Close
 


KULANG SA PAMILYA | JENIE | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 34:37
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magandang gabi sa inyo lalo na sa mga tagapakinig at sa lahat ng bumubuo ng Papadudod Stories.
00:07.1
Sana po ay maibigan ninyo ang story ang ibabahagi ko lalo na sa mga magulang at mga ulilang anak.
00:14.3
Samantala palagi kaming nakatutok ng aking mga kasamahan sa trabaho sa inyong programa,
00:19.9
maging sa radyo man o sa YouTube.
00:22.5
At kahit na bawal ang radyo sa trabaho ay sige pa rin kami.
00:26.3
Sa katunayan, Papadudod ay nilalakasan pa namin ng speaker
00:30.4
at hindi naman kami pinapagalita ng mga boss namin dahil maski sila ay nakikinig din.
00:39.1
Kapag gabi naman ay inaabangan ko ang mga kwentong tampok mo sa iyong YouTube channel na Papadudod
00:45.0
at nakikinig talaga ako sa bagong uploads mo bago matulog.
00:50.1
Siya nga pala, Papadudod, tawagin nyo na lamang po ako sa pangalang Jenny,
00:55.0
24 years old.
00:56.3
At isang staff sa isang lending company sa Maynila.
01:01.5
Samantala ay sisimulan ko na lamang ang kwento ko noong bata pa ako.
01:07.1
Noong una ay lumaki ako sa isang masaya at buong pamilya.
01:12.8
Akala ko'y wala ng katapusan yun pero nagkamali ako.
01:16.8
Dahil dumating ang panahon at sinubok ng tadhana ang aming pamilya.
01:22.0
Isang gabi bigla na lamang akong ginising ng aking kapatid dahil nag-aaway noon ang aming mga magulang.
01:31.5
At bilang nakakatandang kapatid ay ako lang ang may kakayahang umawat sa kanila.
01:37.4
Inay? Itay? Ano pong nangyayari dito?
01:42.9
Tanong ko sa aking mga magulang na tumigil sa pagbabangayan nang makita kami ng kapatid ko na palapit sa kanila.
01:52.0
Galit namang sumagot si Itay.
01:56.5
Bakit ba kayo nandito dito ni Chico ha? Bumalik nga kayo doon sa kwarto ninyo?
02:02.3
Utos niya sa amin.
02:04.7
Sumunod naman si Chico at bumalik na sa aming kwarto habang ako ay nananatili lamang.
02:10.3
At doon ay nakita ko ang mga gamit na iniimpake ni Itay.
02:15.2
Itay, bakit po kayo nag-iimpake ng mga gamit ninyo?
02:19.8
Tanong ko sa aking ama.
02:22.0
Itay, aalis na ang Itay ninyo.
02:24.9
Iiwan na niya tayo.
02:26.7
Ang nanay ko na noon nang sumagot habang umiiyak.
02:31.7
Itay, bakit naman po? Iiwanan nyo na po kami?
02:35.9
Tanong ko sa kanya.
02:38.6
Patawarin nyo ako mga anak pero kailangan kong gawin ito.
02:42.3
Tanging sagot sa akin ni Itay.
02:44.6
Halata sa kanya na pinipigilan niya ang kanyang emosyon.
02:49.9
Iiwanan mo lang kami dahil nagpapasok.
02:52.0
Nagpapaniwala ka sa mga sulso ng mga magulang mo?
02:55.3
Anong klaseng ang asawa ha ba doong?
02:57.9
Kompronta ulit ni inay sa aking ama.
03:01.3
Iiwanan kita kasi hindi tayo magkasundo.
03:04.5
Palagi na lang tayong nag-aaway.
03:06.7
Ayaw ko na ng ganito.
03:09.3
Nagsasawa na ako sa ganitong sitwasyon natin.
03:12.3
Paliwanag naman ni Itay.
03:14.6
Ang sabihin mo, duwag ka lang.
03:17.5
Takot na takot ka sa mga magulang at kamag-anak mong matapobre.
03:22.0
Hindi mo kami kayang ipagtanggol at saka wala kang paninindigan.
03:27.0
Diin pa ni inay.
03:29.1
Eh kung ganun pala eh, bakit ka pa umiiyak dyan?
03:32.6
Bakit mo pa ako pinipigilang umalis?
03:35.2
Balik ng aking ama.
03:37.5
Kasi mahal kita ba doong?
03:39.5
Naibulalas ni inay.
03:41.8
Sinikap ko namang gampanan ng lahat ng tungkulin ko sa iyo bilang asawa.
03:46.4
Ano pa bang mga kulang doon ha?
03:48.6
Bakit mo ba ginagawa sa amin ito ng mga anak mo?
03:51.9
Bakit mo ba ginagawa sa amin ito ng mga anak mo?
03:52.0
Napag-isip-isip ko na hindi nagagana pa ang relasyon natin kung palagi tayong ganito.
03:59.6
Pwede pa naman natin isalbang relasyon natin kung lalayo tayo sa mga magulang at kamag-anak mo.
04:05.9
Sugestyon sana ni inay pero agad na tumutol si Itay.
04:10.7
Hindi ko gagawin yan dahil pamilya ko sila.
04:14.8
Wika pa ni Itay.
04:17.1
Kami ang pamilya mo ba doong?
