Close
 


ALBULARYANG APO NG ASWANG | True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ALBULARYANG APO NG ASWANG | True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 54:25
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWENTO NI ZERO
00:30.0
Dikada 70
00:33.6
Bugasong Antike
00:37.6
Mapagpalang araw po sa inyong lahat, lalo na sa iyo Sir Seth.
00:44.5
Ako si Madam Rosa, o pwede mo na akong tawaging Rosa.
00:50.1
Kasalukuyang nakatira ko ngayon sa Cagayan.
00:53.9
Aaminin kong isa akong medium.
00:56.7
Maliban pa diyan ay malawak ang saklaw ko sa karunungan.
01:00.8
O sa lokal na salita.
01:03.1
Albulari ako.
01:05.4
Pero hindi lamang ako nagpakatanyag kasi ibang iba na ang panahon ngayon.
01:11.0
Lahat ng mga nilikha, may buhay at may dahilan.
01:15.3
Maging kinabibilangan man ito ng kababalagan at realidad.
01:20.3
Karamihan kasi sa atin ay hindi binibigyan halaga ang biyaya mula sa likha.
01:25.4
Kontento na sa nakikita at hindi na naiisip na bukod sa atin.
01:30.0
May nilalang din pala na nakatira sa lupa.
01:34.0
Hindi nga lang ito nahahanay sa ating oras at dimensyon.
01:38.6
Hindi natin alam.
01:40.7
Nakakapanaki tayo sa kanila.
01:43.1
O hindi naman kaya ay galit sila sa atin.
01:46.8
Ako, delikado kong ganon.
01:51.0
Kaya ako napasulat para iparating sa lahat na ang kultura at paniniwala na noon pa man
01:56.2
ay nakagisnan na ng ating mga ninuno.
02:00.0
Dapat pagpapahalagahan dahil hindi natin alam ito pala ang magiging kasagutan
02:07.6
kung sakaling may dumating na dagok sa ating buhay.
02:12.4
Ang layo na kasi ng kabataan ngayon kumpara noon.
02:16.8
Sa panahong nabanggit ay edad labing limang taong gulang ako.
02:22.0
Tahimik kaming naninirahan sa lugar at kasama ng nanay ko na si Mimay
02:25.9
at ang tatay kong si Edwin.
02:29.3
May ito.
02:30.0
Ang realidad na ang mga magulang ko noon.
02:32.6
Ako ang pinakabunso.
02:34.7
At lahat ng mga kapatid ko ay bumukod na ng bahay.
02:39.7
Ganon naman ang realidad noon eh.
02:41.9
Kapag nakapag-asawa na, dapat ay masarili ng sinisilungang bahay.
02:47.0
Hindi katulad ngayon na nakikisilong pa rin at sumasandal sa magulang.
02:52.0
Pasintabi pero, yun talagang totoo.
02:57.3
Isang albularya ang nanay ko.
03:00.0
Kilala ito sa lugar namin.
03:03.1
At maliban pa diyan.
03:05.1
Isa din siyang kumadrona.
03:07.8
Sa liblib kami banda nakatira.
03:10.2
At ang bahay namin noon ay lumang tiraan ito na nagmula pa sa mga magulang ng nanay ko.
03:16.7
Mahira pasukin ang lugar namin lalo na nung mga panahon na iyon.
03:21.0
Hindi ito nadadaanan ng kahit anong sasakyan.
03:25.2
Pangpang kasi at bago ka makarating ay
03:27.2
tiyak makakaranas ka muna ng pagkalulang.
03:30.0
Kaya, lalo na sa baguhang napabada ko sa amin.
03:35.5
Kapag may napapabisita, alam ko na kung anuang sadya.
03:40.9
Naalala ko pa noon na kapag may dumadating ay naghuhulaan kami ng tatay ko.
03:46.8
Tay, sa akin, siyan yung sakit niyan.
03:52.7
Ipupusta ko yung kambing ko.
03:55.0
Malamang hihingi yan ng tulong sa nanay mo dahil may paanakin.
04:00.0
Magkasundo, magkasundo kami ng tatay Edwin.
04:03.9
Siya lamang kasing nakakausap ko buhat ng sinanay ay parang may sariling mundo.
04:09.4
Tahimik, laging abala, at madalas kong nakikitang nakaupo sa harap ng altar namin.
04:16.8
Kapag ginakausap ko siya noon ay sumasagot naman pero
04:19.3
kumikibot-kibot ang bibig na waring kahit naguusap kami,
04:24.4
pinagpapatuloy pa rin ang pagdarasal.
04:26.4
Sinisita naman ako ng tatay ko.
04:31.7
Sinasabi niya sa akin na huwag ko daw disturboy ng nanay kapag nasa ganung kalagayan.
04:37.2
Sigurado daw siya na may ginagamot ito.
04:40.9
Anong ginagamot tay?
04:42.8
Wala namang pasyente, di ba?
04:45.3
Huwag kang magbirutay, ha?
04:47.4
Kinikilabutan tuloy ako.
04:50.3
Anak, hindi lang gamot sa harap-harapan ang kayang gawin ng nanay mo.
04:54.5
Ako, gumagamit ang nanay mo ng palipadhangin.
04:59.1
Alam mo ba kung ano yun?
05:01.2
Tingnan mo yung hawak ng nanay mo.
05:03.4
Ayun o, klarong-klaro.
05:06.2
Panyu yan ang pasyente na nakita mo dito kahapon.
05:09.8
At gamit yan, makakarating ang gamotan ng nanay mo sa pasyente na ito.
05:17.2
Dagdag pa niya,
05:19.1
yun lang daw ang mga may sakit na malala at nahihirapan na kailangang pumunta sa amin.
05:24.5
At gagamutin ang nanay ko sa ganong paraan.
05:28.3
Para kahit pa pano,
05:30.4
hindi na mag-aaksaya o mahihirap ang bumisita ang mga yon sa amin.
05:35.9
Dahil baka umanong matodas kasi nga ang layo ng samin nun.
05:40.0
Imbis na magamot, baka mamatay pa.
05:44.1
Ang galing pala ng nanay, no, tay?
05:46.6
Pati din ba pagpapaanak ng buntis tayo pwede sa ganyang paraan?
05:51.5
Loko kang bata ka.
05:53.5
Malaking hindi, syempre.
05:54.5
Eh, saan ka ba nakakita ng pinaanak gamit lang yung palipadhangin?
05:59.6
Kumain ka na nga.
06:01.1
Nalipasan ka lang siguro ng gutom.
06:04.0
Eh, pakiabot yung martilyo.
06:06.5
Kukumpunihin ko lamang yung kamalig.
06:10.0
May kamalig kasi ang gilid ng bahay namin.
06:13.3
Tanggapan ito ng mga taong napapadayo sa amin nun para magpagamot.
06:18.6
Mula sa kamalig, mga iilang di pa ay bahay na namin.
06:24.5
Kaya ng iba ay payak lamang na tahanan ang meron kami nun.
06:28.7
Amakan ng dingding at kalahati nitay-semento na.
06:32.5
Bale, isang palapag lang.
06:35.5
May dalawang silid at katamtaman ang laki ng sala.
06:40.4
Sa likod ay may nakabukod doon na barong-barong.
06:44.1
Bahay yun ang tiyako kaso umalis na sila.
06:46.9
Kaya ginawa naming lagayin ng mga lumang kagamitan.
06:51.1
Madalas akong mamalagi sa barong-barong na yun.
06:54.5
May malaki kasing salamin at halos kabuuan ang katawan ko ay makikita.
07:00.4
Abang tumatagal, unti-unti akong nagkakaroon ng alam
07:04.8
sa kung ano ang mga paraang ginagamit ng aking ina sa panggagamot.
07:11.1
Lalo na kung minsan ay ginagawa niya akong alalay.
07:15.5
Doon ko na sila yan ang iba't ibang uri ng sakit pero
07:18.4
ang hindi ko malimutan nun
07:20.9
ay yung dinalang lalaki na halos kalahati ng katawan.
07:24.5
Nabalot ng sugat.
07:27.9
Mula paa hanggang bewang na parabang dugos ng bubuyog.
07:34.0
Maraming mga butas kasi at parang may namamahay na uod.
07:40.0
Nakakadiri at nakakasuklam.
07:43.2
Doon ko din na amoy kung ano ba talaga ang amoy ng bulok na tao.
07:48.4
Malansa pa sa bulok na isda.
