Close
 


BROWN LADY | DHESS | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 38:58
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.5
Marami na tayong naririnig na mga kwento tungkol sa mga kaluluwang hindi matahimik.
00:07.4
Mga kaluluwang nang gagambala ng buhay ng mga tao.
00:12.0
Para sa mga hindi sanay sa ganito ay takot ang agad na mararamdaman nila.
00:18.3
Ngunit paano kung may isang kaluluwa na mula pagkabata hanggang sa iyong paglaki ay nakasunod sa iyo?
00:26.9
Ang isang kaluluwa na hindi mo alam kung ano nga ba ang pakay sa iyo.
00:33.3
Ano ang gagawin mo kung mapunta ka sa ganitong klase ng sitwasyon?
00:39.8
Dear Papa Dudot,
00:42.5
Magandang gabi po at sana po ay naging masaya ang pagdiriwang ng lahat ng Pasko at New Year.
00:48.6
Itago niyo ako sa pangalan na Des.
00:51.6
Isa akong housewife, 36 years old at merong dalawang anak.
00:56.9
Ang aking asawa naman ay isang supervisor sa isang manufacturing company dito sa Laguna.
01:04.1
Ang aking nakakatakot na experience ay nagsimula nung ako ay bata pa lamang.
01:10.4
Lumaki ako sa probinsya.
01:14.0
Ang sabi ng nanay ko, noong ipinanganak niya ako ay may babaeng nakasuot na kulay brown na bestida at puting belo.
01:22.4
Nakasilip daw ang babaeng na yon sa bintana ng bahay namin at parang pinapanoon
01:26.9
ng panganganak niya.
01:29.0
Ilot lang kasi ang pagpapaanak noon kay nanay dahil sa wala silang budget para sa ospital.
01:34.9
Saka sobrang layo din kasi ng ospital sa lugar namin.
01:40.1
Dalaga na ako ng ikwento sa akin ni nanay ang tungkol sa babaeng yon, Papa Dudot.
01:45.9
Mula nang magkaisip ako hanggang sa makatapos ako ng high school ay wala kong alam tungkol sa babaeng na yon.
01:53.7
Natatawagin kong brown lady kasi nakasuot siya.
01:56.9
Naging masaya naman ang childhood ko at hindi pa kasi uso ang cellphone dati.
02:05.3
Kaya ang libanga namin ay ang mga larong kalye.
02:09.1
Kung minsan pa nga kapag walang pasok sa school sa susunod na araw ay naglalaro pa kami ng mga kalaro ko kahit gabing gabi na.
02:16.7
Masaya na ako sa ganong bagay Papa Dudot.
02:20.7
Bata pa lamang kami ay sinanay na kami ng mga kapatid ko ng nanay namin na magsimba tuwing linggo.
02:27.9
Tuwing hapon kami sumisimba.
02:30.3
Palagi kaming magkakasama at hindi nga lang namin nakakasama kung minsan si tatay.
02:35.6
Kasi kahit weekend ay nagtatrabaho siya.
02:38.8
Walang kaso sa amin yun kasi ganun talaga ang tatay namin, workaholic.
02:44.0
Masasabi ko na good provider talaga siya.
02:47.1
Masasabi ko na hindi naman sobrang hirap ng buhay namin dati.
02:51.0
Apat kaming magkakapatid at ako ang pangatlo.
02:54.2
Nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw.
02:57.6
Napag-aaral kami ng mga magulang namin at kung minsan ay naibibili rin ng mga bagong damit at laruan.
03:04.8
Sa madaling salita ay sakto lang ang buhay na meron kami ng pamilya ko dati.
03:11.8
Hindi naman ganung kalaki ang bahay namin.
03:14.7
Sawali ang dingding noon at ang bubong namin ay yero.
03:19.0
Merong kaming isang kwarto at doon kami natutulog lahat.
03:24.2
Ang banyo namin ay nasa likod ng aming...
03:26.9
Nakahiwala yon sa mismong bahay, Papa Dudut.
03:31.8
Ang pinagkukuna namin ang tubig para sa banyo,
03:35.1
ang pangligo at paglalaba ay yung balon na nasa gilid naman ng aming bahay.
03:42.4
Abang ang tubig na inumin ay sa poso sa kapitbahay namin.
03:47.2
Ewan ko ba, kahit sa poso kami umiinom dati, hindi kami nagkakasakit.
03:52.2
Siguro ay nasanay na rin sa mikrobyo ang mga tiyan namin.
03:55.2
Dati kasi ay nakainom ng tubig na galing sa gripo ang anak ko.
04:00.0
Sumakit ang tiyan niya at dinala pa namin siya sa ospital.
04:04.5
Balik tayo sa kwento ko tungkol sa Brown Lady, Papa Dudut.
04:08.3
Mulat naman ako sa mga kwento ng katatakutan.
04:11.6
Sa mga kalaru ko ay puro kwento tungkol sa mga aswang at mga lamang lupa ang naririnig ko.
04:18.3
Abang sa mga kaklasiko naman, sa school ay mga multumulto.
04:24.1
Pero ako, per se, ay mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga.
04:25.2
I personally ay wala pang karanasan sa mga ganong bagay.
04:29.3
Wala pa akong nakikitang multo o aswang pero naniniwala ako na nag-iexist talaga sila sa dami ng mga kwento ang narinig ko tungkol sa kanila.
04:39.0
Sa school namin ay marami ang nagsasabi na dati raw na simentero yun.
04:44.1
Kaya marami talagang nagmumulto doon.
04:46.6
Pero simula na mag-aral ako roon ay wala naman akong nakita o naramdaman ng multo.
04:51.9
Puro kwento lang.
04:53.2
Pero dahil sa bata pa ako,
04:55.2
ay madali akong maniwala sa mga kwentong narinig ko.
05:01.0
Lalo na kapag paulit-ulit o kaya ay marami ang nagpapatutuo.
05:07.1
Sa aming magkakapatid ay ako talaga ang mahilig sumama kay nanay sa mga ganap sa simbahan.
05:13.0
Kahit sa pabasa ay sumasama ako sa kanya at ako ang palaging pinakabata.
