Close
 


Paano Umabot ng At least 65 Years Old. - By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Paano Umabot ng At least 65 Years Old. 12 Tips na Dapat Mong Gawin. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Panoorin ang Video: https://youtu.be/X3mDf0IRe24
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 22:33
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.8
Tips natin po ngayon, papano hahaba ang buhay, ang mga basic healthy tips lang.
00:08.0
Actually sa 12 tips na ito, sigurado mapapahaba natin buhay nyo, higher chance.
00:14.6
Para hindi maaga magkakasakit.
00:18.7
Number 1, ano ba pinakamahalagang tip dito?
00:22.2
1 out of 12 ito.
00:23.6
Number 1, kailangan talaga po itigil ang paninigarilyo.
00:29.3
So bilang internist, bilang cardiologist, sa 30 years experience ko, talaga nakita namin,
00:37.3
basta naninigarilyo, lalo na yung mga 1 pack a day, 2 pack a day.
00:42.6
Meron naman ang mahaba ang buhay, meron naman ang maabot ng 70 years old kahit naninigarilyo.
00:48.1
Pero malaki yung chance na may mangyari.
00:52.2
Pwedeng magka lung cancer, pwedeng magka throat cancer, pwedeng magka heart attack na maaga.
00:58.6
So smoking talaga.
01:01.2
Actually may pag-aaral yung mga naninigarilyo na babawasan ng 4 years sa kanilang life expectancy.
01:09.1
So maraming problema, pati prostate cancer at iba pa.
01:12.7
Kaya kung ito lang tatanggalin nyo, stop smoking lang, malaking bagay.
01:17.8
Mura pa, makakatipid kayo.
01:20.5
Number 2, pinakamaganda para humaba ang buhay.
01:24.3
Ito po, base ito sa pag-aaral.
01:27.0
Kailangan makotol.
01:28.6
Nakontrol ang blood pressure mo.
01:31.3
Dapat maging normal yan.
01:33.6
Dapat 120 o 130 over 80 yan.
01:37.5
Dapat din makontrol ang blood sugar mo.
01:41.0
Dapat wala pang 100.
01:43.3
Kung hindi kaya normal 100, kahit konting taas lang.
01:47.2
Dapat hindi abot ng mga 120 mg per dl.
01:51.1
So pag nakontrol ang blood pressure, nakontrol ang blood sugar,
01:56.6
pwede sa diet, pwede rin.
01:58.6
Sa gamot, either one, mas mapapahaba ang buhay ng 9 years.
02:05.0
Okay?
02:05.5
Dagdag 9 years sa life expectancy.
02:08.4
Ibig sabihin, isang grupo ng tao,
02:12.1
controlled ang blood pressure at blood sugar.
02:15.1
Pwede sa gamot, may maintenance, o pwede sarili.
02:18.3
Nagda-diet sila.
02:19.6
Kumpara sa isang grupo na mataas ang BP, mataas ang blood sugar,
02:23.7
mas mahaba ng 9 years ang inaabot ng buhay dito.
02:29.1
Siyempre, pag hindi controlled ang blood pressure, anytime, pwede ma-stroke.
02:34.1
Pag hindi controlled ang blood sugar, ganoon din.
02:36.8
Pwede ma-heart attack, pwede ma-kidney failure.
02:40.3
Kung kailangan nyo uminom ng maintenance medicine,
02:43.0
tuloy nyo lang po. Kailangan po yun.
02:45.0
Kung di na talaga makontrol.
02:47.5
Pero kung gusto nyo natural ways,
02:49.8
bawas asin, wag magpapataba, bawas sa mga junk foods, fast foods.
02:56.2
Alam nyo na naman, sobrang tamis.
02:58.6
May inumin, sobrang maalat.
03:01.9
Yung paborito nating mga kababayan natin, lahat ng luto natin, maalat eh.
03:06.1
Mahilig sa restaurant, kumain sa labas, sigurado maalat.
03:10.3
Kaya sa bahay na lang.
03:11.6
So yan ang number 2.
03:12.8
Controlled blood pressure, blood sugar.
03:14.5
Yung cholesterol, mahalaga din.
03:17.5
Pero mas mahalaga itong dalawa.
