Close
 


ABO NG DALAWANG SINGSING | Engkanto True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ABO NG DALAWANG SINGSING | Engkanto True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 48:10
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWENTO NI ZERO
00:30.0
Hindi ko mawari sa aking isipan at maski simpleng detalye, ay naaalala ko pa.
00:37.8
Pangalanan niyo na lamang po akong Bella, at ito ang aking kwento.
00:44.4
Isinilang ako taong 1994 sa bulubunduking lugar ng Leyte.
00:51.1
Hindi ko na lamang ibibigay ang buong detalye ng aking buhay.
00:55.7
Pero simula nang isilang ako,
00:57.7
nilubos na sakit at pait ng buhay ang aking nararanasan.
01:03.5
Lalo na't hindi ako mahal ng aking nanay.
01:07.2
Si tatay lamang ang aking kasakasama buong araw.
01:11.0
Kahit saan magpunta si tatay, naroroon ako.
01:15.0
Nakabisikleta lamang kami nun, papunta sa mga pinsan niya.
01:19.5
Minsan ay doon na ako iniiwan.
01:23.8
Taong 2005, grade 5 ako.
01:27.7
Habang pauwi galing sa eskwelahan ay may mag-asawa na lumapit sa akin at ang sabi,
01:34.3
Inday, ikaw lang bang mag-isa na uuwi?
01:39.2
Opo ako lang ho.
01:41.8
Ang ganda lang yung mga mata no? Parang mata ng pusa.
01:47.5
Isipin niyo sir Seth, yung mga babae na nagpapagawa ng cat eyes ngayon.
01:53.3
Ganun naman oh yung mata ko.
01:55.8
Numiti muna ako at ang sabi ko,
01:57.7
Pwera usog.
02:00.4
Kaya napangiti din yung mag-asawa.
02:03.6
Sa tansya ko ay nasa apat na po yung edad ng mag-asawa na yon.
02:09.1
O mas mataas pa doon.
02:12.3
Pagdating ko sa bahay ay nag-asikaso ako.
02:15.7
Nagluto, naghugas, naglaba.
02:19.4
Wala noon si nanay kasi nasa proper daw.
02:22.7
Si tatay lamang ang naabutan ko sa bahay.
02:26.3
Nagtimpla ako ng kape para kasi ako mag-asawa.
02:27.7
Ay tatay.
02:30.4
Pagkatapos na itong inumin ay nagpaalam siya sa akin na aalis siya papunta sa fish pond.
02:35.6
Mamimingwit.
02:37.3
Nakita ko yung mga ate at kuya ko.
02:39.7
Nakaupo at nag-uusap-usap.
02:42.7
Bagamat wala pa kaming ilaw na dekuryente.
02:46.0
Baka sa muka nila na kahit hindi nila sabihin sa akin ay
02:48.7
alam kong kinukutiya nila ako.
02:52.6
Katulong ang kanilang tingin sa akin.
02:54.3
Lumipas ang maraming taon at tumuntong ako sa edad na labing pitong taon.
03:02.0
Kakaiba na ang kinikilos ko.
03:04.6
Yung dating palangiti, masiyahin, mahilig makipag-usap.
03:09.6
Noon, hindi na.
03:12.0
Naging tahimik ako.
03:13.8
Ngingiti-ngiti lamang sa mga taong binabati ko ako ng magandang araw o magandang gabi.
03:20.4
Ayoko sa matao na lugar kasi naiingayan ako noon.
03:24.3
Palagi akong nagbababad ng oras sa fish pond namin.
03:28.5
Hindi naman malaki ang fish pond namin.
03:31.2
Pinagkukunan lang namin yun ng pang-araw-araw.
03:35.2
Habang nakaupo ako sa papag na ginawa ni tatay,
03:39.1
nakaamoy ako ng napakahalimuyak na amoy ng isang bulaklak.
03:43.8
Nangayon ko lamang na amoy at hindi talaga pamilyar sa akin.
03:48.7
Nagpalinga-linga ako.
03:50.9
Nagbabaka sakali na baka may tao na napadaan malapit sa fish pond.
03:54.0
Nakapampabango ng gano'n kalimuyak.
04:00.4
Nagulat na lamang ako bigla sa aking nakita.
04:04.3
Isang lalaki na nasa likuran ko.
04:07.6
Malapit sa tanim namin na santulat ni Yogg.
04:11.3
Nakatingin sa akin.
04:13.9
Hinahawakan niya yung isang puno ng baging na parang inaalis na ito sa kanyang muka.
04:20.1
Ang kanang kamay naman niya ay nakalapat sa katawan ng punong niya.
04:24.0
Ang kanang kamay naman niya ay nakalapat sa katawan ng punong niya.
04:24.4
Ang kanang kamay naman niya ay nakalapat sa katawan ng punong niya.
04:24.4
Nakatingin ito sa akin at medyo kinabahan ako.
04:30.0
Dahil noon lamang ako nakakita ng ganong lalaki.
04:35.4
Puting polo ang kanyang suot.
04:38.4
Puti rin ang kanyang pants.
04:40.8
Maputi na makinis yung balat.
04:43.3
Matipuno.
04:44.7
Magandang gupit.
04:46.5
Itim na itim ang buhok.
04:49.4
Magsasalita na sana ako kaso inunahan niya ako noon.
04:52.4
Ngumiti muna siya sa akin.
04:56.0
Ngiti na parang nag-aalinlangan.
04:58.4
At ang sabi niya,
05:01.6
Magandang hapon, miss.
05:04.4
Dito po ba yung daan?
05:07.1
Magandang hapon din sa iyo.
05:09.4
Wala pong daanan dyan.
05:11.1
Naligaw ka ata.
05:13.0
Bago ka lang po ba dito?
05:15.2
Sagot at bati ko naman sa kanya pabalik.
05:18.2
At tinanong ko ng sunod-sunod noon.
05:19.9
Hindi muna niya ako sinagot.
05:24.3
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin na
05:26.4
siya naman talagang ikinagulat ko gawa ng
05:28.9
sobrang tangkad niya.
05:33.2
Siguro nasa 5'8 hanggang
05:34.7
nasa 6 na talampakan yung pagkakatansya ko noon.
05:40.4
Kinabahan ako.
05:42.2
Habang tinitingnan ko
05:43.5
ang ginagawa niya na
05:45.0
parang nililinis niya yung puti niyang pants noon.
05:48.9
Tapos yung sapot,
05:49.9
yung slot niya sa paa,
05:51.7
yung sumisikat na slipper ngayon.
05:55.6
Kung alam niyo yung outland na footwear ngayon,
05:59.4
yan ang suot niya.
06:01.2
Naaalala ko pa.
06:04.7
Muli niyang tinanong sa akin na
06:06.5
Ah, dito ba yung daan?
