Close
 


ANO ANG KAILANGAN NIYO SA ASAWA KO | Aswang True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ANO ANG KAILANGAN NIYO SA ASAWA KO | Aswang True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 46:14
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWENTO NI ZERO
00:30.0
1987
00:32.1
Tandang-tanda ko pa ng mga panahon ito ay bagong mag-asawa pa lamang kami ni Carmela.
00:41.0
May nabili akong lupa sa may kalayuang baryong tinitira ng mga magulang ko.
00:46.4
Kaya naman habang nagpapatayo pa ako ng bahay sa lupang nabili ko ay pansamantalang sa bahay ng mga magulang ko muna kami na ninirahan ni Carmela.
00:56.8
Pasensya ka na Carmela kung dito na muna tayo kinananay.
01:00.0
Kaya pansamantala lang naman.
01:03.5
Pangako kapag natapos na yung bahay na pinapagawa natin, lilipat din kagad tayo.
01:09.8
Paghingi ko ng paumanhin sa asawa ko.
01:14.0
Bago pa man kami magpakasalay, ipinangako ko sa kanya kasing bubukod kami ng bahay.
01:19.5
Hindi kami makikitira sa bahay ng mga magulang ko o mga magulang niya.
01:24.0
Gawa ng ayaw niyang darating ang panahon magkaroon kami ng problema sa magkabilang panig.
01:30.0
Hindi naman kasi lingid sa ating kapag nakatira tayo sa mga binanay, hindi talaga maiwasang mapuna ang isa't isa.
01:38.4
At may masabi, yun ang ayaw na ayaw mangyari ng asawa ko nun.
01:45.9
Mas maganda umanong may sarili kaming bahay para magagawa niya ang lahat ng nais niyang gawin nang walang nangyay nga alam o nagkagalit.
01:54.7
Nginitian niya ako at sinabihang huwag akong mag-alala dahil naiintindihan niya naman umano.
02:00.8
Habang ginagawa nga ang bahay na ipinapatayo, minsan ay sinasamahan niya ako para naman kahit papano ay malinisan niya umano ang bakuran ng bahay.
02:13.2
Isang tanghali nun, kakatapos lamang maglinis ni Carmela sa bakuran ng bahay na pinapagawa namin, nang matanaw ko siyang may kausap na matandang babae.
02:25.2
Nakita kong magiliw na nakikipag-usap ang asawa ko kaya naman hinayaan ko namin.
02:30.0
Mga ilang minuto lamang ang lumipas ay umalis na ang matanda.
02:36.6
Lumapit naman sa akin si Carmela at inabot ang pako.
02:41.3
Kasalukuyang nagpupukpuk ako sa kawayang ginagawang bakod palibot sa bahay nun.
02:47.9
Alam mo, ang sinabi sa akin ni Manang Cora, dapat raw hindi tayo nagpapaabot ng hapon dito dahil delikado raw.
02:56.8
Panimulang wika ni Carmela sa akin matapos niyang iabot ang pako.
02:59.8
Sinuman ang Cora.
03:04.4
Yun bang matandang kausap mo ngayon ngayon lang?
03:07.3
Tanong ko sa kanya.
03:10.0
Oo siya nga.
03:11.7
Dito lang din siya nakatira sa baryo.
03:14.1
Medyo malapit lang dito sa pinapatoyan natin bahay.
03:18.1
Tugo ng asawa ko.
03:20.9
Saglit na kinuha ko ang pakong inabot niya.
03:24.0
At tinanong siya uli kung bakit nasabi ng matandang delikado.
03:27.5
Sinabi niya namang binanggit umano sa kanya ng matandang kamakailan lamang ay may napapabalitang may mga kababalagan umano sa baryo.
03:40.1
Kaya agad maaari ay huwag kami magpapaabot ng takipsilim sa labas nun.
03:46.9
Napangiti naman ako at sinabi sa asawa kong hindi totoo ang mga pinagsasasabi ng matanda.
03:53.3
Kung anong kababalagan yun ay huwag siyang magpapaniwala sa mga sabi-sabi.
03:57.5
Lumaki na lamang kasi ako sa baryo naming wala namang nakikitang kung anong kababalagan.
04:05.4
Although kung patungkol sa mga aswang ay may mga naririnig akong huninang kung ano pero
04:09.5
niminsan wala naman akong nakikita eh.
04:14.4
Kaya inisip ko na lamang na isang pangkaraniwang ibon lamang ang huninang mga naririnig ko.
04:22.0
Sumagot naman ang asawa ko at sinabi niyang wala namang masama kung maniniwala kami nun.
04:26.0
Dahil sa laking probinsya rin naman siya at naniniwala ang kanyang pamilya sa mga ganong klaseng nilalang.
04:34.4
Maniniwala lamang ako kapag mismong mga mata ko na makikita sa sinasabi nilang aswang.
04:39.6
Pero hanggat wala pa akong nakikita, hindi ako magpapaniwala sa mga ganyan.
04:45.9
Wika ako sa kanya.
04:48.5
Panakot lamang yun ang mga matatanda sa mga kabataang matitigas ang ulo at hindi marunong makinig.
04:54.7
Dagdag ko pa.
04:56.0
Napabuntong hininga naman siya at sinabihan akong bahala o mano ako.
05:02.2
Nasa sa akin na kung ano ang gusto kong paniwalaan.
05:06.2
Basta siya, naniniwala o mano siya sa mga ganong klaseng nilalang.
05:12.1
Sa paglipas nga ng mga araw ay napapansin kong palagi ng kausap ni Carmela ang matanda.
05:18.5
Tuwing sumasama sa akin si Carmela sa baryo para magayos ng bahay,
05:23.3
ay natataon rin dumadaan ang matanda.
05:26.0
Hindi ko alam kung nagkataon lamang ba o talagang sinasadya ng matandang dumaan sa labas ng bakura namin.
05:34.6
Nasa dulo na kasi kami ng baryo.
05:36.9
Nagpatayo ng bahay nun.
05:39.2
Dalas sa yun na lamang ang lupang nakita kong binibenta at sakto namang may kamurahan lamang ang pagbenta.
05:46.6
Kaya pinatos ko na.
05:48.5
Kahit nasa dulo pa ito.
05:51.9
Naisip ko rin kasi na paglipas ng mga panahon eh,
05:54.5
may dadami na rin naman ang maniniraan sa baryong ito.
