* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Ang mga Traidor sa Kasaysayan ng Pilipinas
00:03.4
Ang kasaysayan ng Pilipinas ay puno ng mga magigiting na bayani na lumaban sa mga mananakop para sa ating kalayaan.
00:11.6
Sa kasamaang palad, may ilan ring pumanig sa mga kalaban at nag-traidor sa ating bansa.
00:17.4
Sa video nito, pag-uusapan natin ang mga traidor na ito.
00:21.3
10. Cecilio Segismundo
00:23.5
Noong March 23, 1901, nahuling ng mga Amerikano ang presidente ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.
00:30.9
Sa mga panahon iyon, ito ay isa sa pinakamalungkot na pangyayari sa ating kasaysayan.
00:36.6
Pero paano nga ba nalaman ng mga Amerikano kung saan nagtatago si El Presidente?
00:42.5
Dito pa pasok si Cecilio Segismundo.
00:45.2
Si Cecilio Segismundo ay dating konstabulary ng Manila sa ilalim ng mga Espanyol at corporal sa ilalim ni Major Nazareno.
00:55.0
Nang sumali siya sa Katipunan, dahil sa kanyang background, pinagkatiwalaan siya ni Aguinaldo at ginawang opisyal na messenger.
01:03.0
Noong may conflict na ang mga Pilipino at Amerikano, nagtago si Aguinaldo sa Isabela.
01:07.9
Isang layon sa palanan at inatasan niya si Segismundo na ihatid ang kanyang mahalagang liham sa kanilang mga kasamahan upang humingi ng tulong.
01:17.2
Isang buwang naglakad sa mga bukid si Segismundo hanggang sa naabutan siya ng mga Amerikano at na Pilipinas.
01:23.5
Ayon sa kwento, pinangakuan siya ng mga ito ng commission sa Philippine Army at reward na $300 kung sasabihin niya ang lokasyon ni Aguinaldo.
01:34.5
Agad niyang tinanggap ang offer at matagumpay na nahuli ng mga Amerikano ang El Presidente.
01:41.5
9. Januario Galot
01:43.4
Kilala si Heneral Gregorio del Pilar bilang ang pinakabatang Heneral noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa atin.
01:51.0
Noong December 2, 1899,
01:53.5
magiting niyang nilabanan kasama ang kanyang grupo ang mga Amerikano sa Tirad Paz sa Ilocos Sur.
01:59.8
Sa huli, natalo ang grupo ni Goyo dahil napaligiran sila ng mga Amerikano at isang traidor ang rason kung bakit.
02:08.5
Si Januario Galot ay isang tinggyan igorot mula sa Cordillera, Northern Luzon.
02:13.6
Sa kasamaang palad, siya ang nagturo kay Major Peyron March ng lihim na daanan papunta sa pwesto ng mga Pilipinong sundalo.
02:23.5
Una ay nakalaban pa ang grupo ni Goyo.
02:26.5
Pero nang malaman ng mga Amerikano ang lihim na daanan, napaligiran na nila ang grupo ni Goyo na siyang naging rason kung bakit natalo ang mga ito.
02:35.5
Sa katunayan, mula sa 80 Pilipino soldiers, 8 lamang ang nakaligtas at isa sa mga namatay ay ang binatang Heneral na natamaan ng bala sa kanyang leeg habang pinamumunuan ang kanyang mga sundalo sa labanan.
02:50.9
May mga sabi-sabi na nag-tridor si Galot.
02:53.5
Dahil hindi maganda ang pagtrato ng kanyang sariling mga kababayan sa kanya, kaya naman, pumanig siya sa mga Amerikano.
03:01.1
8. Apolinario Alcuitas
03:03.5
Hindi man siya ang pinakasikat na bayani ng ating kasaysayan, kilala naman ng mga tao.
03:09.2
Lalo na ng mga Cebuano ang rebelde na lumaban sa mga Espanyol na si Pantaleon Villegas o mas kilala bilang si Leon Quilat.
03:17.6
Inatasan ni Aguinaldo si Leon Quilat na pamunuan ng mga rebelde sa Cebu.