04:18.9
Oo maaaring kadugo mo sila pero simula noong...
04:21.9
Anong nag-asawa ka?
04:23.7
Kami na ang pamilya mo, hindi na sila.
04:27.3
Pagkokorekta ni inay sa kanya.
04:30.0
Huwag na nating pahabayin ito.
04:32.2
Aalis na ako.
04:33.7
Ang sabi ni Itay pero sinubukan ko siyang pigilan.
04:37.8
Nakikiusap po ako, huwag kayong umalis.
04:40.5
Mahal na mahal namin kayo.
04:43.2
Pagmamakaawa kong sabi sa kanya.
04:45.9
Hindi naman kumibusit Itay pero bakas sa mukha niya ang labis na awa sa akin.
04:50.6
Hindi nagtagal ay niyakap niya ako at personal na humingi ng tawad sa mga nagawa niyang kasalanan.
04:59.0
Magtapat ka nga sa akin.
05:01.5
Kaya ka lang ba aalis sa amin dahil...
05:04.2
Dahil lang ba sa pamilya mo?
05:06.4
O baka may iba pang mga dahilan?
05:09.0
May ipinagpalit ka na ba sa akin?
05:11.7
Pagdududa pa ni inay.
05:14.0
Wala akong ibang babae, alam mo yan.
05:16.7
Pagtatanggi ni Itay.
05:18.2
Mas makakabuti kung umalis na ako sa bahay na ito.
05:21.2
Kasi kung palagi tayong nakikita ng mga anak mo na nag-aaway,
05:26.0
makakasira yun sa buhay nila.
05:28.5
Paliwanag pa niya.
05:30.4
At sa palagay mo, hindi rin ba masisira ang buhay ng mga anak mo sa gagawin mong ito?
05:35.8
Badong, lalaki ang mga anak mo nang sira ang pamilya natin.
05:40.4
Alam mo ba kung ano ang magiging epekto noon kina Jenny at Chico?
05:44.3
Ang kwestyon ni inay.
05:47.3
Hindi pa rin ako magkukulang sa pagsustento sa mga anak natin.
05:50.6
Kahit na wala na ako dito.
05:52.7
Malungkot niya ang sagot kay inay.
05:55.2
Hindi sustento ang kailangan ng mga anak mo.
05:58.1
Kundi pagmamahal at kalingan ang isang ama.
06:01.7
Yun ang giniit ni inay sa kanyang asawa pero buo na talaga ang desisyon ni Itay.
06:06.4
Na umalis at alam kong wala na kaming magagawa doon.
06:11.6
Papadudot naghiwalaya mga magulang ko dahil sa pressure na nagmula sa matapobreng kamag-anak ng ama ko.
06:18.4
Dahil doon ay walang araw at gabing hindi ako umiiyak.
06:23.1
Lalo na kapag nakikita ko ang ina ko na umiiyak dahil mahal na mahal niya ang aking ama.
06:28.8
Pero sa kasamaang palad ay hindi kami na ipaglaban ng aming ama mula sa kanyang mapanghusgang kamag-anak.
06:36.8
At mas pinili niyang iwanan kami.
06:40.5
Sa kabilang banda, noong una ay nagpatuloy ang pagsustento sa amin ng aming ama.
06:46.1
Pero sa paglipas ng panahon ay unti-unti.
06:48.4
Kunti rin po itong natigil.
06:50.6
Dahil doon ay napilitan ang aking ina na kumilos para sa kinabukasan namin ang kapatid kong si Chico.
06:59.1
Inay, totoo po ba na alis kayo?
07:03.0
Tanong ko sa aking ina.
07:05.5
Oo anak, sagot niya sa akin.
07:08.5
Maghahanap ako ng trabaho sa Maynila anak.
07:11.0
Kailangan ko magtrabaho kasi tumigil na ang tatay ninyo sa pagsustento sa atin.
07:15.8
Kung hindi ako kikilos,
07:17.4
mamamatay kayo sa gutom.
07:20.1
At saka hindi kayo makakapag-aral ni Chico.
07:23.3
Hindi ko naman mapigilan ang umiyak.
07:27.2
Pero inay,
07:29.3
pwede namang kayong magtrabaho dito, hindi ba?
07:33.1
Hindi sapat ang kikitain ko dito.
07:35.9
Mas masusuportahan ko ang pangangailangan ninyo kung doon ako magtatrabaho sa Maynila.
07:41.6
Jenny anak,
07:43.1
sana'y intindihin mo.
07:45.4
Kailangan kong gawin ito para sa inyo.
07:47.4
Paliwanag ni inay sa akin.
07:50.8
Umagulho lamang ako noon at niyakap ko ng mahigpit si inay, Papa Dudot.
07:56.2
Huwag ka nang umiyak, Jenny.
07:59.6
Babalik pa rin naman ako.
08:02.0
Hindi ko kayo kakalimutan at bibisita pa rin ako dito kapag may panahon ako.
08:07.8
Pangako.
08:09.4
Iyon ang naging assurance niya sa akin, Papa Dudot.
08:13.7
Mamimiss ko po kayo, inay.
08:15.3
Wika ko sa kanya habang sinunod.
08:17.4
Sumusubukan kong magpakatatag.
08:21.5
Apo, huwag kayong mag-alala ni Chico.
