Close
 


Plema Madilaw, May Dugo: Seryoso ba? - By Dr Glynna Cabrera (Pulmonologist-Rehab) and Doc Liza Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Plema Madilaw, May Dugo: Seryoso ba? Tamang Gamutan. By Dr Glynna Cabrera (Pulmonologist-Rehab) and Doc Liza Ramoso-Ong Panoorin ang Video: https://youtu.be/IOGJz08TQZE
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 07:53
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magandang araw sa inyo. Bisita natin napakahusay na pulmonologist at rehab medicine, yung nagre-rehab po ng inyong baga, Dr. Aglina Cabrera.
00:11.6
Magandang araw po sa inyo.
00:12.8
Ang unang tanong po, Dr. Aglina, bakit po may mga tao, pagdura nila, may dugo pala? Ano po ang mga dahilan nito?
00:20.3
Minsan, Dok, yung simple lang, Dok, minsan may sira sa ngipin.
00:24.0
O minsan, hindi nila napapansin, may cavity na pala sila, tapos hindi nila naasikaso, so minsan ganun lang kasimple.
00:33.0
O kaya yung gums, yung mga gingivitis, lalo na minsan napansin natin, pag nagtututbrush tayo, Dok, di ba, pagdura natin, minsan may dugo.
00:40.7
So, usually dentist ang kailangan kasi minsan matatakot tayo.
00:45.0
Pero yung iba naman po, Dok, pagpersado po yung pag-ubo.
00:48.0
Kasi minsan may iba talaga, gigil na gigil sila sa pag-ubo, may irritate naman po yung lalambo.
00:54.6
Pero kung ano po, pagka madalas na po at medyo marami-rami na, kailangan po magpatingin na talaga sa doktor.
01:01.8
Kasi ang number one pong iisipin natin dyan is tuberculosis.
01:05.9
Paggaling sa baga.
01:07.0
Paggaling sa baga po. Pwede pong may TB po tayo, and ang TB naman po alam natin, nagagamot.
01:13.9
And meron po tayong programa, ang pamahalaan natin po, na nagbibigay ng libre gamot, kaya kailangan lang po lumapit sa mga health centers.
01:21.5
At libre po yung gamot na kailangan 6 na buwan.
01:24.5
Minsan naman po, may tinatawag na bronchiectasis.
01:29.5
Bronchiectasis po, yun po yung gumaling na po sila sa TB, kaya lang po yung may damage.
01:36.5
So yung damage po na yan, siyempre po, kumbaga, maselan pong bahagi ng baga natin yan.
01:42.5
Pagpersado po ang ating pag-ubo, pwede pong may nagra-rapture ng maliliit na mga ugat, na pwede pong maidura din naman.
01:50.5
Nung person na yun. Ang tawag po dun sa medical term is hemoptysis.
01:55.5
Pero pwede pong hindi siya necessarily TB ulit. So kailangan lang po ipacheck yung plema.
02:03.5
Okay. So balik po dun sa doktor sa baga nila, para hindi rin sila kinakabahan ano ba yung naging cause.
02:11.5
Tsaka usually, Dok, yung bronchiectasis, nandyan na po kasi yung damage.
02:16.5
Pero napansin ko, Dok, na nagkakaroon lang ng bleeding.
02:19.5
Pag natitrigger ng exertion.
02:22.5
Nagpwersa.
02:23.5
Nagpwersa. Halimbawa, Dok, nagbuhat ng masyadong mabigat na baldin ng tubig.
02:27.5
O kaya, Dok, may napasyente kami dati eh kasi feeling niya malakas siya nagbuhat ng sakong bigas.
02:33.5
O kaya yung mga babae po na baghapon naglaba ng mga maong at kurtina.
02:39.5
So ina-advise ko po na huwag po magganoong gawain.
02:43.5
At saka huwag din po masyadong nag-iisip kasi yung stress nakakadagdag din.
02:47.5
Ayun.
02:49.5
Eh, may mga pagkakataon naman, Doktora.
02:52.5
Nakita nila madilaw naman lagi ang plema. Ano naman po ang dahilan ng madidilaw na plema?
02:59.5
Kadalasan po, more often than not, infection po yan.
03:03.5
So kung madilaw po yung plema, kailangan po talaga tayo magkonsulta para mag-antibiotic.
03:09.5
Pero minsan naman po kulang sa tubig.
03:12.5
May mga cases po na medyo, lalo na po pagkagabi natulog tayo.
03:17.5
Lalo na po yung may tinatawag na allergic rhinitis.
03:20.5
Yung allergic rhinitis po usually natitrigger po yun ng pagbabago ng panahon.
03:25.5
So pag natutulog po sila, bumabagsak po yung plema sa langala nila kung tatawagin.
03:30.5
Ang tawag po doon, post nasal drip.
03:32.5
So pag dura nila sa umaga, madilaw po yung plema.
03:37.5
Pero nawawala siya towards the end of the day.
03:39.5
So pag hapon or gabi, wala na.
03:41.5
Bumabalik siya ulit sa morning.
03:43.5
So minsan po water lang po usually kailangan.
03:45.5
Okay.
03:46.5
So yun pala ha, tandaan nyo.
03:49.5
So doktora, pagdating sa plema, ano ba ang madalas ikonsulta sa inyo ng mga pasyente?
