Close
 


HANGGANG WAKAS | CHESTER | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 28:26
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.7
Ang wagas na pagmamahal ay yung taong tatanggapin ka,
00:06.0
ererespeto at sasamahan ka sa hirap at ginhawa,
00:10.3
sa pagdating at paglutas ng mga pagsubok,
00:13.6
at hindi ka niya iiwanan hanggang sa kamatayan.
00:17.4
Bago ang lahat ay gusto kong batiin ka at ang iyong mga listeners ng isang magandang gabi.
00:22.5
Ako po si Chester Salvador,
00:25.0
isang working professional may asawa at tatlong anak.
00:27.9
Ako at ang asawa kong si Ophelia ay isa sa mga valued listeners mo since 2014 pa.
00:34.6
Anyway, sumulat po ko sa inyo hindi para magbahagi ng aking kwento ng pag-ibig,
00:39.8
kung hindi para ibahagi ang kwento ng aking mga magulang.
00:44.5
Anniversary kasi nila sa January 25,
00:48.3
kaya naisipan kong sumulat ngayon bilang tribute sa mga magulang ko.
00:54.8
Papadudot larawan kami ng isang masayang pamilya.
00:57.9
Ang mga magulang ko ay si Narita at Claudio
01:01.3
ay pinalaki kaming magalang, masipag at may takot sa Diyos.
01:07.0
Ang mga magulang ko rin ang larawan ng isang perfectong mag-asawa.
01:12.1
Mahal na mahal nilang isa't isa't never silang tumingin sa iba.
01:16.7
Buko doon ay kung may problemang dumarating sa kanilang buhay ay sabay nila yung hinaharap.
01:22.8
Kumbaga sa lahat ng oras ay wala silang iwanan.
01:26.5
Dalawa lang kaming anak.
01:27.9
At masasabi ko naman na magandang pagpapalaki sa amin kasi nagtagumpay kami ni Serena
01:38.6
sa buhay namin at yon ay utang na loob namin sa mga magulang namin.
01:45.2
Samantala'y maraming ikinuwento sa akin ng mga magulang ko tungkol sa kanilang mga masasayang memories
01:51.3
at naimagine ko kung gaano sila kasweet.
01:55.0
Tulad na lamang nang ikwento nila sa akin ng nangyayari.
01:57.9
Sa kanilang silver anniversary.
02:02.4
Naku kahit na matatanda na tayo eh ang sweet sweet pa rin natin.
02:08.1
Wala ka talagang kupas Claudio.
02:11.1
Naimagine kong sabi ni mama sa aking ama.
02:14.4
Eh paanong hindi ako magiging sweet eh napaka loving ng misis ko.
02:19.3
Paglalambing naman ni papa sa kanya.
02:22.6
Alam mo Rita hindi ako nagsisisi na ikaw ang pinakasalan ko.
02:26.8
You know what?
02:27.9
You're still the same Rita na pinakasalan ko noon.
02:31.9
Bukod sa pagiging sweet ay maalaga, faithful at syempre mabuting ina.
02:37.1
Hindi lalaki si na Cheser at si Rena na mababait at magalang kung hindi dahil sa magandang pagpapanaki mo.
02:44.2
Ang sabi pa niya sa aking ina.
02:47.2
Alam mo Claudio marami tayong dapat na ipagpasalamat sa Diyos.
02:51.8
Biruin mo eh sa 25 years natin bilang mag-asawa ay nakasurvive tayo
02:56.4
sa mga pagsubok na dumarating.
02:57.9
Napalaki natin ang maayos sa mga anak natin.
03:02.9
At higit sa lahat ay may malulusog pa rin tayong pangangatawan.
03:06.8
Kahit nasabihin natin nasa 50 anyos na tayo ay malakas pa rin tayo.
03:12.7
Wika pa ni mama.
03:15.1
Parang kailan lang no?
03:16.8
25 years na rin pala tayong magkasama.
03:20.4
Ang bilis ng panahon.
03:23.4
Bumalik din kay papa noon ang kanilang masasayang memories.
03:27.9
Oo nga eh.
03:29.8
Naalala ko pa yung mga panahong nililigawan pa kita.
03:33.3
Masyado ka pang pakipot noon.
03:35.7
Kesyo hindi mo ako type kasi hindi naman ako kagwapuhan.
03:39.8
Tapos ilang beses ako nanligaw sayo kaso palagi mo kong binabasted.
