Close
 


ETO PALA ANG PLANO NI KUZAN?! | One Piece Tagalog Analysis
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Chapter 1104 Episode 1090
EneruReview PH
  Mute  
Run time: 08:23
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa taong 2023 nga, e sobrang daming matchups ang ginawa ni Oda. Maraming ang laban na talagang hindi natin inaasahan na mangyayari.
00:09.8
Gaya na lang ng Trafalgar Love vs Blackbeard, Shanks vs Eustace Kidd, at syempre itong Luffy vs Kizaru.
00:18.5
Pero ang isa nga sa pinakanagulat tayong lahat na matchup e itong Garp vs Kuzan. Itong laban nga na to yung mapapasabi tayo na bakit sila naglaban.
00:29.1
Bale itong si Kuzan nga yung topic natin ngayong araw na to. Aalamin nga natin kung talaga bang sumapi na sa kasamaan itong si Kuzan o hindi.
00:38.6
Ano ba ang totoong plano niya at bakit siya sumali sa Blackbeard Pirates?
00:43.5
So para umpisaan nga itong topic na to, e balikan natin itong chapter 397.
00:49.6
During nga sa chapter na to, e naganap ang Uhara incident. Nalaman nga natin sa chapter na to kung sino nga ba talaga si Kuzan.
00:57.6
Mas nakilala nga natin ang mas malalim yung karakter niya dito bukod sa pagkakakilala natin sa kanya sa nangyaring Long Ring Long Land Arc.
01:06.2
Dahil kung sa Long Ring Long Land Arc nga e nakita nating tatamad-tamad itong si Kuzan na parang ine-embody niya itong justice na meron siya which is yung lazy justice,
01:16.5
e itong nakilala naman natin Kuzan sa Uhara incident e ibang iba. Punong-puno nga siya ng energy na para bang nandito pa yung excitement sa kanya sa pagiging marinsnya.
01:27.6
Ngayon e ang magiging tanong nga dito e bakit? Bakit magkaiba itong Kuzan na nakita natin sa Long Ring Long Land Arc at itong Kuzan sa Uhara incident?
01:37.9
Bale ang sagot nga dito e dahil kay Jaguar D. Saul. Alam naman natin lahat na may history itong dalawa na to bilang dating magkaibigan.
01:46.7
Nasa side nga sila ni Garp kaya sila magtropa. Ngayon e sa nangyaring Uhara incident nga e parang nabigla itong si Kuzan nang makita niya itong kaibigan niya na si Saul.
01:57.6
Saul na pinagtatanggol itong mga scholars ng Uhara. Dito nga siya na curious kung bakit pumanig si Saul sa mga taga-uhara.
02:06.3
Gayong mahigpit nga na ipinagbabawal ang pag-aaral patungkol sa mga pony glyphs. Meaning e dapat na alam na ni Saul na mali ang mga taga-uhara.
02:15.8
Diba? Kaya naman mapapatanong nga si Kuzan sa oras na to kung ano kayang rason ni Saul sa pagtulong sa kanila.
02:23.9
At dahil nga sa hindi pa rin mapagtanto ni Kuzan yung sagot sa tanong nga,
02:27.6
e gumawa nga siya ng eksperimento. At ito nga e yung panatilihing buhay at patakasin itong bata na si Nico Robin.
02:37.1
Sa anong rason? Bali ito nga yung sasagot sa tanong niya kung tama ba yung ginawa niya na sumunod sa world government na patayin itong mga taga-uhara.
02:47.0
O mali itong pagsunod niya at sana e nakinig na lang siya kay Saul.
02:51.3
Kumbaga kapag lumaki si Robin na masama at ginamit niya itong kakayanan niyang bumasa ng mga pony glyphs,
02:57.6
sa maling paraan, e ibig sabihin nun e tama yung naging desisyon niya, na sundin itong utos ng world government na patayin itong mga taga-uhara.
03:08.3
Pero kung sakali naman at lumaki itong si Robin na mabuti at ginamit niya itong kakayanan niya sa mabuting paraan,
03:16.1
e ibig sabihin nga neto na mali yung naging desisyon niya, na patayin itong mga taga-uhara.
03:22.0
At dahil nga sa inadmit ni Kuzan na tama yung naging desisyon niyang patakasin si Robin,
03:27.7
at it turns out na talagang naging mabuting tao itong si Robin, e dito na nga nabago yung perception niya sa hustisya,
03:35.4
na hindi naman lahat ng inuutos ng world government e tama.
03:39.5
Kumbaga nagpakulong kasi si Kuzan sa idea na lahat ng iniimplement ng world government e para sa kabutihan.
03:46.9
Kaya siya na isang marines e dapat na respituhin itong utos na to. Pero paano kung malina itong inuutos nila?
03:55.1
Susunod ka pa ba bilang isang marines?
03:57.6
So ito nga yung narealize ni Kuzan, o nagmulat sa kanya sa nangyaring uhara incident,
04:03.5
na wala silang kalayaan bilang marines para itama kung ano yung sa tingin nilang malina.
04:09.4
Bale ngayong alam na nga natin itong naging perception ni Kuzan sa katayuan niya sa marines,
04:14.5
e mapunta naman tayo sa tanong kung bakit siya sumali sa Blackbeard Pirates.
04:19.7
Diba may idea si Kuzan kung sino si Blackbeard? Alam nga niya na ito yung punot dulo kaya nagkaroon ng Marineford War.
