Close
 


14 Emergency Signs na Kailangan Dalhin Agad sa Ospital. - By Doc Willie Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
14 Emergency Signs na Kailangan Dalhin Agad sa Ospital. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Panoorin ang Video: https://youtu.be/PaMBP7RW0bA
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 22:27
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Okay po, topic natin ngayon, meron tayong 14 bad signs na kailangan nandalin agad yung pasyente sa doktor or sa emergency room.
00:12.5
Alam naman natin, siyempre, nagtitipid tayo, ayaw natin gumastos, di ba?
00:17.9
Siyempre, pag dinala mo agad sa emergency room yung pasyente, malaking gastos yan, di ba? Libo yan.
00:23.9
Tapos hindi naman pala kailangan.
00:26.0
Pero itong bibigay kong 14 senyales, sana makatulong sa inyo makadesisyon kung kailan kailangan talaga dalin.
00:36.7
At kailan pwede naman hindi pala dalin muna para makatipid.
00:41.2
So ano itong 14?
00:43.5
Number 1, persistent chest pain.
00:47.8
Yung tuloy-tuloy na sakit sa dibdib.
00:50.1
Ngayon, pagdating sa sakit sa dibdib, hindi naman lahat ng sakit sa dibdib kailangan dalin sa ospital.
00:56.0
Sino lang ang dadalhin?
00:58.0
Dito sa number 1 sign natin.
01:00.0
So kung bata ka pa, wala ka pang 40 years old, wala namang high blood, pasakit-sakit lang dito.
01:07.0
Kung kaya mo ituro ng isang daliri, sabi ko nga, pag natuturo mo ng isang daliri yung chest pain, malamang hindi yan sa puso.
01:15.0
Kung sandali lang, wala pang 1 minute, o sabihin mo ilang oras ang sakit sa dibdib mo, 1 hour, 2 hours, malamang hindi yan sakit sa puso.
01:26.0
Makakahintay yan, siguro sa next check-up mo na lang.
01:30.0
So anong klaseng chest pain yung dadalhin sa ospital na kailangan tayo gumastos kahit mahirap tayo?
01:37.0
So ito yung may edad na dapat yung pasyente.
01:41.0
At least 40 or 50s na siya.
01:44.0
At least mga 50s usually.
01:46.0
Tapos yung mga may risk factor, naninigarilyo, diabetes, overweight.
01:52.0
Tapos yung sakit sa dibdib, makikita mo yung mukha eh.
01:56.0
Iba yung mukha ng may sakit talaga.
01:59.0
Talagang, talagang, ako, siguro sanay lang ako bilang doktor.
02:03.0
Kita ko agad sa mukha eh.
02:05.0
Alam ko yung mukha ng nervyos lang tong babaeng to, kaya sumasakit ang dibdib.
02:11.0
Pag nakita ko yung mukha ng nervyos na tulala, wala, walang sakit yan.
02:15.0
Pero yung mga lalaki na medyo mataba, nakakunot, na may risk factor, ay misan maganda madala agad sa doktor.
02:24.0
Kasi isip mo, baka ang heart attack kasi 5 to 15 minutes usually.
02:29.0
5 minutes to 15 minutes, maximum 30 minutes, doon yung atake sa puso.
02:34.0
Doon din nadala sa emergency room.
02:36.0
Tsaka syempre, pag malala talaga yung sakit at may budget kayo,
02:42.0
minsan mas maganda sa malalaking hospital.
02:45.0
Kasi kung maliit yung hospital, baka wala yung mga gamit.
02:49.0
Baka wala yung mga gamit na mga clot buster.
02:53.0
Meron kasi mga special na gamot na magaganda.
02:56.0
So yan po, chest pain, pagduda tayo sa puso talaga.
03:01.0
Number 2, matinding trangkaso o lagnat.
03:06.0
Severe fever, flu symptoms. Anong ibig sabihin?
03:10.0
Ang shortcut dito siguro sa akin, walang pera, pag limang araw na may lagnat.
03:17.0
Kung 5 days na nilalagnat ka pa, ibang usapan na yun.
03:21.0
Hindi na normal trangkaso o buyon.
03:24.0
Ibig sabihin, meron na nakatago sa katawan mong nagpapalagnat sa iyo.
