Close
 


PUYAT MOMENTS NG MGA PINOY | JENANIMATION | PINOY ANIMATION
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
1LIKE= 1 PUYAT Thanks to our Team!!! ANIMATORS PINYA MAC SEN ROMNICTV https://www.youtube.com/@ROMNICTV K.DEPAZ krizzia019.depaz@gmail.com JASTEEN https://youtube.com/@timberboijass Voice actors ONINZ https://www.youtube.com/@justeatPH JACKIKAY http://www.instagra.com/queenmaldz BACKGROUND ARTIST TVJACKSONSHOW https://www.youtube.com/@tvjacksonshow CHARACTER DESIGNER SPEANUT: SPeanut Portfolio CHARACTER RIGGERS JIYOKUN https://www.youtube.com/@jiyokun STORYBOARD ARTISTS MARCH ma.christinaastoriano@gmail.com RED redfordsim@gmail.com MELODY INSPIRES: https://www.youtube.com/channel/UC0QHsULGEIMg5dWxIA08rGw BEASTQUIT https://www.instagram.com/beastquit_art/ BEJKUN https://www.youtube.com/@bejkun_uwu Music Used: Saving the World - Aaron Kenny Sweethearts - TrackTribe #PUYATMOMENTS #jenanimation #pinoyanimation
JenAnimation
  Mute  
Run time: 11:46
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nung mga bata tayo, eh hindi tayo masyadong nakakapuyat.
00:03.9
Dahil paano ka nga naman makakapuyat nung bata ka, eh ganito ang mga sinasabi sa'yo.
00:09.3
Jen, matulog na kayo dahil may pasok pa kayo bukas.
00:13.3
Matulog na kayo para tumangkad kayo.
00:15.7
Matulog na kayo, ang hirap-hirap niyong gisingin.
00:18.6
Si mama naman, oh. Wala naman kaming pasok. Bakasyon namin ngayon.
00:23.4
Aba, sinasagot-sagot mo na ako ngayon?
00:25.7
Bakit hindi mo sabihin dyan sa mga viewers mo kung gaano ako nagpuyat para palakihin kayo?
00:31.0
Grabing reverse card naman yan, ma.
00:33.5
Ah, shoutout nga pala sa mga magulang natin na nagpuyat para palakihin tayo.
00:39.0
Nagtimpla ng gatas, nagluto ng pagkain, nagpalit ng pampers,
00:43.8
pinaypayan tayo para makatulog tayo ng mahimbing,
00:47.2
henehele tayo pag umiiyak ng madaling araw,
00:50.2
nakikipaglaban sa mga lamok para lang hindi tayo dapuan.
00:53.6
So, wag niyo sayangin ang sakripisyon.
00:55.7
Ha? Maging mabuting anak dapat tayo, okay?
01:00.2
Dapat patulog tayo ng maaga.
01:02.5
Good night!
01:03.3
Isa sa mga puyat moments ko noon, e kapag pumupunta kami ng lamay.
01:08.2
Alam nyo naman pag lamay, diba?
01:10.2
Tumatagal yan ng tatlong araw hanggang pitong araw.
01:13.6
Sa lamay, pinapakita ang pakikiramay ng mga kamag-anak,
01:17.2
kaibigan at ibang kakilala ng namatay.
01:20.1
Nagiging malaking pagtitipon ito hanggang hating gabi.
01:23.2
O minsan nga hanggang madaling araw.
01:25.7
Sa lamay, e may kantahan.
01:27.7
Pag mimisa at higit sa lahat,
01:29.7
ang isang rason kung bakit ang daming nagpupuyat,
01:32.7
e ang paasugalaan.
01:34.7
Hindi ako mahilig sa sugal noon.
01:36.7
Nakikinood lang ako, hoping may magbalato sa akin.
01:40.7
Pag wala, e nakikipagkwentuhan at nakikikanta na lang ako.
01:44.7
Sa lamay, e parang reunion din.
01:46.7
Kasi nakikilala mo yung mga iba mong kamag-anak.
01:49.7
Hello, gusto mo ng kape?
01:51.7
Ah, sige. Salamat.