05:58.0
Magkakaroon rin kami ng mga kalapitbahay.
06:01.5
Kung hindi nyo kasi na itatanong,
06:04.7
may kalayuan ng bahagya ang susunod naming kapitbahay.
06:09.3
Mga limang minuto siguro ang lakaran bago namin marating ang kabahayan.
06:15.1
Sa labas naman ng bakuran namin ay may maliit na daanan papunta sa kakahuyan.
06:20.7
Nakikita ko namang may mga dumadaang tao kapag nangangahoy sila
06:23.9
o kaya naman ay maghanap na mga ligaw na gulay sa kakahuyan pero
06:27.5
ang ipinagtatak ako.
06:31.7
Sinabi ni Carmela sa akin na medyo malapit lamang ang bahay ng matandang kausap niya.
06:37.7
Pero bakit na kailang beses na akong nagpabalik-balik sa pinapagawa naming bahay?
06:43.3
Wala naman akong nakitang bahay na malapit lang sa amin.
06:48.1
Isa pa,
06:50.3
napapansin kong palagi na sa tuwing dumarating si Manang Cora
06:53.9
sa usap ang asawa ko.
06:56.9
Nanggagaling ito sa loob ng kakahuyan.
07:00.1
Pero wala naman siyang dalang kahit na ano o kaya'y gulay man lamang.
07:05.5
Para masabi kung kaya siya pumasok sa kakahuyan dahil sa nangunguha siya ng kahoy, gulay o ano pa man nun.
07:14.8
Isang beses,
07:17.1
kaysa lukuyang nagwawali si Carmela sa bakuran nang dumating ang matanda.
07:21.9
Ako naman ay umaalalay kay Mang Teban,
07:23.9
sa pagpapanday ng bubungan.
07:28.4
Luis,
07:30.0
payo ko lang sa inyong dalawa ng mga asawa mo ha.
07:33.8
Magingat kayo sa matandang yan.
07:36.8
Balibalitang aswang yung taong yan eh.
07:40.2
Huwag ka agad kayo magtitiwala sa mga taong mabait ang panabas na kaunyoan.
07:44.9
Tsaka hindi yan taga rito.
07:47.2
Di nga namin alam kung bakit pabalik-balik yan mula nung lumipat kayo dito eh.
07:52.4
Huwi ka ni Mang Teban sa akin,
07:53.9
kaya nga nang sabi niya kanina,
08:10.0
bagong salta lang din ang matanda sa baryo na yon.
08:15.9
Malapit lamang sa bahay niya ang tirahan nito.
08:19.5
Simula nang dumating ang matanda sa baryo ay sunod-sunod na ang kababalagang nangyari.
08:23.9
Kahit naman sa nambibintang umano ay pero,
08:28.6
may mga taong minsan nakakita sa matandang naglalakad pa uwi sa bahay nito.
08:33.2
Nang alanganing oras.
08:36.1
O kaya naman minsan ay madaling araw.
08:40.1
Dagdag pang sa ad ni Mang Teban,
08:43.1
nagsabi pa ang isa sa mga kapitbahay nilang lalaki,
08:47.1
nung minsan hating gabi na ito umuwi galing sa pangunguhan ng isda sa malaking ilog.
08:53.2
Nakita ni Mang Teban,
08:53.9
kaya umano nito si Manang Cora.
08:56.6
Sabog-sabog ang buhok na animoy pinagtulungang sa bunutan.
09:01.8
Nakamulagat ang mga mata na parang lango sa bisyo.
09:06.0
Dire-diretsyo lamang yung maglakad papunta sa kakahuyan.
09:11.5
Sinubukan pang batiin ng lalaki at tinanong ang matanda kung saan ito pupunta.
09:17.1
Pero hindi man lamang ito pinansin ng matandaan.
09:21.5
Sa halip,
09:23.9
nang kibukibong nilagpasan lamang ang lalaki ng matanda.
09:28.4
Ni hindi man lamang raw ito tinignan o nilingon ni Manang Cora.
09:33.2
Basta,
09:34.9
parang wala o manong sa sarili ang matanda noong maglakad yon papunta sa kakahuyan.
09:41.6
Sinabi ko kay Mang Teban na baka hindi lamang narinig ni Manang Cora
09:44.8
at hindi nito napansin ang lalaki.
09:49.6
Imposibling hindi niya napapansin ang taong makakasalubong niya.
09:52.4
Sa liit ng daanan papunta sa kakahuyan,
09:56.5
hindi mong mapapansin yon.
09:59.6
Iiling-iling na uwi ka ng Mang Teban.
10:03.3
Naisip ko na sa bagay,
10:05.3
tama nga naman si Mang Teban.
10:07.9
Pang dalawang tao lang kasi ang kasya sa daanan papunta sa kakahuyan.
10:12.7
Kaya napaka-imposibli talaga pero,
10:15.7
baka naman may sakit lamang ang matanda gaya na mahakalimutin kaya wala yung reaksyon nung batiin ang kapitbahay nila, di ba?
10:22.4
Pag-ingatin mo ang asawa mo, Luis.
10:27.4
Mukha kasing magiliw na magiliw yung matandang kausap ng asawa mo sa kanya eh.
10:32.6
Mahirap na.
10:34.3
Mas mabuti na yung nag-iingat.
10:37.1
Muling paalala sa akin ni Mang Teban.
10:41.1
Tumangon na lamang ako para hindi na humaba pa ang usapan naming dalawa ni Mang Teban nun.
10:47.4
Nang makauwi na kami sa baryo ng mga magulang ko eh,
10:51.3
napansin kong parang,
10:52.4
matamblay na nga ang asawa ko.
10:55.7
Tinanong ko siya kung masama ba ang kanyang pakiramdam.
10:59.2
Marahan siyang tumango at sinabing masakit ang kanyang ulo na parabang sisipunin ito.
11:07.5
Magpahinga ka na lamang muna sa kwarto.
11:10.5
Ako na yung bahalang mag-asikaso ng pagkain natin para sapunan.
11:14.7
Huwi ka ako sa kanya.
11:17.5
Mabuti pa nga.
11:19.3
Siguro napagod lang ako kanina sa ginagawa paglilinis.
11:22.4
Sinabi ko naman kasi sa'yong huwag ka nang sumama dun eh.
11:26.2
Tsaka, saka na lang sumama ka pag tapos na yung bahay.
11:29.9
Para isang linisan lang.
