Close
 


Mga Kakaibang Trabaho Noon Na Wala Na Ngayon
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Narito ang mga trabaho noon na di mo na makikita ngayon 1. Lamplighter 2. Knocker upper 3. Bowling alley pinsetter 4. Switchboard operator 5. Ice cutter 6. Log driver 7. Film developer 8. Human computer 9. Clock keeper 10. Lector 11. Aircraft listener 12. Toad doctor 13. Link boys 14. Town Crier 15. Dog whipper 16. Herb strewer 17 . Plague doctor 18. VCR Repairman 19. Fletcher 20. Body Snatcher 21. Scribe 22. Hurdy Gurdy Girl 23. Powder monkey 24. Milkman 25. Watchtower lookout 26. Typist 27. Sin eater Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #job #technology #history
Moobly TV
  Mute  
Run time: 10:39
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mga trabaho noon na wala na ngayon. Habang mas gumaganda ang teknolohiya at mas dumadami ang innovations, nag-iiba din ang paraan ng pamumuhay natin.
00:10.1
At dahil dito, may ilang trabaho noon na hindi na kailangan o hindi na ginagawa ngayon. Ano nga ba ang mga ito? Pag-usapan natin.
00:18.6
1. Lamp Lighter
00:20.3
Noong wala pang kuryente na nag-iilaw sa ating mga bahay at mga kalsada, ang mga lamp lighters ang naatasan na magsindi sa mga kandila at mga streetlights na may gas.
00:31.0
Siyempre, sila din ang magsisiguro na hindi mamamatay ang mga ilaw, at kung mamatay man, kailangan nila itong sindihan agad.
00:39.1
2. Knocker Upper
00:41.1
Noong unang panahon wala pang alarm clock, kaya kung kailangan mong gumising ng ganitong oras, kailangan mong mag-hire ng mga knocker uppers.
00:49.3
Sila ang mga humanitarians.
00:50.3
Ang alarm clock sa sinaunang panahon.
00:52.7
Kakatok sila sa iyong bintana o pintuan at sisiguruduhin makakagising ka sa tamang oras.
00:59.1
Kung hindi nila abot ang bintana ng kwarto mo, gagamit sila ng stick upang kumatok o kung minsan ay babatuhin ito ng pebbles.
01:07.8
3. Bowling Alley Pin Setter
01:10.5
Mahilig ka bang mag-bowling?
01:12.7
Noon, wala pang technology na otomatik na nag-aayos sa mga bowling pins na natumba.
01:18.1
Pagkatapos mong tamaan ito ng bola.
01:20.6
Kaya naman, ang bowling pin setters ang tatakbo papunta sa pins upang ayusin ito.
01:25.6
Ang trabahong ito ay karaniwang binibigay sa mga batang lalaki dahil mabilis silang kumilos.
01:31.6
4. Switchboard Operator
01:34.6
Ngayon, kung may gusto kang tawagan sa telepono, ita-dial mo lang ang number at makakausap mo na kaagad ang nasa kabilang linya.
01:41.6
Noong hindi pa advanced ng technology, ang mga switchboard operators ang makakatanggap sa tawag mo.
01:47.6
At ikokonek ito sa number na gusto mong tawagan.
01:50.6
5. Ice Cutter
01:53.6
Noong wala pang modern refrigeration techniques, ang mga ice cutters ang nagbibigay ng ice para sa mga taong kailangan ito sa kanilang cellars.
02:00.6
Pupunta sila sa frozen lakes at lalagarihin ito upang makakuha ng mga bloke ng ice.
02:06.6
Napakahirap ng trabahong ito dahil sobrang lamig ng temperatures ng mga lugar na may frozen lakes.
02:12.6
6. Log Driver
02:14.6
Kung kakailanganin mo ng mga troso ngayon,
02:16.6
dahil may iko-construct kang bahay o anuman, pwede itong madeliver sa iyong lugar gamit ng malalaking trucks.
02:23.6
Noong wala pang trucks, kailangan mo ng log drivers na siyang gagabay sa mga troso sa ilog upang mapunta ito sa mga construction sites.
02:32.6
7. Film Developer
02:35.6
Noong late 1990s, naimbento ang mga digital cameras na sikat at ginagamit natin ngayon.
02:41.6
Bago ito tumating, karamihan sa mga kamera ay may film sa loob.
02:45.6
Kaya naman, kailangan mo pang i-develop ang film upang makita mo ang mga pictures.
02:51.6
Ito ang ginagawa ng mga camera film developers noon.