08:24.4
Habang wala ang inay ninyo,
08:26.5
ay ako ang mag-aalaga sa inyo.
08:29.0
Hindi ko kayo pababayaan.
08:31.4
Iyon naman ang pangako ng aking lola.
08:34.7
Jenny, hindi kayo pababayaan ng lola ninyo.
08:38.7
Basta palagi ninyong tatandaan, ha?
08:41.1
Huwag ninyong bibigyan ng sakit ng ulo ang lola ninyo.
08:45.2
Sumunod kayo sa kanya at ikaw, Jenny,
08:47.4
eh, tulungan mo ang lola mo sa pagpapalaki kay Chico, ha?
08:52.2
Ikaw ang panganay, kaya aasahan kita.
08:55.3
Bilin pa niya sa akin.
08:58.2
Opo, inay.
08:59.6
Wika ko naman sa kanya.
09:02.4
Basta, kusit, magingat ka dun sa Maynila, ha?
09:06.5
Kung may panahon ka, eh, tumawag ka sa amin para naman hindi mag-alala kami sa iyo.
09:11.8
At saka para naman hindi malungkot ang mga anak mong iiwanan.
09:15.2
Paalala naman ni lola sa aking ina.
09:17.4
Huwag po kayong mag-alala doon, nai.
09:21.4
Hindi ko po kakalimutang tumawag o dumalaw dito kapag may oras ako.
09:26.2
Pangako niya sa amin.
09:28.9
Inay, wala na po ba talagang pag-asa na mabuo ulit ang pamilya natin?
09:35.1
Tanong ko noon sa kanya bago siya tuluyang umalis.
09:39.3
Hindi ko alam, anak.
09:41.0
Hindi ko masasabi kung mabubuo ulit ang pamilya natin o hindi.
09:44.9
Ang ama mo ay ayaw na niya talaga sa atin.
09:47.4
Hindi na niya tayo mahal.
09:50.4
Huwag na natin ipilit ang mga sarili natin sa kanya.
09:53.8
Magiging kawawal lang tayo.
09:56.3
Siguro anak ay isipin na lang natin kung paano tayo mabubuhay.
10:00.4
Paliwanag ni inay sa akin.
10:03.6
Nalungkot naman ako sa sinabi ni inay.
10:06.2
Pero hindi pa rin nawawala sa puso ko ang pagbabaka sakali na bumalik sa amin si Itay.
10:12.4
Jenny, mabubuhay kayo nang wala ang ama ninyo.
10:16.4
Huwi ka naman ni Lola sa akin.
10:20.2
Oo, hindi namin inaalis sa inyo na mahalin ninyo ang ama ninyo pero huwag na kayong umasa na babalik pa siya sa inyo.
10:28.4
Masasaktan lang kayo, ha?
10:30.6
Malungkot na pagpapatuloy niya.
10:33.8
Papadudot na iwan kaming magkakapatid sa pangangalaga ng aking Lola Ita.
10:38.9
At siya ang nagpaaral at nagpuno ng anumang pagkukulang sa amin ng mga magulang namin.
10:46.4
Pero hindi sapat yun para makalimutan ko ang mga magulang.
10:51.1
Papadudot, araw at gabi na umiiyak ako at nagdarasal na sana'y mabigyan ng pagkakataon na mabuumuli ang aming pamilya.
11:02.3
Pero lumipas ang panahon.
11:05.9
Unti-unting nawala ang aking pag-asa lalo na at dumating ang aking ina na may kasamang ibang lalaki.
11:14.3
Jenny, siya nga pala.
11:16.4
Ipapakilala ko sa inyo, siya ang Tito Cesar mo, wika ni inay.
11:23.1
Samantala'y lumapit naman ang lalaki kasama ni inay.
11:26.6
Kumusta Jenny? Bati nito sa akin.
11:30.7
Mabuti naman po ako, Tito. Magalang kong tugon.
11:34.7
Pagkatapos ay muli akong bumaling kay inay.
11:38.6
Bakit niyo po siya kasama dito? Tanong ko pa sa kanya.
11:44.1
Anak, kaya ako sinama ang Tito Cesar mo.
11:46.2
Ang Tito Cesar mo dito ay para makilala kayo. At para makilala nyo rin siya.
11:51.7
Ahm, Jenny, bali ang Tito Cesar mo ang bagong nagpapasaya sa buhay ko ngayon.
11:58.6
Pagtatapat ni inay sa akin.
12:01.7
Nung una'y naguguluhan pa ako kung ano ang ibig niyang sabihin.
12:06.3
Ano po ang ibig ninyong sabihin, nay?
12:09.6
Si Cesar at ako, bali nagmamahalan kaming dalawa.
12:13.8
Sumigunda naman si Tito Cesar.
12:16.2
Tama ang inay mo, Jenny.
12:19.3
Nagulat at kinalaunan ay nanlumo ako sa mga narinig kong balita.
12:24.9
Hindi ko noon matanggap na wala ng pagasang mabuo pang muli ang aming pamilya.
12:30.9
Paano na po si itay? Tanong ko noon kay inay.
12:35.7
Hindi ko pa rin naman makakalimutan ang itay mo.
12:38.8
Kaso anak, alam ko na maintindihan mo rin ako pero kasi mas mahal ko ang Tito Cesar mo.
12:46.2
Sinusubukan ni inay na ipaliwanag sa akin ang kanyang side.
