakita raw silang malaking ibon sa bumong ng aming bahay noong isang gabi.
20:22.0
Ang sabi ko ay dapat ay sinabi nila sa DNR at baka Philippine Eagle.
20:27.3
Naku Daisy, hindi agila ang ibon na yun, kundi isang aswang.
20:31.8
Isang tik-tik.
20:33.5
Mag-ingat ka.
20:34.8
Buntis ka pa naman.
20:36.7
Mabango para sa mga tik-tik ang buntis.
20:39.4
Nanlalaki ang mga mata ang sabi ng isa kong kapitbahay.
20:43.8
Kahit naman po sa asawa ko ay mabango ako eh.
20:47.0
Tingnan nyo at nakadalawa na kami sa sobrang bango ko.
20:50.2
Nagbibero kong sabi.
20:52.6
Seryosohin mo kami Daisy.
20:54.7
Concern lang kami sayo.
20:56.6
Baka isang umagay makita ka na lang namin na nakabulagta sa talahiban at wakwak ng tiyan
21:01.4
ang pananakot pa ng kapitbahay kong tismosa.
21:06.1
Grabe sila sa wakwak ang tiyan, Papa Dudut.
21:09.4
Tuwari ay naniwala ako sa kanila at sinabi ko na mag-iingat ako.
21:14.1
Nag-advise pa sila sa akin na maglagay ako ng asin sa bintana ng aking kwarto.
21:19.4
Magsaboy din daw ako ng asin sa may tapat ng bahay ko.
21:23.0
At kung kaya ko ay sa bubong na rin.
21:26.9
Magpabila raw ako ng buntot ng pagi sa asawa ko at itabi sa pagtulog.
21:31.7
Ang mga yon daw ang mabisang pagtaboy sa aswang o kaya ay tik-tik.
21:37.8
Lumaki man ako sa probinsya.
21:39.4
Ay hindi ako naniniwala sa aswang kaya hindi ko sinunod ang mga sinabi ng aking mga kapitbahay.
21:45.8
Sabi ko pa nga eh kapag malaking ibon ay aswang kaagad.
21:49.6
Kahit may tismis na meron daw tik-tik sa aming subdivision ay pinagkibitbalikat ko lamang yon.
21:56.3
Para kasi sa akin ay tatakuting ko lang ang sarili ko kung maniniwala ako.
22:01.6
Inisa-isa na mga tanod at mga tismosa ang lahat ng buntis sa aming lugar para bigyan ng babala.
22:07.1
Maging ang mga bata ay hindi na pinalabas kapag madilim na.
22:12.0
Parang sunog na kumalat ng mabilis ang kwento tungkol sa tik-tik.
22:16.8
Marami ang natakot lalo na yung mga umuwi ng gabi o madaling araw.
22:21.5
Nag-sart na rin kumalat ang mga kwento na hindi kapanipaniwala.
22:26.6
May natagpuan daw na bata sa talahiba na walang lamang loob.
22:31.4
Wala namang makapagpakita ng litrato o pinangyarihan ng krimen.
22:35.5
Kahit pulis nga ay wala akong nakitang nagpunta sa talahibang parte ng subdivision.
22:42.1
Mas lalo tuloy akong napailing sa husay na gumawa ng kwento ng mga tao.
22:47.7
Inopen ko kay Sherry ka ang kumakalat na chismis at kahit siya ay tinawanan lamang yon.
22:53.5
Siya na mismo nagsabi na kahit simula bata ay nasa probinsya na siya ay hindi pa siya nakakita ng aswang.
23:00.4
May mga ganong kwento rin daw sa lugar nila pero lahat ay walang matibay na patunay.
23:05.5
Pero salita lang daw mula sa mga taong ang trip sa buhay ay gumawa ng kwento para katakutan ng marami.
23:14.3
Sabi pa ni Sherry ka, huwag daw ako mag-alala kung sakaling totoo nga yung tik-tik dahil naroon naman daw siya.