01:53.7
Ikaw pala si Jen.
01:55.2
Oo, ako nga. Paano mo nalaman pangalan ko?
01:58.2
Sinabi kasi ng mama ko, pinsan daw kita kaya mag-hello daw ako.
02:02.2
Ah, ganun? Magkamag-anak pala tayo?
02:05.2
Oo. Galing pa kami sa malayo kaya ginabi na kami.
02:09.2
Buti safe kayo nakarating.
02:11.2
Kaya nga, e. Inaantok na nga ako. Buti may kape.
02:14.2
Tara, kuha tayo ng kamote. Sabay natin sa kape.
02:17.2
Tara!
02:18.2
Group projects, assignments, quizzes.
02:21.2
Ito yung mga bagay na nagpapapuyat sa mga estudyante.
02:25.2
Lalo na nung panahon namin na walang internet sa bahay.
02:28.2
Walang smartphone na pwede kang mag-load para may internet ka.
02:32.2
Walang ganun. Kailangan mo pa talaga pumunta sa comshop para mag-research.
02:36.2
Naalala ko tuloy yung reaction paper ko noon.
02:39.2
Sa sobrang wala akong maisip, e, isang paragraph lang ang nagawa ko.
02:43.2
Tapos nahiya pa akong isubmit.
02:45.2
Asus, para namang gumagawa ka n'yan dati.
02:48.2
Shhh! Hindi mo lang alam. Meron akong project na talagang pinagpuyatan ko.
02:54.2
Matida! Mag-isa ko lang noon kahit group project pa yun.
02:57.2
Hindi ko nga siya natapos lahat e. Kasi naubusan na ako ng ilalagay.
03:02.2
Pero nakapagsubmit pa rin ako. At medyo mataas yung nakuha kong score doon.
03:07.2
Pero bagsak ka pa rin.
03:09.2
Nye nye nye.
03:10.2
Computer games. Yes! Dito talaga ang maraming puyat moments ko nung bata ko.
03:16.2
Naging laman ako ng computer shop. Lagi kaming nag-overnight nila pinya.
03:22.2
Yung mga baon namin ay iniipon namin para lang may pang-overnight.
03:26.2
Kaya wag nyo kaming sularan guys.
03:28.2
Ano boy? May pang-overnight ka na?
03:30.2
Meron na boy. Ano tara?
03:32.2
May kumot na ba tayo? Malamig doon.
03:34.2
Meron na boy. Maraming karton doon. Pwede na yun.
03:38.2
Kape boy. Meron na.
03:40.2
Kape? Check men. Kaping matapang to. Hindi tayo aantukin.
03:44.2
Cup noodles boy. Meron na. Nakakagutom pa naman maglaro.
03:48.2
All goods man men. May sky flakes pa.
03:51.2
Alright, let's go!
03:53.2
Boy, magle-level up na ako. Change class na ako nito.
03:57.2
Uy, antayin mo ako. Samangan mo muna ako dito men para mabilis ako mag-level up.
04:02.2
Sige. Saan ka ba nagpa-farm?
04:04.2
Dito lang sa mga level 38 na monster.
04:07.2
Mahina ang XP dyan. Tara, boost kita. Doon tayo sa level 45 na monster.
04:12.2
Sige, sige. Tsaka boss hunt tayo mamaya. Marami daw boss drop ngayon.
04:17.2
Tara, tara. May event daw ngayon eh.
04:19.2
Seven hours later.
04:21.2
Men, ilan na XP mo?
04:23.2
90% na men. Kunti na lang.
04:25.2
Mag-uumaga na pala.
04:27.2
Kaya pa to men.
04:28.2
Sige, sige. Sakit na ng mata ko.
04:31.2
Ito na, ito na. Magle-level up na ako. Alright!
04:34.2
Alright men. Makaka-change job ka na rin.
04:37.2
Salamat sa pag-boost boy.
04:38.2
Uy, tapos na overnight nyo. Mag-see uya na kayo. May klase pa kayo.
04:44.2
Oh shoot, may pasok pa pala tayo. Tara na men.
04:47.2
Ay, oo nga pala.