06:11.2
At itinuro niya yung makitid na daanan namin.
06:16.2
Opo, dyan nga.
06:18.0
Hindi ko alam kung bakit dyan ka
06:19.3
sa kabila dumaan eh.
06:21.2
Wala naman pong daanan dyan.
06:23.8
Depende na lang kung nawawala po kayo.
06:29.0
Napangiti ulit ito sa akin.
06:31.7
Tinitigan ko ang mukha niya.
06:34.0
Na kung sa unang tingin mo talaga
06:35.7
ay parang ibang lahi.
06:38.2
Makinis,
06:39.4
maputi na may pagkamating ka ng balat.
06:42.7
Matangkad,
06:44.0
gwapo,
06:45.3
matangos ang ilong.
06:48.0
Ang akala ko ay dayuan siya.
06:48.9
May dayuan siya na pumunta sa kapitbahay namin.
06:52.4
Kapitbahay na sobrang layo.
06:54.8
Kasi sa bundok noon ay hindi magkakatabi ang mga kabayan.
06:59.2
Isang kilometro ang magwat.
07:02.1
Minsan nga tatlong kilometro pa.
07:04.9
Yun ang layo ng kapitbahay namin noon.
07:08.9
Tumingin ito sa akin.
07:11.0
Ako naman itong si
07:12.0
Memakirius lang.
07:15.0
Pumaikot ako sa kanya at parang
07:16.9
nagulat pa ako sa itsura niya.
07:18.9
Taas pa ba talaga ako kung tumingin sa kanya noon?
07:23.7
Naalala ko pa na maski saplot niya sa paa
07:25.8
ay malaking katanungan sa akin
07:28.2
kung saan niya yung binili
07:30.3
at may ganong saplot sa paa nila
07:32.0
at makikita sa itsura niya na
07:35.2
mapera siya.
07:38.9
Muli siya nagsalita ng
07:40.4
maalis na ako.
07:43.9
Salamat at nandito ka kasi kung walang tao dito
07:46.2
hindi ko talaga matutunto ng daan pa uwi.
07:48.9
Doon ko na napagtanto na
07:52.9
naliligaw nga siya.
07:54.9
Napansin ko.
07:56.9
Nagseryoso ang mukha nito at dali-dali itong
07:58.9
binagtas yung makitid na daan.
08:02.9
Sinundan ko pa siya ng tingin.
08:04.9
Nakita ko na lumiko siya pakaliwa
08:06.9
at hanggang sa hindi ko na siya nakita
08:09.9
dahil sobrang taas na ng mga hugon doon.
08:13.9
Naglakad ako ng mabilis.
08:15.9
Nagbaba kasakaling makita ko pa siya pero
08:17.9
nagulat ako kasi hindi ko na siya natanaw noon.
08:21.9
Kung tutuusin,
08:23.9
dapat ay nakita ko pa siya kasi tuwid ang daan noon.
08:27.9
Walang korpada.
08:29.9
Napag-isipan ko na lamang na umuwi at yung
08:32.9
kabilang parte yung dinaanan ko kasi
08:35.9
doon naman yung pauwi sa amin.
08:37.9
Kumbaga sa kaliwang daan siya.
08:40.9
Ako naman sa kanan.
08:42.9
Hanggang sa 10 oras na ng gabi ay hindi ko pa rin makalimutan ng lalaki.
08:47.9
Hindi sa unang beses kong makakita ng lalaki na gwapo,
08:51.9
kundi unang beses kong makita yung ganong tao na may magarang kasuotan sa gitna ng kagubatan
08:59.9
at yung mahalimuyak na bulaklak na naaamoy ko galing sa kanya.
09:04.9
Hindi ko lang lubos maisip kung bakit siya napunta doon sa likuran ko.
09:09.9
Kugon lahat ng naroroon.
09:12.9
Mga malalapad na dahon ng anahaw.
09:15.9
May mga tinik pa nun.
09:18.9
Napaisip tuloy ako na baka natinik o nasugatan siya kung kaya't
09:22.9
pinagplanuhan ko na bumalik sa fish pond kinabukasan para
09:26.9
tingnan niyong parte kung saan ko siya nakita nun.
09:29.9
Kinabukasan,
09:33.9
nagpunta nga ako sa fish pond.
09:36.9
Pero laking gulat ko.
09:38.9
Gawa ng pagsilip ko doon kung saan ko siya nakita ay parang,
09:42.9
parang hindi dinaanan ng tao.
09:45.9
Walang nabale o natapakan ng mga damo.
09:48.9
Hindi nga ako makalapit kasi sobrang masukal.
09:52.9
Kinabahan ako na kahit alas 9 pa lamang ng umaga
09:56.9
ay dali-dali akong umuwi at hindi pa akong nakakalayo sa fish pond namin.
10:01.9
Ay may narinig na akong sipol nun.
10:04.9
Alam ko kung ano yun.
10:07.9
Sa waray, ang tawag namin doon.
10:11.9
Agway.
10:12.9
Diwende na mahilig sumiya.
10:14.9
At kasama nito ang amoy niya.
10:17.9
Uutusan siyang sumipol kung may nagustuhan nitong babae.
10:23.9
Lumingon ako pero hindi lang nagtagal ay naglakad ako ulit nun.
10:29.9
Pabilis nang pabilis ang aking mga hakbang.
10:32.9
May mga palatandaan kami sa mga aghoy.
10:35.9
Kung malapit ang paninig mo sa sipol,
10:39.9
ibig sabihin ay malayo sila.
10:41.9
Kung malayo na sila,
10:43.9
kung malayo naman yung pandinig mo sa sipol,
10:46.9
ibig sabihin ay malapit sila sayo.
10:50.9
Nung panahon na yun,
10:52.9
malapit yung pandinig ko sa mga sipol pero hindi katagalan.
10:58.9
Lumalayo ito na ibig sabihin.
11:01.9
Malapit na sila sakin.
11:04.9
Patakbo na yung lakad ko at palingon-lingon na rin ako nun.
11:08.9
Nakakaramdam na ako ng takot na,
11:11.9
noon ay hindi ko nararamdaman.
11:14.9
Kahit minsan ay dis oras na ng gabi ako kung umuwi.
11:17.9
Umaabot pa ako ng alauna hanggang alas dos sa labas.
11:22.9
Saktong pagtingin ko.
11:25.9
Diretso akong lingon na ko ng lingon.
11:29.9
May nabangga ako nun.
11:32.9
Hindi naman malakas yung impak pero yung mukha ko,
11:35.9
lapat sa tiyan ng nabangga ko.
11:38.9
Napahawak ako sa magkabilang manggas ng damit niya.
11:42.9
Naimbis konsultahin ko yung nabangga ko,
11:45.9
napalingon pa ako sa likuran ko nun.