02:55.6
8. Human Computer
02:57.6
Noong wala pang high-tech computers at calculators ng NASA,
03:01.6
sina Mary Jackson, Katherine Johnson at Dorothy Vaughan ang nag-solve ng napakahirap na calculations ng NASA.
03:09.6
Kilala ang mga babaeng ito bilang human computers,
03:12.6
isang palayaw na binibigay sa mga taong may kakaibang talino.
03:16.6
Dahil kay Mary, Katherine at Vaughan, naging matagumpay ang space expedition ng NASA mula 1940 hanggang 1960.
03:24.6
9. Clock Keeper
03:26.6
Noong middle age sa Europe, ang mga clock keepers ang nagtatrack sa oras at nagchecheck sa mga relo kung tama ba ito.
03:34.6
Ginagawa nila ito gamit ang basic math skills.
03:37.6
Maliban doon, sila rin ang nagme-maintain at nagkukumpuni ng mga relo, kung masisilis.
03:40.6
Kaya naman, maliban sa math skills, kailangan din na may mechanical skills at knowledge sa clockwork ang isang clock keeper.
03:50.6
10. Lector
03:53.6
Noong unang panahon, may mga taong nag-aaliw sa mga nagtatrabaho sa factories.
03:57.6
Ang mga lectors na ito ay magbabasa ng mga libro o anumang reading materials upang maaliw ang mga workers.
04:04.6
Karaniwan nilang binabasa ay mga union publications na pwedeng makatulong sa mga manggagawa.
04:10.6
Kadalasan, ang mga factory workers mismo ang nagbabayad sa mga lectors.
04:15.6
Madalas nakikita ang mga lectors sa mga cigar factories.
04:19.6
11. Aircraft Listener
04:22.6
Noong wala pang radar na kaya makadetect ng paparating na aircrafts, ang trabaho ng ito ay napunta sa mga aircraft listeners.
04:29.6
Gamit ang acoustic mirrors, pakikinggan nila ng maigi ang paligid upang madetect ang mga aircrafts na paparating.
04:36.6
Gumagamit din sila ng sound locators na siyang makikita.
04:39.6
Na siyang may malalaking sungay at parabolic dishes upang mas marinig pa ng malinaw ang ingay na nagmumula sa engines ng mga paparating na aircrafts.
04:50.6
12. Toe Doctor
04:52.6
Ang mga Toe Doctors ay manggagamot noon sa England na gumagamit ng mga medisina na nagmula sa mga palaka.
04:59.6
Ginagamit din nila ang mga palaka sa iba pang healing techniques.
05:03.6
13. Link Boys
05:05.6
Kung may light lampers na magsisindi sa mga streetlights, paano naglalakad sa kalsada ang mga tao noong hindi pa naimbento ang streetlights?
05:13.6
Dito papasok ang mga Link Boys.
05:16.6
Ang mga binatang ito ay nagdadala ng sulo upang gabayan ang mga tao sa paglalakad sa kalsada.
05:22.6
14. Town Crier
05:25.6
Hetong tanong, paano mo malalaman ang mga announcements sa lugar mo?
05:29.6
May ilang nakikita ito sa social media habang may iba naman na nalalaman ng announcements mula sa mga sasakit.
05:34.6
Mula sa mga sasakyang may megaphones na umiikot sa bayan.
05:37.6
Pero noon, dahil wala pang megaphones at internet, isang tao ang sumisigaw sa gitna ng kalsada upang ipaalamang mga announcements sa publiko.
05:46.6
Ito ang mga Town Criers.
05:49.6
15. Dog Whipper
05:51.6
Ang Dog Whippers ay mga taong naatasan na siguruhing walang mga asong makakalapit o makakapasok sa simbahan.
05:58.6
Siyempre, kung may mga aso, posibleng silang dumumi sa loob o magingay habang nagmimisa.
06:04.6
16. Herb Struer
06:07.6
Ang Herb Struers ang mga taong naglalagay ng mababangong herbs sa mga sahig ng buildings.
06:13.6
Ginagawa nila ito upang matakpan ang mga hindi magagandang amoy noong unang panahon na wala pang pabango.
06:20.6
Karaniwan sa mga Herb Struers ay mga babae.
06:23.6
17. Plague Doctor
06:26.6
Nakaitim sila. May suot na sombrero at may kakaibang maskara na korteng tuka ng manok o ibon.
06:33.6
Sila ang mga Plague Doctors noong sinaulang panahon.
06:37.6
Sumikat sila sa panahon ng Black Plague noong napakaraming tao ang nagkasakit.
06:42.6
Ang malaking patunay na wala ng Plague Doctors ngayon ay ang hindi nila pagsulpot noong nagkaroon ng COVID-19.