03:19.2
Ito talaga yung pinaka kinokontrol.
03:21.3
Number 3.
03:23.3
Para mas humaba ang buhay, humabot ng senior,
03:27.6
at mas mahaba pa,
03:29.6
dapat healthy eating.
03:31.6
Dito sa healthy eating, pwede tayo mag-focus sa
03:36.3
may tinatawag na rainbow eating.
03:39.3
Ano yung rainbow eating?
03:41.3
Ang rainbow eating, ginawa ng Diyos,
03:44.3
mas maraming makulay sa pagkain mo, mas maganda.
03:49.3
Ganyan ginawa ng Diyos yung rainbow.
03:53.3
Red. Yung mga red na pagkain.
03:55.3
Red, orange, yellow, roigy beef.
03:57.6
Red, orange, yellow, blue, indigo, violet.
04:00.6
Red. Ano yung mga red?
04:02.6
Kamatis. Red.
04:04.6
Apple. Red. Yan. Very healthy yan.
04:06.6
Orange colored. Ano ba?
04:08.6
Mga orange. Citrus fruits. Vitamin C.
04:12.6
Orange color. Ano pa?
04:14.6
Carrots. Sobra healthy carrots. Anti-cancer.
04:18.6
Kalabasa. Kamote. Medyo orange na rin.
04:24.6
Yellow. Ano ba yellow?
04:26.6
Yellow. Mga healthy na yellow foods.
04:29.6
Mga patatas. Yellow. Pero hindi.
04:34.6
Corn. Pwede rin pa konti-konti.
04:37.6
Basta mas makulay, mas maganda.
04:39.6
Green. Siyempre, green leafy vegetables.
04:42.6
Mas green. Ano? Malunggay. Very green. Yan. Diba?
04:46.6
Kangkong. Very green.
04:48.6
Spinach. Very green. Yan. Yan. Mga magaganda.
04:51.6
Mga talbos. Diba?
04:53.6
Blue. Ano yung mga blue? Talong. Talong.
04:56.6
It's blue color. Diba?
04:58.6
Okra. Green din. Ampalaya. Green. Favorite ko.
05:01.6
So, mas makulay, mas maganda yan.
05:05.6
Okay? Lalo na yung kamatis. Very healthy yan.
05:08.6
So, mga healthy eating.
05:10.6
Sa prutas. Sa akin, mga ilang prutas lang kainin mo, okay ka na eh.
05:15.6
Mansanas. Saging. Tsaka mga citrus.
05:21.6
Mga dalandan. Kalamansi. Pwede na yan. Pongkam.
05:24.6
Basta meron kang dalandan. Orange. Vitamin C.
05:28.6
Tapos may saging ka. May mansanas ka. Medyo solved ka na dito.
05:33.6
Medyo okay na yan. Plus 3 years na yan.
05:36.6
So, healthy eating. Importante. Number 3.
05:39.6
Bago tayo pumunta sa number 4, meron pala isang tip na maganda.
05:43.6
Kung ang magulang mo pala ay magulang o lolo-lola ay lampas 80 years old.
05:51.6
Okay? Lalo na kung lampas 90 sila.
05:54.6
Meron kayong lolo-lola na lampas 80, lampas 90.
05:58.6
Magandang panalo yun sa'yo.
06:00.6
Madadagdagan din ang buhay mo. Kasi nga nasa dugo eh.
06:04.6
Nasa genes eh. Diba hindi ka ba nagtataka?
06:07.6
Bakit may mga pamilya ang aga-aga 50 years old nagkakakanser?
06:12.6
O ba't may ibang pamilya at 80 years old nagkakaliver cancer?
06:18.6
So, nasa lahi.
06:20.6
Ba't yung magulang ang taas ng kolesterol yung bata? Meron din.
06:23.6
Ibig sabihin, namamana mo eh. Kasama yun. Genetic eh.
06:27.6
So anyway, counted din yan sa haba ng buhay.
06:30.6
Number 4 tip out of 12.
06:32.6
Siyempre, simple lang ito ah.
06:34.6
Mga mura at simple. Uminom ng maraming tubig.
06:37.6
Diba? Yan ang turo ko sa inyo.
