Close
 


Panlinis ng Dugo? Mga Bagay na Puwedeng Pang-Linis ng Dugo. - By Doc Willie Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Panlinis ng Dugo? Mga Bagay na Puwedeng Pang-Linis ng Dugo. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Alamin ang Paliwanag: https://youtu.be/NOTGEzgOiT4
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 17:04
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.4
Panlinis ng dugo, meron ba yan?
00:03.2
Actually, nung una ko itong narinig, how to clean your blood,
00:06.1
sabi ko, parang tama ba o mali?
00:08.4
Pero nung inaral ko, tama pala.
00:11.6
Diba?
00:12.3
Kasi yung katawan natin, siyempre, ang dugo, maraming trabaho.
00:17.4
Diyan, dumadaan yung oxygen natin, yung pagkain natin,
00:21.6
yung glucose, yung hormones, yung white blood cell.
00:25.4
Diba?
00:26.3
So, kailangan gumagana organs natin.
00:30.0
Okay?
00:31.0
Ano ba panlinis ng dugo natin?
00:33.3
Siyempre, yung liver natin, tagalinis, tagametabolize.
00:37.1
Yung kidneys natin, tagalinis.
00:40.2
Oras na yan, parang nagwawalis.
00:42.8
Oras na masira ang kidneys natin, nag-kidney failure, ano mangyayari?
00:47.9
Hindi na malilinis yung dugo.
00:50.0
Ang mangyayari, yung mga waste products, mag-iipon sa dugo.
00:54.8
Dadami yung creatinine, kaya mag-iiba yung kulay, magiging gray.
01:00.0
Pati yung hininga, mag-iiba.
01:02.6
Magkakaroon ng uremia.
01:04.2
Sabihin yung mga toxins, nag-iipon sa dugo, nalalason yung dugo.
01:08.8
Kasi nga, kidney failure, liver failure, ganun din mangyayari.
01:14.0
Kaya, para hindi dumumi ang dugo, at nililinis niya yung kolesterol,
01:21.0
kailangan gumagana ang liver at kidneys natin.
01:26.1
Diba? Tama naman pala eh.
01:28.1
Actually, mga doktor din sumulat.
01:30.0
Itong mga research na to.
01:32.3
So, tingnan muna natin, ano trabaho ng dugo?
01:35.2
Malaki ang trabaho ng dugo natin.
01:37.1
Lahat dyan dumadaan eh.
01:39.3
Diba?
01:40.0
Paghinga natin, oxygen.
01:42.1
Diba?
01:43.2
Pag huminga tayo oxygen, namumulan na itong kamay.
01:47.5
Diba?
01:47.9
Pag hindi ka huminga, magiging blue yan.
01:50.2
So, mula sa lungs, pupunta yung oxygen sa dugo.
01:54.2
Yung dugo, pupunta sa puso, ipapump niya dito.
01:57.0
Kaya, gaganda na kulay.
01:58.1
Papump niya hanggang paa mo.
02:00.0
Pump niya sa kidneys mo, sa liver mo.
02:01.9
So, daladala niya oxygen.
02:04.1
Dapat maraming oxygen.
02:06.1
Kung di ka huminga, puro carbon dioxide,
02:08.5
ayan, delikado.
02:10.4
Mga hormones sa dugo din dumadaan.
02:13.8
Testosterone, estrogen.
02:15.7
Clotting factors, kung may sugat,
02:18.0
parahin maghilom yung sugat, diba?
02:20.4
May pang-clot tayo dyan, may platelet tayo.
02:23.0
Kung hindi, dugo yan ang dugo.
02:24.3
Yung asukal, yung mga diabetic na malakas kumain, diba?
02:30.0
Nasa dugo din yan, eh.
02:31.7
Nasa dugo din. May insulin pampababa.
02:33.8
Mga fats, white blood cell.
02:36.7
Kung may lagnat tayo, may pulmonya.
02:39.6
Saan yung panlaban natin, yung mga sundalo natin,
02:43.1
saan dadaan?
02:44.0
Sa dugo din.
02:45.6
Kaya nga, meron tayong natural ways
02:48.0
para linisin ang dugo natin.
02:51.0
At maganda yung daloy, delivery.
02:53.9
Kung baga, yung dugo, eh, blood vessel,
02:55.9
yan yung pinaka-highway, yan ang EDSA natin, eh.
02:58.9
Diyan dumadaan.
02:59.8
Ito, trabaho ng dugo. Ang ganda, oh.
03:01.8
Taga-transport ng oxygen.
03:03.8
Yung waste products nilalabas.
03:06.8
Pati yung kinain natin, dadaan din sa dugo muna.