03:45.2
Pero hindi ako sumuko.
03:47.0
Kaya heto ang ending tayo ang nagkatuluyan.
03:50.5
Sabi pa niya habang inaalala ang nakaraan.
03:54.3
Hanga ko sa persistence mo sa panliligaw.
03:56.9
Kung ibang lalaki yan ay malamang ay nagsawa na sa kakaligaw sakin.
04:02.6
Tingnan mo yung manliligaw ko dati na si Nestor.
04:05.5
Isang buwan pa lang ay sumuko na kasi nga mahirap ang mga kondisyong pinapagawa ko sa kanya.
04:12.1
Buti nga ikaw ay nakaya mo ang lahat ng yon.
04:15.2
Nakangiting wika ni mama.
04:17.7
Talagang makakaya ko yon kasi seryoso ako sa pag-ibig ko sayo.
04:22.5
Pagmamalaki noon ni papa sa kanya.
04:25.4
Alam mo Rita?
04:26.9
Sana'y magpatuloy ito magandang samahan natin oh.
04:30.3
Sana tayo pa rin hanggang wakas.
04:32.9
Sabi pa niya kay mama habang hinahawakan at hinahag ka nito ang kamay ng kanyang asawa.
04:40.0
Oo naman yan ang palagi kong dinarasal sa Diyos na sana'y pahabain niya ang buhay natin.
04:45.4
Para magkasama tayo ng matagal pa.
04:48.2
Pangarap ko na mag-celebrate tayo ng golden anniversary.
04:51.9
Kahit nauugod-ugod na tayo at saka mapubuti na ang mga buhok natin.
04:56.9
Na-imagine kong tila sabik na sabik si mama habang sinasabi yon.
05:02.0
Yun din ang pangarap ko Rita.
05:04.0
Segunda ni papa.
05:06.1
Pagkatapos ay muli niyang nilambing ang kanyang asawa.
05:10.3
Mamayang kaunti ay muling nagsalita si mama.
05:13.7
Ah, mahal ko.
05:15.3
Since magkasama tayo ay bakit hindi natin i-renew ang mga pangako natin sa isa't isa?
05:21.1
Magsumpaan ulit tayo.
05:23.7
Bakit kailangan pang i-renew?
05:25.0
Samantalang for 25 years.
05:26.7
Kasi hindi naman tayo nakalimot.
05:28.8
Ang sabi pa ni papa.
05:30.9
Pero sa bandang huli ay sinunod din niya.
05:33.8
Ang kahilingan yon.
05:35.1
At sabay nilang binanggit ang kanilang wedding vows.
05:39.0
Sumusumpa kami sa isa't isa na magmamahal lang kami hanggang sa huli naming hininga.
05:43.9
At hindi kailanman titingin sa iba.
05:46.5
At sa halip ay magiging tapad sa isa't isa.
05:49.9
At sabay naming haharapin ng anumang pagsubok,
05:53.1
pagihirap,
05:54.6
at kaginhawahan.
05:56.7
Sumusumpa rin kami na magiging mabuti kaming magulang sa aming mga anak
06:00.7
at isang huwarang mag-asawa sa mata ng Diyos
06:03.9
at sa mata ng publiko.
06:07.2
Ang sumpang ito ay dadalhin namin hanggang wakas.
06:12.0
Iyon ang natatandaan kong wedding vows ng aking mga magulang.
06:17.0
25 years na puno ng pagmamahalan.
06:19.8
Yan ang katangian ng pagsasama ng aking mga magulang papadudot.
06:24.0
Dahil sa mga magulang ko,
06:25.6
kaya ako na-inspire na magtayo ng isang pamilya na katulad sa nakagisnan ko.
06:31.7
Yung puno ng pagmamahalan at pagkakaunawaan.
06:36.6
Marami nga ang naiingit sa pamilya namin kasi nga ay masaya kami
06:39.9
at solid sa isa't isa.
06:43.0
Ang mga magulang ko ay parating nakaagapay sa aming magkakapatid
06:46.9
at handang makinig at tumulong sa iyo sa lahat ng oras.
06:51.1
Kaya masasabi ko noon na napakaswerte ko.
06:53.8
Wala na kaming mahihiling pagpapadudot.
06:55.6
Pa ni Serena.
06:58.0
Pero papadudot sa isang pamilya ay hindi mawawala ng mga pagsubok.