07:51.6
Nanglilimahid yun sa klikidong kulay dilaw.
07:54.5
At yung taong yun ay malanamang buhay pa.
07:59.5
Nakakapagsalita pa nga ito.
08:02.2
Ayon sa nanay ko ay tinamaan daw ng pantok na kasamang barang.
08:06.9
Mahirap umanong gamutin ng ganon kapag hindi dinaan sa pakikipag-usap sa kung sino ang may gawa nun.
08:14.5
Sa mga sumunod na nangyari,
08:17.1
hindi ko na natungayan.
08:19.7
Hindi ko na kasi na atimang amoy.
08:22.5
Basta,
08:23.1
pinapakinggan ko lamang sila mula sa bahay nun.
08:27.7
Na para bang may kaaway ang nanay ko nun.
08:30.7
Maya-maya pa ay bigla na lamang naging payapa ang lahat.
08:35.2
Pinauwi na niyang pasyente.
08:38.3
Si tatay lamang ang nakasakti talaga.
08:41.5
Nagtanong ako sa kanya kung ano ang nangyari.
08:45.3
Ayon sa aking ama,
08:47.6
tinawag lamang ng nanay ko ang mambabarang nun.
08:51.5
Nagkaroon ng konting sagutan.
08:53.7
Pero naayos din naman.
08:56.3
Pagagalingin naman noon ang mambabarang ang tao.
09:00.7
Siyempre nagtaka ako noon.
09:03.2
Paano nakausap ang mambabarang e wala namang doon ang mambabarang na yon.
09:08.9
Pero ayon sa tatay ko ay may mga bagay daw na mahirap ipaliwanag.
09:13.9
Kung kulang sa pagunawa ay tiyak na hindi maniniwala.
09:17.9
O hindi maiintindihan.
09:19.5
Dagdag ba ng aking ama ay pinako umano ng nanay ang mambabarang gamit ang katawan noong maraming sugat sa katawan.
09:30.8
Gamit ang katawang yon.
09:33.0
Makakausap ni nanay ang salarin.
09:35.8
Parang sinasabi yan umano.
09:38.5
Ganon daw yon.
09:41.4
Kung naroon ka at nanood e dinalaman mo.
09:45.2
Tinanong mo pa talaga ako dyan e hindi ko alam kung tama bang pagpapaliwanag ko.
09:49.5
Ang kulit mo anak.
09:51.8
Ang dahil mong tanong.
09:53.7
Pwede mo namang dapat malaman yung sagot.
09:56.5
Diba gusto mo rin maging katulad ng nanay mo?
10:00.0
Dapat pag ganyan, nasa gilid ka lamang niya lagi.
10:04.7
Pero pinapaalalahanan kita ha.
10:07.9
May mga bagay na hindi mo paalam.
10:11.7
Nakakakilabot ang mga yon.
10:14.2
Malalaman mo yan kapag disidido ka ng sumama sa nanay mo.
10:18.0
Kung sakaling aalaman.
10:19.5
Nang malalis ito.
10:22.3
Yung mga katagang yon na sinabi sa akin ng tatay.
10:26.5
Yun ang simula kung paano ako nagkaroon ng matinding interes.
10:31.3
Hindi lang sa malaman ang mga proseso ng aking ina.
10:35.7
Kung hindi ay gusto ko rin talagang maging siya.
10:40.2
Kinukulit ko ang nanay.
10:42.6
Sinasabi ko sa kanya na sasama ako kapag aalis siya.
10:46.6
Nagtanong naman sa akin ng nanay kung saan ba.
10:49.5
Kung sa panggagamot ba umano o pagpapaanak ng buntis nun?
10:54.1
Ang sagot ko lamang sa kanya.
10:57.4
Kahit saan ay.
11:01.8
Doon ay tinanong ako ng aking nanay kung gusto ko bang maging katulad niya.
11:07.2
Tingnan niya umano.
11:09.0
Pati umano ako ay nagkakaroon na rin ng interes.
11:13.1
Ultimong yung mga kapatid ko
11:14.7
ay ganun na ganun din umano.
11:17.0
Pero matapos niya umanong maisama ang mga kapatid ko ay
11:21.4
umatras na ang mga ito.
11:25.1
Ayaw na umanong matulad sa akin.
11:28.6
Kung ako sa'yo, huwag na lang Rosa.
11:32.0
Alam kong aayaw ka din.
11:34.3
Sambit ni nanay.
11:37.5
Nay,
11:39.1
bakit nasubukan niyo na po ba ako?
11:42.0
Malay niyo,
11:43.2
ako na pala yung susunod sa'yo.
11:45.5
May mapagpipilian ka
11:46.9
pa ba eh,
11:47.4
ako ang gunso.
11:50.2
Doon ay napaisip ang aking ina.
11:53.3
At doon,
11:54.6
hindi na siya nagdalawang isip na subukan ako.
11:58.6
Bukas na bukas din umano.
12:01.0
Matapos namin mag-usap noon,
12:03.7
ay sumama umano ako sa kanya.
12:09.9
Napangiti ako noon pero nagtanong ako kung saan kami pupunta.
12:14.7
Ang sabi naman ni nanay,
12:16.9
dadalhin niya ako kung saan siyang kumukuha ng bagay na ginagamit siya sa panggagamot.
12:22.8
Pero pinaalalahanan niya ako na huwag daw akong matakot,
12:26.4
kagaya ng mga kapatid ko.
12:28.9
Dahil may makikita umano akong hindi maganda.
12:33.3
Kung ano umano ang kinatatakutan ko sa buhay,
12:37.5
mas malala pa ang masisilayan ko noon.
12:42.3
Gumibin naman ako at nagkibit balikat.
12:45.3
Gumiti ang nanay at tinapik.
12:46.9
Pagkabalikat ko.
12:49.0
May tinuro siyang lugar at ang sabi,
12:52.8
sa kagubatang yun umano kami pupunta.
12:56.9
Sa gawing timog ito ng tirahan namin na kung saan natatanaw lamang sa bintana.
13:02.8
Hindi ako nagsalita.
13:04.9
Nananabi kakong malaman kung ano ang matutong hayan ko doon.
13:10.1
Kinagabihan, matapos makapaghaponan,
13:14.1
sinangbit ako ng nanay ko.
13:16.9
Sabi niya ay tumabi umano ako sa kanya habang nagdarasal sa altar.
13:21.9
Ayon na nga ang ginawa ko.
13:24.4
Nakikinig lamang ako sa nanay ko habang panakanak ka itong nagdarasal noon.
13:29.6
Hindi ko alam kung bakit iba ang naririnig ko.
13:33.2
Hindi ito yung karaniwang dasal na tinuturo ng simbahan.
13:38.1
Parabang mula sa ibang lingwahin na hindi ko maintindihan.
13:43.8
Humihintuhin to din ang nanay tapos ay dumudura ito ng hangin.
13:46.8
Ang hangin sa kanyang palad.
13:49.7
Dinadampi-dampi ito sa noo ko.
13:52.7
Yung dampi pa na medyo malakas na waribay, tinutulak ang noo ko noon.
13:58.4
Sabi ko pa sa sarili ko,
14:01.0
nakakatakot naman si nanay.
14:03.8
Matapos kasing madampi ang kanyang palad,
14:07.1
tinititigan niya ako ng masama habang kumikibot-kibot ang bibig niya.
14:12.8
Mga dalawang oras din yun at paulit-ulit yun.
14:17.4
Nung matapos na tumayo ang nanay at sinabing,
14:22.1
manatili pa ako ng tatlong oras sa altar.
14:25.7
Nagtaka naman ako noon.
14:28.1
Napaisip ako kung bakit tatlong oras.
14:31.8
Hindi biro yun, Sir Zeta.
14:34.2
Napakatagal noon.
14:36.1
Pero hindi na lamang ako nagreklamo.
14:39.4
Hindi naman ako nakaluhod at nakaupo lamang talaga ako sa papag noon.
14:45.2
Sa loob ng tatlong oras,
14:46.8
ay walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang banig.
14:51.2
Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako habang nakaupo noon.
14:56.7
Nagising ako,
14:58.1
pero lampas alas 12 na.
15:01.4
Si tatay pa ang nasilayan ko sa harapan.
15:04.8
Nakangisi ang bibig nito habang tumatango.
15:08.4
Wari bang natutuwa habang nakikita ang ginagawa ko.
15:13.6
Simula pa lang yan.
15:15.0
Hmph!