03:10.8
Diba? Na-absorb sa dugo bago dinadala sa mga katawan.
03:14.8
Ayan. Hormones and other products.
03:17.8
Protection. Nandyan yung mga white blood cells.
03:19.8
Nandyan yung platelets.
03:21.8
Yung pH ng katawan para hindi maging asidic.
03:25.8
Pag kidney failure, nagiging asidic ang dugo.
03:28.8
Diba?
03:29.8
Dapat tama lang pH.
03:31.8
Yung temperature, ang taga-regulate, nasa dugo din.
03:35.8
Ah, pag hindi na-regulate, heat stroke ka.
03:38.8
Kundi baka sumobra lamig, mag-freeze ka naman. Diba?
03:42.8
So, sa malamig na lugar. So, water balance siya, bahala.
03:45.8
Hindi ka masobrahan sa tubig, hindi ka magkulang sa tubig.
03:48.8
Nasa dugo yung mga hormones na pang-regulate lahat niya.
03:53.8
So, yan talaga pinakamahalaga ang dugo.
03:56.8
Ano yung taga-linis natin?
03:59.8
First, ang liver, malaki ang trabaho.
04:02.8
Umiinom ka ng alak. Diba?
04:05.8
Malalason yung katawan mo sa alak.
04:07.8
Pasalamat tayo sa atay.
04:09.8
Siya taga-metabolized.
04:12.8
Ibig sabihin, yung alak na masama, ginagawa niyang hindi masama at nailalabas sa katawan.
04:18.8
Ang problema, pag yung alak mo sobra dami, sobra bilis ka uminom, inaraw-araw mo, hindi nakakayanin ng liver mo.
04:27.8
Pagod na siya, hindi na niya ma-metabolize, hindi na niya matapon lahat ng alak na ininom mo.
04:35.8
Kaya masisira na siya, liver cirrhosis.
04:37.8
Kaya yung alak siya rin, yung mga gamot na iniinom natin, paracetamol at iba pa, siya rin taga-metabolize.
04:43.8
Kung may pumasok na harmful chemical o toxin na kain na langhap, liver din.
04:50.8
Yung medyo toxin na napumasok sa katawan, ginagawa ng liver na harmless.
04:56.8
At nilalabas sa ihi, sa pawis.
05:00.8
Second organ, pampalinis ng dugo, kidneys.
05:04.8
Diba, pinifilter niya yung blood, yung dugo lang na, yung mga mahalaga lang iniipon niya, yung hindi mahalaga, iniihi natin.
05:13.8
Nilalabas natin yung mga sobra.
05:15.8
Meron din tulong ang ibang organs, intestine, sa pagdumi, yung dumi.
05:20.8
Sa skin, yung pawis, namalabasin yung dumi dyan linsan.
05:24.8
Kaya nga, yung mga may kidney failure, yung mga pag nagkaroon ng kidney failure, wala nang ihi.
05:30.8
Ang nangyari, nag-iipon ang dumi sa katawan, nasa dugo.
05:35.8
Kaya yung pawis, pag may kidney failure, medyo may amoy.
05:39.8
Parang medyo amoy ihi, ganun ang nangyayari.
05:42.8
Diba, kasi hindi na makalabas sa kidneys eh.
05:44.8
So dapat, pag healthy ang liver, huwag uminom ng alak. Healthy ang kidneys, walang high blood, walang diabetes.
05:52.8
Kung pag healthy itong mga organs natin, mas malinis ang dugo.
05:58.8
Ano ang senyales na medyo madumi na dugo natin, o parang may depresya na sa katawan?
06:05.8
Pwede, ito naman po, mga general signs lang eh.
06:09.8
Pwede magka skin problem, naglabasan yung mga rashes.
06:13.8
Pwede naggulo yung bowel movement, minsan constipated, diba, hindi regular.
06:18.8
Bloated, masakit lang dyan lagi, makabag.
06:21.8
Number four, may maga, maga yung muka. Pag maga yung muka, possible na may kidney failure.
06:27.8
Pag maga ang tiyan, may ascites, possible liver failure.
06:32.8
Pag maga ang paa, usually pang heart failure yun.
06:35.8
Irregular menses, pwede rin, nagluloko yung regla ng babae.
06:40.8
Ito, fatigue, stress, depress, hindi makatulog, usually magkasama yan eh.
06:46.8
Pagod, hindi makatulog, medyo senyales siya ng liver failure.
06:51.8
Kidney failure, yan ang nagiging senyales.
06:55.8
Very general ito, pero ibig sabihin, may nararamdaman yung katawan.