23:21.7
Handa raw siyang ipagtanggol ako sa tik-tik kung umatake yon.
23:26.3
O hindi ba feeling superhero siya papadudut?
23:29.3
Hindi ko seryoso ang mga babala ng aking kalugar dahil sa hindi ako naniniwala.
23:35.5
Mapaya pa pa rin akong nakakatulog sa gabi.
23:40.6
Siguro kung naniniwala ako sa kanila ay hindi ako makakatulog sa sobrang pagkapraning na baka may makita akong dilang lumalawit mula sa bubong para kunin ang baby sa aking tiyan.
23:52.8
Dasalang sa itaas ay sapat na sakin para makampanti ako na walang masamang mangyayari sakin habang ako ay natutulog.
24:02.4
Nang minsang umuwi si Peter sa bahay ay kinuwala ako.
24:05.5
Pagkawento ko sa kanya ang kumakalat na balita sa lugar namin tungkol sa tik-tik.
24:11.9
Mag-iingat kayo ni Sherry ka asawa ko lalo na ikaw.
24:15.9
Buntis ka pa naman.
24:17.7
Alam mo ba na gusto ng mga tik-tik ang buntis dahil sa baby na nasa tiyan nila?
24:23.0
Ang tura ni Peter after kong magkwento.
24:26.7
Natawa ako sa mga sinabi ng aking asawa.
24:30.7
Hindi ko inaasahan na sa aming dalawa ay siya pa ang naniniwala sa ganon.
24:35.5
Laking syudad kasi siya at ako ay sa probinsya.
24:39.9
Asawa ko chismis lang ngayon at hindi totoo.
24:42.9
Ang totoong aswang ay yung mga chismosa na walang ginawa kundi ang gumawa ng kwento para matakot ang mga tao.
24:49.5
Ang sabi ko pa sa kanya.
24:52.3
Walang masama kung maniniwala tayo.
24:54.7
Kahit nga yung garde pagpasok ko ay sinabing may nagpunta na reporter dito para mag-interview tungkol sa tik-tik.
25:01.2
Sambit pa ni Peter.
25:03.1
Hindi na ako nagsalita pa at ayaw ko makipagtapos.
25:05.5
Talos sa aking asawa.
25:07.3
Baka pagmulan pa yun ang aming pag-aaway.
25:10.3
Ang pangit naman na dahil sa magkaiba kami ng paniniwala kung totoo o hindi ang aswang ay mag-aaway kami, hindi ba?
25:18.3
Para hindi ako masyado maapektuhan ng mga kwento-kwento sa labas ay hindi na ako tumatambay sa labas.
25:24.5
Kapag alam kong naguumpuka ng mga chismosa sa labas.
25:28.6
Yun nga lang dahil sa palagi akong nasa loob ng bahay ay mas napupun ako.
25:33.5
Ang mga kakaibang kilos ng aming chismosa.
25:35.5
Ang mga kakaibang kilos ng aming yaya na si Sherika.
25:37.9
Isang gabi habang nasa ibaba ako at nanonood ng favorite kong soap opera,
25:43.0
ay naghulat ako at kinabahan nang marinig ko ang malakas na pag-iyak ni Ana sa itaas ng aking kwarto.
25:49.4
Ang naisip ko ay baka nahulog siya sa kama pero imposible dahil kasama ng anak ko roon si Sherika.
25:55.8
Pinapatulog na niya kasi si Ana.
25:58.1
Kahit nasa magandang eksena na ang aking pinapanood ay tumakbo ako papunta sa kwarto
26:02.4
at nakita ko si Sherika nabuhad si Ana.
26:05.5
Hinihiheli niya ang aking anak at pilit na pinapahinto sa pag-iyak.
26:11.7
Nagalala akong kinuha si Ana sa kanyang yaya.
26:14.8
Grabe kasi yung iyak ng anak ko.
26:18.5
Iyak na parang nasaktan siya ng sobra.