15:15.6
Siya sige, lumipat ka na sa silid mo't mamaya-maya gigisingin ka din ang nanay mo.
15:24.0
Maging matatag ka, bunso ah.
15:26.6
Walang atrasan to.
15:28.4
Dahil kung hindi, naku ka.
15:31.6
Masasayang ang lahat.
15:33.8
Huwi ka ni tatay.
15:36.5
Madaling araw,
15:38.7
hindi pa pumuputok ang liwanag
15:40.6
ni hindi pa tumitilaok ang mga manok.
15:44.9
Hindi pa tumitilaok ang mga manok.
15:45.0
Hindi pa tumitilaok ang mga manok.
15:45.8
Ginising na ako ng nanay ko.
15:48.5
Kagad naman akong bumangon
15:50.1
at sa pagbangon kong iyon.
15:53.6
Inakala kong mag-aagahan kami.
15:56.6
Kasa'y dere-derecho na si nanay palabas ng bahay.
16:00.9
Ang sabi niya sa akin ay sumunod ako sa kanya.
16:04.4
Para akong nananaginip noon.
16:07.2
Biro mo,
16:08.5
pagising pa lamang ay lakan na kaagad.
16:11.8
Hindi man lamang ako nakapaghilamos.
16:14.3
Buhag ako.
16:14.9
Nagagba ang buho ko
16:16.0
at amoy ko ang panis ng laway sa pisingi ko noon.
16:22.1
Wala naman akong nagawa noon kung hindi ang sumunod na lamang.
16:26.6
Ang problema,
16:28.5
manipis ang suot kong damit.
16:31.1
Kung kaya nangangatog ang katawan ko.
16:34.2
Mahamog kasi ang daan at basa pa ang damo.
16:38.8
Mga isang oras din yung paglalakad namin
16:40.7
bago pa makarating sa lugar.
16:43.8
Maliwanag na sa mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga.
16:44.7
Mga sandaling yun pero malamig na malamig pa rin.
16:48.6
Wala akong ibang nasisilayan sa lugar.
16:51.9
Kung hindi ang makapal na kakahuyan na may lampas taong mga damo.
16:58.2
Ang sabi ng nanay, sa unahan umano ay may batis.
17:03.3
Pwede umano akong uminom ng tubig pero dapat ay magpasingtabi ako dahil may nakatira umano doon.
17:12.8
At yung nakatirang yun.
17:15.4
Yun ang sadya namin sa lugar na ito.
17:20.0
May bahay ba doon nay?
17:22.7
Tanong ko.
17:24.7
Sa tingin mo may bahay dito?
17:27.7
Tingnan mo yung tinatahak nating landas.
17:31.2
Gubat to Rosa.
17:33.3
Birhen gubat.
17:35.2
Walang ibang nakatira dito kung hindi lamang lupa.
17:38.8
Maging ang kinatitiri ka ng bahay natin, may nakatira din.
17:42.9
Sabihin na natin kahit nasa bayan ka pa, may nakatira din.
17:49.5
Hindi lang tao ang naninirahan sa lupa, anak.
17:53.5
Banggit ng aking ina.
17:57.0
Umakyat kami sa malaking bato.
17:59.7
May tubig na tumataga sa gilid.
18:02.9
At ang ibabaw ng bato ay may malaking puno doon na pinangalanan ng nanay na sinukuan.
18:10.0
Para itong balete.
18:12.2
May mga kalulungan.
18:12.8
na kalambiting mga baging
18:14.4
at ang paanan
18:16.6
ay may maliit na butas.
18:19.6
Mula ito sa ugat ng punong yon
18:21.6
na wari ay
18:22.9
para ba itong bukal?
18:26.2
Kaagad naman akong
18:26.9
nagpasintabi at uminom ng tubig
18:29.1
at habang nangyayari yon
18:31.5
si nanay
18:33.3
ay patuloy na nagsasalita.
18:36.8
Akala ko pa nga noon
18:37.7
ay ako ang kausap
18:38.5
kaya kaagad akong tumayo at bumati sa kanya.
18:40.7
Kaso ay nakatingala
18:43.2
lamang ang nanay ko.
18:45.5
Nakadipa ang kamay
18:46.5
na wari ba'y nagbibigay respeto?
18:51.3
Tinanaw-tanaw ko naman ang itaas
18:52.8
ng puno
18:53.3
at sa maniwala man kayo o sa hindi
18:56.4
nakikita kong
18:58.6
unti-unting bumababa
19:00.7
ang mga sanga noon.
19:04.7
Kinilabutan ako noon.
19:07.1
Yung mga baging pa ay gumagalaw.
19:10.7
Ibang parang bulate.
19:13.1
Ganon ang nakikita ko.
19:15.7
Kung kaya noon
19:16.8
ay nagtungo ako sa likod ng nanay.
19:20.0
Hanggang sa maya-maya pa
19:21.6
ay nakarinig ako
19:23.6
ng mga boses.
19:25.9
Malaking boses ito
19:27.3
na kung hindi ako
19:28.5
nagkakamali.
19:30.8
O me-eko pa yon.
19:33.8
Sinipat ko naman yon
19:34.9
at ganon na lamang
19:37.1
ang pagkawindang ko
19:38.5
nang masilayan ko
19:40.7
ang ubod na laking nilalanga.
19:44.1
Nakaupo ito sa gilid ng malaking puno.
19:48.0
Sobrang nakakatakot ang muka.
19:50.9
Mabalahibo ang katawan.
19:53.5
Kulay itim at malaki ang tiyan.
19:57.0
May bitbit pa yung tila mga dahon
19:59.5
ng saging na ginawang tabako.
20:03.4
Kasabay din ng paglitaw ng nilalanga
20:05.5
ay siya namang pagsambulag ng amoy
20:08.2
na sobrang napakabantot.
20:12.1
Mabantot pa ito sa panis na kilikili.
20:15.7
May kukumpara ang bantot na yon.
20:18.7
Habang may nakakasalubong kang taong grasa.
20:23.5
Ganon na ganon ang amoy, Sir Seth.
20:28.3
Kaibigan, ito ang bunso ko.
20:31.9
Mukhang takot din sa'yo.
20:34.1
Huwag mo namang pagdilatan ang mga mata, kaibigan.
20:37.2
Ito na lamang ang pag-asa.
20:38.2
Masakot, baka matulad sa mga kapatid niya.
20:41.4
Huwi ka ng nanay ko nun.
20:45.1
Numisiy ang nilalanga.
20:47.4
Bumuka-buka ang bibig at may lumalabas na boses
20:50.4
pero hindi ko maintindihan.
20:53.5
Wari bang sinanay lamang ang nakakaintindi roon?
20:57.5
Gawa ng tumatangu-tangu ang nanay ko
20:59.9
habang nagsasalita ang nilalang na yon.
21:04.9
Sinabi ko kay nanay na tama siya
21:06.7
at nakatakot pa siya.
21:07.9
May kapatuloy na nilalang na yon.
21:07.9
Nakakot pala talaga ito, kaya pala umatras ang mga kapatid ko noon.
21:14.0
Tinanong ko sa aking ina kung ano ang sinabi niya.
21:18.5
Ay naman sa aking ina, hindi lamang umano ito ang makikita ko.
21:24.6
Sandamakpak pang lamang lupa ang masisilayan ko, depende na sa akin kung makakatagal ako.
21:31.0
Kapre umano ang nakikita ko noon, at ayon sa kanya, natutuwa umano sa akin ang nilalang.
21:41.7
Kaya anak, huwag ka namang masyadong makahawak sa saya ko, mauhubaran mo ako niyan.
21:49.7
Hindi na ako nagsalita sa sinabi ng aking nanay, nakikiramdam lamang ako sa nilalang na yon.
21:57.0
Ganun palang itsura ng kapre.
21:58.9
Ayon kasi sa aking ama ay parang tao lamang ang laki, pero nakikita ko ngayon, ubod ng laki, Sir Seth.
22:09.2
Parang patay-gutom pa ang katawan dahil sobrang taba.
22:14.1
Maya-maya pa ay binaba ng kapre ang hawak nitong taba ko.
22:19.2
Mas malaki pa sa paako ang laki noon.
22:22.6
Tumango ang nanay at nagpasalamat.
22:27.3
Bitbitin mo yung upos.
22:29.4
Umalis na tayo dito.
22:31.2
May iba pa tayong pupuntahan.
22:33.6
Mungkahin ang nanay ko.