06:59.8
Bakit siya pagod? Bakit hindi makatulog? Bakit nagwe-weight gain? Diba? Yan.
07:06.8
So, ito, pag ganito mga senyales, tingnan natin.
07:09.8
Check natin yung liver, check natin yung kidneys, baka nag-iipon na ng dumi yung katawan natin.
07:15.8
So, tulad na sinabi ko, trabaho ng kidneys, eh ano, nagwawalis siya.
07:19.8
Binawalis niya yung mga dumi. Ang cute eh.
07:21.8
Ito naman ang liver. Ang liver kasi, marami siyang enzymes.
07:27.8
Paano ko ba explain ito?
07:29.8
Yung mga chemical, lalo na yung gamot na iniinom natin, siya nagme-metabolize.
07:35.8
Meron siyang mga process eh, mga chemical process.
07:38.8
Misa na-oxidize, na-hydrolyze, dehydrogenate, lahat yan para gawing harmless. Diba?
07:47.8
Pagpunta sa katawan, medyo matapang pa yung gamot, pinapagaling pa tayo.
07:52.8
Pag dumaan sa liver, okay, tama na.
07:55.8
So, kaya ang dosis mo ng gamot, once a day. Kasi, tinanggal na nung liver for the day.
08:01.8
Next day na ulit eh. Ayan.
08:03.8
So, pag maganda ang gana ng liver mo, maayos yan.
08:07.8
Nalalabas siya yung dumi sa ihi, sa dumi.
08:10.8
Pero para gumana ang liver mo, dapat kompleto ka sa vitamin B.
08:15.8
B2, B3, B6, B12, kailangang kompleto ka.
08:18.8
Folic acid, glutathione, flavonoids, at iba pa.
08:22.8
Vitamin C, choline, glutamine, lahat ito kailangan ng liver para maganda function niya.
08:29.8
Kaya dapat healthy foods, papakita natin.
08:32.8
Para gumana yung kidneys mo, eh dapat maraming inom ng tubig. Diba?
08:37.8
Para gumana siya, makalinis siya, maigi.
08:40.8
At dapat control ang high blood mo at diabetes para hindi siya masira.
08:45.8
Okay, ito na mga tips natin.
08:48.8
Number one, paulit-ulit tayo dito.
08:50.8
Pero ngayon, maintindihan nyo na.
08:52.8
Gusto nyo luminis ang dugo, diba?
08:55.8
Dapat maraming tubig iinumin.
08:58.8
Ano recommendation ng National Kidney Association?
09:01.8
Sabi ng National Kidney Association,
09:03.8
at least 6 na basong ihi ang nilalabas araw.
09:08.8
Ihi ah, hindi ko sinabi inom.
09:11.8
6 na basong ihi ang lumalabas
09:14.8
para yung kidneys gumana.
09:17.8
Para maganda yung daloy ng kidneys natin.
09:20.8
Ayan, no?
09:21.8
Paano mo makukuha itong 6 na basong ihi?
09:24.8
Lalo na kung tumataas na creatinine.
09:26.8
Gusto mo maraming ihi. Bakit?
09:28.8
Hindi pwede 6 na basong tubig din iinumin mo.
09:31.8
Kasi kung 6 na basong tubig lang,
09:34.8
baka 4 na basong tubig, 4 na basong ihi lang lumalabas.
09:38.8
So kailangan more.
09:39.8
Siguro mga 8 to 10 glasses of pwedeng water,
09:43.8
pwedeng fluids, pwedeng kape, juice,
09:46.8
kung buko, kung anong mga gusto niyo.
09:47.8
Pero mas maganda sana tubig.
09:49.8
So bakit pag 10 glasses inumin ko,
09:51.8
ang lalabas sa akin mga 6 glasses of ihi lang?
09:56.8
Paano?
09:57.8
Siyempre lalabas sa pawis mo yung iba.
09:59.8
Iba lalabas sa pawis mo.
10:01.8
Pati palad natin, pawis sa laway natin.
10:04.8
Iba ginagamit ng katawan natin.
10:06.8
So hindi lahat ng ininom lalabas sa ihi.
10:10.8
Yung iba sa pawis lumalabas.
10:13.8
So importante pag inom ng tubig para malabas.
10:16.8
Pag marami ka rin tubig, hindi ka dehydrate,
10:18.8
mas open ang blood vessel.
10:20.8
Mas maganda daloy ng dugo.
10:22.8
At pag kulang ka sa tubig, dehydrated,
10:25.8
kulang sa ihi,
10:27.8
it can lead to kidney damage,
10:30.8
kidney failure, and dialysis.
10:33.8
Okay? Sana malinaw.
