Close
 


Nagluto ako ng Ginataang Pusit at Nag bahagi ng kaunting tulong para sa mga Katutubo
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

Mindoreñang Mangyan
  Mute  
Run time: 10:54
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ngayong araw nga pala ay magpapaabot uli kami ng tulong para sa mga katutubo namin mangyan dito sa may lugar namin
00:06.0
kaya't eto, umagang-umaga pa nga lamang ay abala na ang lahat sa pag-iintindi.
00:10.2
Sobrang nakakatuwa din lamang talaga na marami pa din talagang tao na mga handa at kusang tumutulong sa mga taong labis na nangangailangan.
00:17.7
Magpapamigay nga kami ng ilang goods para sa mga katutubo at maraming salamat talaga sa buhay nga ng profesor nung asawa ko at sa kanyang ilang mga kaklase.
00:25.3
At kahit pa nga malayo yung kanilang pinanggalingan at lumuwas pa sila papunta dito sa Mindoro mula sa Maynila ay dito nga nila napili na gawin nga yung kanilang mission.
00:34.6
Tunay nga na maraming pa din talagang mabubuting tao at busilak ang puso sa pagbibigay.
00:38.9
At sabi nga ay mas nalulugod ng Panginoon sa mga taong naghihindaluyan din ng pagpapala para sa ibang tao.
00:44.7
Kaya naman sa mga taong nasa likod ng mga biyaya na ito, nawa nga ay patuloy pong ibuo sa inyo ng Diyos ang rumaragasang pagpapala.
00:52.8
At ayun na nga habang abala naman yung iba.
00:55.3
Sa pagliripak ay dini nga niya ay abala naman kami ni tatay at nagaluto nga pala kami ngayon ng adobong baboy na ipapaulam para sa mga mangyan.
01:04.2
Isa din talaga itong adobo sa paboritong ulamin ng lahat at napakadali din laang naman lutuin.
01:09.1
Ayan nga nitong malambot na yung karing baboy, inilagay na nga din yan yung patatas.
01:12.7
Mahigit 15 kilos na karning baboy nga lamang pala itong niluto namin ngayon para sa mga katutubong mangyan na mahigit kumulang daw na 30 pamilya.
01:20.6
Doon sa huling lugar ang mga mangyan na pinapag-outreachan namin ay umaahon nga kami ng bundok.
01:24.6
Pero ngayon nga.
01:25.3
Ay dito lamang sa may katabing barangay namin.
01:27.8
At etong nga itong malapit ng maluto ay nagbuhos nga lamang kami din yan ng suko at pagkatapos ay inilagay na rin nga namin itong ilang perasong nilagang itlog.
01:35.4
Ay ko ay sa puntong ari habang nagaboy sa overman din ako ay parang nagugutom na nga niya ako at parang ako ay ansarap kumain ulit pagka rin niya ang ulam.
01:41.8
At ayun na nga mga mare dahil luto na itong ating adobo ay dihinango na nga din.
01:45.9
At dahil pasado alas 10 na nga rin ang umaga ay naghahin na nga rin muna kami din yan at sabay sabay muna kaming kumain bago nga kami pumunta dun sa pamayana ng mga mangyan.
01:57.1
Nakakatuwa nga ni din yung tingnan si ating kuning talaga namang alam na alam na bago kumain na hindi nakakalimutan man nalangin.
02:02.9
Ay kako nga ni kahit hindi na talaga sabihin ay marunong na at kahit nga medyo matagal ang panalangin aba ay marunong magintay at saka nga lamang mumulat kapag amen na.
02:11.0
At ayun na nga kain na kita mga mawe. Thank you po Lord sa lahat ng blessings.
02:15.9
And big shout out na nga rin po pala dito sa professor at sa mga kaklase nga rin ng asawa ko at salamat nga rin nga ho sa pagpasyal nyo dito sa amin.
02:24.3
At ayun na nga pagkatapos naman namin kumain din yan ay gumayak na nga rin kaming lahat at pupunta na nga kami ngayon dun sa pamayana ng mga mangyan.
