Close
 


Bulletproof Nga Ba Ang Tubig?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #physics #science #facts
Moobly TV
  Mute  
Run time: 10:39
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.7
Bulletproof nga ba ang tubig? Ang malas mo talaga. Nakita ka ng kalaban yung gang na nag-iisa. Agad ka nilang pinaputukan, kaya nagtago ka sa isang malaking kahoy. May dala kang baril, kaso wala kang bala. Malas talaga. Tumakbo ka na lang habang binabaril ka pa rin ng mga kalaban.
00:19.7
Maya-maya pa, dumaan ka sa isang bridge na may malaking ilog sa baba. Agad mong naalala ang mga pelikulang nakita mo kung saan tumatalo ng mga bida sa tubig upang hindi tamaan ng bala ng baril. Kaya sinunod mo ito. Parang tama naman kung nasa tubig ka, hindi ka nila makikita. Pero ang tanong, masasalba ka ba ng tubig mula sa mga balang binabaril sayo?
00:44.2
Tumalo ng isa sa mga kalaban sa tubig. Kinabahan ka na at naitanong mo sa iyong sarili.
00:49.1
Gumagana ba ang baril sa tubig? Ang maikling sagot ay, oo, gumagana ito. Pero iba sa nangyayari kung sa lupa mo ginamit.
00:59.5
Karamihan sa mga baril ay nakadesenyo na pumutok ang bala sa hangin. Pagkalabas nito sa barrel, agad na magsisimula ang projectile motion nito. Ilan sa mga factors na nagpapahina sa bilis ng bala ay ang gravity na humihila dito pababa at ang air resistance.
01:16.0
Habang bumabiyahi ang bala ng baril, nakakabanga ito ng mga air particles sa hangin. Gayunpaman, sa mga normal na barilan, nagagawa pa rin ito ang kailangan nitong gawin. Pero paano nga ba ito mag-iiba kung sa tubig na ito ibabaril?
01:31.5
Kung hindi mo pa alam, ang tubig ay 800 times na mas dense kaysa sa hangin. Ang regular na hangin ay may bigat na 1.25 kilograms per cubic meter.
01:43.3
Ang tubig naman ay may bigat na 1,000 kilograms per cubic meter.
01:46.0
Dahil dito, mas nakakagawa ng malakas na resistance ang tubig kumpara sa hangin. Mas maraming nababanga ng molecules ang bala sa tubig kaysa sa hangin.
01:57.9
Sa bawat pagbangga ng bala sa isang water molecule, nalilipat ang kaunting energy nito sa molecule. Kaya naman, habang bumibiyahi ito sa tubig, nakakabanga ng napakaraming molecules.
02:10.5
Dahan-dahan ding nauubos ang energy nito hanggang sa wala na itong lakas na tumagos.
02:15.5
Sa katawan mo.
02:17.2
Gayunpaman, may ilang factors na nakakaapekto sa bala pag ibinaril mo ito sa tubig.
02:23.3
Ayon sa isang pagsusuri sa King Abdullah University of Science and Technology noong 2008, karamihan sa mga standard na bala ay nakakapasok lamang sa tubig kung binaril ito mula sa 12 degrees o higher na angle.
02:37.1
Sa madaling salita, kung binaril mo ang isang anyo ng tubig mula sa 5 degrees na angle o kahit 11 degrees na angle,
02:44.7
tatalbog lang ang bala sa tubig at hindi nito kayang makapenetrate.
02:49.7
Kaya naman, magdasal ka na lang na nasa maling mga angle, nagpapaputok ang mga kalaban mo.
02:55.7
Paano kung nasa angle nga ang mga kalaban mo na mataas sa 12 degrees, tatamaan ka ba sa ilalim ng tubig?
03:02.7
Ang sagot ay nakadepende sa uri ng bala na ginagamit.
03:06.7
Magsimula tayo sa mga malalakas na baril, rifles at machine guns.
03:11.7
Sa pelikulang Saving Private Ryan,
03:13.7
nang nag-dock ang mga barko ng allies sa isang dagat sa Normandy, France,
03:18.7
agad silang pinaputukan ng mga Germans gamit ang machine guns.
03:22.7
May ilang sundalo na tumalun sa dagat para iwasan ang mga bala, pero kahit nasa ilalim na sila, natamaan pa rin sila.
03:30.7
Ang tanong, tama nga ba ito?
