Close
 


61 LOVES 32 | CARMEN | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 45:26
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dito sa Papagdudud Stories, ikaw ay hindi nag-iisa
00:07.7
Dito sa Papagdudud Stories, may nagmamahal sa'yo
00:21.4
Papagdudud Stories
00:30.0
Papagdudud Stories
00:34.9
Papagdudud Stories
01:00.0
Pinabati ko lahat ng mga listeners natin sa PNO sa Ginyangan, Quezon
01:06.1
Maraming maraming salamat sa inyong walang sawang pagtutok sa akin almost everyday daw
01:12.6
Again sa ating episode, naniniwala ka ba na wala sa edad ang pag-ibig?
01:19.1
Yung kahit gaano kalaki ang agwat ng edad mo sa isang tao ay mamahalin mo pa rin siya
01:25.1
Marami na tayong naririnig at napapanood na kwento ng dalawang tabi
01:30.0
Taong nag-iibigan
01:31.1
Na may malawak na age difference
01:33.9
Ngunit, marami pa rin ang kinikilig at nai-inspired sa mga ganitong klase ng kwento
01:39.9
Ngunit meron din namang napapataas ang kilay
01:44.1
At may nasasabing negatibo sa ganitong uri ng relasyon
01:49.2
Dear Papagdudud
01:54.0
Isa talaga sa wish ko noong last birthday ko ay matapos na ang sulat ko para sa iyong
01:59.9
programa para maipadala ko na ito
02:02.4
Sa wakas ay natapos ko na
02:04.5
At sana'y isa ito sa mga mapili mo
02:07.2
Itago nyo na lamang po ako sa pangalan na Carmen
02:11.6
61 years old na ako sa ngayon at meron akong boyfriend na 32 years old na
02:17.9
At ang pangalan ay Lucas
02:20.7
Alam ko na marami ang magsasabi na masyado kung matanda para kay Lucas
02:25.5
Pero mahal namin ang isa't isa
02:28.6
At kahit
02:29.9
Kahit pa pwede ko na siyang maging anak
02:32.5
Sa 29 years na agwat ng aming edad
02:35.8
Ay wala kaming pakialam
02:37.9
Basta alam namin
02:39.8
Na nagmamahalan kami at wala na kaming ibang gustong makasama habang buhay kundi ang isa't isa
02:46.2
Dati ay meron akong asawa na ilang taong ko rin nakasama
02:51.5
Nabuntis niya ako noong 19 years old ako at dahil doon
02:56.0
Ay ipinakasal kaming dalawa
02:58.8
Hindi madali ang bumalik
02:59.9
Ang buhay namin noon dahil parehas kaming galing sa mahirap na pamilya
03:04.6
Nagkaroon kami ng tatlong anak
03:06.8
Simpleng may bahay lamang ako
03:08.5
Habang ang asawa ko ay driver ng truck
03:11.2
28 years old ako nang mamatay sa isang aksidente ang asawa ko, Papa Dudut
03:17.3
Gumuhong ang mundo ko noon
03:19.7
Hindi lamang dahil sa kalungkutan kundi dahil na rin sa takot
03:24.6
Na paano ko bubuhayin ang tatlo kong anak
03:28.5
Nang wala kong inaasahan
03:30.8
Doon ako nakaisip na magtrabaho sa ibang bansa bilang isang domestic helper
03:36.6
Ipinaalaga ko muna sa mga magulang ko ang tatlo kong anak
03:41.2
Habang ako ay nagtatrabaho bilang isang OFW
03:44.8
Mahirap ang malayo sa mga anak ko
03:48.1
Pero kailangan ko yung gawin para sa kinabukasan nila
03:52.2
Ayokong magaya sila sa akin na mahirap
03:56.1
Wala kong ibang pangarap kundi ang makapagtagal
03:58.5
Pagtapos silang tatlo ng kolehyo at magkaroon ng magandang buhay kapag malaki na sila
04:04.1
Napakahabang taon ang ginugol sa pagtatrabaho sa ibang bansa, Papa Dudut
04:08.9
Kapag natatapos ang kontrata ko at umuwi na ako ng Pilipinas
04:14.5
Ay nagahanap ulit ako ng mapagtatrabahuhan sa ibang bansa
04:18.9
Hindi ako tumigil hanggang sa hindi ko nagagawa ang pangarap ko sa aking mga anak
04:23.6
Dahil na rin sa bagay na yon ay sinantabi ko muna ang pag-ibig
04:28.5
Kahit may ilang lalaki na gusto kong ligawan
04:32.1
Nang panahon na yon ay hindi ko sila pinapansin
04:35.7
Ang fokus ko kasi ay nasa mga anak ko
04:39.3
Nagbunga naman ang maganda ang pagsasakripisyo ko
04:43.4
Kasi nagawa kong mapatapos ng kolehyo ang tatlo kong anak
04:47.9
Meron akong dalawang nurse at isang engineer
04:53.2
Nagtatrabaho sa ibang bansa ang panganay at pangalawa kong anak bilang nurse
04:58.5
Habang ang bunso ko na naging isang lalaki ay isang electrical engineer sa Laguna
05:04.4
Sobrang saya ko nang sabihin ang mga anak ko na tumigil na ako sa pagtatrabaho sa ibang bansa
05:10.9
Kasi tumatanda na ako
05:12.5
Oras na raw para gumanti sila sa akin
05:15.4
Nagtulong-tulong ang mga anak ko para may pagawa ako ng sarili kong bahay
05:21.3
Kaya lang ay hindi kasi ako sanay na hindi ako kumikita ng pera
05:25.9
Kaya sinabi ko sa mga anak ko
05:28.5
Pwedeng maglambing ako sa kanila ng isang negosyo na ako ang hahawak
05:33.8
Tinanong nila ako kung ano bang business ang gusto ko
05:37.8
At ang unang pumasok sa uta ko ay paupahan o yung apartment
05:43.1
Sa lugar kasi kung saan naroon ang bahay ko ay maraming estudyante at mga nagtatrabaho sa pabrika
05:51.5
Magandang magkaroon ng paupahan sa ganong lugar
05:54.1
Tuwang tuwa ako ng sinuportahan ng mga anak ko
05:58.0
Ang request ko na yun, Papa Dudut
05:59.7
Binili nila yung isang bakanting lote sa street kung saan ay nakatayo ang bahay ko
06:05.8
At sinimula na kaagad ang pagpapatayo noon ng apartment
06:10.4
Bali, anim na pinto na apartment ang naipatayo ng mga anak ko
06:15.6
Para sa akin, yun ang naging source ko ng income
06:19.3
Kahit buwan-buwan ay binibigyan din ako ng mga anak ko ng pera
06:25.3
Minsan ay naluluha ako kapag binabalikan ko
06:28.0
Ang mga pinagdaanan ko
06:29.6
Lalo na yung mga panahon na namatay ang aking asawa
06:33.1
At hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang mga anak ko
06:37.2
Nakakatuwa na lahat ng sakripisyo ko ay bumalik sa akin
06:41.2
At nagkaroon ako ng mga anak na marunong tumanaw ng utang na loob
06:45.8
Kahit na hindi ko naman sila inuobliga na gawin yun sa akin
06:49.6
Kasi ang gusto ko lang ay magkaroon sila ng maayos na buhay
06:54.0
Naging maganda naman ang takbo ng apartment ko, Papa Dudut
06:58.0
Sa loob ng dalawang buwan ay nagkaroon na kaagad ng tenant
07:02.0
Ang anim kong unit
07:04.0
Ganon kasi ang gusto kong negosyo
07:06.4
Yung hindi ako masyadong stress
07:09.0
May isang Pasko na umuwi ang dalawa kong anak
07:12.5
Kaya nakompleto kami
07:13.7
Yung bunso ko kasing anak kahit nandito sa Pilipinas
07:17.7
Ay nakabukod siya sa akin
07:20.3
May sarili rin siyang bahay na hinuhulugan
07:23.7
Aniya ay lalaki kasi siya
07:26.0
Kaya dapat ay meron
07:28.0
Meron na siyang sariling bahay kahit na medyo bata pa siya
07:31.8
Habang kumakain kami ng noche buena ay hindi ko napigilan ang maluha
07:37.6
Kasi noon lang ulit nakompleto ang mga anak ko
07:41.1
Kasama rin pala ng panganay kong si Maria ang asawa at isa niyang anak
07:46.4
Napansin ang mga anak ko na naluluha ako kaya biniro ako ng bunso kong si Danilo
07:52.5
Na kaya ako naluluha ay dahil naiingit ako kay Marie at sa asawa nito
07:58.0
Simula raw kasi nang mamatay ang tatay nila ay hindi na ako nagkaroon ng boyfriend kahit na isa
08:04.7
Tumigil ka nga Danilo
08:06.9
Hindi ako naiiyak dahil walang lalaki sa buhay ko
08:10.5
Naiiyak ako kasi kumpleto kayong magkakapatid
08:14.0
Turan ko
08:15.3
Buti talaga at na-approve ang leave namin ni ate
08:18.6
Kung hindi baka wala kaming dalawa dito
08:21.2
Sabi ng pangalawa kong anak na si Andrea
08:23.9
Mabalik tayo kay mama
08:27.0
Kaya ba?
