Close
 


Bakit Napaka Delikado Ng Islang Ito
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #facts #tribe
Moobly TV
  Mute  
Run time: 09:28
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.7
Bakit napakadelikado ng paraiso na ito? Tingnan mo ang islang ito, ang verde ng mga puno sa gubat, ang ganda at pino ng buhangin, at makikita mong malinis ang asul na tubig na nakapaligid dito.
00:14.1
Kung titignan sa malayo, tila isang paraiso ang isla, pero dyan ka nagkakamali. Dahil ang islang ito ay isa sa pinakadelikadong isla sa mundo, at kung pupunta ka dito, malabo ka ng makalabas.
00:28.2
Sa video nito, pag-uusapan natin ang North Sentinel Island.
00:33.0
Ang North Sentinel Island ay isa sa mga isla ng Andaman Islands, isang Indian archipelago sa Bay of Bengal. Matatagpuan ito 22 miles west mula sa nayon ng Wandur sa South Andaman Island at 37 miles north ng South Sentinel Island.
00:49.1
May taas itong 8 kilometers at may lapad na 7 kilometers. Ayon sa datos, ang buong isla ay may laki na 60 square kilometers.
00:58.2
Kung hindi mo pa alam, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbisita sa North Sentinel Island at hindi dahil sa kondisyon sa isla, kundi dahil sa naninirahan dito.
01:08.1
Ang Sentinelese ang tribo ng indigenous people na naninirahan sa North Sentinel Island. Ayon sa isang 2011 census effort, nasa 80 hanggang 150 ang bilang ng mga natives na ito sa isla.
01:21.6
May ilang eksperto na nagsasabi na 60,000 years na silang naninirahan sa isolation mula sa modernong sibilisya.
01:28.2
Sa ilang footage, makikita mo ang mga Sentinelese na may maitim na balat at may suot lamang na mga sarong na gawa sa dahon.
Show More Subtitles »


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.