Close
 


Vince Rapisura 2741: Investments para sa kumikita ng 20K per month
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#UsapangPera: Mga Tips sa Pagyaman with Sir Vince tackles money issues such as savings, loans, budgeting, and investing among others. Visit Sir VInce's website: www.vincerapisura.com. How to join SEDPI Coop: 1. Join SEDPI Foundation at bit.ly/SEDPIOnlineSRI by clicking “Register” and filling out the form 2. Take the online Pre-Membership Education Seminar (PMES) at bit.ly/SEDPICoopPMES 3. Pay membership fee and initial share capital Simulan ang pagiinvest the socially responsible way sa: bit.ly/SEDPIOnlineSRI Pag-IBIG MP2: * Watch the play list: https://www.youtube.com/playlist?list... SSS Retirement: Watch the playlist https://www.youtube.com/playlist?list... How to invest 100K: https://youtu.be/dxHRZn7uP-4 Celebrity guests include venus Raj (Season 1); Nicole Cordovez and Sinon Loresca (Season 2); Atom Araullo (Season 3) and Porky (Season 4). Smart Parenting Board of Expert
Vince Rapisura
  Mute  
Run time: 46:04
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
ang ating financial expert na makakausap tungkol po sa mga paggasta ng pera, kung paano ba ang tamang paggasta.
00:06.5
Baka may tanong kayo, magpadala kayo ng tanong sa amin, kahit sa YouTube or sa Viber number 0919-2783000.
00:14.8
Ayan, itanong po ninyo sa atin pong panauhin ngayong umaga, ang financial expert po, ang ating suke na si Sir Vince Rapisura.
00:22.4
Sir Vince, magandang umaga at Happy New Year!
00:25.2
Happy New Year, Sir! Welcome back!
00:26.9
Hi! Happy New Year, Sherry Anne at Adria! Nagbabalik ang inyong financial guru!
00:33.1
Yes! Ah, guro nga pala!
00:34.9
Financial guru!
00:36.1
Financial guru!
00:38.0
O yan, unahin muna natin. Siguro unahin natin yung mga gumagasta ngayon, yung mga talagang, yung ginagamit nila, yung kanilang mga perang naipon last year para sa pagbabakasyon.
00:49.8
Hindi naman natin na pinatatamaan yung isang taong tumutugol sa pangalang RG.
00:54.7
Pero yun, yung ganito, ano ba yung muna yung masasabi?
00:56.9
Na binuksan yung 2024 sa pamamagitan ng pag-travel, pag-spend ng kanilang pera.
01:03.0
Oo. Para sa akin, basta ginamit ang ipon para dyan, ano, at hindi nang utang, okay yan.
01:10.8
In fact, RG at saka, sorry, Adrian pala at saka Sherry Anne, ano, ay natutuwa ako kasi ang observation ko nitong nakaraang holiday season,
01:21.2
ang nangyari, mas pinagkasya ng mga Pilipino ang kanilang mga budget.
01:26.9
Sa simpleng selebrasyon kaysa mangutang at magkaroon ng mag-aarabong selebrasyon.
01:32.4
So para sa akin, okay yan. Basta pinag-ipunan.
01:35.0
Pero anong masasabi mo, sir, na parang hindi lang yung travel revenge ang nangyari.
01:41.2
Pag tinignan natin, whether sa mga mall o sa mga tsianggean, talagang siksikan, balik sa pamimili ang mga tao.
01:51.3
Okay yan, actually, kasi kapag buhay ang mga consumers, buhay din ang mga negosyo.
01:56.9
So ano yan eh, kung titignan natin ang spending, maganda din naman talaga yan basta sa pangangailangan siya ginagamit at nakakatulong din tayo sa mga maliliit na negosyante.
02:10.4
At yung mga negosyante na yan, nagkakreate din yan ng employment. So ano no, cycle siya na maayos.
02:16.6
Ang maganda talaga in terms of spending, ito ay balanse at ito ay ginagamit natin sa mga pangangailangan natin.
02:25.0
Sir Vince, iniisip ko lang, ito yung possibility naman, andun naman yung likelihood na marami-rami pa rin tayong mga kapwa Pilipino na merong mga natira o nagtira doon sa mga nakuha nilang bonus.
02:41.6
At yung iba, karamihan may mga employer, yung mga unused leaves, ito yung mga darating na mga biyaya ngayon o yung mga CBA, mga salary increase.
02:52.6
Ano ang tamang attitude?
02:55.0
Pagdating dito sa mga extra fund o mga additional na pera na mahahawakan nila. Ano ang tamang paghawak?
03:03.0
So yung extra fund natin ay ano yan, para sa akin ito ay nabibilang sa tinatawag ko na unexpected o kaya ay mga irregular income.
03:16.9
At kapag ganyan ang nangyayari, para sa akin, ang pinakasustainable ay 50%, maximum 50%.
03:24.4
Yan ay gastusin mo o i-enjoy mo. At minimum 50% naman ito ay ipunin mo o i-invest mo.
03:33.3
Kasi sa pag-aaral namin at saka sa pagbibigay ko ng payo tungkol sa paghawak ng pera, kapag ang lagi nating ipinofocus ay doon lang tayo sa mag-ipon at mag-invest,
03:45.2
nawawalan din ng gana yung mga tao. Kasi hindi nila maramdaman ngayon o ma-enjoy ngayon yung kanilang pinaghirapan.
03:52.4
So kailangan balance siya.
03:54.4
Mayroon tayong parte na in-enjoy natin yan o ginagamit natin sa ating basic needs at may parte na pinaghahandaan natin ang ating financial future.
04:04.1
Pero at this point din sir, o tama yun, 50-50. Kasi nga, dati diba parang ang naririnig kong advice ay dapat 30% dun sa spending, 70% yung para dun sa savings.
04:16.9
Parang ang hirap naman i-comply, lalo na kung marami kang bayarin, di po ba?
04:21.0
Pero sa taong ito, ano ang mga tamang investment opportunities ang dapat na i-consider?
04:31.4
Okay. So para sa akin, ang pundasyon ng magandang paghawak ng pera, hindi lang sa taon na ito pero sa mga susunod na taon pa,
04:40.8
ang unang-una na pundasyon talaga natin dyan ay magkaroon ng emergency savings.
04:45.0
At sinaliksik namin yan, nagkaroon kami ng research.
04:51.0
Na 85% ng mga Pilipino kasi ay walang sapat na emergency savings.
04:57.2
So anong ibig sabihin yan? Kapag magkakaroon ng emergency, sila ay mangungutang.
05:02.8
So dapat emergency savings muna yung pundasyon natin bago tayo magpunta sa investments.
05:08.0
So para sa emergency savings, ito yung mga suggested ko na mga financial products na pwede nating puntahan.
05:16.9
So unang-una ay ang ever reliable natin na mga commercial.
05:21.0
Commercial banks na savings account sa ATM.