08:27.7
Okay lang sa inyo na magkaroon ulit siya ng asawa?
08:30.4
Ang natatawang tanong pa ni Danilo
08:32.1
Tama na Danilo
08:34.1
Wala na sa plano ko ang mag-asawa pa
08:36.7
Ang gusto ko na lang ay bigyan ninyo ako ng maraming apo
08:40.1
Tapos dalhin ninyo dito sa bahay
08:42.0
Dito na ninyo itambak
08:43.7
Turan ko
08:44.9
Sa akin okay lang na magkaroon ulit ng love life si mama
08:48.8
Basta mahal si mama at hindi siya lolokohin
08:51.8
Sagot pa ni Marie
08:53.4
I second the motion
08:56.1
Pero kung magkakadyowa
08:57.6
ulit si mama
08:58.3
Huwag naman yung parang anak na niya
09:00.4
Ayaw ko ng ganun
09:02.0
Ang sabi ni Andrea
09:03.7
Diyos ko Andrea
09:05.6
Yan ang hindi mangyayari
09:07.5
Hinding hindi ako magkakagusto
09:09.8
Sa mas bata sa akin na parang anak ko na
09:12.1
Saka kahit nang sinabi ko
09:14.3
Wala na akong planong
09:15.5
Magpapasok ng lalaki sa buhay ko
09:18.1
Okay na ako sa inyo at sa opo ko
09:20.4
Na sana ay dagdagan nyo pa
09:22.2
Nakangiti kong wika
09:24.0
Nang sabihin ko yun
09:26.3
Nang panahon na yun
09:27.3
Ay totoo yun
09:28.5
Papadudut
09:29.3
Wala na talaga akong balak na umibig pa
09:32.9
Dahil sa edad ko
09:34.0
Ang gusto ko nalang gawin
09:36.4
Sa buhay ko ay ang magnegosyo
09:38.4
At mag-alaga ng aking mga apo
09:41.1
Alam ko rin naman
09:42.9
Na dahil matanda na ako
09:44.3
Ay imposible na akong makahanap
09:46.3
Ng bagong pag-ibig
09:47.8
Isa pa kahit okay sa mga anak ko
09:51.0
Ang magkaroon ulit ng lalaki
09:52.9
Sa buhay ko
09:53.7
Iniisip ko rin ang sasabihin ng ibang tao
09:57.3
Baka pagtawanan nila ako
09:59.3
O kung ano pang salita
10:01.0
Ang marinig at matanggap ko
10:02.9
Mabilis pa naman akong magdamdam
10:05.6
Kapag ganun
10:06.4
Pero wala akong kalam-alam
10:08.9
Na meron plano si Lord
10:11.2
Na makatagpo ako
10:13.0
Ng lalaking iibigin ko
10:14.9
Sa edad ko na yun
10:16.4
Papadudut
10:17.8
Bago ang pandemic ay medyo naging mahina
10:21.3
Ang apartment ko
10:22.3
Tatlo sa anim na unit ko
10:25.1
Ang nabakante
10:27.3
May mga tumitingin naman
10:28.6
Pero hindi rin tumutuloy
10:30.2
Naintindihan ko naman yun
10:32.0
Hindi rin ako masyadong naistress
10:34.4
Kasi alam ko na kahit na walang apartment
10:36.5
Ay mabubuhay pa rin ako
10:38.6
Dahil sa mga anak ko
10:39.7
Tiwala ko na hindi nila ako pababayaan
10:42.8
Kung baga eh
10:43.5
Yung apartment ay ibinigay nila sa akin
10:45.6
Para kahit papaano ay meron akong pagkakaabalahan
10:48.5
Hanggang isang araw
10:51.0
May tumingin na magkasintahan
10:53.4
Sa apartment ko
10:54.3
Ipinakita ko sa kanila
10:56.5
Yung dalawang baka
10:57.3
At yung sa itaas
11:00.2
Papadudut
11:01.0
Medyo bata pa sila
11:03.3
Nalaman ko na magkasintahan sila
11:06.3
Kasi ang tawagan nila ay babe
11:07.8
Kinuha na nila yung unit sa second floor
11:10.5
At natuwa naman ako kasi
11:11.8
Matagal-tagal na rin yung bakante
11:14.1
Papadudut
11:15.7
Ang lalaki na yun ay si Lucas
11:17.9
At ang girlfriend niya ng time na yun
11:20.1
Ay si Rose Ann
11:21.2
Pabait naman sila
11:23.7
Maayos din magbayad sa renta
11:25.6
On time palagi at hindi nilalaki na yun
11:27.3
Hindi sila perwisyo sa ibang tenant
11:29.1
Sa pagkakaalam ko ay nagtatrabaho
11:31.9
Sa isang coffee shop
11:33.0
Si Rose Ann habang si Lucas
11:34.6
Ay isang manager sa isang fast food restaurant
11:37.6
Ang tawag nilang dalawa sakin
11:39.7
Ay nanay kagaya ng tawag sakin
11:41.7
Ng ibang tenant
11:43.5
Isang araw ay nakita ko
11:46.1
Na umalis si Rose Ann
11:47.2
Na may dalang malaking maleta
11:48.6
Hindi ko yun binigyan
11:50.8
Ng ibang kahulugan kasi
11:52.5
Baka uuwi siya sa probinsya nila
11:55.4
Lumipas nga ang mahigit isang buwan
11:57.3
Pero hindi ko na nakita pang bumalik si Rose Ann
12:00.5
Palaging si Lucas na lamang ang nakikita ko
12:03.5
Nang time na yun ay doon na muna ako
12:06.2
Nakatira sa isang vacanting unit sa ibaba
12:08.4
May kasambahay naman ako
12:09.9
Na nagbabantay sa bahay ko
12:11.5
At hindi rin gaano kalayo
12:13.7
Ang bahay ko mula sa apartment
12:15.2
Kaya kahit na anong oras
12:17.0
Ay pwede akong umuwi roon
12:18.6
Kapag nandun kasi ako sa apartment
12:21.1
Ay meron akong ibang
12:22.2
Nakakakwentuhan ng mga tao
12:24.3
Yung mga tenant ko
12:26.5
Papadudutong ako
12:27.3
Isang gabi ay kumatok si Lucas
12:29.9
Sa pinto ko para magbayad ng renta
12:32.3
Ang tagal na yatang wala si Rose Ann
12:35.2
Hindi ko na siya nakikita ah
12:37.6
Casual na sabi ko kay Lucas
12:39.8
Hindi mo na yung makikita nanay
12:42.6
Hindi na yung babalik dito
12:44.4
Turan pa ni Lucas
12:46.2
Aba e bakit?
12:48.2
Nag abroad ba?
12:49.8
O baka umuwi na sa kanila?
12:52.7
O sisa ko?
12:54.6
Hindi po, nag break na po kami
12:55.9
May higit isang buwan na ako
12:57.3
May higit isang buwan na rin
12:57.9
Sagot ni Lucas na may lungkot sa boses
13:00.9
Ganun ba?