11:49.9
Saka ko itinuon yung tingin ko sa nabangga ko.
11:53.9
Siya ulit.
11:55.9
Yung lalaki na nakita ko sa masukal na parating ang fish pond namin.
12:00.9
Agad akong umatras at kumunot ang noo ko.
12:04.9
Ang nasa isipan ko nun,
12:06.9
ito yung lalaki na nakatayo sa mga kugon.
12:09.9
Mabuti hindi nawala ulit.
12:13.9
Inunahan ko siya kagad.
12:16.9
Binati ko siya.
12:18.9
Napalingon ulit ako.
12:21.9
Magandang araw din sa'yo miss, bati niya.
12:25.9
Napatingin ako sa kanya na parabang gusto kong humingi ng tulong na parang ayoko.
12:33.9
Kasi balisang balisa ako sa takot niya.
12:35.9
Nagpatuloy na lamang ako sa pag-uwi at iniwan ko siya sa may daan.
12:42.9
Hindi na ako lumingon pa.
12:45.9
Habang papalapit ako sa aming munting bahay,
12:48.9
agad kong napagtanto na biglang nawala yung mga sipol noong nabangga ko siya.
12:54.9
Saka pa ako napalingon kung kailan nasa bungan na ako ng bahay namin.
13:00.9
Nagdududa na ako sa kanya nun.
13:03.9
Kinagabihan, natulog ako na maaga.
13:09.9
Hindi ko alam pero parang pagod ako.
13:12.9
Wala naman akong ginawa.
13:14.9
Dahilan na siguro sa wala kaming pagkain sa gabing ito kaya dinaan ko na lamang sa tulog yun.
13:21.9
Nagising ako at agad tumingin sa orasan namin.
13:24.9
Alas 10 na ng gabi.
13:27.9
Nagpunta ako sa palikuran.
13:30.9
Umupo ako sa papagnakawayan niya.
13:32.9
Kung saan malapit ito sa puno ng kakawat rambutan.
13:36.9
Maganda yung sinag ng buwan.
13:39.9
Paborito ko pa naman yung buwan kaya tumambay muna ako doon.
13:43.9
Ako kasi yung klase ng tao na hindi agad nakakatulog pabalik kong magising.
13:48.9
Dahilan kong bakit nangingitim yung paikot ng mata ko.
13:53.9
Napapikit ako habang nakaupo at nakasandal sa kawayan.
13:57.9
Nang biglang may dumating na siyang ikinagulat ko.
14:00.9
Isang matandang babae.
14:04.9
Nakatalukbong na itim na malong.
14:07.9
Medyo brown yung suot nito na damit at saya na hanggang talampakan yung haba nun.
14:13.9
Alam kong matanda ito gawa nang nasisinagan ng buwan yung kalahati ng mukha niya sa may pisngi banda.
14:21.9
Pero hindi ko maaninag yung mata.
14:24.9
Nakatayo malapit sa inuupuan ko.
14:28.9
Kumbaga nagpagitna sa amin yung mga tanim namin na mga bulak lakin.
14:35.9
Tinanong niya ako.
14:38.9
Ning, saan banda yung bahay ni Aleja?
14:43.9
Hindi muna ako sumagot kasi nagtanong siya agad nang walang pagbati sa kausap niya.
14:49.9
Sabi ko, magandang gabi po.
14:53.9
Pasensya na po pero hindi ko po alam yung bahay niya.
14:56.9
Wala pong Aleja na nakatira dito.
14:59.9
Bidati ko muna siya bago ko sinagot ang tanong niya.
15:03.9
A ganun ba? Bata ka pa kaya siguro hindi mo makikilala yung mga nakatira dito.
15:11.9
Sabi niya nun.
15:14.9
Wala na siyang itinanong sakin.
15:17.9
Agad siyang umalis pero bago pa siya tumalikod, nagpasalamat ito sa kanya ako binati ng magandang gabi sa yuining.
15:26.9
Naglakad siya palayo hanggang sa hindi ko na siya nakita.
15:31.9
Kahit na maganda ang sinag ng buwan at maaliwalas ang langit.
15:37.9
Hindi na ako nagpunta sa fish pond hanggat wala akong kasama.
15:42.9
Ang palagi kong kasamang magpunta ay si tatay.
15:46.9
At kapag naglilinis kami sa fish pond, hinding hindi pinapagalaw ni tatay yung parte kung saan ko nakita ang lalaki na iyon.
15:55.9
Hindi na siya nagpakita.
15:58.9
2011 ko siya nakita pero hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya sa dalawang beses namin na pagkikita na iyon.
16:06.9
Hanggang sa umalis ako at lumuwas ng Maynila para magtrabaho, hindi ko na siya ulit nakita pa.
16:15.9
Taong 2019, kasalukuyan lang nangyari.
16:21.9
24 years old na ako.
16:25.9
Napagdesisyonan ko na umalis ng bansang Pilipinas.
16:28.9
At nakaalis nga ako nun.
16:31.9
Nagtrabaho ako sa gitnang silangan.
16:34.9
Akala ko ay makakalimutan ko siya pero...
16:38.9
Hewan ko ba?
16:40.9
Daladala ko yung memorya na kahit nagawa lamang ito sa maliit na detalye.
16:45.9
At sa maiksing minuto, ay hindi ko talaga makakalimutan.
16:53.9
Isang gabi,
16:54.9
kakatapos kong magtrabaho,
16:56.9
umakit ako sa kwarto ko para magpahinga na.
17:00.9
Tumingin muna ako sa urasan ng cellphone ko.
17:04.9
Alas 10 pasado na pala.
17:07.9
Nag-overtime ako sa trabaho.
17:10.9
Imbis na alas 9 ng gabi ay aakit na ako sa kwarto ko nun.
17:14.9
Naging alas 10 pasado na.
17:17.9
Kinibitbalikat ko lang yun.
17:20.9
Tsaka mahilig din naman akong mangdedma.
17:22.9
Nagpakulo ako ng tubig kasi kakain ako ng noodles.
17:27.9
Habang nagpapainit ako ng tubig nun,
17:30.9
nakaamoy ako ng amoy bulaklak.
17:33.9
Pero kakaiba ito sa naamoy ko.
17:37.9
Napaisip ako na baka hindi siya kasi...
17:40.9
yun na din yung palatandaan ko sa kanya eh.
17:44.9
Kapag naaamoy ko yun,
17:47.9
tila ba naaalala ko siya?
17:50.9
Iniisip ko na baka iba lang ito kaya dinedma ko na.
17:54.9
Pinatay ko yung stove saka ko inilagay yung noodles.
17:58.9
Mahilig ako sa half-cooked na noodles sir Seth.
18:03.9
Binababad ko lamang sa mainit na tubig yun.
18:07.9
Patuloy ko pa rin naaamoy yung halimuyak ng bulaklak.