05:28.3
Kasi itong mga commercial banks ATM ay ever reliable sila at secure na secure naman yung pera natin sa kanila.
05:36.8
Although, mababa yung interest na makukuha natin sa kanila.
05:40.6
So ang purpose kasi nito, yung emergency savings, yan nga, immediately sana magamit mo siya kapag mayroong emergency.
05:47.2
Kung mas gusto mo ng mas mataas-taas na interest na makukuha,
05:51.0
pwede ka rin mag-ipon ng iyong emergency savings sa mga digital banks.
05:56.3
At pwede rin sa maglagay ng bahagi ng emergency savings mo sa mga rural bank time deposit at saka sa cooperative time deposits.
06:05.3
Sa digital banks, medyo mas mag-ingat lang tayo kasi alam nyo naman, online, medyo lapitin ito ng mga scam texts.
06:13.4
Kaya medyo mag-ingat tayo at ilimit natin ang ating paglalagay ng emergency savings natin dyan
06:20.0
up to 5%.
06:21.0
So 100,000 pesos lang para ito ay covered pa rin ng PDIC.
06:26.3
Ano man ang mangyayari, magsarapan nyo yung banko kasi mga bago pa lang itong mga digital banks na ito ay safe tayo at nakakatulog tayo ng mahinding sa gabi na hindi mawawala yung pera natin.
06:38.4
Sa rural bank time deposit naman, ang tip ko dyan ay sasabihin nung ano ba naman itong financial guru na ito.
06:45.6
Bakit naman sa rural bank, eh ang daming nagsasarang rural bank, diba?
06:48.8
Pero again, kung ito ay ima-maximum lang natin hanggang 500,000, safe na safe yung pera natin because of PDIC.
06:58.6
At ang isang tip ko dyan ay ilagay natin yung time deposit natin ng 5 years plus 1 day or more than 5 years yung term ng time deposit natin para ito ay tax-free.
07:12.4
Tapos sa co-op time deposit, dahil sa cooperative code natin sa Republic Act 9420,
07:18.8
ito talaga ay tax-free.
07:22.7
Pero sir, pagdating doon sa interest ng savings, ano ang difference?
07:30.0
Mayroon ba ang difference ang commercial, savings at cooperative bank?
07:34.5
Oo, naku malayo.
07:36.4
Ang commercial banks ay napakababa ng kanilang interest sa kanilang mga regular savings accounts.
07:43.5
I think ngayon, maswerte ka kung makakuha ka ng 1% na interest.
07:48.8
Yes, on your regular savings.
07:50.9
Sa mga digital banks, sa rural banks at saka sa cooperatives, mas mataas talaga yung interest na makukuha natin dyan.
08:00.7
Pero ako, ang tinitignan ko rin, meron akong bias sa mga rural banks at kooperativa
08:10.7
dahil sila ay mas may social mission.
08:15.9
Kung baga, ang pera natin, pag dyan natin dilagay,
08:18.8
sigurado tayo na makakatulong sa local economic development.
08:23.2
Kasi sa mga maliliit, mga micro enterprises o nano enterprises nila yan ipapahiram.
08:28.6
Sa mga commercial banks o kaya sa digital banks, medyo yung mga nasa nakakaangat-angat na sa buhay yung matutulungan natin dyan.
08:36.1
Pero in terms of interest, okay pa rin ang digital bank, rural bank at kooperativa.
08:42.0
Okay din ang commercial banks, huwag natin kakalimutan maglagay doon kasi hindi yung interest yung tinitignan natin doon.
08:47.9
Okay din.
08:48.0
Okay din ang commercial banks, huwag natin kakalimutan maglagay doon kasi hindi yung interest yung tinitignan natin doon.
08:48.8
Kaya kapag emergency savings ang pinag-uusapan natin, kailangan talaga na mabilisan natin itong makuha.
08:54.9
And ang mga commercial banks, may kakayahan silang i-deliver yan.
08:58.6
Kaya kahit maliit yung interest na makukuha natin, ay maglalagay pa rin tayo dyan.
09:03.6
Teka Sir Vince, yung digital bank, ano ba yung tinutukoy na digital bank?
09:07.9
Paano? As in yung digital banking lang or may iba pang digital bank tayong tinutukoy?
09:13.7
Oh, yung digital banks natin, hindi ko alam kung okay ba silang banggitin.
09:18.0
Or kahit walang brand?
09:20.9
Description na lang.
09:22.0
O ito ba yung mga crypto-crypto?
09:24.4
Ay hindi. Nako, nako, nako, nako, nako. Hindi.
09:27.0
O hindi ba yun? Sige, santabi muna natin yun. Ano muna itong digital bank na iyong binabanggit?
09:32.2
Oo. So itong mga digital banks ay mga banko pa rin na itinatag.
09:37.5
At ito ay may lisensya mula sa Banko Sentral ng Pilipinas.
09:42.1
So ang primary na ginagawa pa rin ng mga ito ay kumukuha ng deposito sa publiko.
09:47.0
At ipinapa-utang ito sa mga negosyante para sa mga pagtulong sa kanilang mga businesses.
09:53.1
So ang primary purpose nila talaga ay kumuha ng deposit at ito ay magpa-utang.
09:59.3
Yung mga cryptocurrencies kasi ay ibang ano yan, no? Ibang usapin yan.
10:03.0
Oo, iba-iba yun. So ito ba, kung hindi ako nagkakamali, ito ba yung parang minsan sa mga mall katabi ng mga ibang ATM na kilala nating banko,
10:12.4
may mga ATM na parang pwede sa ibang mga banko. Yun ba yun?
10:16.5
Yes.
10:17.0
Oo. Pwede yun. Mayroon yun. Pero largely, ito ay nagagamit lang natin, nagagamit natin through online facilities, no? Sa cellphone natin.
10:28.0
Hindi mo sila, wala, hindi natin sila makakakitaan ng brick and mortar, yung opisina mismo.
10:34.2
Di ba? Pag nagpunta yung mga commercial banks, katabi ng mga fast food ay nandyan yung mga commercial banks.
10:38.7
Yung mga digital banks, nandito talaga sila sa mobile phone natin o kaya sa laptop natin at doon tayo nagtatransact.
10:47.0
Oo. E ano pinagkaiba nun dun sa mga bankong nakasanayan na natin na pwede rin naman ang digital ang ating mga transaksyon?
10:54.8
Kasi nakakapag-transact din naman ako, nakapagpadala ng pera, nakapagbayad. Anong pinagkaiba nung digital banks?
11:03.2
Ang isang malaking pinagkaiba nila, mas nakakapagbigay ng mataas na interest yung mga digital banks dahil wala nga silang opisina na minamentain.
11:14.0
Okay.
11:17.0
Parte kasi ng expenses ng mga commercial banks, yung opisina, yung mga frontliners nila, yung mga tellers, ganyan, mga branch managers nila, malaki yung gastos dyan.