06:39.6
At least 8-10 basong pwedeng tubig or fluids.
06:44.6
Kung ayaw nyo na puro tubig, pwede konting tsaa.
06:48.6
O konting kape. Kung gusto nyo, konting.
06:51.6
Mas maganda tubig para hindi nakakataba.
06:54.6
Para saan ang tubig? Ang dami.
06:57.6
Para hindi magka-kidney stones, hindi magka-kidney failure, hindi magka-dialysis.
07:03.6
Diba? Para gumanda yung sa bituka.
07:06.6
Diba? Maraming tubig. Pwede rin sa balat yan.
07:11.6
Pwede rin sa puso. Lahat yan maganda.
07:15.6
Number 5. Ito ang bago natin ngayon. Number 5. Pampahaba ng buhay.
07:21.6
Kailangan maayos ang mental health natin ngayon.
07:24.6
Ito yung bago sa makabagong panahon.
07:27.6
Kasi pag hindi maayos ang mental health, hindi makahandle ng stress.
07:33.6
Nakita nyo? Kahit sa social media lang, ang daming napuputol ang buhay dahil dito.
07:40.6
Dahil sa social media, paano ba itong maayos yung mental health natin?
07:46.6
Lagi tayong na-stress pag nagbabrowse tayo.
07:49.6
Ito lang po. Number 5.
07:51.6
Handle stress is huwag ikumpara ang sarili sa iba.
07:57.6
Don't compare yourself to others.
08:00.6
Pwede mo silipin yung gawa ng iba. Pwede mo ma-appreciate.
08:04.6
Ay, magaling siya. Marami siyang pera. Pero, oo nga, marami siyang pera.
08:10.6
Pero pwede mo naman sabihin, hindi naman pera mahalaga sa lahat. Diba?
08:15.6
Huwag mo ikumpara yung sarili mo sa pinapakita nila sa posts nila.
08:19.6
Kung may nakita kang kaibigan mo o classmate mo.
08:22.6
Maganda pamilya ko no, mayaman ko no, nasa abroad ko no, ang daming gamit.
08:29.6
Yun yung pinapakita niya ng panlabas niya eh. Diba?
08:33.6
Iba naman yung panlabas niya eh. Diba?
08:36.6
Hindi natin alam kung ano panloob niya. Malay mo, nagji-checks yung asawa.
08:41.6
Diba? Hindi mo alam yung panloob eh. Diba?
08:44.6
Huwag mo ikumpara yung panloob mo na malungkot ka doon sa panlabas nila.
08:48.6
Hayaan mo kung sabihin mo gano'ng kaganda.
08:51.6
Siyempre, show yun eh. Diba?
08:53.6
Yung iba, hindi naman nag-show-show.
08:55.6
So, huwag mo i-compare kasi nga may stress ka lang. Okay?
09:00.6
Pwede mo lang tingnan sa sarili mo, ito lang, happy na ako dito.
09:04.6
Kung mayaman yung ibang tao, swerte yung ibang tao, okay yun.
09:08.6
Kung yung anak niya, first honor lagi, magaling, okay yun.
09:12.6
Masunurin, okay yun. Diba?
09:15.6
Hayaan na natin sila. Kasi pag kinumpare mo,
09:17.6
sarili mo, dyan papasok ang nervyos, lungkot.
09:22.6
Kung merong mga Facebook page o mga account na pag nakita mo naiinis ka,
09:28.6
di huwag mo muna puntahan. Okay?
09:32.6
Kasi mental health ngayon, delikado.
09:34.6
Oras na masira mental health mo, tuloy-tuloy na yan.
09:38.6
Abuse, stress, magkakasakit, umikli ang buhay.
09:42.6
Yan ang kalaban natin ngayon.
09:44.6
Pero mo, may mga tao, super healthy ah.
09:46.6
O super healthy, pero pag nasira mental health, bagsak agad eh.
09:50.6
Diba? Kasi utak napakahalaga.
09:52.6
Kaya dapat steady lang, stable lang.
09:56.6
Number six ito, pang pahaba ng buhay.
09:59.6
Mga akin lang ito eh, itong mga number six.
10:02.6
Avoid risky behavior. Kasama ito sa mental health.