13:03.9
Hayaan mo na't bata ka pa
13:05.3
Marami ka pang makikilalang babae
13:07.8
Guwapo ka naman eh
13:09.3
Ang sabi ko
13:10.6
Sa trabaho na lang po ang focus ko ngayon
13:14.1
Magpapayaman muna ako
13:16.0
Ang sabi ni Lucas
13:17.8
Sabay tawa
13:18.9
Hindi ko na inusisa pa ang dahilan
13:21.7
Ng paghiwalay
13:22.7
Nina Lucas at Rose Ann
13:24.7
Baka isipin ni Lucas na masyado akong nakikita
13:27.3
Kahit naman sa akin siya nangungupahan
13:30.5
Ay wala pa rin akong karapatan
13:32.3
Na makialam sa personal
13:34.7
Na buhay na mga tenants ko
13:36.5
Unless
13:37.7
Sila ang mismong mag-o-open sa akin
13:40.8
Ang sabi sa akin ni Lucas
13:44.2
Ay kaya naman niyang renta
13:47.0
Kahit na wala na siyang kahati
13:48.7
Sana raw ay huwag ko raw siyang
13:51.2
Papaalisin
13:52.0
Ang sabi ko naman ay okay lang namang
13:54.9
Malate sa pagbabayad ng renta
13:57.0
Basta na siya ay wala na siyang kahati
13:57.3
Basta may maganda siyang rason
13:58.7
Hindi naman ako mahigpit sa ganon
14:01.5
Kasi naranasan ko rin
14:02.9
Nangungupahan noong nasa ibang bansa ako
14:05.0
At alam ko ang pakiramdam
14:07.1
Kapag wala kang pangbayad
14:09.5
Sa inuupahan mo
14:10.4
Hindi ko alam pero simula
14:13.1
Nang maging single si Lucas
14:14.3
Ay mas naging malapit kami sa isa't isa
14:17.1
Dati kasi sa tuwing
14:19.3
Nagkakasalubong o nagkikita kami
14:21.4
Sa apartment ay kumustahan lamang
14:23.5
Kaming dalawa
14:25.3
Pero nang single na siya
14:27.3
Nagkaroon na kami
14:28.5
Nang pagkakataon na magkakwentuhan
14:30.9
Nasabi na rin niya sa akin
14:33.9
Na kaya sila naghiwalay ni Roseanne
14:36.5
Ay dahil gusto na ni Roseanne
14:38.5
Na magpakasal silang dalawa
14:40.9
Pero ayaw pa ni Lucas
14:43.0
Kasi hindi pa siya stable
14:44.4
Wala pa rin daw silang bahay
14:46.8
Kaya mahirap magpakasal
14:48.3
Isa raw yun papadudot
14:50.7
Sa mga hindi na gustuhan ni Roseanne
14:52.8
Kaya mas pinili nitong
14:54.5
Makipaghiwalay sa kanya
14:56.0
Kaya hindi na gustuhan ni Roseanne
14:56.9
Kaya mas pinili nitong makipaghiwalay sa kanya
14:56.9
Kaya mas pinili nitong makipaghiwalay sa kanya
14:57.0
Kahit masakit ay pinakawalan na lang daw ni Lucas si Roseanne
15:01.1
At baka sakali na makakita ito ng lalaking
15:04.4
Kaya itong pakasalan
15:06.0
Umanga ako kay Lucas
15:08.4
Sa mga sinabi niya papadudot
15:10.5
Kasi naniniwala rin ako
15:12.5
Na kung mahal mo talaga ang isang tao
15:15.0
Ay hahayaan mo siyang maging masaya
15:16.8
Kahit na hindi na ikaw ang kasiyahan niya
15:19.7
At hindi ka na niya kasama
15:22.0
Sa pagiging masaya niya
15:24.5
Dumating ang time na siya
15:26.6
Ang time ng pandemic papadudot
15:28.7
Isa sa mga tenant ko ang umalis
15:31.3
Dahil sa sinabi nila na
15:33.7
Hindi nila kayang bayaran ang renta
15:36.7
Nawalang kasi ng trabaho
15:38.9
Yung isa niyang kasama
15:41.0
Naisip ko kagad si Lucas papadudot
15:44.4
Naisip ko na sana'y huwag namang umalis si Lucas dahil sa pandemic
15:49.4
Nasanay na rin kasi ako na araw-araw ko siyang nakikita
15:53.5
Siguro nga ay meron na akong nararamdaman ko
15:56.6
Sa kanya ng time na iyon
15:58.3
Pero hindi ko pa alam papadudot
16:01.1
Isang beses ay nagkasabay kami ni Lucas
16:04.1
Sa pag-grocery sa malapit na supermarket sa apartment
16:07.5
Tinanong ko siya kung kumusta ang trabaho niya
16:10.9
Ano iya?
16:12.4
Nabawasan ang araw ng pasok niya
16:14.6
At kung okay lang daw sa akin ay medyo malilate
16:17.4
Ang pagbabayad niya sa renta
16:19.9
Okay lang naiintindihan ko naman kayo
16:22.7
Ng mga tenant ko
16:24.0
Wala akong papaalisin sa inyo
16:26.1
Maliba-laba sa inyo
16:26.6
Wala na lamang kung kayo mismo ang gustong umalis
16:28.7
Ang sabi ko na may kaunting pagbibiro
16:31.6
Salamat nai ha
16:33.6
Napakabait mo talaga
16:35.1
Buti na lang at ikaw ang landlady ko
16:37.5
Sobrang lawak ng pangunawa mo
16:39.7
Ang sabi pa ni Lucas
16:41.7
Sige bulahin mo pa ako Lucas
16:44.6
Baka ilibre ko na ang tatlong buwan mong renta
16:47.6
Pagbibiru ko
16:48.9
Ganon na kami mag-usap ni Lucas
16:51.7
Sa paglipas ng mga araw
16:53.8
Nakakapagbiroan na kami
16:56.6
Ang akala ko ay anak lamang
16:58.6
Ang tingin ko sa kanya
16:59.6
Naisip ko na baka sa kanya ko
17:02.3
Ay binabaling ang pagka-miss ko
17:04.4
Sa mga anak ko
17:05.2
Hindi na rin kasi nakakapunta
17:07.9
Si Danilo sa bahay dahil sa pandemic
17:10.3
Abang ang dalawang babae kong anak
17:13.1
Ay bumalik na
17:14.1
Sa ibang bansa
17:15.3
Hanggang sa napansin ko
17:18.0
Na hindi ko na nakikitang
17:19.9
Lumalabas si Lucas sa unit niya
17:22.5
Palagi kasi akong
17:24.3
Nagdidilig na mga halaman
17:26.1
Sa labas ng apartment
17:27.2
Tuwing umaga at kapag ganon
17:29.7
Ay palagi ko siyang nasasaktuhan
17:31.8
Napapasok sa trabaho
17:34.2
Pero tatlong araw na yata
17:36.8
Na hindi ko siya nakikita
17:39.0
Nag-decide na akong tawagan siya
17:41.4
Dahil nag-aalala ko
17:43.5
Na baka kung ano na ang nangyari
17:45.5
Sa kanya papadudot
17:46.9
Hello Lucas
17:49.3
Kumusta ka na?
17:52.0
Hindi na kita nakikitang lumalabas
17:53.7
Nang unit mo
17:54.4
Ayos ka lang ba?
17:56.1
Tanong ko kay Lucas
17:57.4
Mahilagnat po kasi ako nanay
18:00.1
Three days na
18:01.0
Masakit din po ang ulo ko
18:03.1
Pero may panlasa at pangamoy naman po ako
18:06.0
Kaya hindi ako sure kung COVID ba ito o ano eh
18:08.9
Tugon pa ni Lucas
18:10.9
Diyos ko kang bata ka
18:13.8
Bakit hindi ka nagsasabi?