12:51.5
Inay, ibig sabihin po ba niyan eh hindi na po mabubuo ulit ang pamilya natin?
12:58.6
Nanlulumo kong tanong.
13:01.4
Hindi na mabubuo ang pamilya natin dahil wala na ang itay mo.
13:05.3
Kinalimutan na niya tayo.
13:07.5
Magiging masaya pa naman tayo kahit na wala ang itay mo.
13:11.0
Si Cesar handa siyang magpakaama sa inyo ni Chico.
13:14.9
Dagdag pa ni inay.
13:16.2
Pero hindi naging madali para sa akin ang tanggapin yon.
13:21.2
Tama ang inay ninyo.
13:23.7
Handa akong akuin ang responsibilidad sa inyo na hindi ina ako ng ama ninyo.
13:30.3
Nahihiyang ngunit sinserong pahayag naman ang bagong pag-ibig ng aking ina.
13:36.1
Jenny, sana itanggapin ninyo si Cesar para sa akin.
13:39.9
Pakiusap pa niya sa akin.
13:42.5
Dahil sa labis na panlulumo ay napasigaw ako sa pagkakataon.
13:46.2
Tutol papadudot.
13:48.5
Hindi po inay.
13:50.3
Kahit kailan ay hindi po mapapantayan ni Tito si Itay.
13:55.1
Si Itay ay si Itay.
13:57.5
Hindi siya mapapalitan ng kahit na sino.
14:01.7
Naintindihan ko pero sana anak.
14:04.2
Hayaan mo akong maging masaya ulit sa buhay.
14:07.0
Tila nagmamakaawa na si inay sa akin noon.
14:10.7
Minahal ko naman ang tatay mo pero hindi ako naging masaya sa piling niya.
14:15.7
Jenny,
14:16.2
kay Cesar ko naramdaman yung kasiyahang hindi ko naramdaman dati sa ama mo.
14:22.3
Anak, alam ko masyado ka pang bata para maintindihan ang lahat pero sana'y subukan mong maging masaya para sa akin.
14:30.1
Nagsalita naman si Tito Cesar para suportahan ang sinabi sa akin ni inay.
14:35.5
Jenny, hindi ko naman hinahangad na mapalitan ang ama ninyo sa mga puso ninyo.
14:40.4
Pero sana itanggapin ninyo ako para sa inay ninyo.
14:44.5
Mahal na mahal ko ang inay ninyo.
14:46.2
At handa akong ibigay sa kanyang lahat ng hindi na ibigay ng pagmamahal ni Badong sa kanya.
14:53.3
Kung pagbibigyan ninyo ako ni Chico ay handa akong maging ama sa inyo.
14:58.9
Paniniguro niya sa akin.
15:01.2
Ano po ba ang magagawa ko inay?
15:03.7
Wala naman po hindi ba?
15:05.7
Kahit na tumutol pa po ako ay hindi nyo rin naman po ako pakikinggan.
15:11.1
Sige po inay, gawin ninyo kung saan po kayo magiging masaya.
15:14.1
Sige po inay, gawin ninyo kung saan po kayo magiging masaya.
15:14.1
Sige po inay, gawin ninyo kung saan po kayo magiging masaya.
15:17.2
Ang sabi ko na lamang sa kanya kahit nalabag sa aking kalooban ang muling pag-ibig ni inay.
15:26.2
Papadudod hindi ko matago ang sobrang pagkadismaya sa nakita ko.
15:30.8
Pero wala akong magawa noon kundi ang tanggapin na lamang ang nakikita ko.
15:36.5
Pero syempre masakit yun sa akin at nawala ang aking pag-asa na mabubuo ulit kami.
15:43.3
Papadudod sinasabihin ko na hindi ko magiging magiging masaya.
15:44.1
Pinubukan ko naman at tanggapin ang bagong asawa ng aking ina.
15:48.2
Pero hindi ko talaga kaya.
15:50.5
Dahil doon ay nagpasya na lamang ako na mamalagi na lamang sa poder ni Lola.
15:56.2
Oo, masakit sa akin ng lahat pero wala talaga akong choice.
16:00.4
Kundi tanggapin ang lahat.
16:02.7
Siguro ay talagang nakatadhana talaga na lumaki kami ni Chico sa isang sirang pamilya.
16:08.6
Papadudod lumipas ang maraming buwan at taon
16:11.4
ay naging masaya naman si inay sa piling nila.
16:14.1
At dahil sa hindi sila kasal ni Itay kaya nagawa ni inay na magpakasal sa bago niyang lalaki.
16:23.6
Hindi nga naglaon ay nabunti si inay.
16:26.2
Syempre masaya sila sa mga nangyari pero ako hindi.
16:31.4
Mas nawala ang pag-asa kong mabubuo ulit ang pamilya ko.
16:36.3
Alam nyo po ba Lola?
16:39.1
Naiingit ako sa mga kaklasiko kapag nakikita kong buo ang pamilya nila.
16:42.9
Dali kong magbubuo na sila.
16:44.0
Buti pa sila may umayakap sa kanila.
16:46.7
May bumabati sa kanila kapag mataas ang nakukuha nilang grades.
16:51.3
Buti pa sila may mga magulang na handang manood at sumuporta sa kanila tuwing Foundation Day.