03:29.0
Pwede yung typhoid fever, pwede yung ma-infection sa loob, pwede yung UTI na malala.
03:36.0
Lalo na yung lagnat na parang medyo nag-delirio na, medyo iba na yung pag-iisip.
03:42.0
O yung lagnat na maraming plema masyado, pwede rin yun.
03:47.0
Kasi yung lagnat, nagkakakomplikasyon.
03:49.0
Diba?
03:50.0
So ako, tinitingnan ko sa muka.
03:52.0
Alam mo yung iba na.
03:54.0
Diba? May hingal na, high fever, tapos lampas na limang araw.
04:00.0
Pero kung yung lagnat 1 to 2 days pa lang, baka ano lang yun.
04:04.0
Obserbahan muna natin kung nagtitipid tayo.
04:08.0
So yan, number 2.
04:10.0
Number 3 sign na kailangan dalhin sa emergency room kahit wala tayong pera, walang choice ay biglang hinimatay.
04:19.0
Okay, marami yan.
04:21.0
Ngayon, lahat ng hinihimatay, kailangan dalhin agad.
04:26.0
Actually, dapat naman talaga dalhin.
04:29.0
Pero let's say, batang babae.
04:32.0
O mainit sa simbahan, nagkulang yung oxygen.
04:36.0
O ninerbiyos, nakakita ng dugo, hinimatay sandali, nahimasmasan, gumising, mukhang okay naman.
04:44.0
Pwede, obserbahan naman yun. Diba?
04:47.0
Kung talagang walang budget.
04:49.0
So, yun po.
04:50.0
Pero yung hinimatay na medyo may edad na.
04:53.0
Okay, edad 40, 50s. Diba?
04:57.0
Paulit-ulit yung hinimatay na bumagsak lalo na kung may tama.
05:02.0
Tinamahan yung ulo o may sugat.
05:04.0
So, pwedeng bumagsak yung blood pressure.
05:08.0
Pwedeng biglang nagloko yung tibok ng puso.
05:12.0
Baka bumilis masyado, nawala ng oxygen sa utak.
05:17.0
Pwedeng bumagsak yung sugar, hypoglycemia.
05:21.0
So, depende yan.
05:23.0
Pero ang kinakatakot natin sa hinimatay na bumagsak.
05:27.0
O basta hindi yan oxygen lang, hindi lang kinabhan lang.
05:31.0
E takot tayo baka may abnormal heartbeat. Possible yun.
05:35.0
O bumagsak yung blood pressure.
05:37.0
So, fainting.
05:38.0
Minsan pwede outpatient lang para makatipid.
05:41.0
Kahit huwag mo na emergency room kung gumising na eh.
05:44.0
So, outpatient muna.
05:46.0
Sa cardiologist o sa neurologist.
05:49.0
Pag hinimatay, cardiologist o neurologist ang pupunta.
05:53.0
Siguro, cardio na lang muna ako, cardiologist.
05:56.0
Okay.
05:57.0
Number four.
05:59.0
Na kailangan bad sign, kailangan dalhin na sa hospital o papacheck up.
06:05.0
Severe heart palpitation.
06:08.0
Okay. Lahat tayo makabugang dibdib.
06:10.0
Ako, minsan, makabugang dibdib ko.
06:12.0
Diba, pag tumatanda, bumibilis ang tibok ng dibdib eh.
06:15.0
Kasali yan.
06:17.0
Pero yung palpitation na kakaiba.
06:19.0
Ibig sabihin, yung palpitation na normal ang tibok, biglang bibilis.
06:24.0
Tapos, yung palpitation na may hingal. May ganyan yan eh.
06:29.0
Pag nagloko kasi yung tibok ng...
06:31.0
Paano ba yung example?
06:33.0
Parang kuryente.
06:34.0
Pag nabawasan yung voltage, biglang mamamatay yung ilaw. Diba?
06:41.0
Mamamatay, didilim.
06:42.0
Ganon din sa puso.
06:44.0
Pag normal ang tibok, biglang nagloko.
06:49.0
Either atrial fibrillation, patalon-talon.
06:54.0
O sobrang bilis ang tibok ng puso, magkukulang ng blood supply yan.
07:00.0
Okay. Kasi hindi na maganda yung tibok eh. Nanginginig na siya.
