01:35.2
Bumisita o manusa sa bahay namin dahil may mahalaga siyang balitang ipinarating sa aking ina.
01:43.2
Nay, may problema po ba? Bakit ko kayo umiiyak?
01:49.8
Baling at pag-aalala lang tanong ko sa aking ina.
01:54.5
Ilang segundo ang nakakalipas ay wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.
02:00.0
Sa halip ay patuloy pa rin ito sa paghagulgol nun.
02:04.6
Dahil sa wala nga akong makuhang sagot sa kanya ay ang tiyahin ko na lamang ang tinanong ko.
02:10.4
Kung ano ang nangyayari at bakit umiiyak si nanay nun?
02:16.3
Nagbiru pa nga kung baka kinurot ni tia Lorna si nanay kaya ito umiiyak.
02:23.1
Sa mahinang boses ay sinabi ng tiyahin kong ibinalita niya sa aking ina.
02:30.0
Na may matinding sakit na dinaramdam ang kanilang ama.
02:34.4
At ilang linggo nang nakaratay sa may higaan.
02:38.5
Hindi na makatayo dahil sa malaking sugat na natamo sa binti nito.
02:44.1
Nakiusap raw si Lolo Ador kay tia Lorna na sunduin si nanay dahil gusto niya itong makita bago pa man umanobawian ng buhay ang abuelo ko.
02:53.5
Kahit sa uling pagkakataon lamang uno ay mag-usap sila.
02:58.3
Simula umanon ang magkasakit si Lorna.
03:00.0
Walang araw na hindi niya hinahanap si nanay.
03:04.7
Palagi niyang kinukult si tia at nakikiusap na puntahan itong panganay nga niyang kapatid at kausapin itong bisitahin siya.
03:14.2
Kahit sa uling sandali man lang.
03:17.6
Kailangan umanon ni Lolo itong sinanay.
03:21.5
Nakikiusap siya na kahit sa uling pagkakataon.
03:25.9
Magpakita sa kanya sinanay.
03:28.5
Dagdag pa ni tia.
03:30.8
Gusto na rin kasi umanong makita nila Lolo at Lola.
03:34.9
Ang mga anak niya.
03:38.4
Napakunot noo at nagtataka ako nun.
03:41.9
Dahil akala ko ay kung ano na ang nangyari sa aking ina.
03:46.5
May sakit lang pala ang kanyang ama.
03:49.1
Kung makahagulgol naman ang iyak sinanay ay akala mo na matayan na.
03:54.5
Sinabi ko sa aking inang punta niya ang kanyang ama para magkitan sila at magkausap.
04:00.0
Tutal naman ay gustong gusto na siyang makita nito.
04:03.3
Baka yun na ang tamang panahon para magkita at magkabati na silang mag-amanon.
04:09.4
Kung hindi nyo kasi na itatanong mga kagiliw.
04:12.9
Ilang taon nang hindi naguusap o nagkikita man lamang ang aking ina at ang mga magulang niya.
04:19.0
Dahil sa kwento ni nanay, bago pa man umalis sa bahay ng kanyang mga magulang,
04:25.0
ay nagkasagutan umanon sila ng kanyang ama.
04:28.3
At pinagsasalitaan siya ng hindi.
04:32.5
May ginawa raw kasi ang lolo ko na mas lalong ikinasama ng loob at ikinagalit ni nanay nun.
04:39.5
Na magpasa hanggang ngayon ay hinding-hindi niya matatanggap.
04:44.8
Simula nang umalis ang aking ina sa bahay ng kanyang mga magulang,
04:49.1
ay palaging si Tia Lorna na lamang ang bumibisita sa aking ina.
04:54.6
Nay, pumayag na po kayo.
04:58.6
Punta na po kayo sa bahay nila.
05:01.7
Niminsan, hindi na po natin sila nabibisita eh.
05:05.7
Gusto ko naman pong makita at makilala yung lolo at lola ko.
05:11.4
Dahil yun naman talagang nais ko.
05:13.9
Gusto kong makilala ang mga magulang ni nanay.
05:17.3
Dahil simulat sa poll, hindi ko pa sila nakita nun.
05:22.9
Saglit na pinunasan ng aking ina ang mga luha niya sa pisngi.
05:26.7
At saka nagsabing kailanman,
05:28.6
ay hinding-hindi kami pupunta sa bahay ng kanyang mga magulang.
05:34.0
Pero nay, hindi po ba kayo naawa sa ama nyo?
05:38.7
Siya na yung nakikiusap na makita kayo. Ayaw nyo bang?
05:42.5
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin dahil
05:45.0
mariing sinabi ng aking inang,
05:48.4
huwag akong maging makulit.
05:51.0
Kahit kailan ay hindi ko siya makukumbinsing
05:53.6
pumayag na pumunta kami sa lugar ng kanyang mga magulang.
05:57.0
Wala siyang pakialam kung mamamatay man ang kanyang ama
06:00.9
hindi sila nagkakausap nun.
06:05.0
Tinanong ko siya kung bakit hindi kami pwedeng pumunta gayong
06:08.3
nakaratay na nga ang kanyang ama
06:10.7
at kailangan siya nito.
06:14.5
Ganoon na lang ba talaga katindi ang galit na
06:16.9
nararamdaman niya para matiis niyang kanyang ama
06:19.4
sa panahong kailangan-kailangan siya nito?
06:24.4
Kahit sa kahuli-hulihan ay matigas pa rin talaga
06:26.9
ang puso ng aking ina
06:28.3
at matindi pa din ang galit na nararamdaman niya
06:31.4
para sa kanyang ama.
06:34.5
Ay naku naman po na eh.
06:37.0
Huwag niyo na pong pairalin yung galit na nararamdaman niyo
06:40.9
Kung meron mang kayong hindi magandang pagkakaintindihan
06:43.6
baka pwedeng ibaon niyo na lamang po sa limot.
06:48.2
Magkapatawaran na po kayo ni Lolo Ador.
06:52.1
Wala kang alam Gemma.