22:37.1
Nagtanong ako kung anong gagawin ng nanay doon sa upos ng kapre.
22:41.9
Ayon sa kanya ay gagamitin niya umano yon sa panggagamot.
22:47.0
Ang dami mong tanong.
22:48.7
Nagmamadali tayo.
22:50.5
Mahinahabol akong oras.
22:52.4
Sa bahay na lang.
22:54.5
Kukulangin pa umano ang isang buong araw kung magpapaliwanag pa ang aking inanon.
22:59.9
Kasabay ng pagkuha ko doon sa upos ng nilalanga.
23:03.9
Nag-alugan ng mga sanga.
23:06.5
Pag-angat ko ng tingin ay bumalik na sa itaas ng mga sanga ng punong yon ang nilalanga.
23:13.0
Maging yung mga ugat ay hindi na rin gumagalaw.
23:16.8
Nawala na yung kapre.
23:20.1
Napakabigat ng upos, Sir Seth.
23:22.7
Parang limang kilo atang bigat noon.
23:25.9
Sobrang tapang ng amoy.
23:28.9
Pamilyar na pamilyar sa akin ang amoy na yon.
23:32.1
Para yung pulbong ginagamit ng nanay ko na madalas ay hinahaluan ng langis at pinapahid sa pasyente.
23:39.4
Kaya naman napapaisip na ako noon na baka galing yon sa upos ng kapre.
23:46.6
Habang pababa kami ng lugar,
23:49.4
akala ko ipapauwi na kami noon pero lumihis kami ng daan.
23:54.9
Sumunod lang naman ako sa nanay ko.
23:56.6
Kumakalam na ang sikmura ko, nagre-reklamo na ako kay nanay.
24:02.5
Ang sabi ko'y gutom na gutom na ako noon.
24:05.8
Ayon naman sa aking ina,
24:08.4
mawawala umano ang gutom ko mamaya at mawawala din ang pagod ko sa katawan.
24:15.1
Nagtanong naman ako sa kanya kung bakit.
24:18.0
At ang tanging nasagot niya,
24:20.7
dahil umano sa tubig na nainom ko noon.
24:24.2
Mahiwagang tubig umano yon.
24:26.6
Kami lamang umano ang nakakalam.
24:30.3
Basta ay huwag ko umanong ipagsasabi sa iba ang lugar na yon.
24:35.5
Ingatan ko umano ang lugar na ito dahil
24:37.6
dito siya kumukuha o dito kami kumukuha ng lakas.
24:43.9
Hindi naman ako nagsalita noon pero napapansin ko sa sarili ko na
24:47.3
unti-unting ang nawawala ang pagod ko.
24:52.0
Namanid na kasi ang mga paako noon pero nawala na lamang bigla.
24:55.0
Tapos yung hawak kong upos,
24:58.0
sobrang gana.
24:60.0
Nawala din yung hapdiko sa tiyan.
25:03.0
Bagay na masasabi kong totoo nga ang sinasabi ng aking nanay.
25:09.0
Hanggang sa muli kaming huminto,
25:11.0
pero sa pagkakataong ito ay nasa isang espasyo na.
25:16.0
Hindi katulad kanina na wala akong ibang nakikita kung hindi ang nagtatayog ang mga puno.
25:23.0
Sa ginga ng lugar na ito,
25:24.0
may nakikita akong bahay sa unahan.
25:29.0
Doon kami nagtungo ng nanay ko.
25:32.0
Hindi ko naman na siya tinanong kung anong gagawin namin.
25:36.0
Basta sunod lamang ako ng sunod sa kanya noon.
25:41.0
Itong si nanay Mima ay nasanay na ako sa kanya.
25:45.0
Talagang napakatahimik.
25:47.0
Hindi mo alam kung anong nilalaman ng isip at malalaman mo na lamang kapag tatanungin mo na.
25:53.0
Hanggang sa makarating kami sa bahay,
25:57.0
maliit lamang ang tahanan na iyon na waribay namumukod tanging tirahan sa lugar.
26:03.0
Para ding walang tao,
26:06.0
napakatahimik pero
26:08.0
halatang napapangalagaan ng maayos ang paligid ng bahay.
26:12.0
Malinis iyon.
26:14.0
May maliit na daanan ito pero sa ibang direksyon naman.
26:18.0
May sinambit si nanay ng isip.
26:21.0
May sinambit si nanay pagsipat ko sa bintana.
26:25.0
May sumilip doon na sobrang tandang babae.
26:29.0
Ang mga buhok nito ay puting-puti ang lahat.
26:33.0
Tapos ay bungal ito.
26:37.0
Nakangisi habang nakatitig sa amin noon.
26:40.0
Sabi niya, sabi ko na nga ba na ikaw yan?
26:45.0
Ang aga naman ata ng pag-ala mo.
26:48.0
Dapat sa biyernes pa.
26:51.0
Sumagot naman ang aking ina.
26:54.0
Na ako daw kasi,
26:56.0
gusto ko lang malaman ang ginagawa niya kapag umaalis siya.
27:01.0
Parang gusto din na ata maging katulad ko, Mama Silva.
27:05.0
Sambit ni nanay.
27:07.0
Kagad kong naisip na isa ding albularyo ang matanda pero
27:12.0
ang tanong ko sa isip ko,
27:15.0
bakit tinawag niyang Mama Silva ang matandang iyon?
27:19.0
Gulat na gulat ako, Sir Seth.
27:22.0
Kinawain ako ng matandang iyon at sinabing,
27:26.0
Halika nga, apo.
27:28.0
Hindi ka ba magmamano sa lola mo?
27:31.0
Mana sa asawa mo, Mimay.
27:33.0
Malakas ang loob.
27:35.0
Teka.
27:36.0
Ito na, Mimay.
27:38.0
Ito na ang anak na susunod sa iyo.
27:40.0
Ito ang apo kong magiging medium balang araw.
27:45.0
Sambit nito.
27:47.0
Doon ay sinabi ni nanay na lola ko siya.
27:50.0
Ina siya ni nanay.
27:52.0
Gulat na gulat ako noon.
27:55.0
Sa pagkatulala ko ay muli akong sinabihan ng aking ina na
27:60.0
magmano dito at huwag nang tumulala pa.
28:03.0
Teka, Nay.
28:05.0
Ang sabi kasi sa akin ni Tatay,
28:08.0
patay na po yung magulang niyo, di ba po?
28:11.0
Tanong ko sa kanya.
28:13.0
Para bang nagiba ang ihip ng hangin sa mga santay?
28:16.0
Binalot talaga ako ng misteryo.
28:19.0
Sa pagkakaalam ko ay laging bukang bibig ng tatay na nakuha ni nanay Mimay ang kanyang kaalaman sa lola pero matagal na umano itong namaya pa.
28:31.0
Muling pinaliwanag ng aking ina na,
28:34.0
Yun umano ang lola ko.
28:37.0
Kadugong kadugo.
28:39.0
Buhay na buhay.
28:41.0
Nilihim lamang umano itong lola ko.
28:44.0
Nilihim lamang umano nila ang pagkatao niya.
28:48.0
At ang mga nakikita ko sa paligid ko ay lupain namin umano.
28:54.0
Hindi pa kasi napapanahon noon na malaman ko ang lahat.
28:58.0
At ako lamang din umano ang nakakaalam maliban sa tatay ko na buhay pa si lola.
29:04.0
Ang mga kapatid ko hindi.
29:07.0
Pero nasisilayan umano sila ng lola ko palagi nun.
29:12.0
Ang gulo, Nay.
29:13.0
Ang gulo, Nay.
29:14.0
Papanong hindi alam na mga kapatid ko?
29:17.0
Diba nga katulad ko ninais ding matuto nila ng kaalaman mo?
29:21.0
E di dapat nakita na rin nila si lola.
29:24.0
Sambit ko pa.
29:27.0
Ayon sa aking ina, hanggang unang subok lamang umano ang mga kapatid ko noon.
29:33.0
Doon pa lamang sa batis ay hindi na nakapasa ang mga ito.
29:37.0
Kaya hindi na niya pinili pang ipagpatuloy.
29:41.0
Dahil kapag nangyari yon, mas matatakot ang mga kapatid ko.
29:46.0
Hanggang doon lamang sila umano at umuwi na ang mga ito.
29:51.0
Maliban na lamang sakin dahil nakikita niya daw na ako na talaga ang karapat-dapat noon.
29:57.0
Muli akong nagtanong kung totoo ba na buhay talaga si lola at hindi ako nananaginip.