07:04.0
Hindi na maganda yung pumping.
07:05.0
So, mangyayari, hahapuin bigla.
07:08.0
Parang biglang hingal na hingal.
07:11.0
So, parang hindi na makalakad.
07:13.0
Bakit parang ilang steps pa lang hapun na bigla tapos nagpapalpitate? Iba yun.
07:19.0
Yun ang sign ng atrial fibrillation, atrial flutter.
07:23.0
Ito yung mga bilang cardiologist, mga SVT, VTAC.
07:26.0
Anyway, yun talaga emergency room.
07:29.0
At maganda, malaking ospital.
07:31.0
Kung pipili kayo yung maliit o malaki, doon na tayo sa malaki.
07:35.0
Kasi gastos nga pero minsan kailangan mo yung gamot eh.
07:39.0
Tsaka kailangan mo may specialist eh.
07:41.0
So, puso kailangan may cardiologist doon.
07:44.0
Na biglaan, life-saving.
07:47.0
May i-inject na gamot.
07:49.0
Ito yung linya namin. May i-inject na gamot para mabalik sa normal yung tibok ng puso.
07:56.0
Misan may kinukuryente yung dibdib pero minsan di na umabot sa kuryente.
08:02.0
Ano na, gamot lang pwede lang.
08:05.0
Number five sign.
08:07.0
Biglang lumabo ang mata.
08:10.0
Pero hindi ordinary labo ah.
08:12.0
Yung biglang parang nabulag.
08:14.0
Parang pagtingin mo may isang parte, may ulap na naka ano na.
08:19.0
Biglang parang meron ka ng part hindi makita.
08:22.0
Pwedeng mga retinal detachment yun eh.
08:25.0
Yung mata parang nag-detach eh.
08:28.0
Mga emergency yun.
08:30.0
O merong blockage ng artery.
08:33.0
Minsan meron parang embolus, biglang nag-block eh.
08:37.0
Yung parang na-stroke yung mata.
08:39.0
Dumilim, may ganun din yun.
08:41.0
So mga eye injury, retinal detachment.
08:44.0
Yung biglang nabulag, biglang hindi nakakita.
08:47.0
Dalhin agad sa emergency room.
08:49.0
Kasi minsan may gamot minibigay, baka mahabol pa.
08:53.0
Baka mahabol pa.
08:55.0
O pwedeng sign ng stroke, pwede rin.
08:57.0
Number six.
08:59.0
Okay.
09:00.0
Hirap huminga.
09:02.0
Pag ordinary, hirap huminga.
09:04.0
Naglalakad, okay lang yan.
09:06.0
Kung dati ka nang may hika.
09:07.0
Sanay ka na sa hika mo.
09:10.0
O may konting lung problem.
09:12.0
Okay lang siguro yun.
09:13.0
Pero yung hinihingal, ibang usapan yun.
09:17.0
Alam nyo yung talagang naghihingalo.
09:20.0
Alam nyo yung naghihingalo.
09:22.0
Lalo na may edad, okay.
09:24.0
Naghihingalo, may edad.
09:27.0
Tapos lagi ko nga sinasabi yung muka.
09:30.0
Ako sanay ako tumingin sa muka eh.
09:32.0
Isang tingin ko sa muka siguro two seconds lang.
09:35.0
Medyo alam ko na atok.
09:36.0
Sick face to, delikado to.
09:39.0
O parang iba to.
09:41.0
Parang tagilid to, tagilid.
09:43.0
Kailangan dalhin.
09:44.0
Kaya ako sa tingin ko, tagilid.
09:46.0
So yung may hingal talaga, iba yung muka.
09:49.0
Tapos yung nakita mo talaga, ito yung galit na galit.
09:52.0
Itong mga muscle natin.
09:55.0
Yung talaga nakaganon.
09:57.0
Yung parang nakagayan siya.
09:58.0
Yung galit na galit.
09:59.0
Ibig sabihin, ano na yun eh.
10:01.0
Parang last huran na yun eh.
10:04.0
Parang hirap na hirap na talaga.
10:06.0
Parang mahangin.
10:07.0
So yung mga gayang sakit, hindi mo alam.
10:09.0
Severe asthma.
10:11.0
Baka nag-allergy malala.
10:13.0
O baka may COPD.
10:15.0
Baka may embolism.