06:54.4
Hindi mo alam ang pinagdaanan ko
06:56.1
kaya huwag kang magsalta ng ganyan.
07:00.6
At muli namang humagulgol ng iyak nun.
07:05.8
Matanda na po kayo.
07:07.7
Dapat hindi na kayo nagtatanim ng galit.
07:11.0
Tsaka siguro naman matagal nang pinagsisisihan ni Lolo Ador
07:13.8
kung ano man yung nagawa niyang kasalanan sa inyo.
07:18.6
Dahil sa totoo lang Sir Seth,
07:21.1
kahit anong pangungulit kong itanong sa aking ina
07:23.4
kung ano ang dahilan ng matinding galit
07:26.0
na nararamdaman niya kay Lolo Ador,
07:28.9
hindi niya sinasabi sa akin
07:30.5
o mas kesa mga kapatid ko.
07:34.5
Palagi niya na lamang iniiba ang usapan
07:37.0
kapag kinukulit ko siya nun
07:38.4
na magbakasyon sa lugar ng kanyang mga magulang.
07:43.9
Ilang saglit pa ang nakalipas
07:45.7
ay dumating na si tatay
07:47.5
at nakita niya ang sitwasyon ng aking ina.
07:51.1
Tulad ko kanina pagkarating sa bahay
07:53.3
ay ganoon rin ang ginagawa ng aking ama.
07:56.0
Nag-aalala lang tinanong niya ang aking ina
07:59.6
kung ano ang nangyayari nun.
08:02.5
Nung sabihin sa kanya ni Tia Lor na ang dahilan,
08:05.0
saka pa lamang napahinga ng maluwag si tatay
08:08.4
at kinumbinsi ang aking inang
08:11.0
bumisita sa bahay ng mga magulang nito.
08:16.0
Siguro, wala namang masama kung bumisita tayo, di ba?
08:20.5
Matanda na yung tatay mo
08:24.3
Patawarin mo na siya.
08:26.0
Anya pa ni tatay nun.
08:28.8
Sinabihan ako ng aking amang kumbinsin niya si nanay
08:32.0
na pumunta kami sa lugar na kinalakihan nito
08:34.7
para naman kahit papano ay makilala ko
08:38.3
ang iba pang kaanak ni nanay nun
08:40.0
na naninirahan doon at maging ang kanyang mga magulang.
08:46.3
Kinabukasan nga pagkagising ko sa umaga.
08:49.7
Habang nag-aalmusal kami ay sinabi ng aking inang
08:52.4
pumapayag na siyang pumunta kami
08:54.9
sa tirahan ng kanyang mga magulang.
08:56.0
Pero sa isang kondisyon.
09:01.5
Kahit anong mangyari,
09:03.8
ay huwag na huwag kaming aalis ng dalawa kong kapatid sa tabi niya
09:07.1
o sa tabi ng aming ama.
09:10.4
O kaya naman ay huwag kaming basta-bastang lumabas ng bahay
09:13.5
nang hindi sila kasama.
09:17.9
Bakit naman po, Nay?
09:19.1
Parang ginawa nyo naman po kami mga batang paslit niyan.
09:25.3
Sunod-sunuran kami.
09:25.8
Sunod-sunuran kami sa inyo kahit saan kayo magpunta?
09:28.8
Kapag naroroan na tayo sa probinsya nila, Lolo?
09:32.1
Tanong ng kapatid kong si Kuya Marlo.
09:36.7
Basta, sundin nyo na lamang yung mga sinasabi ko para tapos ang usapan.
09:42.2
Para sa inyo lang din naman itong sinasabi ko eh.
09:47.9
Para wala nang ang usapan pa ay tumangun na lamang kaming magkapatid nun.
09:53.3
Sinunod nga namin ang sinabi niya.
09:55.8
Nang araw ngang yun ay bumiyahin na kami papunta sa lugar kung saan nakatira ang kanyang mga magulang.
10:03.2
Pagkarating namin sa terminal, ay sumakay pa kami ng habal-habal papunta sa Purok.
10:09.4
Habang binabagtas namin ang daan,
10:12.0
ay bahagya kong nilibot ang aking paningin sa mga kabahayang dinadaanan namin.
10:18.8
Habang tumatagal kasi sa pagbabiyahe,
10:22.0
ay napapansin kong paunti-unti ng...
10:25.8
kumukonti ang mga kabahayan.
10:28.8
Hanggang sa napadako na kami sa nag-iisang bahay,
10:33.1
na napapalibutan ng naglalaki ang mga puno.
10:38.0
Pagkababa ko ng sasakyan,
10:40.5
ay hindi ko na iwasang magtaasa ng mga balahibo sa batok nun.
10:45.3
Hindi ko alam kung bakit kinilabutan ako ng mga sandaling yun.
10:50.7
Parang nakakatakot naman dito.
10:53.9
Nakakapanindig balahibo yung katahimikan.
10:55.8
Irinig kong wika ng kapatid kong babae sa mahinang boses nun.
11:01.9
Pinasadahan ng tingin ang bakuran ng bahay na nasa harapan namin.
11:07.8
Medyo may kalumaan na ang bahay.
11:10.9
Yari sa tabla ang dingding at yero naman ang bubungan pero...
11:16.9
ay masasabi kong pulido ang bahay dahil sa...
11:19.7
para yung mga sinaunang bahay ng mga kastila.
11:25.8
Sigurado po ba kayong dito nakatira ang mga magulang ninyo ni nanay?
11:32.0
Tanong ni Kuya Marlo at inalalayan ng magbaba ng gamit si Tia Lorna.
11:37.7
Siguro ay nakaramdam rin ng hindi maganda ang kapatid kong lalaki nun.
11:43.1
Isang matipid ng ngiti lamang ang ikinawad ng tiyahin namin sa tanong ng kapatid ko.
11:48.8
At naglakad na papasok sa loob ng bakuran.
11:53.8
Maya-maya pa ay may isang matandang bakuran.
11:55.8
Ang mga babae ang nagbukas ng pintuan nun.
11:59.6
Malapad ang pagkakangiti nito.
