Close
 


Sa High Blood, 10 Bagay Na Bawal Gawin. - By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa High Blood, 10 Bagay Na Bawal Gawin. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Panoorin ang Video: https://youtu.be/aIiFVv127hw
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 14:07
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.8
Topic po natin, 10 bawal gawin kung umiinom kayo ng gamot sa high blood.
00:07.5
Kung umiinom kayo ng amlodipine, losartan, tandaan nyo ito, 10 bawal ginagawa pero hindi alam na iba.
00:15.3
Tapos mamaya pag-uusapan ko rin, ano yung tamang blood pressure para sa'yo.
00:21.2
Hindi pare-pareho ang tamang blood pressure, depende sa'yo kung ano sakit mo, ano edad, iba-iba po yan.
00:28.5
Okay, so basically ang alam lang natin, 120 over 80, pinakamaganda, diba?
00:35.6
Tapos ang cut-off natin, mga 140 over 90 mataas.
00:40.1
Pero mamaya, merong mga variation yan.
00:43.6
Kadalasan yung iniinom na gamot sa high blood, tulad na sinabi ko, amlodipine, calcium channel blocker yan, losartan, ito yan, angiotensin receptor blocker.
00:55.2
Merong mga prill, mga enalaprill, captopril.
00:58.5
Merong mga metoprolol, beta blocker, at iba pa.
01:04.0
So ano itong 10 bawal gawin pag umiinom kayo ng gamot?
01:09.0
Number 1, syempre bawal na sana kumain ng mga salty foods.
01:14.9
Yung mga alat, kasi nga merong mga gamot sa high blood na pampaihi, diba?
01:20.5
Tapos merong pinapababa na nga ng gamot sa high blood yung blood pressure nyo.
01:25.3
Tapos kakain ka ng mga alat, tataas lang ulit.
01:28.5
Yung blood pressure mo.
01:30.5
So parang hindi na magiging effective yung gamot mo.
01:33.5
So bawa salty foods.
01:36.5
Number 2, dito maraming nang kakamali.
01:39.5
Bawal uminom ng maraming alak.
01:43.5
Ang alak po kasi hindi maganda kung maghahalo sa gamot.
01:49.5
Magugulo yung gamot mo, delikado.
01:51.5
Pag nasobrahan ka ng alak, nalasin ka, tapos may gamot ka sa high blood, pwedeng bumagsak.
01:57.5
Masyado.
01:58.5
Blood pressure mo.
01:59.5
Either bumagsak o tumaas.
02:01.5
Yung mga umiinom ng ibang gamot, mga anti-depressant.
02:05.5
Bawal din isabay sa alak.
02:07.5
Kung inom kayo ng alak, konti lang.
02:10.5
Siguro isang boteng beer, isang glass sangkopitan ng red wine, hanggang ganun lang.
02:18.5
Pero basta maraming alak, hindi pwede sinasabay sa mga gamot.
02:22.5
Tulad ng mga amlodipine at ibang gamot.
02:25.5
Hindi maganda isabay. Delikado.
02:27.5
So number 2, bawal yun.
02:29.5
Number 3 din na bawal.
02:32.5
Actually, hindi naman ganun kabawal.
02:34.5
Pero pag-iingat tayo.
02:36.5
Yung mga pain reliever.
02:38.5
Okay? Lagi ko sinasabi sa inyo.
02:40.5
Pain reliever, mefenamic acid, ibuprofen, naproxen.
02:45.5
Siguro kung ilang araw iinom, okay lang.
02:48.5
Pero kung madalas kayo iinom ng pain reliever, nakakataas ng blood pressure yun.
02:54.5
So nakaka-high blood yun.
02:55.5
Tapos ang pain reliever, sabi ko, pwede masira ang kidney.
03:00.5
Mag-kidney disease, mag-kidney failure.
03:03.5
Pag nag-kidney disease, tataas ulit yung blood pressure.
03:06.5
Itong mga pain reliever, pwede rin dumugo ang tiyan.
03:09.5
So ingat tayo unless binigay ng doktor nyo.