11:32.4
Mayantuloy magkakasakit ka sa ginagawa mo.
11:37.3
Inismiran niya naman ako at sinabihang masama na nga ang pakiramdam niya.
11:42.3
Sesermonan ko pa siya.
11:44.7
Gusto lang naman niyang makatulong para kahit papano ay konti na lamang ang lilinisin sa oras na matapos ng bahay.
11:52.4
Humingi naman ako ng tawad, tapos hinulit ko na magpahinga na siya.
11:56.9
Tatawagin ko na lamang siya kapag nakapaghanda na ako ng pagkain nun.
12:02.4
Mara nang naglakad papasok ng kwarto si Carmela.
12:06.4
Ako naman ay pumunta na sa kusina at naghanda na na makakain para sa hapunan.
12:12.4
Makaraan ng ilang minuto ay dumating ang mga magulang ko galing sa palengke.
12:17.4
Tinanong ng aking ina kung nasaan si Carmela.
12:20.4
Hindi niya kasi nakita.
12:22.4
Nasaan si Carmela sa kusina nun?
12:25.4
Sinabi ko sa kanyang nagpapahinga ang asawa ko dahil sumama ang pakiramdam nito.
12:32.4
Teka, parang napapansin ko nito mga nakarang araw lang ay namimili ng pagkain ng asawang mo, anak.
12:39.4
Hindi kaya nagdadalang tao na siya?
12:42.4
Bulalas nito.
12:44.4
Ano bang pinagsasasabihin niyo na eh?
12:47.4
Sumama lang yung pakiramdam ng asawa ko, sasabihin niyo buntis na.
12:50.4
Aba, eh kasi naman may ganyang sintomas ng taong nagdadalang tao.
12:56.4
Yun bang bigla-bigla na lang sumasama yung pakiramdam at hindi makakain ng maayos.
13:01.4
Namimili yun ang pagkain.
13:04.4
Naalala kong ganyan rin ang sinyalis ko nung ipinagbubuntis ko yung bunso mong kapatid.
13:09.4
Anya.
13:12.4
Nakaramdam ako ng tuwa sa isiping baka nabuntis ang asawa ko.
13:17.4
Ngunit ayaw ko munang magsayahang at di pa kumpermado dahil bukod sa baka madismaya lamang ako eh baka seryose rin yung sakit ng asawa ko nun.
13:29.4
Kinabukasan nga ay hindi ko na pinasama pa si Carmela.
13:34.4
Bago ako nagtungo sa bahay na pinapagawa namin ay binilinan ko siyang magpasama siya kay nanay na pumunta sa paggamutan.
13:43.4
Huwag na.
13:44.4
Dagdag gastusin lang kong magpapatingin pa ako sa doktor.
13:48.4
Ipapahinga ko lang to.
13:50.4
Mawawala din tong samang nararamdaman ko.
13:53.4
Tugo ng asawa ko nun.
13:56.4
Magsasalita na sana ako nang biglang sumabat ang aking ina at nagsabing kailangang magpatingin sa paggamutan ng asawa ko dahil napapansin niyang nananamlay si Carmela nitong nakaraan.
14:09.4
Kung iniisip niyo yung gastusin, ako nang bahala.
14:12.4
Huwi ka ni nanay.
14:15.4
Wala nang ang nagawa pa ang asawa ko kundi ang pumayag na lamang.
14:20.4
Nang mag-uusap na si Carmela at ang aking ina ay umalis na ako ng bahay nun.
14:25.4
Pagkarating ko sa pinapagawang bahay ay may nadatna na kong matandang babaeng nakatanaw sa harapan ng bakuran.
14:33.4
Nung una, inakala kong si Manang Cora ang matandang nakita ko.
14:39.4
Pero noong makalapit na ako doon ay
14:42.4
doon ko na lamang nalaman na
14:45.4
ibang matanda pala iyon.
14:49.4
May kailangan po ba kayo?
14:51.4
Tanong ko sa matanda nang makalapit ako sa kanya.
14:56.4
Matalim na tinitigan niya ako bago nagmamadaling maglakad paalis.
15:01.4
Kakamot kamot na napatanong pa ako sa aking isipan kung ano kaya ang kailangan ng matanda.
15:08.4
Nakita ko kasi itong panay ang pagtanaw sa labas ng bahay.
15:12.4
At kulang na lamang ay maputol na ang litid niya sa leeg sa kakatanaw na para bang may hinahanap siya nun.
15:22.4
Napapailing na lamang akong pumasok sa loob ng bahay.
15:26.4
Tinapos ang mga dapat ayusin.
15:29.4
Nang araw na iyon ay nakailang beses kong nakitang nagpabalik balik sa bakuran namin ng matanda.
15:36.4
Hindi ko na lamang ito iniindin diba dahil sa nagmamadali na ako sa ginagawa kong trabaho.
15:43.4
Pagka uwi ko sa baryo ng mga magulang ko ay nalaman kong buntis ang asawa ko.
15:49.4
Kaya naman labis labis ang tuwang nararamdaman ko nun.
15:54.4
Isang linggo ang nakalipas na inatapos na ang bahay namin.
15:58.4
Nagpa siya na kaming lumipat ni Carmela.
16:02.4
Sa unang gabi namin sa bahay na nilipatan ay naging maayos naman ang lahat.
16:09.4
Pero pagkalipas lamang ng ilang linggo.
16:12.4
Doon na ako nakaramdam ng sunod sunod na kababalagan.
16:18.4
Tuwing umaga na lamang ay may nadadatnan akong patay na hayop sa harapan ng bahay namin.
16:24.4
Kung hindi pusa,
16:26.4
aso,
16:28.4
o kaya naman na ilang pirasong dagang bukid na gutay gutay na ang katawan.
16:33.4
Naiinis na ako dahil sa palagi na lamang akong naglilibing ng mga bangkay ng hayop sa likuran ng bahay nun.
16:39.4
May mga gabi rin akong nakakarinig ng kakaibang huni at mga pag-angil sa labas ng bakuran.
16:49.4
May mga gabi ding nagre-reklamo ang asawa ko dahil sa maalinsangan naman ako ang buong paligid at parang wala man lang hangin na nakakapasok sa loob ng bahay.
17:00.4
Kaya ang ginawa ko ay pinapaypayan ko na lamang siya para makatulog ng maayos nun.
