Close
 


Pinaka Malalaking Pagkakamali Sa Kasaysayan
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #mistakes #facts
Moobly TV
  Mute  
Run time: 10:25
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.6
PINAKAMALALAKING PAGKAKAMALI SA KASAYSAYAN
00:03.1
Normal lang ang magkamali, lahat tayo ay nakakagawan yan.
00:07.4
Subalit mag-iiba ang pakiramdam mo kung ikaw ang nasa katayuan ng mga taong nagkamali sa video nito.
00:13.9
Pag-usapan natin.
00:15.5
Fantasy Book
00:16.4
Sa pagitan ng 1996 hanggang early 1997, isang babae nagpunta sa iba't ibang publishing companies para sa manuscript ng kanyang bagong gawang kwento.
00:25.2
Lahat ng nilapitan niya ay tumanggi hanggang noong June 1997, tinanggap ito ng Bloomsbury nang magustuhan ng anak ng chairman ang sulat ng babae.
00:35.6
Ang babaeng tinutukoy ko ay si J.K. Rowling, ang author ng napakasikat na libro at ginawang pelikula na Harry Potter.
00:43.7
Ayon sa reports, pagkatapos ng mahigit sa dalawang dekada, umabot na sa $1 billion ang kinita ng Bloomsbury mula sa Harry Potter books.
00:52.3
Ano sa tingin nyo ang pakiramdam ng mga publishing companies?
00:55.2
Ano sa tingin nyo ang pakiramdam ng mga publishing companies na tumanggi kay J.K. Rowling?
00:58.2
Google
00:58.6
Noong 1998, nakadevelop ng isang search engine ang magkaibigang computer scientists na sina Larry Page at Sergey Brin habang nag-aaral sila sa Stanford University.
01:10.5
Tinawag nila itong Google.
01:12.4
Pamilyar ba?
01:13.4
Pagkatapos ng isang taon, lumapit sila sa CEO ng Exite.com, isang kilalang search engine sa mga panahon iyon upang ibenta ito sa halagang $1 million.
01:23.8
Binabaan pa nila ang presyo sa $750,000 upang mainganyo ang CEO na si George Bell.
01:32.0
Pero tumanggi pa rin ito.
01:33.7
Doon nagkamali si Bell.
01:35.4
Dahil sa ngayon, pagkatapos ng mahigit sa dalawang dekada, nasa $1.7 trillion na ang market cap ng Google.
01:44.5
Facebook
01:44.9
Hindi lang ang Exite.com ang nagkamali sa video nito.
01:48.8
Pati na rin ang mahal natin na Facebook.
01:50.6
Dahil noong 2007 at 2009,
01:54.1
nag-apply bilang programmer si na Brian Acton at Jan Combs sa Facebook.
01:58.8
Pero hindi sila tinanggap.
02:00.6
Imbis na magmukmuk,
02:02.1
nagtulungan ng dalawa upang gumawa ng application na pwedeng gamitin para sa online messaging at iba pa.
02:08.3
Ang imbensyon na ito ay ang kilala natin ngayon na WhatsApp.
02:12.5
Matapos ang ilang taon, binili ng Facebook ang WhatsApp sa halagang $19 billion.
02:17.6
Siyempre, sobrang yaman pa rin ng Facebook.
02:20.1
Pero kung tinanggap lang sana nila si na Acton at Combs,
02:23.1
baka di na nila kailangan gumastos ng ganoon kalaking halaga.
02:28.4
Ang sugatang sundalo
02:29.5
Si Henry Tanday ay isa sa mga pinakadecorated na British soldier noong First World War.
02:35.3
Noong 1914, habang lumalaban sa gera, nakakita si Tanday ng isang kalabang sundalo sa isang ditch.
02:41.9
Nakita niya na may sugatang sundalo at napagtanto niya mula sa uniform na Lance Corporal ito.
02:47.9
Imbis na barilin, hinayaan na lang niya ang kalabang sundalo at umalis na siya.
02:52.5
Ang sundalong hinayaan ni Tanday ay walang iba kundi si Adolf Hitler.
02:57.7
May ilan na nagdududa kung totoo nga ba ang kwento ni Tanday dahil wala namang malakas na ebidensya para dito.
03:03.9
Gayunpaman, isipin mo na lang kung si Hitler talaga yun at binaril siya ni Tanday.
