Close
 


ANG IKATLO
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
oSOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 11:36
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa pagdilat ng kanyang mata, balot ng yelo at napakasakit na ng katawan niya, ang ikatlo ang nagligtas sa kanya.
00:09.2
Ikukwento ko sa inyo ang nangyari sa taong ito.
00:16.6
Ikaisa ng Abril ng taong 1984, sa pagdilat ng mata ng 28 taong gulang na binata na si James Sevigny,
00:25.3
balot na ng makapal ng yelo ang kanyang katawan.
00:28.8
Sa paglinaw ng kanyang paningin, tila ba kulay pula ang niebe na nakabalot sa kanya.
00:34.6
Isang malalim na hininga ang sinubukan na gawin niya.
00:38.5
Ngunit sa pagbuelo pa lamang niya, tila ba sinibat ang baga niya sa sakit na agad na naramdaman niya.
00:46.4
Sa pagungol niya, naramdaman niya pa na may kakaibang nakakapa ang tila niya.
00:51.5
Ito ay sa loob mismo ng nakasarah na bibig niya.
00:54.9
Matutulis ito at tila ba may mainit-init pa na likido.
00:58.9
Kakaiba ang lasa nito ayon sa kanyang isip.
01:02.0
Baka namuuna ang yelo sa kanyang bibig.
01:04.8
Kaya naman dalian niya ito na dinura.
01:07.4
Nagulantang siya.
01:08.8
Nangipin niya pala ang mismo na nanginunguya niya.
01:12.6
Ang mainit-init na likido ay sariling pulang likido sa katawan niya.
01:17.2
Sa tarantay, sinubukan itong iangat ang kanyang kanang kamay.
01:20.6
Ngunit tila ba ito ay hindi naman makagalaw.
01:23.7
Kaya naman matapos ang kanan, kaliwa naman kanyang sinubukan na pagalawin.
01:29.7
Ngunit sa kakaunti pa lamang na pagangat nito, ay napasigaw siya sa labis na sakit na naramdaman niya.
01:37.2
Di nito napigilang mapahagulgol sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman.
01:42.0
Lumingon ito sa paligid.
01:43.9
Hindi nito alam kung ano ang kanyang gagawin.
01:46.8
Hindi niya alam kung bakit siya ay nasa sitwasyon na iyon.
01:49.5
Wala siyang maalala.
01:51.2
Hindi niya alam kung nasaan na nga ba siya.
01:53.7
Sa pagtingalan nito, nakita niya ang isang mataas na bundok.
01:57.9
Ito ay nababalot ng napakakapal na yelo.
02:00.9
Hindi nito alam kung anong bundok ang kanya nasa harapan.
02:03.9
Ngunit tila ba alam niya na ang bundok na ito ay inakyat na niya.
02:07.9
Itong si James ay nabubuhay para umakyat ng kabundukan.
02:11.4
Nakatira ito sa kanyang sasakyan at naglalakba ito sa iba't ibang bahagi ng Amerika at Canada
02:17.2
para akyati na ang pinaka matataas na bundok sa mga nasabi na bansa.
02:22.0
Habang nakahilata ito sa napakalamig na yelo, dahan-dahan naalala nito kung ano ang nangyari sa kanya.
02:30.0
Biglang bumulusok ang alaala, siya ay nasa isang bundok ng Canada.
02:34.6
Ito ay ang tinatawag nila na ang Canadian Rockies.
02:38.0
Kasama niya pala ang pinaka matalik na kaibigan niya.
02:41.5
Ito ay walang iba kung hindi si Richard Whitmore.
02:44.7
Kasama niya si Richard sa pagtatangkang akyati na ang bundok ng Delta Form.
02:49.5
Ang mismong bundok na kanya mismo.
02:51.6
Kung nasa harapan, natatandaan na niya na habang umaakyat silang dalawa,
02:56.9
isang avalanche ang tumama sa kanila na siya naman naging sanihi ng mabilisan na pagkahulog nila.
03:04.4
Hindi na nito matansya kung gaano kataas na nadali sila,
03:08.0
ngunit kalaunan ay lumabas na ang katumbas ng taas ng kanilang pinagbagsakan ay 140 palapag na tore.
03:16.6
Kung paladaliin mga katinagalog ko,
03:18.8
nahulog sila mula sa taas ng gusali ng Empire State Building hanggang sa pinakailalim.
03:26.3
Sa pagbalik nitong si James sa realidad, agad nitong hinanap ang kanyang kaibigan at kasama na si Richard.
03:32.6
Masakit man na sobra-sobra ang kanyang buong katawan, patuloy ito sa paglinga.
03:38.3
Sa wakas sa kumpul ng yelo na banaag niya ang pinaka matalik na kaibigan niya.