17:05.4
Wala pa kasi kaming kuryente ng mga panahon yun dahil sa magpapagapit pa lamang ako ng kuryente.
17:12.4
Nagtsaga na muna kami sa gasera.
17:15.4
Hindi rin naman kasi kami pwedeng makisaksak na muna ng kuryente sa kalapit bahay dahil may kalayuan ang mga ito sa bahay namin.
17:25.4
Isang gabi,
17:27.4
nasa kasarapan na ako ng pagtulog nang bigla akong ginising ni Carmela.
17:32.4
Napabalikwas ako ng bangon at tinanong siya kung bakit niya ako ginigising nun.
17:39.4
Ano kasi,
17:41.4
parang,
17:43.4
parang may naririnig akong ingay sa labas ng bahay natin.
17:47.4
Tingnan mo kaya,
17:49.4
baka kung ano na yun.
17:51.4
Pabulong niyang wika sa akin.
17:54.4
Baka aso lang yung naririnig mo. Wag mo nang pansinin yun. Matulog na tayo.
18:00.4
Napakamot sa ulong wika.
18:02.4
Umiga ako sa kanya at muli nang humiga.
18:05.4
Tumalikod na ako sa pagkakaiga sa kanya para hindi niya na ako kukulitin pa.
18:10.4
Pero wala pang ilang segundo.
18:13.4
Kinalabit na naman ako ni Carmela
18:16.4
at inutosang tingnan ko umano ang labas ng bahay namin.
18:21.4
Dahil may narinig na siyang kakaiba.
18:25.4
Para hindi na mangulit pa ang asawa ko ay bumangon na lamang ako at nagmadali nang lumabas ng silid.
18:33.4
Bago ko paman binuksan ang pintuan ng bahay,
18:36.4
sinabihan ko si Carmela na manatili na lamang siya sa kwarto.
18:40.4
Lalabas lamang ako ng bahay para tingnan ang sinasabi niyang hayop na naririnig nun.
18:47.4
Pero saktong pagkabukas ko ng pintuan.
18:51.4
Kumalabog ng malakas ang bubungan.
18:54.4
Bahagya rin akong napaatras nang humampas sa mukha ko ang napakalakas na hangin
19:00.4
at may narinig akong kumakawag-kawag sa taas ng bubungan na animoy malaking pakpak.
19:09.4
Kasabay ng paghampas ng malakas na hangin ay nakalanghap ako ng nakakasulasok na napakabahong amoy.
19:19.4
Nakadinig ako ng mahinang huninang pato na parabang bumubulong na lamang nun.
19:26.4
Mabilis ko nang isinara ang pintuan at sinigawan ng asawa kong huwag lumabas ng kwarto.
19:34.4
Tingnan niya rin maigi kong nakasaraba ang bintana.
19:38.4
Dagli-dagli na akong nagtungo sa kusina para kunin ng itak.
19:44.4
Kung nagkataon, yun ang kauna-una ang pagkakataong nakaramdam ako ng takot at tilakbot sa buong katawan.
19:52.4
Pakiwari ko ay saglit akong tinakasan ng kaliluwa
19:56.4
sa lakas ng pagkabog ng aking dibdib.
20:00.4
Pagkabalik ko sa sala.
20:03.4
Lumapit ako sa bintana at sinilip ang maliit na butas.
20:08.4
Malaki naman ang buwan ng gabing iyon.
20:11.4
Kaya hindi ako mahihirapang alamin kung may tao ba sa labas ng bahay.
20:17.4
Patuloy ko pa rin naririnig ang kakahibang huni.
20:21.4
Pero sa pagkakataong iyon ay malakas na ang huni na ito.
20:26.4
Pagkasilip ko nga sa siwang ay mas kinilabutan pa ako ng
20:31.4
may masilayan akong kung ano sa labas ng bahay.
20:37.4
Hindi ko masasabi kung anong klaseng nilalanguhayop ang nakita ko ng mga sandaling iyon.
20:43.4
Sa kadahilan ng naunahan ako ng takot at kaba.
20:49.4
Kahit na kalalaki kong tao ay aaminin kong naduwag ako ng gabing iyon.
20:54.4
Natakot akong lumabas ng bahay.
20:58.4
Dahil sabaka kung anong gawin sa akin ng nilalang na may nakakapanghilakbot na wangis.
21:05.4
Mas lalo pa akong naduwag ng makita kong marahang gumapang sa lupa ang nilalang na
21:12.4
parabang pusang naghahanap ng pagkain.
21:17.4
Luis, anong ginagawa mo diyan? May nakita ka ba sa labas?
21:22.4
Puntag na tanong sa akin ni Carmela at naglakad papalapit sa akin.
21:28.4
Napaiktad naman ako at namuntikan ng mapasigaw.
21:32.4
Bakit ka lumabas? Bumalik ka sa loob ng kwarto. Dalian mo!
21:38.4
Utos ko sa asawa ko. Mabilis na nilapitan ko si Carmela at marahang hinatak pabalik sa kwarto.
21:46.4
Nagtataka naman ang asawa ko dahil sa naging reaksyon ko.
21:50.4
Magsasalita pa sana siya pero nakarinig na kami ng sunod-sunod na katok sa pintuan.
21:58.4
Tinatawag ang pangalan ng asawa ko. Boses yun ng isang matandang babae.
22:05.4
Pero hindi ko mabosesan kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
22:10.4
Kaya naman napamura ako ng malutong at agarang nagtanong ng,
22:16.4
Sino ka? Anong kailangan mo sa asawa ko? Ha?
22:20.4
Dis oras na ng gabi. Nangangato ka pa.
22:25.4
Naglalakad pa palapit ako sa bintana noong bitbitang itak.
22:29.4
Kahit kabang-kaba na ako ng mga oras na iyon ay pilit na nilalakasan ko ang aking loob
22:35.4
para sa asawa ko at sa magiging anak namin.
22:40.4
Pagkalapit ko sa bintana ay lakas loob na sumilip ako uli sa siwang para tingnan ang nilalang na nakita ko kanina.
22:47.4
Pero hindi ko na iyon nakita pa, Sir Seth.
22:52.4
Ilang saglit pa ay nakarinig na naman ako ng tatlong katok mula sa pintuan ng bahay.
22:58.4
Sino ka? Anong kailangan mo sa asawa ko?
23:04.4
Galit kong tanong.
23:06.4
Ayaw mo magsalita?