07:03.0
Isa kasing matinding pagsubok ang ibinigay ng Diyos sa pamilya namin.
07:07.5
Lalo na sama akong si Claudio.
07:10.2
Nakapansin na kami ng kakaiba sa kalusugan ni Papa tulad ng kanyang pamamayat at pananakit ng katawan.
07:17.7
Noong una ay nakakayanan pa yun ni Papa at palaging niyang sinasabi sa amin na okay lang siya.
07:23.4
Ngunit sa pagdaan ng panahon ay palagay.
07:25.6
Panala ng panala ang kanyang sitwasyon.
07:28.8
At simula noon ay palagi na lamang siyang nadadala sa ospital.
07:34.4
Ma, huwag po kayong mag-alala at magiging maayos din ang lahat.
07:38.4
Pagkaalo ko kay Mama nang minsang dalhin na namin si Papa sa ospital dahil sa pananakit ng kanyang tiyan.
07:45.6
Anak malakas ang kutob kong hindi basta pangkaraniwang sakit ng tiyan ang iniinda kanina ng dad mo.
07:52.7
Napansin ko sa kanya nitong mga nagdaang mga buwan na namamalakas.
07:55.6
Mayad siya tapos ay palaging nawawala ng ganang kumain.
07:59.8
Hindi rin normal yung paninilaw ng balat at mata niya.
08:03.4
Nag-alala lang wika ni Mama habang umiiyak siya sa aking balikat.
08:08.3
Chester, ayaw kong may mangyaring masama sa dad mo.
08:13.1
Mahal na mahal ko si Claudio, sabi pa niya sa akin.
08:18.2
Sobrang kinarot ang puso ko nang makita ko si Mama sa ganong kalagayan.
08:23.8
Matama na.
08:24.7
Huwag na po kayong umiiyak.
08:27.1
Lakasan niyo po ang loob ninyo.
08:29.3
Walang mangyayaning masama kay dad.
08:31.8
Pampalakas ko ng loob sa kanya.
08:35.4
Samantalang napansin naming palapit ang doktor na tsumetshek up sa aking ama.
08:40.6
Agad naming kinumusta ang kalagayan ng aming padre de familia.
08:45.3
Sa ngayon ay maayos ang lagay niya.
08:48.0
Pero merong kayong dapat na malaman tungkol sa pasyente.
08:51.6
Sagot ng doktora sa amin.
08:53.9
Ano yun?
08:54.7
Ano yung doktora?
08:55.9
Kinakabahang tanong ni Mama.
08:58.1
May ipinagtapad sa akin ng pasyente.
09:01.2
Noong nakaraang buwan daw ay nagpacheck up siya sa doktor at doon ay lumabas na resulta na may kanser ang lapay niya.
09:08.1
Pag-amin sa amin ni doktora.
09:10.8
Nalumo kaming dalawa ni Mama papadudot.
09:14.1
Pero dok, walang nasasabi sa akin ang asawa ko tungkol dito.
09:18.0
Sabi ni Mama.
09:20.0
Matagal na niyang alam na may sakit siya pero sinabi niya sa akin
09:23.2
na inilihim niya ito sa inyo kasi ayaw niya kayong mag-alala.
09:28.0
Paliwanag nito sa amin.
09:30.6
Nanginig ang buong katawan ni Mama at parang nawala ng lakas.
09:34.8
Buti na lamang at katabi niya ako kaya agad ko siyang naalala yan.
09:39.6
Diyos ko kaya pala si Claudio ay may iniinom na gamot na hindi ko alam kung para saan.
09:45.5
Yun pala ay para yun sa sakit niya.
09:47.8
Naiiyak na wika ni Mama.
09:49.9
Hindi talaga namin nakalain na naitago ni Papa sa amin.
09:53.2
Ang kanyang totoong kalusugan.
09:55.7
Dok, may pag-asa bang gumaling ang dad ko?
09:58.8
Ako naman ang nagtanong sa doktor.
10:01.2
Expecting for the worst dahil cancer ang pinag-uusapan.
10:06.3
Pero nagbabaka sakali pa rin akong may lunas yun.
10:10.5
May mga certain operations na dapat isagawa tulad ng transplant pero hindi garantiya
10:15.1
kung gagaling ang pasyente since cancer ito.
10:19.3
Wala pang gamot sa sakit ng dad mo.
10:22.0
Malungkot na sagot ng doktor.
