Close
 


Bakit Napaka Delikado Ng Islang Ito
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #facts #tribe
Moobly TV
  Mute  
Run time: 09:28
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.7
Bakit napakadelikado ng paraiso na ito? Tingnan mo ang islang ito, ang verde ng mga puno sa gubat, ang ganda at pino ng buhangin, at makikita mong malinis ang asul na tubig na nakapaligid dito.
00:14.1
Kung titignan sa malayo, tila isang paraiso ang isla, pero dyan ka nagkakamali. Dahil ang islang ito ay isa sa pinakadelikadong isla sa mundo, at kung pupunta ka dito, malabo ka ng makalabas.
00:28.2
Sa video nito, pag-uusapan natin ang North Sentinel Island.
00:33.0
Ang North Sentinel Island ay isa sa mga isla ng Andaman Islands, isang Indian archipelago sa Bay of Bengal. Matatagpuan ito 22 miles west mula sa nayon ng Wandur sa South Andaman Island at 37 miles north ng South Sentinel Island.
00:49.1
May taas itong 8 kilometers at may lapad na 7 kilometers. Ayon sa datos, ang buong isla ay may laki na 60 square kilometers.
00:58.2
Kung hindi mo pa alam, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbisita sa North Sentinel Island at hindi dahil sa kondisyon sa isla, kundi dahil sa naninirahan dito.
01:08.1
Ang Sentinelese ang tribo ng indigenous people na naninirahan sa North Sentinel Island. Ayon sa isang 2011 census effort, nasa 80 hanggang 150 ang bilang ng mga natives na ito sa isla.
01:21.6
May ilang eksperto na nagsasabi na 60,000 years na silang naninirahan sa isolation mula sa modernong sibilisya.
01:28.2
Sa ilang footage, makikita mo ang mga Sentinelese na may maitim na balat at may suot lamang na mga sarong na gawa sa dahon.
01:37.2
Naninirahan sila sa mga kubong gawa nila at alam nila kung paano gumawa ng mga maliliit na bangka na pwede nilang gamitin para sa dagat.
01:45.8
Karaniwan din silang nakikita na may dalang mga weapons na tulad ng harpoons, flatbows at arrows.
01:51.2
Ginagamit nila ang mga ito upang makahuli ng mga hayop sa isla o mga isda sa kalapit na dagat para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain.
02:00.6
Naninirahan sila sa mga kubong gawa nila at alam nila kung paano gumawa ng mga maliliit na bangka na pwede nilang gamitin para sa dagat.
02:08.2
Sa madaling salita, ang uri ng pamumuhay ng mga Sentinelese ay nasa Stone Age era pa.
02:14.2
Sa katunayan, may ilang eksperto na naniniwala na ang mga taong ito ay direct descendants ng mga unang tao na mula sa Afrika.
02:22.9
Isolated man ang North Sentinel, 31 miles lang ito mula sa isang modernong sibilisasyon,
02:28.6
ang Port Blair, ang capital city ng Andaman, and Nicobar Islands na siyang pagmamayari ng India.
02:35.5
Kaya ang tanong, bakit nga ba walang mga eksperto ang nakaresearch ng maayos tungkol sa tribong ito?
02:41.2
Isa sa mga rason nito ay para na rin sa kaligpang.
02:44.2
Sa mga mga mga Sentinelese, dahil naninirahan silang hiwalay mula sa modern world,
02:49.6
hindi pa nakadevelop ang kanilang katawan ng immunity mula sa ilang mga panibagong sakit.
02:54.8
Kaya naman, kung isang tao ang makakahawa sa kanila, kahit hindi ito nakamamatay para sa atin,
03:01.2
posibleng itong ubusin ang buong tribo.
03:03.5
Gayunpaman, ang pinakamalaking rason kung bakit wala pang nakapanatili ng matagal sa isla
03:08.8
ay dahil ayaw ng Sentinelese na guluhin ng outside world ang kanilang buhay.
03:14.2
Ilang beses na nila itong pinatunayan at hindi sila magdadalawang isip na gumamit ng violence.