10:16.0
Marami pa.
10:17.0
Baka nag-heart failure.
10:18.0
So super hingal.
10:20.0
Dalhin agad.
10:21.0
Kasi oxygen yan.
10:23.0
Oxygen agad.
10:24.0
Life-saving.
10:25.0
Or minsan nai-intubate.
10:27.0
Mga ventilator.
10:29.0
So trouble breathing, importante.
10:31.0
Kung anuman dahilan nun.
10:32.0
Pulmonya o anuman.
10:34.0
Number seven.
10:35.0
Sugat o bali.
10:37.0
Diba?
10:38.0
Sugat o nabali.
10:39.0
Sasabihin mo, Dok, sugat lang eh.
10:41.0
Okay naman kung na-cut ka lang.
10:43.0
Ayaw mo na pumunta sa emergency room.
10:46.0
Kaya lang minsan,
10:47.0
pag hindi tinatahi ang sugat,
10:50.0
pangit na tignan.
10:52.0
Diba?
10:53.0
Siyempre gusto natin.
10:54.0
Maganda kayo.
10:55.0
Sasali kayo sa beauty contest.
10:57.0
Kung may hiwang malaki,
10:59.0
pag dinala sa ospital,
11:00.0
pag tinahi yan,
11:01.0
siyempre malinis.
11:03.0
Maganda.
11:04.0
Wala pang peklat.
11:06.0
Diba?
11:07.0
So deep cuts.
11:08.0
Walang masama.
11:09.0
Dalhin sa ospital.
11:10.0
Lalo na kung may dumudugo,
11:11.0
dadalhin talaga.
11:13.0
Paano naman yung bali?
11:15.0
Ang dami ko nakikita sa mga mahihirap.
11:18.0
Nakulog yung bata.
11:21.0
Natumba.
11:22.0
Alam mo may bali.
11:24.0
Pero hinahayaan lang yung bali.
11:26.0
I'm sure marami sa inyo nabalian.
11:28.0
Pwede bang hayaan na lang?
11:30.0
Usually naman kasi,
11:32.0
yung mga nabali,
11:33.0
like ako,
11:34.0
na-fracture ako dito.
11:36.0
Nakita niya.
11:37.0
Medyo malaki.
11:38.0
Na-fracture ako.
11:39.0
Yung nabali naman kasi,
11:41.0
babalik naman siya dapat.
11:43.0
Mag-heal siya.
11:45.0
Kaya lang,
11:46.0
pag hindi mo dinala sa ospital,
11:48.0
hindi mo nilagyan ng cast,
11:51.0
ng semento,
11:53.0
hindi mo pinaayos,
11:54.0
o hindi mo pina-X-ray,
11:56.0
pwedeng tumabingi siya.
11:58.0
So, yung kamay mo pwede parang
12:01.0
kumang na,
12:02.0
o tumabingi na,
12:04.0
o baka hindi mo magalaw.
12:06.0
Hindi maganda yung paghilom.
12:09.0
Ang chance mo lang ayusin yung
12:11.0
nasugat o nabali,
12:13.0
usually talaga gusto niyan sinisemento.
12:16.0
Kasi,
12:17.0
pag ayaw mo isemento,
12:18.0
pwede rin.
12:19.0
Kaya lang, baka tumabingi siya.
12:21.0
Pangit din naman.
12:23.0
Kaya gusto natin ayusin.
12:25.0
Yan ang purpose ng mga bali,
12:28.0
kung paano gagawin.
12:30.0
Number 7.
12:31.0
Number 8 na kailangan.
12:36.0
Out of 14.
12:37.0
Sudden paralysis or weakness.
12:40.0
Siyempre, sudden paralysis or weakness.
12:43.0
Wala tayong choice dito.
12:45.0
Naparalyze, nanghina.
12:48.0
Madalas mangyari yan.
12:51.0
Hindi na nataas yung kamay.
12:53.0
Stroke na yun.
12:54.0
Pero minsan,
12:56.0
naghihintay pa tayo mga 10-15 minutes.
12:59.0
Masaj mo muna.
13:01.0
Baka mawala.
13:02.0
Walang pera.
13:03.0
Obserbahan muna natin.
13:06.0
Maraming dahilan nung biglang pangihina.