10:23.2
Ang doktora sa akin.
10:25.5
Papadudot ng lumo kami sa balitang may cancer sa kanyang lapay ang ama ko.
10:31.2
Hindi kami noon makapaniwala.
10:33.5
Pero hindi kami nawala noon ang pag-asa at nagsama-sama kaming nananalangin sa Diyos
10:39.1
na sana'y masurvive namin ang pagsubok na yon.
10:43.4
Pero kahit nasama-sama kami sa pagharap sa pagsubok na yon ay hindi rin maiwasan ng isa sa amin ang sumuko.
10:51.0
Samantala isang gabi habang inaasikaso si Papa ng aking ina ay muli itong umiyak at nag-histerikal dahil sa takot niyang mamatay.
11:01.4
Inamin sa akin noon ni Papa na hindi pa siya handang lumisan sa mundo dahil sa ayaw niyang masakta ng kanooba ng aking ina.
11:10.4
Rita, ayaw ko na. Gusto ko na. Gusto ko na mamatay.
11:16.2
Narinig kong sabi ni Papa kay Mama habang naroon ako sa kabilang kwarto at nagkakataon.
11:21.0
Sa puntong yon ay narinig ko na rin umiiyak si Mama.
11:27.2
Pinangihinaan ako ng loob sa tuwing nakikita kitang umiiyak.
11:31.5
Nakikiusap ako na tibayan mo ang loob mo.
11:34.3
Huwag kang mag-alala at palagi akong narito sa tabi mo para tulungan at agapayan ka.
11:42.4
Asawa mo ko, hindi ba?
11:45.0
Hindi ka ba nangihirapan sa pag-aalaga sa akin, Rita?
11:49.1
Ayaw kong maging pabigat sa iyo.
11:51.0
Ang sabi naman ng aking ama na pinanghihinaan na ng loob.
11:58.7
Hindi ka pabigat sa amin ng anak mo.
12:01.8
Tandaan mo yan, pamilya mo kami.
12:05.0
Anda kami na tulungan ka na gumaling.
12:08.0
Sino pa ba ang tutulong sa iyo kundi kami ng mga anak mo?
12:11.0
Paliwanag naman ni Mama sa kanya.
12:14.4
Wala kong silbi at wala kong kwenta.
12:16.9
Hindi tumigil noon si Papa sa pag-iyak sa tuwing naiisip niyang nahihirapan.
12:21.0
Mahihirapan na kami sa kanyang sitwasyon.
12:24.8
Nakukonsensya ko, Rita.
12:26.7
Nababa ka sa mga mata mo na mahirap at nahihirapan ka na.
12:32.0
Hindi ko kayang makita ka sa kanyang sitwasyon.
12:35.5
Ngunit sinubukan pa rin ni Mama na palakasin ang loob ng kanyang asawa.
12:40.7
Sinubukan na rin niyang tumigil noon sa pag-iyak at sa halip ay nagpakatatag siya.
12:46.2
Sa harapan ng asawa.
12:49.0
Claudio?
12:51.0
Huwag mo nang isipin yan, please.
12:53.3
Huwag ka nang umiyak.
12:54.9
Pakiusap ni Mama dito.
12:57.4
I'm sorry, Rita.
12:59.5
Paghingin ang pumanhin ni Papa sa kanyang asawa.
13:03.2
Wala kang kasalanan, hindi mo naman kagustuhan ng magkasakit.
13:07.2
Pangaalo naman ni Mama pagkatapos ay natanaw kong hinalikan niya sa noo ang tatay ko.
13:14.2
Kaya mo ba akong mahalin kahit na alam mong malapit na akong mamatay?
13:19.3
Tanong ni Papa sa kanya.
13:21.0
Agad namang sumagot si Mama.
13:24.6
Hindi ka mamamatay.
13:26.4
Kung dati nasurvive natin, yung mga dumating na pagsubok sa atin ay alam kong masusurvive din natin ito.
13:33.6
Lakasan mo ang loob mo, Claudio.
13:35.8
Ikaw ang haligin ng tahanan.
13:38.3
Kapag nakikita ka namin parang nawawala na ng pag-asa, para na rin kaming nawawalan din noon.
13:45.4
Mahal ko, isipin mo at gagaling ka.
13:48.2
Magdasal tayo sa Diyos.
13:50.3
Alam kong magdasal tayo.
13:51.0
Mahal na mahal niya tayo.