16:58.3
Buti pa sila may mga magulang na nagtatanggol po sa kanila kahit may umaaway.
17:04.9
Sa totoo lang Lola, palagi po akong umiiyak at nag-aabang sa pagbabalik nila.
17:11.6
Pagpapasok siya sa mga magulang na mag-aabang sa pagbabalik nila.
17:11.8
Agat sa pagbabalik nila.
17:11.8
At pagbabalik nila.
17:11.9
Ang pagbabalik nila.
17:11.9
At pagbabalik nila.
17:11.9
Mento ko noon sa aking lola habang nagdurugo ang aking puso deep inside.
17:17.8
Bakit na po? Hindi ko ba nagagawa ang mga yon ng mas maayos?
17:23.4
Concern niyang tanong sa akin.
17:26.1
Nagagawa naman po kaso lola iba pa rin po kasi yung mga magulang pagtatapat ko.
17:33.6
Medyo nasakt na naman si lola sa sinabi ko at huli na nang napansin ko yon.
17:38.5
Hindi pa ba ako magulang sa paningin mo Jenny? Apo?
17:44.3
Alos buong buhay ko ay nilaan ko na sa pag-aalaga sa inyo ni Chico.
17:48.2
At kahit na matanda na ako ay hindi na ako makagawa dahil sa katandaan ko pero pinipilit ko pa rin kasi ayaw kong magkulang sa inyo.
17:58.9
Sinisikap kong maibigay sa inyo ang pagmamahal na hindi na ibibigay ng mga magulang ninyo.
18:05.5
Apo kulang pa ba yon?
18:07.0
Tanong pa niya sa akin.
18:10.0
Agad ko namang na-realize ang aking pagkakamali papadudot.
18:14.4
Hindi po lola. Pasensya na po.
18:18.7
Naiintindihan naman kita. Lola nyo lang naman ako.
18:22.6
Iba pa rin yung pagmamahal ng isang magulang. Malungkot na wika ni lola.
18:28.2
Agad ko namang siyang niyakap papadudot.
18:31.5
Lola huwag na po kayong magtampo sa akin.
18:35.2
Hindi ako nagtatampo sa inyo.
18:37.0
Normal lang sa mga batang tulad ninyo na hanapin ang kalinga ng inyong totoong magulang.
18:44.6
Kaso nga'y hindi maibigay ng mga magulang ninyo ang kailangan ninyong kalinga at pagmamahal.
18:50.2
Iyon ang malungkot na katotohanang sinabi niya sa akin.
18:54.5
Pero lola, gusto ko lang pong malaman ninyo na proud po ako sa inyo.
19:00.6
Nagpapasalamat po ako sa inyo kasi palagi po kayong nandyan sa tabi namin ni Chico.
19:04.9
Kayo po ang kasakasama ko sa bawat tagumpay na nakukuha ko po sa eskwelahan.
19:11.9
Wika ko naman nang sa ganun ay mawala ang lungkot ni lola.
19:17.0
Kung alam mo lang kung gaano kita pinagmamalaki apo.
19:21.3
Wika niya tapos ay napangiti na siya sa akin.
19:25.0
Pero apo, ganun pa man eh, huwag pa rin kayong magtatanim ng sama ng loob sa mga magulang ninyo ha?
19:32.5
Nakaramdam ako ng labis na kalungkutan.
19:34.9
Sabihin niya yun.
19:37.1
Ewan ko po lola, kung magagawa ko po yan.
19:41.1
Ang totoo po niya na gusto ko pong hanapin si Itay.
19:44.5
Marami po akong isusumbat sa kanya.
19:47.4
May hinanakit kong sabi.
19:50.0
Apo, huwag ganyan.
19:52.1
Ama mo pa rin siya kahit na ano ang mangyari.
19:55.4
Paalala sa akin ni lola.
19:58.1
Pasensya na po lola.
19:59.9
Wika ko bago huminga ng malalim.
20:03.8
Kaya nga po palagi.
20:04.9
Kaya nga po palagi kong ipinagdarasal sa Diyos.
20:07.3
Nasanay pahabain pa niya ang buhay ko para masubaybayan ko ang paglaki ninyo.
20:12.8
Gusto kong makita ko kayong dalawa ni Chico hanggang sa magkaroon kayo ng kanya-kanyang pamilya.
20:19.3
Sabi pa sa akin ni lola.
20:21.5
Muli kong niyakap ang aking lola at nagpasalamat ako sa Diyos dahil minigyan pa rin niya kami ng isang mabuting guardian na katulad ng aking lola.
20:31.7
Papadudot iginapang kami ni lola para makapag-aral.
20:34.9
At kahit sobrang hirap sa buhay ay gumawa siya ng paraan para mabuhay niya kami.
20:40.9
Nanahi at gumagawa ng mga handicraft bag tapos ay nananahirin siya ng mga damit.
20:46.9
Samantala ay ginagawa ko naman ang lahat para may pagkakitaan ako.
20:52.2
Nagtinda ng kung ano-anong pagkain sa school tulad ng mane, yema at iba pa.
20:58.4
Pero papadudot kasabay noon ang panlalait ng mga kaklasiko na kesyo.
21:03.6
Wala akong magulang.
21:04.9
Hinis ko na lamang yun at hindi pa rin ako tumigil na umasa na isang araw matuto pa din ang hiling ko.