26:22.1
Tinanong ko si Sherika kung bakit umiiyak si Ana.
26:25.7
Natatakot niyang sinabi sa akin na naglalaro sila ni Ana tapos ay bigla raw siyang nangigil.
26:31.5
Hindi niya raw sinasadyang nakagat si Ana sa kaliwang binte.
26:36.4
Doon ko tinignan ang binte ng anak ko at napaiyak ako dahil sa lalim ng kagat ni Sherika.
26:42.0
Hindi dumugo pero kita ko mula sa marka ng ngipe na sobrang diin ng pagkakakagat ni Sherika doon.
26:48.7
Ate sorry, nakakagigil kasi si Ana.
26:52.9
Hindi ko na po uulitin.
26:55.0
Iyang hiya na paghingin ang tawad ni Sherika.
26:58.8
Please Sherika, huwag mo nang uulitin ha.
27:02.2
Alam mo na na manipis ang balat ng baby.
27:04.1
Buti hindi bumangon ng ngipin mo.
27:07.6
Patuloy ako sa pagluha dahil sa awa sa aking anak.
27:11.7
Hindi ko mapagalita ng husto si Sherika dahil iniisip ko na hindi niya sinasadya.
27:17.4
Out of giggle kaya niya kinagat si Ana.
27:20.3
Pinagpahinga ko muna si Sherika dahil medyo natakot ako sa ginawa niya sa anak ko.
27:25.8
Ako na ang tumabi kay Ana para magpatulog.
27:28.8
Bago ko patulugin si Ana ay kinausap ko siya.
27:32.3
Naka isang taon na siya.
27:33.7
Kaya kahit pa paano ay nakapagsasalita na.
27:37.1
Sa pabulol-bulol na pagsasalita yung sinabi ni Ana sa akin na kinagat nga raw siya ni Sherika.
27:44.0
Namuestra pa siya na para siyang halimaw o aswang.
27:47.9
Basta pinatapag ni Ana ang mukha na para siyang halimaw na mananakmal ng tao.
27:54.5
Ang naisip ko ay baka naglalaro ng aswang-asuangan ng dalawa.
27:58.7
Simula ng insidente na kinagat ni Sherika si Ana ay mas naging mapagmatsyag ako.
28:03.7
Sa kanya, lalo na kapag inaalagaan at binabantayan niya si Ana.
28:09.2
Sinisiguro ko na hindi na maulit ang ginawang yon ni Sherika.
28:13.6
At baka hindi ko nagustuhin ang magiging aksyon ko.
28:17.4
Baka bigla akong makapagsalita ng hindi maganda at pabalikin ko na lamang siya sa kanilang probinsya.
28:24.5
Hindi pa rin pala natapos ang isyo ng tik-tik sa aming subdivision, Papa Dudut.
28:30.2
Lumala na ng lumala ang mga kwentong kumakalat.
28:33.7
May isang buntis daw na muntik ng mabiktima.
28:37.4
Nakita raw ng buntis na nakasilip sa bintana yung tik-tik na namumula ang mga mata.
28:45.0
Sabi ko ay baka adik yon at hindi tik-tik.
28:48.1
May narinig din ako na isang bata raw ang hinabol ng tik-tik.
28:53.1
Kuntodo kwento pa yung bata na malaking ibo nang humabol sa kanya.
28:58.2
Buti raw at may nakakita sa bata at sandaling pinatuloy sa bahay hanggang sa nawala.
29:03.7
Wala na yung tik-tik.
29:05.8
Nagdaka ko kung bakit sa syudad boom na boom ang ganong kwento.
29:10.2
Tapos patuloy pang pinapaniwalaan kahit na walang sapat na ebidensya.
29:15.7
Isang gabing habang tulog ako ay may narinig akong may bumagsak sa bubong ng bahay.
29:21.0
Feeling ko ay may bumato pero nagdaka ako nang nasundan nyo ng kaluskos
29:25.9
at tunog na parang kinakahig ng isang manok ang bubong ng aking bahay.