05:19.5
Kahit nga kapag nakikipaglamay siya sa bata ay ay sumasama ako kapag nagpapadasal.
05:25.2
Siyempre, isa sa mga habol ko sa ganon ay yung pakain ng namatayan.
05:30.3
Lalo na kapag sopas ang pinapakain sa amin,
05:33.6
ay masayang-masaya ako papadudot.
05:36.9
Paborito ko kasi ang sopas.
05:39.4
Nang dahil sa pagsasama-sama ko kay nanay sa mga lamay,
05:43.0
ay nasanay na rin po akong makakita ng patay na nasa kabaong.
05:47.4
Hindi na ako takot sa ganon.
05:49.1
Mas naging curious pa nga ako sa itsura ng isang tao kapag patay na sila.
05:53.2
Lalo na kapag kilala ko sila,
05:55.2
o kaya ay nakikita ko sila noong buhay pa sila.
05:59.1
Pinagkukumpara ko kasi ang muka nila noong buhay pa sila sa itsura nila kapag patay na.
06:04.0
Lahat sila ay maputlana.
06:06.6
Isa din sa hilig ko noon ay ang sumama sa prosesyon kapag mahal na araw,
06:11.5
o kaya ay kapag fiesta sa lugar namin.
06:15.0
Yung kahit ang sakit na nang paako sa paglalakad ay tuloy pa rin
06:18.8
at ewan ko ba masyado akong aktibo sa mga ganong noong bata pa ako.
06:24.1
Siguro ay dahil na rin sa iman.
06:25.2
Nag-impluensya ng nanay ko, Papa Dudot.
06:28.5
Noong grade 5 ako ay meron akong naging kaibigan sa school na transfer student, si Grace.
06:36.9
Ako ang unang kumausap sa kanya noong first day of school kaya kami naging magkaibigan.
06:42.8
Ako ang nag-impluensya sa kanya na magsimba tuwing linggo.
06:47.5
Kaya siya na ang naging church body ko simula noon.
06:51.7
Siya na ang kasama ko imbes na sinananay at mga kapatid ko.
06:55.2
Minsan pa nga ay nakahiwalay kami ng upuan kina nanay.
07:00.8
Nang dumating ang mahal na araw ay isinama ko rin siya sa prosesyon.
07:06.5
Natutuwa naman ang mama ni Grace kasi mga ganon ang ginagawa namin.
07:11.5
Kesa raw kumekarenkeng kami ay mas mabuti na magsimba na lamang kami ng anak niya.
07:18.2
Sa maikling panahon ay naging close kami ni Grace, Papa Dudot.
07:21.6
Kahit pa magkaiba kami ng ugali ay hindi yung naging hadlang.
07:25.2
Para maging mag-best friend kami.
07:28.6
Medyo tahimik kasi si Grace habang ako ay kabaligtaran niya.
07:33.0
Madalas kasi akong naililista noon na noisy noong nag-aaral pa ako.
07:37.8
Kasi mahilig talaga akong makipagkwentuhan.
07:41.1
Hindi man magandang pakinggan pero hindi na ako masyadong sumasama sa mga dati kong kaibigan.
07:47.7
Dahil mas gusto ko na ang kasama si Grace.
07:50.8
Hindi ganong kalayo ang bahay ni na Grace sa bahay namin.
07:54.1
Nasa kabilang barangay lang sila nakatira.
07:57.2
Kaya kapag walang pasok sa school ay madalas akong tumatambay sa kanila.
08:01.7
Kapag nandun kasi ako ay nagluluto palagi ng merienda ang nanay ni Grace
08:05.9
at ang paborito ko sa niluluto niya ay maruyang saking.
08:10.5
Minsan din naman ay sa amin tumatambay si Grace.
08:14.2
Nang dumating ang bakasyon ay sinabi ko kay Grace na malapit na ang fiesta sa lugar namin
08:19.0
at inaya ko kaagad siya na sumama sa akin
08:22.2
para magpunta sa iba't ibang lugar.
08:24.1
Sa iba't ibang bahay para makikain ng handa.
08:27.3
Tumanggi pa siya noong una kasi nakakahiya raw.
08:30.6
Ang sabi ko naman ay hindi siya dapat mahiyang kasi maraming gumagawa ng ganon.
08:35.9
Sa ka-fiesta yun at sa lugar namin ay normal lamang na makikikain ka sa ibang bahay
08:41.5
kahit taga roon ka pa sa lugar namin papadudot.
08:45.6
Dapat masanay ka na kasi ako ang kasama mo palagi.
08:49.4
Dapat ay mahawahan kita ng kapal na muka.
08:52.3
Biro ko kay Grace.
08:54.1
Sige, sasanayin ko ang sarili ko.
08:57.1
Sayang din yung libring pagkain.
08:59.2
Ang sabi pa ni Grace.
09:01.4
Tama, saka isang araw lang yun at di naman araw-araw natin gagawin.
09:06.3
Oo nga pala, sumama ka rin sa akin sa prosesyon ha.
09:10.2
Alas 6 ng gabi yun magsisimula.
09:12.2
Sa linggo na yun.
09:13.5
Paalala ko pa kay Grace.
09:15.8
Sige, sasama ako.
09:18.3
Papayagan naman ako ni Mama.
09:20.4
Kapag sa mga ganon tapos ikaw ang kasama ko.
09:23.4
Ang sabi pa ni Grace.
09:24.1
Excited ako sa prosesyon para sa taon na yun.
09:28.7
Papadudot.
09:30.1
Yun kasi ang unang beses na makakasama ko si Grace sa prosesyon.
09:34.7
Siyempre may pamerienda kasi palagi ang kapitan namin after ng prosesyon sa bahay niya.
09:40.9
Kahit tinapay o pansit at juice lang yun ay lamangtsan din yun.
09:46.7
Blessing din yun.
09:48.7
Dumating na ang araw ng prosesyon.
09:51.1
Bago ang mismong prosesyon ay merong munang misa sa simbahan.
09:54.1
At umatend kami roon ni Grace.
09:56.8
Pagkatapos ng misa ay humanay na kami kasama ng mga tao.
10:01.0
At maya maya nga ay nagsimula na ang prosesyon.