02:32.3
Malapit din lamang naman rin sa may amin at kasunod na barangay nga lamang po pala ito at mahigit 10 minutes nga lamang pala yung naging biyahin namin at nakarating na rin nga kami dito sa lugar nila.
02:41.5
At kahit pangataga dito din lamang talaga ako ay first time ko nga lamang nakapunta dito.
02:45.9
At dito sa may lugar nila at ayun nga pagkarating na pagkarating namin ay nag-asikaso na rin nga kami dito sa aming mga ipamimigay.
02:52.4
At dito nga sa lugar nila ay mahigit 30 pamilya nga lamang daw ng mga mangyan yung naandito.
02:56.8
Pero ang maraming araw dito sa kanila ay mga bata kaya't ayun dinamihan na rin nga namin yung aming pinrepare ng mga pagkain para sa kanilang lahat.
03:03.9
Eto nga at pagkatapos namin maigayak lang ng pagkain ay nagumpisa na rin nga din yan si Prop Rasty sa kanyang mga pambungad na pananalita.
03:10.8
At bago nga namin iabot sa kanila yung tulong ay sila nga muna ipapakainin namin.
03:15.4
Siyempre bago kumain ay tinuruan nga muna namin silang manalangin.
03:18.9
Eto nga palang lugar na pinagdadausa namin dyan ay simbahan kaya alam kong batid na rin nga nila yung mga ganitong paraan na pananalangin.
03:25.8
At rin naman nga hong makulikot kung anak na si Ati Kuning ay talaga namang panay ang wow dun sa mga laruan at gustong gusto na nga ni kaagad humingi.
03:33.7
Panay nga ni ang pawaepek nitong batutan na ito at please nang please sa akin kung pwede daw siyang makabahagi ng isang laruan.
03:40.3
Ay di ayan pinagbigyan naman ng mga ibang kasamahan.
03:43.2
At ayun na nga pagkatapos manalangin ay di inabutan na nga lamang namin sila ng mga pagkain para ka kung hindi na nga ni sila kung saan saan papumunta.
03:51.6
Sabi pa nga nito mga kasamahan ko galing sa luwasan ay kapabait daw pala nito mga batang mangyan.
03:56.8
Ay sabi ko nga nila sa kanila ay gayaan ho talaga ang mga mangyan din sa amin, mababait at saka mayroong galang.
04:02.3
Nakakatuwa nga nang tingnan itong mga mangyan na bata na ito at talaga namang napakapupugi at ang gaganda.
04:06.9
At dito nga sa amin sa Mindoro ay talaga namang napakaraming mangyan dahil meron nga kaming iba't ibang tribo katulad ng Iraya, Alangan, Tadyawan, Taobuhid, Hanunoo at sa Karatagnon.
04:16.9
Kaya halos lahat din ho ng bayan dito sa amin sa Mindoro ay napakarami talagang mangyan.
04:21.8
At ayun pagkatapos nga namin mapakain silang lahat ay ako nga ni bigla ding nagutom kaya't ayan kumain nga muna kami dini sa may kabilang tabi.
04:29.8
Pati na nga rin itong asawa ko ay nakisalusalo na rin nga ni dini sa akin at palagay ko nga rin nagutom din sa mga batang nagakain.
04:36.9
At eto nga't pag kaya rin namin magpakain sa kanilang lahat, eto nga rin at inabot na rin namin itong mga munting handog para sa kanila.
04:43.7
Thank you Lord talaga sa mga taong nagiging daluyan ng pagpapala para nga ni sa mga katutubo namin mangyan.
04:49.0
Sobrang nakakatuwa din lamang talaga na may mga taong nga rin lumalapit sa akin at sabi nga rin nila ay gusto daw nilang tulungan at abutan ng tulong itong mga katutubo namin mangyan dahil sa napapanood nila sa mga vlogs ko.
04:59.0
Kaya labis din talaga yung galako na kahit papano nga na sa pagbibideo at pagbablog ko ay marami talagang kinakatok ang puso na magpabot nga rin ng tulong para dito sa mga katutubo namin na labis kang nangangailangan.
05:10.3
Nawa nga niyo ay patuli namin kayo maging katuwang sa mga ganitong pamamaraan at tawa nga ay patuli tayong pagpalayan ng Lord para mas marami pa tayo at mas higit pa nga na yung ating maabutan.