29:31.5
Iniisip ko na mga pusa.
29:33.7
Nang naglalambingan kaya hindi ko pinansin.
29:38.1
Nang magpatuloy ang pagkahig ay sinagawang ko na ang mga pusa.
29:43.2
Tumigil naman sila pero lumipat ang pagkahig sa bintana ng aking kwarto.
29:49.1
Doon ako kinabahan dahil imposible na lumipat ang mga pusa sa may labas ng aking bintana.
29:54.5
Wala naman silang lahing Spider-Man.
29:57.3
Hindi ako makagalaw habang nakatingin sa bintana papadudut.
30:01.6
Nanlamig ang talampakan ko at nagulat.
30:03.7
Nagulat ako ng isang malakas na hampa sa bintana ang nangyari.
30:07.8
Para bang may gustong pumasok tapos sinagalit siya kasi hindi niya mabuksan yung bintana.
30:14.6
Takot na takot ako papadudut.
30:16.9
Naisip ko na baka merong akit bahay.
30:19.7
Buti sana kung ako lang ang naroon e may kasama akong baby.
30:24.4
Nakiramdam ako at tumigil ang ingay mula sa bintana makalipas ang ilang minuto.
30:29.3
Naghintay pa ako ng matagal bago ako nag-decide na muaba ng kama
30:33.3
at lumipad sa bintana at dala ang isang baseball bat.
30:37.7
Merong kasing yun sa ilalim ng kama in case of emergency.
30:42.1
Binuksan ko ang bintana ng maliit at sumilip.
30:46.0
Talagang napasigaw ako sa takot.
30:48.8
Nang may makita akong pulang mga mata na nakasilip din sa awang ng bintana.
30:54.7
Biglang lumayo ang nagmamayari ng mga pulang mata.
30:58.5
Hindi ako maaaring maggamali sa mga nakita ko.
31:02.4
Lumipad siya na papadudut.
31:03.3
Parang isang napakalaking ibon.
31:06.3
Isanarado ko ang bintana at napatakbo sa kama.
31:09.7
Yakap ko si Anna na nagising sa aking pagsigaw.
31:13.5
Paulit-ulit akong nagdasal.
31:15.8
Panay din ang tawag ko kay Sherry ka pero hindi siya dumating.
31:19.4
Siguro ay mahimbing ang tulog.
31:21.9
Ang ginawa ko ay tinawagan ko si Peter kahit sobrang late na.
31:25.9
Napa-uwi tuloy ang asawa ko nang wala sa ora sa sobrang pag-aalala niya sa amin.
31:31.3
Binulabog niya mga tanod at nireport.
31:33.3
Ang nangyari sa bahay.
31:35.0
Ang sabi nila ay baka raw tik-tik ang nakita ko.
31:38.6
Gusto ko sanang salungatin ang sinabi nila pero paano ko ipapaliwanag na hindi tik-tik ang nakita ko sa bintana ng gabing yon.
31:46.9
Meron bang adik na may pulang mata tapos ay lumilipad?
31:50.5
Walang ganon.
31:52.3
Pinabantayan ni Kapitan sa dalawang tanod ng aming bahay ng ilang araw at nang hindi na bumalik ang tik-tik at kung anumang nila lang yon ay huminto na rin sila sa pagbabantay.
32:01.4
Nasaanay na rin ang mga tanod.
32:02.1
Nasaanay na rin ang mga tanod.
32:02.2
Nasaanay na rin ang mga tanod.
32:02.2
Nasaanay na rin ako na mag-lock ng mga pinto at bintana ng maaga.
32:06.9
Kung noon papadudut ay hindi ako naniniwala sa power of asin na sinasabi ng aking mga kapitbahay ay bigla akong naniwala.
32:16.4
Naglagay na ako ng asin sa bintana ng aking kwarto at bago ako mag-lock ng pinto ay nagsasaboy ako ng asin sa labas.