03:08.8
Ang dami sa nang buhay na masasalba.
03:12.1
Ang naligaw na hunter
03:13.2
Noong 2003, isang hunter ang naligaw sa gubat sa San Diego.
03:17.7
Hindi na niya alam ang daanan palabas kaya upang may makahanap sa kanya,
03:21.8
nagpaapoy siya ng signal flare.
03:24.5
Sa kasamaang palad, kumalat ang apoy sa buong gubat at ginawa niya ang rason ng pinakamalaking fire sa kasaysayan ng California sa panahong iyon.
03:34.3
Nalampasan ito noong 2017 at 2021.
03:37.6
Gayunpaman, ayon sa reports na sa 300,000 acres at 2,322 ang nasunog mula sa ginawa ng naligaw na hunter.
03:46.4
May labing apat ding tao na namatay.
03:49.2
Tinatayang nasa 1.2 billion dollars.
03:51.8
Ang value nang nawala.
03:54.1
Piper Bravo Oil Rig
03:55.7
Noong July 1988, nagsagawa ng routine check ang inspectors ng Piper Bravo Oil Rig.
04:01.8
Upang masiguro ang kaligtasan ng mga workers sa rig, kinuha nila ang lumang safety valve sa rig at pinalitan nito ng mga bago.
04:09.3
Subalit, nagkaroon sila ng napakalaking pagkakamali.
04:13.3
Isang safety valve ang tinanggal nila pero nakalimutan nilang palitan nito ng bago.
04:18.1
Walang kaalam-alam ang mga workers sa valve.
04:20.7
Kaya noong inistart nila ito, agad na lumabas ang gas.
04:24.2
Di nagtagal, ay sumabog at pinatay ang 167 mula sa 226 na workers ng rig.
04:31.4
Maliban dito, gumastos din ng 3.4 billion dollars ang kumpanya upang ayusin ang rig.
04:38.8
Mali sa orbiter
04:40.8
Noong 1999, gumamit ng isang Mars orbiter ang NASA upang magpadala ng navigation coordinates mula sa isang spacecraft team sa Denver,
04:50.1
papunta sa isang lab sa California.
04:52.1
Ang problema dito, magkaibang system of measurements ang ginamit ng mga engineers.
04:57.1
Gumamit ng English System of Measurement ang Lockheed Martin engineers, habang ang iba naman ay gumamit ng metric system.
05:05.1
Dahil dito, hindi naging tagumpay ang pag-transfer ng navigation coordinates, higit sa lahat.
05:11.1
Dahil sa pagkakamaling ito, hindi nag-function ng maayos ang orbiter at di nagtagal ay nawala ito sa kalawakan.
05:18.1
Sa madaling salita,
05:20.1
parang tinapon lang ng NASA ang 125 million dollars na ginastos nila para dito.
05:26.1
Ang Maling Banda
05:28.1
Noong 1962, dalawang banda ang nag-audition para sa record label na DECA.
05:33.1
Isa sa mga banda ay ang grupo na Brian Poole and the Tremeloes.
05:37.1
Bumilib ang record label sa grupo ni Brian Poole at sila ang napiling isign ng DECA.
05:43.1
Ang isang banda naman ay hindi nila kinuha at pinauwi na lang nila.
05:47.1
Ang bandang iyon ay mula sa Liverpool.
05:49.1
Apat ang miyembro nila at tinawag nila ang kanilang grupo na The Beatles.
05:54.1
Familiar ba? Ano na DECA recording label?
05:57.1
Binoculars Sana
05:59.1
Marami sa atin ang nakarinig na ng kwento ng Titanic.
06:02.1
Ito ang passenger liner na binansagang The Unsinkable Ship.
06:06.1
Subalit, noong 1912, nang isagawa nito ang maiden voyage mula sa England papuntang US,
06:13.1
nakabanga ito ng iceberg na siyang nakasira sa kanang banda ng barko at naging dahilan ng paglubog nito.
06:19.1
Pero alam niyo ba na posible pa sana itong maagapan?
06:22.1
May ilang mga kwento na sa araw na iyon, kakababa lang mula sa barko ni Second Officer David Blair.
06:29.1
Bago siya bumaba, nagkalimutan niyang ibigay ang kanyang binoculars sa papalit sa kanya.