13:53.1
Aniya.
13:54.6
Sa puntong yun, ako naman ang umiyak habang nakikinig sa kanilang usapan.
14:01.1
Natatandaan mo pa ba yung sumpaan nating dalawa na hindi natin iiwan ang isa't isa at sabay naharapin ang mga pagsubok sa ating dalawa?
14:10.0
Hindi kita iiwan, Claudio.
14:12.3
Mamahaling kita hanggang wakas.
14:14.8
Narinig kong sabi pa ni Mama sa aking ama.
14:18.2
Papadudod sa tuwing nakakaramdam kami ng pangalaman.
14:21.0
At pag nanais na sumuko, ay hindi namin nakakalimutan na manalangin sa Panginoon.
14:28.9
Bukod doon ay wala kaming iwanan.
14:31.3
Kung may problema ang isa ay dadamaya ng buong pamilya,
14:35.2
ganon ang ginawa namin nang minsang halos sumuko na ang ama ko dahil sa sobrang pagpapahirap sa kanya ng sakit niya.
14:43.1
Buti na lamang at palaging naroon sa tabi niya ang ina ko na handang tumulong at mag-alaga sa kanya.
14:48.7
Naroon din kami ni Serena para umagapay, tumulong at magmahal sa aming ama.
14:55.6
Naniniwala kasi kami sa kasabihan na the family that stays together, stays forever.
15:02.4
Papadudod nagpatuloy ang pagdating ng pagsubok sa aming pamilya.
15:07.5
Madalas pa rin atakihin ang sakit niya ang ama kong si Claudio.
15:11.4
Ang ina ko naman ay patuloy sa pag-aalaga sa kanyang asawa.
15:15.6
Papadudod bakas na bakas sa mga mata ng ina ko ang lalaki.
15:18.7
May labis na paghihirap sa aming sitwasyon.
15:21.7
Nararamdaman ko na nadudurog ang puso niya tuwing sumisigaw sa sakit ng asawa niya.
15:27.3
Kami naman ni Serena ay naging katuwang ang ina namin sa pag-aalaga sa aming ama.
15:33.3
Pero minsan ay dumarating ang pagkakataon na parang gusto na naming sumuko.
15:40.2
Bakit ba ako pinapahirapan ng Diyos ng ganito?
15:43.5
Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya?
15:46.1
Bakit niya ako pinapahirapan ng ganito?
15:48.7
Naging masama ba akong tao?
15:51.3
Question ni Papa sa Diyos habang pinapahirapan siya ng kanyang sakit.
15:56.9
Wala kang kasalanan sa Diyos.
15:59.4
Siguro may dahilan siya kaya niya ibinigay itong pagsubok na ito sa iyo.
16:04.0
Ngunit natigil ang sinasabi ni Mama nang muling mag-hysterical si Papa.
16:08.9
Pero ano nga ang dahilan niya para pahirapan ako ng ganito?
16:12.8
Rita, sa totoo lang ay nawawala na ako ng pag-asa.
16:16.1
Gusto ko nang sumuko na ibulala tayo.
16:18.7
Masas niya rito.
16:20.5
Mahal ko, huwag mong isipin na nag-iisa ka na lamang sa mundong ito na humaharap sa mga pagsubok na dumarating sa buhay mo.
16:28.3
Tandaan mong karamay mo ako.
16:30.6
Lahat ng hirap na nararamdaman mo ay nararamdaman ko rin kasi asawa kita.
16:35.4
Iisang katawan lang tayo.
16:37.7
Kung may nararamdaman ka ng hirap sa buhay mo ngayon,
16:41.2
isipin mo na lang na may asawa kang masasandalan.
16:45.2
Payo ni Mama sa kanyang asawa habang naiiyak ito.
16:48.7
Rita, mahal na mahal kita.
16:51.4
Huwag mo kong iiwanan.
16:53.4
Hindi ko kayang mawala ka sa akin.
16:55.5
Ikaw lang ang lakas ko.
16:57.2
Ang sabi pa ni Papa sa kanya.
16:59.9
Samantala na makainom ng gamot si Papa ay nakatulog na rin po ito.
17:03.9
Ngunit doon na umiyak sa harapan ko si Mama.
17:06.9
Alata ko na sa kanyang muka ay nawawala na rin siya ng pag-asa.
17:12.2
Chester anak, sobrang naaawa na ako sa dad mo.
17:16.8
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko si Papa.
