Close
 


Mga Kayamanang Natagpuan Nang Di Sinasadya
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #treasure #rich #lucky
Moobly TV
  Mute  
Run time: 09:59
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mga kayamanang natagpuan ng hindi sinasadya
00:03.5
Ilang beses mo nang naranasan to.
00:06.0
Naglalakad ka sa kalsada, tapos bigla kang may nakita na pera.
00:10.0
Minsan limang piso, minsan isang daan o limang daan.
00:13.9
At kung sinuswerte ka talaga, pwede kang makakita ng ligaw na isang libo.
00:18.2
Pero paano kung sabihin ko sa iyo na may ilan pang yaman na natagpuan ng hindi sinasadya,
00:23.7
pero masigit pa sa perang nakikita natin sa kalsada?
00:27.4
Tara, pag-usapan natin!
00:28.7
Yaman sa Tangke
00:30.4
Si Nick Mead ay isang collector ng mga tanks at ang may-ari ng Tanks-A-Lot,
00:35.4
isang kumpanya na nag-o-offer ng tank at iba pang military driving experiences sa publiko.
00:41.2
Nang bumili si Nick ng tank mula sa eBay sa halagang $37,000,
00:46.3
ang nasa isip lang niya ay bagong tank para sa kanyang koleksyon at negosyo.
00:50.9
Kasama ang kanyang mekanik na si Todd Chamberlain,
00:53.7
nilinis nila ang tank nang bigla silang may nakitang kumikinang.
00:57.4
Sa loob ng tank,
00:59.1
nakakita si Nick ng limang gold bars na may bigat na 12 pounds each.
01:04.1
Agad na sinuko ni Nick ang gold bars sa mga otoridad.
01:07.1
Ayon sa mga eksperto,
01:08.8
ang mga gold bars na nakita ni Nick ay nagkakahalaga ng $2.4 million o mahigit sa P135 million.
01:18.3
Higanteng Pearl
01:19.4
Noong 2006, isang mangingisda sa Pilipinas ang nangisda sa Puerto Princesa
01:24.4
nang biglang may humarang sa kanyang anchor sa baba
01:27.6
na siyang nagpatigil sa bangka niya.
01:30.4
Agad niyang nilangoy ito sa ilalim at nakita na isang higanteng kabibe ang nakaharang dito.
01:36.5
Nang buksan niya ang kabibe, doon niya nakita ang higanteng pearl sa loob nito.
01:41.9
Kinuha niya ito at nilagay sa ilalim ng kanyang kama.
01:45.2
Matapos ang ilang taon, nang lumipat ng tirahan ng mangingisda,
01:49.2
binigay niya ang pearl sa kanyang kamaganak.
01:51.7
Di nagtagal, binigay ng kanyang kamaganak sa mayor ng kanilang lugar
01:55.5
at ngayon ay nakadisplay na ito.
01:57.6
Ang higanteng pearl ay may lapad na 1 feet at may haba na 2.2 feet.
02:04.5
May bigat din itong 75 pounds at ayon sa ilang eksperto,
02:08.7
kung mapapatunayan na lumaki talaga ito sa loob ng clam,
02:11.8
nasa 100 million dollars o mahigit sa 5 billion pesos ang value nito.
02:17.6
Ang nakalimutang Star Wars
02:19.3
Noong 2011, habang naglilinis sa attic ng kanyang mga magulang sa San Francisco,
02:24.8
nakakita si Stephen Hoffer ng mga kahon,
02:27.6
na natabunan ng alikabok.
02:29.4
Nang buksan niya ito, doon niya lang napagtanto na ang laman pala nito
02:33.2
ay ang mga dati niyang Star Wars na laruan noong bata pa siya.
02:37.5
Hindi lang iyon, ang nahanap niya ay ang kanyang 50 vintage Star Wars toys
02:42.0
na napakaganda pa ng kondisyon at may ilan na first edition.
02:46.1
Na i-benta niya ito sa halagang 10,000 dollars o mahigit sa 500,000 pesos.
02:54.5
Noong 1947,
02:56.0
isang grupo ng mga binatang Arabs ang nag-aasikaso ng kanilang mga alagang kambing at tupa
03:01.3
malapit sa lumang syudad ng Jericho.