30:05.0
Nabanggit niya na may mas nakakatakot pang susunod na mananaginip.
30:10.0
Sabi ko'y saan?
30:12.0
Eh hindi naman nakakatakot si lola.
30:15.0
Oo, gabi-gabi kitang nakikita apo.
30:18.0
Kayong lahat.
30:20.0
Alam ko ang mga ginagawa niyo.
30:22.0
Sagot ni lola sa'kin.
30:24.0
Nanlaki ang mga mata ko noon.
30:26.0
Pa'panong nasabi yon ng lola ko na gabi-gabi kami nasisilayan?
30:30.0
Bagya akong nakaramdam ng pangingilabot.
30:33.0
Pagkakataon ako sa'yo.
30:35.0
Pagkakataon ako sa'yo.
30:37.0
Pagkakataon ako sa'yo.
30:38.0
Pagkakataon ako.
30:39.0
Kaming nilabot.
30:41.0
Sa isip ko.
30:42.0
Engkanto din si lola.
30:46.0
Hanggang sa nagsalita ang nanay.
30:48.0
Ang sabi nito saer se.
30:52.0
Ang lola ko umano o.
30:54.0
Ay isang aswang.
30:58.0
Mantaki niyo, kaya pala nilihim ang pagkatao ng lola ko dahil hindi pala ito pang karaniwang tao.
31:05.0
Hindi engkanto.
31:07.0
Mas malala pa.
31:09.0
Pinitigan ko si Lola pero nakangiti ito sa akin na wari ba'y hindi man lamang alintana na natatakot ako sa kanya.
31:18.9
Tinawag ako nito. Lalawayan niya umano ako. Baka umano ako mausog sa kakatitig ni Lola noon at lagnatin pa ako kinabukasan.
31:31.2
Diba? Mas nakakatakot ang susunod mong malalaman. Lumapit ka na sa Lola mo para hindi ka mausog.
31:39.2
Makamandag ang titig ng Lola mo anak. Sabat ni Nanay noon.
31:44.6
Sa pagkakataong yun kahit abot langit na ang takot ko, pinilit kong maging kalmado.
31:51.7
Nakikita ko namang nakangiti si Lola. Sadyang napapangunahan lamang ako ng takot noon.
31:58.4
Pero ang totoo ay hindi ko talaga lubos mapagtanto na buhay pa si Lola.
32:03.6
Lalong lalo na. Aswang pala ito.
32:06.4
Lumapit ako kay Lola. Dinilaan niya ang kanyang hinalaki at dinampisa noon ko noon.
32:14.9
Matapos noon ay inihipan niya ang bunbunan ko.
32:19.7
Napansin kong may suot siyang kwintas. Rosaryo ito at may palamutipang malaking krus.
32:26.7
Kagad kong naisip na si Lola ay nananampalataya pa rin.
32:31.0
Nakapagtataka. Papanong sumasampalataya ang isang aswang?
32:35.1
Sa sinasamba ng karamihan.
32:39.4
Pagsilip ko pa sa loob ng bahay ay nakita kong may mga bagay na katulad ng nakikita ko sa altar namin.
32:46.8
Karaniwang ribulto ng ama. At iisipin mong hindi aswang si Lola.
32:53.7
May maraming pagkakaiba mga aswang anak. May aswang sa kadiliman. May aswang din sa liwanag.
33:02.0
Yung Lola mo. Aswang sa liwanag.
33:05.1
Ang mga katulad umano ni Lola ay ang mga tinatawag na puting aswang.
33:13.3
Dagdag pa niya ay ang Lola ko umano. May lakas umano itong walang pinagiba sa karaniwang aswang pero hindi ito kumakain ng karne.
33:25.1
Gulay at karaniwang pagkain lamang na mga taong bukit nun.
33:30.3
Napapailing na lamang ako ng mga sandaling yun.
33:32.5
Ang paniniwala kong napakasama ng aswang. Lalong-lalong nakapagsagamutan ng aking ina.
33:40.6
Bumaliktad lahat. May tinatawag palang ganon.
33:45.9
Ngayon Sir Seth, ito ang pinakadahilan kung bakit ako napasulat.
33:52.5
Dahil napakalaki ng kinaibahan itong kwento ko sa mga naririnig ko sa iba't ibang mga kwento.
34:00.0
Keso gabunan daw.
34:02.5
Hulag. Balbal. Kaskas. Bangkilan at kung ano-ano pang pangalan ng aswang.
34:09.8
Na hindi ko alam kung saan lupalop ito nagmula.
34:13.8
At ang kabuuang pananaw ko, lahat ng mga ito'y masasama.
34:19.8
Pero mantakin nyo, may aswang pala na aswang sa liwanag.
34:26.6
Maniwala man kayo o sa hindi pero ang bawat salaysay na isinulat ko ay hindi ito labag sa isip.
34:32.5
gawa-gawa lang
34:33.2
kung hindi ito talaga
34:35.8
ang nasilayan ko nun.
34:38.7
Bueno,
34:40.1
balik tayo sa kwento.
34:43.4
Siyempre,
34:44.2
naroroon na tayo
34:44.9
sa usaping aswang.
34:46.9
Tinanong ko kaagad
34:47.9
ang lola
34:48.4
kung nagpapalit din ba
34:49.6
ng anyo.
34:51.7
Alam nyo kung ano
34:52.7
ang sabi niya?
34:54.8
Hindi umano siya
34:55.6
nagpapalit ng anyo.
34:57.9
Tao lamang siya
34:58.8
pero may abilidad siyang
35:00.0
hindi makikita sa iba.
35:02.5
At ang abilidad na yon
35:04.2
ay walang limitasyon.
35:06.8
Hindi katulad
35:07.5
ng ibang aswang
35:08.3
na gabi lamang
35:09.1
lumalabas ang lakas.
35:11.8
Siya umano
35:12.3
ay pwedeng gumamit
35:13.6
ng abilidad
35:14.3
mapaaraw manugabi.
35:18.6
Maya-maya pa
35:19.5
pagkatapos niyang sabihin yon
35:21.2
ay tinanong ako ni lola
35:22.3
kung gusto ko bang makita.
35:26.7
Kaagad naman akong tumango.
35:29.1
Lumakas na ang
35:29.8
kurisidad ko nun.
35:32.5
Numisi naman sa akin si lola.
35:35.2
Sinabing mamaya
35:36.3
o bukas na lamang daw.
35:38.8
Bibisita na lamang siya
35:39.9
sa bahay namin pero
35:40.9
ako lamang ang makakakita
35:43.3
sa kanya.
35:45.3
Yun ang isang abilidad niya.
35:47.5
Kung sino ang pinili niya
35:48.9
makakita
35:49.6
ay yun lamang ang taong
35:51.2
makakakita sa kanya nun.
35:56.0
Maliban umano
35:56.9
sa dinaan namin nun.
35:59.1
Tinanong niya ang nanay ko
36:00.2
kung ano pang sadya nito.
36:02.5
Ayon sa aking ina
36:04.3
ay magpapagawa umano siya
36:05.7
ng langis
36:06.2
kasi mauubos na umano
36:08.2
yung langis niya.
36:10.3
Dagdag pa niya
36:11.0
para umano makita
36:13.3
at malaman ko rin
36:14.3
kung papano ginagawa
36:15.5
ni lola yon.
36:17.4
Ang tingin kasi ni nanay
36:18.4
noong mga panahon
36:19.0
nagkita kami
36:19.8
ay magkakasundo kami
36:21.8
maglola.
36:24.4
Napilitan akong tumango
36:25.6
at magpanggap
36:26.3
na nagkasundo na kami
36:27.3
ni lola.
36:28.9
Kahit alam ko naman
36:29.6
sa sarili kong
36:30.4
naaasiwa pa rin ako
36:32.3
sa kanya.
36:35.5
Nakakakilabot tingnan
36:36.4
ng lola.
36:38.1
Hindi man aswang
36:38.9
pero yung itsura
36:39.8
ay parang bruha
36:40.7
na siguro kapag
36:42.8
makakasalubong mo
36:43.8
sa daan
36:44.2
tapos malalim pa
36:46.0
ang gabi
36:46.3
ay talagang mapapatakbo
36:47.5
ka sa takot.
36:50.6
Ilang saglit lang
36:51.3
ay may kung anong
36:52.2
kinuha si lola
36:53.1
sa likod ng bahay.
36:55.6
Dalawang bao
36:56.4
ito na binunutan.