11:29.7
At dahil dyan, mas nakakapagbigay sila ng mas mataas na interest sa mga depositors.
11:34.6
Pero pagkita natin yung ibang mga functions, halos pareho na.
11:38.1
Actually maganda yun kasi yun nga ako, parang naano ko doon, nainganyo ako. Kasi usually kapag sinabing mataas ang interest, mainganyo ka.
11:47.0
Pero kakibat nun, yung may mga risk kasi rin na sinasabi. Pero ito, mataas ang interest nila dahil wala silang masyadong mga overhead cost, yung cost sa opisina.
12:01.3
Kaya sure ball na walang risk na mas mataas pala. Yan ang kailangan ma-explore din natin.
12:06.3
Pero paano yung, sir Vince, ano ang security blanket naman nun kung wala silang opisina? Paano ko hahabulin, halimbawa?
12:17.0
Oo. Usually meron silang mga telepono or telephone numbers na po pwede nating tawagan o kaya may mga email addresses sila na pwede tayong mag-email.
12:28.9
So largely, talagang parang mga call centers yung nagpapatakbo nitong mga digital banks.
12:36.1
At kung ikaw, old school na nagahanap ka pa talaga ng warm body para ikaw ay mas maging makampante sa iyong pera,
12:47.0
mas dito ka sa commercial banks. Pero kung ikaw naman ay sanay na sa online transactions at marunong kang kumilatis kung ano ang tunay at kung ano ang hindi,
12:56.5
ay pwedeng-pwede sa iyo ang digital banks.
12:58.6
Sir Vince, isa pa, kasi marami rin yung nakakarinig tayo yung portfolio investment, yung mag-i-stock market ka.
13:07.9
Kahit na simple yung mamamayan, pwede naman, nakakapag-participate. Pero ito po ba ay isang maganda rin na investment opportunity?
13:17.0
Kung ako ay meron akong maliit na pondo bilang panimula, ipupuhunan ko pambili ng shares of stocks sa mga kumpanya.
13:25.1
Okay, sige. So para sa akin, Sherry Anne, kung tayo ay may maliit na amount pa lamang, bigyan natin ng amount yung maliit na yan.
13:35.7
Let's say, 10,000 o kaya kahit 50,000 pesos yung ating pera na pwede na tayong pang-invest.
13:42.6
Para sa akin, hindi pa rin yan maganda na ilalagay natin.
13:47.0
So sa akin kasi, punuin muna natin yung ating mga investment products mula sa mga government agencies.
13:58.5
Kasi ito ay napaka-understated ng mga ito at hindi sila masyadong pinapansin pero maganda itong mga produktong ito.
14:07.9
Patulad ng pag-ibig MP2, for example, napakataas ng dividend na may bibigay niya at actually in the past, if I may say,
14:17.0
I think in the past four years, ay mas mataas ang kinikita nito kumpara sa stock market.
14:23.6
Dahil ang stock market has been flat since the pandemic.
14:27.5
At kung ako may 50,000 pesos din, sana ang gagawin ko muna ay i-maximize ko yung regular SSS ko.
14:36.5
Kasi yung paghahanda sa ating retirement, ang retirement kasi ay isa sa limang top five na financial goals ng mga Pilipino.
14:47.0
Pag kami ay nagsa-survey, lumalabas pa parati yan.
14:50.0
At ang regular SSS natin, wala pa akong nakitang pribadong financial product or pension product, maski ang stock market,
14:58.7
natatalo sa returns na ibinibigay niya.
15:01.0
Kasi usually nasa 19% minimum per annum kapag nag-retire na tayo, ang makukuha natin na returns sa ating contribution sa SSS.
15:12.0
So para sa akin, ito muna yung mga unahin.
15:15.1
Meron pa tayong tinatawag na wisdom.
15:17.0
Plus galing sa SSS, meron din tayong mga retail treasury bonds at saka retail dollar bonds bago tayo magpunta sa stock market.
15:26.2
Kung ang iyong investment purpose ay hindi lalayo sa mga sumusunod, pagpapaaral ng anak, pagpapatayo ng bahay, retirement, at pagkakaroon ng health fund,
15:39.8
hindi mo dapat ito inilalagay sa isang investment na parang ipinagsasapalaran mo ito.
15:47.0
Ang term ko sa risk ay sapalaran eh kasi pwedeng positive, negative, di ba?
15:50.6
Yung outcome niya.
15:52.3
Pero kung ilalagay mo yung pera mo at ipagsasapalaran mo ito, for example, sa stock market,
15:57.9
ang purpose ay pagpapagawa ng bahay, pagpapaaral ng anak, eh bagsak yung stock market, kailangan mo na yung pera,
16:05.0
hindi ito sustainable at hindi ito advantageous para sa iyo.
16:11.3
So para sa akin, dito tayo sa mga safe na mga investments dahil yung mga nabanggit ko na yan,
16:15.9
Pag-ibig MB2.
16:17.0
Regular SSS, WIS Plus, Retail Treasury Fund, Retail Dollar Fund, ito lahat ay 100% government guaranteed
16:25.9
at mainam din ang kanilang taxation. Halos tax-free ang mga ito.
16:31.3
Yun eh, talagang masiguro sa gobyerno rin.
16:38.1
Kaya yun nga, may mga iba nga, yung mga stock din, so parang binibitiwan dahil sabi mo nga parang flat ngayon,
16:47.0
pandemic.
16:47.9
At hindi siya promising, ano sir, for this year, even for this year.
16:52.7
Oo. Ayun, kasi parang ano siya eh, hindi siya predictable, kumbaga, no.
16:56.9
Sa akin, ang aking investment mantra, ang investment dapat parang relasyon sa pag-ibig, ano.
17:06.1
Ito dapat ay consistent and predictable.
17:09.6
Ang pag-iinvest kasi dapat ito ay boring, no.
17:12.3
Hindi ito yung na-excite ka, na mga ganyan.
17:15.2
Ayokong mataas, yes, excited ako.
17:17.0
Tapos malungkot ka naman kapag down siya.
17:19.4
Hindi eh, dapat hahanap tayo ng investment na consistent, no, at predictable.
17:26.5
Alam natin kung magkano yung kikitain natin.
17:29.0
Kasi sa paraan na yan, diyan lamang tayo magkakaroon ng sapat na impormasyon
17:33.3
para makapag-project in the future at maging basihan ng mga decisions natin.
17:40.0
Sir Vince, gusto ko lang balikan yung sinasabi mong emergency savings
17:43.7
kasi para sa amin na yung hindi masyadong maalala.
17:47.0
Sa mga stock, mga investment.
17:50.7
Yun nga eh, yung sa emergency savings, ano mas maganda?
17:55.2
Naka-time deposit or yung talagang andyan lang na naka-andyan lang at pwede mong galawin anytime?
18:02.4
Okay. So, napakagandang tanong, ano.
18:05.0
Para sa akin ay yung bigyan muna natin ng amag
18:09.1
kasi pwede natin siyang ihatiin kung saan natin siyang ilalagay, ano.