18:12.9
Saka ako nagsalita.
18:15.9
Sino ka namang kaya?
18:18.9
Mabuti kung ikaw yung nakita ko na lalaki dun sa fishpond namin.
18:23.9
Sasama ako sa iyo.
18:26.9
Ito yung sinabi ko na parang para sa akin biro ko lang eh.
18:30.9
Pero hindi ko naman nakalain na...
18:33.9
may nakakarinig pala sa akin nun.
18:36.9
At totoo na pala para sa kanila.
18:40.9
Pagkatapos kong kumain ay naligo ako.
18:44.9
Nagpahinga muna bago nakatulog.
18:46.9
Pagkatapos kong kumain ay naligo ako. Nagpahinga muna bago nakatulog.
18:48.9
Nilock ako ng main door.
18:50.9
Nilock ko na rin yung mga pintuan papuntang rooftop.
18:53.9
Nakadouble lock na rin yung mga sliding window kaya pakiramdam ko.
18:57.9
Safe talaga ako nun.
19:00.9
Sa kwarto nakadouble lock rin kaya panatag ako.
19:04.9
Binuksan ko yung aircon ko sa kwarto.
19:08.9
Bandang alas 11 ng gabi nun.
19:11.9
May narinig ako na kumalabog.
19:14.9
Nagulat ako gawa ng...
19:16.9
Sobrang lakas.
19:18.9
Kinuha ko yung kutsilyo sa ilalim ng higaan ko.
19:21.9
Kinuha ko yung kutsilyo sa ilalim ng higaan ko.
19:23.9
Lumabas ako ng kwarto.
19:25.9
Binuksan ang mga ilaw.
19:27.9
Inikot ko yung tingin ko.
19:29.9
Inikot ko yung tingin ko.
19:31.9
Pero walang nagbago.
19:33.9
Nagcheck ako ng mga doorknob.
19:35.9
Pati double lock chinek ko na.
19:37.9
Pati double lock chinek ko na.
19:39.9
Mga sarado talaga.
19:41.9
Hanggang sa nagsalita ako nun.
19:43.9
Hanggang sa nagsalita ako nun.
19:44.9
Ayaw ko makipagbiruan.
19:46.9
Pagod ako.
19:47.9
Gusto ko matulog.
19:49.9
Pagkatapos ko nasabihin yun.
19:52.9
Pinatay ko na lahat ng ilaw at dumiretso sa kwarto.
19:56.9
Naglock agad.
19:58.9
Itinabi yung kutsilyo.
20:00.9
Inilagay ko ulit sa ilalim ng katre ko.
20:04.9
At humigaan nun.
20:06.9
Nakatitig ako sa ceiling ng kwarto ko.
20:10.9
Nung mga panahon na yun.
20:12.9
Nakatulog ako.
20:13.9
Nakatulog pala agad ako.
20:15.9
Mismo pagiga ko.
20:18.9
Ang buong akala ko ay gising pa ako.
20:20.9
Pero tulog na pala ako nun.
20:24.9
Yung nasa kwarto na ako na may narinig akong kalabog.
20:29.9
Nasa panaginip ko na pala yun Sir Seth.
20:32.9
Akala ko.
20:34.9
Gising pa ako.
20:37.9
Nasa panaginip na ako.
20:39.9
Gets niyo na mga kagiliw.
20:41.9
Huwag sana kayo maguluhan.
20:45.8
Nakatitig ako sa may siling.
20:48.6
Namatay yung ilaw.
20:51.0
Nagulat ako kasi sino ba naman ang papatay sa ilaw kundi ako lang dapat.
20:56.4
Tsaka ilang hakbang pa mula sa higaan ko.
20:59.7
Papunta sa switch ng ilaw noon.
21:03.1
Anim na hakbang pa.
21:06.1
Umupo ako sa gilid ng hinihigaan ko.
21:09.8
Medyo may naaaninag ako noon.
21:12.9
Gawa ng open yung aircon.
21:16.4
Hindi ko kasi nilalagay sa sleep yung aircon.
21:19.6
Ginagawa kong liwanag yung ilaw nito kung mag-off ako ng fluorescent lamp.
21:25.9
Tumayo ako para sana buksan yung ilaw.
21:30.4
Kaso nagulat ako gawa ng bukas na yung pintuan ng kwarto ko.
21:35.1
Kinabahan ako.
21:36.6
Kako baka napasok ako ng magnanakaw noon.
21:40.0
At dahil sa manipis lang yung katawan ko kaya kong lumabas nang hindi nasasagi yung pintuan noon.
21:53.1
Alam ko talaga natutunog yung pintuan kung masagi ko kahit konti.
21:58.5
Isipin nyo yung pintuan na may tunog kapag binubuksan.
22:01.8
Kahit dahan-dahan.
22:03.9
Ganon yung pintuan ko.
22:07.2
Dahan-dahan akong sumilip sa labas ng kwarto.
22:11.0
Kumbaga sa sala.
22:13.9
Pero nagulat ako kasi wala na yung dalawang sala set.
22:17.8
Yung kulay mahogani at kulay orange noon.
22:21.3
Ang naroon na lamang ay yung kulay itim na sala.
22:25.4
At may nakaupo na lalaki.
22:28.7
May bonfire pa sa harapan niya.
22:32.3
Nagulat ako gawa ng apartment ko.
22:35.8
Nasa third floor ng building at maraming wire yun.
22:40.0
Baka kakumasunog yung building.
22:43.3
Kasalanan ko pa.
22:46.2
Dali-dali akong lumapit sa lalaki na nakaupo.
22:50.6
Nagulat ako gawa ng may kasama itong bata.
22:56.6
Pagdating ko sa lalaki, siya nga.
23:00.7
Yung lalaki na nakita ko sa fish pond.
23:03.8
Yung nabangga ako.
23:06.0
Siya yung nasa apartment ko noon.
23:07.6
Tumingin sa akin yung bata.
23:11.6
Ang sabi ng bata ay,
23:14.0
Gising ka na pala.
23:17.0
Nagduda ako at napaisip ako.
23:20.1
Doon ko lang naisip ulit na sa oras na matulog ako at managinip.
23:26.0
Conscious talaga ako.
23:28.6
Yung katawan ko lang yung tulog pero,
23:31.4
yung kaluluha at isipan ko,
23:34.6
gising na gising.
23:37.6
Tumingin sa akin yung lalaki at ang sabi niya,
23:41.6
Tagal nating hindi nakita.
23:44.1
Kamusta ka na?
23:46.0
Nandito ka pala sa gitnang silangan nagtatrabaho.
23:50.7
Naihirapan ka dito, di ba?
23:53.2
Bakit hindi mo sinasabi?
23:56.7
Hindi ako umimik.