05:19.3
Alam kong labis din talaga ang kagalakan itong mga katutubo namin mangyan lalo pa nga itong mga bata na meron din nga silang mga bagong laruan.
05:25.7
At para sa mga katulad nilang madalang talaga makahawak ng mga ganyang laruan ay talaga namang isang kayamanan nila yan.
05:32.1
Abay tunay ka nga namang sa mga simpleng bagay na yan ay hindi matatawaran yung kanilang labis na kaligayahan.
05:39.3
And fast forward, eto nga nit pagkawin ko dito sa bahay ay kakoy magaluto nga niya ako ng apaulam ko dun sa aming mga bisita.
05:46.4
Meron nga ako ditong dalawang perasong malalaking pusit at kakoy nga niya agatan ko ari.
05:50.5
Pero bago nga yun ay papakuluin at papalambutin nga lamang muna natin ito.
05:54.3
O kaya naman naglagay na rin ako dyan yung mga pampalasa katulad ng asin, paminta, sibuyas, bawang at saka luya.
06:00.1
At papakuluan nga lamang natin ito ng mga ilang minuto hanggang sa lumambot gamit nga itong sprite na mismo.
06:05.8
Tinakluban ko na nga rin muna yan at ang mas mabilis nga ning lumambot.
06:09.2
At ayan makalipas nga na yung ilang minuto eto na nga niya at medyo malambot na kaya naman hinango ko na rin muna.
06:15.3
Yung garing ng dalawang malalaking pusit nga pala ay nabili ng asawa ko sa halagang 450 pesos.
06:20.6
Ay kako nga niya sa kanya ay daig mo pa ang maglilihi kung mapaibig ka nga ng garing niya at anong pagkakamahal.
06:26.1
Ay di ayun nga at nung magayat ko ng lahat ay di sinimulan ko na rin nga nang lutuin.
06:30.0
Bale ang una ko nga palang ginawa dito ay nagisa lamang ako dyan ng sibuyas, bawang at saka ng luya.
06:35.1
At kapag lumabas na yung kanyang aroma ay saka naman natin ilalagay etong ginayat nating mga pusit.
06:40.5
At para naman sa pampalasa naglagay nga lamang ako dyan ng kaunting asin at saka paminta.
06:45.2
At pagkatapos ay hinaluhalo ko nga lamang para magisa-gisa.
06:48.5
Kapag talaga usapang pusit.
06:50.6
Ito nga ay kadalas ang ginagatan dito sa amin sa bahay.
06:53.5
Ayan nga niya at nung medyo malambot na ay naglagay pala ako dyan ng pangalawang gata.
06:57.2
At nung medyo maiga-iga naman saka ako naman ilagay yung kakang gata o yung malapot na gata.
07:01.8
Paboritong-paborito nga namin lahat ito dito sa bahay at talaga namang paniguradong taob na naman nga ho ang isang kalderong kanin sa lagay na are.
07:08.1
At eto na nga mga mare, luto na ang ating ginataang pusit.
07:11.9
At ay so say talaga namang amoy pa lamang ay nakakagutom na.
07:15.8
At dahil meron nga kaming bisita ngayon, eto nga net magaluto din ako ng kaunting meriendahin.
07:22.6
Kalhating kilong karbonarahin nga lamang pala aring aluto ko at kami na may ailan-ilan din lamang din sa bahay.
07:28.7
Kaya nga na yung nung nakaraang Pasko pa sana gayak na alutuin, hindi nga niya matuloy-tuloy.
07:32.8
Kaya naman kako'y ngayon ko na lamang alutuin at ako'y medyo inasipag-sipag pa.
07:36.1
Ang simplihang luto din lang naman na re at kako nga niya mayiging may pamerienda dun sa aming mga bisita galing pang Maynila.
07:42.0
At ayun na nga bali, ang ginawa ko nga lamang pala diyan.
07:44.7
Iginis ako nga lamang pala itong century tuna, dini nga niya sa sibuyos at bawang.
07:48.9
At pagkatapos nung magisagis ako nga ay naglagay na rin ako diyan yung alas kay evaporada at saka itong all-purpose cream.