23:09.4
Kinukutuban na ako na ang nilalang na nakita ko kanina ang siyang kumakatok sa pintuan.
23:15.4
Dahil sa gaya ng una ay wala pa rin akong narinig na tugon
23:20.4
ng kung sino mang hinayupak ang kumakatok sa labas ng bahay.
23:24.4
Kaya naman itinaas ko na ang bitbit kong itak at marahan ng lumapit sa pintuan.
23:30.4
Tapos ay hinawa ka ng seradora ng pintuan na iyon.
23:34.4
Pero bago ko pa man maipihit ang seradora ay nakarinig na ako ng malakas na sigaw
23:42.4
at alam kong nagmula iyon sa labas ng bakura namin.
23:45.4
Pamilyar sa akin ang boses ng lalaking sumisigaw sa labas.
23:51.4
Kung kaya't nabuhayan ako ng loob, nang marinig ko ang mga yabag palayo sa pintuan ng bahay.
23:59.4
Saka ko pa lamang iyon binuksan.
24:02.4
Luis, yung asawa mo, huwag mong iwanan. Diyan ka lang sa loob ng bahay at kami na ni Ricardo yung bahala sa aswang.
24:12.4
Simangteban iyon.
24:13.4
Pagkabukas ko ng pinto.
24:16.4
Ano pang tinutunga nga mo diyan? Isarado mo na yung pintuan. Bilisan mo!
24:22.4
Muling sigaw ni Mangteban at nilagpasan niya na lamang ako noon.
24:26.4
Tumakbo sila ng kasama niya papunta sa likuran ng bahay.
24:31.4
Mabilis ko namang sinunod ng inutos ng matanda.
24:35.4
Pagkatapos ay pinuntan ko si Carmela sa loob ng kwarto nito.
24:39.4
Nang makapasok na ako ay nadatnan ko sa sulok ng higaan ng asawa ko.
24:45.4
Nagsusumiksik at nangangatog dahil sa labis na takot.
24:50.4
Kagad ko siyang nilapitan at tinanong kung ayos lamang ba siya.
24:55.4
Ano ba kasing nakita mo sa labas ng bahay? Bakit narinig kong may nagkakagulo?
25:03.4
Nahintakutang tanong ni Carmela sa akin noon.
25:06.4
Sinabi ko sa kanyang mamaya ko na ipapaliwanag kung ano ang nangyayari sa labas.
25:12.4
Sa ngayon ay ikalman niya muna ang kanyang sarili dahil sa baka mapano siya at ang dinadala niya.
25:19.4
Halika, dito tayo maupo.
25:23.4
Haya ko sa kanya at marahang itinayot dinala sa higahan para makaupo siya ng maayos noon.
25:30.4
Mga ilang minuto lamang ang nakalipas ay kumatok na sa pintuan si Mangteban.
25:36.4
Nagmamadali na pinagbuksan ko ng pintuan ng matanda.
25:41.4
Ano? Ayos lang ba kayo dito? Ang asawa mo ayos lang ba?
25:48.4
Pag-aalala lang tanong ni Mangteban sa amin nang makapasok na sila ng kanyang kasamahan.
25:53.4
Teka, nasaan yung asawa mo? Tanong niya nang hindi niya makita si Carmela.
26:00.4
Nasa loobo ng kwarto yung asawa ko Mangteban.
26:03.4
Hinabutan ko muna sila ng inuming tubig para maibsa ng pagod na nararamdaman.
26:09.4
Matapos uminom ng dalawa ay tinanong ko sila kung saan sila galing at paano nila nalamang may nangyayari sa bahay.
26:18.4
Nagwika naman si Mangteban na galing sila sa sapa malapit sa kakahuyan.
26:23.4
Nanguha kasi sila ng kanyang apo ng isda at hipon na pwedeng uulaman nila sa kinabukasan.
26:30.4
Nasa marami na silang nakuha ay nagpasya na silang kasamahan.
26:33.4
Mabuti na lamang talaga at naisipan na umanon nila yun.
26:39.4
Dahil noong papalapit na sila sa bahay namin ay,
26:42.4
parabang may kung sino ang bumulong kay Mangteban na tingnan ang pintuan ng bahay.
26:47.4
Nung tingnan niya ang pintuan ng bahay ay panandalian siyang nagulat at napahinto.
26:54.4
Ayon kay Mangteban, may nakita siyang malaking kulay itim na asong.
27:01.4
May makapal at mahabang buhok na parabang buhok ng isang tao nun.
27:10.4
Nang sigawan niya umano ang hayop na nakita niyang nakatayo sa pintuan ng bahay,
27:16.4
ay biglang lumingon sa kanila ang nilalang.
27:20.4
Doon ay nakita niya ang katakot-takot na mga mata nitong nanlilisik na nakatingin sa kanila.
27:28.4
Kung hindi pa raw siya tinapik ng apo niyang binata,
27:32.4
ay hindi pa siya matatauhan mula sa pagkakatitig sa nilalang na,
27:37.4
parabang hinihipnotismo siya nun.
27:41.4
Matapos nga siyang tapikin ay doon na sila naglakas ng loob na habulin ang nilalang.
27:47.4
Hindi ako maaaring magkamali.
27:50.4
Aswang ang nilalang na nasa pintuan ng bahay niyo, Luis.
27:54.4
Dapat maglagay ka ng mga pangontra sa aswang dito sa bahay mo.
27:59.4
Saad sa akin ni Mang Teban.
28:02.4
Sandali, buntis ba yung asawa mo?
28:06.4
Alam mo kasi wala naman kayong anak na sanggol at wala rin may sakit dito sa bahay niyo eh.
28:11.4
Kaya nagtataka ako kung bakit kayo inaswang.
28:16.4
Sinabi ko sa kanyang buntis nga ang asawa ko.
28:19.4
Kaya nga namin minadali ang pagpapaayos ng bahay nang sa ganon ay makalipat na kami bago pa man lumaki ang kanyang chan.
28:26.4
Sinasabi ko na nga ba eh.
28:29.4
Haya mo, bukas na bukas ay sasamahan kitang pumunta sa isang manggagamot para manghingi ng pangontra.
28:36.4
Para na rin hindi malapitan ng aswang ang asawa mo.
28:40.4
Huwi ka niya.
28:42.4
Dagdag pa nito, mahirap na raw kung magpakampante ako dahil sa baka mamaya ay mapano ang asawa ko.