13:09.0
Pwedeng na-stroke.
13:11.0
Pwedeng bagsak yung potassium.
13:13.0
Merong mga Guillain-Barré syndrome
13:16.0
na nagpa-paralyze.
13:18.0
O mga iba.
13:19.0
Siguro naipit lang.
13:21.0
Kailangan mahimasmasan.
13:23.0
Pag dinala sa ospital
13:25.0
at paralyzed pa rin,
13:27.0
usually gagawin sa ospital kasi CT scan.
13:31.0
CT scan or MRI, depende.
13:33.0
Mas mura CT scan.
13:35.0
Para makita kung may stroke.
13:36.0
Yun ang agad gagawin.
13:38.0
Kailangan yung ospital may CT scan.
13:40.0
Kung hindi, sayang lang.
13:42.0
Kung o-obserbahan lang.
13:44.0
Pwede, obserbahan konti.
13:46.0
Although sa ibang bansa,
13:48.0
pag na-stroke, gusto nila mabilis.
13:50.0
Within 15 minutes, within 30 minutes,
13:52.0
may bibigay na gamot
13:54.0
na pampalusaw ng stroke.
13:56.0
Pero sa atin, minsan hindi kaya.
13:58.0
Kaya sa mga sobrang mamahaling ospital.
14:00.0
Kung mayamang-mayamang kayo, sige.
14:02.0
Within 15 minutes.
14:03.0
Pero kung mahirap lang,
14:05.0
sige, obserb nyo konti.
14:07.0
Pag hindi nawala, kailangan dalhin agad.
14:09.0
Kasi kung stroke, may gamot yung bigla.
14:12.0
Number nine, headache.
14:14.0
Headache lang yan.
14:16.0
Iba dadalhin sa ospital.
14:18.0
Ordinary headache, huwag pansinin.
14:21.0
Okay lang.
14:22.0
Yung mga pagising, stiff neck.
14:24.0
Hindi naman kailangan emergency room yan.
14:27.0
Pahinga mo lang.
14:29.0
Migraine.
14:30.0
Kung sanay ka na dati sa migraine mo,
14:32.0
okay lang yan.
14:34.0
Kung sanay ka na dati sa headache mo,
14:36.0
hindi ka nakatulog.
14:38.0
Masakit ang ulo, okay lang yan.
14:41.0
Sanay ka na doon.
14:42.0
Pero yung headache na dadalhin sa emergency room,
14:45.0
yung hindi mo dating headache,
14:48.0
yung mas masakit,
14:50.0
tawag nga nila thunderclap headache.
14:52.0
Yung sobrang sakit.
14:54.0
Parang binibiyak yung ulo.
14:58.0
Yan ang mga aneurysm.
15:00.0
Mga brain aneurysm.
15:02.0
Brain infection.
15:04.0
Diba?
15:05.0
So pag sobrang headache, anong gagawin ng doktor?
15:09.0
CT scan pa rin or MRI.
15:11.0
Hahanapan kung baka may bukol.
15:14.0
Baka may stroke.
15:16.0
Yun pa rin.
15:17.0
So pag very sobrang sakit, doon pa lang.
15:21.0
Number...
15:23.0
Number ten.
15:25.0
Kumbulsyon.
15:26.0
Okay?
15:27.0
Ito walang choice.
15:28.0
Pag nagkumbulsyon yung pasyente,
15:31.0
unless may history siya talaga ng seizure,
15:34.0
kung meron siya talaga ng history ng kumbulsyon nung bata pa,
15:38.0
meron siyang epilepsy, may maintenance, tinutuloy lang yun.
15:42.0
Pero yung first time nagkumbulsyon,
15:44.0
alam nyo naman yung kumbulsyon, diba?
15:46.0
Pwede na stroke, meningitis,
15:49.0
pwede may problem din doon sa brain.
15:53.0
Baka may bukol.
15:55.0
Number eleven.
15:57.0
Naburn.
15:58.0
Diba?
15:59.0
Siyempre pag napaso, malaking part napaso.
16:02.0
Diba?
16:03.0
Pag konting paso lang, ay lagyan mo lang ng malamig na tubig.
16:06.0
Pwede na.
16:07.0
Pero pag malaki yung paso, minsan pati yung ilalim.
16:11.0
Pag napaso po kayo, diba?
