Close
 


ETO NA ANG TAON NI DRAGON!! | One Piece Tagalog Analysis
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Chapter 1104 Episode 1089
EneruReview PH
  Mute  
Run time: 09:07
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Alam naman nating lahat na ang 2024 ay Year of the Dragon, at coincidentally nga na may isang karakter sa One Piece na napaka-misteryoso, at ang pangalan nga rin niya ay Dragon.
00:12.7
Kaya naman sa video nga na to e wala tayong ibang pag-uusapan kundi itong isa sa pinakamalalakas na karakter sa One Piece na si Monkey D. Dragon.
00:22.9
Aalamin nga natin ang mas malalim itong karakter niya at kung ano ba ang possible niyang magiging role sa hinaharap.
00:29.7
Ito na ba ang taon na makikita natin ang kakayanan niya? Ito na ba ang Year of the Dragon?
00:36.5
So para umpisahan nga itong topic natin e balikan natin itong konting history ni Dragon.
00:42.2
Ang earliest information nga na alam natin kay Dragon e ipinanganak daw siya sa Goa Kingdom.
00:48.8
Later on nga e pagtungtong niya ng teenage years niya e sumunod daw siya sa yapak ng tatay niyang si Garp at pumasok sa Marines.
00:57.1
Pero dahil nga sa nakita ni Dragon na ang
00:59.7
Hustisya sa Marines e hindi naaabot ng mga may hinang sibilyan e napagpasyahan nga niyang umalis na dito.
01:07.1
Pagkaalis nga ni Dragon sa Marines around 25 years ago e dito na nga niya naisipan na gumawa ng sariling grupo niya.
01:15.2
At ito nga e tinatawag niyang Freedom Fighters kung saan e ang goal nga ng grupo na to e iliberate ang may hinang kingdom laban sa mga mapang abuso nilang pamahalaan.
01:26.4
So all throughout the years nga e ginagawa ito ni Dragon.
01:29.7
Dragon kasama itong naging kanang kamay niya na si Ivankov hanggang sa dumating nga ang Uhara Incident 22 years ago.
01:38.1
Sa event nga na to mas namulat si Dragon sa kasamaan ng World Government since yung kaibigan nga niya na si Professor Clover e kasama mismo sa naging biktima ng massacre na ginawa sa Uhara.
01:50.4
Kaya naman binisita nga niya itong lugar na to kung saan e dito naman niya makikilala si Dr. Vegapunk.
01:57.5
Diniklara nga ni Dragon kay Vegapunk.
01:59.7
At nababaguhin daw niya ang mundo.
02:02.1
Bubuo nga daw siya ng army natatapos sa kasamaan ng mga Celestial Dragons at ng World Government.
02:08.9
Which is nangyari naman.
02:10.6
Dahil in the same year nga 22 years ago months after ng pangyayaring Uhara Incident e sumugod nga itong Freedom Fighters sa Sorbet Kingdom.
02:20.3
Pinatalsik nga nila yung mapang abusong hari dito na si King Vekuri.
02:24.5
At nirecruit nila itong dalawang kaibigan ni Ivankov na si Lajini.
02:29.7
At Kuma.
02:30.8
Simula nga dito e napalitan na itong grupo nila mula Freedom Fighters hanggang sa kilala na natin ngayon na Revolutionary Army.
02:39.5
At the rest is history na.
02:41.8
Ngayon e mapunta naman tayo sa karakter ni Dragon.
02:45.4
Gaya nga nang sinabi ko sa mga past videos natin e itong si Dragon nga ang kasalungat nila Garp at Luffy.
02:52.7
Bakit?
02:53.1
Dahil kung sila Luffy at Garp nga e mga hindi nag-iisip kapag gumagalaw sila.
02:58.4
O hindi nila iniintel.
02:59.7
Hindi ang konsekwens ng mga aksyon nila.
03:02.5
Gaya nang pagsuntok ni Luffy sa isang Celestial Dragon.
03:06.0
O itong agarang pagsugod ni Garp sa Hachinosu.