23:59.1
At dahil sa malapad yung upuan,
24:00.9
ay umupo ako sa dulo ng sofa.
24:03.7
Habang tinititikan siya.
24:07.6
At walang nagbago sa kanya.
24:10.6
Ganon pa rin ang itsura niya kung tutuusin.
24:14.6
Dapat ay naging matured siya gawa ng
24:16.4
seventeen pa lamang ako noong nagkita kami.
24:21.0
Ngayon ay nasa mayigit dalawampung taon na ako.
24:24.5
Ako pa itong naging mukhang matanda tingnan.
24:28.6
Ikaw?
24:30.5
Sabi ko na may pagdududa nun.
24:34.4
Paano ka nakapunta dito?
24:36.6
Paano ka nakapasok?
24:37.6
Paano mo nalaman yung adres ko?
24:41.1
Sino yung bata nakasama mo?
24:44.0
Anak mo ba yan?
24:46.8
Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
24:50.2
Tumingin siya sa bata at ngumiti.
24:53.5
Ang sabi niya,
24:55.8
kapatid ko yan,
24:57.4
si Ali.
24:59.4
Ako nga pala si Aleja.
25:02.5
Sabi niya,
25:04.4
nagulat ako dahil naaalala ko yung matandang babae.
25:07.6
Na naghahanap sa bahay ni Aleja.
25:11.0
Siya pala si Aleja
25:12.5
na sinasabi ng matandang babae na iyon.
25:17.8
Sinabi ko naman sa kanya nun
25:19.3
kung sino'y naghahanap sa kanya.
25:23.3
Naguguluhan man pero lumapit ako.
25:26.4
Umupo sa tabi niya.
25:29.4
Magsasalita na sana ako kaso nagsalita siya.
25:33.3
Kinausap niya yung kapatid niya.
25:36.7
Iba yung kapatid niya.
25:37.6
Iba yung lingwahe nila.
25:40.4
Nakita ko yung bata na umalis.
25:44.5
May sasakyan nito na lumilipad, Sir Seth.
25:48.4
Oo.
25:49.4
Tama ang narinig niyo.
25:52.1
Lumilipad yung sasakyan nila.
25:55.0
Mga kotse yung lumilipad.
25:58.3
Ibig sabihin,
26:00.3
mas nauuna ang teknolohiya nila sa atin.
26:05.1
Sisiw sa kanila yung teknolohiya natin dito.
26:07.6
At napagtantuko na hindi pala tao ang kausap ko nun.
26:13.6
Kailangan ko magingat pero
26:15.1
iba yung conclusion ko sa kanya.
26:21.2
Huwag ka sanang matakot sa akin.
26:24.1
Hindi kita sasaktan.
26:26.2
Hindi kami nananakit.
26:28.5
Wala kaming karapatan na manakit kasi pare-pareho lang tayong nabubuhay.
26:33.1
Pero sa magkaibang mundo at oras.
26:34.8
Hiniabot niya sa akin ang isang kakanin na binalot sa dahon.
26:41.5
Tinanggap ko naman yun.
26:44.7
Kumain ka muna bago tayo umalis.
26:47.4
May pupuntahan tayo.
26:50.8
Doon kung saan mawawala yung pagod mo.
26:54.1
At sakit na kinikimkim.
26:58.7
Binuksan ko yung dahon.
27:01.3
Kakanin na puti yung nasa loob.
27:03.8
Naalala ko yung dahon.
27:04.8
Nakatuloy yung bilin ni tatay sa akin bago pumanaw noong taong 2014.
27:10.3
Pwede umano akong kumain sa pagkain na inaalok nila sa akin.
27:15.8
Pero puti lang yung kakainin ko.
27:19.5
Huwag na huwag umano akong kumain ng itim noon.
27:25.3
Kumain ako pero hindi ko inisip na
27:27.6
baka minalikmata ko nito.
27:31.0
Na baka yung pagtingin ko sa kakanin puti.
27:33.9
Itim naman.
27:34.8
At ito yung pala.
27:36.9
Iba nga sila.
27:38.9
Hindi tulad ng tao.
27:41.0
Makikita at mararamdaman mo yung
27:43.0
pag-iingat nila sa kanilang pagkilos at pananalita na
27:46.2
hindi sila makakasakit ng damdamin ng tao.
27:51.2
Para kasi sa kanila.
27:53.7
Mabilis na masaktan yung mga kagaya natin.
27:56.9
Dahilan na maingat sila patungkol sa atin noon.
28:03.1
Tumayo ako gawa ng iyon.
28:04.6
Iinom na sana ako.
28:07.2
Saka ko lang napansin na nasa ibang lugar na talaga ako noon.
28:12.0
Nakapasok ako sa lugar nila sa tulong niya.
28:15.8
Nagpaikot-ikot ako at sabi ko eh.
28:19.0
Nauuhaw ako.
28:20.8
Nasaan ba tayo?
28:23.4
Nagalok siya ng tubig sakin.
28:26.3
Sobrang linaw at lamig ng tubig na iyon.
28:29.9
Ininom ko naman ito.
28:32.0
Uhaw na uhaw ako noon.
28:34.6
Sumagot siya sa tanong ko.
28:38.5
Nakapasok ka na sa lugar namin.
28:42.0
Napatingin ako sa kanya at ngumiti naman ito sakin.
28:46.6
Iniiwasan ko na tumitig sa kanya ng matagal.
28:50.2
Walang babae ang hindi mapapaibig sa ganong itsura ng lalaki.
28:54.5
Ika nga sa panahon ngayon.
28:57.5
Isipin niyo Sir Seth.
28:59.7
Halos mag 20-20 na ulit kami nagkita.
29:01.8
At panigurado, maraming porsyento ng babae ang pwedeng magkagusto sa kanya.
29:10.4
Siyempre, kasama na ako dyan kung sasadyain ko.
29:15.4
Iba ang lugar na napuntahan ko o dinalan niya sakin.
29:20.2
Magubat, mahamog, malamig ang temperatura.
29:25.7
Nagtaka ko kasi nasa gubat kami pero
29:27.8
yung mga bahay
29:29.9
nakadalawa,
29:30.7
nakadalawa hanggang tatlong palapag
29:33.0
at may mga sasakyan pa.
29:36.4
Medyo makulimlim ang lugar.
29:39.0
Lugar na parang hindi pa nasikata ng araw.
29:43.3
Ito marahil ang dahilan kung bakit mapuputi,
29:46.5
makikinis ang balat nila.
29:50.8
Tumingin ako sa kanya at dumerecho ng tinginon.
29:54.9
Kada bahay na madadaanan namin ay
29:56.9
tinititigan ko.
30:00.2
Malalaki.
30:00.7
Kaya sin,
30:02.6
bukas yung mga pintuan pero wala ni isa na makikita doon.