21:14.1
Kaso sa paglipas ng panahon ay unti-unting humina ang loob ko at minsan ay naisip ko na lamang na magpakamatay.
21:23.7
Lola, umiiyak kong tawag sa kanya.
21:27.9
Lumapit naman siya kaagad sa akin at inalo ako.
21:32.2
Nagtatampo ka ba sa akin?
21:33.4
Kasi hindi ako nakapunta sa gadoon.
21:34.9
Patawarin mo ako apo ha?
21:38.4
Masyado kasi akong abala sa pagtapos sa pananahin ng mga togang pinagawa sa akin ni Mang Itoy.
21:44.7
Minamadali niya kasi ako.
21:46.8
Nakapangako naman ako kaya inuna ko muna yun.
21:51.1
Ang inay mo naman, hindi rin makakapunta kasi naglilihi siya.
21:56.0
Masama ang pakiramdam niya.
21:58.7
Jenny, pasensya ka na talaga.
22:00.7
Huwag kang mag-alala at sa susunod na graduation mo ay sinisigurado
22:04.2
ko sa iyo na makakadalo na ako.
22:07.3
Senserong paumanhin niya sa akin.
22:10.0
Nga pala, ito ba yung mga medalya mo?
22:13.9
Binabati kita apo at pinagmamalaki kita.
22:17.7
Agad ko namang pinahid ang luha sa aking mga mata.
22:21.4
Alam niyo po, Lola, hindi po mahalaga sa akin kung ilang medalya ang matanggap ko.
22:27.3
Ang mahalaga ay maging proud kayo sa akin, ang sabi ko sa kanya.
22:33.6
Proud naman.
22:34.2
Proud naman ako sa iyo, hindi ba?
22:35.8
Ang wika ni Lola.
22:38.1
Kaso si inay, pinagmamalaki din po ba niya ako?
22:42.6
Yun naman ang tanong kong walang kasiguraduhan kung may sagot.
22:47.6
Apo, alam ko na ipinagmamalaki ka ng inay mo sa mga nakamit mong tagumpay.
22:54.7
Pampalubag loob na wika ni Lola sa akin.
22:58.4
Lola, kung alam niyo lang po kung ano yung nararamdaman ko kanina.
23:02.5
Malungkot kong sabi sa kanya nang maalala ko ulit yung malungkot na eksena sa graduation ko.
23:10.2
Sa lahat kasi, ng mga estudyante ako lang ang walang magulang.
23:16.0
Teka, kasama mo naman si Aling Seline na pumanhikt sa entablado, hindi ba?
23:23.1
Nagpatuloy naman ako sa pagsasalita.
23:26.1
Opo.
23:27.4
Kaso Lola, iba pa rin yung mismong kayo o yung mga magulang.
23:32.5
Alam ko ang magsasabit sa akin ng medalya.
23:35.4
Ang totoo po niyan Lola, halos mayayak po ako kanina kasi pakiramdam ko ay mag-isa lamang po ako.
23:42.4
Walang nagmamahal sa akin.
23:45.4
Naiingit po ako sa mga kaklasiko.
23:48.1
Kahit na wala silang award na nakuha pero masaya pa rin silang kasama ang mga magulang nila.
23:54.8
Samantalang ako kahit na tambakan pa nila ako ng medalya, e hindi pa rin ako magiging masaya kasi wala po kayo doon.
24:01.6
Ang kwento.
24:02.5
Ang kwento ko sa kanya.
24:05.4
Naiintindihan kita apo.
24:07.7
Naiikwento nga sa akin ni Seline na iyak-araw ng iyak habang sinasabit ang kanya ng medalya.
24:12.8
Kumalat daw yung make-up mo sa mukha.
24:15.2
Malungkot niyang sabi.
24:17.5
E sino po bang hindi iyak doon?
24:19.7
E nakikita ko po yung mga kaklasiko na kaliwat ka nang nandyan ang mga magulang.
24:25.4
Lola, hiling ko po sana sa Diyos na sana'y magkabalikan ulit ang mga magulang ko.
24:31.1
Yun naman ang sabi ko sa aking lola na alam kong hindi na rin matutupad ng Diyos dahil may kanya-kanyang buhay na ang aking mga magulang.
24:42.7
Hanggang ngayon e umaasa ka pa rin ba dyan?
24:46.0
Hai apo, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Lalo ka lang masasaktan niyan. Concern niyang sabi sa akin.
24:54.9
Ngunit ng mga panahon na yon ay puno pa rin ako ng pag-asa kahit na walang assurance kung makakasama.
25:01.1
Nakamit ko ba talaga yon o hindi?
25:04.0
Hindi pa rin ako nawawala ng pag-asa, Lola.
25:07.2
Baka maawa po sa amin ni Chico ang Diyos at gumawa siya ng himala.
25:13.8
Samantala inapan si ni Lola na buhol-buhol ang mga kumot ko.
25:18.8
At alam niya agad ang ibig sabihin noon.
25:22.2
Inaming ko naman sa kanya na nagtangka nga akong magpakamatay.
25:26.9
Hindi sagot ang pagpapakamatay, apo.
25:29.1
Nagsisimula ka pa lang sa buhay mo at maliit pa lang yung pinagdaraanan mo, kumpara sa akin.