32:24.6
Ibinili na rin ako ni Peter ng buntot ng pagi.
32:27.7
Not just one but two buntot ng pagi.
32:29.9
Hindi na gustuhan ni Sherry ka ang ginawa kong yon. Parang iritang-irita siya pero hindi niya masabi sa akin ng diretsyo.
32:37.7
Ate, akala ko ba hindi ka naniniwala sa tik-tik? Bakit nagsasaboy ka ng asin ngayon? Ang tanong ni Sherry ka.
32:47.0
Sa nakita ko sa bintana noon ay naniniwala na ako. Nakakatakot ang pula ng mata niya tapos dumilipad pa.
32:54.2
Kinilabutan ako nang maalala ko ang itsura ng nakita ko dati sa may bintana.
32:59.9
Naku ate, baka namamalik mata ka lang. Sabi mo nga eh bagong gising ka. Kapag ganun kung ano-anong nakikita natin hindi ba, turan pa niya.
33:10.9
Hayaan mo na. Walang mawawala kung maniniwala tayo.
33:14.9
Saka si Kuya Peter mo na nagsabi nito kaya sundin na lang natin. Giit ko pa.
33:20.5
Kahit kailan ay hindi ako sinamahan ni Sherry ka sa pagsasaboy ng asin.
33:25.2
Ayaw niya talaga yung gawin at iginalang ko ang paniniwala niya.
33:28.8
Kung hindi siya naniniwala sa tik-tik ay walang problema sakin.
33:33.9
Sa ikawalong buwan ng aking pagbubuntis ay mas naging weird si Sherry ka.
33:38.9
Madalas ay nahuhuli ko siyang pumapasok sa kwarto ko kapag tulog ako.
33:43.5
Palagi kasi akong inaantok kapag tanghali hanggang hapon.
33:47.5
Kaya tulog ako kapag ganung oras.
33:50.4
Minsan maalim pungatan ako na nakatanghod siya sakin.
33:54.2
Kapag tinatanong ko kung bakit siya nasa kwarto ko ay ngingiti lamang siya na parang nakatanghod.
33:58.8
Nakakaloko at lalabas ng walang imig.
34:02.7
Kapag may chance ay bigla na lang din na tatabi si Sherry ka sakin at hihimasin ang chan ko.
34:08.5
Nung una ay hinahayaan ko siya at baka natutuwa lamang.
34:12.1
Pinapakinggan din niya ang paggalaw at pagsipa ng baby sa aking chan.
34:16.6
Pagkatapos ay ngingiti siya ng malaki.
34:19.4
Sasabihin pa niya na naaamoy niya yung baby ko.
34:22.8
Malapit na raw lumabas.
34:25.1
Siguro daw ay sobrang taba ng baby ko papadudut.
34:28.0
Bilog na bilog daw kasi ang chan ko.
34:31.1
Ang lakiraw at parang ang sarap paputukin na parang lobo.
34:35.4
Tapos kapag sinasabi niya yun sakin ay nalalaki lalo ang mata niya.
34:40.0
Iniisip ko palagi na nagbibiru lang si Sherry ka.
34:43.5
Sabi ko sa akin sarili na dapat ay matuwa ko dahil nagbibiru na si Sherry ka sakin.
34:49.0
Ibig sabihin ay komportable na siya sakin kahit papaano kaya hinahayaan ko na lamang siya sa mga ginagawa niya ngayon sakin.
34:56.3
Baka natutuwa lang talaga yun.
34:58.0
May araw na naisipan kong pumasok sa kwarto ni Sherry ka nang hindi ko alam.
35:09.2
Curious lamang ako sa itsura ng kwarto niya dahil simula nang dumating siya ay hindi ko yun napasok.
35:16.7
Sakto na naliligo siya sa ibaba kaya nakapasok ako nang hindi niya alam.
35:22.2
Tinignan ko ang mga damit niya at kakaunti lang inangad ko ang kama at may nakita akong mga tuyong dama.