30:07.0
Maski yung sasakyan,
30:08.9
may kanya-kanyang garahe.
30:13.0
Maganda at pakiramdam ko ay hindi kayang bilhin ng tao.
30:18.1
Sa modelo pa lamang ng sasakyan,
30:21.0
tila bang wala pang ganun sa mundo natin.
30:25.9
Lahat ng bahay ba to?
30:28.1
Pero pare-pareho yung kulay sa labas.
30:31.2
Kulay abo.
30:32.9
Pero sa loob ay iba-iba na ang kulay.
30:36.3
Lahat ng sasakyan ay iba-iba ng modelo.
30:39.6
Pero lahat,
30:41.3
kulay itim.
30:44.4
Malalaki yung punong katabi ng bawat bahay na naroon.
30:48.9
Doon ko na talaga nalaman ang sagot sa sarili kong tanong.
30:53.4
Yung malalaking puno,
30:55.7
may nakatira at nagmamayari talaga.
30:59.3
Hindi yung asin sa puno,
31:00.6
kundi nagbabahay sila katabi ng punong malaki.
31:06.7
Yung dinadaanan namin ay lupa lang pero kakaibang lupa yun.
31:12.4
Parang simentado na sa atin.
31:15.5
May streetlight sila pero iba yung nagpapagana doon.
31:20.0
Umiilaw umano ito sa gabi gamit ang sinag ng buwan.
31:24.4
Wala umano silang araw.
31:27.1
Hindi umano sumisikat ang araw sa lugar nila.
31:31.5
Meron lamang silang buwan.
31:34.3
Yun lamang ang ibinigay sa kanila.
31:37.7
Bilang parusa.
31:40.3
Hindi daw ibig sabihin na nasa kadiliman sila ay masaba na sila.
31:45.2
Nasa kadiliman sila.
31:47.3
Gawa ng tumatanggap sila ng parusa na hanggang ngayon ay ginagawa nila.
31:53.2
Kinikilala umano nila.
31:55.4
Ang may lalang.
31:57.7
Pero hindi nila sinasabi na
31:59.5
Diyos.
32:01.8
Del malida yun.
32:04.5
May lalang lamang ang sinasabi nila.
32:08.1
Marami siyang ikinuwento sa akin habang naglalakad kami.
32:11.9
Hanggang sa napunta kami sa isa pang pangkat na mga kabahayan pero
32:15.3
iba ito sa mga kabahayan na dinaanan namin noon.
32:21.3
Napatanong ako.
32:23.7
Aleha,
32:25.1
bakit kakaiba yung bahay dito?
32:28.2
Doon sa dinaanan natin,
32:29.5
ngayon lang may mga agwat-agwat saka parang mayayaman.
32:35.3
Malalaki yung bahay.
32:37.2
Second floor, third floor.
32:39.5
May sasakyan at garahe pa.
32:42.0
Dito naman dikit-dikit yung bahay saka bungalow style lang.
32:46.8
Walang second floor at wala silang sasakyan.
32:50.9
Napatingin ako sa kanya.
32:53.4
Maaliwalas talaga yung mukha niya noon.
32:56.1
Dumerecho ako ng tingin pero humawak ako sa manggas ng damit niya.
32:59.5
Alam ko kasi na iba yung daigdig na tinatapakan ko sa katawa ko.
33:07.5
Pwede akong madisgrasya anumang oras.
33:11.3
Kaya sinigurado ko na dapat ay ligtas ako noon sa lugar nila.
33:17.5
Sumagot naman si Aleha sa akin at sabi niya,
33:21.6
Diba sa lugar ng tao sa inyo may barangay.
33:27.0
Kada barangay may namumuno.
33:29.5
Ganun din sa amin.
33:31.6
Pero hindi barangay ang ginagamit namin kundi sityo.
33:36.4
At kada sityo may namumuno.
33:40.0
Pwede rin namin gamitin ang inyong lingway kasi dito kami nakatira.
33:44.7
Pero yung mga kanto o pangalan ng kanto namin,
33:48.5
nakasulat sa Espanyol.
33:52.0
Doon na naman ako nakakuha ng impormasyon sa kanila.
33:55.5
Pero iisa lamang ang hinding-hindi ko makakalimutan.
33:59.5
Na ibinilin niya sa akin noon.
34:03.5
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa naghari ang katahimikan.
34:08.9
Sinimulan ko na naman ang usapan.
34:12.7
Aleha, wala na pala si tatay noong 2014 pa.
34:18.8
Nakita ko yung ekspresyon niya.
34:21.7
Nalungkot na parabang may gusto siyang sabihin noon.
34:25.7
At dahil sa medyo nagtaka ako, tinanong ko siya.
34:29.5
Aleha, kilala mo yung tatay ko?
34:34.8
Kilala mo o yung nanay at tatay mo baka kilala nila si tatay?
34:40.6
Sunod-sunod na naman ako ng tanong.
34:43.8
Ngumiti ito sa akin sabay-sabing,
34:47.3
Kaibigan ni Amati na ang tatay mo.
34:50.4
Siya lang yung albularyo na tumulong sa amin.
34:53.5
Katulad sa mga tao,
34:55.4
nagkakasakit din kami.
34:57.6
At dahil sa hindi kami pwedeng magpagalagay,
34:59.5
gamot sa ospital,
35:01.4
sa albularyo kami lumalapit.
35:04.3
Isinilang akong sakitin.
35:06.8
At yung tumulong sa akin ay yung tatay mo.
35:09.6
Kaya nire-respeto dito sa mundo namin yung tatay mo.
35:13.8
Nagulat ako gawa ng,
35:16.7
bukod sa mga tao na natulungan ni tatay,
35:20.0
pati pala sa ibang daigdig,
35:22.4
nakakatulong siya.
35:24.5
Kahit na albularyo lamang siya.
35:27.9
Napansin kong dun sa lugar,
35:29.5
ay wala talagang ni isang tao doon.
35:32.3
Kami lamang dalawa.
35:34.6
Isa din ito sa mga napagtaghan ko
35:36.4
at gusto ko sana siyang kausapin pero,
35:39.9
inunahan na niya ako.
35:43.3
Nagdududa ka kasi wala kang makita na katulad ko.
35:46.5
At tayo lamang yung nandito.
35:49.6
Makinig ka sa akin, Bella.
35:52.1
Pag ganitong oras,
35:53.5
wala kang makikita dito na kauri ko.
35:57.0
Sabi ko pa nga sa iyo kanina,
35:59.5
katulad lang din kami sa mga tao.
36:02.3
Nagtatrabaho, kumakain,
36:04.3
natutulog,
36:05.5
nagkakasakit.
36:07.5
Kaya mas pinili namin yung albularyo kasi bawal kami sa ospital.
36:11.5
Sa kalikasan kami kumukuha ng panggamot namin.