10:04.5
Ang gusto ko sana ay doon kami sa bandang unahan.
10:07.7
Pero dahil sa mabagal kumilos si Grace.
10:10.7
Ay napunta kami sa may medyo pahuli na ng prosesyon papadudot.
10:16.7
Parehas kaming may hawak na kandila at sumasabay na kami sa paglalakad ng mga tao.
10:22.0
Nakikisabay din kami sa mga dasal at kandila.
10:24.1
At nakikisabay din kami sa mga kasama sa prosesyon.
10:26.7
Ang sabi ni Grace ay hindi niya alam yung kanta.
10:29.5
At ang sabi ko sa kanya ay ibubuka na lang niya ang bibig niya.
10:33.0
At kunwari ay sumasabay siya sa pagkanta sa amin.
10:36.6
Tawa naman ako ng tawa ng ginawa nga ni Grace ang sinabi ko.
10:41.1
Napagalitan tuloy kami ng matanda na nasa unahan namin.
10:44.5
Hindi ro kami dapat tumatawa kasi binabastos namin yung prosesyon.
10:48.7
Kaya ang ginawa namin ni Grace ay lumayo kami doon sa matanda para hindi na niya kami mapagalitan.
10:54.1
Hindi rin kasi namin mapigilan ang tumawa sa kalokohan naming dalawa papadudot.
11:00.2
Pumunta pa kami ni Grace sa medyo pahuli ng pila para malayo talaga kami doon sa matandang nagalit sa aming pagtawa.
11:08.5
Tumatawa pa rin kami pero mahina na.
11:12.1
Pinipigilan na namin.
11:14.5
Hanggang sa bigla na lang namatay ang sindin ang kandila namin.
11:18.4
Sabay pa talaga papadudot.
11:20.9
Medyo nakapagtataka kasi hindi mahangin ang sandaling yun.
11:24.7
Tumingin ako sa may taong katabi naming naglalakad para sana makikisindi kami pero nagkataon na walang may dalang kandila ang mga katabi namin.
11:35.9
Kaya sa likod na ako tumingin.
11:38.7
Pagtingin ko sa likuran namin ay may nakita akong babae sa hulihan ng prosesyon.
11:43.6
Nakatayo lamang siya, nakasuot siya ng brown na bistida.
11:47.2
Wala siyang sapin sa paa.
11:49.2
Nakasuot siya ng puting belo kaya naisip ko nakasama siya sa mga nagpuprosesyon.
11:54.1
Siguro ay napagod na siya sa paglalakad kaya huminto muna siya.
11:59.6
Hindi ko alam kung bakit napatiting ako sa kanya at nakuha niya talaga ang atensyon ko papadudot.
12:05.9
Hoy Des, anong tinitingnan mo dyan?
12:09.0
Untag ni Grace sa akin.
12:11.7
Wala yung babae kasi nakakaawa, wala siyang tsinelas.
12:15.3
Sagot ko.
12:16.8
Hayaan mo na siya, eto.
12:18.5
Nakisin din ako ng kandila.
12:20.4
Turan pa ni Grace.
12:22.0
Nawala na sa isipan ko yung babae.
12:24.1
Nakisin din ako ng kandila kay Grace dahil nagfocus na lamang ako sa prosesyon.
12:29.7
Pero maya maya pa ay napatingin ulit ako sa likuran nang biglang bumalik sa isipan ko yung babae at nakita ko naman siya.
12:35.8
Nakatayo na naman siya at kung gaano siya kalayo sa pinakadulo ng prosesyon.
12:40.9
Noong unang beses ko siyang nakita ay ganun ulit siya kalayo.
12:44.7
Pinipilit kong tingnan ang mukha niya pero hindi ko makita dahil sa suot niyang belo na nakatakip sa buong ulo niya.
12:51.6
Hindi ko rin alam kung bakit sa pagkakataon.
12:54.1
Sa pagkakataon na yun ay kinalabutan ako at nagtayuan ang mga balahibo ko sa aking braso.
12:59.9
Medyo nahilo din ako at sumakit ang ulo ko.
13:03.7
Tinapik ulit ako ni Grace kasi nahuli na naman niya ako na nakatingin sa likuran.
13:09.1
Baka raw kakalingon ko sa likod ay mada pa ako.
13:12.6
Agaw eksena raw ako kapag nagkataon.
13:15.5
Matapos yung sabihin ni Grace ay nagfocus na lamang ako sa paglalakad at sa prosesyon.
13:20.8
Tuluyan nang nawala sa isipan ko yung babae na naka-brown nang matapos na ang prosesyon.
13:27.3
At sinabi ni kapitan na meron siyang pamerienda na pansit at tinapay sa kanyang bahay.
13:34.0
Ayaw pa nga sanang sumama sa akin ni Grace kasi nahihiya siya pero pinilit ko siya.
13:39.3
Sabi ko sa haba ng nilakad namin ay deserve namin ang libreng pagkain para pag uwi namin sa kanya-kanya naming bahay ay busog na kami at hindi na kami kakain ng hapunan.
13:50.8
Sa prosesyon na yun, kuunang na-encounter ang brown lady.
13:56.0
Pero sa unang beses na nakita ko siya, ay hindi ko naisip na isa siyang multo o kung anumang elemento papadudot.
14:04.2
Para sa akin ay normal na tao siya kahit ang weird ng itsura niya kasi may kakaiba talaga sa kanya.
14:11.4
Nawala na rin naman sa isipan ko ang brown lady makalipas ang ilang araw.
14:15.8
Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin kasi ng panahon na yun.
14:19.7
Ay hindi ko paalala.
14:20.8
Hindi ko paalala kung sino o ano ba talaga siya.
14:24.5
Ang pangalawang beses na nakita ko ang brown lady ay noong nagsimba kami ni Grace.
14:30.5
Kaya doon ko napatunayan na hindi porket nasa simbahan ka, ay hindi ka napapakitaan ang mga kaluluwa.
14:38.1
Kapag nagsisimba kami ni Grace, ay ugali na namin ang umupo sa unahan.
14:42.6
Yun ay para maiwasan namin ang pagkwekwentuhan.