28:50.4
Minsan pa namang may nakunan ng buntis na kapitbahay nila nun.
28:56.4
Dahil sa kahit na binalaan na nila ang asawa noon na maglagay ng mga makontra ng aswang ay hindi umano yon nakinig sa mga ipinapayo ng mga nakakatanda.
29:06.4
Kaya ang risulta, nakunan ang asawa nitong buntis.
29:11.4
Kung kailan pa raw nakunan ang asawa ay saka pa lamang naniwala ang kapitbahay nilang yon.
29:18.4
Paano? Laking mainila yung lalaki kaya hindi siya naniniwala sa mga pamapamahiin na yan?
29:24.4
At yung mga pangontra sa masasamang nilalang?
29:27.4
Huwi ka na nga po ni Mang Teban.
29:30.4
Ah Mang Teban, siya nga po pala. Yung tungkol sa hinabol niyong nilalang, ano pong nangyari doon?
29:39.4
Sinabi niya sa aking hindi na nila nahabol pa ang asawang dahil sa napakabilis sa umano yung kumaripas ng takbo.
29:50.4
Nung susubukan niya na sanang suungin ang mayayabong natalahiban sa likuran ng buhay,
29:53.4
pinigilan siya ng kanyang apo at sinabihang huwag pasukin ang talahiban dahil baka mamaya ay may iba pang nilalang ang nakaabang sa kanila at tambangan sila noon.
30:10.4
Hayaan mo bukas. Agahan nating umalis para maabutan natin yung mga gagamot na kilala ko para makahingi tayo ng pangontra. Saan nang matanda?
30:21.4
Bago pa man umuwi si Mang Teban at ang apo nito, ay pinayuhan kami ni Mang Teban na magsarado kaming maigi ng pintuan. Huwag magbukas ng pinto kapag may kakatok ulit.
30:35.4
Tumango ako at nagpasalamat sa kanilang dalawa.
30:39.4
Nang gabing yun, hindi ako masyadong nakatulog. Panakanak ang binabantayan ko ang asawa ko dahil baka mamaya bumalik ang nilalang at maganap lamang yun ng tsyempo.
30:51.4
Kinaumagahan, matapos kong magkape, pumunta na ako sa bahay ni Mang Teban. Isasama ko sana si Carmela dahil nag-aalala ko kaya nga lang ayaw niyang sumama. Sa bahay na lamang umano siya dahil marami pa siyang gagawin.
31:09.4
Sinabihan ko na lamang siyang huwag munang lumabas ng bahay hanggat hindi pa ako nakakabalik.
31:15.4
Pagdating ko sa bahay ni Mang Teban, mabilis na niya akong sinamang.
31:21.4
Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa ni Mang Teban pagdating sa bahay ng manggagamot. Sinabi na namin kaagad kung ano ang kailangan namin.
31:33.4
Nako, kamalas niyo naman. Dapat ay nakaraan pa kayo pumunta dito sa bahay eh. Naubusan na kasi ako ngayon ng mga kagamitang pangontra sa aswang eh.
31:44.4
May pumunta mag-asawa dito kahapon. Nangingi ng pangontra.
31:48.4
Ilang araw na daw na inaaswang yung buntis. Kakamot-kamot sa ulong wika ng manggagamot.
31:56.4
Maya-maya pa ay sinabi ng manggagamot na bumalik na lamang umano kami kinabukasan dahil may gagawin o ginagawa ulit siyang pangontra.
32:06.4
Kaya nga lang ay bukas pa matatapos ang orasyong ibinabaon niya sa pangontrang iyon.
32:12.4
Sa ngayon na may ipapayo ko lamang sayo iho.
32:15.4
Maglagay ka na muna ng mga baging na makabuhay sa pintuan ng bahay mo.
32:20.4
Para hindi makalapit niya sa pintuan niyo yung kung anumang yung bisita ng asawa mo.
32:26.4
Magpauso ka na rin ng goma para maitaboy ang aswang kong meron ha.
32:31.4
Wika ng manggagamot.
32:34.4
Sinyabi niya pang kahit papano ay naitataboy sa pamamagitan ng mabahong amay ng goma ang aswang na aali-aligid sa bahay.
32:42.4
Kapag may napapansin o may kakaiba,
32:45.4
sa ibang presensya umano akong mararamdaman.
32:48.4
Magsunog na raw ako ng goma nun.
32:51.4
Bukas ng hapon umano ako bumalik sa bahay niya at bibigyan niya na ako ng pangontra.
32:57.4
Nang makaalis na kami sa bahay ng manggagamot,
33:01.4
sinabihan ako ni Mang Teban na pumunta kami sa kakahuyan.
33:05.4
Nakaraan kasi parang may napapansin siyang baging na makabuhay doon.
33:10.4
Kunin umano namin ang nakita niya at yun na muna ang pansamantalang ilagay sa pintuan niya.
33:16.4
Nagpasalamat ako sa matanda at nagwikang nahihiya ako sa kanya dahil baka mamaya ay may iba siyang gagawin at nakakaabalan ako.
33:26.4
Ayon naman sa kanya ay huwag umano akong mag-alala dahil hindi umano ako nakakaabalan nun.
33:33.4
Kami-kami na lamang daw'y magtutulungan gawa ng magkakapitbahay kami.
33:40.4
Sa maghapon ngayon ay naging abala kaming dalawa ni Mang Teban sa paglalakas.
33:45.4
Paglalagay ng mga pangontra.
33:48.4
Kumuha na rin siya ng mga matutulis na kawayan at itinusok niya sa bawat haligi ng bahay.
33:54.4
Nagsabit rin siya sa taas ng pintuan para kung sakali mang may lokolokong aakyat sa bubungan.
34:00.4
Ay sasabit yun sa kawayang matulis na nasa taas ng pintuan.
34:06.4
Natapos kaming maglagay ng mga pangontra,
34:10.4
pasado alas tres na ng hapon.
34:13.4
Habang nagkakape,
34:15.4
napansin kong nagpapabalik-balik na naman ang matandang si Manang Cora.
34:20.4
At may kasama itong isa pang matanda.
34:23.4
Panay ang tingin ng dalawa sa bahay namin sa tuwing napapadaan sila nun.
34:30.4
Mang Teban,
34:32.4
kilala niyo po ba yung matandang kasakasama ni Manang Cora?
34:38.4
Oo, kilala ko yan.
34:41.4
Kapatid niya yan.