36:15.5
Iniuutos namin ito sa albularyo na aming mapili
36:18.5
at mapagkakatiwalaan.
36:21.5
Isa na doon ang tatay mo.
36:25.0
Hindi ko lubos maisip na,
36:27.5
may pagkakahawig ang pamumuhay ng tao
36:29.3
sa kanila.
36:33.3
Bella,
36:35.3
pare-pareho lamang tayo nabubuhay,
36:37.3
namamatay.
36:39.3
Ang pinagkaiba lang ay nabubuhay kami nang matagal kasi
36:42.3
mabagal ang oras namin.
36:44.3
Samantalang ang tao,
36:46.3
maiksi ang buhay.
36:48.3
Mabilis ang oras nyo.
36:51.3
Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit maingat kami sa aming sinasabi,
36:55.3
lalo na sa aming kinikilos.
36:57.3
Dahil mabilis kayo masaktan.
37:00.3
Paliwanag ni Aleja sakin.
37:03.3
Pinagmasdan namin pareho ang mga bulaklak na sumasayaw-sayaw sa ihip ng hangin.
37:09.3
Aleja,
37:11.3
doon ka ba nakatira sa mga kugon na iyon?
37:15.3
Doon ba sa fish pond namin?
37:17.3
Hindi kasi pinapagalaw ni tatay sa amin eh.
37:20.3
Tanong ko sa kanya.
37:22.3
Ah, doon.
37:24.3
Doon.
37:25.3
Doon yung lagusan ko papunta sa mundo nyo.
37:29.3
May mga lagusan kami.
37:31.3
At kami ang pumipili kung saan namin yung bubuksan.
37:34.3
Sa tamang oras at panawan.
37:37.3
Pero may oras din yung pagbalik namin sa mundo namin.
37:42.3
Naghari ulit ang katahimikan.
37:45.3
Gusto ko pa sana na makipag-usap sa kanya.
37:49.3
Makipag-usap ng matagal.
37:51.3
Singtagal nang hindi namin pagkikita.
37:55.3
Pero alam kong may oras lamang ako doon.
37:59.3
Kapag ka sila nag-imbita ng tao sa lugar nila,
38:03.3
ay may batas silang sinusunod.
38:05.3
At sinasabi nila ito sa pinakamataas sa kanila.
38:09.3
Yun ay ang hari at ang reyna.
38:12.3
Tama kayo.
38:14.3
Bihira lang ang taong kanilang iniimbita doon.
38:17.3
Kasi sa kanila,
38:19.3
delikado ang tao.
38:21.3
Katulad sa ginagawa ng mga tao sa lugar natin.
38:25.3
Kinakalbo ang kagupatan.
38:27.3
Pinapatag ang bundok.
38:29.3
At iba pa.
38:31.3
Yun ang ayaw nila.
38:33.3
Dahilan kung bakit tago sila sa mga taong gustong malaman ng lahat
38:37.3
tangkol sa kung ano ang ginagawa ng ibang tao.
38:41.3
Kaya sinubukan nilang bantayan ito.
38:44.3
Ngayon ko nalaman kung bakit.
38:47.3
Napaisip ako bigla at gusto ko sanang magtanong pero,
38:50.3
tila ba nababasa niya ang ina sa isipan ko?
38:56.3
Bella,
38:58.3
alam kong marami kang katanungan.
39:01.3
Sasagutin ko lahat ng katanungan mo sa isang kondisyon.
39:05.3
Oo, Aleja. Marami nga akong katanungan.
39:10.3
Ano yung konsiderasyong yun?
39:13.3
Sabat ko sa kanya, sabay tanong.
39:16.3
Sasabihin ko lahat.
39:18.3
Huwag mo lang sabihin kahit kanino.
39:21.3
Mas kesa pamilya mo yung tungkol sa amin.
39:25.3
Pwede kang magkwento na may nakilala ka na tagaibang daigdig pero,
39:30.3
huwag mong ibigay ang buong detalye.
39:33.3
Ipangako mo sa akin, Bella.
39:36.3
Seryosong sabi niya sa akin hanggang sa nagkatitigan kami nun.
39:41.3
Ito din ang dahilan, Sir Seth, kung bakit hirap na hirap akong magpadala ng kwento sa inyo.
39:46.3
Na tila ba may pumipigil sa akin kung bakit hindi ko ito maipadala ng buo.
39:54.3
At kung minsan pa ay nawawala-wala ang mga didaling ipinapadala ko.
40:00.3
Alam mo yan.
40:02.3
Hinawakan ko ang kanang kamay niya at sinabi ko na,
40:06.3
Nangangako ako, Aleja. Hindi ko sasabihin kanino man pero, masaya ako at pinayagan mo ako na ibahagi sa ibang tao na nakilala kita.
40:17.3
Umiti siya sa akin.
40:20.3
Miyaya niya ako na maglakad-lakad ulit.
40:23.3
Habang naglalakad ay naguusap kami nun.
40:26.3
Pero hindi ko na binitawan ang kanyang kanang kamay.
40:30.3
Dahil alam ko na babalik ako sa mundo ng mga tao kahit nanong oras.
40:35.3
Nilubos ko na na makasama siya.
40:38.3
Marami akong nalaman sa kanila na hindi alam ng mga tao nun.
40:43.3
Hindi ko ito isasama dito ngayon sa kwento ko.
40:50.3
Gaya ng ipinangako ko sa kanya.
40:53.3
Bilang lamang ang detalye ang pwede kong ibigay.
40:57.3
Yung lugar pala na dinaanan namin ay hindi pa pala sa lugar nila yon.
41:02.3
Malayo pa yung tunay niyang lugar.
41:05.3
Kumagapapasok pa lamang sa gate nila.
41:08.3
Hindi pa kami nakapasok doon.
41:10.3
Papalapit pa lamang pala kami sa tunay nilang pintuan.
41:14.3
At hindi yon madali.
41:17.3
Dahil napakalawak at napakalayo ng linakad namin.
41:21.3
Pero kahit ganon,
41:23.3
nag-enjoy ako gawa ng marami akong nakita na sobrang ganda at hindi makikitang mga ordinaryo sa mga mata.
41:33.3
Nakipaghawak kamay siya sakin.
41:36.3
Nagulat pa ako kasi napakalambot ng kanyang palad nun.
41:40.3
Halatang walang ginagawa at nasa isipan ko na baka isa siya sa mga namumuno doon.
41:48.3
Bella, wala bang sinabi ang tatay mo sayo?
41:53.3
Napatingin tuloy ako sa kanya at sabi ko, wala naman sinabi si tatay o binilin.
42:00.3
Yun lang iyong itim na kanin.
42:02.3
Napangiti siya sabay lingon sa kaliwang bahagi niya.