14:45.7
Kapag kasinasahulihan kami ay puro lamang kamikwentuhan at hindi na kami nakakapagfocus
14:49.8
sa pakikinig ng sinasabi ng pare.
14:53.3
At lang sa unahan ay mahihiyana kami na magkwentuhan kasi kitang kita kami doon ng pare papadudut.
14:59.6
Habang nakikinig kami sa sinasabi ng pare sa unahan, ay biglang bumigat ang pakiramdam ko.
15:05.2
Nahilo rin ako ng slight sa dahilan na hindi ko alam.
15:09.4
Maya-maya ay may narinig na akong tumatawag sa pangalan ko mula sa likuran.
15:13.9
Boses yun ang isang babae.
15:16.3
Medyo malalim siyang magsalita at sobrang hina.
15:18.9
Pero kahit mahina ay narinig ko pa rin siya.
15:23.1
Nung una ay hindi ko yun pinansin kasi baka mawala ang focus ko sa misa.
15:28.4
Pero mayat-maya akong narinig yung babaeng tumatawag sa pangalan ko.
15:33.2
Hindi ko na napigilan ng lumingon pero lahat ng nakita kong tao sa likuran namin
15:37.5
ay nakatingin sa unahan at nakikinig sa pare.
15:41.6
Naisip ko na baka merong nang titrip sa akin.
15:45.0
Napagbintangan ko rin si Grace kasi baka siyang tumatawag sa akin kaya
15:48.9
tinanong ko siya ng pabulong kung siya ba ang tumatawag sa akin.
15:52.8
At ang sabi naman niya ay hindi.
15:55.2
Bakit niya raw ako tatawagin e nasa gitna kami ng misa.
15:59.4
Nakinig na ulit ako sa pare at doon na ako nagfocus pero narinig ko na naman yung tumatawag sa pangalan ko papadudut.
16:07.1
Pasimple kong tinignan si Grace pero hindi naman bumubuka ang bibig niya.
16:11.2
Kahit kaunti kaya alam kong hindi talaga siya yun.
16:14.4
Mabilis akong lumingon at wala akong nakita na kakilala ko sa likod ko.
16:18.9
Na pwedeng tumawag sa akin.
16:21.3
Nang ibabalik ko na ang mata ko sa unahan ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na babae.
16:28.0
Isang brown lady at nakita ko ulit siya.
16:31.0
Ganon pa rin ang suot niya.
16:32.8
Nakaupo siya sa pinakahuling row ng upuan ng simbahan.
16:36.6
Mag-isa siya sa row na yun.
16:39.1
Hindi ko alam pero kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya dahil sa suot niyang belo ay nakakaramdam ako na nakatingin siya sa akin.
16:46.9
Nagkaroon din ako ng hinala na siya ang katulad.
16:48.9
Ang nakapagtataka lang ay paano niya ako nagagawang tawagin kahit ang layo niya sa akin.
16:56.7
Dapat ay marinig yun nang mas malapit sa kanya.
17:00.9
Pero parang ako lamang ang nakakarinig sa kanya papadudot.
17:05.3
May naramdaman akong takot ng time na yun.
17:08.2
Kaya inalis ko na ang tingin ko sa kanya.
17:11.1
Napatingin ako sa kaliwa ko at nagulat ako nang nakita ko yung brown lady na nakaupo sa may pinakadulo ng row ng upuan.
17:18.3
Kung saan?
17:18.9
Saan kami nakaupo ni Grace?
17:21.4
Kinalabit ko na si Grace kasi naguguluhan ako.
17:25.3
Bakit? Ano ba?
17:27.2
Kung may sasabihin ka mamaya na bulong ni Grace sa akin.
17:32.0
Tingnan mo yung babae na nakabrown kanina.
17:34.8
Nasa likod siya tapos biglang nandun na siya.
17:37.7
Turo ko sa brown lady.
17:40.0
Tumingin naman si Grace ay tinuro ko sa kanya pero ang sabi niya ay wala namang babaeng nakabrown.
17:45.7
Doon ako lalong nagtaka papadudot.
17:47.6
Tumingin ulit ako sa likuran at nakita ko doon yung brown lady na nakaupo sa huling row.
17:53.8
Sa pagkakataon na yun ay mas naging matindi na ang pananakit ng ulo ko.
17:58.0
Pakiramdam ko ay puro hangin na ang laman ang ulo ko dahil parang ang gaang-gaan na noon.
18:03.6
Hanggang sa biglang nagdilim ang paningin ko at nawala na ako ng malay.
18:08.4
Wala kong ideya kung bakit ako nang himatay.
18:11.5
Nang bumalik ang malay ko ay nasa bahay na namin ako,
18:15.2
nasa tabi ko si Grace at ang nanay ko na walang pangalala.
18:17.6
At tigil sa pagpapaypay sa akin gamit ang pinunit na karton.
18:22.0
Diyos ko, butit nagising kang bata ka.
18:25.1
Tura ni nanay.
18:26.9
Grabe ka Des, agaw eksena ka sa simbahan.
18:30.2
Ano ba nangyari sa'yo? Gutom ka ba? Kaya ka nang himatay?
18:34.3
Tanong ni Grace.
18:36.3
Hindi ako gutom.
18:38.1
Hindi ba kumain muna tayo ng fishball sa labas ng simbahan bago tayo pumasok?
18:42.6
Sagot ko.
18:44.2
Kaya nga nagtataka ako sa'yo eh.
18:45.8
Eh bakit nga?
18:47.6
Tanong ulit ni Grace.
18:50.0
Umaming ka nga sa akin Des, buntis ka ba?
18:52.8
Ako sanang nanay ko.
18:54.8
Nay, hindi ako mabubuntis no.
18:57.5
Virgin pa ako.
18:59.2
Hindi ko pa rin po alam bakit ako nang himatay sa simbahan.
19:03.4
Sabi ko.
19:05.0
Totoo naman na hindi ako buntis, Papa Dudut.
19:07.7
Imposibleng mangyari yun. Masyado pa akong bata para sa ganong bagay kasi elementary pa lamang ako ng time na yon.