03:20.0
Noong 1771, isang Indian merchant ship na tinawag na Nineveh ang nastranded sa isang reef na malapit sa isla.
03:27.8
Bumaba ang mahigit sa isang daang passengers at crew mula sa barko at lumangoy papunta sa isla.
03:33.8
Tatlong araw silang nanatili sa isla hanggang sa bigla na lang silang inatake ng mga sentinelis at pinaulanan sila ng pana ng mga ito.
03:41.7
Sinubukang lumaban ng mga pasahero at crew gamit ang mga sticks at bato hanggang sinailigtas sila ng isang Royal Navy vessel at nakaalis sa isla.
03:51.3
Noong 1896, isang preso ang nakatakas mula sa kulungan sa Port Blair.
03:56.5
Dahil hindi kalayuan ang North Sentinel Island, lumangoy ang preso papunta sa isla upang hindi siya mahanap ng mga otoridad.
04:03.5
Inakalan niyang nakaligtas na siya mula sa mga otoridad pero doon siya nagkamali.
04:07.9
Dahil nang makita siya ng mga sentinelis, agad nilang pinaulanan ito.
04:11.7
Sa mga sumunod na taon, ipinakita pa rin ng sentinelis ang kanilang pagkontra sa mga taong gustong pumasok sa kanilang isla.
04:20.0
Noong 1974, sinubukang puntahan ng National Geographic ang isla pero agad silang umatras nang tinaddad ng mga pana ang kanilang sinakyang vessel.
04:29.9
Kahit ang paglapit lamang sa isla ay hindi tinatanggap ng mga sentinelis.
04:34.5
Noong 1981, nastranded malapit sa isla ang cargo ship na Primrose dahil sa isang bagyo.
04:40.6
Pero dahil sa malalaking alon at masamang kondisyon ng dagat, hindi nila binaba ang kanilang lifeboats papunta sa isla at nanatili na lang sa barko dahil hindi naman ito lulubog.
04:51.6
Gayunpaman, nang makita sila ng mga sentinelis, sinubukan ang tribo na puntahan ng vessel at napigilan lamang sila ng malalaking alon.
04:59.8
Dahil dito, nangamba ang kapte na aatake ang sentinelis kaya nag-assign siya ng mga gwardya sa barko ng 24x7.
05:06.9
Ang dalalang ng mga gwardya ay flare guns at mga handguns.
05:10.6
Papalakol.
05:11.7
Sa kabutihang palad, walang nangyaring labanan at nailigtas din ang crew.
05:16.2
Di nagtagal.
05:17.3
Noong 1991, nangyari ang pinakaunang payapan na encounter sa mga sentinelis.
05:22.7
Isang grupo na pinamumunuan ng anthropologist na si Trilok Nath Pandit ang nagpunta sa Sentinel Island at binigyan nila ng mga nyog ang tribo.
05:32.4
Walang tumutubo na nyog sa isla.
05:34.2
Pero alam nila kung ano ito dahil minsan ay may nyog na dinadala ang alon sa isla.
05:39.5
Dahil dito, hindi naging bayulente ang mga sentinelis at may ilan pa nga nang umingiti.
05:45.1
Friendly man ang naging interaction ni Nath Pandit sa mga sentinelis, hindi pa rin nagbago ang kanilang paglaban sa mga nagbabalak na pumasok sa tribo.
05:53.1
Noong 2006, dalawang Indian fishermen ang pinana ng mga sentinelis nang masyado itong lumabit sa isla.
06:00.1
Pero sa lahat ng encounters ng sentinelis, ang pinakamalungkot ay ang nangyari kay John Chow noong 2018.
06:07.1
Si John Allen Chow ay isang 26-year-old man.
06:08.6
Si John Allen Chow ay isang 26-year-old na Amerikanong missionary na binalak na kumbinsihin ang sentinelis na maging kristyano.
06:15.6
Kaya naman, noong gabi ng November 14, 2018, sakay sa isang malaking fishing boat, sinimulan ni John at ilang fishermen na kristyano ang kanilang pagpunta sa isla.