12:02.8
Nang makita kami,
12:04.8
at mangyak-yak na lumapit sa aking inat niyakap ng napakahibit si nanay.
12:11.8
Tinanong niya ito kung bakit ngayon lamang nagpakita.
12:16.3
Kitang-kita sa mga mata ng abuela ko ang pagkasabik na makita si nanay nun.
12:23.5
Ito na ba mga apo ko?
12:25.8
Tanong niya matapos siya kapi ng aking ina at pinunasan ng mga luha.
12:32.1
Opo nay, sila na nga po.
12:35.7
Pasensya na po kayo at hindi ako nakadalaw. Sana po naiintindihan ninyo.
12:41.1
Tugo ng aking ina.
12:43.6
Abay ayos lamang yun anak.
12:45.8
Ako nga ang nahihiya sa'yo dahil sa nangyari.
12:49.3
O siya, halina kayo't pumasok na sa loob na lamang tayo ng bahay mag-usap.
12:53.5
Sigurado akong matutuwa ang tatay mo kapag nalaman niyang nandito na ang panganay niyang anak.
12:59.5
Ayan ang abuela ko, matapos naming magmanong magkapatid nun.
13:05.5
Nang banggitin ng abuela ko ang pangalan ng aking lolo,
13:09.5
ay nakita kong biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni nanay.
13:14.5
Ang kaninang ngiti sa labi ay napalitan ng pagkasimangot nun.
13:20.5
Narinig kong sinabi ni lola ang pagkasimangot.
13:23.5
Huwag raw mag-alala ang aking ina.
13:26.5
Dahil matagal nang pinagsisiyan ng kanyang ama ang kapangasang ginawa nito.
13:32.5
Nangako rin ang kanyang amang hinding-hindi na ito gagawa ng anumang hakbang na ikakapahamak ng mga anak niya.
13:41.5
Lalong lalo na sa panganay na anak.
13:46.5
Sa totoo lang, matapos kong marinig yon ay kung ano-anong mga kabulustugan ang pumasok niya.
13:54.5
Naisip ko pa noong baka pinagtangka ang halayin ni lolo at orang aking ina.
14:00.5
Kung kaya't ganoon na lamang katindi ang galit na nararamdaman nanay.
14:06.5
Sa bungad pa lamang ng pintuan ay may kakaiba na akong malansang amoy na nalalanghap.
14:13.5
Parang amoy baktol o amoy nabubulok na laman na hindi ko maintindihan.
14:19.5
Sandali pa akong napatakip ng ilong pero,
14:23.5
kaagad ko namang inalis ang kamay ko sa pagkakatakip noon.
14:27.5
Baka kasi isipin ni lola na maarte ako at mamaya, madismaya pa siya kapag nakita niya ako sa ganong sitwasyon.
14:36.5
Mga apo, gusto niyo bang makita ang lolo niyo?
14:41.5
Masayang tanong sa amin ni Lola Minda.
14:45.5
Sasagot na sana kami pero mabilis na kumontra ang aming ina.
14:49.5
Sinabi nitong hindi pwedeng makita kami ni Lolo Ador.
14:54.5
Hayaan na lamang siyang siya ang magpapakita rito nang sa ganon.
14:59.5
Kahit sa huling sandali ay magkausap silang dalawa at magkapatawaran noon.
15:06.5
Hindi naman sa wala na akong tiwala nay pero,
15:10.5
hindi naman pumunta dito ang mga apo ko para makita si tatay o makita ni tatay.
15:17.5
Sa ating lahat, ikaw mas nakakaalam at nakakakilala kay tatay kung ano ang kaya niyang gawin kapag makita si tatay.
15:24.5
Kaya sana kahit sa mga apo niyo lang po, bumawi kayo at huwag niyong hayaang mapahamak sila.
15:31.5
Wika ng aming ina na siyang ikinagulat naming magkapatid noon.
15:37.5
Malungkot ang mga mata ang humingi ng paumanhin si Lola Minda.
15:41.5
Habang tumatagal ang usapan nila ay hindi ko na maintindihan kung ano ang ibig tukuyin ng aking ina.
15:49.5
Natigil lamang ang pakikinig ko sa usapan nila.
15:53.5
Nang balingan kami ni Lola Minda at sinabihang, ihahatid na kami sa silid pahingahan noon.
16:00.5
Kinagabihan ng araw na iyon ay hindi ako makatulog.
16:05.5
Sa palagay ko ng mga sandaling iyon ay tila ba namamahay ako?
16:10.5
Dahil kahit anong pikit ng mga mata ko ay hindi talaga ako dinadalaw ng antok.
16:15.5
Sumasakit na lamang ang ulo ko pero wala.
16:19.5
Ayaw pa rin akong dalawin ng antok noon.
16:24.5
Nung tingnan ko ang orasan ay pasado alas 12 na ng hating gabi.
16:30.5
Eh, buti pa sila. Ang sarap-sarap na ng tulog.
16:36.5
Napahinga na lamang ako ng malalim at bumangon para sana ibuksan ang bintana.
16:42.5
Makalanghap man lamang ng hangin kahit papano.
16:45.5
Pero nung akmang bubuksan ko na sana ang bintana,
16:50.5
bigla na lamang akong napaatras.
16:54.5
Sa kadahilan ng may malakas na puwersa ang bumagsak sa bubungan ko
17:00.5
at parang may malaking mga pakpak ang pumapagaspas noon.
17:04.5
Kasabay noon ay ang mahihinang pagsinghap at huninang wakwak
17:10.5
na aakalain mong bumubulong na lamang sa tenga ko.
17:13.5
Kinilabutan ako sa isipin may aswang sa taas ng bubungan.
17:20.5
Hindi naman kasilingid sa akin ang tungkol sa mga ganitong nilalang.
17:25.5
Dahil nakakapanood ako sa telebisyon tungkol sa mga ganuan.
17:29.5
Alos tumalo na ako pabalik sa higaan dahil sa takot na nararamdaman ko.
17:36.5
Mabilis na akong nagtalukbong at sumiksik sa kapatid kong babae.