03:04.2
Nang napansin nila na nawawala ang isang kambing,
03:06.8
inanap nila ito kung saan-saan.
03:08.9
Habang naghahanap, binato ng isang binataang cave sa malapit at nagulat siya sa kanyang narinig.
03:15.0
Tila may clay pot na nabasag sa pagbato niya kaya pumasok siya sa cave.
03:19.6
Doon niya nakita ang mga jars na may lamang ancient papyrus scrolls.
03:24.2
Kinuha ng mga binataang scrolls.
03:26.0
At binenta ito sa isang antique dealer sa Bethlehem sa halagang 50 dollars.
03:30.6
Ang hindi nila alam, ang scrolls pala na nakita nila ay ang Dead Sea Scrolls na ang unang mga parte ng Biblia.
03:38.2
Sa katunayan, ilan sa mga scrolls ay nabenta sa milyon-milyong halaga.
03:42.8
Ang artifact na ito ay isa sa mga pinakamahalagang archaeological discoveries sa 20th century.
03:50.4
Noong 2012, habang nagsasagawa ng renovations ang ilang workers sa dating palasyo,
03:55.7
may nakita silang hindi nila inaasahan.
03:58.7
Sa ilalim ng sahig ng palasyo, nakakita ang grupo ng tatlong treasure boxes.
04:03.7
Sa kabuuan, may bigat ang tatlong treasure boxes na 661 pounds.
04:09.3
Nang buksan nila ang isang box, gold at silver ang nasa loob nito na ayon sa mga eksperto ay nasa 200,000 ang value.
04:17.8
May ilang nagsasabi na posible itong alay sa mga gods ng mga taong nakatira dito noon.
04:22.6
Ang dalawang boxes ay iniimbestigahan pa,
04:25.7
pero ayon sa mga otoridad,
04:27.4
posible pa silang makakita ng mga nakatagong yaman sa lugar sa kanilang pag-renovate nito.
04:33.9
Yamang mula sa brown paper bag.
04:36.3
Isang pamilya sa California ang naglilinis sa bahay ng kanilang pumanaw na lolo.
04:41.0
Habang kinukuha nila ang mga kagamitan,
04:43.4
isa sa kanila ang nakakita ng brown paper bag.
04:46.5
Nang tingnan niya ito, nagulat siya sa kanyang nakita.
04:49.8
Isa itong sinaunang baseball card na maganda pa ang kondisyon.
04:53.8
Nang ipakita niya ito sa eksperto,
04:56.0
doon niya lang nalaman na ang card pala ay isang napaka-rare na Thai Cobb baseball card na ginawa noong 1909 o 1910.
05:05.6
Naibenta nila ito sa halagang 3 million dollars o mahigit sa 168 million pesos.
05:12.0
Ang nakatagong comics.
05:13.5
Noong 2011, nilinis ni Michael Rohrer ang bahay ng kanyang pumanaw na tiyahin sa Martinsville.
05:19.8
Maya-maya pa ay nakakita siya ng isang kahon na may lamang 345 comic books.
05:25.2
Pero,
05:25.5
hindi lang ito basta comics, napakaganda pa ng kondisyon nito at may mga rare comics na tulad ng Action Comics No. 1,
05:33.3
ang unang paglabas ni Superman at Detective Comics No. 27, ang unang paglabas ni Batman.
05:39.8
Kinolekta pala ito ng kanyang pumanaw na tiyuhin.
05:42.6
Binasa ni Michael Rohrer ang ilan, pero sa huli ay ibinenta niya ito.
05:46.7
Ang Comics No. 1 na may Superman ay nabili sa halagang 523,000 dollars
05:51.7
at sa huli ay naibenta niya ang buong collection sa halagang,
05:55.5
3.5 million dollars o halos 200 million pesos.
06:00.6
Rosetta Stone
06:01.5
Noong 18th century, dinala ng mga scientists at historians ang sikat na French general na si Napoleon Bonaparte
06:08.0
para sa kanyang kampanya sa Egypt.
06:10.3
Naatasan ang grupong ito na magkolekta ng mga sinaunang relics at pag-aralan ang history ng bansa.
06:16.0
Noong 1799, habang tinutumba ng mga sundalo ang isang ancient wall upang palakiin ang kanilang fort malapit sa Rosetta,
06:23.5
may natagpon silang malaki.