35:28.0
May mga kahon at maliliit na sanga na hindi ko alam kung para saan.
35:32.2
Meron din pala siyang isang bote ng langis na may nakababad na kahoy at lubid.
35:37.4
Ang akala ko ay hindi malalaman ni Sherry ka na pumasok ako sa kwarto niya pero isang araw ay bigla niyang sinabi sa akin na sa susunod daw kapag mapasok ako sa kwarto niya ay magsabi ako sa kanya.
35:50.5
Napamanga ko kasi two days after kong pumasok sa kwarto niya yun sinabi sa akin.
35:56.1
Napa-okay na lamang ako sa aking pagkakataon.
35:58.0
Isang araw ay nag-aalala ako kay Sherry ka.
36:03.4
Nagising kasi siya na sobrang init.
36:06.3
Ang taas ng lagdat niya at nagduduwal siya.
36:09.5
Bukod sa nag-aalala ko sa kanya ay nag-aalala rin ako para sa sarili ko at kay Anna.
36:15.0
Baka kasi kung ano na ang nangyayari sa kanya at baka mahawa kami.
36:19.3
Paranoid na akong paranoid pero siyempre nanay ako at ayokong magsisi sa huli kapag si Anna o ako naman ang nagkasakit.
36:28.0
Nag-offer ako kay Anna na dalhin siya sa ospital pero ayaw niya.
36:32.5
Hindi ko siya napilit kaya ang sabi ko ay huwag na muna siyang kumilos.
36:37.3
Magpahinga na lamang siya sa kwarto niya.
36:40.2
Binigyan ko siya ng gamot at pinagluto ng sopas para sa hapunan niya.
36:45.3
Gusto mo ba nasubuan kita?
36:47.5
Kaya mo bang kumain mag-isa?
36:49.7
Ang nag-aalala kong tanong.
36:52.5
Kaya ko ate kung pwede ay iwanan mo na ako.
36:56.9
Aniya na nanghihiya.
36:58.0
Nanghihina ang boses.
37:00.4
Ayaw ko sanang iwanan siya papadudod kahit sinabi niyang okay siya ay hindi ko makita na okay siya.
37:06.9
Pawis na pawis ang muka at pagod na pagod.
37:10.0
Ang nakakatakot pa ay dumuduwal siya na para siyang uwak tapos ay puro malapot na laway ang lumalaba sa bibig niya.
37:17.9
The next morning pagpasok ko sa kwarto niya ay wala siya.
37:21.7
Hindi rin nagalawang sopas at gamot na dinala ko nung isang gabi.
37:26.3
Nakabukas pa ang bintana.
37:28.0
Nag-alala ko dahil baka kung saan nagpunta si Sherika.
37:31.9
Hindi siya lumalabas ng bahay kaya alam kong hindi niya kabisado ang subdivision.
37:36.7
Baka naligaw na siya o kung saan na napunta.
37:40.2
Tatawag na sana ako sa guard kung may nakakita kay Sherika.
37:43.8
Dahil hindi kilala ng guard si Sherika ay dinescribe ko na lamang sa kanya.
37:48.9
Wala raw siyang napansin ang babaeng dumaan o lumabas ng gate.
37:52.9
Ipapacheck niya raw sa CCTV at baka hindi niya lang nakita.
37:56.2
Nang araw din yon ay pumutok ang isang balita na may nakita raw na bangkay ng babae sa talahiban.
38:04.1
Sa pangamba ko na baka si Sherika yon ay pumunta ko.
38:08.1
Dahil walang magbabantay kay Ana ay binitbit ko siya.
38:11.3
Kahit paano ay nakahinga ko ng maluwag nang makumpirma kung hindi yon ang yaya ng aking anak.
38:17.1
Kalunos-lunos ang nangyari sa bangkay Papa Dudut.
38:20.7
Parang galit na galit yung may gawa dahil labas ang lamang loob nito at maraming kalmot ng katawan.