17:41.5
Habang nakatalukbong ay pinabalik.
17:43.5
Kinapakiramdaman ko ang nilalang na nasa may taas ng bubungan noon.
17:48.5
Rinig na rinig ko pa ang pagtaas-baba ng mga pakpak nitong sumasayad sa yero.
17:54.5
Lumakas na rin ang hangin sa buong paligid na animoy may paparating na bagyo.
18:00.5
Dahil sa sumasabay rin sa paghampas ng pakpak ang mga sanga ng puno sa bubungan ng bahay.
18:07.5
Maya-maya pa ay narinig kong parang may sumisitsit
18:12.5
mula sa may taas ng bubungan.
18:15.5
May lumalangit-ngit na parabang marahang tinutuklap ang bubungan ng bahay noon.
18:23.5
Nang mga oras na iyon, tagaktak na ang pawis ko sa noo.
18:29.5
Malakas na rin ang pagkabog ng dibdib ko.
18:33.5
At halos mabingin na ako't wala na akong ibang naririnig kundi ang langit-ngit at uyog ng mga sanga.
18:42.5
Dahil sa lakas ng hangin noon.
18:45.5
Kahit hindi ako paladasal ay talagang aaminin kong
18:50.5
ng mga sandaling iyon ay napadasal na lamang ako
18:53.5
at lahat ng kilalakong santo.
18:59.5
Humingi ako ng gabay at tulong na sanay paalisin na ang kung anumang nilalang ang nasa bubungan ng bahay.
19:09.5
Hindi katagalan, Sir Seth.
19:12.5
Marahil ay dininig nang nasa taas ang panalangin ko.
19:17.5
Dahil bigla na lamang tumahimik ang buong paligid at nawala na ang nilalang sa taas ng bubungan.
19:26.5
Maging ang malakas na hangin ay tumigil na rin noon.
19:31.5
Saglit pa akong nakikiramdam hanggang sa hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako.
19:39.5
Kinabukasan, tanghali na ako nagising.
19:44.5
Pagkat bangon ko ay dumiretsyo na ako sa kusina para maghanap ng pagkain.
19:49.5
Gising ka na pala, anak.
19:52.5
Sandali lang at maghahanda ako ng pagkain mo.
19:55.5
Bungad na wika ng aking ina nang madatnan ko siya sa may kusina.
19:59.5
Habang nagsasandok siya ay sinabi niya sa'king huwag akong basta-bastang kumuha o sumandok ng pagkain na kahain.
20:07.5
Kakainin ko lamang umano ang mga pagkain na kahain sa mesa o sa plato ko.
20:15.5
Kung siya ang magluluto o magsandok ng pagkain noon.
20:20.5
Maliban doon, wala nang iba.
20:25.5
Bakit naman po, Nay? Paano kung si Lola yung magbigay sa'kin ng pagkain?
20:33.5
Nag-usap na kami ni Nanay tungkol diyan. Tugo niya.
20:37.5
Matapos niya akong bigyan ng pagkain ay sumagi sa isipan ko ang tungkol sa nangyari kagabi.
20:43.5
Anay, wala po ba kayong nararamdamang kakaiba kagabi?
20:49.5
Anong nararamdamang sinasabi mo, anak?
20:53.5
Nilunok ko muna ang inunguyang pagkain bago nagsalita noon.
20:57.5
Ah, eh kasi Nay, hindi ako sigurado kung aswang ba o kung ano yung naririnig ko kagabi.
21:05.5
Napansin kong saglit na itinigil ng aking ina ang ginagawa't tumingin ng deretso sa akin noon.
21:14.5
Ano ka mang sabi mo?
21:17.5
Ang sabi ko po, may narinig akong kakaibang huni kagabi.
21:22.5
Hindi kayo may aswang dito.
21:25.5
Wika ko sa aking ina't medyo tinaasan ko pa ang boses ko para marinig niya noon.
21:31.5
Mabilis niyang sinabi sa aking hinaan ko ano ang boses ko.
21:36.5
Dahil baka mamaya ay may makarinig pang iba sa mga sinasabi ko.
21:42.5
Bakit naman po, Nay?
21:45.5
Totoo naman po yung sinasabi kong may naririnig talaga akong kakaiba kagabi.
21:50.5
At siguradong sigurado ako, hindi normal na hayop yun.
21:55.5
Tinanong niya ako kung ano ang ginawa ko matapos marinig ang huni na yon.
22:01.5
Sinabi ko naman sa kanyang dahil sa takot, ay patakbo na akong bumalik sa higaan at nagtalukbong noon.
22:08.5
Bala ko kasi sanang buksan ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin.
22:13.5
Kaya lang, bago ko pa man mabuksan ang bintana, ay narinig ko na ang malakas na pagkalabog sa bubungan.
22:22.5
Kaya napatakbo ako sa higaan ko noon.
22:25.5
Bumuntong hininga lamang siya at nagwikang kalimutan ko na lamang umano
22:30.5
ang kakaibang napapansin ko kagabi.
22:33.5
Baka pusa lamang yon.
22:36.5
Inakala ko lamang umanong aswang.
22:40.5
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil lumabas na ng kusina si nanay matapos niyang sabihin sakin ito.
22:48.5
Kinahapon na naman habang naguusap kami ng mga kapatid ko sa may balkonahe, nagulat na lamang kaming bigla.
22:57.5
Nang magsisisigaw si nanay,
23:00.5
nagmumura niya si Lolo Ador.
23:03.5
Napatakbo kaming lahat papunta sa silid kung saan naroroon si nanay at si Lola Minda.
23:10.5
Pagkalapit namin sa pintuan ng silid tulugan ni Lolo Ador,
23:15.5
wala nang tanong-tanong pang agarang binuksan ng kapatid kong lalaki ang pintuan noon.
23:21.5
Gayon na lamang ang hilakbot ko.
23:25.5
Nang makita kong nakadapa sa may higaan si Lolo.
23:28.5
Walang tigil sa pagtulo ang laway.
23:33.5
Namumula ang mga matang, halos lumuhana.