03:12.5
Bukod sa mga pain reliever, mag-iingat din sa mga decongestant.
03:17.5
Yung mga para sa sipon.
03:19.5
Ako dati uminom ako ng para sa sipon.
03:21.5
Kaya lang itong mga para sa sipon,
03:23.5
kinoconstrict nila, pinapaliit nila yung mga artery natin.
03:28.5
Diba, may sipon eh.
03:29.5
Tumutulo.
03:30.5
Pinapaliit niya.
03:31.5
Kaya lang, pag pinasikip niya yung artery, tataas ang blood pressure mo.
03:37.5
So yung mga gamot sa sipon, medyo kontra sa high blood.
03:42.5
Yung mga pain reliever, pag matagalan, kontra din sa high blood.
03:46.5
So yan ah.
03:47.5
Alak, pain reliever, tsaka decongestant.
03:50.5
Ingat.
03:51.5
Number four.
03:52.5
Number four, pag-iingatan din natin.
03:55.5
Ito.
03:56.5
Yung pag-inom ng grapefruit.
03:59.5
Grapefruit juice.
04:00.5
Actually, sa atin, wala talaga tayong mabibili gano'n ng grapefruit juice.
04:05.5
Pero misan, baka sa mga tindahan, may nabibili.
04:08.5
Ang pinakakamukha natin sa grapefruit juice, yung suha.
04:12.5
Diba, may suha tayo.
04:14.5
Yung suha, parang kamag-anak siya ng grapefruit juice eh.
04:17.5
Sa nabasa ko, pwede naman kumain ng suha.
04:21.5
Siguro, mga ilang peraso lang.
04:22.5
Huwag lang sobrang dami.
04:24.5
Kasi itong grapefruit juice or yung suha,
04:27.5
pag dinamihan mo masyado,
04:30.5
pwedeng tumaas yung level ng gamot mo sa high blood.
04:34.5
Anong ibig sabihin?
04:35.5
Kung dati ang level niya, 5 mg.
04:38.5
Uminom ka ng grapefruit juice,
04:40.5
o baka itong meron kong sinabay na iba, mga pain reliever,
04:44.5
pwedeng tumaas yung level sa dugo mo.
04:47.5
So pwedeng bumagsak yung blood pressure mo.
04:49.5
Kasi may interaction.
04:50.5
May interaction yung grapefruit juice, yung suha,
04:53.5
tsaka ibang gamot sa gamot ninyo.
04:56.5
Okay, so huwag paghahalo.
04:58.5
Proven po yan.
05:00.5
Number 5 na bawal gawin,
05:02.5
kumiinom kayo ng gamot sa high blood.
05:04.5
Ito, super bawal to.
05:06.5
Bawal mabuntis.
05:08.5
Okay.
05:10.5
Paano bawal mabuntis?
05:12.5
Itong mga sartan, low sartan.
05:15.5
Itong mga, lahat ng sartan.
05:17.5
Candisartan, hirbesartan.
05:19.5
Bawal yan sa buntis.
05:21.5
Lahat ng prill.
05:22.5
Captoprill, enalaprill.
05:24.5
Ano pa bang mga prill?
05:25.5
Perindoprill.
05:26.5
Lahat yan hindi pwede sa buntis.
05:29.5
Pwedeng maging abnormal yung baby.
05:32.5
Okay.
05:33.5
Kaya yung mga balak magbuntis,
05:35.5
let's say 20 years old,
05:37.5
o 30 years old kayo na high blood na kayo.
05:39.5
Medyo dapat i-check mo kung buntis ka o hindi.
05:43.5
Or, mas okay pa yung mga amlodipine.
05:47.5
Yung sinasabi kong amlodipine.
05:48.5
Pwede ba siya sa buntis?
05:50.5
Hindi totally pwede.
05:52.5
Pero hindi siya ganun kasama.
05:54.5
Mas masama yung mga low sartan.
05:57.5
Yung mga enalaprill.
05:59.5
Mas hindi siya maganda sa baby.
06:01.5
Pero ang amlodipine, medyo medyo okay.
06:04.5
Yung mga metoprolol, a little okay.
