Close
 


Mga Bagay Na Wag Mong Gagawin Sa Japan
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #japan #travel #japantravel
Moobly TV
  Mute  
Run time: 08:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mga bagay na hindi mo pwedeng gawin sa Japan
00:02.7
Ang Japan ay patuloy na isa sa mga top tourist destination sa buong mundo.
00:07.4
Kilala ito sa mayamang kultura, kahangahangang mga tanawin, masasarap na kainan, at kalinisan.
00:14.0
Maraming mga bagay na siguradong gusto mong gawin, gaya ng pag-explore ng mga makasaysayang templo o pag-try ng street food.
00:21.7
Marami kang pwedeng gawin doon, pero kung pupunta ka sa Japan, hindi lang mga pwede mong gawin ang dapat mong alamin.
00:27.9
Alamin mo rin dapat kung ano ang mga hindi mo dapat gawin. Tara, pag-usapan natin!
00:34.2
1. Hindi pwedeng mag-picture kung saan-saan
00:37.1
Kung nasa ibang bansa ka, hindi mo talaga may iwasan na kumuha ng litrato sa mga bagong sites na nakikita mo.
00:44.5
Pero kung nasa Japan ka, kailangan mong mag-ingat sa pagkuhan ng litrato.
00:48.9
Sa Japan, may ilang lugar na hindi ka pwedeng mag-picture.
00:52.7
Ipinagbabawal ang pagkuhan ng litrato sa loob ng ilang museums o galleries sa Japan.
00:56.5
At ito ay dahil mahigpit ang Japan pagdating sa copyright.
01:00.9
Kahit sa ilang mga malls o cafes ay hindi ka pwedeng mag-picture kung may ibang mga tao na masasali sa litrato.
01:07.3
Hindi rin pwedeng kumuha ng litrato sa mga libro o magazines doon.
01:11.4
Karamihan sa atin ay mahilig mag-picture ng mga order natin na pagkain sa restaurant.
01:16.0
Pero sa Japan, kailangan mo pang magpaalam sa chef o sa mga nagluto ng pagkain bago mo itukunan ng litrato.
01:22.7
Kaya kung nasa Japan ka at gusto mong mag-picture,
01:26.5
tanong ka muna sa mga locals kung pwede ba.
01:29.5
2. Huwag maingay sa train
01:31.5
Marami sa atin ang nagsa-cellphone kapag nagbabiyahe, lalo na kapag public transport at wala kang makausap.
01:38.4
Sa Japan, pwede kang maglaro sa phone, manood ng video o mag-chat sa public transport.
01:43.8
Pero hindi ka pwedeng makipag-usap sa telepono.
01:47.2
Kung pwede ito sa ibang mga bansa, bad manners ito para sa mga Japon dahil makakaistorbo ito sa mga taong gustong magpahinga sa loob.
01:54.8
Kung makikita kanilang may kausap sa cellphone habang nasa train, iisipin nila na wala kang respeto sa kanilang peace.
02:02.2
Sa Tokyo, kung mas marami ang tao sa train, mas tahimik ito dahil marami ang may iistorbo kung may isang taong mag-iingay.
02:09.9
Ngayon paman, kung may kailangan ka talagang tawagan o may importanteng tawag, siguruhin mo lang na hindi ka mag-iingay sa loob ng train.
02:17.2
Kailangan mo rin i-turn off ang cellphone mo kung malapit ka sa priority seats.
02:21.9
3. Huwag ipasok ang sapatos sa bahay mo.
02:25.6
Naranasan mo na bang magpunta sa bahay ng kakilala mo at sinabihan ka na ipasok mo lang sa loob ang sapatos mo?
02:30.8
Hindi ito mangyayari sa Japan.
02:32.8
Sa Japan, isa sa mga naghihiwalay sa labas at sa loob ng bahay ay ang suot mo sa paa.
02:38.5
Sa madaling salita, hindi mo pwedeng suotin sa loob ng bahay ang sinuot mo sa labas.
02:43.7
Para sa mga Japon, ang paghubad mo ng tsinelas o sapatos bago pumasok ay isang gesture na nagsasabi na nirerespeto mo ang may-ari ng bahay.
02:53.1
At nakahanda kang sundin ang mga patakaran sa bahay niya.
02:57.1
Maliban doon, mas malinis din para sa mga Japon kung maghuhubad ka ng footwear.
03:02.6
Marami sa kanila ang hindi nagsusuot ng tsinelas sa loob ng kanilang sariling bahay.
03:07.0
Kaya kung ipapasok mo sa loob ang sinuot mo sa labas,
03:09.8
posible itong magdala ng dumi sa sahig na pwedeng tapakan ng mga Japon.
03:14.8
4. Kumain habang naglalakad.
03:17.7
Mahilig ka bang maglakad habang kumakain?
03:19.9
May ilang syudad sa Japan na hindi ito pwede.
03:21.9
Sa mga syudad ng Kyoto at Kamakura, ipinagbabawal ng local government ang naglalakad habang kumakain.
03:28.7
Ito ay dahil sa marami mga Japon ang nagrereklamo na namamantsahan ang kanilang suot mula sa pagkain ng mga ibang tao ang naglalakad.
03:36.2
Siyempre, bawal rin ito upang mapanatili ang linis ng mga kalsada sa syudad.
03:40.7
Sa Japan, hindi ganoon karami ang makikita mong basurahan sa kalsada.
03:45.1
Kaya may ilang mga turista na itatapo na lang ito sa kalsada.
03:48.6
Makakasira ito sa scenery at kawawa ang mga locals.