36:58.8
Hindi kailan
36:59.5
nagagawa talaga
37:00.3
ng langis nun.
37:02.3
Pero iba
37:02.8
ang pamamaraan niya.
37:05.3
Matapos makudkod
37:06.3
ang gata.
37:08.1
Nilagay niya ito
37:08.9
sa sisidlang kawayan
37:10.1
at sinilaban.
37:12.0
Tapos ay may kung anong
37:13.3
binudbo doon
37:14.1
na waribay
37:14.8
mga tipak ng kahoy.
37:17.7
Hanggang sa matapos
37:18.7
at panalamig muna ito
37:19.9
bago nilagay
37:20.7
sa malaking garapa.
37:23.4
Ayon sa lola
37:24.2
ay hinaluan niya
37:25.0
umano ng tipak
37:25.8
ng sinukuan.
37:27.9
Ayon naman kay nanay.
37:29.9
Isang pahiwating
37:30.9
ng mabuting aswang
37:31.9
si lola.
37:32.3
Isa kasi
37:34.6
sa pinakaayaw
37:35.6
ng aswang
37:36.1
ay ang sinukuan.
37:38.1
Lalo na kapag banal ito
37:39.3
kagaya ng naroroon
37:40.5
sa batis na iyon.
37:43.5
Napapailing na lamang
37:44.5
ako ng mga sanaling iyon.
37:47.0
Hindi ako nagsalita.
37:49.0
Wala din naman
37:49.5
akong masabi pa.
37:51.6
Maliban na lamang
37:52.5
sa binalot ako
37:53.3
ng pagtataka
37:54.2
at pagkamangha
37:55.1
sa mga natuklasan ko
37:56.2
nung araw na iyon.
38:00.1
Maya maya pa.
38:01.8
Nagpaalam
38:02.3
na si nanay.
38:04.4
Akala ko
38:04.9
ayon na
38:05.4
ang mga sandaling
38:06.2
uuwi na kami
38:07.1
pero
38:07.5
ang nangyari.
38:10.7
Naglakad pa kami
38:11.5
at alam kong
38:12.4
ibang landas ito.
38:15.8
Sapagkat kung
38:16.5
pauwi pa ay dapat
38:17.5
masisilayan ko
38:19.0
ang dagat sa malayo
38:20.0
pero
38:20.3
sa puntong ito
38:22.5
ang kaharap ko
38:23.6
ay kabundukan.
38:26.2
Nagtanong ako
38:26.9
kay nanay
38:27.4
kung saan naman kami
38:28.4
pupunta.
38:30.2
Ang sabi niya
38:30.9
ay may dadaanan
38:31.9
lamang daw kami doon
38:32.9
sa itaas ng bundok.
38:36.2
Tinanong ko
38:36.8
kung saan siya nakaturo.
38:39.4
Napanganga ako
38:40.1
dahil napakatarik
38:41.3
ng bundok na iyon.
38:43.7
Natatansya ko pa nga
38:44.8
sa sarili ko
38:45.4
na baka
38:45.9
abutin kami
38:47.1
ng tanghali
38:47.8
bago pa makarating
38:48.7
sa lugar.
38:50.9
Hindi ko naman
38:51.5
tinanong si nanay
38:52.4
kung anong gagawin
38:53.2
namin doon.
38:55.0
Sumunod na lamang
38:55.8
ako sa kanya.
38:57.8
Pero habang
38:58.4
nangyayari ito
38:59.2
panaysipat ako
39:01.0
sa bahay ni lola.
39:01.9
Habang pataas
39:04.8
ng pataas
39:05.3
ang lugar
39:05.8
pansin kong may
39:07.8
iilan pang
39:08.5
mga kabahayan
39:09.4
pero malalayo
39:11.1
ito mula
39:11.5
sa bahay ni lola.
39:14.1
Meron pa akong
39:14.8
nakitang maliit
39:15.6
na kalsada noon.
39:19.6
Hindi ako
39:20.0
nagkamali.
39:21.7
Tanghali na nga
39:22.4
kami nakarating
39:23.1
sa itaas ng bundok
39:24.1
pero hindi man
39:25.9
lamang ako
39:26.4
nakaramdam
39:27.0
ng pagod.
39:29.3
Sa hirap
39:29.7
ng daan
39:30.2
at init
39:30.7
ng panahon
39:31.3
ni konting
39:32.9
pawis
39:33.5
ay walang
39:33.9
pumatak
39:34.5
na para lang
39:35.7
akong naglalakad
39:36.6
sa malapit.
39:39.3
Dama ko yun
39:39.8
dahil gumagala
39:40.6
din ako
39:40.9
sa bundok
39:41.4
minsan.
39:43.1
Sa tuwing
39:43.4
sinasama ako
39:44.2
ng tatay ko
39:44.8
kapag nangangahoy.
39:47.2
Kung ikukumpara
39:47.9
lupay-pay ako
39:49.6
pero sa mga
39:50.2
sandaling ito.
39:52.2
Hindi.
39:53.8
Paikot-ikot
39:54.5
lamang kami
39:55.1
doon sa tuktok
39:55.9
ng bundok
39:56.4
na yon.
39:58.2
Hanggang sa
39:58.6
nabagot ako
39:59.1
at doon pa
39:59.7
ako nagtanong.
40:01.3
Nay,
40:04.1
tatlong beses
40:04.6
na ata nating
40:05.2
nalibot dito ah.
40:07.3
Ano po ba
40:07.7
talaga yung gagawin
40:08.3
natin?
40:10.6
Mamaya
40:10.9
malalaman mo
40:11.6
anak.
40:14.6
Hanggang sa
40:15.4
maya-maya pa
40:16.2
napapansin kong
40:18.0
unti-unting
40:18.9
kumukulimlim.
40:21.0
Yun bang
40:21.4
parang nasa
40:22.1
ilalim kami
40:22.7
ng kakahuyan
40:23.5
pero
40:23.8
nasa tirik
40:25.7
na araw.
40:28.1
Nakapagtataka
40:28.8
kalat naman
40:30.3
ang ulap
40:30.9
pero kulimlimlim.
40:31.3
Ang paligid
40:32.2
noon.
40:33.8
Ilang saglit
40:34.9
lamang ay lumamig
40:36.0
at dito na
40:36.7
sinabi ni nanay
40:37.7
na kung anong
40:39.3
makikita ko
40:40.0
ay hayaan ko
40:40.9
na lamang umano.
40:43.9
Walang-wala
40:44.8
lang sa akin
40:45.3
ang sinabi
40:45.8
ng nanay ko.
40:47.6
Hanggang sa may
40:48.7
nakita kong
40:49.5
lumulundag-lundag
40:50.7
sa paligid
40:51.3
noon.
40:53.1
Para itong
40:53.7
mga batang
40:54.5
sobrang
40:56.0
papangit
40:56.6
ng muka.
40:58.4
Kung baga
40:59.0
sa panahon
41:00.2
natin ngayon
41:00.8
ay pwede
41:01.3
mong tawag
41:01.8
yung tiyanak.
41:04.9
Binilisan ko
41:05.6
ang paglalakad
41:06.5
para magdikit
41:08.2
kami ng nanay.
41:10.5
Hinihila ko
41:11.2
ang saya niya
41:12.0
at tinuturo ko
41:13.0
ang nakikita ko
41:13.8
pero
41:14.1
hindi ako
41:15.5
pinapansin
41:16.2
ng nanay ko noon.
41:18.3
Sa alip
41:18.8
ay tinatapik niya
41:19.7
pa ang kamay ko.
41:22.1
Hanggang sa may
41:22.8
nakita ko
41:23.5
sa gitna ng lugar
41:24.5
kung saan kami
41:26.6
nagpapaikot-ikot.
41:29.3
Babae,
41:30.0
hubot-huba dito
41:31.8
at hanggang lupa
41:33.0
ang buhok noon.
41:35.7
Manipis
41:36.2
ang pangangatawan.
41:38.2
Napakaliit
41:38.8
ng muka
41:39.2
na para bang
41:40.9
isang laruan lang.
41:44.2
Ganoon na ganoon
41:45.2
ang nakikita kong
41:46.2
literal na maganda
41:48.3
ang babae niyon
41:49.2
pero
41:49.5
nakapagtataka namang
41:52.2
bakit may tao
41:54.0
sa lugar na iyon.
41:57.3
Nagsalita si nanay
41:58.6
huwag na huwag
42:00.9
kumanong tititigan
42:02.2
ng babae.
