Close
 


Mga Pinaka Palpak Na Ideya Ng Mga Kriminal
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #crime #funny #facts
Moobly TV
  Mute  
Run time: 08:53
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang mga kriminal na ito ay madali lang nahuli ng mga pulis dahil na rin sa kanilang sariling kagagawan.
00:06.2
Alamin natin kung paano.
00:08.2
Advance mag-isip
00:09.5
Noong 2010, binalak ni Albert Bailey at isang kasamahang binata na hold upin ang isang bangko sa Fairfield, Connecticut.
00:17.3
Nabahala siya na baka tumagal ang kanilang pagnanakaw at may makapansin kapag sinarado nila ang bangko.
00:23.0
Kaya naman, bago magpunta ang dalawa, tinawagan muna ni Bailey ang bangko na papunta sila doon upang magnakaw.
00:30.0
Ginawa niya ito sa pag-aakalang ihahanda ng bangko ang pera at pagdating nila ay dadamputin na lang nila ito.
00:36.7
Siyempre, agad na tumawag ang bangko sa mga otoridad at pagdating ng dalawang magnanakaw ay agad silang dinamput ng mga pulis.
00:45.1
Cellphone number
00:46.1
Noong 2018, nang hold up ng isang muffler shop si Ruben Zarate, isang 18-year-old na binata mula sa Chicago.
00:54.2
Nang hiningi na niya ang pera sa shop, sinabihan siya ng attendant na ang pera ay nakatago sa isang safe
00:59.3
na ang kayang bumukas lamang ay ang manager.
01:02.4
Ang manager ay wala pa sa shop dahil magsisimula pa lang ang work schedule nito pagkatapos ng ilang oras.
01:08.7
Dahil nainip si Zarate, binigay na lang niya ang kanyang number sa attendant upang tawagan siya kapag dumating na ang manager.
01:15.6
Nang umalis si Zarate, agad na tinawagan ng attendant ang mga pulis, saka tinawagan si Zarate upang sabihan na nandoon na ang manager.
01:24.1
Pagdating ni Zarate, napansin niya ang mga pulis kaya nakipagbarilan siya ng ilang minuwa.
01:29.3
Bago tuluyang maaresto.
01:32.4
Walang kasing malas.
01:34.8
Nang sinubukan pumasok ni Darren Kimpton sa isang bahay upang magnakaw, nasugatan siya.
01:40.5
Kaya hindi na niya ito itinuloy.
01:42.6
Umuwi na lang muna siya upang gamuti ng sugat.
01:45.3
Ang hindi niya alam, pumatak pala ang kanyang dugo sa lugar kaya madali lang siyang makilala ng mga pulis gamit ang kanyang blood sample.
01:53.9
Pero hindi ito ang pinakamalaking kamalian niya noong araw na iyon.
01:57.4
Dahil pagkatapos gamuti ng kanyang sugat, humili ng panibagong bahay na aakitin at pagnanakawan si Darren.
02:04.6
Ang hindi niya alam, ang bahay palang iyon ay napagnakawan na ilang oras lamang bago siya dumating.
02:10.8
Pagpasok niya, nandoon na ang mga pulis na nag-iimbestiga sa unang pagnanakaw.
02:15.9
Di nagtagal ay nalaman din ng mga pulis na sinubukan niyang magnakaw sa isa pang bahay nang itest nila ang kanyang dugo.
02:24.3
Nakasabit lang.
02:25.1
Umaga nang inakyat ng isang lalaki ang isang bahay sa England.
02:29.1
Napili niyang dumaan sa isang maliit na butas sa bintana.
02:32.3
Pero noong napasok na ang kanyang buong katawan, naipit sa window frame ang kanyang pantalon.
02:38.1
Hindi niya itumaalis, kaya ngayon ay nakasabit na lang siya malapit sa bintana.
02:43.6
Sinubukan niyang basagi ng bintana gamit ang kanyang dalang martilyo, pero hindi niya maabot ang parteng nakaipit sa kanyang pantalon.