25:37.5
Jenny, marami ka pang pagdaraan ng mga pagsubok sa buhay at hindi sagot ang pagpapakamatay.
25:44.5
Apo, magpakatatag ka kasi humingi ka ng tulong sa Panginoon.
25:49.8
Hilingin mo sa kanya na bigyang kanya ng lakas at tibay ng loob.
25:55.6
Huwag kang sumuko.
25:57.2
Naiintindihan mo ba ako?
25:59.1
Nag-aalalang wika ni Lola sa akin.
26:02.9
Tumangon naman ako bilang sagot kay Lola.
26:06.2
Jenny, apo.
26:07.9
Alam ko ang nararamdaman mo pero huwag mong isipin na nag-iisa ka.
26:12.2
Nandi dito ako, kami ng kapatid mo.
26:14.7
Handa kaming tumulong at dumamay sa'yo.
26:18.0
Hindi ka nag-iisa at kasama mo kami.
26:21.0
Mahal na mahal ka namin, Jenny.
26:23.2
Yun ang assurance na ibinigay sa'kin ni Lola.
26:26.2
Dahil doon ay labis akong nakonsensya at humingi ako.
26:29.1
Nang tawad sa Panginoon dahil sa tangka kong pagpapakamatay.
26:35.3
Papadudot iyon ang isa sa mga hindi ko makakalimutang sakit na naramdaman ko
26:40.4
ang pumanhik sa entablado ng walang kasamang magulang
26:43.8
para magsabit sa'yo ng medalya.
26:47.8
Dahil doon ay wala akong ginawa kundi ang umiyak na lamang.
26:51.8
May pagkakataon na nagtangka akong magpakamatay
26:54.3
pero napag-isip-isip ko rin na imbes na sirain ko ang buhay ko
26:58.0
ay bumangon ako mula sa pighating nararanasan ko.
27:02.2
At yun nga ang ginawa ko.
27:04.4
Nilabanan ko ang lahat ng pagsubok na dumating sa'kin.
27:08.0
At ilang taon nang lumipas, nakasurvive din ako
27:10.6
sa masalimuot na buhay ko noong bata pa ako.
27:15.3
Papadudot simula nang umalis ang aking ama
27:17.5
ay pinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko siya.
27:22.0
Labing apat na taon nang lumipas pero nabigo ako.
27:25.5
Hanggang sa isang araw ay hindi ko inaasahan
27:28.0
muli kong makikita si Itay.
27:32.0
Patawarin ninyo ako kung hindi ako nagpakita sa inyo ng mahabang panahon.
27:37.3
Pinagsisisihan ko yung ginawa kong pangiiwan sa inyo.
27:41.7
Hindi ko namang kayo mahanap kasi matanda na ako.
27:45.1
Madalas akong magkasakit.
27:47.8
Maintindihan nyo sana ako mga anak.
27:50.4
Wika sa amin ni Itay.
27:52.9
Kasama ko rin noon si Chico na tuwang-tuwa na muling makita ang aming ama.
27:58.0
Wala na po sa akin yung Itay.
28:00.1
Naiintindihan ko.
28:01.8
Ang mahalaga lang po ay nagkita po ulit tayo.
28:05.1
Sagot ko naman sa kanya.
28:08.0
Siya nga pala. Kumusta ang nanay ninyo?
28:10.6
Curious na tanong niya.
28:13.4
May asawa at ibang pamilya na si Inay.
28:16.5
Masaya na po siya sa buhay niya ngayon.
28:18.9
Ang kwento ko naman.
28:21.4
Ganun ba?
28:22.5
Mabuti kong ganun.
28:24.2
Malungkot na wika ni Itay sa amin.
28:27.2
Eh,
28:27.9
eh kayo po Itay.
28:29.6
Kumusta na po kayo?
28:31.2
Tanong naman ni Chico sa aming ama.
28:34.3
Ayos naman kahit na naging isa.
28:37.0
Hindi na ako nag-asawa simula nung naghiwalay kami ng inay ninyo.
28:41.3
Eh kayo,
28:42.7
nabalitaan ko na ang lola ninyo ang nagpalaki sa inyo.
28:47.2
Heto, sa loob po ng maraming taon ay malungkot kami.
28:50.7
Umaasa na muling maibabalik ang masayang pamilya natin.
28:53.8
Kaso,
28:54.9
hindi po kami pinagbigyan ng Diyos.
28:57.9
Pagtatapat ko sa aking ama.
29:01.2
Agad namang kaming inakbayaan at hinagkaan ng aming ama.
29:06.3
Mga anak, malaki ang pagkakasala ko sa inyo kasi binigyan ko kayo ng sirang pamilya.
29:12.5
Alam ko dahil doon kaya naging malungkot ang buhay ninyo.
29:16.4
Pero pinagsisisihan ko na yon.
29:18.8
Hindi bali ngayon nagkita na ulit tayo ay hayaan niyo akong bumawi sa inyo.
29:23.3
Yun ang pangakong binitawa ni Itay sa amin ng kapatid ko.
29:26.9
At,
29:27.9
papadudot pagkatapos noon ay naging okay naman ang lahat.
29:32.3
Bagamat ayaw tanggapin si Chico ng mga kamag-anak ni Itay dahil nga sa bata pa ito noong iwan ito.