17:18.5
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko si Papa.
17:18.6
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko si Papa.
17:18.7
Hindi ko siyang nasa ganyang sitwasyon.
17:21.9
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
17:24.8
Sa totoo lang ay pinipilit ko na lamang maging malakas at matatag
17:28.9
pero sa mga nakikita ko sa dad mo ay hindi ko maiwasang manghina.
17:34.1
Chester, mahal na mahal ko ang dad mo.
17:38.0
Ayaw ko siyang mamatay.
17:40.0
Hindi ko kayang mabuhay kapag wala siya.
17:43.0
Wika niya sa akin habang ako naman ay inaalo ko siya.
17:47.4
Samantala minsan,
17:48.6
Sana'y nawawala na rin ako ng pag-asa noon kay Papa.
17:52.6
Pero sa tuwing naiisip kong Panginoon,
17:54.9
ay nagkakaroon ako ng kaunting lakas para lumaban para kay Papa.
18:00.3
Ma, huwag kayong mag-alala at ipagdarasal natin sa Diyos na sana'y gumaling na si dad sa sakit niya.
18:08.8
Sabi ko pa noon kay mama.
18:11.4
Kaso paanong gagaling ang dad mo?
18:13.9
Walang gamon sa sakit niya, Chester.
18:15.7
Nadudurog talaga ang puso ko kapag naririnig kong sumisigaw si Claudio dahil sa kirot.
18:22.4
Kung pwede lang sanang akuin ko ang sakit niya, ay ginawa ko na.
18:26.2
Himala na lang na manggagaling sa Diyos ang tangin nating pag-asa.
18:31.9
Yun na lamang ang sinabi ni mama sa akin.
18:34.8
Oo, aminado na talaga kaming lahat na himala na lamang ang tangin naming pag-asa.
18:41.1
Papadudot ang Diyos na lamang ang naging sandigan namin noon sa mga pagsubok na dumay.
18:45.7
Kung marating sa buhay namin at sa aming pamilya, palagi kaming nagdarasal ng isang himala.
18:52.7
Pero sakali mang hindi maghimala ang Diyos, kailangan na naming tanggapin ang maaaring mangyari sa aming haligin ng tahanan.
19:02.3
Minsan ay hindi ko maiwasang kwestyonin ang Diyos kung bakit ba niya ginagawa sa pamilya namin ang ganong klase ng pagsubok.
19:10.4
Hindi naman kami nagkulang sa kanya at naging mabuti naman kaming pamilya at tagasunod niya.
19:16.3
Pero madalas nasabihin sa akin ng ina ko na huwag raw naming sisihin ang Diyos.
19:21.8
Kasi hindi raw ibibigay ng Diyos ang isang pagsubok kung hindi daw naming kayang solusyonan.
19:28.6
Muli ay tinibayan ko ang dibdib ko.
19:32.0
Pero dumating pa ang isang pagsubok na siyang nagpasuko sa akin na harapin ang hamon ng buhay.
19:39.4
Dad, gumusta na po kayo?
19:41.7
Nag-aalala lang, tanong ko kay Papa.
19:44.2
Ayos naman ako anak.
19:46.2
Ang mama mo ay nasaan na siya?
19:48.2
Tanong niya sa akin.
19:50.0
Umuwi saglit ng bahay kasama sina Serena at si Bayau.
19:53.3
Sagot ko naman.
19:55.2
Chester, nanaginip ako kanina.
19:59.1
Nagpaalam sa akin ng mama mo at tinangka ko siyang habulin pero bigla siyang kinain ng liwanag.
20:05.0
Iyak ako ng iyak sa panaginip ko kasi iniwanan niya ako, Chester.
20:09.4
Kinakabahan ako.
20:10.9
Huwi ka ni Papa sa akin.
20:13.4
Dad, parating na sila mama at Serena.
20:15.7
Mag-alala.
20:17.3
Napangiti na lamang si Papa sa sinabi ko.
20:20.5
Salamat ha anak ha sa pag-aalaga mo sa akin.
20:24.4
Nabala patuloy kita.
20:26.3
Imbis na nasa trabaho kayo, narito ka sa ospital.
20:29.9
Huwi ka pa niya sa akin.
20:32.4
Walang kaso po sa akin yun, Dad.
20:34.5
Mas importante kayo kesa sa trabaho ko.
20:37.9
At saka don't worry, nag-file naman po ako ng leave sa opisina.
