Close
 


Malabo ang Mata. Tips Para Malinaw ang Mata. - Payo ni Doc Liza Ramoso-Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Malabo ang Mata. Tips Para Malinaw ang Mata. Payo ni Doc Liza Ramoso-Ong Panoorin ang Video: https://youtu.be/9csLJ4EPzkw
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 14:49
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Topic natin, malabo na ba ang mata mo o kailangan mo na bang magsalamin o kaya ng anak mo?
00:10.2
Ginawa ko po itong video na to kasi minsan hindi natin alam, malabo na pala yung mata natin.
00:16.2
Pero sa mga nanay, ito po ang pakiusap ko. Ipa-check up nyo po ang mata ng inyong mga anak kasi baka malabo na ang mata nila at nahihirapan na sila sa eskwelahan.
00:30.1
So ang daming mga tao, hindi nila alam, ang labo na pala ng mata nila.
00:36.4
Kala nila okay lang eh kasi pagtingin nila, halimbawa, near-sighted ka, e, nababasa ko naman.
00:45.0
O yun namang mga far-sighted, e, okay naman ako pag tumingin sa malayo, ang linaw-linaw.
00:50.3
So meron pong mga tao na nangangailangan ng salamin.
00:53.9
Alam nyo, sa Amerika, 150 milyon katao ang kailangan magsalamin o nagsasalamin.
01:00.0
Ano ba ang sintomas na malabo na pala ang iyong mata?
01:09.1
Number one, malabo na pala yung paningin mo.
01:14.0
Hindi mo lang alam, parang may cloud o kaya minsan nagdo-doble yung iyong paningin.
01:20.9
Minsan naman yung tinitignan mo, bakit parang walang linya, so walang ending, laging sumasakit ang ulo mo.
01:28.2
Tapos, may mga tao, so ito blurry, ganyan o, yan ang tiyatawag na lumalabo, laging masakit ang ulo.
01:37.2
Yung squinting, ito yung hindi nyo napapansin eh, pero may magsasabi sa inyo, e, bakit ka nakakunot?
01:44.2
So nakakunot yung mata, yung kilay mong gano'n, tapos yung mata mo parang papungay, yun po yung tinatawag natin na squinting.
01:53.2
O minsan, masyado kang nasanay doon sa dati mong salamin.
01:58.2
Hindi mo alam, kailangan mo na palang magpalit.
02:02.2
Tapos, may mga bagay na pag tinignan mo, parang may aura, parang may liwanag na nakapaligid.
02:09.2
Yun po yung tinatawag na halo or aura.
02:12.2
Yung iba naman, mabilis mapagod ang mata kapag nagbabasa o may ginagawa sa computer or doon sa cellphone.
02:20.2
Yung iba, hirap makakita sa gabi. Ingat po kung nagdadrive kayo sa gabi.
02:25.2
At yung iba, yung talagang iba, maraming nagsasabi.
02:28.2
Sabi sa akin, lalo na yung mga seniors, nagdidikit-dikit na daw yung letra nang binabasa nila.
02:33.2
So, hirap pala silang magbasa.
02:35.2
Yan po yung mga senyales na kailangan nyo nang magpasukat ng salamin.
02:42.2
Sa mga anak ninyo, pansinin ninyo mga nanay, please, please lang po.
02:48.2
Kasi minsan tayo mga nanay, hindi natin nakagawian.
02:52.2
Okay, dadali natin sa pedya, pero hindi pala natin dinala sa doktor sa mata.
02:57.2
Kailangan din ho nila yun.
02:59.2
May mga bata, tingnan nyo, bakit parang clumsy? Parang hindi nila mahawakan yung gusto nilang hawakan.
03:07.2
Lagi din nakasquint or nakakunot yung noon nila.
03:11.2
Tapos, mapapansin nyo, bakit mas malapit siya sa computer or sa TV or doon sa cellphone niya, nilalapit niya?
03:19.2
Kung nagbabasa siya, inilalapit din niya sa mukha niya.
03:22.2
Magsasabi din siya, masakit yung mata niya, tsaka masakit yung ulo niya.
03:26.2
Tapos, hindi siya makafocus doon sa binabasa niyang libro or doon sa mga assignment niya.
03:33.2
Sabi niya, napagod agad yung mata niya.
03:38.2
Tapos, hindi makafocus sa pag-aaral.
03:41.2
Tsaka, madalas silang masilaw.
03:44.2
Pero, mapansin ninyo kung yung anak niyo masyadong lumalapit sa screen ng computer.
03:49.2
Or kaya naman, minsan tinatakpan-takpan niya yung mata niyang ganon.
03:54.2
So, okay.
03:55.2
O kaya, kailangan niyang magbasa gamit yung kanyang daliri.