19:13.8
Hanggang crush lang ako pero never na pumasok sa isipan ko ang makipagbuntis.
19:17.6
Hindi ko rin naisip na may kinalaman ng Brown Lady sa pagkawala ng malay ko sa simbahan.
19:23.8
Pero ilang araw ko rin inisip kung bakit nakita ko siya sa kakaibang paraan.
19:29.1
Nawala rin naman sa isipan ko ang Brown Lady kasi ang tagal niyang hindi nagpakita sa akin.
19:34.2
Tumungtong na ako noon ng high school at hindi ko na ulit siya nakita after noong sa simbahan.
19:41.0
Parehas pa rin kami ng school na pinasuka ni Grace.
19:43.9
Mas naging close na kami kasi palagi na kaming magkasama.
19:48.3
Hindi pa rin kami tumitigil noon sa habit namin tuwing Sunday ang pagsisimba.
19:54.1
May mga pagkakataon din na nagsishare kami ng kwento tungkol sa mga crush namin.
19:58.6
Para na nga kaming magkapatid papadudut.
20:02.0
Isang araw ay kumalat sa lugar namin na namatay na yung asawa ni Kapitan dahil yata sa sakit.
20:07.7
Mabait kasi ang asawa ni Kapitan kaya marami ang nalungkot sa pagkawala niya at isa na ang pamilya ko doon.
20:14.0
Siyempre noong nagpadasal sa patay ay sumama ko.
20:17.6
Isanama ko noon si Grace at ang sabi ko ay may pasopas after ng padasal kaya dapat talaga siyang sumama.
20:25.0
Matapos ang padasal, para sa patay ay excited ako kasi kakain na kami ng sopas.
20:31.4
Pinapunta na kami ni Kapitan sa kusina kasi doon kami kakain.
20:35.8
Espesyal kami kasi kasama kami sa padasal.
20:39.0
Magkatabi kami ni Grace sa upuan habang kumakain.
20:41.9
Sa gitna ng pagkain ko ng sopas ay napatingin ako sa may sala kung saan ay naroon ng kabao.
20:47.6
Nang asawa ni Kapitan.
20:50.1
Wala kasing divider yung kusina at sala nila kaya lagpasan talaga papadudot.
20:56.1
Nakita ko na naman yung brown lady na nakatayo sa may tabi ng pintuan.
21:01.0
Pakiramdam ko ay nakatingin na naman siya sa akin.
21:04.8
Naalala ko yung nakita ko siya sa simbahan na bigla akong nawala ng malay kaya inalis ko ang tingin ko sa kanya at tinuloy ko ang pagkain.
21:14.8
Kaya lang hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigil.
21:17.6
Pagkakailan ang sarili ko na sulyapan siya.
21:19.7
Parang may kung anong pwersa na humihila sa mga mata ko para tignan ko ang brown lady.
21:25.7
Pasulyap-sulyap tuloy ako sa brown lady.
21:28.5
Hanggang sa hindi na ako nakatiis na magsalita.
21:31.8
Nay?
21:33.3
Kasama ba natin yung sa padasal?
21:35.4
Tanong ko sa nanay ko.
21:37.3
Naisip ko kasi na baka kasama yung brown lady sa padasal kasi nakasuod siya ng belo.
21:41.9
Baka hindi ko lang napansin.
21:44.2
Sino?
21:45.2
Tanong ni nanay.
21:46.0
Itinuro ko sa nanay ko yung brown lady at sinabi ko rin kung ano ang suot noon at ang kulay.
21:52.5
Wala namang babae na ka-brown ah.
21:54.7
Ako ba ay niloloko mo des?
21:56.6
Kumain ka na lang kaya dyan.
21:58.5
Turan pa ni nanay.
22:00.7
Ipipilit ko pa sana na meron talagang babae na nakasuot ng bistid ng brown.
22:05.6
Pero nang tignan ko ulit ang kinakaroonan niya ay wala na siya papadudut.
22:10.4
Wala pa rin akong hinala na hindi siya tao ng time na yon.
22:14.0
Ang palagi kong naiisip,
22:16.0
ay tao talaga siya kasi nakikita ko siyang kagaya ng isang normal na tao.
22:21.5
Walang kakaiba sa kanya maliban sa yung palagi ang suot niya.
22:25.4
At hindi ko nakikita ang mukha niya.
22:28.7
Habang naglalakad na kami pa uwi nila nanay at Grace ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko yung brown lady.
22:35.8
Medyo nagtataka na ako kung bakit nakita ko na naman siya.
22:39.9
Hindi ko naman yon masabi kay nanay kasi baka sabihin niya na gumagawa ako ng kwento.
22:44.2
Saka wala namang ginagawang masamang.
22:46.0
Palagi lang siyang nakatayo at parang nakatingin sa akin at never naman niya akong nilapitan at sinaktan.
22:54.4
Kaya sa tingin ko ay wala akong dapat na ikatakot sa kanya.
22:58.4
Naisip ko rin na baka nagkakataon lamang ang lahat papadudut.
23:03.8
Lumipas na naman ang ilang araw at libing na ng asawa ni kapitan.
23:09.1
Siyempre sumama ako kay nanay sa pakikipaglibing kasi hinala ko ay meron na namang pamirienda si kapitan.
23:16.0
Pagkatapos ng libing.
23:18.0
Sayang din yon kapag nagkataon papadudut.
23:22.6
Habang ibinababa na sa hukay ang kabaong ng asawa ni kapitan.
23:27.2
At nag-iiyaka ng iba ay nakita ko na naman yung brown lady papadudut.
23:31.9
Nakatayo siya sa malayo pero sure ako na siya yon.
23:36.4
Sa ilang beses ba naman na nakita ko siya ay parang kilala ko na ang itsura niya.
23:41.5
Saka yun pa rin ang suot niyang damit.
23:44.0
Pati ang belo niya ay suot pa rin niya.
23:46.7
Nawala ng atensyon ko sa paglilibing sa patay at tinititigan ko na lamang yung brown lady.
23:52.2
Naramdaman ko ulit yung parang hinihila ng babaeng yon ang mga mata ko at hindi ko maalisang tingin sa kanya.