03:43.4
Sa isip-isip niya na sana ay nasa maayos din ito na kalagayan,
03:47.7
magkasama silang magkakataon.
03:48.8
Magtutulungan upang makaalis sa kanilang masaklap na kinalalagyan.
03:53.4
Sinubukan itong tawagin ang pangalan ng kaibigan, ngunit ito ay hindi sumasagot.
03:59.0
Sa kanyang isip na baka wala pa itong malay, kailangan niya na ito ay agad na mapuntahan.
04:04.6
Ngunit nang tangka nitong umupo, tila ba tinamaan ng kidlat ito sa sakit na kanyang naramdaman?
04:11.6
Napahiyaw itong si James ng malakas.
04:14.1
Ngunit dahil sa pagnanais na masaklolohan,
04:17.3
ang tila ba wala pa rin malay na kaibigan na kinuha nito ang kanyang kakaunting lakas na natitira
04:23.8
at ginamit niya upang makaupo siya.
04:27.6
Pagapang niyang tinungo si Richard gamit ang kanyang kaliwang braso,
04:32.2
tinungo niya ang pinaka matalik na kaibigan niya.
04:35.7
Nang sa wakas marating niya itong si Richard, napaluha ito sa kanyang nakita.
04:40.6
Hindi na ito humihinga pa, tila ba nabali ang leeg at likod nito?
04:45.0
Dahil sa halo-halong pighati at sakit na nararamdaman, muli siya ay napabagsak na lang sa yelohan.
04:52.6
Sa isip niya, walang ibang tao pa ang makakakita sa kanila.
04:57.1
Walang nakaalam kung nasaan sila, walang taong dumadaan sa lugar na ito ng ganitong panahon.
05:03.6
Wala nang pag-asa na makaligtas pa siya.
05:06.6
Pareho na lamang sila ng kanyang pinaka matalik na kaibigan na sa kabundukan ay mahihimlay ang walang buhay na katawan.
05:13.9
Tila ba sa isip niya, minsan sa buhay niya ginusto naman niya na ganito ang maging katapusan niya.
05:19.7
Ngunit iba pala talaga pag nasa harap mo na ang iyong katapusan.
05:24.3
Dahan-dahan kasabay ng pagtanggap niya sa masaklap na katapusan na sasapiti na niya,
05:29.9
unti-unti na rin lumalamig ang katawan niya, inaataki na siya ng hypothermia.
05:35.7
Ito ay ang mabilis na pagkaubos ng natural na init ng katawan ng isang tao,
05:39.9
ng akma na pawala na ang kanyang kamalayan.
05:43.9
Isang boses ang kanyang narinig mula sa likuran.
05:47.5
Isang babae pala ang pinanggagalingan ng tinig na kay ganda.
05:51.6
Ayon kay James na nakakakalma ang tinig nito, kaya naman ang sabihin nito na huwag na huwag kang susuko, subukan mo.
05:59.8
Tila ba bumalik ang tapang sa kanyang buong katawan, muling naging determinado ito na mabubuhay pa siya, makakaligtas pa siya.
06:07.5
Sinabi ng babae sa kanya na isuot mo muna ang jaket mo,
06:10.7
kaya naman kahit na sobra-sobra ang kanyang sakit na nararamdaman, pinilit niya na isuot ulit ang jaket niya.
06:17.1
Sumunod na sinabi ng babae sa kanya na uminom ka ng tubig, kahit kakaunti, siya naman ay agad na tumalima.
06:24.8
Muling nilingon nito ang babae, kalmado nitong sinabi sa kanya na alisin mo ang pagkakatali mo sa katawan ng iyong kaibigan.
06:33.0
Gamitin mo ang lubid, sumandal ka sa puno, at subukan mo na itayo ang sarili mo.
06:39.2
Kaya naman gamit ang bali nito na kaliwang braso, kinalag niya ang nagdudugtong natali sa kanilang dalawa.
06:46.7
Buong lakas pinilit niya ang sarili na itayo siya, at hindi ito makapaniwala.
06:52.6
Kung kanina ay halos papanaw na siya, ngayon ay nakatayo na siya.
06:56.8
Sumunod na sinabi ng babaeng kasama niya na kailangan ay gumalaw na siya, bali-baliman ang daliri niya sa paa,
07:03.3
at maging ang tadyang din niya, dahan-dahan nagpumilit na lumakad siya.
07:09.6
Sa loob ng apat na oras, makailang beses na siya ay paulit-ulit na bumagsak.
07:15.5
Ngunit sa tuwing tila ba siya ay bibigay na, ang kasamang babae niya ang nagsasabi na tumayo ka, kaya mo pa.