04:00.2
So, baka nagkakaroon na ng tiyatawag na lazy eye yung inyong mga anak.
04:07.2
So, marami pong problema pagdating sa paningin.
04:10.2
Ang tawag po diyan, error of refraction.
04:13.2
Pag sinabing normal vision, ito yung 20-20 vision.
04:17.2
Ibig sabihin, normal o malinaw ang inyong tingin pag 20 feet ang layo.
04:24.2
Kaya, tinawag na 20-20 vision.
04:27.2
Pero, may mga tao, tinatawag na near-sighted.
04:30.2
Malinaw kapag nagbabasa o may malapit na tinitignan.
04:35.2
Pero, pag malayo pala, hindi na nila maaninag.
04:39.2
May tinatawag naman na far-sighted.
04:42.2
Aba, ang linaw dun sa malayo.
04:45.2
Pero, pag nagbabasa na, parang nagdidikit na yung letra.
04:48.2
O medyo malayo na, malabo na.
04:51.2
Meron din tinatawag na astigmatism.
04:53.2
Ito, kahit anong edad nangyayari ito.
04:57.2
So, kailangan na talagang ayusin sa pamamagitan ng salamin.
05:02.2
At, sa ating mga umi-edad, sa ating mga seniors, may tiyatawag na presbyopia.
05:07.2
Ito, nagsisimula edad 38 ha to 42.
05:11.2
Pwede nang lumabo ang inyong mata at kailangan nyo na ng reading glass.
05:17.2
Sino naman ang magsusukat ng salamin sa inyo?
05:21.2
May tinatawag po tayong ophthalmologist.
05:24.2
Ito po ay doktor. So, medical doctor sila.
05:27.2
Sila po ang gumagawa ng mga eye examination.
05:32.2
Pero, ang maganda dito, nalalaman nila kung may sakit ka.
05:35.2
At, katulad ng glaucoma, katarata, o pag natuso kayo sa mata,
05:41.2
o ang anak nyo napuing kayo, o kaya may diabetes kayo,
05:45.2
sa kanila kayo kailangan magpa-check up.
05:48.2
Pati po yung mga high blood.
05:49.2
Kailangan po ipa-check up.
05:50.2
At kailangan po ipa-check up din ang mata nila sa doktor sa mata
05:53.2
na ang tawag ay ophthalmologist.
05:57.2
Meron din yung tinatawag na pediatric ophthalmologist.
06:01.2
Napaka-importante ho nito.
06:03.2
By experience, kailangan ho.
06:05.2
Ito ay doktor sa mata at pangbata lang.
06:09.2
So, mas marunong siya magsabi at makipaglaro sa mga bata.
06:14.2
At the same time, eh, magagamot niya.
06:17.2
Lalo na kung napansin nyo yung anak nyo, medyo nagkukulong.
06:20.2
O cross-eye.
06:21.2
Bakit parang nagdidikit sa gitna?
06:24.2
O sa Tagalog, yung medyo naduduling.
06:27.2
O kaya bakit parang doon sa itim ng mata niya parang pumuputi?
06:32.2
Baka naman may katarata yung bata.
06:34.2
At saka yung mga school children, dapat po pinapa-check up din sa kanila.
06:40.2
Ito ho yung mga nasa mall.
06:43.2
At saka sa mga may mga tindahan ng salamin.
06:47.2
Optometrist.
06:48.2
Yan naman po.
06:49.2
Meron silang degree.
06:52.2
Doktor sa mata.
06:54.2
Four years college degree.
06:57.2
Sila po ang gumagawa ng mga eye test, vision test.
07:00.2
Sila din po yung nagsusukat ang inyong salamin.
07:03.2
Meron din pediatric optometry para din sa mga bata.
07:07.2
Kasi ngayon mga bata, maaga pa, malalabo na ang kanilang mga mata.
07:12.2
Alam nyo, libre lang naman ho sa mall, eh.
07:15.2
Pag may makita kayong tindahan
07:17.2
ng salamin, pumasok ho kayo, magpa-check ho kayo ng inyong mga mata.
07:25.2
Baka kailangan na ho magsalamin.
07:27.2
Actually, kung wala naman ho kayo sa kabisera, sa Maynila o sa siyudad, kahit ho sa mga probinsya,
07:35.2
meron naman ho mga tindahan ng eyeglasses o ng salamin sa mata.
07:40.2
May optometrist po lagi doon.
07:43.2
Kasi,
07:45.2
kailangan ho natin ng optometrist or ophthalmologist sa pagbili ng salamin.
07:52.2
Kasi, magbibigay ho tayo ng mga tips.
07:55.2
Napakaraming klase ng salamin.
07:57.2
Depende sa inyong budget.