18:16.7
Tanong ko na may kasamang pag-aalala
18:19.5
Gagaling din naman po ako
18:21.8
May gamot po akong iniinom
18:23.3
Okay lang ako nanay
18:25.5
Turan pa ni Lucas
18:27.2
Kahit sinabi ni Lucas
18:30.3
Na okay siya
18:31.0
Ay hindi pa rin na wala
18:32.3
Ang pag-aalala ko para sa kanya
18:34.1
Hindi na wala sa isipan ko si Lucas
18:37.1
Kaya naman kinagabihan
18:39.7
Ay kumatok ako sa unit niya
18:41.2
Na may dalang mga gamot
18:42.6
At mainit na sopas
18:45.5
Matagal bago siya nagbukas
18:48.1
Nang buksan ni Lucas
18:50.2
Ang pinto at naka face mask siya
18:52.8
May face mask din naman ako
18:54.8
At may face mask din naman ako
18:55.5
Nakabalot siya ng kumot
18:57.3
At halatang nilalamig
18:58.5
Gusto pa nga akong palisin ni Lucas
19:00.9
Kasi baka raw may COVID siya
19:02.6
At mahawa ko sa kanya
19:04.4
Hindi ko na yun naisip papadudot
19:07.4
Talagang grabe
19:08.9
Ang pag-aalala ko kay Lucas
19:11.1
Pumasok ako sa unit niya
19:13.6
At sinabi ko na kumain siya
19:15.0
Nang dalakong sopas
19:16.1
At uminom siya ng gamot
19:18.2
Hindi muna ako umalis
19:20.0
At nang patapos na siyang kumain
19:22.3
At naghanda na ako ng maligamgam na tubig
19:24.9
At uminom siya ng gamot
19:25.5
Na nilagyan ng alkohol
19:26.7
E kumuha ako ng malinis na bimpo
19:28.6
Sa lagayan niya ng mga damit
19:30.1
Tinanong ako ni Lucas kung ano ang gagawin ko
19:33.2
Ang sabi ko ay pupunasan ko siya
19:35.2
Ng maligamgam na tubig para bumaba ang lagnat niya
19:37.9
Ganon kasi ang ginagawa ko dati
19:40.7
Sa mga anak ko
19:41.5
Sa tuwing mataas ang lagnat nila
19:43.7
Tumanggi si Lucas
19:45.7
Kasi nakakahiya na raw
19:47.1
Pero sabi ko
19:48.1
Ay hindi niya kayang punasan ang buong katawan niya
19:51.4
Kaya kailangan
19:52.3
Ay may ibang tao na gagawa noon
19:55.5
Wala nang nagawa si Lucas
19:58.9
Kundi ang pumayag
20:00.2
Matapos niyang uminom ng gamot
20:02.6
Ay inutusan ko na siyang maghumad
20:05.0
At underwear lang ang itinara niya
20:07.5
Nanay wag po virgin pa ako
20:10.1
Biro pa ni Lucas
20:12.0
Loko-loko ka
20:13.6
Masyado kang malisyoso
20:15.4
Gusto mo bang gumaling o hindi
20:17.4
Ang natatawa kong sabi
20:19.4
Para hindi may lang si Lucas
20:21.8
Ay pinatay ko ang ilaw
20:23.2
At saka ko pinunasan ang buong katawan niya
20:25.5
Hanggang saka singit-singitan niya
20:28.3
Apapadudot
20:29.2
Pagkatapos ay nagpasalamat si Lucas
20:32.6
Naging maginhawar raw
20:34.6
Ang pakiramdam niya
20:35.4
Kasi simula nang magkaroon siya ng lagnat
20:37.4
Ay hindi pa raw siya nakakaligo
20:39.4
Kinabukasan
20:41.8
Ay nagtext sa akin si Lucas
20:44.0
Na mas naging okay na
20:45.8
Ang pakiramdam niya
20:46.7
Nagpasalamat siya sa akin
20:48.8
Kasi naaalala niya raw
20:50.4
Ang nanay niya sa akin
20:52.4
Nang sumunod na araw
20:54.6
Ay nagpatenay
20:55.5
Kami ni Lucas
20:57.2
At nagnegative naman kami sa COVID
20:59.7
Na ipinagpapasalamat naming dalawa
21:02.0
Kung gano'n ay simpleng lagnat lang pala talaga
21:05.1
Yoong kay Lucas
21:06.6
Tuluyan nang gumaling si Lucas
21:09.8
At nakikita ko na siyang
21:11.6
Pumapasok sa kanyang trabaho
21:13.6
Isang araw ay nagulat ako
21:15.4
Nang kumatok si Lucas
21:16.4
Sa unit kung saan ako nakastay
21:18.5
At may ibinigay siya sa akin
21:20.4
Na tatlong pulang rosas
21:21.7
Aniya
21:23.0
Pasasalamat niya raw yun
21:25.3
Sa akin
21:25.9
Kasi kung hindi dahil sa akin
21:27.3
Ay baka mas lalong tumagal
21:28.8
Ang paggaling niya
21:30.3
Ang sabi ko naman
21:31.8
Ay gagawin ko rin naman
21:32.9
Ang ginawa niya
21:33.9
Sa iba kong tenant
21:34.9
At nagkataon lamang na siya
21:36.8
Ang kailangan ng tulong ko
21:38.9
Nang oras na yon
21:40.2
Aaminin ko na may kilig akong naramdaman
21:43.8
Sa pagbibigay
21:45.1
Na yon ni Lucas
21:46.6
Nang bulaklak
21:47.5
Hindi ko na kasi matandaan
21:50.1
Kung kailan ako nakatanggap
21:51.7
Nang bulaklak
21:52.4
Sa isang lalaki
21:54.2
Maliban sa anak ko
21:55.3
Mas lalo pa kaming naging close
21:58.0
Ni Lucas
21:58.5
Simula noon
21:59.4
May pagkakataon
22:01.6
Na kumakatok siya sa akin
22:02.9
At meron siyang dalang pagkain
22:04.6
Gusto niya kasi
22:06.2
Ay sabay kaming kakain
22:07.8
Paminsan-minsan
22:09.9
Ay nagbibigay pa rin siya
22:11.2
Nang bulaklak sa akin
22:12.2
Kasi nakikita niya
22:13.3
Na itinatabi ko ang bulaklak
22:15.6
Na bigay niya sa akin
22:17.3
Dumating na ako sa panahon
22:19.9
Na kune-question ko
22:21.0
Ang nararamdaman ko
22:22.1
Para kay Lucas
22:23.1
Parang hindi na isang
22:25.3
Anak ang tingin ko sa kanya
22:26.4
Kasi kinikilig na ako
22:27.6
Sa presensya niya
22:28.6
Palagi na akong umaasa
22:30.8
Nasabay kaming kakain
22:32.3
At meron siyang dalang bulaklak
22:34.3
Para sa akin
22:35.2
Natakot ako kasi
22:37.2
Baka tuluyan akong mahulog sa kanya
22:39.2
At masaktan lang ako sa huli
22:40.9
Kasi nanay
22:42.7
Ang tingin niya sa akin
22:44.1
Kaya kumilos na agad ako
22:46.6
Unti-unti na akong umiwas
22:49.7
Kay Lucas
22:50.6
Hindi na rin ako
22:52.1
Nagi-stay sa apartment
22:53.4
At doon na lamang ako palagi
22:55.3
Sa bahay ko
22:56.5
Isang gabi
22:58.3
Papa Dudot
22:59.2
Nagpunta sa bahay si Lucas
23:00.9
Wala siyang dala
23:02.4
Nak kahit na ano
23:03.4
Ako ang humarap sa kanya
23:05.5
At ang sabi ko
23:06.5
Ay malayo pa ang bayaran ng renta
23:09.5
Kaya bakit siya nandun
23:11.1
Sa labas lamang kami
23:12.8
Nag-usap noon
23:14.1
Nagtataka lang kasi ako
23:16.6
Kung bakit hindi na kita nakikita sa apartment
23:19.0
Turan pa ni Lucas
23:21.2
Nag-iingat lang ako Lucas
23:23.6
Alam mo naman
23:24.8
Na ang bilis ng pagdami
23:26.1
Nang nagpa-positive
23:27.1
Maedad na ako
23:28.4
