Close
 


Mga Kakaibang Trabaho Sa North Korea
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Mga trabahong kakaiba at walang kwenta na makikita mo sa North Korea Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #kimjongun #northkorea #facts
Moobly TV
  Mute  
Run time: 08:45
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.3
Sampong kakaibang trabaho sa North Korea
00:03.0
North Korea, kilala bilang Hermit Kingdom dahil sa kanilang isolation mula sa ibang mga bansa.
00:10.0
Isa sa pinakaayaw ng kanilang Supreme Leader ay ang impluensya mula sa labas ng bansa.
00:15.1
Kaya naman, sa kagustuhan nilang maging unique, may mga trabaho sa bansa na magtatanong ka na lang kung para saan.
00:22.2
Pag-usapan natin.
00:23.6
1. Stone Cleaner
00:25.3
Sa isang secret footage na nakuhan ng mga American reporters noong 2010,
00:30.1
nakita doon ang isang matandang babae na naglilinis ng mga bato na nasa pathway ng Victorious War Museum.
00:36.4
Ang babae ay isang stone cleaner.
00:38.7
Sa sobrang hirap ng mga tao sa North Korea, marami ang naglilinis ng bato upang kumita ng maliit na pera.
00:45.2
Nakita rin sa video na noong paparating na ang mga turista, agad nilang pinaalis ang babae.
00:50.6
Gustong ipakita ng Hermit Kingdom na maganda at napakalinis ng kanilang bansa.
00:55.9
Pero sa totoo, wala ka namang makikitang difference sa pagitan ng mga bato.
01:00.0
2. Fashion Police
01:06.3
Tuwing naririnig mo ang salitang Fashion Police, agad mong naiisip ang isang tao na maraming alam sa fashion at kung paano magdamit ng maganda.
01:15.6
Sa North Korea, may mga tao talagang Fashion Police ang trabaho.
01:20.2
Ang grupong ito ay tinatawag na Kim Il-sungism o Kim Jong-ilism.
01:24.4
At ang kanilang duty ay panatilihin ang ideological purity ng mga North Koreans.
01:30.0
Sa pamamagitan ng pagdadamit ng maayos.
01:33.5
Bakit nga ba ito ginawa ng North Korea?
01:36.1
Gustong ipakita ni Kim Jong-un na may sariling style ang North Koreans at hindi sila naimpluensyahan ng ibang mga bansa.
01:43.6
Nakapuesto sila sa mga kalsada upang tingnan ang damit ng mga taong dumadaan.
01:48.5
Kapag hindi nila nagustuhan ang iyong suot dahil may nakikita silang foreign influence dito, pwede kang mahuli at ipadala sa labor camp.
01:57.0
3. Musicians
01:59.1
Mahilig ka ba sa music?
02:00.8
Manood ng banda o makinig ng kanta gamit ang headphones habang naglalakad o sumasakay ng jeep?
02:06.8
Mas swerte kang hindi ka nakatira sa North Korea.
02:10.1
Dahil noong 2015, nagpatupad ng band sa music si Kim Jong-un.
02:15.0
Nagsagawa pa nga ang kanyang mga tauhan ng house-to-house searches upang embarguhin ang mga CD, cassettes at ano pa mang may music mula sa ibang bansa.
02:24.2
Kaya naman halos walang silbi ang mga musicians sa North Korea.
02:27.9
Pwede kang maglabas ng music sa North Korea bilang citizen, pero kailangan pa itong i-authorize ng gobyerno bago pa iparinig sa publiko.
02:37.1
Pwede rin itong iba ng gobyerno kahit kailan nila gusto. Ito ang rason kung bakit wala kang alam na kanta na kinompose ng isang North Korean.
02:46.5
4. Human Pixels
02:48.5
Dahil sa modernong teknolohiya, marami ng gimmick ang ilang sporting events.
02:53.5
Isa na dito ang augmented reality.
02:56.4
Noong 2018 Olympics,
02:57.9
nagpamalas ang South Korea ng malupit na AR display kung saan nagpakita sila ng mapa ng mga constellations at isang AR dragon sa baseball games.
03:08.2
May ganito rin gimmick ang North Korea.
03:10.5
Pero, imbis na AR, ay tao ang ginagamit nila.
03:14.6
Sa display ng North Korea,
03:16.5
bawat isa ay may dalang maliit na square tile na tila isang pixel sa isang malaking screen o isang parte ng malaking puzzle.
03:23.5
Wala silang ibang gagawin kundi tumayo doon,
03:26.3
at itaas ang kanilang dalang square tile na tila isang pixel sa isang malaking screen o isang parte ng malaking puzzle.
03:27.9
Okay ba?
03:30.1
5. Traffic Ladies
03:31.9
Kung mahilig kang magbasa ng mga bagay-bagay tungkol sa North Korea,
03:36.6
sigurado ay alam mo na rin na kilala ito para sa kanilang Traffic Ladies.
03:40.8
Karamihan sa mga bansa,
03:42.4
ang kanilang pinakamagagandang babae ay nagiging artista, model o flight attendant.
03:47.5
Pero iba sa North Korea.
03:49.6
Sa Hermit Kingdom,
03:50.9
ang mga babaeng ito ay nagtatrabaho bilang Traffic Ladies.
03:54.6
May tatlong requirements upang maging Traffic Lady.
03:57.1
Dapat ay, single ka, maganda, at may mataas na height.
04:01.2
Ang trabahong ito ang model o flight attendant para sa mga babaeng North Korean.
04:06.5
Ayon sa datos, may mahigit kumulang 300 Traffic Ladies sa North Korea.
