Close
 


4 NA TAONG NOODLES LANG ANG KINAIN
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
oSOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 07:13
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Apat na taon, instant noodle ang ang kinain niya.
00:03.1
Ano naman kaya ang key na labasan niya?
00:06.1
Ikukwento ko sa inyo ang nangyari sa taong kumain ng noodles
00:09.5
ng dere-direcho sa loob ng apat na mga taon.
00:23.8
Isang estudyante sa high school sa Taiwan
00:26.2
ang naging masyadong abala sa buhay-iskwela.
00:29.2
Ito ay dahil malapit na siya na gumraduate sa high school niya.
00:33.5
Ayon sa mga kaklase nito at pinakamalapit na kaibigan na
00:37.1
nakilala nila ito bilang napakasipag sa pag-aaral.
00:41.5
Ngunit kung gaano ito kasipag sa pagbabasa ng libro
00:44.5
upang makapasa sa iskwela,
00:47.3
ganun din ito katamad upang lumabas,
00:49.9
upang kumain o magluto ng masustansya na pagkain.
00:54.3
Ayon sa kanila, mas importante sa kanya na mataas ang grado niya
00:58.5
kaysa naman sa kalam ng sikmura niya.
01:01.5
At talaga naman, pagdating sa grado sa iskwela
01:04.5
ay walang makakatalo sa kanya.
01:07.1
Ngunit kahit gaano man kataas ang kanyang marka,
01:10.8
hindi maiwasan na magutom siya.
01:13.4
Kaya naman sa tuwing kakalam ang kanyang sikmura,
01:16.5
araw man, tanghali, gabi man o madaling araw,
01:20.4
instant noodles ang kanyang pinagbabalingan.
01:23.9
Sa kanyang pagpasok sa kolehyo,
01:25.9
mas tumindi pa ang kompetensya.
01:28.5
Mas naging mahirap ang mga kailangan na lampasan niya.
01:32.1
Kaya naman, mas tumindi pa ang kanyang pagsusumikap.
01:35.7
Kasabay nito, mas tumindi rin ang pagkain nito ng instant noodles.
01:40.5
Ayon sa kasama nito sa kanyang dormitoryo,
01:43.2
minsan sa isang linggo kung bumili ito ng makakain
01:46.7
at tambak-tambak na noodles kanyang nagsisilbing araw-gabi na pagkain.
01:52.3
Minsan isang gabi sa kasagsaga ng pag-aaral nito,
01:55.4
nagulat ang kasama nito nang bigla na lamang
01:58.5
nagsisisigaw ang binata.
01:60.0
Bigla na lamang daw sumakit ng matindi ang kanyang sikmura.
02:04.0
Agad na tinawagan nito ang kaanak ng kanyang kadormitoryo.
02:07.4
Ayon sa kanya na namimili pita sakit ng tiyan ang kanyang kasama.
02:12.1
Kailangan nila na ito ay puntahan na.
02:14.5
Sa pagdating ng magulang ng estudyante,
02:17.0
agad nila itong isinugod sa paggamutan.
02:19.6
Doon na diskubre nila ang masakalap na katotohanan.
02:23.4
Stage 4 na ang kanser sa sikmura ng anak nila.
02:26.9
Ito ay ayon sa dalubahasa na tumitingin sa kanya.
02:30.8
Dagdag nila na napakanipis na ng tsyansa na makaliligtas pa ang anak nila.
02:36.4
Ngunit inilaban ito ng pamilya.
02:38.7
Sa loob ng isang taon na walang mentis na gamutan,
02:43.2
wala pa rin na nagawa ang siyensya.
02:45.7
At ang estudyante ay kinuha ng sakit na kanser.
02:49.6
Sa pagpano ng binata, isang malaking katanungan ang iniwan nito sa kanyang buong pamilya.
02:54.7
Anong naging sanhi ng sakit?
02:56.9
Kumuha sa batang bata na anak nila.
02:59.7
Ang pangunahin nila na nasa isip ay dahil ba sa walang patumanga na pagkain ito ng noodles ang naging sanhi?
03:07.3
Ito ba ay nasa kanila na lahi?
03:10.1
Mga katinagalog ko kung siyensya ang pagbabasihan,
03:13.4
ang pagkain ng proseso na kahit na ano na klase ng pagkain
03:17.7
ay hindi naman talaga maganda sa ating katawan.
