Close
 


Fish Oil: Ano Epekto sa Katawan Kung Iinom Araw-Araw. - By Doc Willie Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Fish Oil: Ano Epekto sa Katawan Kung Iinom Araw-Araw. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Alamin sa Video: https://youtu.be/ihUfyofkFRA
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 15:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Narinig nyo na ba po ang fish oil supplements?
00:04.2
Diba? Marami gumagamit nito.
00:07.6
Pagdating po sa mga supplements, dalawang supplement yung pinakamaraming pag-aaral na medical studies ang fish oil at probiotics.
00:18.6
Sila yung pinaka pinag-aralan ng mga doctor, scientist.
00:23.1
Kaya lang hindi po ganun kasimple ang sagutan lagi.
00:26.6
Sasabihin mo, Doc, iinom ba ako? Hindi ako iinom.
00:29.9
Makakatulong ba? Yes or no?
00:32.0
Alam nyo, wala talagang yes or no.
00:35.3
Lahat po, ganyang kahirap ang medisina.
00:38.3
Walang yes or no.
00:39.7
Pero papakita ko sa inyo, ano yung pag-aaral, saan may benefit, saan yung risk, titimbangin natin.
00:47.5
At tayo na mag-de-decide, kayo na mag-de-decide kung babagay sa inyo o hindi.
00:53.5
Ganun po talaga ang medisina. Walang 100%.
00:56.6
Kaya kung may maririnig kayo, inomin mo ito, siguradong gagaling ka.
01:01.5
Bihira yung may ganun.
01:04.2
So omega-3 fatty acids, maraming pag-aaral yan.
01:08.4
Hindi lang pagkain ng isda.
01:10.5
Ang problem kasi sa pagkain ng isda, pwede tayo kumain 2 times, 3 times a week.
01:15.4
Pero hanggang 2 times, 3 times a week lang.
01:18.2
Pag inaraw-araw din natin yung isda, hindi rin recommended.
01:21.7
Kasi ang problema nga sa isda natin, meron ng mercury.
01:25.8
Mercury.
01:26.6
Merong mercury content sa dagat.
01:29.8
At pag maraming nakakain natin, hindi rin maganda.
01:32.6
Pero 2 to 3 times, maganda.
01:35.9
Ang fish oil supplement, wala siyang mercury content.
01:41.1
Mainly yung benefit, yung omega-3 fatty acids ang meron dyan.
01:45.1
Isa to sa pinaka-proven na supplement.
01:48.9
Number 1, maganda siya sa puso pati sa utak.
01:53.3
Yung utak natin, ayan ang pinaka-important sa lahat.
01:56.6
Nandyan lahat, taga para huminga, mag-isip, gumalaw.
02:02.3
Kailangan for proper brain function, yung omega-3 fatty acids.
02:09.3
Sa blood pressure, pwede makatulong konti.
02:13.0
Sa triglyceride, sa cholesterol, may tulong konti.
02:16.6
Sa puso, sa blood pressure, pwede makababa konti.
02:21.3
Maganda sa mga muscles sa puso, nakakababa din ng triglyceride.
02:26.6
So, ito po ang may mga pag-aaral to.
02:29.4
Proven talaga siya.
02:31.4
Pampapayat konti, may tulong, may pag-aaral, pinapakita.
02:35.9
Pag umiinom ka ng fish oil supplement, mas madali ka mabusog.
02:40.9
20% more nabubusog ka kaysa sa hindi umiinom ng fish oil supplement.
02:50.2
Mas masaya sa mga depressed, pwede rin to ang isda.
02:54.5
Kasi pampahapi, saging pampahapi.
02:56.6
Nakita nila, yung umiinom ng fish oil supplement, yung mga depressed, a little happier, meron kasi siyang anti-inflammatory component.
03:07.6
Iwas sa pamamaga.
03:11.6
Pwede rin sa skin, tsaka sa buhok.
03:14.6
Pag mababa kasi ang omega-3 fatty acids na meron sa fish oil, mas nagdadry yung skin, mas pungapangit yung buhok.
03:24.6
So, may tulong din siya.
03:25.6
Kung kung.
03:26.6
Kulang ka dito.