04:11.2
Para kay Kim Jong-un,
04:13.0
ang magagandang Traffic Ladies na ito ay nagsisilbing simbolo ng kanilang magandang society.
04:18.3
Gayunpaman, dahil walang masyadong turista na bumibisita sa bansa,
04:22.3
at karamihan sa mga tao ay walang pambili ng sasakyan sa hirap,
04:25.7
tila tumatayo lang ang Traffic Girls sa gitna ng kalsada at nagtuturo-turo ng direksyon,
04:31.9
kahit na napakaluwang naman ng kalsada at walang anumang traffic.
04:39.1
Gaya ng sabi ko, walang pambili ng sasakyan ang mga tao sa North Korea dahil mahirap sila.
04:45.3
Kahit motor o bike ay nahihirapan silang bilhin.
04:48.5
Wala rin masyadong bumibisita na turista.
04:50.9
Ayon sa datos,
04:52.5
nasa 5,000 Western tourists ang bumibisita sa North Korea,
04:55.7
taon-taon.
04:57.4
Tahimik lang ang mga kalsada ng North Korea.
05:00.4
At dahil dito, wala rin mga basurang nakakalat sa kalsada.
05:04.8
Gayunpaman, may mga street cleaners pa rin sa Hermit Kingdom na nagwawalis kahit na sobrang linis na ng kalsada.
05:11.8
Sa isang leaked na video noong 2010,
05:14.4
nakikita ang mga street cleaners na winawalis ang maliliit na puddles sa isang napakalinis na kalsada.
05:20.6
Patuloy lang silang nagwawalis kahit wala ng basurang nakakalat.
05:24.7
7.
05:25.7
Religion Professions
05:27.1
Ayon sa datos, may apat na simbahan lamang na matatagpuan sa buong Pyongyang.
05:32.3
May Christian, Protestant, Catholic at Russian Orthodox.
05:36.7
Napaka-konti lang nito kumpara sa mga syudad sa ibang mga bansa, lalo na para sa isang capital city.
05:43.2
Kagaya ng ilang bagay sa North Korea, kontrolado din ni Kim Jong-un ang mga simbahang ito.
05:48.4
Sa katunayan, ayon sa mga defectors, pinaparusahan ng gobyerno ang mga taong nagpa-practice ng religions na hindi.
05:55.7
Hindi kontrolado ng gobyerno, higit sa lahat.
05:58.4
Para saan pa ang religion sa North Korea kung tinuturuan ng mga tao na tratuhin na parang Diyos ang kanilang Supreme Leader?
06:05.7
8. Snowpath Clearer
06:07.7
Isa sa pinakamahalagang figure sa North Korea ay si Kim Jong-il,
06:12.2
isang dating Supreme Leader at anak ng pinakaunang Supreme Leader ng Hermit Kingdom na si Kim Il-sung.
06:18.4
Ipinanganak si Kim Jong-il sa Chongjin, kung saan may malalaki murals ang dating Supreme Leader.
06:24.6
Off-limits ito.
06:25.7
Ito sa mga turista at pati na rin sa mga locals, lalo na at napakakapal ng snow sa mga kalsada dito.
06:32.8
Gayunpaman, kahit wala namang bumibisita sa murals, may mga tao pa rin kinukuha ang ice sa paligid.
06:39.7
Nagtatrabaho sila kahit sobrang ginaw upang linisin ang lugar na wala namang bibisita.
06:45.8
9. Propaganda Artists
06:48.0
Kung artist ka sa North Korea, wala kang creative freedom na ma-e-enjoy mo sa ibang bansa.
06:54.1
Kadalasan sa mga artists,
06:55.7
sa Hermit Kingdom ay inatasan na gumawa lang ng posters at artworks upang ipromote ang mga mensahe at ideals ng current regime.
07:04.7
Kahit anong maisipan mong gawin, kailangan ay gamitin mo pa rin ito para ipromote ang gobyerno ni Kim Jong-un.
07:11.6
Kaya ang tanong, gusto mo na bang maging artist sa North Korea? Para saan?
07:17.1
10. Opposition
07:18.6
Sa dami ng mga napag-usapan natin, ito na siguro ang pinakakaibang trabaho sa North Korea.
07:24.2
Umupo bilang Supreme Leader si Kim Jong-un noong 2011. At hanggang ngayon, 2023, siya pa rin ang Supreme Leader.
07:32.0
Kaya naman, may ilang nag-aakala na hindi nagsasagawa ng elections ang Hermit Kingdom. Pero mali sila.
07:38.2
Dahil sa totoo, nagsasagawa ng legitimate elections ang North Korea every 5 years. Yun nga lang, palabas lang ito.
07:45.7
Tuwing elections sa North Korea, ang balot para sa mga bumoto sa party ni Kim Jong-un ay sekreto habang makikita naman ng publiko,
07:54.2
kung sino ang bumoto laban sa kanya.
07:56.7
Kung taga North Korea ka, gusto mo bang bumoto laban kay Kim Jong-un kung alam mong mananalo lang naman siya?
08:03.1
Sa mga nakaraang taon, may ilang parties na rin na kumalaban sa Democratic People's Republic of Korea ni Kim Jong-un.
08:10.3
May Korea Buddhist Federation, Democratic Independent Party, at ilan pa.
08:15.2
At sa loob ng 48 years, kahit minsan ay walang nanalo mula sa political parties na ito.
08:20.5
Sa katunayan, tumatakbo lang sila upang may kalaban ang
08:24.0
DPRK at alam nilang hinding-hindi sila mananalo.
08:28.4
May alam ka pa bang trabaho sa North Korea na kakaiba? I-comment sa baba.