06:07.5
Pero pag nabuntis na kayo tapos high blood,
06:10.5
papalitan na ito ng doktor.
06:11.5
Hindi rin ito bibigay sa iyo.
06:13.5
Iba bibigay sa inyo.
06:14.5
Yung mga apresolin.
06:16.5
Yung mga iba bibigay.
06:17.5
Mga aldomet.
06:18.5
Iba yung mga ibibigay ng gamot.
06:20.5
So bahala na yung doktor ninyo.
06:22.5
So sa buntis, iniiba ang gamot.
06:26.5
Bawal din.
06:27.5
Number six.
06:28.5
Sa umiinom ng gamot sa high blood,
06:30.5
syempre paninigarilyo.
06:32.5
Diba?
06:33.5
Kasi paninigarilyo, nakakasikip ng mga ugat.
06:36.5
Nakakasikip ng mga blood vessel.
06:38.5
Nakaka high blood.
06:39.5
Eh yung gamot mo pampaganda.
06:41.5
Number seven.
06:42.5
Hindi naman totally bawal.
06:44.5
Pero yung mga kape,
06:45.5
konting bawal.
06:46.5
Konting bawas sa kape.
06:48.5
Kasi sobrang daming caffeine.
06:50.5
Brewed coffee.
06:51.5
High caffeine.
06:52.5
Sama mo na.
06:53.5
Energy drinks.
06:54.5
O yung mga matataas talaga sa caffeine.
06:57.5
Pwedeng magpataas ng blood pressure.
06:59.5
Magpakabog ng dibdib.
07:02.5
Number eight.
07:03.5
Bawal.
07:04.5
Pag umiinom kayo ng gamot sa high blood.
07:07.5
Syempre number eight is sobrang stress.
07:09.5
Diba?
07:10.5
Kahit may gamot ka sa high blood,
07:12.5
pag i-stress mo talaga yung sarili mo,
07:14.5
very anxiety.
07:15.5
Anxiety.
07:16.5
Panic.
07:17.5
Nervous.
07:18.5
Eh mga high blood ka pa rin talaga.
07:20.5
Number nine.
07:21.5
Bawal itigil ang gamot.
07:23.5
Okay?
07:24.5
So,
07:25.5
doktor mo lang mag-a-adjust.
07:27.5
Tsaka yung gamot,
07:28.5
pinakamaganda inumin,
07:29.5
sabi ko nga,
07:30.5
sa gabi.
07:31.5
Sa gabi,
07:32.5
basically,
07:33.5
mas maganda inumin yung gamot.
07:34.5
Depende sa doktor nyo.
07:35.5
Kung twice a day,
07:36.5
may umaga, may gabi.
07:37.5
Pero kung isa lang ang choice,
07:39.5
mas maganda sa gabi iniinom
07:41.5
para protected kayo sa early morning.
07:44.5
And number ten.
07:46.5
Ayaw mo rin yung high cholesterol diet
07:49.5
na matataba.
07:50.5
Diba?
07:51.5
Yung mga maraming saturated fat,
07:53.5
trans fat,
07:54.5
nakakabara na.
07:55.5
So, yan po.
07:56.5
Yung mga pag-iingatan natin
07:58.5
kung umiinom kayo ng gamot
08:00.5
sa high blood.
08:01.5
Next.
08:02.5
Ito, pag-usapan natin.
08:04.5
Ano ang tamang blood pressure para sa'yo?
08:07.5
Diba?
08:08.5
Tinuro ko nga sa inyo.
08:09.5
Mga 140.
08:10.5
Diba?
08:11.5
Ito mga level eh.
08:12.5
Pero kung titignan mo,
08:13.5
ito, medyo maliit lang eh.
08:15.5
Iba ang level ng blood pressure
08:18.5
sa iba't ibang sakit.
08:20.5
Ayan, may iba't iba.
08:22.5
Iba-iba ang number.
08:25.5
Pag meron kang...
08:27.5
Doon muna tayo sa mga serious lang.
08:29.5
Sa mga serious disease,
08:31.5
yung mga aortic disease,
08:34.5
yung mga aneurysm na malala.