10:06.6
Kasi nga, pag depressed ka, pag inis ka, malungkot ka sa buhay.
10:11.6
Parang walang saisay, puro traffic. Diba? Wala kang mapunta.
10:16.6
Gagawin mo, gagawa ka ng risky behavior.
10:19.6
Hahanap ka ng adrenaline.
10:22.6
Baka mag-racing ka.
10:24.6
O mag-wild ka.
10:26.6
O baka mag-video ka ng mga kung ano-anong mga risky na delikado.
10:31.6
Na medyo illegal. Diba?
10:34.6
So lahat itong mga reckless behavior, delikado.
10:38.6
Okay? Reckless, mga seatbelt, helmet.
10:44.6
Hindi ka maingat sa sarili mo. Hindi ka na nag-iisip.
10:47.6
Basta go lang ng go. Kasi nga, inis ako eh.
10:50.6
So delikado, risky behavior. Okay?
10:53.6
So konting ingat. Dapat maingat. Wala namang masama.
10:57.6
Pagpahaba ng buhay, conscientious.
11:00.6
Maingat. Huwag lalabas sa gabi. Baka may magnanakaw.
11:04.6
Kung pupunta sa ibang lugar, magingat.
11:07.6
Bahay mo, maayos. Huwag reckless.
11:09.6
Huwag yung tapon-tapon ng gamit, tulog, bahala na bukas kung ano mangyari.
11:13.6
Delikado po. Okay?
11:16.6
Number seven. Siyempre, pagpahaba ng buhay.
11:20.6
Dapat may konting lakad-lakad everyday. Regular exercise. Okay?
11:25.6
Hindi ko naman sinasabi na mag-gym kayo araw-araw. Mahal mag-gym eh.
11:29.6
Sa akin, kahit simpleng lakad lang eh.
11:33.6
Pero yung style ko kasi, hindi ko hinahabol yung 10,000 steps eh.
11:37.6
Kung may araw, nakaka 8,000, 9,000 steps ako, hingal na ako.
11:42.6
Pero pwede po sa senior. Sa senior, kahit 3,000 steps, pwede na eh.
11:48.6
3,000 to 4,000 steps sa senior, pwede na.
11:52.6
Tapos daanin mo ng konting weights. Diba? Kasi paa lang gumagana eh.
11:56.6
Konti sa kamay. Light weights. Konting push-up. Yung wall push-up lang.
12:01.6
Konting mga stretch. Diba?
12:03.6
Konting crunch kung gusto mo.
12:06.6
Yung mga light exercise, dapat konti-konti. Yan ang sikreto sa exercise.
12:12.6
Kung mag-exercise kayo, huwag yung pupunta sa gym biglaan.
12:17.6
Hindi po maganda yun.
12:19.6
Dapat gagawin nyo konti-konti-konti.
12:23.6
Ngayon siguro 2 pounds lang.
12:25.6
Sabi mo, nakakatawa ka naman, Dok. 2 pounds.
12:28.6
Kaya mo. Kaya mo tumawa siya. 2 pounds.
12:30.6
At least dinahandahan mo. 2 pounds, 3 pounds, 4 pounds.
12:34.6
Kasi kung binigla mo yan, maraming mayabang, bigla daw.
12:39.6
Kaya ko. 10 pounds. O kita mo.
12:41.6
Pag na-frozen shoulder.
12:43.6
Pag na-frozen shoulder ka, o na-tear mo yan, tatlong buwan yan, di gagaling.
12:50.6
Tatlong buwan yan, di gagaling.
12:52.6
Ano gagawin mo tatlong buwan? Wala ka na magagawa.
12:55.6
Mag-umpisa ka ng dahan-dahan.
12:57.6
Tapos may rest day.
12:59.6
Ingat sa exercise. Biking is good. Pero okay ba mag-bike sa labas?
13:05.6
Baka matapilok tayo. Maganda ba daan natin?
13:09.6
May nakainom na katabi mong sasakyan. Mabangga pa tayo.
13:14.6
So, hanap ng safe place.
13:16.6
Number 8. Pampahaba ng buhay.
13:19.6
Huwag magpapataba. Healthy weight.