03:27.6
Sa mata, hindi sigurado.
03:30.6
Hindi sigurado.
03:31.6
Pero may konting pag-aaral na makakatulong sa age-related macular degeneration.
03:38.6
Baka makatulong.
03:39.6
Hindi sure.
03:41.6
Okay?
03:42.6
Sa buto, meron din konting pag-aaral na yung umiinom ng fish oil, mas okay yung bone density.
03:50.6
Pero ito, maliliit lang na pag-aaral.
03:53.6
So, nakita nyo.
03:54.6
Pinakita ko muna sa inyo yung mga positive.
03:55.6
Kaya lang mamaya, may isang malaking negative.
03:59.6
Ganyan talaga pag-aaral.
04:01.6
Daan-daan yung pag-aaral.
04:03.6
Titimbangin mo ano ba talaga.
04:05.6
Wala talagang 100%.
04:07.6
Kaya tinuturo ko sa inyo.
04:09.6
Pero kaming mga doktor, naniniwala ako, mas maitatama natin.
04:15.6
Mas malaking chance tatama ka kaysa maghuhula-hula lang tayo.
04:19.6
Bibili lang tayo kung ano-ano.
04:21.6
Mamaya, mas side effect lang tayo.
04:23.6
So, itong fish oil, proven siya for high triglyceride.
04:28.6
Proven ito.
04:29.6
Binibigay ito ng cardiologist.
04:31.6
Pero ang dose nila ng fish oil, mataas eh.
04:34.6
Yung pang prescription.
04:35.6
Merong fish oil na prescription drug.
04:38.6
May fish oil na mabibili mo lang sa mga supplement na tindahan.
04:43.6
So, yung binibigay ng mga cardiologist, naka-reseta.
04:47.6
So, high triglyceride, proven ito, effective.
04:50.6
Papakita natin saan effective.
04:52.6
Saan din hindi effective?
04:54.6
So, pag ito problema nyo sa puso, mataas na triglyceride, pwede kang uminom nito.
04:58.6
Yung mga na-angioplasty, mga may bara sa puso talaga.
05:04.6
Nalalagyan ng stent.
05:06.6
Yung parang spring na para hindi magsara yung binuksan nilang ugat sa puso na angioplasty.
05:13.6
Pwede ang fish oil.
05:15.6
Nababawasan yung pagbara ulit.
05:17.6
Kita nyo, ang gaganda ng pag-aaral niya.
05:19.6
Yung mga ibang supplement, walang ganitong studies.
05:22.6
So, pag ito ang sakit nyo, pwede.
05:26.6
Yung mga may cancer na namamayat, sabi nila pag uminom ng fish oil, mas hindi sila namamayat.
05:34.6
May tulong din.
05:36.6
Yung mga umiinom ng isang mga anti-rejection, mga na kidney transplant,
05:42.6
naka-inom ng cyclosporine, may tulong din dagdag ang fish oil.
05:47.6
Ito yung mga pag-aaral na positive sa kanya.
05:50.6
Menstrual cramps, positive din.
05:54.6
Vitamin B12, Vitamin E, fish oil na katulong sa menstrual cramps.
06:02.6
Heart failure, pwede rin.
06:04.6
Hindi ganun kasigurado.
06:06.6
Pero, yung fish oil, may pag-aaral na nababawasan yung risk ng heart failure.
06:12.6
May tulong konti.
06:14.6
Mostly, basta sa puso, may bara, mas panalo kayo dito.
06:20.6
Fish oil.
06:22.6
Sa rheumatoid arthritis, ginagamit nila anti-inflammatory.
06:26.6
Kasi nga, ito isa sa pinaka-studied.
06:29.6
I'm sure kung may kamagana kayo sa abroad, ito papadala sa inyo.
06:33.6
Ito kasi may pag-aaral talaga na nakakatulong sa sakit.
06:38.6
Hindi katulad ng vitamins.
06:39.6
Ang vitamins, halos pwede makatulong, pwede hindi.
06:43.6
Hindi ganun ka-proven.
06:44.6
Vitamin A, B, C, D.
06:46.6
Hindi ganun ka-kasigurado.