03:09.4
E itong si Dragon nga e kabaliktaran.
03:12.1
Lagi nga niyang iniisip kung ano ang magiging impact ng gagawin niya.
03:16.7
Gaya nang pag-atake sa kanila ng Blackbeard Pirates.
03:20.3
Na imbes na lumaban sila e umiwas na lang sila.
03:23.6
Since alam nga ni Dragon na hindi ito yung goal nila.
03:27.3
At wala nga ang sense para sa kanya na lababan.
03:29.7
Ang mga ito.
03:31.2
Since may mamamatay nga lang sa grupo niya.
03:33.8
At mawawalan pa siya ng resources.
03:36.4
Kaya naman imbes nga na makipagkumpetensya at makipagpataasan ng pride sa Blackbeard Pirates.
03:42.2
E umiwas na lang siya.
03:43.8
Dahil ang main goal naman talaga nila e ang pabagsakin ang world government.
03:48.3
Sa part naman ng Devil Fruit ni Dragon.
03:50.4
E alam ko na marami nang nagsasabi na ito nga daw e isang Lugia type na Devil Fruit.
03:55.6
Which is yung Wind Wind Fruit.
03:57.3
Pero para sa akin nga.
03:58.5
E hindi lang naman Wind ang naipakita niyang kakayanan sa atin.
04:02.4
Diba?
04:03.1
During Lugtown Arc nga e nakita natin na kaya rin niyang gumamit ng Kidlat.
04:07.7
Kaya naman na i-assume na isang Mythical Zoan type na Devil Fruit itong taglay ni Dragon.
04:13.2
Kumbaga similar kay Kaido e pwede nga isa lang sa elemental attacks ni Dragon itong ipinakita niya sa atin.
04:20.3
Dahil itong si Kaido nga e although Mythical Zoan itong Devil Fruit niya.
04:24.4
E naipamalas nga niya sa atin itong ilan sa elemental attacks niya.
04:28.5
Gaya ng pagbuga ng hangin, pagbuga ng apoy, at syempre itong paggamit niya ng thunder.
04:35.2
So kung ano nga exactly itong Devil Fruit ni Dragon e gagawa na lang natin niya ng separate video.
04:41.2
Ngayon e mapunta naman tayo sa magiging future role ni Dragon.
04:45.2
O ano kaya ang magiging ambag niya para sa Final War.
04:49.2
As we all know e every time nga na may arc na related sa kingdom o hari e laging nga may nagre-revolusyon.
04:56.2
Malamang e hindi nyo ito gaano napapakita.
04:58.2
O hindi nyo napapansin.
04:59.2
Since hindi nga ito ine-emphasize ng mabuti ni Oda.
05:02.7
Pero para sa akin nga e ito na yung foreshadowing sa magiging role netong Revolutionary Army para sa Final War.
05:10.2
Bali bibigyan ko kayo ng example.
05:12.2
During Arlong Park Arc nga e inintroduce tayo kay Genzo.
05:16.2
During Alabasta Arc naman e inintroduce tayo kay Koza.
05:20.2
At during Dressrosa Arc e na-introduce naman sa atin si Kairos.
05:24.7
So ano ba ang common denominator ng tatlong to?
05:28.2
Pare-parehas nga sila na nanguna para labanan ang main antagonist para sa mga arcs nila.
05:34.2
Kumbaga sila ang bayani ng mga tao.
05:37.2
Pero syempre si Luffy pa rin ang tumatapos sa mga antagonist na to.
05:41.7
So silang tatlong karakter nga ang nangihikayat sa mga tao na lumaban.
05:46.2
At itong role nga na to ang nakikita kong magiging role ng Revolutionary Army para sa Final War.
05:52.7
Sila nga ang nangihikayat sa mga tao na lumaban.
05:56.2
Sila ang magsasabi sa mga normal lang na sibilyan na kaya nilang magsalita at patalsikin ang masasamang namumunos sa kanila.
06:04.2
Sa part naman ni Dragon e hindi ko nga siya ihahalin tulad sa tatlong karakter na nabanggit ko.