03:32.7
Sa isang Smithsonian experiment, sinubukan ang isang grupo na i-recreate ang nasa Saving Private Ryan.
03:38.7
Gumamit sila ng isang modern rifle na katulad ng ginamit sa movie.
03:42.7
May bala itong 7.62 millimeters at may velocity na 2,700 feet per second.
03:49.7
Point blank itong nakaharap sa target, pero hindi pa rin umabot ang bala.
03:54.7
Ganito din ang resulta sa experiment na ginawa sa isang episode sa Mythbusters.
03:59.7
Sinubukan nila kung anong mangyayari sa bala ng iba't ibang mga baril pagpasok nito sa tubig.
04:04.7
Ilan sa mga ginamit ng grupo ay isang .223 caliber na may balang may bilis na 2,500 feet per second.
04:11.7
At .50 caliber na may balang bumibiyahe sa bilis na 3,000 feet per second.
04:18.7
Paglabas ng bala sa barrel, sa sobrang lakas nito, bumabiyahe ito sa supersonic speed.
04:24.7
Pero nang tumama na ito sa tubig, may kakaibang nangyari.
04:28.7
Umabot lamang ito ng 3 meters.
04:30.7
Para malaman mo ang diferensya, ang mga baril na ito ay kayang umabot ng 350 hanggang 550 meters sa lupa.
04:38.7
Maliban doon, nabasag ang mga baril.
04:40.7
Nabasag ang mga bala pagdating nito ng 3 meters.
04:43.7
Anong nangyari?
04:45.7
Simple lang.
04:46.7
Pagpasok ng bala sa tubig, agad itong sinasalubong ng resistance.
04:50.7
Ito ang nagpapahina sa takbo ng bala.
04:52.7
Ang resistance ay proportional sa bilis ng bala.
04:55.7
Ibig sabihin, kung mas mabilis ang bala, mas malakas din ang resistance.
05:00.7
Sa sobrang lakas ng resistance ng mga malalaking armas, na overpower nito ang bala.
05:05.7
Na siyang rason kung bakit nabasag ito.
05:08.7
Gamit ang prinsipal na ito, siguro alam mo na na mas maganda ang performance ng mga hindi gaanong kalakas na baril.
05:15.7
Tama ka dyan.
05:17.7
Kung ibabaril mo ang isang handgun direkta sa ibabaw ng tubig, aabot ito ng 7.2 feet sa ilalim ng tubig.
05:24.7
Kaya naman, kung tumalon ka sa tubig para iwasan ang mga baril ng kalaban mo, magdasal ka na lang na hindi handguns ang dala nila.
05:32.7
Dahil kung ganoon, kailangan mo pang magdive ng hanggang 9 feet.
05:37.7
Para hindi ka talaga matamaan.
05:39.7
Kahit nasa 8 feet na lalim ka, pwede ka pa rin tamaan at magkaroon ng flesh wound.
05:44.7
Malas ka kung may dalang shotgun ang kalaban mo, dahil kung ipuputok mo ito, lalagpas pa ito sa inabutan ng handgun.
05:52.7
Ayon sa ilang eksperto, efektibo ito sa tubig dahil ang shotgun slugs ay malaki, kaya mas marami itong dalang kinetic energy.
06:01.7
Pero hindi rin ito ganoon kabilis na masyadong malakas ang resistance.
06:05.7
Gayunpaman, mas malas ka talaga kung may dalang supercavitating rounds ang kalaban mo, dahil ang mga balang ito ay talagang ginawa upang gumalaw ng mabilis sa tubig.
06:17.7
Flat ang mga dulo nito na siyang mas nakakagalaw sa tubig kaysa sa karaniwang bala.
06:23.7
Pero ang kakaiba sa supercavitating rounds ay gumagawa ng cavitation bubble ang bala sa likod nito, na siyang nag-aalis sa friction sa shell ng bala at sa tubig.
06:33.7
Dahil wala ng resistance, mas mabilis itong bumabiyahe.
06:37.7
Hmm, kung ganoon, paano kung tumalo na rin sa tubig ang mga kalaban mo at doon nila iputok ang baril sa ilalim?
06:45.7
May tatlong issues ang paggana ng baril sa ilalim ng tubig.
06:49.7
Una ay sa bala nito. Marami sa mga modern ammunition sa panahon ngayon ay watertight, hindi ito naaapektuhan ng konting ulan o moisture.