02:50.8
Di nagtagal ay dumami na rin ang mga tao sa paligid upang tawanan.
02:55.1
At bantayan ang nakasabit na kriminal.
02:58.3
Sinubukan niyang kumbinsiin sila na pumasok siya upang pigilan ng isa pang magnanakaw, pero walang naniwala sa kanya.
03:05.5
Nakasabit lang siya sa bintana hanggang sa dumating ang mga pulis.
03:10.3
Walang alam sa batas.
03:12.2
Umaga iyon nang subukang akitin at nakaw ni James Blankenship ang bahay ng kanyang sariling ina.
03:17.8
May nangyari sa loob na tila nakatakot sa kanya kaya agad silang nagtago sa ilalim ng bahay.
03:24.3
Para kay James,
03:25.4
kahit makita man siya ay hindi naman siya pwedeng hulihin dahil sinubukan niyang magnakaw sa umaga.
03:31.1
Nagulat na lamang siya nang nakita siya ng mga pulis.
03:34.6
At pwede palang ikulong ang isang tao para sa kasong burglary kahit ginawa niya ito sa umaga at hindi sa gabi.
03:41.4
Uulitin ko ha, inakala ni James na hindi pwedeng makulong sa kasong burglary ang isang tao kapag ginawa niya ito sa umaga at hindi sa gabi.
03:50.9
My Disability
03:52.1
August 1995, Berlin
03:55.4
Pumasok at nang hold up ng isang bangko si Klaus Schmidt.
03:59.0
Takot na takot ang mga tao sa loob, lalo na ang mga teller na pinakuha ni Klaus ng pera.
04:04.5
May dalang handgun si Klaus kaya sumunod lang ang mga teller sa kanyang gusto.
04:09.1
Sa katunayan, tinanong pa nga ng teller si Klaus kung kailangan ba niya ng bag para sa pera upang umalis na si Klaus.
04:15.7
Doon biglang nagbago ang sitwasyon.
04:17.8
Sa tanong kung kailangan ba niya ng bag, sinagot ni Klaus na totoo ang kanyang dalang baril.
04:22.7
Doon na napagtanto ng mga teller.
04:25.1
Nabingi pala ang nag-hold up sa kanilang bangko.
04:28.1
Agad na pinindot ng teller ang kanilang alarm na siyang narinig ng mga pulis, pero hindi ni Klaus.
04:33.9
Akala niya ay maganda lang ang takbo ng kanyang krimen.
04:37.0
Nang mahuli si Klaus, sinubukan niyang mag-file ng kaso sa bangko dahil sa pag-abuso umano nito sa kanyang disability upang makalaya sa hold up.
04:46.4
Dumb and Dumber
04:47.8
Karaniwan sa mga kriminal ay gumagamit ng maskara o nagsusuot ng hood upang hindi makita ang kanilang mukha
04:53.7
habang isinasagawa ang krimen.
04:56.0
Pero gustong maging kakaiba ni na Joey Miller at Matthew McNeely.
05:00.4
Imbes na magmaskara, ginuhitan lang nila ng permanent marker ang kanilang mga mukha.
05:05.5
Gumana ito dahil hindi sila nakakilala ng mga biktima.
05:09.0
Nagsimula ang kanilang problema pagkatapos nang tinanong ang mga biktima kung ano ang natatandaan nila sa mga kriminal.
05:16.1
Sinabi nila na may guhit ng permanent marker ang dalawa.
05:19.8
Bakit ito naging problema?
05:21.5
Ang permanent marker ay napakahirap burahin.
05:23.5
Malalaman mo ito sa pangalan pa lang na Permanent Marker.
05:27.5
Dahil marami pang marka ng permanent marker ang mga mukha ng dalawa, madali lang silang na-identify ng mga polis at agad na nahuli.
05:35.5
Para sa kanilang permanent marker na disguise, binigyan ng palayaw ang dalawa na Dumb and Dumber.
05:41.5
Invisible Ako
05:43.5
Isang gabi, sinubukang pasukin ang isang lalaki ang bahay ng isang mag-asawa sa US.