07:55.0
At nag-yariar din lamang pala ako dini na rin kaunting cheese at pagkatapos ay hinaluhalo ko nga lamang yan hanggang sa kumulo.
08:01.9
At kapag ganito nga nang maganda na yung kanyang pagkakalapot, ay saka naman natin ilalagay itong pasta.
08:07.4
Mahigit kalahating kilong pasta nga lamang pala ari at saktong-sakto lamang dini sa aking nilutong sauce.
08:12.8
Hinaluhalo ko nga lamang yan na maigi.
08:14.4
Nang kumapit nga nang yung sauce sa pasta.
08:16.6
At ayan, luto na ang ating creamy carbonara.
08:24.3
At ayun na nga, tiki man time.
08:26.3
Kain po tayo mga mawe.
08:28.0
Thank you Lord sa lahat ng blessings.
08:31.0
At ayun na nga, kinagabihan, idumating din nga dito itong mga bisita nung asawa ko, si Prof. Rusty at saka itong kanyang kaklaseng si Brother Alvin.
08:38.4
Sa katunayan nga, nahihihat talaga akong ipatikim sa kanilang luto ko at baka ako ay hindi masarap.
08:44.4
Ay, kahiya-hiya actually.
08:46.2
Pero hindi ko alam kung inabaw lang ako nitong dalawa at masarap naman daw at nakailang bulos nga ni daw sila ng garni.
08:52.0
Ay kakunganis sa kanila dahil sinabi nilang masarap, ay di may papagluto ulit sa sunod.
08:56.7
Ano po?
08:58.5
And fast forward, kinagabihan, pasado alas 8, medyo na nga ito ng gabi, kami nga din pala ay umuwi ng pola.
09:05.4
At dahil nga may bisita kami ngayon, ay sinamahan nga namin sila nandito na magstay sa isang private resort sa pola.
09:12.3
Pagkarating nga namin dito, ay natuwa talaga.
09:14.4
Ako dito sa lugar at sobrang ganda nga, kakadevelop din lang pala nito at bagong-bago.
09:19.3
Ayan nga niya ang makulikot kong anak, ay talagang mga unang-una at may pagdaplas nga niya agad dito sa may itaas.
09:24.7
Meron pa siyang pinakanghigaan dito sa may itaas at kakoy medyo delikado pala ito dito sa bata.
09:29.5
Kakoy dun lamang kita anak sa baba.
09:32.6
Dito nga lamang kami nagpalipas ng gabi at kinaumagahan nga ay araw ng linggo.
09:37.9
Second anniversary nga pala ngayon ng church namin dito sa Batuhan Pola.
09:41.9
At eto nga pala yung mensahero namin ngayon, si Pastor Rasco.
09:45.0
Sobrang nabless din nga ako dun sa mensahe niya at sabi nga daw niya ang sekreto ng isang masaya at pinagpalang buhay ay always God first.
09:52.6
Tunay naman nga talaga na ang pangako ng Diyos sa atin, if you seek God first, everything else will follow.
09:58.6
Dahil sabi nga God is the source of blessings na sa buhay nating ito marami man tayong pinagkakaabalahan, marami man pagsubok ang dumaan ay manatili nga lamang tayong kumapit sa ating Panginoon.
10:08.7
Dahil tapat nga ang Diyos sa kanyang pangako at sinabi niya na hindi ko kayo iiwan ni pababayaan man.
10:14.4
Anyway, etong at nagpabot din nga pala dito sinaprop ng mga counting goods para nga sa mga kapatiran namin dito sa Batuhan at talaga namang tuwang-tuwangan niyang lahat sa mga biyaya.
10:23.9
At ayun nga, happy second anniversary Batuhan Church of Christ at nawanga ay marami pang taon ang ating pagsasamasamahan na patuloy na maglilingkod sa ating Panginoon.
10:32.7
At dahil anniversary rin nga ng church namin ay napakadami din talagang mga pagkain at ayon, kain po tayo mga mawe. Thank you Lord sa lahat ng blessings.
10:44.4
At sa next video, maraming salamat po sa inyong panunood. God bless!