23:38.5
Nang lumingon ito sa aming magkakapatid.
23:42.5
Umaangil ito na parang pusang nagagalit at pilit na inaabot ang aking ina.
23:49.5
Na parabang meron itong nais ibigay.
23:54.5
Sigaw naman ng sigaw si Lola Minda at sinasaway si Lolo Ador.
24:01.5
Nangako ka sa aming mga anak mong hindi mo ipapasa sa panganay mo anak ang pagiging aswang mo Ador.
24:08.5
Tumigil ka na sa binabalak mo.
24:11.5
Sigaw ni Lola na siyang ikinalaki ng mga mata naming magkakapatid.
24:17.5
Hindi na ako papayag bang mapahamak ang mga anak ko.
24:21.5
Dahil lamang dyan sa pagiging awok mo Ador.
24:25.5
Kung may natitira ka pang pagmamahal sa mga anak mo.
24:28.5
Sa iba mo nalang isali ng pagiging aswang mo.
24:32.5
Pakiusap ni Lola Minda.
24:35.5
Tila natauhan naman si Lolo Ador.
24:38.5
Bahagya itong tumigil sa ginagawang pagnanais abutin si nanay.
24:43.5
At parang asong umaatungal ng iyak nun.
24:47.5
Humagulgol na nagwika ang abuelo kong hindi niya na kaya pang tiisin ang sakit na nararamdaman.
24:55.5
Gustong gusto niya nang mamahinga.
24:57.5
Kaya't nakikiusap siyang saluhin na ng aking ina ang pagiging aswang niya.
25:04.5
Matagal na panahon nang gusto niyang mamahinga pero
25:08.5
dahil sa ayaw saluhin ni nanay ang pagiging awok.
25:12.5
Kaya't hindi siya mamatay-matay nun.
25:16.5
Awang-awa ako nang pinagmasdan ko ang payat na pangangatawan ni Lolo Ador.
25:21.5
Buhay na buhay pa siya pero
25:23.5
para ng bangkay na unti-unting naaagnas.
25:28.5
Pasintabi po sa mga kumakain mga kagiliw.
25:32.5
Noong titigan kong maigi ang sugat ni Lolo Ador
25:36.5
mula sa paa papunta sa tuhod.
25:39.5
Halos malata na iyon.
25:41.5
At may mga maliliit na insekto akong nakikitang gumagalaw-galaw.
25:47.5
Parang may mga itlog rin ng bangaw at nakakasoka yung pagmasdan.
25:54.5
Marahil, iyon ang nalalanghap ko noong unang pasok ko pa lamang sa bahay.
26:02.5
Napakayapis na rin ang kanyang pangangatawan.
26:05.5
Parang butot balat na.
26:07.5
Humpak na rin ang kanyang muka.
26:11.5
Mga bata, lumabas na kayo dito sa kwarto ng Lolo niyo.
26:16.5
Magsipasok na kayo sa silid niyo at huwag kayong lumabas hanggat hindi ko sinasabi.
26:23.5
Mariing utos sa amin ni Lola Minda.
26:27.5
Nagmadali na akong hinatak ang kapatid ko at binala sa silid tulugan.
26:32.5
Para akong lutang na hunghang na mga sandaling iyon.
26:36.5
At hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang nakakaawang kalagayan ni Lolo.
26:44.5
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit napakatindi ng galit ni Nanay kay Lolo.
26:50.5
Rinig kong wika ng kapatid kong babae noon.
26:58.5
Sinabi niyang malinaw na malinaw nang kaya galit na galit si Nanay at matagal na panahon na siyang hindi nagpapakita.
27:05.5
Yun ay dahil sa noon pa lamang ay gusto nang ipasa ni Lolo Ador ang pagiging awok nito kay Nanay.
27:14.5
Para makalaya na sa sumpa ng pagiging aswang.
27:18.5
May mga naririnig kasi umano siyang ganoong klaseng kaganapan.
27:23.5
Na may mga aswang talagang ganoon.
27:26.5
Na tanging ang panganay lamang na anak ang siyang maaaring sumalo sa pagiging aswang ng isa sa mga magulang nito.
27:35.5
O kung ayaw mang tanggapin ang panganay na anak, ay ang bunsong apo sa panganay ang pwedeng pagpasahan noon.
27:43.5
Nang sa ganoon ay malaya ng makapagpahinga matapos ipasa ang pagiging awok.
27:50.5
Nagkatinginan kaming magkapatid at sabay ring napatingin sa akin ang dalawa kong kapatid noon.
27:57.5
Sa kadahilan ng ako ang bunso sa aming magkakapatid.
28:03.5
Sinabihan ko silang huwag manakot dahil hindi nakakatuwa.
28:08.5
Malinaw na malinaw nating naririnig kanina yung sinasabi ni Lola Minda, hindi ba?
28:15.5
Na isang aswang si Lolo Ador.
28:17.5
Muling wika sa akin ng kapatid kong lalaki.
28:21.5
Kalokohan naman yung sinasabi mo, hindi totoo yan.
28:25.5
Wika ko at pilit na pinapakalma ang sarili.
28:29.5
Sa totoo lang, nagumpisa na naman akong kabahan at nararamdaman ko na naman ang pangangatog ng kamay ko.
28:37.5
Sumagi rin sa aking isipang hindi kaya isa sa dahilan rin ang nangyari kagabi noon.
28:44.5
Dahil kung iisipin lang ng maigi,
28:47.5
bakit sa dinami-rami naming nandito sa bahay kagabi,
28:52.5
bakit natatanging ako lamang ang hindi makatulog at nakarinig ng huni ng wakwak?
29:00.5
Noon kasing tanungin ko ang mga kapatid ko ay wala rin silang kamalay-malay na inaaswang na pala kami kagabi.
29:09.5
Hindi kaya, hindi kaya si Lolo Ador yung aswang kagabi.
29:17.5
Saglit na tumahimik ang dalawang kapatid ko at nagkatinginan,
29:21.5
na para bang naguusap ang kanilang mga mata sa isa't isa.
29:27.5
Hoy, kayong dalawa dyan.