05:48.5
Nang mapansin ng mag-asawa ang magnanakaw, agad silang sumigaw at tinawagan ang mga polis.
05:54.5
Tumakbo naman ang magnanakaw upang tumakas.
05:57.5
Pero pagdating ng mga otoridad, doon nila napagtanto na hindi pala umalis ang magnanakaw.
06:02.5
Imbes na tumakbo pa palayo, napili nitong umupo sa garden chair ng bakuran ng mag-asawa.
06:08.5
Inakala ng magnanakaw na kung uupo lang siya ng normal at hindi gagalaw o matatakot, hindi siya mapapansin ng mga polis at hindi magsususpet siya sa kanya.
06:17.5
Doon siya nagkamali, agad siyang nakita ng mga polis at hinuli.
06:22.5
Baseball bat lang
06:24.5
Nakahanda na si Derek Mosley.
06:26.5
Magnanakaw siya sa isang shop sa araw na ito at may dala siyang baseball bat upang gamiting panakot.
06:32.5
Nang makapasok na siya sa shop, nagulat ang manager pero hindi siya natakot.
06:37.5
Agad lang kumuha ng barilang manager at ngayon ay si Derek naman ang nasa alanganin.
06:42.5
Wala siyang magawa kundi manatili sa shop habang paparating ang mga polis.
06:46.5
Naitanong si Derek.
06:47.5
Anong nalang ni Derek kung saan siya nagkamali?
06:49.5
Di nagtagal, naisip din niya na dapat ay hindi baseball bat ang ginamit niyang panakot lalo na at ang shop na hinold up niya ay isang kilalang gun store.
06:58.5
Ito ang rason kung bakit madali lang nakakuha ng baril ang manager.
07:02.5
Di nagtagal ay dumating din ang mga otoridad upang hulihin si Derek.
07:07.5
Nakakapagod
07:09.5
Noong 2007, tagumpay na naakyat ni Mark Smith ang isang bahay na plano niyang nakawan.
07:15.5
Masaya siya dahil napasok niya ito ng mga polis.
07:16.5
Habang nagnanakaw, bigla siyang nakaramdam ng pagod at antok dahil sa kalasingan.
07:23.5
Imbes na umalis na lang doon at magpahinga sa kanila, mas pinili ni Mark na humiga sa higaan ng pinagnakawan niyang bahay at magpahinga muna.
07:31.5
Sa sobrang sarap ng tulog ni Mark, ang mga polis na ang gumising sa kanya at nakulong siya ng 18 months.
07:38.5
Ang kakaibang Disguise
07:41.5
Nang hold upin ang 48-year-old na si Dennis Hawkins ang isang bangko sa pulo.
07:45.5
Madali lang niyang nakuha ang pera at umalis.
07:49.5
Ang problema lang ni Dennis ay siya na siguro ang may pinakapangit na disguise sa lahat ng sumubok na magnakaw.
07:56.5
Nagpanggap na babae si Dennis at nagsuot ng peking blonde wig, peking boobs at nagpantalon ng clown pants na may napaka-bright na colors.
08:05.5
Higit sa lahat, habang nakadisguise na babae, hindi man lang nag-shave ng kanyang makapal na bigote si Dennis kaya halatang halata siya.
08:13.5
Pagkatapos niyang magnakaw, sinubukan niyang magnakaw ng sasakyan sa isang kalapit na gas station, kung saan agad na nagsuspect siya ang attendant unang kita pa lang sa kanya.
08:23.5
Tinawagan nito ang polis at madali lang nilang na-identify si Dennis dahil sa napakahalatang disguise nito.
08:29.5
Natawa ka man sa kwento ng mga kriminal na ito, kailangan mo pa rin alalahanin na mali ang kanilang ginawa at magpasalamat na lang tayo na nahuli sila ng mga otoridad.
08:40.5
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan.
08:41.5
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan.
08:42.5
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan.
08:43.5
Huwag kalimutan mag-subscribe sa Bubli Youtube Channel at pindutin ang notification bell.