Ang Hari At Ang Matalinong Magsasaka - Kwentong Pambata Tagalog | Mga kwentong pambata
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Noon ay may nakatirang hari na si Sumer Singh at ang kanyang asawa na si Ketaki.
00:09.9
Napakaganda ni Ketaki at mahal ito ng asawang si Sumer Singh.
00:14.8
Siya ay mapagmahal na hari at laging inuuna ang mga tao.
00:20.0
Sinisigurado ni Sumer Singh na nasa maayos na pamumuhay ang kanyang mga mamamayan.
00:24.7
Isang araw, nagdesisyon siya na mag-ikot sa kaharian upang tingnan ang mga tao.
00:30.5
Tungkulin niyang pangalagaan ang kanyang mga nasasakupan at hinikayad niya na sumama ang kanyang reyna.
00:37.0
Kaya naman kinausap niya ito sa sunod na araw.
00:40.4
Alam mo na ngayon na lagi kong binibisita ang ating mamamayan.
00:44.6
Bukas ay mag-iikot akong muli sa aking kaharian.
00:48.9
Oo, aking mahal na hari, alam ko iyon.
00:51.9
Sobrang ipinagmamalaki kita dahil nakikita.
00:54.7
Nakikita ko ang iyong pagpapahalaga na maresolba ang bawat problema ng ating mamamayan.
01:00.6
Bukas ay mag-iikot akong muli sa aking kaharian.
01:04.4
Gusto ko sanang isama ka sa aking pag-iikot.
01:07.3
Siguradong magugustuhan mo ito, aking mahal na reyna.
01:12.3
Siyempre, aking mahal na hari, sasamahan kita.
01:15.6
Gusto ko rin makilala ang ating mamamayan.
01:18.4
Kinabukasan ay nag-ikot niya ang hari at reyna sa kaharian.
01:22.1
Malayo ang kanilang biniyahe sakay sa karwa.
01:25.2
Mukhang ayos ang lahat sa kaharian.
01:27.2
Kaya't nagpatuloy lang ang hari at reyna sa kanilang pag-iikot.
01:31.2
Sakay ng kanilang karwahe.
01:34.2
Pagkatapos nakita nila ang isang magsasaka.
01:38.2
Mukha itong pagod at naglalakad mag-isa.
01:40.7
Pinahinto ng hari ang karwahe at kinausap ang magsasaka.
01:46.7
Masaya ka ba sa iyong pamumuhay sa ilalim ng aking pamumuno?
01:50.7
Siguro po, marahil ay ganun na nga ho.
01:53.2
Ako'y isa lamang magsasaka na nabubuhay sa pagtitinda ng mga butil ng mga bigas.
02:00.7
Magkano ang kinikita mo sa isang araw at magkano ang iyong inaitatabi?
02:05.7
Kamahalan, apat na daan lamang sa isang araw.
02:09.7
Nabubuhay ka na nito? Ito'y napakababa. Kawawa ka naman.
02:15.2
Kumusta ang buhay mo sa ganyang kaliit na kita?
02:19.2
Isa para sa akin. Isa sa pasasalamat.
02:23.2
Isa sa pagbahagi. Isa sa pag-iipon.
02:26.7
Anong klaseng bugtong ito, magsasaka? Hindi ko ito maintindihan. Maaari mo bang ipaliwanag?
02:34.7
Isang parte ng aking kita ay para sa sarili at isa para sa asawa ko.
02:40.2
Siya ang namamahala sa aming tahanan. Isa para sa pagbabahagi.
02:45.2
Ibinibigay ko sa aking mga magulang. Sila ang nagpalaki sa akin upang makapagtrabaho ako.
02:53.2
At isa ay para sa mga anak ko. Sila ang magiging suporta ko balang araw.
02:58.2
Ganun ho ang aking ginagawa, mahal na hari.
03:01.2
Hinahati-hati ko po ito para sa aking mga mahal sa buhay.
03:07.2
Bravo! Napakahusay na sagot.
03:10.2
Dakila ka. Bibigyan kita ng sampung sentimo ng ginto.
03:14.2
Ngunit sa isang kondisyon ay isisikreto mo lamang ang sagot kahit makita mo ako ng isang daang beses.
03:21.2
Sige po, kamahalan.
03:23.2
Susundin ko ang iyong utos. Itatagaw ko ang sagot na ito. Hanggang sa makita ko po kayong muli.
03:30.2
Gabi na nang makabalik ang reyna at ang hari sa kanilang palasyo.
03:35.2
Ngunit hanggang ngayon ay iniisip pa rin ni Haring Sumer Singh ang sinabi sa kanya ng matanda.
03:42.2
Kilala ko ang sarili ko sa pagiging matalino. Ngunit hindi ko masagot ang bugtong ng isang magsasaka.
03:51.7
nagsabi ni Sumer Singh ang bugtong sa kanyang tauhan.