At mahirap na makakuha ng virus
23:31.0
Lalo na at maraming tao sa apartment
23:33.2
Katwiran ko
23:34.5
Namiss lang kasi kita eh
23:37.0
Nasanay ako na
23:38.0
Araw-araw kitang nakikita
23:39.7
Ang sabi pa ni Lucas
23:41.9
Nagulat ako sa sinabing yun ni Lucas
23:45.1
Papa Dudot
23:46.2
Napansin ko rin na hindi niya ako
23:48.6
Tinawag na nanay
23:49.8
At hindi na siya gumamit ng po at opo
23:52.3
Sa pakikipag-usap sa akin
23:54.8
Sinabi ko kay Lucas
23:56.5
Na huwag siyang mag-alala
23:57.7
Kasi sa mga susunod na araw
24:00.0
Ay dadalaw ako sa apartment
24:02.4
Nagbigay sa akin ng mga katanungan
24:04.9
Ang mga sinabi ni Lucas
24:06.3
Nang gabing yun
24:07.1
Papa Dudot
24:08.0
Sa mga salita niya kasi
24:10.0
Ay parabang gusto ko nang umasa
24:11.9
Na meron din siyang gusto sa akin
24:13.6
Kaya lang ay parang imposible rin yun
24:16.8
Kasi nga ay matanda na ako
24:18.4
At gaya ng sinabi ko
24:20.3
Ay papasa na siyang anak ko
24:21.8
Alam ko na rin
24:23.6
Sa aking sarili na
24:24.8
Meron akong gusto kay Lucas
24:26.8
Kaya nga inilalayo ko
24:28.7
Ang sarili ko sa kanya
24:29.8
Kahit pa pinapahirapan ko
24:31.8
Ang sarili ko sa ginagawa ko na yun
24:33.7
Ang gusto ko kasi
24:35.4
Makita at makasama siya
24:36.9
Pero kabaliktaran
24:38.1
Ang ginagawa ko
24:39.8
Nang gabing yun
24:41.6
Ay tinawagan ako ni Lucas
24:43.6
At talagang nawindang ako sa sinabi niya
24:46.0
Inamin niya sa akin
24:47.7
Na meron siyang nararamdaman
24:49.4
Para sa akin
24:50.5
Gusto niya raw akong ligawan
24:53.2
At patunayan sa akin
24:54.8
Mahal niya talaga ako
24:56.0
Nagsimula raw siyang makaramdam sa akin
24:58.5
Nang ganoon nung inalagaan ko siya
25:00.6
Nung may sakit siya
25:01.6
Kahit daw siya ay nagtataka
25:03.6
Kasi never siyang nagkagusto
25:05.1
Sa isang babae na sobrang layo
25:06.8
Nang agwat ng edad sa kanya
25:08.8
Pero hindi na raw niya kayang pigilan pa
25:11.0
Ang nararamdaman niya
25:14.0
Ang akala ko
25:15.5
Papadudut ay nagbibirulang si Lucas
25:18.0
Sa mga sinabi niya
25:19.2
Pero ipinakita niyang seryoso siya
25:21.9
Sa panliligaw sa akin
25:23.3
Nagpupunta siya sa bahay ko
25:25.8
Na may dalang bulaklak
25:26.9
At kung ano-anong regalo
25:28.6
Kagaya ng chocolates
25:30.0
At sinabi ko sa kanya
25:31.2
Na wala siyang mapapala sa akin
25:33.4
At baka mother figure lamang
25:35.2
Ang nakikita niya sa akin
25:36.5
At nagkakamali siya sa nararamdaman niya
25:39.5
Pero hindi pa rin siya huminto
25:41.7
Sa panliligaw papadudut
25:43.6
Kahit anong taboy ko kay Lucas
25:47.1
Ay hindi siya lumalayo
25:49.0
Kahit na sinabi ko na
25:51.1
Anakang tingin ko sa kanya
25:52.7
Ay sinabi pa niya
25:54.4
Na malakas ang pakiramdam niya
25:57.0
Na mahal ko rin siya
25:58.9
Sa totoo lang
26:00.9
Papadudut ay gusto ko nang sagutin si Lucas
26:03.3
Pero pinipigilan ako ng takot
26:05.5
Takot ako
26:07.1
Sasasabihin ng ibang tao
26:08.6
Lalo na ng mga anak ko
26:10.1
Naalala ko kasi yung sinabi nila
26:12.8
Na payag sila na magkaroon ako ng boyfriend
26:15.0
Pero huwag yung sobrang bata sa akin
26:17.4
Doon pa lamang ay naisip ko
26:19.8
Na kapag naging kami ni Lucas
26:22.2
Ay tututul sila sa pagmamahala namin
26:25.0
Sa kasaydad kong yun
26:27.0
Ay tama po ba
26:28.1
Na magkaroon ako ng boyfriend
26:30.1
Na mas bata sa akin
26:32.4
Bago tayo magpatuloy
26:35.0
Huwag kalimutan na mag-like
26:36.6
Mag-share
26:37.7
At mag-subscribe
26:39.7
Sa ating YouTube channel
26:41.8
Hanapin ang Papadudut Family YouTube Channel
26:45.0
Yan po ang aking personal YouTube channel
26:47.1
At ganoon din po ang
26:48.6
Kaistoria YouTube Channel
26:50.9
Sa pagkapatuloy
26:53.1
Totoo nga pala yung kasabihan
26:55.8
Papadudut na kapag pinipigilan
26:57.7
Ang nararamdaman ay mas lalo yung kumakawala
27:01.0
Pinilit kong iwasan si Lucas
27:03.9
Ilang beses kong sinabi na tigilan na niya
27:06.4
Ang panliligaw sa akin
27:08.5
Pero lahat ng yon
27:09.6
Ay mas lalong nagpatindi
27:12.0
Sa panliligaw ni Lucas sa akin
27:14.4
Isang gabi
27:16.2
Nagpunta si Lucas sa bahay ko
27:18.0
Nang nakakainom
27:19.3
Umiiyak niya
27:20.9
Ang sinabi sa akin
27:21.7
Na talagang mahal na mahal ko siya
27:23.5
Naawa ko sa kanya
27:25.4
At lumambot ang puso ko
27:26.8
Mahal din naman kita Lucas
27:29.3
Pero
27:30.6
Ano na lang ang sasabihin ng mga tao
27:33.0
Kapag naging tayo
27:34.1
Na ang tanda-tanda ko na
27:36.2
Ay lumalandi pa ako
27:37.5
Ang sabi ko habang naiiyak
27:40.0
Pero bakit ko naman iisipin
27:42.4
Ang sasabihin ng ibang tao
27:43.8
Sa ganoon lang sila magaling
27:46.0
Sa panghuhusga
27:47.3
Carmen
27:48.6
Kung mahal mo ko
27:50.1
Ay
27:50.2
Hayaan mo na iparamdam ko sa iyo
27:52.4
Na mahal na mahal kita
27:53.7
Turan pa ni Lucas
27:55.8
Matatakot ako Lucas
27:58.5
Wika ko
27:59.9
Kung magpapadala ka lagi sa takot
28:02.8
At iisipin
28:03.7
Ang sasabihin ng mga taong
28:05.0
Wala namang ambag sa buhay mo
28:07.0
Ay hindi ka magiging masaya
28:08.2
Ang sabi pa ni Lucas
28:10.3
At hindi ko na nga napigilan pa
28:13.1
Ang nararamdaman ko
28:14.3
Sa gabing yon
28:15.7
Ay naging kami na ni Lucas
28:17.2
Kahit may takot ako
28:18.6
Naawa na kasi
28:20.2
Kasi ako sa kanya
28:21.0
Kasi naramdaman ko
28:22.2
Kung gaano siya kasinsir
28:24.0
Papadudot
28:24.7
Iyon nga lang
28:26.1
Ay nasa utak ko pa rin
28:27.7
Ang mga anak ko
28:28.6
At ang mga magiging
28:29.8
Reaksyon nila
28:31.1
Kapag nalaman nila
28:32.1
Ang tungkol sa amin ni Lucas
28:33.8
Kinausap ko si Lucas
28:36.2
At sinabi ko
28:36.9
Na kami na
28:37.6
Pero huwag naming sasabihin
28:39.2
Sa kahit na sino
28:40.2
Pumayag naman siya sa ganoon
28:42.6
Pero anaya ay ayaw niya