34:42.4
Pero sa pagkakaalam ko,
34:45.4
dumalaw o bumisita lang yan sa bahay ni Manang Cora eh.
34:49.4
Sa ibang baryo yan nakatira.
34:52.4
Tumangutang ko lamang ako matapos niya magsalita nun.
34:56.4
Teka, bakit mo naman naitanong yan?
35:00.4
Sinabi ko sa kanyang minsan ko nang nakita ang matandang kasama ni Manang Cora.
35:06.4
Kakaiba yun kung makatingin sa akin nung madatnan kong nakatayo sa labas ng bakura ng bahay.
35:13.4
Napalatak naman si Mang Teban.
35:17.4
At nagsabing mag-iingat kami ni Carmela sa dalawa dahil
35:21.4
baka mamaya ay minamanmanan pala kami ng dalawang matanda.
35:25.4
At pinagpaplanuhang biktimay ng asawa ko.
35:30.4
Subukan lang talaga nila.
35:33.4
Sisiguraduhin ko talagang tatagtarin ko sila ng pinong-pino gamit tong itak kong araw-araw na hinahasa.
35:39.4
Seryosong wika ako nun.
35:42.4
Doon na yung parang sumipa yung pagiging tatay at asawa ko, Sir Seth.
35:47.4
Parang yung takot na nararamdaman ko nung nakaraan,
35:51.4
bigla na lang nawala.
35:54.4
Maya-maya pa ay nagpaalam na si Mang Teban.
35:58.4
Tapos na kaming maglagay ng pansamantalang pangontra sa bahay namin.
36:03.4
Tinanguan ko ito at pinasalamatan.
36:07.4
Kinagabihan,
36:08.4
nagpapahinga na kami ni Carmela sa higaan at nagkikwentuhan.
36:12.4
Hindi pa kasi kami makatulog kaya minabuti naming magkwentuhan na muna.
36:18.4
Habang nagkikwentuhan ay bigla na lamang napahinto sa pagsasalita si Carmela.
36:24.4
Tinanong ko siya kung bakit bigla siyang tumahinig.
36:28.4
Nakita ko namang napahawak siya sa kanyang tiyan kaya nag-aalala akong tinanong kung masakit ba iyon.
36:35.4
Hindi, naiihilang ako.
36:41.4
Samaan mo naman akong pumunta sa banyo.
36:44.4
Huwi ka niya.
36:46.4
Sus, iihilang pala eh. Akala ko kung ano na masakit sayo.
36:50.4
Kinabahan tuloy ako.
36:52.4
Nakangiting tugon ko at napahinga ng malalim noon.
36:56.4
Halika na.
36:58.4
Pang makaihi ka na dyan.
37:01.4
Sinabihan ko siyang magdahan-dahan sa pagbangon.
37:05.4
Huwag siyang pabigla-bigla dahil baka mamaya ay sumakit ng tiyan niya.
37:10.4
Makalipas ang ilang sandali.
37:13.4
Nang nasa kusina na kami.
37:16.4
Sinabihan ko siyang siya na ang pumunta sa banyo at hintayin ko na lamang siya sa kusina.
37:22.4
Nakaramdam kasi ako ng uhaw kaya iinom na muna ako ng tubig noon.
37:27.4
Tumugon lamang ang asawa ko at dere-derecho nang naglakad papunta sa banyo.
37:32.4
Natatanaw ko naman mula sa lamesa ang pintuan ng banyo namin.
37:38.4
Maya-maya pa.
37:40.4
Nakailang lagok pa lamang ako ng tubig eh.
37:44.4
Narinig ko ang malakas na sigaw ng asawa ko mula sa loob ng banyo.
37:50.4
Nagmamadali akong tumakbong papalapit sa banyo na iyon.
37:54.4
Akmang kakatukin ko na sana ng pintuan pero
37:58.4
bago pa man lumapat ang kamay ko ay bumukas na iyon.
38:02.4
Aswang Luis! May aswang sa taas ng bubungan!
38:09.4
Sigaw ni Carmela at mabilis nang lumapit sakin.
38:13.4
Agad ko namang inilawan ng banyo at hinanap ang sinasabi ng asawa kong aswang na nakasilip.
38:20.4
Pero hindi ko na iyon nakita.
38:23.4
Sa halip ay may iilang hibla ng buhok ng tao akong nakita noon na dahan-dahang lumusot.
38:31.4
Sa dingding ng kawayan.
38:34.4
Nagmadali na akong pumasok sa loob ng banyo.
38:38.4
Mabilis na hinawakan ang iilang hibla ng buhok at malakas na hinatak iyon.
38:44.4
Matapos ko yung hatakin, nakarinig ako ng malakas na hiyaw ng isang babae.
38:51.4
Masyadong madulas ang hibla ng buhok na nahawakan ko kaya naman dumulas iyon sa kamay ko.
38:58.4
Nang biglang may humatak rin mula sa labas.
39:02.4
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng malakas na yabag sa likuran ng bahay.
39:07.4
Kasunod noon.
39:09.4
Hunin ang ibon.
39:11.4
Mabilis na akong lumabas ng banyo at agarang kinuha ang itak na nakasukbit sa bintana.
39:17.4
Sinabi ko sa asawa ko na dito lamang siya sa loob ng bahay noon.
39:22.4
Lalabasin ko lamang ang nilalang.
39:25.4
Isarado mo yung pintuan pag alabas ko Carmela.
39:28.4
Huwag kang magbubukas hanggat hindi kita tinatawag.
39:32.4
Maliwanag ba?
39:34.4
Tumango si Carmela at sinabi niyang mag-iingat ako.
39:38.4
Inutusan ko siyang isarado ng pintuan at doon lamang siya pumesto sa sala.
39:44.4
Nang maisara na niya ang pintuan ay patakbo na akong pumunta sa gilid ng bahay malapit sa banyo.
39:51.4
Sakto namang pag-ikot ko sa gilid ay nakita ko ang isang nakakapanghilakbot na nilalang.
39:58.4
Mabilis yung kumaripas ng takbo paikot.
40:02.4
Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pang habulin iyon.
40:07.4
Pero bago ko pa man mahabol papunta sa likuran ng nilalang,
40:12.4
ay meron pang isa na bigla na lamang dumamba sa akin.
40:18.4
Dahil sa pagkakagulat ko ay hindi ako nakapaghanda.
40:23.4
Nawalan ako ng balansi kaya naman natumba ako at walang pag-aakit.