29:30.5
Bakit ganyan kayo kong magkatinginan?
29:34.5
Huwag niyong sabihin tatakutin niyo na naman ako,
29:37.5
porket ako yung bunso dito.
29:39.5
Kabadong tanong ko.
29:42.5
Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan at pumasok ang mga magulang ko.
29:48.5
Kaagad naniyakap ako ng aking ina at tinanong kung ayos lamang ba kaming magkapatid noon.
29:55.5
Ayos lang po kami, Nay.
29:59.5
Ayos lang ako, anak.
30:01.5
Mag-impake na kayo ng mga gamit dahil bukas na bukas uuwi na tayo.
30:08.5
Nakapag-usap na po ba kayo ng masinsinan ni Lola Minda at Lolo Ador?
30:12.5
Natahimik ang aking ina.
30:17.5
Pero maya-maya ay nagsabing nag-usap na sila ng masinsinan ni Lola Minda.
30:23.5
Pero si Lolo Ador mukhang tuluyan ng nilamon sa pagiging aswang nito at pagiging makasarili.
30:32.5
Dahil kahit anong pakiusap niya ay hindi talaga nakikinig si Lolo Ador noon.
30:37.5
Sinabihan ko siyang bakit hindi na lamang lumapit sa may manggagamot o albularyo si Lola Minda.
30:45.5
Baka may iba pang paraan para maalis ang pagiging aswang ni Lolo Ador.
30:51.5
Sumagot naman ang aking inang minsan na raw lumapit sa magaling na manggagamot at albularyo si Lola.
30:58.5
Para ipagamot si Lolo noon.
31:01.5
Kaya nga lang ay hindi nila mahanap-hanap ang lunas para maalis ang pagiging aswang nito.
31:07.5
Hanggang sa sinukuan na lamang ito ng mga albularyo at manggagamot na nilapitan noon.
31:15.5
Eh nai, ano po yung gagawin natin? Hindi naman pwedeng habang buhay mong takasan si Lolo Ador.
31:23.5
Tingnan mo at napakatagal mo na siyang iniwasan pero ayan, buhay na buhay pa siya.
31:30.5
Hinihintay niya yung pagbabalik mo dahil wala siyang ibang pagpapasahan kundi ikaw lang.
31:37.5
Dahil ikaw ang panganay na anak.
31:40.5
Tanong ng kapatid kong lalaki noon.
31:43.5
Sinabi ng aking inang minsan na silang sinabihan noon ng manggagamot na kung ayaw niya umanong tanggapin ang pagiging aswang ni Lolo Ador.
31:53.5
Isa lang ang pwedeng solusyon.
31:56.5
Yun ay kung kakayanin niya at masisikmura niya noon.
32:08.5
Kailangan kong patayin si tatay para hindi na siya maghihira pa at hindi na niya maipasa ang pagiging aswang niya.
32:15.5
Manghihak-hihak na wika ni nanay.
32:19.5
Sabay kaming napamaang ng kapatid kong babae at hindi makapaniwala sa sinasabi ng aming ina.
32:27.5
Tinanong pa siya ng kapatid kong lalaki kung wala na bang ibang solusyon maliban doon.
32:33.5
Bakit kailangang idaan pa sa brutal na pamamaraan?
32:38.5
Kung pwede namang hindi.
32:41.5
Dahil sa totoo lang ay napakaimposibleng mangyari yun.
32:45.5
Dahil hindi naman mamamatay tao ang aming ina.
32:49.5
Sunod-sunod na umiling ang aming ina at nag-uwi ka na yun lamang ang natatangin paraan.
32:56.5
Kaya nga umalis siya at nagpakalayo-layo noon.
33:00.5
Dahil ayaw niyang masaktan ng kanyang ama.
33:03.5
Hindi niya ito kayang patayin.
33:08.5
Sana hindi na lang ako pumayag na pumunta dito.
33:15.5
Noong mga sandali nga na yun ay nag-impake na kami.
33:19.5
Dumating naman ang mga kapatid ni nanay at binantayan kami para hindi kami malapitan ni lolo.
33:26.5
Gano'n naman yung ginagawa nila palagi tuwing gabi noon.
33:29.5
Pumupunta sila sa bahay ni Lola Minda para magsama-sama't mabantayan kami laban kay Lolo Ador.
33:36.5
Nasabi na rin ni nanay sa kanila ang plano niya.
33:40.5
Pumayag naman sila at nag-uwi kang wala na nga sila magagawa pa.
33:44.5
Dahil ang akala nila ay tuto pa rin ni Lolo Ador ang pangako nitong makikipag-usap lamang ng maayos kay nanay.
33:52.5
Para magkapatawaran sila.
33:55.5
Bukod doon, wala nang iba.
33:59.5
Yung buntot pagi, dala mo ba?
34:03.5
Tanong ng tiyahin ko sa tiyuhin ko.
34:06.5
Tumangu naman ang tiyuhin ko at nagsabing bitbit niya yun.
34:10.5
Pati ang langis na hiningi niya sa albularyo.
34:14.5
Nung sumapit na ang dilim ay pinapasok na kami ni nanay sa loob ng kwarto noon.
34:20.5
Pagkatapos maghaponan.
34:22.5
Huwag na umano kaming lumabas hanggat hindi pa nag-uumaga.
34:26.5
Kung anot-anuman ang maririnig namin sa labas ng kwarto o maging sa labas ng bahay ay huwag na kaming lumabas pa ng silid noon.
34:37.5
Sige na mga anak.
34:40.5
Magpahinga na kayo.
34:44.5
Sa paglipas ng mga oras habang nagkikwentuhan kaming magkapatid.
34:49.5
Para na akong dinuduyan ng antok.
34:52.5
Hindi katagalan ay hindi ko na namalayang tuluyan na ito.
34:56.5
Hindi na pala akong nakatulog noon.
34:59.5
Hanggang sa nagising ang diwa ko.
35:02.5
Nang makaramdam ako ng panakanakang basang pumapatak sa mukha ko noon.