08:37.5
Gusto mo mababa sa 120 over 80.
08:41.5
Gusto mo mababa siya talaga.
08:43.5
Diba?
08:44.5
Yung mga na-stroke,
08:46.5
dumugo yung utak.
08:48.5
Gusto ba natin mataas, mababa?
08:50.5
Normal.
08:51.5
Yung dumugo ang utak,
08:52.5
actually ang gusto ng mga neurologist,
08:54.5
medyo mataas.
08:56.5
Yung mga na-stroke,
08:58.5
gusto nila medyo mataas.
09:00.5
May bara.
09:01.5
Gusto mo low.
09:03.5
Ayaw mo rin sobrang low
09:05.5
pag na-stroke.
09:07.5
Kasi baka mawalan din ang blood supply.
09:09.5
Okay?
09:10.5
Na heart attack,
09:11.5
gusto mo a little low.
09:12.5
May kanya-kanya yung style.
09:15.5
Okay, meron pa iba.
09:17.5
Kung kayo ay,
09:20.5
sa normal tao,
09:21.5
140 over 90 pababa.
09:24.5
Pero hindi lahat yan ang pinaka-ideal.
09:26.5
Kung kayo may diabetes,
09:28.5
may diabetes,
09:30.5
ang gusto natin blood pressure,
09:32.5
130 over 80 pababa.
09:35.5
Dito ka lang sa yelo.
09:38.5
Ayaw mo na umabot ng 140 over 90
09:40.5
kung may diabetes.
09:42.5
Isa pa,
09:43.5
may kidney disease.
09:45.5
May sira na kidneys.
09:46.5
Gusto mo 130 over 80 lang pababa.
09:49.5
So, hindi na 140 over 90 mas mababa pa.
09:52.5
Paano may mga sakit eh.
09:54.5
Yung mga senior,
09:56.5
may edad.
09:57.5
Okay?
09:58.5
60, 70.
09:59.5
Ano gusto mo?
10:01.5
Actually, pag senior,
10:03.5
medyo inaalaw natin
10:05.5
a little high.
10:07.5
Minsan, 140, 150.
10:09.5
Minsan, pwede-pwede pa.
10:12.5
Okay?
10:13.5
Hanggang 140, 150.
10:15.5
Kung wala nararamdaman, okay lang.
10:17.5
Pero kung may nararamdaman,
10:18.5
maganda pa rin ibaba.
10:20.5
Ang mga may edad po kasi,
10:22.5
mapapansin nyo,
10:23.5
ang blood pressure nila,
10:25.5
ang high blood ng may edad,
10:26.5
yung unang numero.
10:28.5
Yung systolic.
10:29.5
Alam ko po yan.
10:30.5
Bilang internist,
10:31.5
bilang cardiologist.
10:32.5
Yan talaga.
10:33.5
Pag may edad,
10:34.5
mapapansin mo ang BP nila ganito.
10:36.5
170 over 60.
10:38.5
Yan.
10:39.5
170 over 60.
10:40.5
Yun ang high blood nila,
10:41.5
yung unang number.
10:42.5
Laging ganon.
10:43.5
180 over 60.
10:45.5
Yung mga bata,
10:47.5
iba naman ang high blood.
10:48.5
Yung mga edad 30, 40 years old.
10:50.5
Ang high blood nila,
10:52.5
yung diastolic.
10:53.5
Yung numero sa baba.
10:55.5
Yung mga batang may high blood,
10:56.5
mga edad 30,
10:57.5
ang blood pressure nila ganito.
10:59.5
140 over 100.
11:02.5
Yan.
11:03.5
Yung ilalim ang mataas.
11:04.5
O minsan,
11:05.5
140 over 110.
11:06.5
Ganyan yan.
11:07.5
Kasi,
11:08.5
bata ang matanda.
11:09.5
Basically,
11:10.5
pag matanda kasi,
11:11.5
matigas na yung mga ugat.
11:13.5
Matigas at mas marupok na.
11:15.5
Yun ang difference.
11:16.5
Okay?
11:17.5
Sa buntis,
11:19.5
yun din ang target.