06:49.6
18. VCR Repairman
06:52.6
Ngayong wala nang bumibili o gumagamit ng VCRs, halos na wala na rin ang mga taong nagre-repair ng mga ito.
06:58.6
Pero noong wala pang internet at may VCR ang mga tao.
07:02.6
19. Fletcher
07:04.6
Noong wala pang baril at panapa ang ginagamit ng mga tao, patok na patok ang pagiging Fletcher.
07:10.6
Sila ang mga gumagawa ng arrows gamit lamang ang kanila mga kamay.
07:14.6
Ngayon may mga taong mahilig pa rin sa archery, pero may mass production na ang arrows at ang ilan ay hindi na gumagamit ng mga kahoy.
07:22.6
20. Body Snatcher
07:25.6
Noong 1832, naipasa ang Anatomy Act sa Britain, na siyang nangbibigay ng pahintulot sa mga medical professionals,
07:31.6
na pag-aralan ng mga cadavers na dinodonate sa kanila.
07:35.6
Noong wala pa ito, ang mga body snatchers ang naghuhukay ng cadavers sa mga sementeryo upang ibenta ito sa mga medical professionals.
07:43.6
21. Scribe
07:45.6
Ang scribe ay isang professional copyist. Noong hindi pa naimbento ang printing,
07:50.6
ang mga scribes ang nagkokopya ng mga libro o historical documents upang magkaroon nito ng mga duplicate.
07:56.6
Nang magkaroon na ng printing at photocopy na mas mabilis at mas aktual,
08:01.6
sakit na accurate sa mga scribes na wala na rin ang ganitong klaseng trabaho.
08:05.6
22. Hurdy-Gurdy Girl
08:08.6
Ang hurdy-gurdy ay isang klase ng musical instrument kung saan may iniikot kang hand crank upang mapaikot ang gulong na siyang magpapatunog sa strings.
08:18.6
Noong unang panahon, may mga babaeng nagpapatunog ng hurdy-gurdy habang sumasayaw ang kanila mga alagang unggoy.
08:25.6
Naaaliw ang mga dumadaan sa kanila at binibigyan sila ng mga barya.
08:29.6
23. Powder Rush
08:30.6
3. Powder Monkey
08:32.0
Ang Powder Monkey o kilala rin bilang Powder Boy ay isang batang lalaki na siyang nagdadala ng gunpowder na kinukuha mula sa Powder Magazine ng barko papunta sa artillery pieces nito.
08:43.7
Tumutulong din ang mga Powder Monkeys na mag-man sa mga naval artillery guns ng barko at sikat ang trabaho nito mula noong 16th to 19th century.
08:53.7
24. Milkman
08:55.4
Noong hindi pa nabibili ang gatas sa mga tindahan, dinideliver ito mismo sa mga tao gamit ang mga Milkman.
09:01.9
Nilalagay nila ang gatas sa mga bottles o karton at dinideliver ito tuwing umaga.
09:07.1
Laganap ito sa India noong unang panahon at nagdedeliver ang mga Milkman gamit ang kanilang mga motor.
09:13.6
25. Watchtower Lookout
09:16.0
Noong unang panahon ginagamit ng mga tao ang Watchtower upang makita ang mga nasa kalapit na paligid.
09:21.8
Ang mga taong naatasang gumawa nito ay tinatawag na Watchtower Lookout.
09:25.4
Dahil sa taas ng Watchtowers, madali lang nilang makikita ang mga taong parating.
09:31.3
Trabaho rin nilang ma-report kung may forest fires sa paligid.
09:35.5
26. Typist
09:37.2
Ang mga taong ito ang nagta-type ng documents ng mga tao noong wala pang personal computers at word processing softwares.
09:45.0
Gumagamit sila ng typewriters at nagta-type habang nakaupo ang customers sa gilid na nagbabantay o kung minsan ay binabasa ang ita-type ng typers.
09:54.5
27. Typerist
09:55.0
Nung unang panahon may ilang cultures na nagbabayad ng taong kukuha o kakain ng kasalanan ng mga pumanaw.
10:03.9
Tinatawag silang sin-eater.
10:05.9
Kakainin nila ang pagkain na inihanda malapit sa pumanaw.
10:09.4
At ito ang simbolo na naubos na ang kasalanan ng pumanaw at pwede na itong pumunta sa afterlife ng may malinis na konsensya.
10:18.8
Ano pa kaya ang mga trabaho ngayon na tuluyan na ding mawawala sa hinaharap?
10:23.3
May alam ka pa bang mga trabaho noon?
10:25.0
Ang mga trabaho na wala na ngayon?