24:00.1
Hanggang sa nahilo na naman ako papadudut.
24:03.9
Naramdaman ko na naman na manghihi matay ako kasi parang walang laman na ang ulo ko.
24:10.7
Napahawak na ako sa braso ni nanay hanggang sa tuluyan na akong nawala ng mamaan.
24:16.0
Malay, pinigilan ko pa nga ang manghimatay pero hindi ko na kinaya.
24:21.3
Nang magising ako ay sakay na ako ng tricycle at katabi ko na si nanay.
24:25.4
Tinatanong niya kung bakit ako nang himatay at ang sabi ko ay hindi ko alam.
24:30.2
Naulit na naman yan ha, nag-aalala na ako sa iyo Des.
24:34.0
Bukas ay sumama ka sa akin sa ospital at ipapacheck up kita.
24:37.4
Baka kung ano yang nangyayari sa iyo, ang sabi pa ni mama.
24:40.5
Okay naman po kunay, siguro ay sa init lang at gutom kaya ako nawala ng malay, turan ko.
24:48.4
Eh kahit na, huwag ka nang tumanggi basta bukas ay pupunta tayo ng ospital.
24:53.3
Umabasan ka muna sa school, ang sabi ni nanay.
24:57.6
Okay po, kayo po ang masusunod pero pauwi na po ba tayo? Tanong ko.
25:04.1
Oo buti nga at nagkamalay ka na kundi sa ospital na ang diretsyo natin, sagot pa ni nanay.
25:10.5
E di hindi na po pala tayo pupunta sa pakain ni kapitan? Tanong ko.
25:16.5
Eh, huwag mo nang isipin ang pakain ni kapitan, magpahinga ka na lang muna.
25:21.0
Puro na lang pagkain yang nasa utak mo Des, saway ni nanay sa akin.
25:25.9
Nalungkot ako kasi hindi ako nakapunta sa pakain ni kapitan, Papa Dudot.
25:31.2
Sayang din kasi yun kasi libre.
25:34.0
Kinabukasan naman ay hindi muna ako pumasok sa school dahil tumuloy kami ng nanay ko sa ospital.
25:39.3
Pina-check up ako ni nanay at sinabi niya na bigla na lamang akong nawawala ng malay sa dahilan na hindi namin alam.
25:46.8
After ng check up ay nalaman namin na wala namang problema sa akin.
25:51.0
Healthy naman daw ako.
25:52.7
Pinabili lang kami ng doktor ng vitamins para raw maiwasan ang ganong pangyayari.
25:57.2
Araw-araw ko raw yung iinumin.
25:59.9
Sa pagkakataon na yun ay gusto ko nang sabihin sa nanay ko yung tungkol sa brown lady na madalas kong nakikita.
26:07.7
Nagkakaroon na kasi ako ng hinanay.
26:09.3
Mula na meron siyang kinalaman sa nangyayari sa akin.
26:12.5
Dalawang beses na kasi ang nangyari na nakita ko siya tapos ay nanghimatay ako.
26:18.0
Simula nang makita ko sa libing ng asawa ni kapitan yung brown lady ay nagkakaroon na ako ng expectation na makikita ko ulit siya sa mga darating na araw o mga oras.
26:29.2
Medyo naging paranoid na ako kaya hindi na ako tumitingin sa kung saan-saan.
26:33.8
Lumipas ang ilang mga buwan na hindi ko na nakita pa ulit yung brown lady.
26:37.6
Kahit paano ay naging kampus.
26:39.3
Nagpampante na ako na hindi ko na siya makikita pa kahit na kailan.
26:44.0
Pero mali pala ako dahil noong fourth year high school ako ay doon na naging mas madalas ang pagpapakita at pagpaparamdam sa akin papadudod.
26:54.7
Kahit nasa school ay nakikita ko na rin siya.
26:57.6
Kagaya noong nagpapractice kami ng sayaw para sa school program.
27:01.8
Dahil sa susunod na araw na yung performance namin ay todo na kami sa pagpapractice.
27:07.3
Kaya kahit gabi na ay nasa school pa rin.
27:09.3
Hindi naman namin noon kasama sa pagsayaw si Grace pero hinihintay niya ako para sabay na kaming umuwi.
27:17.3
Pero nagpahintay talaga ako sa kanya papadudod.
27:21.2
Alam ko kasi na mag-isa akong uuwi kung hindi ako sasabay kay Grace.
27:26.0
Natatakot kasi ako kasi gabi na at kapag ganong oras dahil sa probinsya yun ay talagang wala ng gaanong tao kahit maaga pa sa gabi.
27:34.3
Mga alasyate na kami natapos sa pagpapractice at confident kami.
27:39.3
Nagiging maganda ang performance namin para sa school program.
27:43.8
Umingiran ako ng sorry kay Grace kasi ginabi na kami bago kami natapos.
27:49.0
Abang naglalakad kami palabas ng school ay naramdaman ko na bumigat ang pakiramdam ko.
27:54.7
Ang naisip ko ay baka dahil sa pagod at gutom na rin papadudod.
27:59.2
Ilang metro na ang layo namin sa gate ay may nakita akong babae na nakatayo sa may labas ng gate.
28:04.6
Abang papalapit kami sa babaeng yun ay kinakabahan ako kasi napansin ko.
28:09.3
Na siya yung brown lady.
28:11.6
Napahawak na ako sa braso ni Grace at nanginginig ako dahil nakakaramdam na ako ng kaunting takot.
28:18.7
Sa paraan ng pagkakatayo ng brown lady ay parabang hinihintay niya ako.
28:23.3
Nagdahilan na lamang ako kay Grace na meron akong nakalimutan doon sa pinagpapracticean namin.
28:29.8
At nagpasama ako sa kanya sa pagbalik.
28:33.1
Ang totoo ay wala naman akong nakalimutan papadudod.
28:36.5
Sinabi ko na lang kay Grace.
28:38.2
Na wala pala akong nakalimutan kaya umuwi na kami.
28:42.4
Nang naglalakad na kami palabas ng school ay tahimig akong nagdarasal na sana'y wala na sa may gate yung brown lady.
28:49.7
At dininig naman ang Diyos ang dasal ko.