06:25.6
Pinili nilang magpunta sa gabi upang maiwasan ang Coast Guard vessels na pipigil sa kanila.
06:31.6
Sa sumunod na umaga, nakarating na rin ang grupo sa kanilang destinasyon.
06:35.6
Gayunpaman, dahil alam ng mga fishermen kung kung ano ito dahil nilang magpunta sa isla, pinili nilang magpunta sa gabi upang maiwasan ang Coast Guard vessels na pipigil sa kanila.
06:36.6
Gayunpaman, dahil alam ng mga fishermen kung kung gaano kadelikado ang isla, hindi sila lumapit dito.
06:41.6
Kaya naman napilitang gumamit si John ng maliit na bangka upang makalapit sa isla.
06:46.6
Bago pa niya ito ginawa, hinubad ni John ang kanyang suot hanggang sa naka-underwear na lang siya.
06:51.6
Ginawa niya ito dahil inisip niya na magiging mas komportable ang sentinelis sa kanya kung nakahubad rin siya.
06:57.6
Habang nagpapaddle si John papunta sa isla, lumabas na ang gusto niyang makausap.
07:03.6
Ang mga sentinelis ay may itim na kutis.
07:05.6
May suot na salawal at may pintura sa mukha na kulay dilaw.
07:09.6
Nang makita nila si John, may sinigaw ang mga ito na hindi naintindihan ni John.
07:14.6
Sumagot si John at sinabing,
07:20.6
Siyempre hindi sila nagkaintindihan dahil may ibang lingwahe ang mga sentinelis na walang nakakaalam.
07:26.6
Biglang natapos ang interaction nang pinaulanan na ng pana ng mga sentinelis si John.
07:31.6
Agad na umatras si John at mabilis na nagpaddle papunta sa isla.
07:35.6
Bago pa niya ito ginawa, tinapon na lang niya papunta sa isla ang kanyang dalang regalong isda.
07:42.6
Pero hindi pa sumuko si John.
07:44.6
Matapos lamang ang ilang oras, sinubukan na naman niya magpunta sa isla at kausapin ang mga sentinelis.
07:50.6
Mas nakalapit siya sa pagkakataong ito.
07:53.6
At narinig niya ang sinisigaw sa kanya ng mga natives.
07:56.6
Ginaya ni John ang kanilang sinabi at sinabi rin ito pabalik ng mga sentinelis.
08:01.6
Natawa ang mga sentinelis sa ginawa ni John.
08:04.6
Kaya tila gumaan din ang kanyang pakiramdam.
08:07.6
Pero hindi ito nagtagal.
08:09.6
Habang hawak ni John ang kanyang Bible, agad siyang pinana ng isang batang sentinelis na siyang tumama sa Bible.
08:16.6
Agad na kinuha ni John ang arrow, binalik ito sa bata at bumalik na naman sa fishing boat.
08:22.6
Pero sa pagkakataong ito, kinailangan na niyang lumangoy papunta sa mga fishermen dahil kinuha na ng sentinelis ang kanyang ginamit na bangka.
08:30.6
Kinaumagahan noong November 16,
08:32.6
sinubukan na naman ni John na puntahan ang mga sentinelis at pinaalis na niya ang mga fishermen na naghatid sa kanya doon.
08:39.6
Sa pagkakataong ito, hindi na nakaligtas si John sa mga pana ng sentinelis at din nagtagal ay nakita ng ilang mga fishermen ang kanyang walang buhay na katawan na nilibing sa baybayin.
08:50.6
Delikado man o hindi, sa loob ng libu-libong taon, nakuhang mabuhay ng mga sentinelis sa North Sentinel Island nang walang impluensya mula sa labas.
09:00.6
Wala man silang modernong teknolohiya na kuha nilang makasurvive ng ganito katagal.
09:05.6
Pero ang tanong ngayon, mas mabuti bang hayaan sila sa kanilang kasalukuyang pamumuhay o dapat silang gabayan para sa tinatawag na progreso?