Close
 


PBBM TINAWAG NA BOY PULBURON NG PRO-CHINA | 3 WARSHIP NG AMERICA DUMAONG SA MAYNILA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#westphilippinesea #china #bbm #edca #scarboroughshoal #philippinecoastguard #philippinenavy #philippinesea
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 09:18
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Matapos ang magkasanib na pagsasanay ng Amerika at Pilipinas sa West Philippine Sea ay dumaong sa Maynila ang tatlong barkong pangdigma ng Amerika na kabilang sa Carrier Strike Group 1.
00:17.3
Ito ang USS Kidd, USS Prenston at USS Teret. Ang tatlong ito ay nakasama din ng mga barko ng Pilipinas sa kakatapos lang na joint patrol sa West Philippine Sea.
00:30.5
At sa kabila niyan, sa unang pagkakataon ay ipinakita din ng China sa mga balita sa state media ang pinakabagong aircraft carrier nito, ang Fujian.
00:40.6
Ang bagong carrier na ito ay pang tatlo sa mga carrier nito na nilagyan ng mga advanced electromagnetism.
00:47.3
Ito ay naging bahagi ng isang segment sa pagtugon ng militar ng China sa sinusulong ni Chinese President Xi Jinping para sa national rejuvenation o pambansang pagbabagong lakas.
01:00.5
Isang terminong kinabibilangan ng pag-iisa ng mainland ng China at ang maliit na Taiwan, ang bansang Taiwan na sakop-umanon ng China.
01:11.6
Ang dalawang aircraft carrier ng China na Liaoning at ang Shandong ay naglulunsad ng mga fighter jets.
01:17.3
Gamit ang mga skyjump takeoff ramp pero ang Fujian ay mayroong tila tirador na pinapagana ng mga elektromagnetic na magbibigay daan sa mga fighter jets na mailunsad ng mga sunod-sunod at mabilisan.
01:32.0
Ang mga ganitong teknolohiya sa mga aircraft carrier ay ang tanging Amerika lang ang mayroon sa mga carrier nito simula pa noon.
Show More Subtitles »