06:10.2
Bagkos e ang sakto ngang karakter na maihahambing natin sa kanya e itong si Wiper.
06:16.2
Yes guys!
06:17.2
Gaya nga ng mga karakter na nabanggit ko e ganito rin naman ang ginagawa ni Wiper.
06:22.2
Diba? Lumaban rin siya para sa mga tao.
06:25.2
Hinikayat niya rin ang mga kasamahan niya na wakasan na ang pagkahari ng sinasabing Diyos nila.
06:31.2
So bakit dito natin maihahambing si Dragon?
06:34.2
Dahil for the first time nga e nakatagpo si Luffy ng kamatch niya na hindi V-Lane.
06:39.2
Isang tao na similar ang layunin sa kanya at isang tao na may mataas na will gaya sa kanya.
06:46.2
At ito nga yung wala sa tatlong karakter na nabanggit natin kanina na inaangat ang kalayaan sa mga lugar nila.
06:53.2
Wala nga sa tatlo na to ang kayang tumapat kay Luffy.
06:56.2
Pero itong si Wiper nga e kaya niyang tapatan si Luffy.
07:00.2
Kaya naman gaya nga sa nangyari sa Skypiea Arc na maraming nagtulong-tulong para mapabagsak ang Diyos dito na si Enel.
07:07.2
E sa tingin ko nga na ganitong scene din ang makikita natin sa Final War.
07:12.2
Marami rin tatapat kay Imsama bukod kay Luffy.
07:16.2
At kung sino-sino nga ang mga karakter na to e sigurado na isa na dito si Dragon.
07:21.2
Anyway ngayon e mapuntungin.
07:22.2
Anyway ngayon e mapunta naman tayo sa tanong na kung ngayong taon na ba natin makikita itong kakayanan ni Dragon?
07:29.2
Bali sa tingin ko nga e oo.
07:31.2
Yes we all know na ang galaw ngayon na hinihintay ni Dragon e itong pagsugod sa kanila ng mga Holy Knights.
07:38.2
Pero sa mga last chapters nga e ipinakitang may paki siya kay Kuma.
07:42.2
At currently nga na nasa Egghead Island na si Kuma.
07:46.2
At dahil nga sa alam naman nating lahat na ilang chapters na lang ang itatagal na itong Egghead Island Arc.
07:51.2
Since tapos na nga ang flashback ni Kuma at ay assume na baka 15 chapters na lang ito e pwede nga maipakita sa atin ni Oda itong si Dragon.
08:01.2
Sana nga e maipamalas na sa atin ni Oda itong kakayanan niya sa Year of the Dragon.
08:06.2
At speaking of Chinese Souljack e may interesting nga akong nakita dito.
08:10.2
Ang kabaliktaran nga ng Dragon e itong Dog.
08:13.2
At kilala naman natin ang sikat na may epithet na Dog sa One Piece. Diba?
08:19.2
Ito nga si Fleet Admiral Akainu.
08:21.2
Since tinatawag nga siyang Red Dog.
08:24.2
At dahil nga sa may history na itong dalawa na to.
08:27.2
Since during Marineford War nga e never tinawag ni Akainu si Luffy sa pangalan niya.
08:32.2
Bagkos e Dragon's son.
08:34.2
At magkaedad pa sila plus sinasabing nga naging Marines din itong si Dragon.
08:39.2
E ito na kaya yung taon na magtatapat itong dalawa na to?
08:43.2
Malalaman na ba natin ngayong taon yung history ng dalawang to?
08:47.2
Anyway para sa inyo ba?
08:48.2
Anong thoughts nyo kay Dragon para sa taon na to?
08:51.2
Sa tingin nyo ba na ihahighlight siya ni Oda ngayong Year of the Dragon o hindi?
08:56.2
Kung may idea nga kayo e comment nyo na yan sa ating comment section sa iba ba.
09:01.2
Para mapag-usapan na natin yan.
09:03.2
So yun lang.
09:04.2
Peace!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.