42:04.5
Hindi ko alam
42:05.4
kung bakit
42:05.9
pero
42:06.2
binaling ko
42:08.2
ang tingin ko
42:08.9
malayo dito.
42:12.2
Hindi ba tayo
42:12.9
hihintunay?
42:14.9
Ang katinan
42:15.3
ng mga paako.
42:18.4
Hindi mo
42:19.2
namamalayan,
42:19.9
anak?
42:21.5
Habang paikot-ikot
42:22.6
tayo,
42:24.2
palapit ng palapit
42:25.2
tayo sa diwata.
42:27.6
Ano?
42:28.6
Diwata yun,
42:29.6
nay?
42:31.3
Diwata,
42:32.1
anak.
42:33.5
Siyang pinunta natin.
42:36.0
Basta mamaya mo na siya
42:37.0
tingnan kapag nasa
42:37.9
malapit na tayo.
42:40.0
Saglit na lang.
42:41.8
Mungkain ang nanay.
42:44.2
Hanggang sa tuluyan
42:45.2
na kaming nakalapit
42:46.2
sa babae
42:46.8
at doon ko
42:48.4
nakita ng malinaw
42:49.7
ang itsura.
42:51.8
Sobrang napakaganda niya.
42:54.4
Yung mga mata
42:55.1
ay kulay asol
42:56.3
at ang puti
42:56.9
ng balat.
42:58.6
Naiilang nga lang
43:00.2
ako noon
43:00.6
gawa ng labas
43:01.7
lahat ng maselan
43:02.5
niya sa katawan.
43:04.8
Ang hubog
43:05.4
ng katawan niya
43:06.2
ay perpekto
43:07.3
at napakatangkad
43:08.6
nito.
43:10.3
Yung labi
43:10.8
ay manipis.
43:12.6
Napakatangos
43:13.3
ng ilong nawari
43:14.2
banyaga.
43:16.7
Kung hindi ako
43:17.3
nagkakamali
43:18.0
ay ilang dipa
43:18.9
lamang ang layo
43:19.8
namin sa kanya.
43:22.3
Naglaka dito
43:23.2
palapit sa amin.
43:25.5
Nakikita kong
43:26.2
hindi sumasayad
43:27.3
ang kanyang talampakan
43:28.3
sa lupa.
43:30.5
Lumulutang ito
43:31.4
sa madaling salita.
43:34.2
Yumuko
43:34.6
ang nanay
43:35.2
at kasabay nito
43:35.9
ay hinatak niya
43:36.8
ang balikat ko.
43:38.6
Dahilan para
43:39.3
mapayuko na rin ako noon.
43:42.3
Patuloy
43:42.8
sa paglalakad
43:43.5
yung babae.
43:45.4
Yung mga paa niya
43:46.2
ay nasa harapan namin.
43:48.5
Huminto ito.
43:50.4
Hindi ako
43:51.1
tumingala
43:51.6
pero sa pagkakatansya ko
43:53.1
ay
43:53.4
abot kamay ko na yon.
43:57.0
Yung maselang bahagi
43:58.0
ng katawan
43:58.3
niya
43:58.6
ay kitang kita ko.
44:00.9
Walang tabon yon.
44:03.1
Hindi ito
44:03.9
nahihiya.
44:06.3
Tumingin ako
44:07.1
kay nanay
44:07.8
nakapikit
44:08.6
ang kanyang mga mata.
44:11.4
Walang ano-ano
44:12.2
ay narinig kong
44:13.1
nagsalita ang babae.
44:15.5
Para akong
44:16.4
nakarinig ng awit
44:17.5
mula sa humeheling
44:18.5
mga anghel.
44:20.9
Naiintindihan ko
44:21.7
ang boses
44:22.3
ng babae.
44:24.5
Ayon dito
44:25.1
ano daw ba
44:26.9
ang pakay namin nun?
44:28.3
Ayon naman
44:30.4
sa aking ina
44:31.2
ay hihingi daw siya
44:32.3
ng basbas.
44:34.0
Hindi para sa kanya
44:35.1
kundi para sa akin.
44:37.9
Para sa anuman
44:38.6
o ang gagamitin
44:39.5
basbas?
44:40.8
Tanong ng diwata.
44:44.0
Ipinakilala ako
44:44.8
ni nanay
44:45.3
na siyang anak niya.
44:47.8
Gusto niya
44:48.4
umanong maging bukas
44:49.4
ang katawan ko
44:50.2
para tanggapin
44:51.6
lahat ng mga kaalaman
44:52.8
nang hindi ako
44:54.6
dumanas ng hirap.
44:57.4
Nakiusap ang
44:58.2
aking inang
44:59.0
patnubayan umano
45:01.3
ang hiling niya nun.
45:04.3
Hindi na nagsalita
45:05.7
ang babae.
45:07.5
Ako naman ay gusto kong
45:08.5
sipati ng muka niya
45:09.5
pero
45:09.8
hindi ko maiangat
45:11.8
ang ulo ko.
45:13.9
Sobrang diin
45:14.7
ang pagkakahawak
45:15.7
sa akin ng nanay.
45:18.1
Umiling ito
45:18.8
at nakatitig sa akin
45:19.8
ng masama nun.
45:22.6
Ibig sabihin lamang nun
45:23.9
hindi ako
45:25.9
pwedeng tumingala.
45:28.2
Ilang saglit lang
45:30.7
ay bigla na lamang
45:31.6
lumiwanag ang paligid.
45:34.4
Dama ko na rin
45:35.0
ang tama ng araw nun.
45:37.6
Narinig ko
45:38.2
ang malalim na pagbuntong
45:39.6
hininga ng aking ina.
45:42.4
Humingi ito
45:43.0
ng salamat.
45:45.9
May basbas ka na
45:46.6
sa kalikasan.
45:48.4
Bukas na rin
45:48.9
ang mga mata mo
45:49.5
sa mga bagay
45:50.2
na hindi nakikita
45:51.0
ng iba.
45:53.0
Huwag kang matatakot,
45:53.9
anak.
45:55.2
Hindi sila
45:55.7
mananakit sa'yo
45:56.4
dahil may basbas ka na.
45:58.2
May basbas ka na rin
45:59.8
ng lumika
46:00.2
at hindi ka na
46:01.8
mahihirapan
46:02.6
sa mga pagsubok
46:03.6
na ipaparanas ko sa'yo.
46:07.2
Niyaya na ako
46:08.0
ng aking ina
46:08.8
na umuwi na
46:09.3
matapos niyang sabihin
46:10.4
ang lahat ng iyon.
46:12.8
Saka palang din ako
46:13.6
tumingala.
46:15.9
Pagangat ko
46:16.5
ng tingin ko
46:17.2
sobrang sarap
46:19.5
sa pakiramdamat.
46:21.5
Wari ba'y
46:22.0
nagaganda na ko
46:22.8
sa mga nakikita ko?
46:25.2
Ewan ko ba
46:25.7
kung bakit
46:26.2
nagkaganon?
46:27.7
Magiging
46:28.2
ang mga puno,
46:29.7
damo
46:30.1
at buong kapaligiran.
46:32.4
Gandang-ganda ako
46:33.3
samantalang kanina naman
46:34.6
naiinis ako
46:36.2
dahil sa mga masukal yun.
46:39.9
Nakangiti lamang
46:40.8
ang nanay ko
46:41.4
habang nakatitig sa akin
46:42.6
na nagtataka
46:43.3
na nangyayari.
46:45.6
Habang papauwi kami,
46:47.8
ang sabi niya sa akin
46:48.7
ay mahalin ko daw
46:49.5
ang kalikasan.
46:51.6
Inulit niya na naman
46:52.6
na dito kami
46:53.3
kumukuha ng lakas nun.
46:56.6
Magkakaroon naman
46:57.4
ng konting
46:58.1
pagbabago sa sarili ko
46:59.4
at
46:59.6
alam niya daw yun
47:01.1
dahil yun din
47:02.1
ang naranasan niya dati.
47:04.7
Nang dalhin siya
47:05.5
ng lola
47:06.0
sa lugar na yun.
47:08.2
Mamamang haumano ako
47:09.4
sa mga makikita ko
47:10.6
at magagandahan.
47:13.7
Para bang may hatid
47:14.4
na saya
47:14.8
ang kalikasan sa akin.
47:17.6
Tama naman
47:18.1
ang nanay ko
47:18.7
dahil sa puntong yun
47:20.8
ang gaan talaga
47:21.8
ng pakiramdam ko.