06:48.6
Wala pa talagang vitamin na napakita na ito, gagaling ka, lalakas ka.
06:53.6
Walang ganun eh.
06:54.6
Nakikita lang nila, baka may tulong.
06:56.6
Pero, itong fish oil, may mga pag-aaral talaga.
06:59.6
Sa puso, sa pagbabara, sa angioplasty, sa rheumatoid arthritis.
07:04.6
Nababawasan yung sakit.
07:06.6
Yung sakit, yung kerot.
07:08.6
Pero, yung pinaka-disease natin, hindi rin gagaling.
07:13.6
Ibang gamutan.
07:15.6
Hanggang symptoms lang siya.
07:16.6
Dito naman,
07:17.6
dito naman,
07:18.6
tinry nila ang fish oil sa mga sakit na negatibo.
07:23.6
Hindi po pwede. Hindi effective.
07:25.6
Ibig sabihin,
07:26.6
pag ito sakit mo,
07:28.6
wag mo gamitin yung fish oil.
07:30.6
Parang hindi makakatulong.
07:32.6
Kasi magandang nga siya, sinubukan siya sa bacterial infection eh, Dok Liza.
07:37.6
Helicobacter pylori.
07:40.6
Wala daw effect.
07:41.6
Kailangan mo pa rin yung mga usual antibiotics.
07:44.6
Pamatay ng Helicobacter pylori.
07:47.6
Merong isang sakit sa bata.
07:49.6
Bronchopulmonary dysplasia.
07:51.6
Newborn, tinry din nila.
07:53.6
Hindi rin effective.
07:54.6
Negative result.
07:56.6
Multiple sclerosis.
07:58.6
Isang sakit sa utak.
08:00.6
Nang malala.
08:01.6
Sinubukan nila.
08:02.6
Negative din.
08:03.6
Diba?
08:05.6
Ito.
08:06.6
Sa depression,
08:08.6
may tulong yung fish oil.
08:10.6
Pero sa bipolar,
08:12.6
bipolar is manic depressive.
08:14.6
May depressed, may manic.
08:16.6
Kung meron kayong kamagahan ng bipolar.
08:18.6
Misan, hyper.
08:19.6
Misan, hypo.
08:21.6
Walang tulong.
08:23.6
At sabi nga nila, nakakalala pa.
08:26.6
Kung bipolar.
08:28.6
Para sa akin, medyo bawal ang fish oil.
08:31.6
Kasi nakakalala nung pagkamanig.
08:35.6
Pag depressed, pwede.
08:37.6
Eksema.
08:40.6
Medyo may tulong.
08:42.6
Medyo may tulong.
08:44.6
Hindi talaga gagaling eksema.
08:46.6
Pero nung binigay nila sa mga bata na may eksema,
08:49.6
parang a little less eksema.
08:52.6
Kunti lang.
08:54.6
Pero hindi talaga makakagaling.
08:56.6
Baka dagdag tulong lang.
08:58.6
Sa diabetes, negative.
09:01.6
Not effective.
09:02.6
Yung pagpababa ng blood sugar,
09:04.6
sinubukan nila.
09:05.6
Hindi daw nakakatulong.
09:07.6
May gamot naman kayo sa diabetes.
09:09.6
Pero pagpababa ng triglyceride at cholesterol, pwede.
09:14.6
Diba?
09:15.6
Pati yung abnormal heartbeat, may tulong din siya.
09:17.6
Medyo may tulong ang fish oil.
09:19.6
Pero yung diabetes mismo, blood sugar, hindi siya nakakatulong.
09:23.6
Ito ang problema na natin.
09:25.6
Okay?
09:26.6
Diba? Maganda.
09:27.6
Napakita ko, positive, negative.
09:29.6
Ito ang problema natin, side effect.
09:31.6
Lahat ng bagay may side effect.
09:33.6
Lahat ng gamot, kahit yung kailangan kain natin,
09:35.6
pwede rin magka-side effect.
09:37.6
Kumain ka ng seafood, pwede ka mag-allergy. Diba?
09:40.6
So,
09:41.6
pag iniinom ang fish oil ng 3 grams,
09:43.6
or less,
09:45.6
tingnan nyo yung dosis.