10:35.8
Kaya kung gusto niyo 2-3 basong tubig lang sa isang araw,
10:39.8
pwede mabuhay.
10:41.8
Huwag lang machachambahan na
10:43.8
pag tumatanda na, mahina na kidneys.
10:46.8
O pag kulang ka sa tubig, pwede ma-UTI.
10:49.8
Pwede ma-kidney stones.
10:51.8
Lahat ang dami ng problema.
10:53.8
Cruciferous vegetable.
10:55.8
Ito yung superfood na maraming anti-oxidant at anti-cancer pa siya.
11:01.8
Broccoli, cauliflower, mga repolyo.
11:04.8
Napakaganda niyan. Okay?
11:06.8
May konting pag-aaral na nakakaiwas sa kidney cancer.
11:09.8
Good for the kidneys.
11:12.8
Strawberry, napakaganda.
11:14.8
And blueberry.
11:15.8
Puro very, very high in anti-oxidant.
11:18.8
Blueberry lang, wala tayo dito.
11:20.8
Mas mataas lang siya, konti pa sa anti-oxidant.
11:23.8
Compared to strawberry.
11:25.8
O sa Baguio, medyo mura strawberry natin.
11:27.8
Mataas sa anti-oxidant.
11:29.8
Makakatulong sa liver. May konting pag-aaral yan.
11:32.8
Bawang. Diba, turo ko sa inyo. Bawang, very healthy. Bakit?
11:37.8
Para sa dugo yan eh.
11:39.8
Pampaganda ng daloy ng ugat natin.
11:44.8
Paano siya gaganda?
11:45.8
Cholesterol, bababa sa bawang.
11:48.8
Blood pressure, medyo may tulong konti sa bawang. Diba?
11:52.8
Cholesterol mo, blood pressure mo, gaganda.
11:55.8
May anti-microbial property pa ito. Laban sa mga bakteriya.
12:01.8
Laban sa mga mikrobyo.
12:03.8
So, good for the blood vessels. Good for the kidneys yan.
12:07.8
Ganong karaming kakainin?
12:08.8
Dalawa hanggang tatlong butil sa isang araw.
12:11.8
Ganun lang ang recommended.
12:13.8
Okay?
12:14.8
Mas hilaw, mas maganda, masakit ng satyan.
12:16.8
Kundi, lutuin lang konti.
12:18.8
Huwag lang susunugin.
12:20.8
At ang problema lang nga dito,
12:22.8
kung kakainin mo raw, pwede sumakit yan mo.
12:25.8
Kaya, isama na lang sa pagkain.
12:28.8
Mansanas, isa sa fruit na pinakamaganda
12:32.8
for the liver, for the kidney.
12:34.8
Kasi, ito yung prutas talaga na pwedeng-pwede sa diabetes.
12:38.8
Kung isang prutas lang re-recommend ko sa diabetes,
12:41.8
ito number one.
12:42.8
Apple.
12:43.8
Okay?
12:44.8
Ang banana kasi, pwede rin sa diabetic,
12:48.8
pero medyo moderate glycemic index.
12:51.8
Mga 55.
12:52.8
Ito, mga 35 lang.
12:54.8
Ibig sabihin, kahit dalawa kainin ng diabetic, okay lang.
12:57.8
Gusto natin mababa blood sugar mo.
12:59.8
Tsaka, itong balat, napakaganda.
13:01.8
May pectin, soluble fiber, maganda sa tiyan.
13:05.8
Anti-cancer.
13:06.8
Kaya, an apple a day.
13:07.8
Keeps the doctor away talaga.
13:10.8
Suha, pwede rin sa diabetic.
13:12.8
Maganda ito.
13:13.8
May konti pag-aaral.
13:15.8
Maganda siya sa liver.
13:17.8
Okay?
13:18.8
Lalo na itong fiber niya.
13:20.8
Maganda yan.
13:22.8
Isda, mataas sa omega-3 fatty acids.
13:25.8
Mataas sa fish oil.
13:26.8
Ginagawa pa nga supplemento.
13:28.8
Kahit anong isda.
13:29.8
Tuna, sardinas, tamban, hasa-hasa.
13:33.8
Kung may pera, salmon.
13:35.8
Kahit tilapia, pwede na rin yan.
13:37.8
Omega-3 fatty acids yan.
13:39.8
Anong benefit ng fish oil, omega-3 fatty acids?
13:42.8
Pampaganda daloy ng dugo.
13:44.8
Paano?
13:45.8
Bababa triglyceride.
13:47.8
Maganda sa blood pressure.
13:49.8
Maganda sa cholesterol.
13:51.8
Maganda sa tibok ng puso.