03:21.1
Hindi ito maganda para sa ating kalusugan.
03:23.5
Napakaraming pag-aaral ang inilabas patungkol dito.
03:26.9
Itulit na sinasabi ng mga siyentipiko na hindi ito maganda sa kalusugan nating mga tao.
03:32.7
Ngunit totoo nga ba na ang kinain ito na instant noodles ang siya na naging dahilan?
03:38.3
Taong 2000, isang email ang maiging kumalat sa internet
03:42.1
na nagsasabing may wax ang cup ng mga noodles
03:45.3
upang hindi daw ito matunaw sa pagbuhos ng mainit na tubig.
03:49.3
At ang wax na ito ay maaaring kumapit sa ating bituka na maaaring maging sanhi naman ng sakit na cancer.
03:56.9
Ang iba naman ay nagsabi na mayroong wax ang mismo na noodles na ating kinakain.
04:02.7
Ngunit ayon sa mga dalubhasa na hindi totoong may wax sa styro ng mga cup noodles.
04:09.7
Ang mga cup na ito ay espesyal na dinesenyo upang hindi masira sa init.
04:15.3
Hindi kinakailangan pa ng wax dahil ito rin naman ay matutunaw sa init kung ito ay meron man.
04:23.0
Dagdag nila na ang wax na ginagamit sa pagkain ay napatunayan
04:26.9
na ligtas na kainin.
04:28.9
Sa ayaw man natin ay hindi natin namamalaya na maraming pagkain ang nagtataglay ng ganitong uri ng wax.
04:36.9
Ito naman po ay tutunawin agad sa ating bituka at ilalabas po ng walang aberya.
04:43.9
Isa pa sa itinutulong dahilan ay ang MSG o mas kilala bilang ang betchin.
04:48.9
Ito ay ang tinatawag na ang monosodium glutamate.
04:52.9
Mga katinagalog ko sa pag-aaral na inilabas,
04:56.9
wala pong kinalaman ang betchin sa pagsakit ng ulo.
04:59.9
Wala itong kinalaman sa pagdaragdag ng tao ng timbang.
05:03.9
At mas wala itong kinalaman sa pagkakaroon ng cancer ng isang tao.
05:08.9
Ang TBHQ .
05:13.9
Ang sangkap na ito ay nilalagay kadalasan sa mga biskwit sa mga frozen o instant na pagkain.
05:20.9
Lalo na sa mga instant na frozen na mga uri ng isda.
05:24.9
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng CSP o ang Center for Science in Public Interest,
05:31.9
na sa pag-aaral na kanilang inilabas na ang daga na nilagyan nila ng TBHQ sa kanyang iniinom na tubig ay nagkaroon ng maraming mga tumor sa katawan.
05:43.9
Ngunit pinapaalala nila na mataas ang ibinigay nila na dosage sa daga.
05:49.9
Kaya naman kung sapat lamang ang pagkain ito,
05:52.9
ay hindi malamang na makaapekto sa kumakain nito.
05:56.9
Kung katulad sa kaso ng estudyante sa ating kwento na araw man o gabi,
06:02.9
e noodles na ganito lamang ang kinakain,
06:05.9
ay malamang na may kinalaman nga ang TBHQ sa pagtubo ng cancer sa kanyang katawan.
06:11.9
Kaya naman mga katinagalog ko sa kwentong ito,
06:14.9
malinaw ang aral na dapat nating lahat na matutunan.
06:18.9
Lahat ng sobra ay masama sa katawan.
06:21.9
Kahit po ang tubig o ang sikat ng araw kapag nasobrahan tayo ay masama naman po talaga.
06:28.9
Kahit sa pagmamahal, pagsobra, masama din naman.
06:33.9
Hindi po ba?
06:34.9
Charot!
06:35.9
Mga katinagalog ko, ano po ba ang paborito ninyong pagkain na madalas ninyo na kinakain?
06:41.9
Isulat po ang inyong salaobin sa comment section sa ilalim
06:44.9
at sama-sama naman po na ito ay ating babasahin.
06:47.9
Ang may pinakamakabuluhang sagot po ay magkakamit pa rin
06:50.9
ng 100G cashload.
06:52.9
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.