03:51.9
Sa katunayan, kung kumakain ka habang naglalakad sa Japan,
03:56.8
posibleng kang tingnan o lapitan ang mga matatandang Japon upang pagsabihan.
04:03.7
At kung pagkain na pag-uusapan sa Japan,
04:06.7
hindi ka pwede magtira ng maraming pagkain sa mga restaurants at ilang pang-eateries.
04:11.8
Doon ay itinuturing na bad manners ang pag-iwan ng leftovers sa mga kainan.
04:16.6
Disrespectful ito para sa mga taong naghanda ng pagkain sa iyo
04:20.4
at iisipin nila na nagsasayang ka ng masarap na pagkain.
04:24.5
Hmm, alam ko ang gusto mong itanong, paano kung i-bring home mo na lang?
04:28.9
Ayon sa mga reports, may ilang mga restaurants na pwede mong i-take home ang iyong tira
04:33.4
pero kailangan mo pang magpaalam para dito at hindi mo pwedeng istorbohin ng staff sa pag-bring home.
04:40.2
Ito ang rason kung bakit sikat ang take-out sa Japan upang makaiwas sa ganito.
04:44.5
Kaya kung pupunta sa Japan at kakain ka sa isang restaurant,
04:48.1
siguraduhin mong mauubos mo ang in-order mo.
04:50.7
Para hindi ka tingnan ng mga tao doon.
04:56.9
Mas masayang kumain pag may mga kasama ka, lalo na pag nag-share kayo ng pagkain.
05:02.2
Sa Japan, kapag naghahati kayo ng pagkain, kailangan ay maingat sa pagkuha dito.
05:07.6
Kapag nagsaserve ng platter na pinaghahatian ng maraming tao,
05:11.1
nagsaserve din sila ng mga extra chopsticks.
05:13.4
Ito ang magsisilbing serving chopsticks at madali itong makikita dahil kakaiba ito sa personal chopsticks.
05:20.4
Ibig sabihin, kapag kukuha ka sa platter,
05:23.1
kailangan mong gamitin ang extra chopsticks at hindi ang chopsticks na ginagamit mo at nilalagay mo sa bibig.
05:29.6
Sa Japan, itinutuloy na bad manners ang paggamit sa iyong personal chopsticks upang kumuha ng shared food.
05:36.2
Kaya kung nasa Japan ka at gusto mong kumuha sa platter,
05:39.7
ibaba mo muna yung personal chopsticks mo at gamitin mo yung extra.
05:44.1
7. Huwag paglaruan ang chopsticks
05:46.8
At speaking of chopsticks,
05:49.0
sa Japan may ilang bagay na hindi mo pwedeng gawin sa chopsticks mo.
05:52.6
Unang-una, huwag mo itong itayo sa kanin o anumang pagkain dahil ito ang ginagawa ng mga Japon para sa pagkain na inooffer nila sa patay.
06:00.4
Hindi nila magugustuhan kung gagawin mo ito habang kumakain.
06:03.8
Pangalawa, hindi rin pwedeng magpasa ng mga bagay o pagkain mula sa chopsticks mo papunta sa chopsticks ng iba.
06:10.8
Ginagawa rin nila ito para sa mga patay.
06:13.5
Higit sa lahat, huwag mong paglaruan ang chopsticks mo sa harap ng may-ari.
06:17.1
Pag ginawa mo ito,
06:19.0
huling sinabi na mumurahin lang ang chopstick na binigay niya sa'yo.
06:22.6
Disrespectful yan para sa mga Japon.
06:25.2
8. Huwag humatsing kung saan saan
06:28.4
Kung nasa Japan ka at may sipon,
06:30.3
wala kang ibang magagawa kundi suminghot sa mga public places.
06:34.0
Kung sa ibang mga bansa ay disrespectful ang pagsinghot sa public,
06:37.3
sa Japan naman ay mas disrespectful ang pag-atsing.
06:40.8
Pag ginawa mo ito sa public place,
06:42.7
titignan ka ng mga tao o pagsasabihan.
06:45.1
Kaya kung naglalakad ka sa kalsada at pakiramdam mo tutulong na ang sipon mo,
06:48.7
singhotin mo nalang o kung hindi ay maghanap ka ng CR o private na lugar upang umatsing.
06:54.8
9. Huwag kang magbathing suit
06:58.1
Ang mga baths sa Japan ay tinatawag na onsen at ipinagbabawal ang pagsuot ng bathing suit dito.
07:03.9
Ang tanong, anong dapat mong suotin?
07:06.3
Ang maikling sagot ay wala.
07:08.7
Sa mga public onsen sa Japan,
07:10.7
dapat ay nakahubad kang maliligo dito.
07:12.9
Siyempre, nakahiwalayang para sa lalaki at babae.
07:16.3
Kung ayaw mong nakahubad habang maraming tao,
07:18.8
huwag ka maglala, may mga private onsen naman doon na pwede mong suluhin.
07:22.6
May piling mga onsen rin na pwede magbathing suit kung turista ka,
07:26.4
pero napaka-kaunti na lang nito.
07:28.7
Ang Japan ay isa sa mga pinakamagandang bansa na pwede mong bisitahin,
07:32.6
at kung makapunta ka doon,
07:34.1
kailangang alam mo kung anong mga bagay ang dapat mong gawin at mga hindi mo pwedeng gawin
07:38.9
bilang pagrespeto sa mga Japon at sa kanilang kultura,
07:42.4
at para maenjoy mo ang pagpunta mo sa Japan.
07:46.4
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan,
07:48.1
huwag kalimutan magsubscribe sa Bubli Youtube Channel at pindutin ang notification bell.