07:59.2
At ipapaliwanag nyo ano yung advantage ng mga salamin yung pipiliin doon sa gagamitin nyo.
08:06.2
Kasi ang daming lente.
08:08.2
Yung lens yung pinakasalamin.
08:10.2
Merong single vision.
08:12.2
Meron din itong bifocals.
08:13.2
Yung sa ilalim.
08:14.2
Iba yung grado.
08:15.2
Sa ibabaw.
08:16.2
Meron nga trifocals.
08:17.2
Tatlo pa yung grado.
08:19.2
Meron din naman tinatawag na progressive.
08:21.2
So, hindi nyo na kailangan igalaw-galaw yung inyong salamin.
08:25.2
So, tignan nyo.
08:26.2
Ano ba yung nakakatulong sa inyo?
08:28.2
Tapos yung material.
08:29.2
Merong tinatawag na plastic, polycarbonate, trivex, high index plastic.
08:35.2
So, depende.
08:37.2
Kung yung bata o kayo nag-e-sports palagi.
08:40.2
Tanungin nyo.
08:41.2
Anong klase bang lens ang kailangan ko?
08:43.2
Tapos may coating pa yan.
08:45.2
Sa mga tulad ko, laging naiscratch.
08:48.2
So, merong anti-scratch.
08:50.2
O yung lagi naguguhitan yung salamin.
08:52.2
May anti-reflective.
08:54.2
Meron din sun protective.
08:57.2
Merong color tinted.
08:59.2
Pagbigla kang lumabas, automatic.
09:01.2
Parang nagiging sunglasses.
09:03.2
Hydrophobic.
09:04.2
Doon sa laging mga nasa tubig.
09:07.2
So, ang dami-dami.
09:09.2
Itanong nyo po yan sa inyong optometrist
09:11.2
or sa inyong optometrist.
09:12.2
Meron pa nga mga polarized sunglasses.
09:17.2
Ang eye check-up, napaka-importante.
09:21.2
Pag-adults, ito.
09:23.2
So, simulan po natin.
09:25.2
Actually, adults.
09:27.2
Isang beses pag nag-age 20 kayo.
09:30.2
Dapat at least meron kayong isang check-up sa mata.
09:34.2
At kapag nag-30 na kayo, hanggang 40.
09:37.2
At least doon sa 10 years na iyon,
09:39.2
naka-two times kayo.
09:41.2
Nang pag-check-up.
09:43.2
Pero kapag tumuntog na kayo sa edad 40.
09:48.2
Eh kailangan.
09:49.2
Nagkaroon na kayo nung complete eye exam at 40s.
09:54.2
At kapag 65 years old na kayo,
09:57.2
once or every other year,
10:00.2
kailangan po nakapagpa-check-up na tayo ng ating mata.
10:03.2
Pero alam nyo sa mga bata,
10:05.2
isa sa apat na bata sa eskwelahan,
10:08.2
may problema pala.
10:10.2
Sa kanilang mata.
10:12.2
Hindi alam ng kanilang mga magulang.
10:15.2
Kasi hindi rin naman alam ng bata na hindi na pala normal yung kanilang paningin.
10:20.2
So, please mga nanay.
10:21.2
Kaya ako ginawa yung video na ito.
10:23.2
Baka hindi nyo lang napapansin.
10:25.2
Akala nyo, alam nyo.
10:27.2
Pero hindi po.
10:28.2
Yung pedya.
10:29.2
Diba nag-pedya visit tayo?
10:31.2
Tanong nyo doon sa pedya nyo.
10:33.2
May problem ba yung mata ng inyong anak?
10:36.2
Pag one month hanggang 30 months old.
10:38.2
So, hanggang dalawang taon at kalahati.
10:41.2
Pero kung meron hong ophthalmologist,
10:45.2
lalo na kung merong pediatric ophthalmologist na malapit sa inyo,
10:48.2
ipatingin nyo ho yung inyong anak.
10:51.2
Tapos, yung pagitan po ng 2 to 5 years,
10:54.2
kasi bago sana siya magsimulang mag-eskwela
10:59.2
o habang nasa eskwela,
11:01.2
e naipatingin nyo rin ho yung kanyang mata.
11:04.2
So, bawa sa edad 3,
11:06.2
sa edad 5,
11:07.2
yan na ipatingin natin.
11:09.2
Tapos, magiging 8 year old, 10 year old, 12 years old,
11:13.2
at 15 years old afterwards.
11:15.2
At least sana meron silang check-up sa kanilang mata.
11:18.2
Huwag ho nating iasa doon sa school physician.
11:21.2
Although, meron pong mga eskwelahan,
11:24.2
chine-check talaga kung nakakakita ba yung bata.
11:27.2
Kasi pag medyo malabo, ilalagay nila sa harapan.