18:12.4
Ang goal natin na minimum emergency savings natin para sa akin,
18:17.0
ay katumbas ng siyam na buwang gastusin.
18:20.5
So, for example, ang monthly expenses mo ay 20,000.
18:25.5
20,000 times 9, 180,000 pesos yan.
18:29.6
So, usually ako, ang ginagawa ko, i-divide ko yan into 3.
18:33.4
So, yung 180,000, i-divide natin into 3.
18:35.8
So, 60,000, takes si 60,000 yan, ano.
18:38.0
Yung 60,000, ilalagay ko sa commercial bank
18:41.1
para anytime may mangyari sa akin, may ready akong pera.
18:45.2
Yung 60,000,
18:47.0
yung 60,000 na susunod ay pupwede kong ilagay
18:50.0
either sa digital bank or rural bank time deposit.
18:54.6
Tapos, yung remaining na 60,000,
18:57.2
pwede ka rin mamili sa cooperative time deposit
19:00.4
o kaya sa pag-ibig MP2.
19:02.8
Usually, yan yung mix ng pinaglalagyan ko ng emergency savings.
19:06.8
At kapag ito actually ginawa mo,
19:08.6
ay para ka na rin nagpa-practice going into investing,
19:13.0
yung mas seryoso na investing.
19:14.5
Kasi, natututo ka sa iba't ibang mga,
19:17.0
mga savings products.
19:19.4
Ayun, pasensya na sa reference.
19:20.8
Parang sugal, di ba?
19:22.0
Yung parang tinatayaan mo, maraming tinatayaan.
19:24.4
Kasi, parang ganun yung ginawa mo.
19:26.1
Maraming kang tinayaan.
19:28.1
Bakit?
19:28.5
Kasi, parang more chances of winning.
19:30.6
Ganun ba yun?
19:32.2
Actually, ang tawag natin dyan, diversification, di ba?
19:36.3
Yung pagkakalat ng ating pera
19:39.7
para hindi tayo taman
19:42.1
o hindi ka tumataya sa iisa lamang.
19:44.5
Kasi, kapag inilagay mo,
19:46.2
yung pera mo sa iisang produkto lamang
19:49.0
at kapag may nangyari dyan,
19:51.0
edi nawala na siya lahat.
19:52.6
Kaya, kailangan talaga doon tayo sa safe, ano?
19:56.3
In fact, meron akong
19:57.8
sexy investment framework na tinatawag, no?
20:02.7
Ito yung framework na ginagamit ko
20:05.7
para sukatin kung okay ba itong investment na ito.
20:09.4
Ang sexy stands for S, security.
20:13.1
E is uncashability.
20:15.7
X ay X factor which stands for
20:19.3
social and environmental responsibility.
20:22.3
Tapos, yung Y, yung pinakahuli ay yield
20:25.5
o yung returns o kita.
20:27.5
So, yun yung ano niya, yun yung
20:30.5
pagkakasunod-sunod ng importance.
20:32.5
Pinaka-importante, natitignan ko muna
20:34.5
secure ba yung investment na paglalagyan ko?
20:38.1
Pangalawa, madali ba yung makonvert into pera agad-agad?
20:42.1
Pangatlo, yung X factor, sumisira ba yan sa kalikasan?
20:45.5
O baka naman yung pinaglalagyan ng pera mo
20:48.5
ay hindi nagpapasweldo ng maayos o kung ano man, ano?
20:52.5
And then, saka ko lang titignan yung yield
20:54.5
o kaya yung kita.
20:56.5
Baliktad kasi yun yung mga baguhan sa investments, diba?
21:00.5
Ang tinitignan mo nila ay yung kita.
21:03.5
Tapos, pipiliin na lang yung pinaka-mataas
21:05.5
and then kabadong-kabado sila, diba?
21:07.5
So, ang gagawin natin yun.
21:09.5
Sexy investment framework.
21:11.5
Ayun, yung gusto ko na pag-usapan yung uncashability
21:13.5
kasi diba, yun nga, yung iba.
21:15.5
Ina-time deposit lahat.
21:17.5
Eh, pag, syempre, kailangan, diba?
21:19.5
Meron kang mahuhugot kapag talaga nga emergency na, diba?
21:23.5
Hmm.
21:24.5
So, yung isang misconception sa mga time deposits ay
21:28.5
akala ng mga tao hindi mo siya pwedeng i-withdraw
21:31.5
hanggat hindi natatapos yung term ng iyong time deposit.
21:35.5
Hindi yung totoo.
21:36.5
Ang pupwede siya na i-pre-terminate na tinatawag,
21:39.5
ang mangyayari nga lamang dyan, Adrian, ay
21:42.5
liliit yung interest na kikitain mo.
21:45.5
Instead na yung sa time deposit rate
21:48.5
ang ibibigay sa'yo, usually,
21:50.5
ibabalik ka nila sa kanilang regular time deposit.
21:53.5
At ako, madalas akong nakakagawa niyan, no?
21:56.5
Kasi ang time deposit na ginagawa ako usually
21:59.5
sa mga co-ops, for example, ay one year, one year.
22:02.5
Pero, for example, biglang may investment opportunity
22:05.5
na maganda na darating.
22:07.5
May binibenta ng lupa na maganda for land banking, for example.
22:11.5
Ay pinipre-terminate ko yun.
22:14.5
Yung buong pera ko na time deposit ko ay buo ko pa rin na makukuha
22:19.5
plus maliit na nga lamang yung interest.
22:22.5
Okay pa rin siya.
22:23.5
At least na in cash pa rin.
22:24.5
Oo, Sir Vince. Merong tanong si Jimmy Bayatan.
22:27.5
Yung digital bank daw ba, o digital banks,
22:30.5
ay guaranteed na backed up by Banco Central and or PBIC?
22:36.5
Sabi niya may ano, di ba?
22:37.5
Yes, oo.
22:38.5
Yun yung hanggang 500,000 peso.
22:40.5
Ito ay insured ng Philippine Deposit Insurance Corporation
22:46.5
at sila po ay nakakuha ng lisensya mula sa Banco Central ng Pilipinas.
22:52.5
Kung hindi ako nagkakamali ay lima or anim lamang po
22:57.5
itong mga digital banks na nabigyan ng lisensya
23:00.5
ng Banco Central ng Pilipinas na purely digital lang.
23:04.5
Kasi mayroong mga commercial banks, for example, na mayroon din silang
23:08.5
digital banking service pero mayroon din sila noong sa branch servicing.
23:14.5
Opo. Tapos isa pang tanong, ilang taon ang ideal na period para sa MP2?
23:22.5
Kasi Sir, di ba ang alam ko, Ids, mayroon doon na 1, 2, 3 years bago mo i-roll.
23:28.5
Tama ba yan, Sir?
23:29.5
Actually, ang pag-ibig MP2 ay iisa lang ang kanyang term.