04:49.2
Tara na. Wala man yung ligo-ligo to.
04:53.2
Hehehe. Eh, sawakal. Makakagamit na ako ng malakas na item.
04:59.2
Hehehe. Ma-unlock ko na yung mga skills ng karakter ko.
05:04.2
Mr. Jen and Mr. PiƱa, bakit kayo lang tutulog sa klase ko?
05:11.2
Mahilig ba kayo manood ng K-drama? Personally, hindi ako fan ng K-drama.
05:16.2
Hanggang sa may napanood kami na talagang pinagkakataon.
05:19.2
Nagpuyatan namin ng mga kaibigan ko.
05:21.2
Mga men, panoorin natin tong K-drama na to.
05:24.2
Anong title niyan?
05:25.2
My Girlfriend is a Gumiho.
05:28.2
Ah, Nine-Tailed Fox. Parang Naruto ah. Baka andyan si Kurama.
05:33.2
Subukan natin. Baka maganda.
05:35.2
Tara, Nine-Tailed Fox daw eh.
05:37.2
So, pinanood namin yung My Girlfriend is a Gumiho. Nung nainteresado kami sa kwento, ay hindi na namin ito tinigilan.
05:45.2
Next episode boy! Ano kayang mangyayari?
05:49.2
Ninjana!
05:52.2
Miho! Bakit mo siya iiwan? Hindi!
05:58.2
Bakit pa kasi natin pinanood to?
06:00.2
Yung puso ko. Yung puso ko.
06:03.2
Ah, sino kasi bumili nito? Nakakawala ng pagkalalaki.
06:08.2
Itulog na lang natin to. Mag-uumaga na oh.
06:13.2
Hindi ko kaya. Napakasakit.
06:16.2
Ganto pa talaga ang mga kwento sa k-drama. Tagos sa puso men. Matutulog tayong puyat at luhaan nito.
06:24.2
Talking stage sa crush mo.
06:27.2
Ito yung puyat moments na talagang mag-i-invest ka ng time para mapasagot si crush.
06:32.2
Yung tipong mapapagana mo talaga ang utak mo para lang makaisip ng topic na pwedeng pag-usapan.
06:37.2
Hello! Good evening, Ellie. Gising ka pa?
06:41.2
Two hours later.
06:43.2
Hi, Jen. SLR.
06:45.2
Kakain ko lang. Bakit?
06:48.2
Wala lang. May ginagawa ka ba?
06:51.2
Eto, nagpapatunaw lang bago matulog.
06:55.2
Hindi naman ako nakakaistorbo, no?
06:57.2
Hindi naman. Ayos nga may kausap ako. Wala naman ako ginagawa ngayong araw.
07:04.2
Ayos. Wala din kasi ako magawa ngayong araw eh. Naghahanap ako ng kausap.
07:09.2
Weh, bakit ako? Marami namang pwedeng makausap dyan.
07:13.2
Eh, ikaw gusto ko makausap eh.
07:16.2
Bakit nga ako?
07:19.2
Masaya ka kasi kausap.
07:21.2
Asus, sinasabi mo lang yan eh.
07:24.2
Totoo nga.
07:25.2
Okay, so ano next natin pagkakwentohan ngayon?
07:29.2
Oh shoot, eto na naman. Kailangan ko na naman mag-isip ng topic. Anong paborito mong number sa electric fan?
07:38.2
One?
07:40.2
Bakit naman?
07:41.2
Kasi ako number one fan mo eh.
07:45.2
Asus!
07:47.2
Oh, ikaw. Anong paborito mong number sa electric fan?
07:51.2
Ah, wala eh. Hindi kasi kami gumagamit ng electric fan dito.
07:55.2
Oh, siguro hindi mainit dyan sa lugar nyo, no?
07:59.2
Oo, malamig dito.
08:01.2
Sarap siguro mamasyal dyan sa inyo.
08:04.2
Oo naman. Gusto mo ipasyal kita dito?
08:07.2
Sige ba, basta libre mo ako.
08:09.2
Hati tayo. Siyempre, hindi lang naman ikaw mamamasyal eh. Haha.
08:14.2
Ngik. Sige, sige.
