Close
 


Lugar Sa Finland, Bakit Puno Ng Mga Estatuwang May Ngipin Ng Tao?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa bayan ng Parikkala sa Finland ay matatagpuan ang Veijo Rönkkönen Sculpture Garden, isa sa PINAKANAKAKATAKOT na lugar sa buong mundo. Puno kasi ito ng mga nakakatakot na estatuwa. Karamihan pa sa mga ito ay merong NGIPIN NG TAO. At napakaWEIRD din ng ARTIST na gumawa nito dahil hindi siya nakikisalamuha sa mga tao. Sino ba ang artist na ito? At bakit nga ba gumawa siya ng mga nakakatakot na estatuwa? Alamin sa vidyong ito! Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes suc
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:13
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ito ang bansang Finland, at sa bayan ng parikala na malapit sa border ng Russia ay matatagpuan ang Yeho Ronkonen Sculpture Garden,
00:10.0
ang isa sa pinaka-nakakatakot na lugar sa buong mundo.
00:14.0
Kakaiba ang hardina ito dahil puno ito ng mahigit 450 na mga nakakatakot na estatua.
00:21.6
Karamihan sa mga estatuang ito ay merong tilang ngipin ng tao.
00:26.3
Ayon sa The Sun, ito daw ay talagang totoong ngipin ng tao.
00:31.1
Ang creepy diba?
00:32.5
At ito pa mga kaasa, medyo weird din ang artist na gumawa nito.
00:37.1
Marami nang nag-offer sa kanya na i-display ang kanyang mga estatua sa mga museo.
00:42.3
Magandang opportunity na sana ito para kumita ng pera at makilala ang kanyang gawa.
00:47.8
Ngunit tinanggihan niya itong lahat.
00:50.0
At ang kanyang rason, kailangan pa daw niya kasing humingi muna ng permiso mula sa mga estatua.
00:56.3
Kung papayag ba silang ilipat ng ibang lugar.
00:59.2
Weird diba?
01:00.3
May estatuang parang zombie.
01:02.9
May mga nag-e-execute ng yoga positions.
01:06.4
May madre.
01:07.4
May mga ulong tila na nilisik ang mga mata.
01:10.9
Meron pang parang grim reaper.
01:13.2
Pero alam niyo ba, itinuturing ang parking ito bilang pinaka-importanting obra sa larangan ng contemporary folk arts sa Finland.
01:22.4
Dahil rin sa sobrang out of this world, na-i-feature pa ito.
01:26.0
Sa Ripley's Believe It or Not.
01:28.2
At nanalo pa ng award.
01:30.4
Sino ba ang gumawa ng mga nakakatakot na estatuang ito?
01:34.3
At bakit nga ba niya ito ginawa?
01:39.6
Kilala ang Finland bilang pinakamasayang bansa sa buong mundo.
01:43.9
Ito ay ayon sa World Happiness Report noong 2023.
01:47.9
Kaya naman nakakagulat na dito rin matatagpuan ang isa sa pinaka-nakakatakot na garden sa buong mundo.
01:55.2
Kakaiba ang garden na ito dahil hindi halaman ang pinupuntahan ng mga tao dito,
02:00.5
kundi ang mahigit 450 concrete sculptures na ginawa ng Finnish artist na si Viejo Ronkonen.
02:08.2
Si Viejo ay ipinanganak noong 1944 sa Parikala, Finland.
02:12.9
Nagtrabaho siya bilang factory worker sa loob ng 41 years.
02:17.2
Ganun pa man, mailap sa tao si Viejo.
02:19.9
Wala siyang napabalitang asawa o anak.
02:22.0
Ang tanging inaatupag niya lang ay trabaho-atupag.
02:25.2
Halos hindi din siya lumalabas ng bahay.
02:28.6
Maski ang mga estatua na binigyang buhay niya sa loob ng 50 years ay sa tapat lang din ang bahay niya matatagpuan.
02:36.1
Bukas sa publiko ang garden, pero hindi niya hinaharap ang mga bisita.
02:40.8
Meron lang siyang munting guestbook kung saan pwedeng maglagay ng note ang mga bisita.
02:45.9
Ang parke ay dinudumog ng nasa 25,000 katao kada taon.