23:34.5
Five years automatic. Okay?
23:36.5
Okay.
23:37.5
At ito, actually, para din siyang time deposit.
23:40.5
Pwede mo rin siyang withdrawin sa kahit anong dahilan.
23:45.5
Ang mangyayari nga lang, yung dividend na ibibigay sa'yo ay kalahati na lamang.
23:50.5
So kung ang dividend, for example, ay 7%, magiging 3.5% na lang yan.
23:55.5
Kung ipi-pre-terminate mo, hindi mo tatapusin iyong 5 years.
23:59.5
Pero ang maganda rin dito sa pag-ibig MP2, kung ang mga dahilan ng pre-termination mo,
24:04.5
hindi mo tatapusin iyong 5 years na term.
24:06.5
Oo.
24:07.5
Kung ang dahilan, nagkasakit ka, natanggal ka sa trabaho, o isa kang OFW at bigla kang umuwi o nag-for good na,
24:15.5
pwede mo mong i-pre-terminate ang pag-ibig MP2 mo at walang bawas doon sa dividend.
24:21.5
Sir Vince, ano lang, clarification. Kasi ako nag-MP2 ako eh.
24:26.5
Nakikita ko kasi usually, pag binabayad mo siya through yung online banking na ginagamit, may nakalagay doon usually na parang kailan ang effectivity ng investment mo.
24:36.5
Tapos meron doon 1 year, 2 years, 3 years. May mga ganun eh. Oo.
24:42.5
So ano ang kaibahan nun kung halimbawa 1 year lang or 2 years lang yung mga ganun? Although maximum talaga is 5 years, di po ba?
24:51.5
Actually, kapag tinatanong ng banko yan sa iyo, malamang baka sa compliance lamang nila sa Banko Sentral ng Pilipinas.
25:02.5
Pero yung term ng pag-ibig MP2, iisa lamang.
25:04.5
Oo.
25:05.5
5 years. Meron din isang option na pinapapili ka ng pag-ibig MP2 kung kailan mo gustong makuha yung dividend.
25:16.5
Baka yun yung sinasabi mo. Pwede kasing ang dividend pwedeng i-deposit sa banko mo mula pag-ibig sa bank account mo every year o kaya at the end of the term.
25:27.5
Pag every year mo kukunin yung dividend, yan ay walang compounding.
25:33.5
At the end of the term mo yan, magiging compounding yung kinita mong dividend doon sa principal na inilagay mo.
25:41.5
Tapos isa pang tanong sir, kasi halimbawa daw po ba, 10,000 lang ang excess na pera niya o naitabi niya.
25:50.5
Sapat na daw po ba yun para sa T-bills? Kasi ang T-bills sir, medyo high-end eh. Ano daw po ba ang kaibahan ng T-bills?
25:58.5
Ang advantage niya, kumpara sa mga binabanggit natin kanina.
26:01.5
I think yung isa pa rin.
26:02.5
I think yung isa, MP2 yung isang sinasabi po.
26:06.5
Oo. Actually ang tama no, yung kasing regular na treasury bills or treasury bonds, malaking amount talaga yung kanilang requirement.
26:15.5
Pero dito sa retail treasury bond, ito ay programa ng gobyerno para sa mga maliliit na investors talaga.
26:22.5
Specific para sa atin ito. At ang minimum na amount para sa RTB ay nasa 5,000 pesos lamang. Pwede na tayong magsimula.
26:30.5
Unfortunately, hindi ito available all year round.
26:35.5
Napapansin ko, dalawang beses kada taon lamang naglalabas ang finance department o yung bureau of the treasury natin under the department of finance ng retail treasury bond.
26:48.5
Yung dollar bond naman ay every year siya na naglalabas. So medyo aabangan natin siya.
26:55.5
Ang retail treasury bond, usually February-March. Okay?
26:59.5
October-November lumalabas. Ang retail dollar bond ay kasi dalawang beses pa lang itong lumalabas.
27:07.5
Yung dati may isang April tapos yung sumunod I think ay June naman siya lumabas. Pero yun. So kailangan natin siyang abangan.
27:18.5
Yung retail dollar bond hindi rin kalakihan. Sakto pa dun sa 10,000 kasi 200 dollars lang yung kailangan natin dyan.
27:24.5
Sir Vince, pag-usapan naman natin ng utang.
27:28.5
Kasi syempre yun nga hindi naman din diba dapat basta-basta ka mag-iinvest na yung sinasabi nga ng matatanda eh ubos biyaya.
27:37.5
So paano mo ibabangga yung mga utang? Halimbawa yung mga utang sa bahay, yung mga loans, yung talagang monthly at yung mga utang na talaga nga parang naipon na utang mo talagang inutang mong pera.
27:50.5
Paano mo ibabangga yung mga utang sa iyong layunin din na mag-invest?
27:56.5
Oo.
27:57.5
So yung pagbabayad ng utang, pag-iipon at pag-iinvest, ito ay ginagawa natin ng sabay-sabay.
28:03.5
Kasi ang marami, ang nangyayari sa kanila ay magbabayad muna ako ng utang tapos saka ako mag-iinvest.
28:11.5
Kapag ganun ang ginawa mo, minsan ang nakikita ko na panghihinaan ng loob na magtrabaho kasi lahat ng kinita pumupunta lang sa utang.
28:19.5
So ang maganda talaga ay habang nagbabayad ka ng utang ay nag-iipon o nag-iinvest ka rin.
28:25.5
Kaya ang tinuturo ko din ay kung gaano ka kagaling mang utang, dapat mas magaling kang mag-iipon o mag-invest.
28:33.5
So ang guideline na ginagawa ko dyan, kapag tayo ay kumikita ng 10,000 pesos pababa, ang ibabudget natin na maximum pambayad natin sa utang buwan-buwan ay 20% ng ating kinikita.
28:49.5
Kapag sumusobra na yung monthly na binabayaran mo dyan,
28:54.5
ibig sabihin para sa akin ay nandun ka na sa panganib na pupwede kang maging over-indebted o sumusobra sa utang.
29:02.5
Yan ang aking sinasabi dyan.
29:05.5
Kaya ang maganda dyan, unti-untihin mo na bayaran yung utang kasi yan yung sustainable na way para matapos mo ito.
29:15.5
Marami kasi ang mga lumalapit sa akin at nagtatanong, paano ko ba babayaran yung utang ko?
29:20.5
Kasi gusto ko na talaga dito matapos, stress na stress na ako.
29:23.5
At ayoko na siya.
29:25.5
Pero ang reality is, kailangan mo talaga siyang unti-untihin na bayaran.
29:30.5
Kasi kung aantayin mo na magkaroon ka ng malaking amount, saka ka magbabayad,
29:34.5
or dasal-dasal ka lang dyan na magkakaroon ka ng biyaya para magbayad,
29:39.5
matatagalan ka niyan. Mas matatagalan ka niyan.