16:13.0
Minsan hindi lang yung ibabaw ang parang nasunog na paso.
16:17.0
Pati yung muscle sa ilalim, yun ang delikado.
16:20.0
So kung malalim yung pagkapaso,
16:23.0
pwede mag-impeksyon sa ilalim.
16:26.0
So pwede naman pumunta sa emergency room.
16:29.0
Mas safe.
16:30.0
Pero lalagyan ng malamig agad or ice.
16:33.0
Kasi kahit in-ice mo yung ibabaw,
16:35.0
kailangan pati yung ilalim.
16:38.0
Para hindi lumaki ng lumaki yung nasunog.
16:41.0
Yung init.
16:43.0
Number twelve.
16:45.0
Head injury.
16:47.0
Nabagok ang ulo.
16:50.0
Sabihin mo, lahat ba nang nabagok ng ulo,
16:52.0
dadalhin sa emergency room?
16:54.0
Pag nabagok, CT scan agad yan.
16:56.0
Pero depende nga sa bagok.
16:59.0
Kung nabagok na may sugat.
17:02.0
Let's say, hindi mo alam.
17:03.0
Yung anak mo nahulog.
17:04.0
Tingnan mo kung may sugat.
17:06.0
Obserbahan natin.
17:08.0
Kasi pag nabagok, yung pagdurugo po,
17:11.0
hindi agad-agad.
17:13.0
Hindi yung nabagok ng 10 am,
17:16.0
dudugo na agad yung ulo ng 11 am in one hour.
17:19.0
Hindi.
17:20.0
Minsan,
17:21.0
after 24 hours eh.
17:23.0
Yung pagkabagok, baka may konting dugo.
17:26.0
Tapos padami ng padami.
17:28.0
So after 12-24 hours,
17:31.0
doon pa lang sasakit yung ulo.
17:34.0
Pag dumami na yung dugo,
17:36.0
doon na mawawala ng malay.
17:37.0
Hindi na makausap.
17:38.0
So inoobserbahan.
17:40.0
So pag head injury,
17:42.0
lalo na kung may edad,
17:44.0
mas marupok kasi ang mga ugat natin.
17:47.0
Elderly.
17:48.0
Dadalhin din sa hospital.
17:49.0
At least for a CT scan.
17:50.0
Mas sure na walang dumugo.
17:52.0
Number 13 out of 14.
17:55.0
Sobrang pagtatae.
17:58.0
Lahat tayo nagtatae.
18:01.0
Pero anong klaseng nagtatae,
18:03.0
nagsusuka, na hindi makakain,
18:05.0
dadalhin sa hospital?
18:06.0
Ganito secret kung bata man o matanda.
18:09.0
Tingnan yung dila.
18:10.0
Pag yung dila tuyong-tuyo na,
18:13.0
dehydrated na yun.
18:15.0
Pag lubog na itong mata,
18:17.0
dehydrated na yun.
18:19.0
Pag hindi na umiihi,
18:22.0
walang oras na,
18:24.0
walang ihi pa,
18:25.0
abnormal yun.
18:27.0
Baka na kidney failure na yun.
18:29.0
Oo.
18:30.0
Kaya hindi po tama yun.
18:33.0
Pag hinihingal na,
18:34.0
iba na usapan yun.
18:35.0
Dry tongue,
18:36.0
walang ihi,
18:37.0
sunken,
18:38.0
hindi na kumakain,
18:40.0
dadalhin na sa hospital yun.
18:42.0
Swero agad to.
18:44.0
Malay mo, cholera.
18:46.0
Malay mo, matinding diarrhea.
18:48.0
Lalo na dito sa atin.
18:50.0
Yung mga cook,
18:51.0
pag nagluto,
18:52.0
ang bilis natin magtahid dito.
18:54.0
Baka hilaw.
18:56.0
Number 14,
18:58.0
na kailangan dalhin sa,
19:00.0
ito kahit sa outpatient lang.
19:02.0
Change in mental status.
19:05.0
Mental health to.
19:07.0
Yung medyo nagiba-iba yung sinasabi.
19:11.0
Ito yung mga bipolar,
19:13.0
major depression,
19:15.0
ito yung demensya.