03:21.8
At agad niyang ipinamalas ang kanyang tapang at galing.
03:25.4
Sumugod ang grupo ni Quilat sa Cebu noong April 3, 1898 noong Palm Sunday sa isang pangyayari na tinawag na Tres de Abril Revolt.
03:35.4
Noong una ay nakuha nilang talunin ang mga puwersang Espanyol pero nang dumating ang mga backup nito mula sa Maynila,
03:42.5
umatras si Leon Quilat at nagtago sa Carcar, Cebu.
03:46.7
Natakot ang mga pinuno ng Carcar na baka sila ang pag-inita ng mga Espanyol.
03:51.3
Sa pagampun nila kay Quilat, kaya nagplano sila na patayin nito.
03:56.0
Ang kinuha nilang asasin ay si Apolinario Alcuitas.
03:60.0
Sa gabi noong April 7, nilasing nina Alcuitas si Quilat at noong umaga ng April 8, kasama ang kanyang grupo, sinaksak nila ang pinuno ng Cebu habang natutulog.
04:11.9
7. Makabayang Katipunan ng Ligang Pilipino
04:16.0
Karaniwan sa mga nasa video ay isang tao.
04:18.5
Ito lamang ang traidor na grupo.
04:22.0
Noong sinakop tayo ng Japan, may ilang grupo ng mga Pilipino na kumampi sa kanila at isa na dito ang makabayang katipunan ng Ligang Pilipino o mas kilala bilang Makapili.
04:34.0
Kumampi ang grupo na ito sa mga Japon nang naisipan ng Japan na magsalin ng ilang mga Pilipinong sundalo sa kanilang puwersa.
04:41.1
Siyempre, alam nilang magigiting na mandirigma ang mga Pilipino at matapang itong lumalaban sa mga gera.
04:47.3
Ngayon pa man, hindi ito ang rason kung bakit kinatatakutan ng ibang mga Pilipino ang makapili.
04:53.3
Ang pinakamalaking rason ay ang kanilang pagturo sa kanilang sariling mga kababayan na hindi sang-ayon sa mga pinaggagawa ng mga Japon.
05:01.3
Sa tuwing nagpupunta ang mga Japon sa isang nayon upang hulihin ang kalaban nila,
05:06.3
lalabas ang mga makapili members suot ang isang bamboo basket sa kanilang ulo upang hindi sila makilala ng ibang mga tao.
05:14.3
May butas lamang ang basket sa kanilang mga mga katipunan.
05:16.9
At hulihan nila ang mga mata upang makita nila ang suspects at maturo kung sino ang mga Pilipinong kalaban ng mga Japon.
05:24.9
Maraming kababayan natin ang namatay dahil sa mga makapili.
05:29.9
6. Antonio Surabao
05:32.9
Si Antonio Surabao ay alagad ng isang Spanish encomiendero sa Calamianes, Palawan na si Pedro Sarmiento.
05:39.9
Sa mga panahong iyon, 1580s, nagplano ang ilang mga nobles mula sa Pampanga at Manila,
05:45.9
na labanan ng mga mapangaping Kastila.
05:48.7
Pinamunuan ito ni na Agustin Legaspi, Martin Pangan,
05:52.9
ang gobernador Silio Nangtondo at ni Magat Salamat.
05:57.0
Malaking parte din ng grupo ang tulong na ipinangako sa kanila
06:00.4
ng isang Japanese na kristyano.
06:03.0
Ito ang rason kung bakit nagrekrut sila hindi lang sa Pilipinas,
06:06.9
pati na rin sa Borneo at Japan.
06:09.4
Habang papunta sa Borneo, tumigil si Salamat sa Calamianes
06:12.9
at nakausap niya si Surabao upang humingi ng tulong para sa kanilang plano.
06:19.0
Imbis na sumali, sinabi ni Surabao sa kanyang amo ang plano ng grupo.
06:24.2
Agad na nakarating sa mga otoridad na Espanyol ang plano ni Magat
06:28.5
at hinuli nila ang grupo upang parusahan at patayin.