03:56.5
At ano yung nakikita nyong sakit nila?
03:59.5
At pwede bang, kasi di ba marami namang over the counter sa ating mga botika.
04:04.5
Pwede ba silang basta bibili nyan?
04:07.5
Ideally po kung halimbawa less than 3 days or 1 day lang.
04:12.5
Minsan pwedeng water lang talaga doke.
04:14.5
Water.
04:15.5
Tsaka pag-aaralan mo lang yung pagkain.
04:17.5
Kasi nga, may mga pagkain po na nagtitrigger ng phlegm.
04:20.5
Like yung matatamis, candies, chocolates, ganyan.
04:24.5
Pero kung halimbawa 4 days na, 5 days na at may kasamang lagnat,
04:27.5
kailangan po magpacheck na po sa doktor.
04:29.5
Kasi kailangan na po yun ng antibiotics.
04:31.5
Hindi siya over the counter, Dok.
04:33.5
Kailangan ng prescription na yun.
04:35.5
Okay.
04:36.5
Eh, last question ko na kay Dr. Aglina Cabrera.
04:39.5
Napakarami po dyan para sa ubo, para sa plema,
04:43.5
carbo cysteine, ambroxol, nakakatulong po ba?
04:48.5
O siyempre, tatanong muna.
04:51.5
Oo.
04:52.5
Yung halimbawa po mga plema, usually ang tawag po sa mga cough syrup na tinatawag ay mucolytic.
04:59.5
Ang target po natin, pampalabnaw po siya ng plema para kung malapot po siya,
05:04.5
mas madali po siyang maidahak or mas madaling ilabas.
05:07.5
So ang example nga po nun Dok, yung sinasabi niyo po carbo cysteine, acetyl cysteine.
05:11.5
Tambong.
05:12.5
Ah, pwede po yun. Pwede. Lagundi, pwede na rin po yun. Opo.
05:16.5
At importante pa rin, again Dok, ang tubig.
05:19.5
Kasi yung iba po hindi na nagtutubig, juice na lang at saka soft drinks.
05:24.5
Kaya po ang plema po nila, usually yun, napapalapot din ng mga...
05:29.5
Pero meron po tinatawag na cough suppressant.
05:32.5
Tulad po Dok ng mga butamirate or sinicod or yung mga levopront.
05:36.5
Kasi minsan naman Dok, ito yung na-observe ko na naguubo sila dahil allergy.
05:41.5
So usually dry po yung cough nila.
05:43.5
So ang hirap kasi ubo ng ubo. Sumasakit na yung dibdib nila kakaubo.
05:48.5
So usually po, cough suppressant ay pwede for dry cough.
05:52.5
Ayun. Marami po nagkocomplain, pag inuubo ang sakit sakit ng dibdib.
05:56.5
Tapos magkocomplain, Dok, naka-heart attack na ba ako?
05:59.5
So bakit po sumasakit ang dibdib nila?
06:02.5
Or minsan sa may tiyan nila kapag sila ay inuubo?
06:05.5
Minsan po kasi yung force nung pag-ubo. Kasi syempre po pag nag-ubo po tayo,
06:09.5
nagkocontract po yung mga muscle.
06:12.5
So kung hindi nga po tama yung pagpapalabas natin ng plema,
06:15.5
pinipwersa po natin yung ubo, so magkocontract po siya ng malakas.
06:19.5
So para po maipalabas, inhale-exhale po and then yung towards the fourth or fifth na pagpapalabas ng plema.
06:28.5
Pero minsan kasi Dok, yung sabi mo parang may heart attack, usually may ubo rin yun.
06:33.5
Heartburn naman sa term sa layman, kung baga.
06:37.5
Pero kung sa medical term po ang tawag po diyan, acid reflux.
06:41.5
Pag kumain po ng mga maanghang, maasim, umaakyat po yan sa dibdib natin.
06:47.5
Ang feeling daw po nila parang inaatake sa puso and then maraming, badalas na pag-ubo rin.
06:53.5
Minsan po may konting plema.
06:55.5
So ang solution po diyan, of course other than yung mga antacids na tinatawag,
07:00.5
iwas din po sa maanghang tsaka maasim, soft drinks tsaka too much coffee.
07:05.5
Ayun. O.
07:06.5
Kaya marami din sa mga stress na may heartburn.
07:08.5
Sabi nga nila, eh nako, bakit din ako inuubo?
07:13.5
Tapos hindi na nawala ng ubo sa buong taon.
07:16.5
So maraming salamat, Doktora Gina Cabrera.
07:19.5
Final tips sa ating mga nanonood.
07:22.5
Una po sa lahat, siyempre po tayo po ay mag-healthy lifestyle.
07:27.5
Pag sinabi pong healthy lifestyle, proper diet, exercise.
07:31.5
Huwag pong kakalimutan.
07:33.5
Tayo po ay matulog ng sapat na oras.
07:36.5
Uminom po ng tubig, huwag manigarilyo at mag-exercise.
07:41.5
Yes. Maraming salamat Doktora Gina Cabrera.
07:44.5
Tayo po ngayon ay nasa Lung Center of the Philippines
07:47.5
kasi nagtuturo po sila ng rehab o pag-rehab ng ating baga.
07:51.5
Salamat po.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.