38:26.2
Narinig ko sa mga polis na baka nang laban ang biktima sa responsable sa krimen kaya maraming kalmot.
38:33.2
Tinakpang ko na lamang ang mata ni Ana nang sumilip ako dahil ayokong makakita ng ganong senaryo ang anak ko.
38:39.5
Lalo na at bata pa lamang siya.
38:42.3
Ganon pa man ay umuwi ako sa bahay na malungkot dahil wala pa rin si Sherika.
38:47.1
Sobrang imposible na naglaya siya dahil masama ang pakiramdam niya.
38:52.0
Kung lumayas naman siya ay bakit niya yon gagawin?
38:54.9
Hindi ko natandaan na naging malupit ako sa kanya Papa Dudut.
39:00.3
Naging palaisipan tuloy sa akin ang ginawa ni Sherika.
39:04.3
Sinabi ko kaagad yon kay Peter at ang sabi niya ay palipasin ko muna ang 24 oras.
39:10.6
Kapag daw hindi pa rin bumalik si Sherika, sa loob ng 24 oras ay saka akong magreport sa polis na nawawala ang aming yaya.
39:19.8
Yun na yata ang pinakamahabang 24 oras sa buong buhay ko.
39:23.7
Panay ang pinakamahabang 24 oras.
39:24.9
Nagdasal ko na sana ay okay lang si Sherika at sana ay bigla na lamang siyang bumulaga sa bahay.
39:31.2
Ngunit hindi yon nangyari kaya kinailangan na naming magreport sa polis.
39:36.2
Natakot ako na sabihin kay Tita Baby na nawala si Sherika.
39:40.1
Ang nasa utak ko kasi ay makikita rin naman siya kaya hindi ko na kailangang ipaalam sa kanya.
39:46.1
Natakot din ako kasi na masisi ng pamilya ni Sherika dahil nasa poder ko ito nang nawala.
39:52.8
After 3 days,
39:54.9
nang mawala si Sherika ay saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob
39:58.6
para sabihin kay Tita Baby ang katotohanan.
40:02.5
Akala ko ay si Tita Baby ang magugulat pero hindi pala kundi ako.
40:07.1
Grabe ang gulat ko nang sabihin ni Tita Baby na wala raw akong dapat na ipagalala dahil nakauwi na si Sherika sa pamilya nito.
40:15.0
Ang nakakawindang pa ang sabi ni Tita Baby ay matagal na raw na nakauwi si Sherika.
40:19.9
Sa pagkakalam daw niya ay lagpas na 1 week na.
40:22.9
Eh 3 days pa lang naman.
40:24.9
Na nawawala si Sherika.
40:27.1
Ang kwento raw ni Sherika ay nagpalaboy-laboy ito sa syudad hanggang sa may nagmagandang loob na ihati dito pa uwi matapos ang ilang buwan nitong tumira sa lansangan.
40:37.6
May nambudol daw kay Sherika na isang babae.
40:41.1
Parang sinabi ni Sherika na hindi kami nagkita at hindi siya naging yaya ng aking anak.
40:47.6
Lumalabas tuloy na ako ang masama.
40:50.1
Wala kong ideya kung bakit ganon ang naging kwento ni Sherika sa pamilya niya.
40:54.9
Papadudut, naisip ko rin na baka hindi si Sherika ang yaya na dumating sa bahay at ibang tao yon na nagpanggap na siya.
41:02.4
Pwede rin na ang tik-tik na umaatake sa aming subdivision ay ang taong pinatuloy ko sa aking bahay kasi simula nang mawala siya sa bahay ay namatay na rin ang kwento tungkol sa tik-tik.
41:13.9
Ang mga yon ay nasa utak ko lamang at hindi ako sure kung totoo dahil hindi ko naman nakausap si Sherika.
41:20.2
Nagpadala na lamang ako ng tulong sa pamilya niya.
41:23.5
Pero kapag naisip ko, hindi ako sure kung totoo dahil hindi ko naman nakausap si Sherika.