29:38.2
Pero kinalauna na inatanggap din kaming dalawa.
29:41.6
Tumira kami sa bahay ng Itay ko pero hindi rin nagtagal
29:44.5
dahil sa samudsa rin parinig na mga pinsang ko
29:47.5
na naghahabol daw ako kay Itay kaya minabuti ko ng tumayo ako sa sarili kong mga paa.
29:53.9
Papadudot umalis ako doon at naghanap ulit ng trabaho
29:56.7
at bahay ko.
29:57.7
Ang bahay na matutuluyan at sa awa ng Diyos
30:00.4
ay sinungwerte ako.
30:03.1
Nakahanap ako ng trabaho
30:04.6
at naramdaman ko kung paano magkaroon ng pamilya at maging masaya
30:08.9
kasama ang amo at mga kasamahan ko.
30:12.6
Pero papadudot hindi pa ako tumigil na mangarap na sana'y mabigyan
30:16.6
ng pagkakataong mabuo kami kahit namukang imposible.
30:21.2
Ang maramdaman ko na meron akong tinatawag na pamilya.
30:24.8
Oo nga may ibang taong nandyan para damayan
30:27.6
ako pero iba pa rin sa pakiramdam.
30:31.5
Ang maramdaman ng tunay na pag-aaruga galing sa mga magulang.
30:36.9
Hanggang ngayon,
30:38.9
umaasa pa rin ako.
30:42.0
Papadudot hanggang dito na lamang ang aking kwento.
30:45.2
Sana'y mapili po ninyong i-erre ito at maging gabay na rin sa inyong tagapakinig
30:50.4
lalo na sa mga magulang at sa mga magiging magulang pa lamang
30:54.8
na ang anak ay siyang lubos na nagdududot.
30:57.6
Sa lahat ng mga problema ng pamilya.
31:01.1
God bless and more power to your station.
31:04.0
Thank you in advance at lubos na nagpapasalamat.
31:07.3
Jenny.
31:08.4
Alam mo Jenny, ang pagmamahalan ang pinakapundasyon ng masayang pamilya.
31:14.6
Mawala yun na isiguradong masisira ang lahat
31:17.4
ng mga ala-alang pinaghirapang buuin ng bawat kasapi ng pamilya.
31:23.2
Ganun pa man kung ikaw ay lumaki sa isang broken family
31:25.9
ay hindi pa rin huli ang lahat.
31:27.6
Para bumangon mula sa pagsubok na kinakaharap ninyo.
31:32.4
Hindi ka pinanganak para magdusa habang buhay dahil ibibigay sa iyo ng Diyos.
31:38.4
Ang mga taong pwedeng tumulong, magmalasakit at magmahal sa iyo.
31:43.7
Tulad na lamang yung nangyari kina Jenny at kay Chico.
31:47.5
Ang lola nila ang ibinigay sa kanila ng Diyos
31:50.3
para puna ng mga pangangailangang hindi may bigay
31:53.8
ng mga naghiwalay na mga magulang.
31:56.2
Basta mga ka-online, manatili pa rin tayong positive sa buhay
32:01.8
kahit na nagmula tayo sa isang broken family.
32:05.3
Tandaan natin at tumulong kung kinakailangan
32:08.0
sa muling pagbuo at paghilom ng nawasak na pamilya.
32:13.6
Pero kung hindi na talaga kayang buuin,
32:16.1
huwag mawala ng pag-asa at magpatuloy lamang sa buhay.
32:20.3
At isabuhay mo ang mga aral na natutunan mo sa loob ng isang broken family
32:24.4
nang sa ganoon ay hindi mangyari ito sa pamilyang balak mong itayo.
32:30.9
Maraming salamat sa iyo Jenny sa pagbabahagi mo ng iyong kwentong tungkol sa pamilya.
32:36.6
God bless and more power sa iyo.
32:39.9
Huwag kalimutan na mag-like, share and subscribe
32:43.2
sa lahat po ng mga nakatutok sa Papa Dudut YouTube Channel.
32:48.0
Maraming salamat po sa inyong lahat.
32:50.1
Ang buhay ay mahihwaga.
32:54.4
Laging may lungkot at saya
33:00.4
Sa Papa Dudut Stories
33:05.9
Laging may karamay ka
33:11.4
Mga problemang kaibigan
33:22.1
Dito ay pakikita
33:24.4
Pakinggan ka
33:28.4
Sa Papa Dudut Stories
33:32.4
Kami ay iyong kasama
33:40.4
Dito sa Papa Dudut Stories
33:44.4
Ikaw ay hindi nag-iisa
33:50.4
Dito sa Papa Dudut Stories
33:52.4
Ikaw ay hindi nag-iisa
33:54.4
Papa Dudut Stories
33:58.0
Ikaw ay hindi nag-iisa
34:00.4
May nagmamahal sa iyo
34:05.4
Papa Dudut Stories
34:11.9
Papa Dudut Stories
34:13.4
Papa Dudut Stories
34:17.9
Papa Dudut Stories
34:19.4
Papa Dudut Stories
34:20.4
Papa Dudut Stories
34:22.4
Papa Dudut Stories
34:23.4
Papa Dudut Stories
34:23.5
Papa Dudut Stories
34:24.0
Papa Dudut stories
34:24.0
Papa Dudut Stories
34:24.4
Thank you for watching!