47:23.9
Hindi yun dahil
47:24.7
sa tubig na nainom ko
47:25.9
mula sa batis.
47:26.9
Kundi ay nahuhumaling
47:29.3
akong makita
47:30.2
ang mga kakahuyan.
47:33.7
Apon na nang
47:34.7
makarating kami sa bahay
47:35.9
at nagkataon pang
47:38.0
may pasyente.
47:40.8
Anak,
47:42.5
ikaw ang gagamot dyan.
47:44.5
May sasabihin ako
47:45.3
mga katagama
47:46.1
maya pero
47:46.6
magpagpagka muna.
47:49.4
Kuntahan mo
47:49.8
yung tatay mo.
47:52.1
Edwin,
47:53.2
alam mo na yung gagawin.
47:55.9
Tumangula mga kopya
47:56.9
pero nagugulan ako
47:57.9
kung bakit
47:58.6
kinakailangan kong magpagpag.
48:01.9
Pagkarating ko
48:02.6
sa likod ng bahay
48:03.6
nakita ko
48:05.2
ang tatay ko
48:05.9
na nagsisigan ng bunot
48:07.1
na para bang
48:08.7
alam na alam
48:09.4
ang mangyayari.
48:11.7
Kinawayan ako nito
48:12.5
at sinabing
48:13.2
lakaran mo yung usok
48:16.4
ng tatlong beses, anak
48:17.3
tapos magbihis ka.
48:21.6
Nagtanong naman ako
48:22.3
kay tatay kung bakit
48:23.4
at ayon dito
48:25.2
iniiwanan
48:26.9
ang nanay ko
48:28.2
na masundan kami
48:29.1
ng aswang.
48:30.9
Baka umanong may nakamasid
48:32.7
sa aming mga
48:33.3
kung ano dyan
48:34.1
sa tabi-tabi
48:34.7
habang isa-isang
48:36.8
pinupunta
48:37.4
ng mga banal na lugar
48:38.4
sa gubat.
48:41.2
Sino po tay?
48:42.8
Si lola?
48:45.5
Alam mo na pala
48:46.4
yung pagkatao
48:47.0
ng lola mo.
48:48.8
Buhay pa siya,
48:49.3
anak ano?
48:50.8
Pasensya ka na.
48:52.6
Din din kasi
48:53.2
yung sabi ng nanay mo
48:54.0
sa akin.
48:55.2
Ilihim ko daw
48:56.0
pero
48:56.2
Hindi si Mama Silva yung aswang na tinutukoy ko
48:59.5
Kundi ibang aswang
49:01.8
Sige na at matapos ka na dyan
49:05.2
Hindi na lamang ako nagsalita nun
49:10.2
Sumunod na lamang ako sa kung anong pinapagawa sa akin ng mga magulang ko
49:14.8
Pero nakakapanibago talaga
49:18.2
Para bang hindi ko nakilala ang sarili ko
49:23.8
Sa isang araw nakaganapang yun
49:25.9
Ay ang laki ng pinagbago
49:28.1
Matapos kong makapagbihis ay dumaan ako kay nanay na nakaharap sa altar
49:33.9
May binulong ito sa akin
49:36.7
Orasyon ito
49:39.2
Hindi ko po pwedeng isiwalat dito kung ano yun
49:43.2
Buhay na salita at delikado kapag nabanggit ng hindi tama
49:47.2
Matapos noon ay bumaba at nagtungo ako sa kamalig
49:53.9
Bitbit ko noon ang langis na inabot sa akin
49:55.9
Ang sabi ng nanay ko
49:56.6
Ang sabi ng nanay ko ay pakiramdaman ko muna umano yung pasyente
50:01.5
Lalaki yun at isang matanda ito
50:04.5
May kasamang dalagitan na tingin ko ay sing edad ko lamang
50:08.9
Siyempre sinunod ko ang sinabi ng nanay ko noon
50:13.5
Pinakiramdaman ko ang pasyente
50:16.3
Hanggang sa tinawag ako ng aking ina
50:19.2
Pinalapit niya ako sa kanya
50:21.9
Kasalukuyan siya noong nasa bintanang nakasilip kasama ko
50:25.9
Kasama si tatay
50:26.7
Nakangisi ang dalawa na wari ba tuwang tuwa sa akin noon
50:30.7
Anong ginagawa mo Rosa?
50:36.5
Pinakiramdaman ko nay, di ba yun naman yung sabi niyo?
50:40.5
Diyos miyo naman anak
50:41.6
Hindi titig ang pakiramdam
50:44.2
Yun ba yung nakikita mo sa akin?
50:47.9
Hawakan mo yung pulso niya sa kamay
50:49.5
Tapos yung isang kamay mo sa panipit niya
50:53.8
Sa pagitan ba ng bisig at braso?
50:55.9
Susko, ako na nga muna
50:58.9
Masdan mo ah
51:00.9
Bumaba ang nanay sa bahay
51:04.0
Lumapit siya sa pasyente at ayun
51:06.7
Pinulsoan niya ang matanda
51:08.7
Dapat kasi nay sinabi niyong pupulsuan eh
51:12.8
Teka, paano bang malalaman ng sakit niya nay?
51:18.5
Bumulong sa akin ang aking ina at doon ay nalaman ko kung ano ang batayan
51:22.5
Kung anong sakit meron ng pasyente noon
51:25.9
Eto na naman
51:27.8
Hindi ko pwedeng sabihin dito kung ano ang paraan yun
51:31.5
At kung paano manalaman ang sakit ng tao
51:34.6
Matapos noon eh, kaagad kong napagtanto na
51:39.5
Pilay ang karamdaman ng matanda
51:41.8
Mabilis ko ding nalaman kung saan banda
51:45.3
Natutukoy mo naman yun sa oras na magtanong ka kung saan banda sa katawan ang masakit noon
51:51.0
Inilot ko lang
51:53.5
Karaniwang hilot na
51:55.9
Bahala na
51:57.8
Tapos usal na mga katagang batay sa mga binigay na salitang buhay ni nanay
52:03.1
Pero yung langis
52:05.9
Habang pinapahid ko sa parte ng katawan ng matanda
52:10.1
Napaka-init
52:12.4
Hindi ko alam kung bakit ang init
52:15.6
At hindi naman yung langis na nabibili sa butika lang
52:18.8
Lokal yung ginagamit ko
52:22.6
Basta, nung nasa kamay ko pa
52:25.2
Normal lamang yun
52:26.9
Pero noong nasa katawan na ng matanda ay bigla na lamang uminit ito
52:32.7
Namama nga ako
52:34.7
Imala namang umaliwalas ang itsura ng pasyente
52:38.5
Nga pala
52:41.2
Hindi ko itatago ito
52:44.0
Tumatanggap kami ng pera mula sa pasyente
52:46.8
Hindi yung naririnig ko sa kwento na hindi nagpapabayad
52:51.0
Para din doktor
52:54.2
Aminado ako ngayon
52:55.2
Ang isa yun sa pinagkakakitaan namin
52:57.0
Pero yun lang na kusang loob na nabibigay
53:00.1
Pero kapag wala naman
53:02.2
Ayos lamang din
53:03.6
Basta pag nagtanong sila ng magkano
53:06.8
Sasabihin na lamang namin sila ang bahala
53:09.7
Nakakatawa ngang isipin na sa naririnig ko kasi sa mga kwento ng iba
53:15.3
Kahit ngiti lamang ng pasyente sapat na bayad na yun
53:18.7
Pero sa totoo lang
53:20.9
Napaka-imposible
53:24.6
Hindi naman yung isa yun sa pinagkakakitaan namin
53:25.2
Hindi pa ito ang kabuan ng kwento ng buhay ko
53:27.6
May susunod pa
53:29.6
Pero napahaba na Sir Seth
53:32.5
Sa ngayon hanggang dito na lang muna
53:36.5
Magpapasulat na lamang ako sa susunod
53:40.3
Marami kasi akong naging karanasan mula nang magkaroon ng karunungan
53:45.0
Hindi lang sa lamang lupa
53:47.5
Pati na rin sa kumbate at mga aswang
53:50.4
Maging ang karanasan ko kasama ang lola
53:55.2
Iisisiwalat ko din
53:56.5
Lahat ng ito ay dahil lamang sa pinagdaanan ko
54:01.1
Bagwa ko maging albularya
54:04.5
Na apo
54:06.4
Ng isang aswang