40:28.4
Nakaalim lang ang dinaganan ng nilalang na may mahabang buhok.
40:33.4
Bago pa man ako makapanlaban ay mabilis na pumulupot sa leg ko ang mahabang buhok ng nilalang na iyon.
40:41.4
Iilan sa mga buhok na iyon.
40:44.4
Pumasok sa ilong ko.
40:47.4
Nahirapan akong makahinga.
40:50.4
Kahit nahirap-nahirap akong makahinga dahil sa pahigpit na pahigpit ng buhok na nakapulupot sa akin ay
40:55.4
naririnig ko ang malakas na pagsisigaw ng asawat ko humihingi ng tulong.
41:01.4
Pilit akong nagpupumiglas na makawala sa aswang.
41:06.4
Nag-ipon ako ng lakas at walang pagdadalawang isip na itinulak ang nilalang na iyon.
41:12.4
Nang maitulak ko ito ay mabilis ko nang inabot ang itak at mabilis na hinataw ang nilalang na iyon.
41:19.4
Bago pa man makaiwas ang aswang,
41:22.4
natamaan ko ito sa binte.
41:26.4
Nagpakawala ito ng isang malakas na pag-atungal
41:30.4
at mabilis akong kinalmot.
41:34.4
Minuramura ko siya at patuloy pa rin ako sa paghataw ng itak nun.
41:39.4
Natamaan ko ng ilang beses sa binti ang nilalang
41:43.4
na naging dahilan ng katakot-takot na sunod-sunod na pag-atungal.
41:49.4
Akmang tatagain ko na sana ito,
41:51.4
pero sandali akong natigilan
41:54.4
nang makita ko ang isa sa kanila kanina,
41:57.4
yung kumaripas ng takbo papunta sa likuran.
42:01.4
Mga ilang dipa na lamang ang layo nito sa akin.
42:05.4
Masama ang titig nito.
42:08.4
Sunod-sunod ang pag-angil nito at nagtaasan ang mga balahibo na parang baliw na asong galit na galit.
42:16.4
Bago pa man makakilos ang nilalang ay narinig ko si Mang Teban na sumisigaw.
42:22.4
Nang lingunin ko ang bakuran ng bahay,
42:25.4
nakita ko siya.
42:27.4
May kasamang tatlong lalaki at mabilis na sumugod palapit sa akin.
42:32.4
Abulin niyo yung aswang!
42:34.4
Huwag niyo hayaan makatakas yung mga iyan!
42:37.4
Sigaw ni Mang Teban.
42:39.4
Nang tingnan ko ang nilalang na tinaga ko ay ganun na lang ang gulat ko.
42:44.4
Wala na iyon sa pinagbag sa kanya.
42:47.4
Maging ang kaninang umaangil na nilalang sa hindi ka nakikita,
42:52.4
ay mabilis nang tumakbo papasok sa talahiban.
42:56.4
Sigaw nang sigaw si Mang Teban sa mga kasamahan niya na may kanya-kanyang bitbit na itak.
43:02.4
Tuloy-tuloy namang tumakbo ang mga kasama ni Mang Teban papunta sa likuran,
43:07.4
samantalang ang matanda ay tinulungan akong makatayo.
43:11.4
Ayos ka lang ba Lewis? May sugat ka?
43:16.4
Nang tingnan ko ang braso na tinuro ni Mang Teban,
43:19.4
nakita kong nagdurugo iyon.
43:22.4
Hindi ko man lang na malayang nasugatan pala ako ng aswang na nakasagupa ko.
43:28.4
Halika, gagamutin kita sa loob ng bahay.
43:32.4
Kanina pa ako kinukutob ang mahindi magandang nangyari sa inyo dito.
43:36.4
Mabuti na lang talaga.
43:38.4
Sinunod ko yung kutob ko at maagang sumugod yung mga iyan.
43:43.4
Anya ng matanda.
43:46.4
Nang makapasok na kami sa bahay,
43:48.4
nakita kong nag-aalala ang asawa ko.
43:51.4
Panay ang pagpunas nito sa mga mata at bisngi.
43:55.4
Kagad na kumuha ng gamot ang asawa ko at nilinis ni Mang Teban ang mga kalamot at sugat ko nun.
44:01.4
Makaraan pa ang ilang minuto,
44:04.4
bumalik na ang mga kasama ni Mang Teban.
44:07.4
Ayon umano sa kanila.
44:10.4
Napuruhan umano nila ang dalawang nila lang.
44:13.4
Pero nakatakas ang mga ito dahil sa pumasok ang mga iyon sa kakahuyan.
44:19.4
Sinabi naman ang isa sa mga kasamahan ni Mang Teban na nasisiguro niyang malubha ang tama ng mga ito.
44:31.4
Makalipas ang ilang araw,
44:34.4
nagulat ako.
44:36.4
O sabihin natin hindi na kami nagulat pero alam mo yung konting kilabot.
44:42.4
Nabalitaan kasi namin na
44:45.4
namatay ang magkapatid na si Namanang Cora.
44:49.4
Ang sabi ng mga nakakita o mga nakapansin,
44:52.4
maska yung mga nakakita ng bangkay,
44:55.4
marami umanong sugat sa katawan ng dalawang matanda.
44:59.4
Lalong lalo na sa may bandang binte.
45:03.4
Malakas ang kutob naming dalawa ni Mang Teban
45:07.4
na ang dalawang magkapatid na matanda ang aswang na nagnanaisbiktimahin ang asawa ko.
45:13.4
Mula nung umagang iyon hanggang sa
45:15.4
manganak ang asawa ko,
45:18.4
o maging ilang buwan na yung anak ko sa labas ng sinapupunan ng asawa ko'y
45:23.4
nandun muna ang aking ina sa bahay.
45:26.4
Gaya naman ang pangako ng albularyo,
45:29.4
binigyan niya kami ng pananggang mag-asawa,
45:32.4
pangontra sa mga aswang.
45:34.4
Nagdagdag na rin ako ng bakod sa may bahay namin.
45:37.4
At magmula nun,
45:39.4
sinisigurado ko na
45:41.4
hindi ako mag-asawa.
45:43.4
Sinisigurado ko na
45:46.4
protektadong protektado ang mag-ina ko
45:50.4
laban sa mga aswang
45:52.4
na nakikidayo lamang din
45:55.4
sa baryo na iyon.