13:22.6
Sabi nga nila eh, the less you eat, the longer you will live.
13:27.6
Mas konti ang kinakain.
13:29.6
Yung mga taong humahaba ang buhay, halos lahat sila payat.
13:33.6
Okay? Wala pa ata ako nakitang 100 years old na 200.
13:39.6
Pounds na mataba.
13:41.6
Basta overweight kasi unang-una.
13:43.6
Hirap na. Arthritis na yan.
13:45.6
Siguradong sakit sa puso na yan.
13:47.6
Siguradong may diabetes na yan.
13:49.6
So, paano abot na 100 years old?
13:51.6
Pag hindi healthy weight.
13:53.6
Pero pag mapayat,
13:55.6
konti lang ang pagod ng katawan.
13:57.6
Number 9.
13:59.6
Ako, maraming mga galit sa akin.
14:01.6
Gusto nyo pamaba buhay? Sigurado. Sundin nyo na lang.
14:04.6
Number 9. Bawas alak o tigil alak.
14:08.6
Okay?
14:10.6
Ang dami ko nakikita.
14:12.6
Pag naglalakad ako sa mga barangay.
14:14.6
Diba? Dami ng tagay.
14:16.6
Alas 2 pa lang ng hapon.
14:18.6
Inuman na. Tagay na.
14:20.6
Tanggal na yung baro. Labas na yung tiyan.
14:22.6
Diba? Parang...
14:24.6
Maraming problema sa alak.
14:26.6
Sa pag-aaral, minus 3 years yun.
14:28.6
Bakit? Sa buhay.
14:30.6
Bakit? Tataba ka.
14:32.6
Mataas ang calories ng alak.
14:34.6
Number 1. Pag alak, mapapaaway ka.
14:37.6
Accidents.
14:39.6
Suntukan. Diba?
14:41.6
Pag alak, gamitin mo pang patulog.
14:44.6
Rumurupok yung ugat sa ulo.
14:46.6
Higher stroke risk.
14:48.6
Bukod pa, alam naman natin. Sira ang atay.
14:51.6
Liver cirrhosis. Liver cancer.
14:53.6
Pati yung utak. Yung mga nerve cells.
14:55.6
Nasisira. Mas ulyanin.
14:57.6
Mas mahina memory.
14:59.6
Mas Alzheimer's. Mas demensya.
15:01.6
Pag nasobrahan ng alak.
15:03.6
Kaya nga, pag nalasing, yun na nga eh.
15:05.6
Diba? Kaya kung gusto mo, konti-konti.
15:07.6
Kung kaya mo, i-control.
15:09.6
Pero otherwise, hindi mo kailangan eh.
15:12.6
Number 10. Ito gusto nyo.
15:14.6
Pampahaba ng buhay. Ito invento ko rin.
15:17.6
Number 10 is do not overwork yourself.
15:21.6
Pahay ka ba dito?
15:23.6
Huwag masyadong magpagod.
15:25.6
Huwag masyadong magpaka-stress sa trabaho.
15:28.6
Hindi ko sinabi maging tamad. Diba?
15:31.6
Maganda rin naman talaga magsipag.
15:33.6
Magkayod. Diba?
15:34.6
Mag-overtime.
15:36.6
Para kumita ng pera. Diba?
15:38.6
Yan ang tinuturo. Diba?
15:40.6
Mag-double job ka. Mag-triple job ka.
15:42.6
Huwag ka na matulog sa gabi. Magtrabaho ka pa rin.
15:45.6
Kaya lang, parang baka hindi worth it eh.
15:49.6
Makakuha ka ng dagdag pera.
15:51.6
Magkasakit ka. Mas malaki pag-gastos mo.
15:53.6
Diba?
15:54.6
Nakumita ka ng 50,000 more a month.
15:57.6
Nagkasakit ka. Isang heart attack.
15:59.6
Baka 1 million na ang gastos niyan eh.
16:01.6
So, huwag din i-overwork
16:03.6
ang sarili mo. Easy, easy lang.
16:06.6
Okay? Ito yung Japanese style. Diba?
16:09.6
Konti-konti. Dahan-dahan.
16:12.6
Yung habits unti-unti.
16:14.6
Kung yun lang ang kaya ng kita mo.