06:25.5
At kakaibang basalt slab na may nakasulat na mga letra.
06:29.8
Nang makita ito ng mga eksperto, doon nila napagtanto na ang batong ito ay mula pa sa 2nd century BC
06:36.5
at may inscription na nakasulat sa tatlong languages, Greek, Demotic at Hieroglyphics.
06:43.7
Sa mga sumunod na dekada, ilang language experts na din ang sinubukang i-crack ang code.
06:48.4
Ayon sa kanila, kung tuluyang madecode ang Rosetta Stone, ito ang magiging simula ng in-depth studies
06:55.1
sa ancient Egyptian language at literature.
06:58.6
Kakaibang Painting
06:59.8
Noong 2016, isang pamilya sa France ang nag-aayos ng kanilang bubong na tumutulo pag umuulan.
07:06.9
Nang kunin nila ang mga gamit sa attic, nakakita sila ng napagagandang painting.
07:11.9
Nang i-report nila ito sa otoridad, doon nila nalaman na ang painting palang ito ay gawa ng sikat na sinaunang Italian painter,
07:19.1
na si Caravaggio.
07:20.1
Ang painting ay tinawag na Judith Ann Holofernes,
07:23.5
at isa ito sa pinakamahalagang pyesa ng kilalang pintura.
07:27.6
Ayon sa mga eksperto, nasa $150 million o mahigit sa 8 billion pesos ang halaga nito.
07:34.7
Chinese Bowl
07:35.6
Noong 2007, isang mag-asawa sa New York ang bumisita sa isang garage sale upang maghanap ng bowl na pwedeng gawing centerpiece sa mantle ng kanilang apartment.
07:46.6
Nakakita sila ng isang puting bowl na may ivory glaze at binili ito sa halagang $3.
07:51.8
Naging curious sila sa bowl, kaya ay pinakita nila ito sa eksperto,
07:56.6
at doon nila nalaman na ang bowl palang iyon ay mula sa Southern Song Dynasty sa China.
08:02.2
Iisa lang ang katulad nito at nakadisplay iyon sa British Museum.
08:06.4
Dinala ng mag-asawa ang bowl sa isang auction house sa Sotheby's at umabot sa $300,000 ang estimate nito.
08:13.5
Pero sa huli, binili ng isang Chinese antique collector sa halagang $2.2 million o mahigit sa $124 million.
08:21.8
Terracotta Army
08:24.2
Noong 1974, isang grupo ng mga magsasaka sa China ang nagdidilig malapit sa siyudad ng Xi'an.
08:31.6
Maya-maya pa, isa sa kanila ang tila nakatama ng tila bakal sa kanyang pala.
08:37.1
Noong nakita nila ang kanilang tinamaan, isa itong life-sized sculpture.
08:41.8
Noong una ay akala nila na nakahanap sila ng Buddha sculpture, pero doon sila nagkamali.
08:47.1
Dahil noong i-report nila ito sa mga otoridad at nag-conduct ang ilang archeologist,
08:51.8
ng mga excavations sa kalapit na lugar, doon nila napagtanto na ang nakita pala nila ay isa sa 8,000 life-sized terracotta na sundalo
09:01.5
na ginawa upang bantayan ang puntod ng 3rd century B.C. emperor na si Qin Shi Huangdi.
09:09.3
Kasama ng mga life-sized soldiers, may mga nakita rin mga kabayo at chariot sculptures ang mga eksperto.
09:16.7
Napakadetalyado ng mga sculptures na ito sapagkat ang bawat isa sa kanila ay may kakaibang mukhang.
09:21.8
Na tila isang tunay na tao talaga. Ngayon, itinuturing ito bilang isa sa pinakamahalagang archaeological treasure sa buong China.
09:30.5
Ilan lang ito sa mga yamang natagpuan ang hindi naman hinahanap, at sa laki ng ating planeta at yaman ng ating kasaysayan at kultura,
09:38.7
sigurado akong may ilan pang yaman na natatago sa mga sulok at naghihintay na mahanap.
09:44.9
Ano sa tingin mo?
09:46.9
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan, huwag kalimutan mag-subscribe sa Bubli YouTube Channel.
09:51.8
At pindutin ang notification bell.