06:32.7
Maraming namatay at nagdusa dahil sa pagtraidor ni Antonio Surabao.
06:38.8
5. Dominador Gomez
06:41.0
Sa videong ito, si Dominador Gomez,
06:42.9
si Gomez ang pinakatapat sa Pilipinas bago siya nagtraidor.
06:47.5
Si Gomez ay isang doktor, propagandista at leader ng mga union strikes
06:52.1
laban sa pang-aabuso ng mga Amerikano.
06:55.0
Higit pa doon, nagbigay siya ng matapang na speech tungkol sa imperialismo ng mga dayuhan.
07:01.1
At ito ang rason kung bakit inaresto siya noong 1903.
07:05.5
Noong una ay naging matapang si Gomez,
07:08.0
pero sa kasamaang palad, hindi niya natiis ang pagkakakulong.
07:12.1
Pumayag siya na gamitin para mahuli si Macario Sacay at kanyang mga kasamahan na nagtatago sa bundok.
07:19.8
Kinumbinsi ni Gomez si Sacay na sumuko sa pangako na hindi sila huhulihin ang mga Amerikano
07:25.3
at ibibigay rin ang hinahangad nilang kalayaan sa hinaharap.
07:29.7
Pero iba ang nangyari.
07:31.8
Pagdating ni na Sacay sa Cavite, agad silang inaresto ng mga dayuhan.
07:36.5
Isa lang ang nasabi ni Gomez, wala nang silbi ang paglaban.
07:42.1
Miguel Vicos at Pedro Bekbek
07:44.3
Si Diego Silang ay isa sa pinakamatagumpay na bayani na lumaban sa mga Espanyol.
07:50.3
Isa sa mga nagpadakas sa kanya ay dahil nakuha niya ang tulong ng ilang British forces
07:55.7
at naging gobernador pa nga siya ng Ilocos Sur na hindi nakontrol ng mga Kastila.
08:01.7
Nabahala ang mga dayuhan sa anong kayang gawin ni Silang, kaya pinapatay nila ito.
08:06.9
At ang gumawa ng trabaho ay si Miguel Vicos at Pedro Bekbek.
08:11.2
Miguel Vicos at Pedro Bekbek
08:11.8
May ilang nagsasabi na ginawa ito ni Vicos dahil may galit siya kay Silang
08:16.7
o dahil pinangakuan ng mga Kastila ng isang pabuya si Bekbek.
08:21.4
Kung alinman ang totoo, pumunta ang dalawa sa headquarters ni Silang sa Vigan.
08:26.4
Nang nagkita sila ni Silang, hindi siya naghinala.
08:29.6
Pero nung tumalikod siya, agad siyang binaril ng dalawa.
08:33.8
Sa sobrang tuwa ng mga Espanyol, nagtayo sila ng isang monumento ng isang aso para kay Vicos.
08:40.7
Para naman kay Bekbek, habang pinaparada siya ng mga Espanyol sa kanyang ginawa, sinugod siya ng asawa ni Silang.
08:48.8
Mahalaga na ating alalahanin ang mga bayaning nagbigay sa atin ng kalayaan.
08:53.2
Pero mahalaga rin na hindi natin kalimutan ang mga nagtraidor sa bansa upang wala nang makagawa ng ganitong pagkakamali sa hinaharap.
09:03.7
Ang KKK ay isang sikretong grupo ng mga Pilipino na naglalayong labanan ang mga mananakop na Espanyol.
09:10.7
Malaki ang naging papel nito sa pagkuhan natin sa ating kalayaan.
09:15.1
Pero bago pa ito unang sumugod, nalaman na ito ng mga Espanyol dahil isang tao ang nagbulgar nito, si Theodoro Patino.
09:24.3
May ilang kwento kung bakit ito ginawa ni Patino.
09:27.2
May ilang naniniwala na nalaman ito ng mga Kastila nang nagsara ang printing shop na pinagtatrabahuan ni Patino.
09:34.7
Dahil nag-away sila ng isang Apolonyo de la Cruz tungkol sa pagpapataas ng sahod.