41:24.9
Naisip ko yung mga moment na inalagaan ng yaya na yon ang anak ko at inihimas niya ang tiyan ko ay hindi ko maiwasang kilabutan papadudut.
41:34.4
Lalo na kapag naiisip ko na baka hindi yon si Sherika at isa yung tik-tik.
41:40.7
Safe naman ang naging delivery ng second baby namin ni Peter.
41:44.7
Pinilit ko na lamang ang nanay ko na samahan ako sa bahay kahit medyo matanda na siya.
41:50.6
Kinapalang ko na ang mukha ko na abalahin siya.
41:53.9
Tapos nag-stop muna si Peter sa pagtanggap ng projects para personal niya akong maalagaan after kong mangana.
42:02.1
Hindi na kasi siya nagtitiwala sa pagpapaalaga sa akin at kay Ana sa ibang tao.
42:07.3
Kahit siya ay natakot sa teorya na baka hindi si Sherika ang yaya na nakasama namin noon.
42:13.5
Hindi bali na raw na walang kita basta iligtas ako at ang dalawa naming ana.
42:19.3
Hindi na nagkaroon ng kasagutan ang mga tanong ko papadudut.
42:22.4
Kinalimutan ko na rin kasi yon at nagpasalamat na lamang sa Diyos
42:26.2
na walang masamang nangyari sa aming pamilya habang kasama ang yaya na yon.
42:32.6
Ganun pa man ay nakakatakot pa rin sa tuwing iniisip ko
42:35.9
at binabalikan kagayang na lamang ngayon na sinusulat ko pa ang kwentong yon para ipadala sa programa mo sa YouTube.
42:46.1
Lubos na gumagalang
42:47.8
Daisy
42:50.3
Sa panahon ngayon ay sadyang mahirap magtulog.
42:52.4
Pagkakatiwala sa isang islanghero lalo na kung ito ay patutuloyin natin sa ating tahanan.
42:58.6
Lalo na kung ang buhay ng mga mahal natin sa buhay ang hahawakan ng taong ito.
43:05.0
Igit na kung ipagkakatiwala natin sa bagong kakilala ang isang sanggol o bata na wala ang kakayanan na ipagtanggol ang kanyang sarili.
43:13.3
Hindi po masama na mas maging mahigpit tayo na mag-usisa sa pagkatao at kredibilidad ng taong pagbibigyan natin ang ating tiwala
43:22.0
kesa magsisi tayo sa bandang huli.
43:25.0
Dahil sa panahon natin ngayon,
43:27.6
maaaring sa likod ng maamo na muka ng isang tao ay nakatagong isang halimaw
43:32.2
na nag-aabang ng magandang tsyempo upang tayo ay sakmalin.
43:39.8
Hanggang sa muli mga ka-online,
43:42.9
ako po ang inyong si Papa Dudut.
43:44.7
Huwag kalimutan na mag-like, share and subscribe kung nagustuhan po ninyo ang storyang ito.
43:52.0
Tapin din po ang Papa Dudut Vlogs.
43:54.6
Yan po ang inyong itatype sa inyong mga YouTube,
43:57.4
ang Papa Dudut Vlogs.
44:00.8
Maraming maraming salamat po.
44:02.5
Ang buhay ay mahihwaga
44:08.8
Laging may lungkot at saya
44:15.0
Sa Papa Dudut Stories
44:21.0
Laging may karamay ka
44:25.0
Mga problemang kaibigan
44:34.4
Dito ay pakikinggan ka
44:41.3
Sa papadudud stories
44:46.4
Kami ay iyong kasama
44:50.6
Dito sa papadudud stories
44:58.4
Ikaw ay hindi nag-iisa
45:02.9
Dito sa papadudud stories
45:11.4
May nagmamahal sa'yo
45:16.2
Papadudud stories
45:20.6
Papadudud stories
45:24.6
Papadudud stories
45:32.6
Papadudud stories