Close
 


Bulletproof Nga Ba Ang Tubig?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #physics #science #facts
Moobly TV
  Mute  
Run time: 10:39
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.7
Bulletproof nga ba ang tubig? Ang malas mo talaga. Nakita ka ng kalaban yung gang na nag-iisa. Agad ka nilang pinaputukan, kaya nagtago ka sa isang malaking kahoy. May dala kang baril, kaso wala kang bala. Malas talaga. Tumakbo ka na lang habang binabaril ka pa rin ng mga kalaban.
00:19.7
Maya-maya pa, dumaan ka sa isang bridge na may malaking ilog sa baba. Agad mong naalala ang mga pelikulang nakita mo kung saan tumatalo ng mga bida sa tubig upang hindi tamaan ng bala ng baril. Kaya sinunod mo ito. Parang tama naman kung nasa tubig ka, hindi ka nila makikita. Pero ang tanong, masasalba ka ba ng tubig mula sa mga balang binabaril sayo?
00:44.2
Tumalo ng isa sa mga kalaban sa tubig. Kinabahan ka na at naitanong mo sa iyong sarili.
00:49.1
Gumagana ba ang baril sa tubig? Ang maikling sagot ay, oo, gumagana ito. Pero iba sa nangyayari kung sa lupa mo ginamit.
00:59.5
Karamihan sa mga baril ay nakadesenyo na pumutok ang bala sa hangin. Pagkalabas nito sa barrel, agad na magsisimula ang projectile motion nito. Ilan sa mga factors na nagpapahina sa bilis ng bala ay ang gravity na humihila dito pababa at ang air resistance.
01:16.0
Habang bumabiyahi ang bala ng baril, nakakabanga ito ng mga air particles sa hangin. Gayunpaman, sa mga normal na barilan, nagagawa pa rin ito ang kailangan nitong gawin. Pero paano nga ba ito mag-iiba kung sa tubig na ito ibabaril?
01:31.5
Kung hindi mo pa alam, ang tubig ay 800 times na mas dense kaysa sa hangin. Ang regular na hangin ay may bigat na 1.25 kilograms per cubic meter.
01:43.3
Ang tubig naman ay may bigat na 1,000 kilograms per cubic meter.
01:46.0
Dahil dito, mas nakakagawa ng malakas na resistance ang tubig kumpara sa hangin. Mas maraming nababanga ng molecules ang bala sa tubig kaysa sa hangin.
Show More Subtitles »