28:44.1
Na magtagal kami
28:44.9
Sa ganoong klase ng sitwasyon
28:46.4
Wala raw dahilan
28:48.1
Para itago namin
28:49.0
Ang aming relasyon
28:49.9
Nang magtagal kami
28:50.2
At mamahalan kami
28:51.0
At kailangan daw
28:52.0
Na ipagmalaki yun
28:53.7
Lalo na at wala kaming
28:55.1
Inaagrabyado
28:56.1
Na ibang tao
28:57.3
Nakakapaglambingan lamang kami
29:00.5
Kapag kaming dalawa lang
29:02.3
Doon lamang namin
29:03.8
Ay paparamdamang
29:05.0
Pagmamahal namin
29:06.2
Sa isa't isa
29:07.1
Sa totoo lang
29:08.7
Ay hindi sumagi
29:09.7
Sa isipan ko
29:10.5
Na pera lamang
29:11.5
Ang habol ni Lucas
29:12.6
Sa akin
29:13.3
Nagbabayad pa rin siya
29:15.4
Ng renta sa apartment
29:16.7
At patuloy siyang
29:17.6
Nagtatrabaho
29:18.4
Para
29:19.4
Sa kanyang
29:19.9
Sa kanyang sarili
29:20.7
At kahit na isang beses
29:22.2
Ay hindi siya humingi sa akin
29:24.0
Ng pera
29:24.7
O nag-request
29:25.5
Na ilibre na lamang
29:27.2
Ang renta niya
29:27.9
Total
29:28.7
Ay kami na
29:29.5
Hindi yun nangyari
29:31.2
Kaya nalaman
29:31.9
At naramdaman ko
29:33.0
Na totoo
29:33.6
Ang pagmamahal ni Lucas
29:35.4
At hindi dahil gusto niya lamang
29:37.8
Mag-benefit
29:39.0
Sa akin
29:39.8
Hindi ko akalain
29:41.9
Na sa edad ko na yun
29:42.9
Ay muli akong
29:43.9
Iibig
29:44.7
Sa lalaki
29:45.3
Papa Dudut
29:46.1
At ang nakakagulat pa
29:48.2
Ay sa lalaki
29:49.2
Na mas bata
29:49.9
Nang ilang taon sa akin
29:51.4
Kahit nalihim muna
29:53.3
Ang relasyon namin ni Lucas
29:54.9
Ay hindi yun naging dahilan
29:56.9
Para hindi kami
29:57.8
Maging masaya
29:58.5
Sa isa't isa
29:59.4
Kakaibang sayang
30:01.0
Ibinibigay ni Lucas
30:02.2
Sa akin
30:02.9
Parabang nabibigyan niya ako
30:04.9
Ng energy
30:05.7
At feeling ko
30:07.4
Ay bumabata ako
30:08.5
Nang ilang taon
30:09.3
Dahil sa kanya
30:10.2
Sweet si Lucas
30:12.3
Palagi niyang
30:13.2
Pinaparamdam sa akin
30:14.6
Kung gaano niya ako kamahal
30:16.9
Nararamdaman ko
30:18.5
Na sincere siya
30:19.6
Sa feeling ko
30:19.9
At feelings niya sa akin
30:21.0
Yun nga lang
30:22.6
Makalipas
30:23.5
Ang ilang buwan
30:24.4
Ay tinanong na ako ni Lucas
30:26.1
Kung kailan ko sasabihin
30:28.3
Sa mga anak ko
30:29.1
Na meron na siyang boyfriend
30:30.8
Hanggang
30:32.3
Kailan ba tayo magtatago?
30:35.1
Malapit na tayo magkalahating taon
30:36.9
Ang sabi ni Lucas
30:38.9
Sa totoo lang
30:40.8
Hindi ko pa alam Lucas
30:42.4
Wala pa akong lakas
30:45.4
Nang loob
30:45.9
Para sabihin sa kanila
30:47.3
Hindi ba nabanggit ko sa iyo
30:49.6
Na alam ko
30:49.9
Ayaw nila
30:50.4
Na magkaroon ako ng boyfriend
30:51.6
Na mas bata sa akin
30:52.6
Nang maraming taon
30:53.6
Sagot ko
30:55.1
Naiintindihan naman kita Carmen
30:57.7
Pero
30:58.2
Mahal ka ng mga anak mo
31:00.4
At sigurado ako
31:01.3
Na maiintindihan ka rin nila
31:02.8
Basta kapag ready ka na
31:04.7
Isabihan mo lang ako
31:05.7
Ang sabi pa ni Lucas
31:07.7
Tinanong ko si Lucas
31:09.7
Kung hindi pa siya nahihiya
31:11.2
Na ako ang girlfriend niya
31:12.7
Ang sabi niya
31:14.3
Ay kahit kaunti
31:15.1
Wala siyang nararamdaman na hiya
31:16.8
Kaya niya raw
31:18.5
Ipagsigawan
31:19.4
Sa buong mundo
31:19.9
Na mahal na mahal niya ako
31:21.5
Kahit nga raw
31:22.8
Ang ipakilala ako
31:23.7
Sa pamilya niya
31:24.8
Ay handa na siyang gawin
31:26.5
Isa pa yun
31:27.9
Sa hinihiling ni Lucas
31:29.1
Ang ipakilala niya ako
31:30.4
Sa pamilya niya
31:31.7
Pero ako ang tumatanggi
31:33.6
Kasi nahihiya ako
31:34.6
Natatakot din kasi ako
31:36.8
Papadudut
31:38.1
Na baka tumutol
31:39.0
Ang pamilya ni Lucas
31:40.4
Sa relasyon naming dalawa
31:41.9
Baka hindi nila matanggap
31:44.2
Na matanda ang girlfriend
31:45.4
Ni Lucas
31:46.4
Noong sa unang buwan
31:49.0
Ang relasyon namin ni Lucas
31:49.9
Ay halos araw-araw siyang nasa bahay
31:52.7
Alam ko na napapansin nyo
31:54.8
Nang kasambahay ko na si Elva
31:56.3
Kaya sinabihan ko si Lucas
31:58.4
Na doon na lamang kami sa apartment magkita
32:00.8
Pero masyadong makulit si Lucas
32:03.1
At kung minsan ay dumadalaw pa rin siya
32:05.1
Sa bahay
32:05.8
Na may dalang pagkain
32:07.5
O kaya ay bulaklak
32:08.9
Minsan ay tinanong ako ni Elva
32:11.9
Kung diyowa ko ba si Lucas
32:13.4
At tinanggi ko yon
32:14.6
Ang sabi ko ay imposibleng
32:16.7
Maging kami ni Lucas
32:17.8
Kasi anak ng
32:18.7
Tingin ko rito
32:19.9
Masakit
32:21.4
Para sakin na itanggi ko si Lucas
32:24.0
Pero hindi ko pa talaga kayang ipaalam
32:26.7
Sa kahit na sino
32:27.6
Ang relasyon namin ni Lucas
32:29.9
Dahil sa hindi ko mapigilan si Lucas
32:33.7
Na magpunta sa bahay ko
32:35.0
Ay sinabi ko sa kanya
32:37.3
Nasa ka na lamang siya magpunta sa bahay
32:39.7
Kapag wala si Elva
32:40.7
Mas safe kasi kapag gano'n papadudot
32:43.6
Para rin hindi kami pigil sa kilos namin
32:46.9
Kasi walang ibang tao sa bahay ko
32:48.7
Pero kasi
32:49.9
Kahit na nung ingat namin ni Lucas
32:51.6
Ay mas malakas pala ang pakiramdam ni Elva
32:54.0
At sinabi niya
32:55.5
Ang napapansin niya sa amin ni Lucas
32:57.7
Sa anak kong si Danilo
32:58.9
Nang dumalaw si Danilo sa bahay ko
33:01.5
Inausap ako ni Danilo
33:03.5
At tinanong niya
33:04.3
Kung ano raw
33:05.2
Ang namamagitan sa amin ni Lucas
33:07.0
Itinanggi ko yon
33:08.9
Nung una
33:09.3
Pero ang sabi ni Danilo
33:10.7
Ay may mga sinabi sa kanya si Elva
33:13.7
Nahuhuli raw kami ni Elva
33:16.0
Na sweet ni Lucas
33:17.1
Doon ko na naisip
33:18.8
Na wala nang reason
33:19.9
Para tumanggi ako
33:20.9
Dahil
33:21.4
Chinichi ka na ako ni Elva
33:23.6
Sige
33:25.4
Aamin na ako anak
33:26.9
Boyfriend ko si Lucas
33:29.6
Pag amin ko
33:31.2
Kailan pa po ma?