35:08.5
Yun bang parang umulan ng malakas at may tulo sa bubungan ng bahay.
35:13.5
Tapos napatakan ka.
35:15.5
Nakapikit na hinimas ko ang pisngi ko para punasan ang basang pumapatak na iyon.
35:21.5
Pero saglit akong natigilan.
35:23.5
Nang maramdaman kong napakalagkit ng basang nahawakan ko.
35:31.5
At sobrang baho noon.
35:34.5
Marahan kong idinilat ang mga mata ko.
35:38.5
At ganun na lamang ang takot na naramdaman ko.
35:42.5
Nang sa pagdilat ko ay nakita ko si Lolo Ador.
35:46.5
Nakatayo ito sa gilid ng higaan.
35:50.5
Nakadungaw sa mukha ko.
35:53.5
Dilat na dilat ang mga matang namumulat.
35:56.5
Walang tigil sa pagtulo ang mga laway sa pisngi ko.
36:01.5
Nang hilakbot ako nang makita ko siya sa ganung sitwasyon.
36:05.5
Kaya naman napasigaw na ako at agarang humingi ng tulong noon.
36:10.5
Bago pa man ako makatayo ay mabilis niyang hinawakan ang leeg ko at malakas na sinalampak pabalik sa mahigaan.
36:19.5
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa leeg ko.
36:22.5
Na halos himatayin na ako sa tindi ng pagkakasakal niya.
36:26.5
Pilit akong nagpupumiglas.
36:29.5
At inaabot ang kapatid kong mahimbing pa rin sa pagkakatulog.
36:33.5
At parabang hindi man niya narinig ang malakas na sigaw ko noon.
36:38.5
Lolo, tumigil na po kayo.
36:43.5
Mapapatay niyo ako.
36:46.5
Hirap na hirap kong sambit noon.
36:49.5
Kitang kita ng mga mata ko ang marahang pagkakasakal.
36:52.5
At nagbukas ng bunganga ni Lolo Ador.
36:56.5
Pilit na pinapanganga niya ako noon.
36:59.5
Halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang mapagmasdan ko siya sa nakakakilabot na wangis.
37:08.5
Naisip kong katapusan ko na ng mga sandaling yon.
37:12.5
Mukhang wala na akong takas.
37:15.5
Dahil ayaw tanggapin ni Nanay ang pagiging aswang niya.
37:18.5
Kung kaya't sa akin na lamang ipapasa ng abuelo ko.
37:24.5
Para tuluyan na siyang makapagpahinga.
37:28.5
Napapikit na lamang ako at napapaluha.
37:32.5
Dahil kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ako matutulungan ng mga magulang ko at mga kamagana ko.
37:40.5
Dahil ni isang salita ay wala nang lumalabas sa bibig ko noon.
37:45.5
Pero napahinto si Lolo Ador sa kanyang ginagawa.
37:50.5
Nang biglang bumukas ang pintuan.
37:53.5
Sumigaw ang aking ina't walang sabi-sabing hinawakan sa balikat ang lolo ko.
38:00.5
Sabay ibinalibag noon.
38:06.5
Ilang beses akong nakiusap sa'yo pero hindi ka nakinig.
38:10.5
Pwes ngayon wala na akong iba pang naisip na paraan kung di gawin to sa'yo.
38:15.5
Patawarin mo na lang ako tay.
38:18.5
Sigaw ng aking ina.
38:21.5
At sunod-sunod na inundayan ng saksak si Lolo Ador noon.
38:25.5
Saka pa lamang nagising ang mga kapatid ko nang magkagulo na sa loob ng kwarto.
38:31.5
Kaagad na tinulungan akong makabango ni Tia Lorna.
38:35.5
At umiiyak na nagtanong kung ayos lamang ba ako noon.
38:39.5
May nalunok ba umano ako o napatakan ni Lolo Amador ng laway ang bibig ko.
38:45.5
Luha ang umiling-iling ako bilang tugon sa tanong ng tiyahin ko.
38:50.5
Dahil ng mga sandaling yon ay wala na akong lakas ng loob na magsalita pa.
38:55.5
Niyakap na lamang ako ng tiyahin ko para patahanin at pagaanin ang loob ko.
39:02.5
Kahit nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha, ay nakita kong pinipigilan na ng mga tiyuhin ko ang aking inang
39:10.5
itigil na ang ginagawa nitong sunod-sunod na pagtarak ng hawak nitong patalim.
39:18.5
Nung tinigil na nga ni Nanay ang ginagawa niya, mabilis nang tumakbo at tumalun palabas ng bintana si Lolo.
39:27.5
Kahit naduguan na ito, nakita kong mabilis pa sa kidlat na nakatalon siya palabas ng bahay noon.
39:35.5
Nakatakas si Tatay! sigaw ng isa sa mga tiyuhin ko.
39:41.5
Agarang lumabas ng bahay ang mga tiyuhin ko.
39:43.5
Samantalang ang mga tiyahin ko naman at ang aking inang nanginginig sa takot
39:49.5
ay binilinan ng mga tiyuhin ko at ni Nanay na huwag lumabas ng bahay.
39:54.5
Umiiyak na ni Yakap ni Lola Minda ang aking ina at sinabihan itong tumahan na dahil wala siyang kasalanan.
40:03.5
Walang dapat sisihin sa mga nangyari kundi si Lolo Amador.
40:08.5
Ilang beses silang nakiusap rito na huwag kaming pagbalakan ng masama pero
40:13.5
hindi nakinig ang abuelo ko noon.
40:16.5
Maya-maya pa ay narinig ko ang malakas na kalabugan papunta sa likuran ng bahay.
40:23.5
Nagsisigawan na ang mga kalalakihan at nagwikang hanapin si Lolo Amador.
40:29.5
Huwag hayaang makalayo dahil baka may makakitang ibang tao rito.
40:37.5
Ilang minuto rin ang namutawing katahimikan.
40:40.5
Tanging mga kaluskusan ng dahon ang naririnig namin at huninang mga kuliglig na panggabi.