07:23.1
Sa likuran niya na natili ang babae upang sabihin sa kanya na kayang kaya mo pa.
07:29.4
Matapos ang apat na mahabang oras at labis na sakit at pasakit, sa wakas narating nito ang campsite na iniwan nila na magkaibigan.
07:39.5
Dahan-dahan sinubukan niyang buksan ang kanilang tent.
07:43.0
Alam niya sa loob nito ay mayroong tulugan na tutulong upang siya ay manatili na mainit.
07:48.7
Sa loob noon ay may pagkain din at tubig, kailangan niya ito lalo na sa kalagayan niya ngayon.
07:55.7
Ngunit hindi niya ito mabuksan, nanigas ng maigi ang kanyang mga kamay, nang lalabo na rin ang kanyang mga mata.
08:02.7
Naisip niya na pakiusapan ang kasamang babae niya sa likuran upang siya ay tulungan,
08:07.9
upang ang tent niya ay mabuksan.
08:11.0
Ngunit sa kanyang paglingon, wala pala siya nakasama.
08:14.9
Nag-iisa lamang pala siya simula ng umpisa.
08:18.5
Nang tingnan niya ang bakas ng paa sa malalim na yelo na tinahak niya, iisa lang ang naiwan ng mga bakas.
08:26.0
Ngunit sino ang kumakausap sa kanya? Sino ang nagsasalita sa likuran niya?
08:31.0
Sino ang naguutos na bumangon siya? Labis na kalituhan ang noon ay nararamdaman niya.
08:36.3
Muli sinubukan niyang buksan ang kanilang tent na iniwan, ngunit hindi talaga gumagana pa ang kanyang katawan.
08:44.2
Sa pagkakataong ito, bumagsak na naman siya sa yelo.
08:48.1
Sa isip-isip niya, nakarating nga ako dito, ngunit ito na rin pala ang magiging katapusan ko.
08:54.4
Litong-litosa kung sino ang kumakausap sa kanya, sa sakit na nararamdaman niya, sa kalituhan niya, ilang boses na naman ang narinig niya.
09:03.5
Sa takot na baka kung sino na naman ang kasama niya.
09:06.3
O kung anong boses na naman ang naririnig niya, ay ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata.
09:12.2
Ngunit sa pagkakataong ito, tatlong mga totoong tao ang nakakita sa kanya.
09:18.0
Tatlong mga magkakaibigan na nagkataon nang nag-iiski sa lugar ang nakatagpo sa kanya.
09:24.1
Ang isa sa kanila ay nurse. Tinulungan nito si James na mainitan ang kanyang buong katawan.
09:29.1
At ang isa naman ay mountaineer na siyang agad na umalis upang makahingi agad ng tulong.
09:36.3
Pang dalawang oras, isang helicopter ang dumating upang siya ay masaklulohan.
09:41.4
Sa ospital itong si James ay maayos na nakarecover.
09:44.9
Matapos ang apat na buwan, sa kalamang nito, ikinuwento ang kanyang kakaiba na naranasan.
09:50.8
Ayon kay James na ayaw niya naakalain ng iba na siya ay nawawala na sa kanyang sarili.
09:56.6
Ngunit ayon sa tala mga katinagalugo, hindi lamang ito ang unang pagkakataon na may pangyayari na ganito.
10:03.5
Nang panahon na mangyari ang malaking trahedya sa Amerika,
10:06.4
at bumagsak ang isang malaking building, may mga ilang tao na nakaligtas.
10:10.8
At sinabi nila na isang tao ang nagturo sa kanila ng mga ligtas na pwedeng daanan palabas.
10:18.0
Ngunit nang kanila itong lingunin upang pasalamatan, wala pala sila nakasama.
10:22.8
Kaya naman sa dalas ng ganitong kaganapan, nabigyan na nila ito ng pangalan.
10:28.2
Ito ay ang tinawag nila na ang ikatlo.
10:31.9
Si James ay hindi naniniwala sa Diyos, hindi siya naniniwala sa anghel.
10:36.3
Kaya naman, ayon sa kanya, na nang panahon na yun, isang nila lang ang nagsalba sa kanya.
10:43.3
Hindi niya alam kung sino yun, kung ano yun, ayaw niyang maniwala na Diyos ang naging tagapagsalba niya.
10:49.3
Mga katinagalog ko, ano po ba sa tingin ninyo?
10:52.0
Kaluluwa o anghel ba ang mga sa kanila ay nagpapakita?
10:56.7
Isulat po ang inyong saluobin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
11:03.7
Ang may pinaka-interesanting sagot po ay,
11:06.1
magkakamit pa rin ng 100G cashload.
11:09.4
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.
11:21.1
Thank you for watching!