29:42.5
So, unti-unti yung gagawin para hindi tayo mahirapan.
29:46.5
Oo nga naman. Huwag naman iasa sa dasal-dasal. Kailangan gawa-gawa rin, di ba?
29:50.5
Pero yun nga, no?
29:51.5
Kung tutusin, malaking bahagi yung 20% ng iyong sweldo.
29:56.5
Pero yun nga, reflection yun, kung gaano kahalaga rin talaga ang pababayad ng utang.
30:02.5
Oo. Kasi kung titignan natin, gaya ng sabi mo kanina, housing loan.
30:09.5
Oo, yun. Yung mga ganyan.
30:11.5
Malaking bahagi, magiging malaking bahagi na yan.
30:15.5
Hanggang maximum 20% yan.
30:17.5
So kapag meron ka pa ang consumption loan, nagkaskas ka ng credit card,
30:20.5
o meron kang hulugan, dapat magkakasya dyan doon sa 20%.
30:24.5
So, kung hindi kasya doon sa 20%, aba, antayin mo muna na lumaki-laki ang income mo.
30:31.5
Pero para sa akin talaga, rather than utang, ang sabi ko nga sa utang, ang utang ay asawa ng kahirapan.
30:38.5
Di ba?
30:40.5
Tayo ay umiwas dyan. Mas maganda na pag-ipunan natin. Kasi ganun din yun eh.
30:45.5
Usually ang nangyayari kasi kapag tayo ay umuutang, instant gratification yan.
30:49.5
Nakukuha na natin agad. Samantalang yung pag-iipon, delayed gratification.
30:54.5
Kaya mag-practice lang tayo ng delayed gratification at sabihin natin pag-ipunan natin yan,
31:00.5
yung pinag-iipunan mo ay gagastusin mo rin at i-enjoy mo yan.
31:04.5
Mas sustainable yan ang pamamaraan ng pag-iipon.
31:07.5
Oo, maganda yung babala mo. Yun nga, huwag masyadong kaskas ng kaskas ng credit card.
31:12.5
Kasi yun nga, isipin mo, yung mga pending mong utang, tapos kung halimbawa nga may housing loan ka,
31:17.5
eh iwas-iwas mo.
31:18.5
Eh iwas-iwas muna dapat, diba? Sa paggamit ng credit card.
31:22.5
Correct. Oo. Tama yan. Kasi ang credit card din, ang gamit niyan ay convenient and secure way para ikaw ay magbayad.
31:33.5
Hindi bilang source ng utang. Kasi kapag ginamit mo yung credit card as source ng utang, ito ay may mataas na interest.
31:42.5
So hindi siya maganda.
31:43.5
Oo. Alam mo yan ang talagang natutunan ko sa iyo bilang financial guru.
31:47.5
Oo. Oo.
31:48.5
Yung value ng credit card na hindi talaga siya pang-utang lang pero para sa security, diba?
31:54.5
Pag nagbabayad ka sa mga online transaction.
31:57.5
Oo. Oo.
31:58.5
Yan yung maganda eh.
31:59.5
Pero, yes. Sige, Sir Vince. Go ahead.
32:02.5
Rewards din kasi yan, Adrian. O, ito po.
32:05.5
Oo, yun nga.
32:06.5
Nasa Australia ako ngayon at ang pinambayad ko dito sa ticket papunta dito ay yung mga miles na na-earn ko mula sa credit card.
32:16.5
Oo.
32:17.5
Kasi buo ko siyang binabayaran every time. So nagkakaroon ako ng points. Nanare-reward ako niyan.
32:23.5
Kaya libre yung ticket papunta dito.
32:26.5
Oo. Oo. Tama yan.
32:27.5
Alam mo talagang kailangan ganyan yung utak parang kay Sir Vince eh. Kasi ako, aminado ko sa ganyan.
32:33.5
Parang ayoko ng sabi na nating hassle, ayoko ng stress. Gusto ko stress-free booking. Pero parang sa iyo normal lang eh.
32:41.5
Kung baga hindi ka naman na-stress na parang maghahanap ako ng mga miles-miles na ganyan.
32:46.5
Sa iyo parang natural na. At hindi naman pala siya actually stressful.
32:50.5
Oo. Hindi siya stressful kasi kapag ikaw ay kumuha ng rewards na points, nag-redeem ka ng iyong miles mula sa airline company,
33:03.5
ay treated pa rin naman yan as regular ticket. Kasi currency pa rin eh yung mileage point mo na yun.
33:11.5
So kailangan lang maging komportable. At paano ka magiging komportable?
33:16.5
You educate yourself. You invest in yourself na matuto sa mga bagay na ito. Baka isang episode yan. Pwede na natin pag-usapan.
33:24.5
Pero sa ano ang tanong Sir? Ilang years or roughly magkanong overall expense naman ang inabot mo sa credit card bago mo nakuha yung points na yan at nakalibre ka ng punta sa Australia?
33:41.5
Malaki-laki talaga. Sa akin kasi ang daya.
33:45.5
I run businesses na may mga negosyo ako. At yung mga hotel, mga gastusin ng empleyado sa reservation sa tickets, mga ganyan.
33:58.5
Madalas kasi kami on-field. Naka-charge lahat yan sa aking credit card. So hindi talaga ako yung gumagastos.
34:05.5
Gumagastos yung business. Kaya malaki yung dumarating na bill pero ang nagbabayad yung negosyo ko pa rin.
34:12.5
Pero kung ikaw ay…
34:14.5
Ang warning din lang. Kung ikaw ay kukuha ng credit card para doon sa reward tapos magbabayad ka ng interest sa credit card, nako big no-no yan.
34:24.5
Gagawin mo lamang ito kung kaya mong bayaran ng buo yung credit card statement mo consistently.
34:34.5
Oo. Sir Vince, may tanong. Kasi di ba dati ang concept maliban sa savings ay magandang investment. Bibili ako ng life insurance.
34:43.5
Bibili ako ng health insurance. Yung mga ganyan. Ito pa rin ba yung reliable at saka kung bagay nararapat na klase rin ng investment?
34:56.5
Ng mga middle income, ng mga kagaya namin.
34:59.5
Actually, yung ating insurance ay hindi dapat natin iyan itinuturing na investment. Ang insurance po, ang primary purpose nyan, I think,
35:09.5
Ah, no. I think that…
35:10.5
Actually, yung ating insurance ay hindi dapat natin iyan itinuturing na investment. Ang insurance po, ang primary purpose nyan, I think that,
35:11.5
I think that, I think that…
35:12.5
Ang purpose niyan ay for protection. So ano yung ibig sabihin niya? Ang ibig sabihin ng protection, maaasahan tayo in times of emergencies o kaya pag tayo ay may magka-take care sa mga dependents natin kapag tayo ay namayapa or may masamang mangyari sa atin.