40:48.5
Ano nang nangyari sa kanila? Nasaan na sila? Tanong ng tiyahin ko at sumilip sa bintana.
40:56.5
Inutusan naman siya ni Lola Minda na isara ang bintana noon dahil baka mamaya ay biglang sumulpot si Lolo Amador.
41:05.5
Hindi na yung babalik para pagbalakan ng masama si ate at si Gemma Nay.
41:10.5
Dahil sigurado akong hindi naaabutan pa ng kinabukasan si tatay.
41:15.5
Nakita ko yung mga saksak niyang natamo sa katawan kaya napaka imposibleng mabubuhay pa yun.
41:21.5
Mahinang wika ng isang tiyahin ko bago isinara ang bintana.
41:27.5
Tumahimik lamang ang abuela ko habang inaalaw ang aking ina.
41:32.5
Makaraan lamang ang ilang minuto ay bubalik na sa loob ng bahay ang mga tiyuhin ko at ang aking ama noon.
41:38.5
Sinabi nilang hindi na nila naabutan pa si Lolo.
41:43.5
Marahil nakapagpalit na kaagad yun ng anyo.
41:47.5
Pagkapasok sa may talahiban.
41:50.5
Kaya mabilis nang nakatakas at hindi na nila nasundan pa.
41:56.5
Hintay na lang muna natin ang pagsikat ng araw bago natin halagugin ang kakaoyan.
42:01.5
Alam kong doon tumakbo si tatay para magtago.
42:05.5
Wika ng isa ko pang tiyuhin.
42:07.5
May hawak ng buntot pagi.
42:12.5
Susunduin ko lang si Aling Tasing.
42:16.5
Sa pagdaan ng ilang sandali ay bumalik na ang tiyuhin ko kasama ang isang matandang babaeng may mga borloloy sa katawan.
42:25.5
Unang tingin ko pa lamang sa kanya ay alam ko na isa siyang manggagamot.
42:30.5
Base na rin sa kasuotan at mga nakasabit na borloloy sa leeg niya.
42:37.5
Kagad na pinasuri ako ng abuela ko para malaman kung naisalin ba raw sa akin ang pagiging aswang ng abuelo ko.
42:46.5
Matapos akong tingnan, nagsabi ang matandang manggagamot na hindi ako nasalina nun.
42:55.5
Mabuti na lamang talaga at nalimpungatan ako't parang narinig kong may sumisigaw sa loob ng kwarto.
43:02.5
Kaya ginising ko ng asawa ko at sinabihang tingnan ng mga bata.
43:05.5
Dahil kung hindi, baka kung ano na'y nangyari sa anak ko, wika ng aking ama nun.
43:13.5
Napakunot noon naman si Tiyo Alfred at nagtanong kung papanong nakawala si Lolo mula sa pagkakagapos nito.
43:22.5
Gayong tinignan niya yung maigi bago iniwang mag-isa sa may silid niya.
43:28.5
Sinabi naman ang manggagamot na siguro dahil sa kagustuhan ng abuelo kong makalaya sa pagiging aswang niya.
43:35.5
Nakagawa siya ng paraan para makawala sa pagkakatali nun at makatakas sa silid nito.
43:43.5
Aniya, lahat ng aswang ay may kanya-kanyang pamamaraan, kaya hindi na dapat yun ikinapagtaka.
43:52.5
Sa magdamag ng iyo na hindi kami nakatulog, hinintay namin ang pagbabalik ni Lolo Ador.
43:59.5
Pero sumapit na lamang ang umaga, hindi pa rin siya bumabalik.
44:05.5
Kaya naman napagpasya na nila tatay na halughugin ang kakahuyan.
44:10.5
Dahil kagabi bago nawala sa kanilang paningin si Lolo, ay natanaw nilang tumakbo yun papasok sa kakahuyan.
44:18.5
Bit-bit ang matatalas na itak, ay nagmadali ng sinuong nila ang kakahuyan.
44:25.5
Hindi nagtagal ay bumalik na rin sila kasama ang wala ng buhay na katawan ni Lolo Ador.
44:31.5
Nalungkot ang lahat at nagluksasa nangyari nun.
44:35.5
Pero ni isa sa kanila ay walang umiiyak.
44:39.5
Narinig ko pang nagsabi si Lola Minda, na sa wakas, matatahimik na rin siya.
44:47.5
Hindi na siya makakarinig ng mga nakakaawang pagdangoy-ngoy at pag-atungal sa kalagitnaan ng gabi.
44:54.5
Nakakapanindig at nakakarimarim pakinggan sa tuwing naaalala niya ang mga gabing nakikita niyang naghihirap si Lolo Ador.
45:05.5
Hindi na rin pinatagal pa ang lamay ni Lolo.
45:08.5
Agara ng inilibing ito pagkatapos nun ay bumalik na kami sa baryo namin.
45:14.5
Samantalang si Lola Minda naman ay tuluyan nang iniwan ang lumang bahay nila at sumama kay Tia Lorna.
45:22.5
Mag-isa na lamang kasi siyang maninirahan doon at piniguradong malulungkot lamang siya dahil wala na si Lolo Ador.
45:31.5
Anya pa ng abuela ko.
45:33.5
Kahit na isang aswang si Lolo Ador, naging mabuting asawa naman ito.
45:39.5
Naging mabuting ama rin sa mga anak niya.
45:42.5
Yung nga lang, dumating sa panahong nasa tamang edad na ang aking ina, ay hindi na napigilan ni Lolo Ador ang pagiging awok niya.
45:53.5
May mga gabing hindi nito namamalayang, unti-unti na pala nitong pinagbalakang biktimahing hawaan ng aking ina.
46:01.5
Namamalayan na lamang ni Lolo Ador na sinasakal niya ang aking ina noon at pilit na sinasalina ng pagiging aswang.
46:11.5
At dahil doon, ay magkahalong galit at takot ang nararamdaman ni nanay sa kanyang ama.
46:19.5
Kung kaya't naglayas ito at ilang taon din nang lumipas, bago siya nagpakita rito.
46:31.5
Pagkakataon ni Lolo Ador sa mga anak niya.