19:16.0
So, pag nakita mo,
19:17.0
nagbago yung status,
19:19.0
pinag-usapan,
19:20.0
pwede outpatient sa neurologist.
19:22.0
Pero sa akin,
19:23.0
ito yung pinaka-emergency sa lahat.
19:25.0
Meron akong mga bad experience ito.
19:29.0
May mga taong depressed,
19:32.0
kung depressed tawag sila,
19:34.0
or anxiety lang,
19:35.0
na minsan may pumapasok sa isip nila
19:38.0
na masamang mensahe
19:42.0
o feeling nila, gusto nila.
19:45.0
Alam nyo na yun,
19:46.0
yung mga self-harm.
19:48.0
O baka may nagsasabi may gagawin siyang masama
19:51.0
o nag-attempt siya gumawa ng masama.
19:54.0
Oras na makakita kayo ng ganyan.
19:56.0
Kahit sino pa siya,
19:58.0
classmate mo,
19:59.0
na nagsabi o nag-attempt.
20:01.0
O ako, tinitingnan ko lagi yung kamay nila.
20:04.0
O may hiwa ba? May sugat ba?
20:06.0
Lagi ako nakatingin eh.
20:08.0
Titingnan ko, ano bang ginawa nito?
20:11.0
O baka may hawak na blade eh.
20:13.0
Hindi ko masabi.
20:14.0
Oras na may mag-attempt, eh.
20:16.0
Walang choice.
20:18.0
Dadalin mo ito sa psychiatrist
20:20.0
or gusto mo, babantayan mo siya 24 hours
20:25.0
hanggang gabi, hanggang tulog.
20:27.0
Kung sino man siya.
20:29.0
Walang choice.
20:31.0
Huwag mo isipin.
20:33.0
Siyempre, tatanungin mo yung pasyente.
20:35.0
Ay, okay na ako. Wala na ito. Okay na ako.
20:38.0
O sige, matulog ka na. O bukas tayo magkita.
20:41.0
O bukas, hindi na kayo magkikita.
20:44.0
Madalas nangyari.
20:46.0
Nangyari na sa kanya ako. Almost twice.
20:48.0
I don't wanna talk about it. Ayoko. Trigger warning.
20:51.0
Pero basta may nagsabi ng ganyan.
20:55.0
Hulihin mo.
20:57.0
Dalin sa psychiatrist.
21:00.0
Bigyan ng anti-depressant.
21:02.0
Bigyan ng mga pamparelax para makalma siya.
21:05.0
Life-saving yan.
21:07.0
Life-saving yan. Kasi maraming na-stress ngayon.
21:10.0
Lahat ito.
21:11.0
Either mental health or sakit sa puso.
21:13.0
Pag ganito nakita natin.
21:15.0
Alam nyo naman yung goal natin.
21:17.0
Makaligtas lang ng buhay.
21:19.0
Sana nakabigay ng konting explanation.
21:22.0
Good morning. Anong gagawin?
21:25.0
Pag laging...
21:27.0
Kumabasa.
21:28.0
Laging blurred. May goiter.
21:31.0
Ah, goiter.
21:34.0
Ang takot ko lang sa goiter.
21:36.0
Pag malaki na yung mata.
21:38.0
Pag lumuluwa na yung mata, wala nang choice.
21:40.0
Dadali na sa emergency room.
21:42.0
Toxic goiter. Hyperthyroid.
21:44.0
Nakaka-heart failure.
21:47.0
Sa PGH noon.
21:49.0
Kawawa.
21:50.0
Pagkita namin, ang laki na ng puso.
21:52.0
Nalupay-pay na yung puso dahil sa hyperthyroid.
21:56.0
Lalo na pag lumuluwa na yung mata nila, hindi na po pwede.
22:00.0
May gamot dyan. Mabilis na lang ang gamotan sa hyperthyroid.
22:04.0
Tulad ng sinabi ko, para sa walang pera, kahit walang pera.
22:09.0
Pag ganito na malala, dalhin na natin.
22:11.0
Kasi sayang yung buhay.
22:13.0
Hopefully, nakatulong tong video.
22:15.0
Tsaka na tayo umutang.
22:17.0
O saan maghanap ng pera.
22:19.0
Pero pag ganito talaga, dadalin talaga.
22:21.0
Maraming salamat.
22:23.0
Share po natin sa ating kababayan.