28:52.6
Kasi wala na doon yung babae kaya mabilis na kaming nakalabas ni Grace ng school papadudod.
28:59.0
Ang naging problema ko lang ay nang ma-realize ko.
29:02.4
Na maunang makarating si Grace sa bahay nila at kailangan ko maglakad ng mag-isa.
29:06.8
Wala sa bahay nila.
29:08.2
Hanggang sa bahay namin.
29:09.8
Nilakasan ko ang loob ko kasi wala akong choice.
29:12.9
Alangan namang mag-request pa ako kay Grace na ihatid niya ako hanggang sa amin tapos siya na ang uuwi sa kanila nang walang kasama.
29:20.2
Masyado na akong abusado kapag ganun kasi pinaghintay ko na nga siya hanggang sa matapos ang practice namin ng mga kagrupo ko sa sayaw.
29:29.3
Nang makauwi na si Grace sa bahay nila ay binilisan ko ang paglalakad.
29:33.4
Ayokong tumakbo kasi baka merong aso tapos ay habulin pa ako.
29:36.6
Kagaya nga ng inaasahan ko ay wala na akong nakitang tao sa paligid kahit puro kabahayan ang nadaanan ko.
29:45.0
Maya-maya ay may naramdaman ako na nakasunod sakin kaya mabilis akong lumingon sa likuran ko.
29:50.7
Otomatik akong napatakbo nang nakita ko yung brown lady na nakatayo ilang di pa ang layo sa akin papadudut.
29:58.2
Nawala na yung pangamba ko na baka habulin ako ng aso kapag tumakbo ako.
30:02.9
Iba na kasi ang nararamdaman ko sa babaeng yun.
30:05.6
Alam ko na hindi na normal na madalas ko siyang makikita.
30:11.7
Nang lumingon ulit ako ay napansin ko na hindi na bago ang layo niya sa akin kahit tumatakbo na ako ng mabilis.
30:18.7
Pero ang mas nakakatakot at nakakapagtaka ay nakatayo pa rin siya.
30:25.1
Halos hindi ko na maramdaman ang lupa sa bilis ng pagtakbo ko ng sandaling yun papadudut.
30:32.1
Sa awan ng Diyos ay ligtas akong nakauwi sa bahay.
30:35.6
Yun nga lang ay hingal na hingal ako at naliligo na ako sa sarili kong pawis.
30:40.9
Des, anong nangyari sa iyo? Bakit parang pagod na pagod ka?
30:45.5
Ang nagtatakang tanong ni nanay nang makita niya ako.
30:49.6
May babae po kasing sumusunod sa akin ay tugon ko.
30:53.6
Sinong babae? Nasaan? Tanong ni nanay.
30:57.2
Hindi ko na po alam basta palagi po siyang nagpapakita sa akin matagal na nanginginig kong tugon.
31:03.6
Ha? Anong matagal na nagpapakita?
31:05.6
Sino bang babae ang tinutukoy mo? Naguguluhang tanong ni nanay.
31:10.8
Nang sandaling yun ay naisipan ko na mas maganda kung sabihin ko na kay nanay ang tungkol sa brown lady na matagal nang nagpapakita sa akin.
31:19.5
E kinuwento ko sa kanyang lahat.
31:21.4
Nagsimula ko sa unang beses kung nakita ang brown lady at sa lahat ng mga oras at okasyon na nakikita ko yun.
31:28.8
Nakikinig lang si nanay sa akin at base sa mukha niya ay alam kong naniniwala naman siya.
31:33.4
Doon na sinabi sa akin ni nanay yung tungkol.
31:35.6
Ang tungkol sa gabi na pinanganak niya ko.
31:38.2
Inamin niya sa akin na meron din siyang nakitang babae na nakasuot ng bistida na kulay brown habang nanganak siya.
31:45.2
Kagaya ng pagkakadescribe ko ay may suot din na puting belo ang babae na nakatakip sa mukha nito.
31:51.7
Hindi ko pinansin dati ang babaeng yun kasi akala ko ay kung sino lang siya.
31:56.2
Hindi ko na rin kasi siya nakita pagkatapos kong manganak sayo.
31:59.8
Ang kwento pa ni nanay.
32:02.0
Ibig pong sabihin na baby pa lamang ako ay nakasunod na sa akin ng babaeng.
32:05.6
Naka-brown?
32:07.2
Natatakot kong tanong.
32:09.2
Hindi ko alam Des pero mukhang gano'n na nga ang sabi pa ng nanay ko.
32:14.1
Ang mabuti pa ay dalhin mo si Des kay Lola Maring, yung albularyo na nakatira malapit sa dagat.
32:20.3
Magaling yun at matutulungan nun si Des.
32:22.8
Singit pa ni tatay na kanina pa palang nakikinig sa pag-uusap namin ni nanay.
32:28.6
Pumayag naman ako sa suggestion na yun ng tatay ko Papa Dudut.
32:32.0
Baka nga iyon na ang solusyon para tigilan na ako ng brown lady.
32:36.3
Naisip ko rin na baka isang kaluluwa o elemento ang babaeng yun kasi kakaiba talaga siya.
32:44.2
Nung una akala ko ay normal na tao lamang siya na nagkataon na nakikita ko pero nang tumagal ay narealize ko na hindi na siya tao.
32:52.7
Yun nga lang hindi kaagad kami nakapunta kay Lola Maring dahil sumakto na school program ng sumunod na araw.
32:59.0
Tapos pagkatapos ng araw na yun ay periodical exam namin.
33:02.6
Kailangan pa naming maghintay ng tatlong araw bago magsimula.
33:05.6
Sabado
33:06.0
Biyernes ng gabi noon sa susunod na araw na kami pupunta ni nanay kay Lola Maring.
33:13.0
Magkakatabiin ng buong pamilya ko na nakahigana.
33:16.4
Tulog na silang lahat at ako na lamang ang gising.
33:19.5
Ewan ko ba pero hindi ako inaantok ng gabing yun Papa Dudut kahit na nung gawing kong pwesto ay hindi ko mahuli ang antoko.
33:27.1
Habang nakatagilid ako at nakapikit na ay may narinig akong kaluskos sa labas ng bahay.