04:27.6
Since dinala nga niya si Ace sa Marineford kapalit ng pagiging isa neto sa Seven Warlords.
04:33.5
Nakita rin niya kung paano neto pinatay yung dating niyang captain na si Whitebeard.
04:38.2
In short, e alam ni Kuzan na masama itong si Blackbeard. Kaya bakit naman nagdesisyon pa rin siya na sumali sa Pirate Crew neto?
04:46.6
So ang simpleng sagot nga dito e dahil sa freedom. Dahil in chapter 1081 nga e inexplain ni Kuzan na porket nakainom lang daw siya ni Blackbeard ng isang beses,
04:57.6
e hindi ibig sabihin nun na makukuha niya na ang loob neto at sasali na siya kaagad sa Blackbeard Pirates.
05:05.0
Pero ang explanation naman ni Blackbeard e iba. Hindi nga daw lahat ng pirata e pare-pareho.
05:11.1
Oo magkakagrupo daw sila, pero hindi daw ibig sabihin nun e iisa lang ang goal nila. May kanya-kanya pa nga rin daw silang gustong gawin.
05:19.8
At itong rason nga na to ang nakapagpabaliktad kay Kuzan na sumali sa Blackbeard Pirates.
05:26.0
Ang kalayaan na masunod.
05:27.6
E kung ano ang gusto niya na hindi niya naranasan sa Marines.
05:31.4
Since sa Marines nga e kung ano ang iutos sayo, e dapat na yun lang ang susundin mo.
05:37.3
Unlike sa pinopropose ni Blackbeard na kung hindi mo gusto yung gagawin nila, e malaya kang pumili kung gagawin mo ba o hindi.
05:45.2
Kung baga hindi sinasabi ni Blackbeard na sumali si Kuzan sa kanila at tulungan sila neto.
05:50.9
Bagkos e ang pinopoint ni Blackbeard e kung anuman ang gusto ni Kuzan na ma-accomplish,
05:56.3
e malaya siyang gamitin.
05:57.6
Kaya rin niya ito tinanong.
06:01.5
Ngayon e ito nga yung sunod nating talakayin.
06:04.3
Ano ba ang gustong gawin ni Kuzan?
06:06.7
Ano ang gusto niyang ma-accomplish?
06:08.8
Sa tingin ko nga e magkokonek ito sa nangyaring Uhara incident, yung nabanggit natin kanina.
06:14.9
Dahil nga sa narealize ni Kuzan na mali siya sa hindi pakikinig kay Saul,
06:19.4
at masinunod niya ang utos ng World Government,
06:22.4
which turns out na mali pala dahil sa mabuti pala itong si Robin,
06:26.2
e pwede ngang related sa Uhara incident ang gustong ma-accomplish ni Kuzan.
06:31.2
May foreshadowing na rin naman neto in chapter 1,081.
06:35.4
Nung time nakausap niya itong buong Blackbeard Pirates,
06:38.4
e bigla nga niyang inopen up itong patungkol sa nangyaring Uhara incident,
06:42.9
kahit ang topic nga nila nung time na to e patungkol sa mga Pony Glyphs.
06:47.5
Kitang-kita nga natin kay Kuzan sa oras na to,
06:50.4
na meron pa rin siyang guilt o nagigilty pa rin siya sa kinahinat na ng mga scholars dito.
06:56.4
Kaya nga kung sasagutin natin yung tinanong ni Blackbeard kay Kuzan,
07:00.5
kung ano daw ba ang gusto netong ma-accomplish,
07:03.3
e ang tingin kong ang sagot dito e yung protektahan ang Will of Uhara.
07:08.2
Paano niya gagawin ito?
07:09.7
Sa pamamagitan ng pagprotekta sa mga key characters na nagmula sa Uhara incident.
07:15.9
Syempre this includes Nico Robin at Jaguar de Saul,
07:19.3
na recently e nalaman nating buhay pa.
07:22.4
Ang idea nga dito e dahil sa alam ni Kuzan na ang pinakamapapalit,
07:26.2
panganib na makakaharap ng grupo ni Robin o ng Straw Hat Pirates e itong si Blackbeard,
07:31.8
since madumi nga itong gumalaw, e gumawa nga siya ng paraan para mapalapit sa grupo na to.
07:38.1
Nang sa ganon e mabantayan niya ito kung sakali man at may hindi ito magandang gawin kay Robin.
07:44.1
Kaya naman kapag dumating na nga ang time at makaharap na ng Blackbeard Pirates,
07:48.5
itong Straw Hat Pirates, e dito nga natin mapapatunayan kung tama ba itong speculation natin.
07:55.0
Babaliktad na ba?
07:56.0
E dito nga natin mapapatunayan kung tama ba itong speculation natin.
07:56.2
E dito nga natin mapapatunayan kung tama ba itong speculation natin.
07:56.2
Kuzan sa oras na to? O still e kakampi pa rin siya kay Blackbeard at paninindigan niya itong grupo na to?
08:03.2
Anyway, ayan na nga yung maikling topic natin patungkol sa karakter ni Kuzan.
08:08.0
Kung may idea nga rin kayo sa kung ano ba ang goal netong si Kuzan,
08:12.1
kung bakit ba siya sumali sa Blackbeard Pirates,
08:15.1
e malaya nga kayong i-comment yan sa ating comment section sa iba ba.
08:19.1
So yun lang, peace!