35:31.4
Yun yung purpose niya. Hindi yung katulad ng MP2 na we are after the dividends. Kasi ang nagiging danger niyan kapag itinuring natin na investment ang insurance, marami ang nasa sales stock na kumukuha ng insurance na may kasama ng investment.
35:50.6
Kumbaga parang two in one. Pero mahal tayo doon ang taas ng mga charges at hindi rin maganda ang performance sa mga investments na pinaglalagyan nila.
36:00.6
But having said that, ang tanong mo kasi ay maganda bang magkaroon ng insurance? Yes, magandang magkaroon ng insurance. In fact, kasama yan ng matibay na pundasyon ng paghawak ng pera sa ating financial management.
36:18.4
So yung insurance natin ay depende yan kung ano yung kalagayan mo sa buhay. Kung ikaw ay may dependents, mga anak na 21 years old pa baba,
36:30.6
kailangan mo ng tinatawag na traditional life insurance o term life insurance. Murang-mura lang yan. Sa last time na na-check ko, for every 1 million pesos na iko-cover for you, yan ay bayad ka lamang ng 6,000 pesos per year. Hindi yan per month ha, per year. Murang-mura lang.
36:54.0
So ang formula dyan ay, rule of thumb lang, very quickly.
37:00.6
For example, ng 100,000, sabihin mo ng 20,000 pesos per month. So 20,000 times 12, yan ay 240,000. 240,000 times 10 years. Kasi 10 years dapat yung coverage ng term life insurance natin. So that's 2.4 million pesos.
37:22.0
So 2.4 million pesos na coverage mo, ang ibig sabihin yan, pag namatay ka, yung mga dependents mo,
37:30.6
hindi nila poproblemahin yung income na nawala. Meron silang budget for the next 10 years. So hindi sila maghihirap. Siguro naman in the next 10 years ay makakapuhanan ng income replacement na dahil nawala ka.
37:44.1
Tapos, yung 2.4 million pesos na yan, that is only about, siguro mga 18,000 pesos per year. So mga nasa 1,500 pesos per month siya.
37:56.8
Pero di ba murang?
37:58.6
Kapag sa, kumuha ka ng insurance,
38:00.6
tapos na may investment na 2.4 million,
38:02.8
ako baka sabihin sa'yo yan ay,
38:04.6
nako, ito ay 10,000 pesos per month
38:06.6
o kaya 7,000 pesos per month.
38:08.9
Masyadong mahal.
38:09.7
Pero di ba, Sir Vince, ano yun? Depende rin yun kung ano yung edad mo nung kinukuha mo yung insurance.
38:15.9
So doon tataas.
38:17.3
Opo.
38:18.9
So yung ano,
38:20.6
magde-declare ko talaga yung aking edad ko,
38:22.8
yung sinabi kong 6,000 ay
38:24.4
pang mga 40s.
38:26.6
So mas bababa siya,
38:28.4
mga minus 1,000 pesos
38:30.2
every 10 years na ikaw
38:32.4
ay babata from 40.
38:34.9
Tapos plus
38:35.6
1,000 pesos every 10 years
38:38.6
na ikaw ay tatanda. Ganon yung
38:40.4
estimate niyan.
38:42.0
Kasi alam mo yung sa insurance,
38:44.0
makikwento ko lang, Sir Vince, yung
38:45.7
ano ba tawag doon, yung
38:48.0
life plan, yung kapag namatay.
38:50.4
Yung isang insurance
38:52.4
company, eh nagsara na pala.
38:54.4
Nalaman lang namin nung namatay na yung
38:56.1
father ko. At yung halaga,
38:58.4
eh parang 10,000 na lang.
39:00.2
Pwede daw namin ma-claim. Eh diba,
39:02.2
sa gitna ng yung kabisihan nyo
39:04.4
at yung pagdadalamhati, eh
39:06.3
biglang malalaman mo na gano'n na
39:07.9
yun na lang pala yung halaga. At pahirapan pa yung
39:10.0
pagkuha. Parang hindi pa yata namin na kukuha.
39:12.5
Kaya yung ganyan, parang
39:14.2
ang hirap din na
39:15.9
magtiwala sa insurance.
39:18.7
Yung sa educational plan din,
39:20.3
di ba? Ilan taon na yung nakararaan.
39:22.4
So talagang napaka-practical
39:23.7
yung mga tips sa insurance.
39:27.6
Pero actually,
39:28.9
kaya ito, kaya kailangan
39:30.2
talaga natin ng education.
39:32.0
Kapag ang insurance kasi,
39:33.8
Adrian, ay iba yan sa
39:35.6
plan.
39:37.0
Pag pinag-usapan natin yan
39:40.0
sa financial terms at sa
39:41.7
regulations ng insurance commission,
39:44.3
ang insurance ay iba sa plan.
39:46.5
Ang katotohanan yan,
39:48.2
wala pang insurance company
39:50.1
na nagsara sa Pilipinas.
39:52.2
Pero ang mga
39:53.5
financial plans,
39:55.1
Yung mga plan pala, oo.
39:57.9
Oo, tama. O yun, tama.
40:00.2
O, alinawin natin yun nga.
40:01.9
Yung parang life plan
40:03.5
at saka yung mga educational plan.
40:06.4
Yun.
40:07.5
Oo, tama. Pero yung sa insurance,
40:10.1
ayun nga, matatagal na rin yung mga
40:11.7
insurance company. Pero ang tanong ko,
40:13.9
ordinaryong pag-iisip lang ito, no?
40:16.7
Maaring na
40:17.5
inabanggit mo na rin. Pero yun nga,
40:19.5
yung sinasabi na baka yung halaga
40:21.8
ng inihuhulog ko
40:23.6
kada buwan, eh, hindi na rin
40:25.7
yung halaga nung perang makukuha
40:27.8
ko kalaunan.
40:30.2
So, yun, ano, kaya titignan
40:32.1
talaga natin na babalik tayo
40:34.1
sa aking sexy investment
40:35.7
framework, no? Kailangan
40:37.7
secure na secure muna yung titignan
40:40.0
natin dyan. At yung mga nabanggit ko
40:42.1
ng mga investment
40:43.9
products kanina, ito
40:45.9
ay 100% government
40:47.9
guaranteed. So, ang mangyayari
40:50.1
dyan ay kailangan
40:51.7
mawala muna
40:53.6
ang gobyerno ng Pilipinas bago ka
40:55.8
hindi mabayaran, diba? So,
40:58.1
napaka-remote naman nun, no?
41:00.2
Mangyari. May risk pa rin yun
41:02.2
pero tingin ko hindi siya
41:03.8
ganun kadali na mangyayari.