09:46.6
Yung mga nabibili nyo lang sa mga tindahan,
09:48.6
na hindi reset na 3 grams or less,
09:51.6
safe naman.
09:53.6
Pero yung mas mataas sa 3 grams,
09:56.6
o kung payat ka lang, mataas sa 3 grams,
09:59.6
pwede ka ma-side effect.
10:01.6
Pwede ka magdugo.
10:03.6
Nakakalabnaw siya ng dugo.
10:05.6
Kaya ang maganda sa puso, pinapalabnaw yung dugo.
10:08.6
Pwede magdugo sa ilong, sa tiyan,
10:11.6
pwede sumakit tiyan.
10:12.6
Pwede magtae.
10:14.6
Para mabawasan ng side effect, sinasabay sa pagkain.
10:19.6
Merong ganoon.
10:21.6
Sasabihin ng iba, kain na lang tayo isda.
10:23.6
Pwede naman kumain ng isda, 3 times in a week.
10:26.6
Pero pag sinobrahan mo yung isda din,
10:29.6
lalo na yung malalaking isda,
10:31.6
are contaminated with mercury.
10:34.6
Yun din ang problema natin.
10:37.6
Lalo na yung malalaking isda.
10:39.6
Pero yung maliliit, safe naman.
10:42.6
Ito ang malaking problema natin.
10:44.6
Ito ang malaking problema natin.
10:49.6
May pag-aaral.
10:51.6
Now, ano ba nga yun?
10:53.6
This is 2023.
10:55.6
Hindi natin alam kung...
10:57.6
May isang pag-aaral lumabas na yung fish oil
11:00.6
nakakataas ng prostate cancer.
11:02.6
Isa pa lang naman siya pag-aaral.
11:04.6
Pero medyo maganda yung pag-aaral niya.
11:06.6
Yan ang problema natin.
11:08.6
Nakakataas siya ng aggressive prostate cancer.
11:11.6
By 43%, 71%.
11:15.6
So, lalo na sa lalaki.
11:18.6
Paano gagawin natin? May tulong nga sa puso.
11:21.6
Pero ito naman kasi,
11:23.6
parang hindi pa sure.
11:24.6
Parang hindi nila maintindihan anong basihan.
11:27.6
Anong reason bakit siya makakadagdag ng prostate cancer.
11:30.6
Ay maganda siya.
11:31.6
Dapat anti-inflammatory lahat ng study.
11:33.6
Either positive or neutral.
11:36.6
Pero dito, medyo mapipigilan tayo.
11:39.6
Siguro may ginagawa pa silang mga bagong pag-aaral
11:42.6
na mas malaki sa prostate cancer.
11:45.6
Baka in the future.
11:46.6
Ito, puro baka.
11:47.6
Baka in the future lumabas.
11:49.6
Ah, mali itong unang pag-aaral.
11:51.6
Yung susunod ng pag-aaral, wala naman palang masama.
11:54.6
Possible.
11:55.6
Very possible mangyari yun.
11:57.6
Pero sa ngayon,
11:58.6
dahil may konting risk sa mga lalaki above 50
12:02.6
na takot tayo dito, medyo mag-aalanganin ako.
12:05.6
Ipilit sa inyo.
12:08.6
So timbang talaga yan.
12:10.6
Kung takot tayo sa prostate cancer,
12:12.6
eh huwag na lang uminom.
12:13.6
Kaya kung umiinom kayo,
12:15.6
takot tayo sa prostate,
12:17.6
bawas or iwas.
12:19.6
O baka low dose na lang.
12:21.6
Diba? Depende eh.
12:23.6
Kaya hindi siya basta-basta.
12:25.6
Ang maganda nga dito sa fish oil,
12:27.6
nakita mo na yung pag-aaral eh.
12:29.6
Paano pa yung ibang supplement na walang pag-aaral?
12:31.6
Hula-hula tayo.
12:33.6
Mas delikado yun.
12:34.6
At least alam natin ito.
12:35.6
Pero kung babae ka, pwede.
12:36.6
Hindi naman magkaka-prostate cancer.
12:38.6
Ang babae.