09:39.9
Nakita ng mga Kastila sa kanilang shop ang mga dokumento ng katipunan.
09:45.0
Habang ang iba naman ay naniniwala na ang dalawa ay katipunero at nag-away sila dahil sa isang utang.
09:51.7
Sinabi ni Patino ang plano ng mga katipunero sa kanyang kapatid na siyang nagkumbinsi sa kanya na ibulgar ito sa Spanish authorities.
10:00.5
Sa mga panahon ito, nagpaplano pa lamang ang grupo at nagre-recruit ng mga tao.
10:05.5
Dahil dito, napilitan ang mga katipunero na lumaban ng mga kapatid.
10:09.9
Mas maaga kaysa sa plano nila noong 1896.
10:13.9
May ilang historian ang naniniwala na mas matagumpay sana ang grupo kung hindi lang nalaman ng mga Espanyol ang tungkol sa kanilang grupo ng mas maaga.
10:25.3
Ayon sa historian at manunulat na si Ambeth Ocampo, si Pedro Paterno ang pinakaunang balimbing sa kasaysayan ng Pilipinas.
10:34.2
Si Paterno ay isang matalinong manunulat at abogado.
10:37.5
Nag-trabaho siya bilang medyator sa pagitan ni Aguinaldo at ng Governor General ng Espanya na si Primo de Rivera.
10:46.0
Iisipin mo na kakampihan niya si Aguinaldo.
10:49.3
Pero nakumbinsi ni Paterno ang presidente na pirmahan ang Biak na Bato Pact at umalis sa Pilipinas.
10:56.6
Agad na nanghingi ng reward si Paterno mula sa mga Espanyol.
11:00.4
Ginusto niyang maging miyembro ng Spanish Senate at mabigyan ng 1 million Mexican Dollars dahil pabor sa Espanyol.
11:07.5
Iisipin niya ang kasunduan, pero hindi siya pinagbigyan.
11:11.6
Nang bumalik si Aguinaldo, nakumbinsi na naman niya si Aguinaldo na gawin siyang presidente ng Malolos Congress at pinuno ng Gabinete.
11:20.9
Pero noong dumating ang mga Amerikano, agad na namang kumalas si Paterno at kumampi sa mga dayuhan.
11:27.4
Sa katunayan, sumali siya sa First Philippine Assembly na isinagawa ng mga Amerikano.
11:33.5
1. Felipe Buen Camino
11:36.2
Kung gaano katraidor at balimbing si Paterno, nahigitan pa siya ng taong ito.
11:42.4
Kung kilala mo si General Luna, sigurado akong kilala mo rin si Felipe Buen Camino.
11:47.8
Si Buen Camino ang isa sa pinakamalaking balimbing sa kasaysayan ng Pilipinas.
11:53.2
Nagsimula siya bilang isang judge para sa Spanish government.
11:56.8
Habang nasa posisyon, pinayuhan ni Buen Camino ang mga Espanyol na patayin ang mga traidor sa gobyerno,
12:03.8
na karaniwan ay kanyang sariling kababayan.
12:06.2
Ayan din lang para sa kapayapaan ng bansa.
12:10.1
Nang sumiklabang revolusyon, agad na kumampi si Buen Camino sa mga Pilipino dahil nahuli siya ng mga ito.
12:17.4
Naging miyembro siya ng gabinete ni Aguinaldo at isa sa mga framers ng Malolos Constitution.
12:23.3
Noong dumating ang mga Amerikano, agad na namang nagpalit ng grupo si Buen Camino at pumanig sa mga Amerikano.
12:30.5
Dito niya nakalaban si General Luna nang sampalin siya nito dahil sa kanyang kagustuhan na makipagpapalit.
12:36.2
Sa pagkasundo sa mga Amerikano, marami ang naniniwala na isa si Buen Camino sa nagpapatay kay General Luna.
12:44.0
At ito ay dahil sa araw na pinatay ang General, nag-away na naman sila ni Buen Camino.
12:50.5
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan, huwag kalimutan mag-subscribe sa Bubli YouTube Channel at pindutin ang notification bell.