20:42.1
Inform ko naman sa kanya.
20:43.6
Samantala ilang oras ang lumipas at sobra na akong nag-alala para kinamama si Serena at sa bayo ko.
20:51.7
Nakakutob na ako ng masama pero hindi ko may paliwanag.
20:55.5
At isang tawag ang natanggap ko mula sa mga pulis na nagkumpirma ng aking masamang kutob.
21:02.5
Huwag kayong mabibiglaser ha pero may nangyaring masama sa nanay ninyo at sa dalawang kasama niya.
21:09.1
Sabi sa akin ng pulis na nakausap ko sa kabilang linya.
21:12.7
Ano nga nangyari?
21:13.5
Ano nangyari?
21:13.6
Ano nangyari?
21:13.6
Ano nangyari sa kanila?
21:14.8
Kinakabahan kong tanong sa kanila.
21:17.3
Naaksidente po yung sasakya na minamaneho ng isa nalang kasamang lalaki.
21:21.6
Nabangga po ng bus.
21:23.1
Sagot nito.
21:24.9
Nanlumo ako at halos mawalan ako ng lakas nang marinig ko yun.
21:29.4
Tumitigaw ko kay papa na nuoy nagpapahinga na.
21:33.5
Nawasak po ang buong kotse at sa kasamaang pala de walang nakaligtas sa mga pasahero ng kotse.
21:39.9
Pagpapatuloy pa ng pulis.
21:42.2
Diyos ko hindi pwede man.
21:43.6
Ano nangyari ito?
21:45.1
Hindi ko na napigilan at napahagulhol na ako ng sandaling yun.
21:50.4
Nasa morgue dito sa Los BaƱos ang mga labi ng biktima.
21:54.1
Kasalukuyan naman pong iniimbestagahan ng pulis ang aksidente.
21:58.5
Itetext ko na lang po sa inyong buong adres kung saan ay dinala ang labi ng mga mahal ninyo sa buhay.
22:04.6
Inform sa akin ng pulis.
22:07.4
Pagkatapos ng tawag na yun ay siyang pagkakising naman ni papa.
22:10.9
At agad niyang hinanap sa akin si mama.
22:13.6
No choice ako noon kundi ang ipagtapat kay papa ang katotohanan.
22:18.3
At tulad ng aking inaasahan ay nanlumo at napahagulhol din ang aking ama.
22:22.9
Agad ko naman siyang inalo pero hindi ko siya kayang patahanin pa dahil maski ako ay hindi ko kayang tumahan sa nangyaring trahedya sa pamilya namin.
22:33.7
Papadudot na depressed ako noon.
22:36.1
Hindi ko akalain na nasa isang iglap ay mawawala ang ina ko at ang kapatid ko.
22:40.9
Naawa rin ako masyado sa ama ko kasi mahal naman.
22:43.6
Mahal niya ang asawa niya na higit pa sa kanyang buhay.
22:47.4
Kaya siya patuloy na lumalaban sa buhay dahil kay mama.
22:51.0
At ngayong wala na siya ay nawala na rin ang pagpuporsigin niyang harapin ang mga pagsubok sa kanya.
22:57.1
Samantala nang dumating ang araw ng libing.
23:01.7
Alam mo ba anak na pangarap namin ang mama mo na mag-celebrate kami ng golden anniversary.
23:07.8
Kaya nangako kami sa isa't isa noon na hindi namin iiwan ang isa't isa.
23:13.0
Kaya nangako kami sa isa't isa noon na hindi namin iiwan ang isa't isa.
23:13.5
Kaya heto, pinilit kong labanan ang sakit ko kahit na alam kong parang wala na akong pagasang mabuhay pa.
23:22.1
Madalas kong idalangin noon sa Diyos na pahabain niya ang buhay ko alang-alang sa mama mo.
23:27.8
Pero pati siya ay kinuha na rin ang Diyos sa akin.
23:31.2
Ang sakit Chester.
23:33.2
Sana ako na lamang ang namatay kesa kay Rita.
23:36.5
Naiiyak na kwento ni Papa sa akin.
23:39.5
Inalo ko naman siya sa pamamagitan ng pag-akbay sa kanya.
23:43.5
At sabay namin tinignan ang mga kabaong ni na mama, si Rena at ang bayo kong si Jared na binababana sa lupa.
23:51.9
Mahal na mahal ko ang mama mo higit pa sa buhay ko.