11:30.2
So, mapapansin ng teacher bakit itong batang to
11:32.2
laging gusto nasa harapan ng blackboard.
11:35.2
So, yun pala.
11:36.2
Hirap na.
11:37.2
Tsaka, bakit hindi matutututo yung kanilang anak?
11:41.2
Yun.
11:42.2
Mabalik ko tayo.
11:44.2
Bakit sa mga adults naman,
11:46.2
kaya pong maganda may check-up din.
11:48.2
Kasi may mga sakit na pwedeng maagapan.
11:52.2
Yung mga age-related macular degeneration.
11:55.2
Ito po sa pag-edad.
11:56.2
Baka may glaucoma, katarata.
11:58.2
O kung may diabetes,
12:00.2
lalo nang kailangan magpa-check-up ng mata.
12:02.2
Tsaka, pag may high blood.
12:03.2
Kasi merong mga tinatawag na diabetes.
12:05.2
Diabetic retinopathy.
12:08.2
Tapos yun nga, makikita yung mga
12:10.2
anong klaseng salamin ang kailangan.
12:13.2
Kasi nga, kanina na napag-usapan natin,
12:15.2
may astigmatism,
12:17.2
nearsighted,
12:18.2
o farsighted.
12:20.2
Tapos marami rin problema sa retina.
12:23.2
Nagagamot yun.
12:26.2
So, ay exam sa children.
12:29.2
6 months, 3 years, 5 to 6.
12:33.2
Huwag nating iasa sa school.
12:35.2
Dapat tayong mga magulang
12:37.2
ang nagdala sa ating mga anak.
12:39.2
Bakit?
12:40.2
Diba?
12:41.2
Ang pag-aaral ng anak,
12:42.2
80% yung nakikita niya visual.
12:45.2
E paano kung malabo ang mata ng inyong anak?
12:49.2
Paano siya matututo?
12:51.2
At nakita nila sa pag-aaral,
12:52.2
61% ng mga magulang
12:56.2
akala nila normal yung paningin ng anak nila.
12:59.2
Tapos magugulat na lang sila.
13:01.2
May problema pala sa mga anak nila.
13:02.2
May problema pala sa mata ng kanilang mga anak.
13:06.2
So, yun po.
13:08.2
Eh, itatanong nyo na rin sa akin.
13:10.2
Ano ba yung mga pagkain maganda para sa mata ninyo?
13:14.2
Kasi may mga age-related macular degeneration
13:17.2
sa ating mga seniors.
13:18.2
At habang bata pa,
13:19.2
pakainin na natin.
13:21.2
Siyempre, gusto natin ito po.
13:23.2
Yung may mga ganitong mga nutrition.
13:27.2
Lutein, zeaxanthin.
13:29.2
Siyempre, yung vitamin A, C, at E.
13:31.2
Kasi mga anti-oxidants yan.
13:33.2
Bukod sa zinc.
13:34.2
Tsaka yung may omega-3 fatty acid.
13:36.2
Importante ho yan.
13:38.2
Ano ba yung mga pagkain na yan?
13:40.2
Isda. Mayaman yan sa omega-3 fatty acid.
13:43.2
Tulad ng mga galunggong, sardinas, dili, sasa-hasa, alumahan.
13:47.2
Ganon.
13:48.2
Yung mga nuts and legumes sa atin.
13:51.2
Mani.
13:52.2
Meron tayong mani.
13:53.2
Tapos buto ng kalabasa.
13:57.2
Pwede ho nating ipakain yan.
13:59.2
Munggo.
14:00.2
Kailangan din yung mga nuts and legumes.
14:02.2
Kasi may vitamin E yun.
14:04.2
Tsaka may omega-3 fatty acid.
14:06.2
Citrus fruits. Bakit kailangan?
14:08.2
Kasi may vitamin C, anti-oxidants.
14:11.2
Kalamansi, dalandan, suha.
14:13.2
Berdeng dahon ng gulay.
14:15.2
Kailangan din natin yan.
14:17.2
At siyempre, yung ating mga KKK.
14:19.2
Carrots, kamote, kalabasa.
14:22.2
Maraming vitamin A, beta-carotene.
14:25.2
Bukod pa dun sa itlog.
14:27.2
Napakaganda po ng itlog.
14:28.2
May lutein.
14:29.2
May zeaxanthin.
14:30.2
May vitamin C, E, at zinc.
14:33.2
At siyempre, kailangan.
14:34.2
Lagi hong may tubig.
14:36.2
Kasi para iwas sa dry eyes.
14:38.2
Sana po mga nanay,
14:40.2
dalin po ang anak natin sa doktor sa mata.
14:44.2
Pati ho yung mga magulang natin.
14:46.2
Salamat po.