16:16.6
Kung kaya mo lang kumita ng let's say 16,000 a month.
16:20.6
Yun lang ang kaya.
16:21.6
Di tipid na lang. Diba?
16:23.6
Tipid na lang.
16:24.6
Kasi nga, kung pipilitin mo mag 30,000 a month.
16:27.6
Magkakasakit ka naman. Hindi ka matutulog.
16:30.6
Worth it ba yun? Diba?
16:32.6
Kasi bukod sa overworking, kailangan mo may tulog.
16:36.6
Hindi pwede ang katawan walang tulog, walang pahinga.
16:39.6
Kasi nga, mental health yan eh.
16:41.6
Okay?
16:42.6
Pwede magsipag habang malakas pero dapat may limit din.
16:46.6
Number 11 out of 12. Very important.
16:49.6
Pampahaba ng buhay. Kailangan alam mo ang lahi mo.
16:54.6
Okay?
16:55.6
Lagi ko ito tinuturo sa inyo.
16:57.6
Shortcut ito. Paano shortcut?
16:59.6
Ano lahi mo? Nanay mo.
17:01.6
Tatay mo. Ano sakit nila?
17:03.6
Meron ba na heart attack na maaga?
17:06.6
Like si Doc Lisa. Iniingatan ko dati. Lagi.
17:09.6
Paano yung nanay ni Doc Lisa?
17:12.6
Breast cancer. Age 50 years old eh.
17:15.6
So bata yun. 50. Breast cancer. Namatay.
17:19.6
So isabihin, meron na sa dugo niya na pag namanan niya yun
17:23.6
at hindi namanan sa tatay niya, pwede siya magka breast cancer at age 50.
17:28.6
So dapat ngayon pa lang.
17:30.6
So pag alam mo may history kayo ng breast cancer, maaga pa lang.
17:34.6
No smoking, kumain ka ng maraming carrots.
17:37.6
Diba? Iwas ka na sa karne. Uunahan mo na.
17:41.6
Diba? Uunahan mo na.
17:43.6
Kung may lahi kayo ng heart attack na maaga, uunahan mo na.
17:48.6
Dapat mas maingat ka na, mas bata pa.
17:50.6
So cancer history.
17:52.6
Sa amin, may lahi kami ng mga liver cancer eh.
17:56.6
Sa mga ninuno ko, mga tatlo, apat eh.
17:59.6
Puro liver cancer. Pero liver cancer nila mga 80s o 90s na.
18:04.6
80 years old to 90.
18:07.6
So mga ganun. So mga 80s na.
18:10.6
Meron pa rin. Kaya iingatan.
18:12.6
So know your family history para makita mo ang future.
18:16.6
Parang manghuhula tayo.
18:18.6
Number 12. Syempre pambaba ng buhay.
18:21.6
Kailangan may check-up. Diba?
18:23.6
Bukod sa basic check-up sa blood pressure,
18:27.6
actually yung heart rate din, very important.
18:30.6
Yung tibok eh.
18:31.6
Ako nga medyo bumibilis na nga yung tibok ng puso ko.
18:34.6
Pag tumatanda, mas mabilis na yung tibok.
18:37.6
Mas mahina na siya eh.
18:39.6
So dapat yung tibok tama-tama lang.
18:42.6
60 to 80 beats per minute.
18:44.6
Baka mas matanda, mas ingal.
18:46.6
So regular check-up. Pag lalaki, prostate.
18:49.6
Diba? Marami akong video sa prostate.
18:51.6
Ingat tayo sa prostate cancer at hirap umihi.
18:55.6
Sa babae, iiwas tayo sa breast cancer at cervical cancer.
19:01.6
Sa matres, mga pap smear, breast check-up.
19:05.6
At meron pa importante sa mga regular check-up.
19:09.6
Mata at tenga, very important.
19:12.6
Huwag tayong magtipid sa mata.
19:14.6
Kasi oras na lumabo ang mata mo, hindi mo pinacheck-up,
19:19.6
doon ka matutumba eh.
19:22.6
Doon ka matutumba. Diba?
19:24.6
So pag natumba ka, eh tapos na.
19:26.6
Natumba, tumama yung ulo.