33:34.0
Bakit hindi mo sa akin sinabi o kinaati?
33:36.7
Tanong pa ni Danilo
33:37.9
Nahiya kasi ako sa inyo
33:40.1
Ng mga kapatid mo
33:41.0
Natatakot din ako
33:42.7
Na tumutulg kayo
33:43.6
Sa relasyon namin ni Lucas
33:45.1
Hindi ba ang sabi ninyo
33:47.1
Ay payag kayong magka boyfriend ulit ako
33:49.2
Pero
33:49.9
Ayaw ninyo
33:50.9
Sa mas bata sa akin
33:52.4
Sagot ko
33:53.6
Masaya ka ba sa kanya ma?
33:57.1
Sure ka ba na hindi kanya niloloko?
33:59.8
Tanong pa ni Danilo
34:01.1
Masaya ako sa kanya
34:03.2
At alam ko na hindi niya ako niloloko
34:05.2
Tugon ko at sinabi ko sa anak ko
34:07.8
Ang mga reason
34:09.3
Kung bakit ko yon nasabi
34:10.9
Inasaan ko nang tututul siya
34:13.5
Sa relasyon namin ni Lucas
34:14.7
Pero nagulat ako nang sabihin niya
34:17.2
Na biro lang yung sinabi nilang magkakapatid
34:19.9
Na ayaw nilang magjojokwa ako
34:21.5
Nang mas bata sa akin
34:22.7
Kung masaya raw ako kay Lucas
34:25.2
Ay wala silang karapatan
34:27.1
Na pigilan ako sa kasiyahan
34:29.1
Na nararamdaman ko
34:31.2
Matagal na panahon na raw akong
34:33.3
Nagihirap lalo na noong pinag-aaral ko
34:35.5
Silang magkakapatid
34:36.5
At hindi raw nila ipagkakait sa akin
34:38.8
Ang mga bagay na makapagpapasaya sa akin
34:41.6
Kasi deserve ko yon
34:42.9
Sigurado rin daw si Danilo
34:45.2
Nasosuportahan ako ng mga atin niya
34:47.6
Kapag nalaman nila
34:49.9
Naiyak ako sa mga sinabi ng anak ko
34:52.8
Papa Dudut
34:54.1
Hindi ko kasi talaga inaasahan
34:56.9
Na magiging madaling sa kanya
34:58.2
Ang pagtanggap niya sa amin ni Lucas
35:00.5
Nang sabihin ko kay Lucas
35:03.3
Ang naging pag-uusap namin ni Danilo
35:06.0
Ay natuwa rin siya
35:07.8
Tama raw ang sinabi niya sa akin
35:10.3
Na maiintindihan ako ng mga anak ko
35:12.7
Kasi mahal nila ko
35:14.8
Kaya wala na raw dahilan
35:16.7
Para ilihim namin
35:17.8
Sa maraming tao
35:19.2
Ang relasyon namin niya
35:19.8
At ang mga anak ko
35:19.8
At ang mga anak ko
35:19.9
At ang mga anak ko
35:19.9
Kasi tanggap na ako ng bunsuko
35:22.2
At sure din siya na pati
35:23.9
Ang dalawa ko pang anak
35:25.2
Ay ganun din ang magiging reaksyon
35:27.4
Kagaya ni Danilo
35:29.3
Dahil sa nasabi ko na kay Danilo
35:32.5
Ay sinunod ko namang sabihin
35:34.4
Kina Andrea at Marie
35:35.9
Hindi nga nagkamali si Danilo
35:38.1
Kasi naging positive din
35:39.4
Ang pagtanggap nila sa amin ni Lucas
35:42.0
Wala raw silang karapatan
35:44.2
Na pigilan ako sa kasiyahan ko
35:46.0
Kahit pa malayong agwat
35:48.0
Nang edad ko sa boyfriend ko
35:49.4
At sa amin ni Lucas
35:49.9
Time ko na raw yun
35:51.2
Para magmahal ulit
35:52.5
At maramdaman ang mahalin
35:55.0
Basta sana raw ay hindi ako sakta
35:57.3
Ni Lucas dahil uuwi sila
35:59.2
Ng Pilipinas
36:00.0
Para sampalin si Lucas
36:02.0
Kung mangyari yun
36:03.6
Sinabi ko sa mga anak ko
36:05.3
Na hindi yun mangyayari
36:06.4
Kasi mahal na mahal ako ni Lucas
36:08.9
Papa Dudut
36:10.4
Sobrang sarap pala sa pakiramdam
36:13.6
Natanggap na ng mga anak ko
36:16.1
Ang relasyon ko kay Lucas
36:17.6
Yun naman talagang importante
36:19.8
Sa akin
36:20.7
Ang nasa utak ko noon
36:22.7
Ay wala na akong pakialam
36:24.4
Sa sasabihin ng ibang tao
36:25.9
Basta tanggap ng mga anak ko
36:28.6
Pakiramdam ko kahit na anong
36:30.6
Panguhusga ang ibato sa akin
36:32.4
Ay hindi ako masasaktan
36:34.7
Tama nga si Lucas
36:36.7
Bakit ko pa iisipin
36:38.9
Ang sasabihin ng mga taong
36:40.3
Wala namang ambag sa buhay ko
36:42.1
Kaya simula noon
36:44.1
Ay naging open na kami ni Lucas
36:46.1
Lumalabas na kami ng magkasama
36:48.7
Magkahotong
36:49.8
Holding hands kami kapag nasa mall kami
36:52.1
At sweet kami sa isa't isa
36:54.5
Kahit pa may ibang tao
36:55.9
Ang nakakakita sa aming dalawa
36:58.6
Minsan ay nahuhuli ko ang reaksyon
37:02.0
Ng mga nakakakita sa amin ni Lucas
37:04.1
At hindi maganda ang reaksyon nila
37:06.0
Merong natatawa
37:07.5
At meron ding parang nandidiri
37:09.1
Akala ko ay wala na sa akin yun
37:11.6
Pero hindi pala kasi nahihiya ako
37:14.0
At nasasaktan
37:15.0
Kaya sinabihan ko si Lucas
37:17.3
Na baka pwedeng kapag nasa labas kami
37:19.1
Ay huwag na niyang hawakan ang kamay ko
37:21.5
Pero tumanggi siya
37:24.0
Alam niya kasi na naapektuhan pa rin ako
37:27.0
Sa reaksyon ng mga nakakakita sa amin
37:29.4
Dapat nga raw
37:31.4
Na mas lalo pa naming ipakita sa mga ito
37:34.8
Ang aming pagmamahalan
37:36.9
Kumalat na rin sa lugar namin
37:39.8
Ang tungkol sa aming dalawa ni Lucas
37:42.3
Kahit sa mga tenants ko
37:44.4
Ay alam na rin nila
37:46.1
Papadudot
37:47.1
Mas lalong lumaki ang kabatong
37:49.1
At takot ko sa mga maririnig ko
37:51.5
Sa ibang tao
37:52.3
May ilan na malakas ang loob na
37:55.2
Tinanong ako ng tungkol sa amin ni Lucas
37:57.4
Karamihan ay tinatanong kung
37:59.7
Kami ba talaga ni Lucas
38:01.3
At hindi ko naman itinatanggi
38:03.6
Kahit sa iba kong kamag-anak
38:05.7
Ay nakarating na rin yun
38:06.9
At ang iba ay sinabihan ako
38:08.8
Na dapat kong magbo-boyfriend ako
38:10.9
Ay yung malapit naman sana sa edad ko
38:12.9
Masyado raw kaming alangan
38:15.3
Ni Lucas
38:16.5
May mga kamag-anak din na nagsabi sa akin
38:19.1
Na baka pera lamang
38:20.3
Ang habol ni Lucas sa akin
38:22.0
Pero palagi kong ipinagtatanggol si Lucas
38:25.0
At sinasabi ko sa kanila
38:26.8
Na may trabaho ang nobyo ko
38:28.4
At kahit kailan
38:29.8
Ay hindi siya humingi kahit piso sa akin
38:32.9
Naging close din
38:35.0
Si na Danilo at Lucas
38:36.4
Na isa sa ikinatuwa ko
38:38.0
Naging magkabarkada sila
38:40.1
Dahil pareha silang mahilig magmasketball
38:42.3
At maglaro ng games sa cellphone
38:44.6
Para sa akin ay isa yun
38:46.8
Sa magandang nangyari
38:48.0
Na nakikita ko na magiging malapit si Lucas
38:51.4
Sa mga anak ko
38:52.3
Kung ako ay masyadong apektado
38:54.8
Sa mga sinasabi ng tao
38:56.1
Si Lucas naman
38:57.7
Ay palaging nagpapaalala sa akin
39:00.5
Na hindi ko dapat pansinin
39:02.2
Ang mga naririnig ko tungkol sa amin
39:05.2
Pero mahirap pala talagang
39:07.0
Deadmahe ng mga naririnig ko
39:09.2
Papadudot
39:10.0
Aaminin ko
39:11.5
Nasasaktan ako
39:14.1
Hanggang sa dumating na ako sa point
39:16.9
Na masyado na akong nag-iisip
39:19.4
At ang pumasok sa isipan ko
39:21.1
Ay makipaghiwalay
39:22.3
Na lamang kay Lucas
39:24.2
Lucas
39:25.9
Tapusin na lang natin ang relasyon natin
39:29.0
Wala na akong peace of mind
39:31.3
Dahil sa mga sinasabi ng mga tao
39:33.1
Ang sabi ko kay Lucas
39:35.2
Ano ba naman yung sinasabi mo?