12:39.6
Okay?
12:40.6
Sa buntis, sa breastfeeding,
12:43.6
pwede naman.
12:45.6
Low dose lang.
12:47.6
Normal dose, pwede.
12:49.6
Mas takot pa nga tayo sa malalaking isda eh.
12:51.6
Mga swordfish, king mackerel,
12:53.6
tilefish.
12:54.6
Ito yung mga malalaking isda.
12:56.6
Mga tuna.
12:57.6
Hindi rin pwede marami sa buntis.
12:59.6
Kasi baka may mercury.
13:01.6
High levels of mercury.
13:02.6
Limit consumption of fish sa pregnant,
13:04.6
breastfeeding,
13:06.6
to 3 servings in a week.
13:08.6
Tatlong serving.
13:10.6
Parang isang platito.
13:13.6
Okay?
13:15.6
Bata, okay naman ang fish oil.
13:18.6
Pero mas mababaan daw sa bata.
13:20.6
Kung bibigyan.
13:22.6
Bipolar disorder, bawal.
13:24.6
Okay?
13:25.6
Lalong magiging manic.
13:28.6
Pag mahina immune system,
13:31.6
wag din daw.
13:33.6
Yung may cancer na malala,
13:35.6
may HIV na mahina na,
13:37.6
baka dahumina lalo immune system.
13:40.6
Yung may seafood allergy.
13:42.6
Kung may allergy ka sa seafood,
13:43.6
tignan lang.
13:44.6
Baka mag-allergy ka rin sa fish oil.
13:46.6
Pero kung di ka naman nag-allergy,
13:48.6
okay lang.
13:50.6
Tapos kung mayinom ka ng gamot,
13:52.6
kasi nga eh,
13:53.6
kung may gamot ka para sa high blood,
13:55.6
may chance makababa din siya ng blood pressure konti.
13:58.6
Tignan mo lang.
13:59.6
Baka sumobra-baba.
14:00.6
Pero tingin ko hindi naman eh.
14:02.6
So parang aware ka lang.
14:04.6
Kung may high blood ka,
14:05.6
baka bumaba ang BP mo,
14:07.6
which is good.
14:08.6
Diba?
14:09.6
Tapos kung meron kang iniinom na pampalabnaw na dugo,
14:12.6
aspirin,
14:13.6
warfarin,
14:14.6
iba pang pampalabnaw na dugo,
14:16.6
tignan mo lang.
14:17.6
Baka sumobra-labnaw din
14:19.6
at mag-bleeding ka.
14:21.6
Yun din naman. Diba?
14:23.6
So, konting timpla lang.
14:25.6
Okay?
14:26.6
So, patingin tayo sa doktor nyo.
14:28.6
Pag sa puso, sa cardiologist,
14:30.6
kung mabagay itong fish oil supplement.
14:32.6
Sana nakatulong po.
14:33.6
So, generally,
14:34.6
sa babae,
14:35.6
kumiinom kayo,
14:36.6
okay lang.
14:37.6
Tuloy lang.
14:38.6
Diba? Wala namang masama.
14:39.6
Pero,
14:40.6
dahil nga doon sa issue ng prostate cancer
14:42.6
na hindi pa nare-resolve,
14:44.6
hindi na ako ganun ka-agressive
14:46.6
magbigay sa lahat.
14:48.6
Lalo na kung malalaki,
14:50.6
lumalaki na prostate mo,
14:51.6
may history kayo ng prostate cancer sa pamilya,
14:54.6
kung takot tayo doon,
14:55.6
eh habang hindi pa-resolve doon,
14:57.6
eh for everyone,
14:59.6
baka medyo hesitant ako.
15:02.6
Pero kung talagang
15:03.6
barado yung puso nyo,
15:05.6
gusto ng cardiologist nyo,
15:07.6
pampaluwag ng mga ugat na nagbabara,
15:10.6
pwede nyo inumin.
15:11.6
Kasi doon siya talaga pinakabagay.
15:13.6
Salamat po.
15:14.6
Sana nakatulong itong video ko
15:16.6
na makalinaw konti sa fish oil supplement.
15:19.6
Salamat po.