41:06.2
So, titignan talaga natin yung
41:08.2
security ng pera
41:10.3
natin bago natin titignan
41:12.4
yung yield, no? Yung
41:14.0
kikitain natin. So, huwag tayong magpapasilaw
41:16.4
sa kinikita kasi usually
41:18.2
yun yung selling point, eh,
41:20.2
na nae-enganyo
41:22.5
yung mga tao na maglalagay
41:24.4
sila dahil mataas yung kikitain
41:26.2
nila. Pero yung
41:28.1
isa pang tanong, meron daw
41:30.0
po ba na ideal age
41:32.2
to invest? Kasi sabi nung
41:34.2
isang nagbemessage sa akin
41:36.0
kanina, nako, 50 na
41:38.1
ako. Parang
41:39.5
konti na lang pala yung mai-invest.
41:42.3
Kung may ganun ba sila, may deadline
41:44.0
na tinatawag.
41:46.6
Okay. Wala itong
41:47.9
deadline at ang
41:49.4
pinakamaagang edad
41:52.1
na tayo ay mag-invest
41:53.8
ay bata pa tayo.
41:56.2
Kasi bata pa tayo, pwede na tayong
41:57.9
ano, no? Maturuan. Ako, for example,
42:00.0
ang unang-unang kong
42:02.0
investment na napasok
42:04.3
ay cooperative
42:05.5
savings account. Dahil ako, lumaki
42:08.2
ako sa probinsya at yung tita ko
42:09.9
ay general manager dati
42:11.9
ng isang kooperatiba,
42:14.5
in-enganyo na kami niya kami na mag
42:16.1
open ng
42:17.5
KD savings account.
42:20.3
So hanggang sa murang edad
42:22.0
na ma-expose natin sila
42:24.3
na mag-open ng savings
42:26.2
account. Because savings is actually,
42:27.7
yung mga savings account na yan is a
42:30.0
very simple form of investing, no?
42:32.7
At abang maaga na
42:34.3
na-i-invest, ay na natuturuan natin
42:36.1
ng mga bata tungkol dyan, mas nagiging
42:37.9
komportable sila at mas nagiging
42:40.1
mas maalam sila sa kanilang
42:42.0
pagtanda. Kapag ikaw naman,
42:44.0
for example, yung nagtanong, 50 years old na daw
42:46.1
siya, ang sinasabi ko dyan parate
42:47.9
ay habang may buhay, may pag-asa.
42:50.4
So huwag susuko at
42:51.7
magsimula pa rin.
42:54.1
At ang pinakamagandang gawin
42:56.0
mo dyan ay unti-untihin
42:58.0
mo rin. Sa utang kanina, sabi ko, unti-untihin.
43:00.0
Na mag-bayad
43:03.0
ng utang. Ganon din sa
43:04.0
pag-iipon. Huwag mong bibiglayin yung sarili mo.
43:06.6
Ang analogy ko dyan ay
43:08.1
kapag tayo ay pumunta sa gym
43:10.1
tapos biglang pagpunta mo ng gym
43:12.2
ang mga binuhat mo, mga mabibigat agad.
43:14.8
Hindi ka nagaganahan next time
43:16.1
kasi nabigla yung katawan mo. Ganon din
43:18.0
sa paghahawak ng pera, sa pag-iipon,
43:19.8
pagbabayad ng utang. Mas maganda
43:21.9
na unti-unti. Dahil
43:24.2
sa akin, ang
43:25.7
pinakamabilis na paraan
43:28.0
ng pagyaman kung tayo
43:30.0
ang dadahan-dahan.
43:32.1
Sir, ang ganda doon ah.
43:33.8
At parang pwede moto yun ah.
43:36.0
Sir Vince, may maraming nagtatanong.
43:38.6
Meron daw ba kayo na
43:40.0
social media page
43:42.0
kung saan pwede sila magtanong
43:43.7
ng direkta?
43:45.6
Ayan, oo. Kakarecover ko lang
43:47.9
ng aking Facebook
43:49.9
page, so Vince Repisura. So
43:51.7
salamat no at narecover na siya.
43:54.2
So, Sir Vince Repisura, YouTube,
43:56.1
TikTok, Facebook,
43:57.8
Instagram, meron po tayo dyan.
44:00.0
At kung gusto nyo po
44:01.9
ng mga tanong, mayroon po tayong
44:04.0
grupo na ginawa sa
44:05.6
Facebook, no? Usapang Pera Group.
44:08.4
At kung gusto nyo naman
44:10.2
na mas mapalalim pa talaga,
44:12.4
mayroon tayong mga
44:13.6
webinars, no? Every month
44:15.7
meron tayo dyan. Kung gusto nyo makita,
44:17.9
ay pumunta lamang sa
44:19.6
vincerepisura.com slash
44:21.7
webinars. At ang pakulo po nga
44:23.9
dito, ano, no? Adrian at
44:25.9
saka Sherry Ann, ay
44:28.5
magbabayad ka muna.
44:30.0
No? Pipili ka ng
44:31.5
3, 6, or 12 courses.
44:34.6
Kung matapos mo, kunwari,
44:35.8
pumili ka ng tatlo. Kung matapos mo
44:37.9
yung tatlong financial literacy courses
44:40.0
na yun, ibabalik namin
44:41.8
sa'yo yung registration mo.
44:43.6
Ah, talaga? Magkano naman?
44:46.7
Magkano naman yan, Sir?
44:48.6
At mag-i-enroll
44:49.9
yata tayong dalawa, no?
44:52.8
Murang-mura lang siya.
44:54.2
Per course,
44:55.9
ay 1,000 pesos lang. Kasi ito
44:57.9
ay webinar, online lang.
45:00.0
At saka, alam mo, sinerge kita, no?
45:01.8
Kasi nga, ang dami kong natutunan nga, mga, lalo na yung
45:04.1
mga practical tips. Ay, may libro
45:06.3
ka rin pala.
45:08.1
Pwede rin available online, no?
45:10.0
Paki, ano mo nga, sabihin mo nga, ano ang title
45:12.3
at para sa mga interesado.
45:15.3
Nasa
45:15.6
Lazada siya. Sumusulat ako ngayon
45:18.0
ng update niyan kasi 2016 ko
45:20.1
pa yan, ano, eh, sinulat.
45:22.4
Walong taon na yung nakaraan.
45:24.5
May mga kailangan na i-update
45:26.2
doon sa libro. It's called
45:28.4
Learning Wealth, Successful Strategies
45:30.3
in Money Management.
45:32.4
Ito po ay available sa
45:34.2
mga bookstores at saka sa
45:36.3
online shopping. Ayun. Thank you.
45:38.6
Thank you, sir. Ito yata yung ini-add
45:40.5
ko ngayon. Oo, sir.
45:42.4
Maraming salamat. Tayo ay kulang
45:44.4
na sa oras pero napakarami namin
45:46.4
natutunan sa'yo. Hitik na hitik.
45:48.5
Thank you and happy new year.
45:50.6
Happy new year, sir. Salamat po.
45:53.0
Okay. Maraming salamat din.
45:54.3
Happy new year. Ayan po.
45:56.2
Ayan po ang ating nakausap. Nako,
45:58.1
grabe. Si Sir Vince
46:00.4
Rapisura, ang ating
46:02.0
financial guru.