03:54.7
Lahat sila ay nagtaka at walang maisip na maisagot sa mahal na hari, nagsabi si Sumer Singh.
04:02.7
Ang palaisipan ang ginawa ng isang magsasaka, kayo ay mga tauhan at higit na mas matalino kaysa sa magsasaka.
04:09.7
Ngayon sabihin niyo sakin kung anong ibig sabihin ng bugtong na ito.
04:13.7
Ni isa sa kanila ay walang makasagot. Ngunit isang ministro ang nangahas na magsalita.
04:19.2
Kamahalan, bigyan mo ko ng 24 oras. Ay hahanapin ko ang tamang kasagutan.
04:26.2
Sige, bibigyan kita ng oras hanggang bukas.
04:31.2
Kapag nasagot mo ang palaisipan ay bibigyan kita ng malaking pabuya. Kaya sige, humayo ka.
04:38.2
Sinabi ng hari na nakuha niya ang palaisipan sa isang magsasaka.
04:45.7
Kaya ang misyon ko ay hanapin ang magsasaka na iyon sa kahariyan. Pag nahanap ko siya, tapos ang trabaho ko. Ganun lamang kadali.
04:55.7
Mabilis na hinanap ng ministro ang magsasaka. Maigin niyang hinanap ito ngunit hindi niya matagpuan ang magsasakang ito.
05:03.7
At nagpatuloy lamang siya sa paghahanap dito. Hanggang sa gabing iyon, sa wakas ay nahanap niya rin ang magsasaka.
05:11.7
Nilapitan niya ito habang siya ay naglalakad papunta dito.
05:15.7
Agad niya itong nilapitan at sabay na tinanong ng mga katagang.
05:19.7
Maaari ba akong magtanong sa iyo? Ikaw ba ang magsasaka na nakausap ng aming mahal na hari at reyna kahapon?
05:26.7
Tama po. Ako nga ngunit. Bakit niyo tinatanong ang mga bagay na ito?
05:32.7
Ako ang ministro ng mahal na hari. Bilisan mo at ibigay mo sa akin ang sagot sa iyong palaisipan. Kailangan kong malaman ang sagot mo dito.
05:41.7
Ah, ah, hindi maaari.
05:44.2
Kailangan kong sundin ang utos ng hari.
05:47.2
Nangakaw ako sa kanya na hindi ko ito ipagsasabi. Kung sasabihin ko ito, ay para na rin akong hindi tumupad sa aking pangako.
05:55.2
Noong una ay ayaw ng magsasaka. Pagkatapos ay inalok siya ng isang daang ginto. Pumayag ang magsasaka at ibinigay ang sagot.
06:04.2
Bumalik ang ministro kinabukasan sa kaharian at kinaumagahan, sinabi nito ang kasagutan.
06:11.2
Alam ng hari na binigo ng magsasaka ang pangako nito.
06:14.7
Pinatawag niya ang magsasaka sa palasyo at tinanong kung bakit niya nagawa ito.
06:19.2
Pinaharap niya ang magsasaka sa kanyang harapan upang ito ay tanungin.
06:25.2
Naaalala mo pa ba ang pinag-usapan natin?
06:29.2
Huwag sasabihin kahit kanino ang kasagutan hanggat hindi mo ako nakikita ng daang beses. Nakalimutan mo na ba?
06:39.2
Hindi, hindi po. Tinupad ko ang pangako ko, kamahalan.
06:42.7
Maniwala po kayo.
06:44.7
Sinungaling! Saan mo ako nakita ng daang beses?
06:49.7
Binigyan ako ng ministro ng isang daang ginto kapalit ng sagot sa bugtong. Pagkatapos kung makakita ng isang daang beses ang iyong mukha sa ginto, ay saka ko sinabi ang sagot. Ganon po ang aking ginawa, kamahalan.
07:04.7
Namangha ang hari sa ginawa at pamamaraan ng magsasaka. Ginawa niya itong miyembro ng advisory board.
07:12.7
Ito ay pruweba lamang na ang ating utak, kapag ginamit ng maayos, ay kayang gawing anumang bagay.
07:19.7
Nang magkaroon ng pagkakataon ng magsasaka na makausap ang hari, ay ginamit niya ito upang mag-iwan ng impresyon.
07:27.7
Ginamit niya ang pagkakataon na nagtiwala siya sa sarili. Sa pagiging magsasaka niya, ay naging advisory siya ng hari sa kanyang katalinuhan, at namuhay ng marangya ang kanyang pamilya.
07:40.2
Magmula ng araw na iyon, ay palagi na siyang naglilingkod sa hari, at pinatira siya ng hari sa kanyang palasyo.
07:48.2
At dahil sa kanyang katalinuhan, ay natuwa sa kanya ang hari, at binigyan siya ng magandang buhay, pati na rin ang kanyang pamilya, kaya ngayon ay maginhawa na ang kanyang buhay, at siya ay namuhay ng masaya kasama ang kanyang pamilya.
08:10.2
And don't forget to comment!