02:50.4
Pero alam niyo ba, self-taught lang si Viejo.
02:55.2
Kapag-attend ng kahit anong art class.
02:58.0
At noon ngang 2007 ay ginawaran pa siya ng Finlandia Prize para sa kanyang obra.
03:04.1
Pero kahit na ang award na ito ay hindi nagawang mapalabas ng bahay si Viejo.
03:09.0
Ang kapatid lang niya ang kumuha ng award para sa kanya.
03:12.5
Ilang beses din siyang nayaya na ibida ang gawa sa mga museo at art gallery.
03:17.8
Pero tinanggihan niya itong lahat.
03:19.7
Kailangan daw niya muna kasi ng permiso mula sa mga estatua bago sila ilipat.
03:25.2
Weird diba?
03:26.3
At kapag tinanong siya tungkol sa future ng parke,
03:29.4
ay sinasabi niya na gusto niya itong ilibing sa buhangin gaya na lamang nang ginawa sa Chinese Terracotta Army.
03:36.6
Hindi kasi siya naniniwala na may magkakainteres na imintin ito.
03:41.0
Pero nang mamatay siya noong 2010,
03:43.6
ang garden ay napunta sa pagmamayari ni Reino Ositalo,
03:47.4
isang entrepreneur na siyang nag-isip ng paraan para mamintin ang mga obra.
03:55.2
Bukas at libre ang parke para sa lahat.
03:58.3
Donation lamang ang hinihingi dito para makatulong sa maintenance.
04:02.3
Pagpasok sa garden ay agad nabubungad ang main attraction,
04:06.2
kung saan mayroong nasa 250 na halos nakahubad na mga estatua
04:10.5
ang nagpapakita ng samotsaring yoga poses.
04:14.4
Naggalat sa parke ang mga bata, matatanda, babae at lalaking estatua.
04:20.0
Mayroong may mga suot na mga makukulay na damit at meron din na nakahubad.
04:24.6
Ang iba naman ay may hawak na sibat, naglalaba at iba pa.
04:29.2
Ayon sa mga scholar, ang mga estatua ay nagsisilbing refleksyon sa personalidad ni Viejo.
04:35.3
Marami sa mga estatua ang nakayoga pose dahil isa ito sa mga libangan ni Viejo.
04:40.6
Mahilig rin siyang magbasa, kaya ang kanyang mga estatua ay nagpapakita
04:44.9
ng iba't ibang klase ng kultura, reliyon at ritual.
04:48.9
Ayon din kay Viejo, ang buong parke ay isang monumento
04:52.4
para sa mga alaala ng bata niyang.
04:54.6
Pero ang nagpayunik talaga sa mga estatua ay ang nakakatindig balahibong itsura ng mga ito.
05:01.8
May mga nakakatakot ang ngiti at nanlilisik ang mga mata.
05:06.2
Ilan sa mga estatua ay meron pang nakatagong speaker sa loob para sa sound effects
05:11.6
na nakadagdag sa creepiness ng lugar.
05:14.5
Marami rin sa mga estatua ay merong mga ngipin.
05:17.8
Ayon sa The Sun, ito daw ay totoong ngipin ng tao,
05:20.9
pero hindi naman binanggit kung saan nakuha ang mga ngipin.
05:24.6
Pero may mga nagsasabi din na hindi daw ito totoong ngipin, kundi mga pustiso.
05:30.8
Pinaniwala ang unang ginamit ni Viejo sa kanyang obra ang pustiso ng kanyang yumaong ama noong 1976
05:37.5
at kalaunan ay may mga bisita din daw na voluntaryong nag-donate ng pustiso para sa mga obra.
05:44.3
Totoo man o hindi ang mga ngipin na ito,
05:46.6
hindi maikakailan na nakadagdag ito sa uniqueness ng Viejo Ronconen Sculpture Garden.
05:53.2
Dahilan para mapabilang ito,
05:54.6
sa Most Terrifying Places on Earth.
05:57.8
Kayo mga ka-awesome, mahilig ba kayo sa mga nakakatakot ng story ah?
06:02.0
Pakicomment ng yes or no.
06:04.0
This is your Ate O from our Republic, hanggang sa muli and stay awesome!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.