19:28.6
Diba? Hindi na po pwede.
19:30.6
Babantayan din yung tenga.
19:32.6
Importante din man yung tenga.
19:34.6
Kung bingi ka, baka hindi mo marinig yung sasakyan.
19:36.6
Pero yung mata, mas mahalaga.
19:38.6
Isa pa rin mahalaga.
19:40.6
Yung vertigo, yung hilo.
19:44.6
Kasi kung lagi kang may hilo, marami akong tips sa hilo,
19:48.6
pwede ka rin matumba sa umaga.
19:50.6
Diba? Hilo.
19:52.6
And another thing, most important,
19:54.6
yung balansi ng mga senior tumatanda.
19:57.6
Malalaman nyo yan.
19:59.6
Pag edad nyo 50, 60,
20:01.6
parang wala ka ng balance.
20:03.6
Yung tuhod mo, parang bibigay na lang bigla.
20:06.6
So dapat papalakasin yan.
20:08.6
Light exercise yung balance.
20:10.6
Dapat naka-rubber shoes.
20:12.6
Kasi oras na ma-off balance ka,
20:14.6
pwede ma-aksidente. Diba?
20:16.6
Ang daming mga may edad,
20:18.6
nabali ang kamay. Sabihin, ba't nabali?
20:20.6
Nahulog, Dok. Eh.
20:21.6
Diba? Ba't matabingin na yan?
20:23.6
Bakit parang naging komang na? Eh, nahulog eh.
20:26.6
Na-off balance ako eh. Diba?
20:29.6
So yun ang mga iingatan natin.
20:31.6
Ayaw natin accidents. Okay?
20:33.6
So sana nakatulong ito.
20:34.6
12 tips para kumaaba ang buhay,
20:37.6
na maging safe at hindi biglang magka problema.
20:41.6
1 to 12, banggitin ko.
20:43.6
Number 1, stop smoking.
20:45.6
Number 2, blood pressure, blood sugar control.
20:48.6
Number 3, rainbow eating,
20:50.6
healthy eating.
20:51.6
Number 4, maraming tubig,
20:53.6
8 glasses in a day.
20:55.6
Number 5, mental health.
20:58.6
Ang ingatan ang mental health.
21:00.6
Kung may papasok na masamang isip,
21:03.6
kailangan close ka pala sa family and friends.
21:06.6
Nakalimutan ko sabihin.
21:07.6
Number 5, close sa family and friends.
21:10.6
Huwag mo awayin yung magulang mo,
21:11.6
kapatid mo. Masisira ang mental health mo.
21:14.6
Huwag mo awayin.
21:16.6
Magpatalo na lang.
21:18.6
Better magpatalo, at least,
21:20.6
medyo speaking terms ka pa with family.
21:24.6
Kasi oras na naghiwalay ka sa magulang mo,
21:26.6
inaway mo, may damage sa mental health.
21:29.6
May stress ka.
21:30.6
Number 6, iwas sa risky behavior.
21:33.6
Number 7, lakad-lakad, exercise.
21:36.6
Number 8, huwag magpapataba.
21:38.6
Number 9, iwas sa alak kung makakaiwas.
21:42.6
Number 10, huwag masyadong overwork.
21:45.6
Tama-tama lang ang trabaho.
21:47.6
Number 11, tingnan mo ang family.
21:50.6
Number 12, magpapakita tayo sa doktor nyo para maayos.
21:55.6
Yung mga vitamins and supplements,
21:57.6
wala naman talagang kailangan-kailangan.
22:01.6
Kung mahirap, siguro isang multivitamin okay lang.
22:04.6
Basta marami ka nainom na tubig, okay na po yun.
22:07.6
Sana pa nakatulong itong video,
22:09.6
share po natin sa ating kababayan.
22:11.6
At syempre, magdarasal lagi.
22:14.6
Magdarasal, prayer is good for the mental health.
22:19.6
At malay mo, may pagpahaba din ng buhay.
22:22.6
Sa tamang pagdarasal at malaman yung mission natin sa buhay.
22:26.6
Kailangan din may goal.
22:28.6
Kung may goal ka, mas mahaba din yung buhay.
22:30.6
God bless po.