23:55.4
Kaya nga sobra ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko siya noon na nahihirapan sa pag-aalaga niya sa akin.
24:02.4
Pero kahit na ganoon, iniminsan ay hindi nagreklamo si Rita sa pag-aalaga sa akin.
24:08.4
Inalagaan niya ako, di dahil sa asawa lang niya ako kundi dahil sa mahal niya ako.
24:13.5
Kaya ngayon ay sobra akong nalulungkot kasi wala nang babaeng katuwang ko.
24:18.5
Ano pang silbin ang buhay kong wala nang babaeng mahal ko?
24:23.4
Umiiyak ng tanong ni Papa sa akin.
24:26.5
Dad, na wala man si mama, narito pa naman ako.
24:31.8
Pangako aalagaan ko kayo, hindi ko kayo papabayaan.
24:35.4
Pangako ko naman sa kanya.
24:37.9
Ayaw ko maging pabigat sa iyo Chester.
24:40.3
May sarili ka rin buhay.
24:41.5
Uwi ka niya sa akin.
24:44.4
Nagpatuloy naman ako sa pagsasalita.
24:47.2
Dad, importante kayo sa buhay ko.
24:50.0
Malaki ang utang na loob ko sa inyo.
24:52.6
Kung wala kayo ay wala rin ako.
24:55.5
Hindi ko mararating ang kinakatayuan ko ngayon kundi dahil sa inyo ni mama.
24:59.7
Kung dati ako ang inaalagaan ninyo noong bata pa ako.
25:03.8
Siguro ipanahon naman para ibalik ko sa inyo ang pag-aalaga at pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin, Dad.
25:09.8
Mahal na mahal ko po kayo.
25:12.1
Paniniguro ko sa kanya.
25:14.5
Papadudot ako ang naging sandigan ng ama ko sa kanyang mga problema.
25:18.8
Nagtulong kaming dalawa na harapin ang mga pagsubok na iyon.
25:22.1
Ako na ang sumano ng lahat ng responsibilidad at inalagaan ko ang aking ama at minahal.
25:27.9
Pero papadudot dumating din ang araw na kailangan na niyang lisanin ang mundo.
25:32.8
Taong 2011 ay tuluyan akong iniwan ang aking ama.
25:36.5
Labis akong nagdalamhati noon kasi siya na lamang ang natitirang kapamilya ko tapos ay nawala pa.
25:43.5
Buti na lamang at naging katuwang ko ang sarili kong pamilya lalo ng asawa kong si Ophelia.
25:50.1
Dahil sa kanya ay natanggap ko rin ang naging kinahinatna ng aming pamilya na larawan dati ng kasiyahan at pagmamahalan.
25:59.9
Sa kasalukuyan ay naka-move on na po ako sa mga nangyari.
26:04.2
Palagi ko na lamang ipinagdarasal ang mga magulang ko at si Serena sa Langit.
26:10.0
Masaya na rin ako kasi marami akong natutunan sa mga nangyari.
26:13.5
Isa na roon ang pagiging matatag.
26:17.7
Mawala man sa akin ang nakagisnang kong pamilya, ay nasa akin naman ang itinatag kong pamilya at handang magmahal sa akin anumang oras.
26:27.4
Samantala ay patuloy ko pa rin pong ina-admire ang pagmamahalan ng mga magulang ko.
26:32.9
Kasi hindi sila nag-iwanaan sa oras ng pagsubok at nagmamahalan sila hanggang sa wakas.
26:40.9
Ang buhay ay...
26:43.5
Mahiwagat.
26:47.5
Laging may lungkot at saya.
26:53.5
Sa papatudod stories.
26:57.5
Laging may karamay ka.
27:06.5
Mga problemang kaibigan.
27:11.5
Laging may karamay ka. Mga problemang kaibigan.
27:12.5
Laging may karamay ka. Mga problemang kaibigan.
27:13.5
Dito ay pakikinggan ka.
27:19.5
Sa papatudod stories.
27:23.5
Kami ay iyong kasama.
27:31.5
Dito sa papatudod stories.
27:35.5
Ikaw ay hindi nag-iisa.
27:43.5
Dito sa papatudod stories.
27:45.5
May nagmamahal sa'yo.
27:53.5
Papatudod stories.
28:00.5
Papatudod stories.
28:07.5
Papatudod stories.
28:11.5
Papatudod stories.