39:38.5
Nakita mo na ang resulta
39:39.6
Nang pagpansin mo sa mga taong
39:41.1
Walang magandang sinasabi sa atin
39:42.7
Pati relasyon natin ay tatapusin mo
39:45.2
Nang dahil lang sa kanila
39:46.9
Para namang sinasabi mo rin na
39:48.4
Mababaw lang ang pagmamahal mo sa akin
39:50.7
Carmen
39:52.1
Hindi ako magsasawang sabihin sa iyo
39:54.7
Na wala tayong dapat patunayan sa kanila
39:56.9
Ano kung parang anak mo na ako?
39:60.0
Anong magagawa ko kung ikaw ang mahal ko?
40:02.8
Turan pa ni Lucas
40:03.9
Makakahanap ka pa ng ibang babae
40:07.3
Na kasing edad mo
40:08.1
Hindi na tayong magkakaanak
40:10.5
Huwag na lang ako
40:12.0
Gusto ko na lang ng tahimik na buhay
40:14.4
Ang sabi ko
40:16.9
Hindi na ako magkahanap kasi nahanap na kita
40:19.3
E ano kung hindi na tayong magkaroon ng anak?
40:22.4
Nang ligawan kita alam ko na yun
40:24.0
Ayaw ko nang marinig sa iyo na gusto mong makipaghiwalay ha?
40:28.6
Ang sabi pa ni Lucas
40:30.1
At nakiusap siya sa akin na simula sa araw na yon
40:33.3
Ay hindi na ako magpapaapekto sa mga naririnig ko
40:37.3
Hindi pumayag si Lucas na makipaghiwala ay papadudot
40:41.7
Nag sorry ako sa kanya
40:43.9
Dumalabas kasi na sa aming dalawa
40:46.7
Ay mas matured pa siyang mag-isip kesa sa akin
40:49.4
Pinilit kong huwag nang pansinin ang mga panghuhusga ng mga tao papadudot
40:54.3
Nagawa na rin akong ipakilala ni Lucas sa pamilya niya
40:58.5
At hindi ko naramdaman na tutol sila kahit pa kaedad ko na ang tatay ni Lucas
41:03.6
Sa ngayon ay pinag-aaralan ko pa rin ang maging bingi
41:07.6
Sa hindi magagandang sanita na ibinabato sa amin ni Lucas
41:11.6
Mahirap pero naniniwala ako
41:14.3
Nadarating ang panahon
41:16.2
Na magiging manhid na ako sa mga ganong sanita ang papadudot
41:20.3
Hindi na ako makapagihinta ay na-spend ang natitirang araw ko rito sa mundo
41:25.2
Kasama si Lucas
41:27.3
Tama ang mga anak ko, papadudot
41:31.2
Maraming taon akong nagsakripisyo
41:33.7
At isinantabi ang sarili kong kaligayahan
41:36.6
Ngayong may isa ng lalaki ang nagmamahal ulit sa akin
41:41.0
Hindi ko na ito pakakawalan pa
41:44.1
Hindi naman talaga basihan ang edad
41:46.2
Pagdating sa pag-ibig
41:47.9
Ang importante ay mahal ninyo ang isa't isa at nakakaintindihan kayo
41:52.6
Hanggang dito na lamang ang sulat ko, papadudot
41:56.3
Salamat kung sakali na mababasa mo ito sa iyong programa
42:00.4
Pagpalain ka palalo ng ating Panginoong Diyos
42:04.3
Lubos na gumagalang
42:06.6
Carmen
42:08.1
Pagdating sa pagmamahalan ay hindi na dapat tinitingnan ang estado ng buhay
42:14.1
Ang kasarian
42:15.1
It's you
42:16.2
At kahit ang edad
42:17.4
Kung nakikita natin na masaya ang dalawang tao na nagmamahalan kahit malaki pang agwat ng edad nila
42:24.4
Ay hayaan na lamang natin sila
42:27.5
Iwasan natin mag-isip ng hindi magagandang bagay sa kanila
42:31.1
Lalo na at wala tayong alam sa kwento nila
42:34.8
Sa mga couple na nasa ganitong uri ng relasyon
42:38.0
Maging bingin na lamang kayo sa panguhusga ng ibang tao
42:42.1
Pagtibay ninyo lalo ang inyong pag-ibigay
42:46.2
Isa rin challenge ang malaking age gap ninyo
42:50.0
Dahil sa magkaiba kayo ng generation na kinalakhan
42:53.8
Mas lawakan ninyo ang pag-intindi sa isa't isa
42:57.4
Hindi ninyo kailangang patunayan sa ibang tao na totoo ang inyong pagmamahalan
43:03.9
Kung alam ninyo sa inyong sarili na wala kayong tinatapakang ibang tao
43:09.5
At wagas at totoo ang inyong pagmamahal
43:14.3
Huwag kalimutan na mag-like, share at mag-subscribe sa aking YouTube channel na Papadudut
43:21.2
Hanapin din po ang aking personal YouTube channel na Papadudut Family
43:25.9
Hanapin din po at mag-subscribe sa Kaistorya
43:29.4
Maraming maraming salamat po sa inyong lahat
43:32.2
At sabi nga ni Small Laude, No Bashing!
43:44.3
Laging may lungkot at saya
43:48.2
Sa Papadudut Stories
43:53.4
Laging may karamay ka
43:59.2
Mga problemang kaibigan
44:07.8
Dito ay pakikinggan ka
44:14.3
Sa Papadudut Stories
44:19.7
Kami ay iyong kasama
44:24.2
Dito sa Papadudut Stories
44:31.7
Ikaw ay hindi nag-iisa
44:36.2
Dito sa Papadudut Stories
44:44.3
May nagmamahal sa'yo
44:49.7
Papadudut Stories
44:55.8
Papadudut Stories
45:03.7
Papadudut Stories
45:14.3
Papadudut Stories
45:16.3
Papadudut Stories
45:18.3
Papadudut Stories