42:06.3
Ayaw niya na nakita ko siyang nakangiti ng ganon.
42:10.3
Tiyak ko na sadyang mauhulog ang loob ko sa kanya kung makita ko siyang ganon.
42:15.3
Kaya iniwasan na rin niya.
42:18.3
Alam mo Bella,
42:20.3
ipinagkasundo tayo ng mga magulang natin na ikasal tayo.
42:25.3
Seryosong sabi niya,
42:27.3
na siyang ikinagulat ko talaga nun.
42:30.3
Tinitigan ko siya na napakunotno ako.
42:34.3
Hinuhuli ko kung nagbibiro siya pero,
42:38.3
seryoso ito.
42:40.3
Tumingin sa akin nun.
42:42.3
Tayo?
42:44.3
Ipinagkasundo?
42:46.3
Ikakasal?
42:48.3
Tanong ko sa mahinang boses.
42:51.3
Oo Bella, hindi ako nagsisinungaling.
42:55.3
Sagot niya sabay tango ng kanyang ulo.
42:58.3
Hindi ko alam kung matutuwa ako,
43:01.3
magkagalit.
43:03.3
Hindi ko alam yung emosyon ko ng mga oras na iyon.
43:07.3
Bella,
43:08.3
pagtungtong mo ng dalawamputpitong taong gulang.
43:12.3
Kukunin kita sa mundo ng mga tao.
43:15.3
Magpapakasal tayo dito sa lugar namin.
43:19.3
Hindi ka nababalik sa mundo ng tao kaya sana,
43:22.3
masanay ka na hindi mo makita ang pamilya mo.
43:25.3
Masanay kang mamuhay na parang
43:28.3
isang pinuno.
43:30.3
May batas.
43:32.3
Tunay na asawa sakin.
43:34.3
Ito ang mga sinabi ni Aleja.
43:36.3
Binitawan niya ang kamay ko ng dahan-dahan.
43:40.3
May kinuha siya na nakabalot sa ginto na tela.
43:44.3
Isa yung sing-sing.
43:47.3
Nagpropo siya sakin, Sir Seth.
43:50.3
Yun na ata ang pinakamasayang alaala na ibinigay niya sakin.
43:55.3
At dahil sa napagtanto ko na mabuting uri ng inkanto siya,
44:00.3
tinanggap ko yung alok na iyon.
44:02.3
Hindi niya isinuot sa akin ang sing-sing.
44:06.3
Naging kwintas ko iyon at naging dalawang ginto yung sing-sing na iyon.
44:10.3
Saka lang daw namin susuutin sa mismong kasal namin.
44:14.3
Nagbigay kami ng kanya-kanyang pangako.
44:17.3
Pangako na sobrang haba.
44:20.3
At akala ko'y
44:22.3
walang makakasira.
44:25.3
Bigla na lamang akong nagising.
44:28.3
Ang mga pangako ay
44:29.3
nasakit ng silangan pa ako.
44:31.3
Doon sa pinagtatrabahohan ko.
44:33.3
Limang araw na umano akong walang malay, sabi ng amo ko.
44:36.3
Hindi na nagpakita sa akin si Aleja, pero
44:39.3
nasa akin ang kwintas.
44:41.3
Kwintas ko kung saan naroon-roon lahat ng pangako namin sa isa't isa.
44:47.3
Na-excite ako pag tungtong ng dalawang ginto.
44:50.3
Ang mga pangako ay
44:52.3
hindi na nagpakita sa akin si Aleja,
44:55.3
pero
44:56.3
na-excite ako pag tungtong ng dalawamputpitong taong gulang.
45:00.3
Halos hindi na ako magtrabaho sa araw-araw na iyon kasi natulog ako na maaga.
45:06.3
Pero walang Aleja na dumating.
45:09.3
Hanggang sa nawalan ako ng pag-asa at kinakausap ko ang sing-sing.
45:14.3
Hindi ko alam na konektado pala yung sing-sing na iyon kay Aleja.
45:19.3
At palagi niya pala akong naririnig na kinakausap yung dalawang sing-sing na iyon.
45:23.3
Hanggang sa lumipas ang taon,
45:27.3
nakalagpas na ako sa edad na sinabi niya,
45:30.3
hindi na siya nagpakita pa.
45:34.3
Pero,
45:36.3
nakaraang buwan, Sir Seth,
45:38.3
dinalaw niya ako.
45:40.3
Kakauwi ko lamang galing gitnang silangan.
45:43.3
May nakita akong bata sa bintana namin.
45:46.3
Alam ko na hindi tao.
45:49.3
Kinausap ko yung bata at bigla yung silangan.
45:51.3
Kinausap ko yung bata at bigla itong nawala.
45:55.3
Kinagabihan,
45:57.3
nanaginip ako at binisita ako ni Aleja.
46:00.3
Kinamusta?
46:02.3
Niyakap.
46:04.3
Wala akong nagawa kundi ang mapaiyak.
46:07.3
Iba na yung suot niya.
46:09.3
Hinalikan niya ako sa noo.
46:12.3
Pagbibigay galang sa ipinangako na akin talagang pinanghawakan.
46:18.3
Sabi ko,
46:19.3
handa na akong magpakasal.
46:22.3
Nagulat na lamang ako noong nakita ko siyang umiiyak.
46:27.3
Nasira pala yung pangako niya sa akin.
46:31.3
Ikinasal siya sa taga roon sa kanila.
46:35.3
Diba, Sir Seth,
46:37.3
kung sa iba ay tinanggihan ng kung anumang alok na mga inkanto,
46:41.3
ako na tong tinanggap ng buo.
46:46.3
Pero wala eh.
46:47.3
Wala naman akong magawa kundi ang umiyak na lamang din.
46:51.3
Numiti ako sa kanya at ang sabi ko,
46:54.3
Ayos lang, Aleja.
46:57.3
Ano ka ba? Ayos lang yun.
46:59.3
Kung hindi talaga tayo para sa isa't isa,
47:02.3
hindi talaga.
47:05.3
May desisyon pala yung mga magulang niya na ikasal siya sa iba.
47:10.3
Dahil nga namatay na yung tatay ko.
47:13.3
Kumbaga yung kasulatan ay hindi napantay gawa ng
47:16.3
namatay na ang aking ama.
47:19.3
Ginamit ko pa yung manggas ng damit ko para punasan yung mukha niya.
47:24.3
Unang beses kong makakita ng umiiyak na katulad nila.
47:29.3
Yung singsing na kwintas
47:32.3
naging abo.
47:34.3
At sabi niya sa akin ay malaya kang makakapasok sa aking kaharian.
47:39.3
Ibinigay niya sa akin ang tunay na pangalan ng biringan
47:43.3
at kung saan ito matatagpuan.
47:47.3
At doon na,
47:49.3
yung huli naming pag-uusap.