13:53.8
Maganda ito sa puso.
13:55.8
Diba?
13:56.8
So, maganda yan sa katawan natin.
13:58.8
Luya.
13:59.8
Pwede rin.
14:00.8
Ginger.
14:01.8
Ayan, pampababa ng blood sugar.
14:03.8
May konting pag-aaral.
14:05.8
Good for non-alcoholic fatty liver disease.
14:08.8
Yung mga may sira sa atay.
14:11.8
Yung matataba.
14:12.8
Medyo maganda dito sa luya.
14:16.8
So, good for the liver.
14:18.8
Para pag maayos ang liver,
14:20.8
mas maganda ang paglinis sa katawan.
14:23.8
Luya, pwede rin sa hilo.
14:25.8
Pwede rin sa sakit ng tiyan.
14:27.8
Green tea kasi may anti-oxidant.
14:31.8
May pag-aaral ito.
14:32.8
May mga anti-cancer properties.
14:34.8
Super taas sa anti-oxidant.
14:36.8
Although may caffeine siya.
14:38.8
Kaya tansyahin mo lang.
14:39.8
Kung 2 to 3 cups, depende.
14:41.8
Pag hindi ka naman masyadong...
14:43.8
Hindi naman ganun kataas yung caffeine niya.
14:45.8
Pero 2 to 3 cups in a day, pwede yan.
14:49.8
May tulong sa liver.
14:51.8
Sa kape, medyo iba-iba yung pag-aaral.
14:56.8
May pros and cons.
14:58.8
Basta black coffee lang, wala masyadong sugar, okay.
15:01.8
Pero pag ginawa mo ng 3 in 1,
15:03.8
tsaka maraming matatamis, hindi na healthy.
15:05.8
Pero kung black coffee lang,
15:07.8
2 cups in a day maximum,
15:10.8
medyo may konting pag-aaral.
15:11.8
Maganda sa liver.
15:12.8
Maganda sa katawan natin.
15:14.8
Except lang kung nagpa-palpitate ka
15:17.8
at hindi ka sanay dito.
15:19.8
So, coffee, depende sa inyo.
15:21.8
At syempre, pagdating sa mga supplements
15:24.8
at ibang mga gamot,
15:25.8
paalam nyo muna sa doktor nyo.
15:27.8
Pag maintenance medicine,
15:29.8
okay lang, tuloy nyo.
15:30.8
Paalam nyo sa doktor nyo.
15:33.8
Pero kahit mga supplements or vitamins,
15:35.8
paalam nyo sa doktor nyo.
15:36.8
Kasi may overdose eh.
15:38.8
Pag na-overdose kayo, baka masira liver.
15:40.8
Baka masira kidneys natin.
15:42.8
Pag nasira liver ang kidneys,
15:44.8
hindi nagagana yung panlinis ng dugo,
15:46.8
panlinis ng katawan,
15:47.8
eh hindi maganda.
15:49.8
Other ways to clean your body.
15:51.8
Bawa sugar intake.
15:53.8
Paramihan ng inom ng tubig.
15:55.8
Sinabi ko nga, 8 to 10 glasses of fluid or water.
15:59.8
Tigil alak.
16:00.8
Healthy food ng mga tinuturo natin.
16:03.8
Iwas sa mga fast food, junk food, mga alat.
16:06.8
Green tea, exercise number 6.
16:08.8
Siyempre, mas nag-exercise,
16:10.8
mas maganda daloy ng dugo.
16:12.8
Mas maganda daloy ng dugo,
16:15.8
gaganda daloy ng dugo sa liver,
16:17.8
sa kidneys, sa utak, sa puso.
16:19.8
Pag maganda yung utak at puso mo,
16:21.8
di mas maganda.
16:22.8
Puso, napakalaga ah.
16:24.8
Pag maganda pumping ng puso,
16:26.8
maganda yung supply ng dugo sa buong katawan.
16:29.8
Ang puso ang pinaka water pump.
16:32.8
Baga sa tubig nyo sa bahay.
16:34.8
Pag malakas ang water pump nyo, may tubig kayo buong bahay.
16:37.8
Pag malakas ang puso mo,
16:39.8
kumpleto ang tubig sa buong katawan.
16:41.8
Pag na heart failure, mahina ang puso.
16:44.8
Alam ko po yan bilang cardiologist.
16:46.8
Kung mahina na ang puso, mahina ang pumping,
16:49.8
eh mahina daloy.
16:50.8
Kaya namumutla.
16:53.8
Bawas stress at tamang tulog.
16:56.8
Sana po nakatulong ito
16:58.8
para maging malinis at healthy ang ating katawan.
17:02.8
God bless po.