33:34.4
Pagkatapos ay may parang...
33:35.6
Kumakalmot sa bintana namin.
33:38.4
Natakot ako kasi may mga narinig din akong kwento na may aswang sa lugar namin.
33:43.5
Aswang agad ang pumasok sa isipan ko.
33:45.9
Pero dahil sa curious ako sa kung ano talaga ang kumakalmot sa bintana namin ay tahiming akong bumangon.
33:51.8
Sa wali ang dingding namin kaya kahit saan ay pwede kang sumilip at makikita mo kung ano ang nasa labas.
34:00.0
Hindi ako sumilip sa mismong bintana kasi baka maka face to face ko ang aswang.
34:05.6
Kung aswang ngayon, doon lang ako sumilip sa tabi ng bintana.
34:10.7
Wala naman ako nakitang kumakalmot sa may bintana namin pero iba ang nakita ko papadudut.
34:15.8
Walang iba kundi ang brown lady.
34:19.0
Parabang nagliliwanag ang buong katawan niya kaya kahit madilim ay makikita ko pa rin siya.
34:24.7
Nakatayo siya sa may tabi ng balon kung saan kami kumukuha ng tubig.
34:29.0
Nakaharap siya sa kinakaroonan ko na parabang nakikita niya pa rin ako kahit nanasalob ako ng bahay namin.
34:34.0
Natakot ako sa pagkakakita ko sa kanya kaya napasigaw ako na naging dahilan para magising sina nanay.
34:41.9
Iyak ako ng iyak at sinabi ko na nasa labas yung babaeng naka-brown.
34:46.3
Binuksan ni tatay ang bintana at sumigaw siya.
34:49.1
Sinabi niya na kung sino man ang babaeng yun ay lubayan na ako.
34:53.7
Isinigaw niya yun kahit na wala siyang nakikitang brown lady.
34:58.4
Kinaumagahan ay nagising ako na sobrang taas ng lagnag.
35:02.0
Kumain lang kami ng almusal at dinanakot.
35:04.0
Sinabi ko ng nanay ko kay Lola Maring.
35:06.1
Sinanay nang nagkwento kay Lola ng mga nangyayari sa akin.
35:11.4
Bale siya rin pala ang nagpaanak noon kay nanay at naalala raw niya noong pinapanganak ako ng nanay ko ay alam niya na merong kaluluwa na nanonood.
35:23.3
Pinosuhan muna ako ni Lola Maring at tinawas niya ako.
35:27.6
Ayon sa kanya ay nakatuwaan ako ng kaluluwa na yun at pwede na isa yung namatay naming kamag-anak.
35:34.0
Ang hinala ni nanay ay baka ang lola ko yun na matagal nang namatay.
35:38.2
Pero hindi niya raw natatandaan na mahilig itong magsuot ng brown na bistida.
35:42.4
Pero kagaya ko ay mahilig din po itong magsimba noong nabubuhay pa.
35:46.8
Malaki ang naitulong sa akin ni Lola Maring dahil simula nang gamutin niya ako.
35:51.3
Ay hindi ko na nakita pa kahit kailan ang brown lady.
35:55.9
Kahit paramdam ay wala na.
35:59.2
Binigyan din kasi ako ni Lola Maring ng proteksyon laban sa mga espiritu at mga kung ano-anong element.
36:04.0
Lumipas nga mga taon at nagkaroon na ako ng asawa at anak.
36:08.8
Umanis na rin kami sa probinsya namin para manirahan ng sarili kong pamilya sa ibang lugar.
36:14.3
Ang buong akala ko ay okay ng lahat at hindi na ako masusundan pa ng brown lady.
36:19.5
Napakahabang panahon na rin kasi ang lumipas na wala na siyang paramdam sa akin.
36:24.5
Pero hindi siya sa akin nagpapakita ngayon kundi sa bunso kong anak na babae.
36:29.4
Minsang kasi habang naglalaro kami ng dollhouse niya sa sala,
36:33.2
ay biglang sinabi sa akin ng anak ko,
36:35.5
nakawawa raw yung babae na nakatayo sa may pinto ng bahay namin.
36:39.5
Papasukin ko raw.
36:41.2
Wala naman akong nakikitang babae sa pinto, Papa Dudud.
36:45.5
Pinadescribe ko sa anak ko ang itsura ng babaeng nakikita niya
36:48.6
at talaga namang nagtayuan ang balahibo ko kasi
36:51.3
ininescribe yun ang anak ko kagaya ng itsura ng brown lady na nakikita ko dati.
36:57.4
Natakot ako para sa anak ko kasi baka kagaya ko dati
37:00.7
ay hindi rin siya lubayan ng brown lady na yon.
37:03.2
Papa Dudud, patay na si Lola Ma Ring
37:05.7
kaya wala na akong mahihinga ng tulong kung sakali na hindi na maging maganda ang sitwasyon.
37:11.6
Ang buhay ay mahihwaga
37:16.2
Laging may lungkot at saya
37:22.3
Sa Papa Dudud Stories
37:27.6
Laging may karamay ka
37:33.2
Mga problemang kaibigan
37:41.8
Dito ay pakikinggan ka
37:48.7
Sa Papa Dudud Stories
37:53.8
Kami ay iyong kasama
38:02.1
Dito sa Papa Dudud Stories
38:03.1
Dito sa Papa Dudud Stories
38:03.1
Dito sa Papa Dudud Stories
38:06.4
Ikaw ay hindi nag-iisa
38:10.2
Dito sa Papa Dudud Stories
38:19.3
May nagmamahal sa'yo
38:23.9
Papa Dudud Stories
38:33.1
Papa Dudud Stories
38:36.8
Papa Dudud Stories
38:47.7
Papa Dudud Stories
38:56.0
Papa Dudud Stories
38:56.7
Papa Dudud Stories
38:57.5
Papa Dudud Stories
38:59.4
Papa Dudud Stories
38:59.6
Papa Dudud Stories
39:00.1
Papa Dudud Stories
39:00.9
Papa Dudud Stories
39:01.5
Papa Dudud Stories
39:01.6
Papa Dudud Stories