06:34.1
Kung naibigay lang niya ito, nagamit sana ng crew ang binoculars upang makita ang nakaharang na iceberg.
06:41.1
Typographical Error
06:43.1
Normal lang ang magkamali sa pagtype. Lahat tayo ay nakaranas na niyan.
06:47.1
Pero noong December 2005, napakalaking financial damage ang nangyari dahil sa isang typo.
06:54.1
Ginusto ng Mizuho Securities Company na magbenta ng isang share sa halagang 610,000 yen.
07:01.1
Pero nagkamali ng pagtype ang kanilang stockbroker dahil imbis na ganyan ay nagbenta siya ng 610 shares sa halagang 1 yen.
07:11.1
Kahit na may kakaiba sa transaction, prinoses ito ng stock exchange at ibinenta sa publiko.
07:17.1
Nang napagtanto ng Mizuho ang nangyari, agad nilang binili ang kanilang stocks pero huli na ang lahat. May ilan nang nakabili.
07:24.1
Sa kabuuan, umabot sa 225 million dollars ang nawala sa kanila dahil sa isang mali sa isang typographical error.
07:32.1
Kaya sa susunod, kapag may tinatype ka, i-review mo ito ng maigi. Matuto ka sa nangyari sa Mizuho.
07:39.1
Isang letra lang. Katulad na nangyari sa Mizuho, typographical error din ang nagdala ng problema sa British government.
07:47.1
Pero sa pagkakataong ito, isang letra lang ang tumalo sa kanila.
07:51.1
Nagkamali sa pagtype ang isang empleyado nang lagyan niya ng letter S ang kumpanyang Taylor & Son na nag-file ng bankruptcy.
07:59.1
Ang narecord niya ay ang kumpanya na Taylor & Sons, isang 124-year-old engineering company na may 250 employees.
08:08.1
Dahil sa typo, na-cancel lahat ng orders ng kumpanya. Nawala ang mga contacts at tumatras ang mga suppliers.
08:15.1
At dahil napilitan silang ma-dissolve, nawalan ng trabaho ang 250 nila na empleyado.
08:20.1
Agad na nag-file ng kaso ang kumpanya sa Companies House para sa kamalian at inatasan ng korte ang Companies House na magbayad ng 8.8 million British pounds sa Taylor & Sons.
08:32.1
Sino sa tingin mo ang natalo dito?
08:35.1
Manipis na daanan. Ang Suez Canal ay isang waterway shortcut para sa mga barkong mula sa Europe papunta sa South Asia.
08:44.1
Kung wala ito, kailangan pang umikot ng mga barko sa coast ng South Africa at magdadagdag ng 4,350 miles sa kanilang biyahe.
08:54.1
Isa lang ang problema sa Suez Canal. Makiti dito at ang tubig ay hindi ganoon kalalim. May kapal lang itong mas mababa pa sa 700 feet at may lalim na 80 feet ang tubig.
09:07.1
Ito ang naging problema nang dumaan ang Ever Given Ship sa canal sa kalagitnaan ng masamang panahon.
09:14.1
Alam ng kapitan ang sitwasyon pero itinuloy niya pa rin ang pagdaan dahil kumpiyansa siya. Dahil sa high winds, nawalan ng kontrol ang crew sa napakalaking bangka at natrap ito sa makitid na Suez Canal.
09:27.1
Agad na nagtawag ng isang dosenang tugboats ang grupo upang hilahin ang bangka at mga excavation equipment. Gayunpaman, tumagal ng 6 na araw at 7 oras ang pagalis nila sa Ever Given Ship.
09:40.1
Napakaraming large ships ang natrap din sa Suez Canal.
09:43.1
Dahil hindi sila makadaan. Ayon sa datos, sa bawat oras na natatrap ang malalaking barko, $400 million ang nawawala sa kanila dahil hindi nila madeliver ang goods na dala nila.
09:56.1
Pagkatapos ng nangyari, pinagbahayad din ang may-ari ng Ever Given ng damages sa halagang $900 million. Sa kabuuan, ang Ever Given at ang mga natrap na ships sa canal ay nagkaroon ng net losses na $32.4 billion.
10:12.1
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan, huwag kalimutan magsubscribe sa Bubli Youtube Channel at pindutin ang notification bell.