06:58.7
Kung nasa ilalim ng tubig ito, gagana ito kung hindi ka pa matagal sa tubig.
07:02.7
Pero kung ilang oras nang nababad ang baril sa tubig, pagkatapos ng ilang oras, posibleng nang mapasukan ng tubig ang bala.
07:10.7
At kung mangyayari yan, mababasa ang powder sa loob at hindi na ito mag-iignite.
07:16.7
May posibleng problema din sa aksyon. Ang mga baril ay nakadesenyo na gumana sa standard atmospheric conditions.
07:23.7
Kung nasa ilalim ito ng tubig, posibleng magkaroon ng problema sa expended casing na pwedeng hindi ma-eject ng tama.
07:30.7
Posible pa nga itong hindi talaga ma-eject dahil sa tubig.
07:34.7
Higit sa lahat, ang malaking problema sa baril na pinapaputok sa ilalim ng tubig ay sa ballistics nito.
07:40.7
Kapag binabad mo ang baril sa tubig, agad na natutubigan ang barrel nito. Lahat ng tubig sa loob ay kailangan pang itulak ng bala pagputok ng baril.
07:50.7
Kuminsan, depende sa taas ng barrel ng isang baril, ang tubig sa loob ay mas mabigat pa sa mismong bala na nagpapahina sa bilis ng baril.
07:59.7
hina sa bilis ng bala. Pagkalabas ng bala sa barrel, hindi na ito kasing bilis at naapektuhan
08:06.4
na rin ang stability ng bala. Dahil dito, hindi aabot ng malayo ang bala at hihinto lang ito.
08:13.6
Nakita ang konsepto na ito sa pelikulang John Wick 3, Parabellum, nang nahulog siya at ang
08:20.0
kanyang kalaban sa swimming pool. Agad na dumistansya pa palayo si John Wick nang magpaputok
08:25.4
na ang kalaban. Nasa 3 feet lang ang distansya nila pero hindi umabot sa kanya ang bala.
08:31.6
Isipin mo na ang isang 9mm handgun ay dapat may range na 50 feet pero huminto na ito at lumubog
08:38.9
bago umabot kay John Wick. Agad namang lumangoy si John Wick at dinikit ang barrel sa ulo ng
08:44.7
kalaban saka pinutok. Siyempre, agad na namatay ang kalaban dahil paglabas ng bala ay may bilis
08:51.4
pa ito nang tumama sa ulo.
08:53.9
Kung may mga bala na nakadistansya,
08:55.4
sa isenyo na bumiyahi sa tubig, may mga baril din ginawa upang ipaputok sa ilalim ng tubig.
09:00.9
At isa na dito ang Soviet APS Underwater Rifle. Hindi tulad ng ibang mga baril, gumagamit ito ng
09:07.9
pressurized gas at hindi combustible propellants upang hindi maging isyo ang paglubog ng mga
09:13.9
cartilages. Kakaiba rin ang bala ng baril na ito. Imbes na may bilog na katulad ng mga karaniwang
09:20.6
baril, ang lumalabas sa Soviet APS ay mga metal bolts.
09:25.4
Sa korteng ito, mas mabilis itong gumalaw sa tubig. Kit sa lahat, wala itong rifling sa loob. Kaya sa
09:33.8
technical terms, hindi talaga itong matatawag na rifle. Ang metal bolts lang ang nasa loob at nakadepende
09:40.6
ang stability ng bala nito sa mismong hydrodynamics ng tubig. Ito ang rason kung bakit masasabi mong
09:47.1
ginawa talaga ang baril na ito para iputok sa ilalim ng tubig. Sa katunayan, may range ito na 30 meters,
09:54.4
10 times na mas malayo sa ordinaryong baril na pinapaputok mo sa tubig. Yun nga lang, dapat ay ipuputok mo ito nang hindi pa masyadong
10:03.5
malalim sa tubig ang posisyon ng baril. Kung dadalhin mo ito sa napakalalim na parte ng tubig, posibli na itong mag-malfunction.
10:12.0
Ang epekto ng tubig sa baril at sa bala nito ay isang komplikadong bagay. Pero sa huli, kung gusto mo ng mas ligtas at mas masayang
10:20.4
pamumuhay, iwasan mo na lang ang pakikipaglaro sa baril sa loob.
10:24.4
Sa loob pa man ito o sa tubig.