Close
 


#29 - Bakit gusto ng mga turista ang Cebu? / Why do tourists love Cebu?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Bakit sikat ang Cebu? Bakit madaming pumupunta sa Cebu? Ano ang mga magandang lugar sa islang ito? [FREE] Ito ang libreng transcript para sa'yo: ⁠https://drive.google.com/file/d/1RjmMD9I8kqjkGJ9n0PQbmJpda52rI4gE/view?usp=drive_link⁠ May comment ka? O gusto mo sumuporta sa proyekto na 'to? Gusto mo sumali sa Telegram Immersion Group? Patreon: ⁠⁠⁠https://www.patreon.com/ComprehensibleTagalogPodcast⁠⁠⁠ Gusto mo magbook ng lesson? Email me: ⁠⁠⁠learnrealtagalog@gmail.com⁠⁠⁠ Maraming salamat! About this project: I created Comprehensible Tagalog Podcast to create interesting content with transcripts for intermediate Tagalog learners. I teach Tagalog online and I'm always inspired by my students. They come from different parts of the world but they share the same passion and curiosity for Tagalog. Unfortunately, there aren't enough content for learners especially at the intermediate level. This stage is vital and I believe that the easy and painless route of learning a language
Comprehensible Tagalog Podcast
  Mute  
Run time: 06:36
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast at ngayong araw, pag-uusapan natin ang Cebu, ang isla at lugar na Cebu.
00:17.2
Bakit nga ba minibisita ng mga turista at bakit gusto ng mga turista ang Cebu?
00:27.1
So, totoo talaga na yung Cebu ay isa sa mga pinakasikat na destinasyon sa Pilipinas at sa Asia.
00:43.1
Yung tawag namin sa Cebu ay Queen City dahil madaming pwedeng gawin sa Cebu at para sa iba't ibang klase.
00:57.1
At kung gusto mo bumisita sa Cebu, madali lang dahil may paliparan.
01:09.9
So, madaming aeroplano at malaki ang paliparan.
01:15.3
At kung galing ka sa norte ng Maynila, pwedeng lumipad mula sa Maynila o mula sa Clark.
01:23.3
So, madaming posibilidad.
01:27.1
So, ang unang dahilan ay dahil may mga makulay na pista o festival sa Cebu.
01:39.6
So, ang pinakasikat, syempre, ay ang Sinulog Festival.
01:45.2
Dahil dito, yung mga tao nasa kalye at buhay na buhay yung kalye at masaya, makulay.
01:57.1
Syempre, madaming tao, turista, ang gustong mapanood ito dahil masaya at madaming mga sayaw.
02:08.6
At bukod sa Sinulog Festival, mayroon ding ibang pista o festival tulad ng Siloy Festival, tulad ng Palawod Festival at Mantawi Festival.
02:24.8
So, madaming pista.
02:27.1
Sa Cebu.
02:29.9
At ang isa pang gusto ng mga turista sa Cebu ay ang kultura at ang heritage na aspeto sa Cebu.
02:44.2
Dahil ang Cebu ay kombinasyon ng luma at bagong arkitektura.
02:52.0
So, madami kang makikita na tradisyon.
02:57.1
At modernong gusale o building.
03:03.5
So, ang Metro Cebu ay isang metropolitan area, parang Metro Manila.
03:14.0
At madaming malaking mga gusale.
03:19.5
At syempre, madaming mga mall.
03:23.2
Madaming magandang mga amenities.
03:27.1
Para sa mga turista.
03:31.4
At syempre, isa pa sa mga gusto ng turista ay ang isang cafe na mayroong 10,000 mga rosas o 10,000 roses.
03:50.3
Dahil napakaganda.
03:54.0
Makakita ng 10,000.
03:57.1
Kung gusto niyo makita, pwede kayong mag-google 10,000 roses Cebu.
04:07.0
So, sulit puntahan ito.
04:11.1
At meron rin magandang templo na Taoist.
04:16.2
O Taoist temple sa Cebu na ginawa ng Chinese community noong 1972.
04:27.1
At syempre, meron din yung Temple of Leia.
04:34.4
So, Temple of Leia tulad ng kwento ng Taj Mahal.
04:40.1
So, simbolo ng pagmamahal ng lalaki sa asawa niya.
04:50.9
Yun ang kwento ng Temple of Leia.
04:54.1
Meron ang Roman architecture.
04:57.1
At siyempre, bukod sa mga templo, meron maraming mga dagat sa Cebu.
05:10.1
At halimbawa, sa Bantayan Island, sa isla ng Bantayan, madaming lugar para mag-dive, mag-snorkel.
05:26.4
At...
05:27.1
Mag-enjoy sa kagandahan ng isla.
05:32.0
At malapit lang sa syudad mismo ng Cebu.
05:38.1
Kailangan lang sumakay ng isang ferry.
05:43.0
At yun, madami talagang magandang mga dagat at mga lugar para mag-dive, lumangoy,
05:55.0
gawin yung mga water activities.
05:57.1
At siyempre, sikat yung Oslo dahil pwede mo makita yung mga whale shark.
06:06.8
So, kakaiba talaga sa Cebu dahil may moderno at magandang syudad.
06:14.5
At merong mga dagat at magandang kalikasan.
06:21.3
Yun lang, sana makabisita kayo sa Cebu.
06:24.4
Pwede kayo mag-email ng...
06:27.1
At pwede kayo sumuporta sa Patreon.
06:32.4
Maraming salamat at ingat.
06:34.8
Paalam.