08:16.2
At sila'y nag-usap magdamag hanggang sa naubusan na ng bagong topic si Jen.
08:21.2
Hoy, ano na? Tagal mong mag-reply ha. Mag-ten minutes na.
08:26.2
Ay, sorry. May ginawa lang ako saglit.
08:29.2
Oh shoot, wala na akong maisip na topic.
08:32.2
Wala na siguro tong matopic.
08:35.2
Hoy, matunog na kaya tayo? Mag-uumaga na oh.
08:38.2
Oo nga no. Tara, naantok na rin ako eh. Tuloy na lang natin ulit next time.
08:44.2
Sige. Good mornight.
08:47.2
Good mornight din.
08:49.2
Woo! Naubusan ako ng topic dun ah. Di bale, mag-research na lang ulit ako ng mga pwede pa naming pag-usapan.
08:56.2
Puyat moment sa trabaho. Sa tingin ko, ito talaga ang may pinakamaraming nagpupuyat.
09:01.2
Tulad ng mga nagtratrabaho sa call center, security guard, programmers, at siyempre mga animators.
09:07.2
Nung nangangarap pa lang ako maging animator, eh hindi pumasok sa isip ko na makakaranas ako ng pagpupuyat dito.
09:14.2
Ang iniisip ko lang nun, eh gusto ko lang mag-animate. Yun lang.
09:18.2
Pero nung kailangan ko na maghanap ng trabaho, eh dito na. Dito na ako pinagsasampal ng katotohanan.
09:25.2
Nung unang work ko bilang isang animator, eh excited pa ako. Talagang animate lang ako ng animate.
09:31.2
Pero nung tinambakan ako ng trabaho, eh eto na. Na-activate na naman ang godly puyat mode ko.
09:37.2
Okay lang naman sakin kasi maraming trabaho, maraming pera. Pero pag may deadline, eh need mo mag-rush at isacrifice ang tulog.
09:46.2
Kaya pala tinawag na deadline. Kasi pagdating ng deadline, eh paktay ka na rin.
09:52.2
Naalala ko tuloy yung 2 hours lang tulog ko kada araw. Leche. Para akong lumulutang. Akala ko nga kinukuha na ako ni Lord eh.
10:01.2
Jed, you've done enough. You can rest now.
10:05.2
Hindi pwede. Paano na lang yung mga bills ko, Lord? Tsaka marami pa akong pangarap.
10:11.2
Okay, Jed. Pagbibigyan kita. Basta matulog ka ng 8 hours a day.
10:18.2
Thank you, Lord.
10:20.2
Naranasan nyo na ba yung antok na antok na kayo, tapos nung matutulog na kayo, eh hindi kayo makatulog?
10:27.2
Yung feeling na kapag nakahiga kayo, doon lang na-activate yung utak mo, tapos hindi ka pa tutulogin.
10:32.2
Bigla kang mapapatanong ng, sino ba ako? Anong purpose ko dito sa mundo? Ano kayang mangyayari sa akin sa future?
10:41.2
Tapos maaalala mo pa yung mga kahihiyan at mga bad decisions na pinaggagagawa mo.
10:46.2
Ah, sana hindi ko nalang ginawa yun. Dapat kasi ganito nalang ginawa ko nung araw na yun.
10:54.2
Siguro kung tinuloy ko yun dati, ganito na ako ngayon.
10:58.2
Nagpupuyat pa rin naman ako ngayon, pero paminsan-minsan na lang.
11:01.2
Itong mga pinag-upload ko sa YouTube, eh halos lahat yan, eh pinagpuyatan ko.
11:06.2
Pero sinisigurado ko naman na nababawi ko yung mga tulog ko.
11:10.2
Kaya sa mga nagre-re-upload dyan, kahiyaan naman kayo.
11:13.2
Hindi healthy ang pagpupuyat, pero minsan, para sa pangarap, eh sinasakripisyon natin ang mga tulog natin.
11:20.2
Kaya sana kung magpupuyat lang din kayo, eh sana para sa pangarap nyo nalang guys, huwag na sa maling tao. Char.
11:31.2
Thank you for watching!