11:20.5
Misan,
11:21.5
a little low din gusto natin.
11:23.5
On the other hand,
11:24.5
gaano naman kababa
11:26.5
ang delikadong blood pressure?
11:28.5
Yan.
11:29.5
Anong pinaka mababa?
11:30.5
May nagtatanong.
11:31.5
Low blood.
11:32.5
Ang pinaka low blood na pwede,
11:35.5
yung talagang cut off na pwede,
11:37.5
natin,
11:38.5
wala na dito eh.
11:39.5
Low blood na to eh.
11:40.5
90 over 60.
11:42.5
Usually,
11:43.5
hanggang 90 over 60 lang pwede na.
11:45.5
Pero sa Pilipino,
11:47.5
marami kami nakikita,
11:48.5
Pilipino,
11:49.5
sa babae,
11:51.5
sa payat na payat,
11:53.5
payat na babae,
11:54.5
pwedeng may edad.
11:56.5
Basta pag payat na payat siya,
11:58.5
na siguro wala pang 100 pounds,
12:00.5
minsan,
12:01.5
blood pressure 80 lang.
12:02.5
80 over 50,
12:04.5
let's say,
12:05.5
edad 20 years old na payat.
12:06.5
Okay lang yun.
12:07.5
Kaya nila.
12:08.5
Basta hindi sila nahihilo.
12:10.5
So, lastly,
12:12.5
paano natin masasabi kung very low ang BP o delikado?
12:15.5
Ganito ginagawa natin.
12:17.5
Sine-check namin yung blood pressure.
12:20.5
Siyempre, dapat relax ka, di ba?
12:21.5
Para makuha ng tama yung blood pressure.
12:24.5
Sine-check namin yung blood pressure,
12:25.5
nakatayo muna.
12:27.5
So, tayo yung pasyente,
12:28.5
punin yung blood pressure.
12:29.5
Let's say, blood pressure niya,
12:31.5
120 over 80, nakatayo.
12:34.5
Okay, normal.
12:35.5
Okay.
12:37.5
So, pagupo,
12:40.5
makita mo mataas pala.
12:42.5
Iba yun.
12:43.5
So, kung nakaupo siya, high blood siya,
12:45.5
let's say, mataas ang blood pressure niya,
12:47.5
140 over 100.
12:49.5
Tapos pinatayo mo,
12:51.5
yung 140 over 100,
12:52.5
biglang bumagsak,
12:53.5
naging 120 na lang siya.
12:55.5
Hindi po maganda yun.
12:57.5
Ibig sabihin,
12:58.5
orthostatic hypotension.
13:00.5
Sabihin, pag tumayo,
13:02.5
bumababa yung dugo.
13:03.5
Ito yung biglang tayo dumidilim.
13:05.5
Ibig sabihin, dapat kasi,
13:07.5
yung upo and tayo,
13:08.5
halos pareho dapat ang blood pressure.
13:10.5
So, pag upo mataas, tumayo,
13:12.5
biglang bumaba.
13:13.5
Parang yung dugo,
13:14.5
nag-ipon sa may paa,
13:16.5
sa baba,
13:17.5
nagkulang ng dugo sa ulo.
13:18.5
Kaya, ang gagawin dyan,
13:19.5
sabi ko na,
13:20.5
huwag tatayo agad,
13:21.5
sipa-sipa,
13:22.5
para siguradong okay ang blood pressure.
13:24.5
Final tips,
13:26.5
minsan, meron mga nai-stress lang.
13:28.5
Marami nai-stress.
13:29.5
Kapag tumataas ang blood pressure,
13:31.5
may problema,
13:33.5
may nagalit,
13:34.5
may kaaway,
13:35.5
may natakot,
13:36.5
kulang sa tulog,
13:38.5
nahahigh blood din,
13:39.5
halo-halong dahilan.
13:41.5
So, pag nervyos ang problema,
13:43.5
meron tayong para sa stress.
13:45.5
So, deep breathing,
13:47.5
relax lang,
13:48.5
upo lang muna,
13:50.5
parang tutumba-tumba ka lang,
13:51.5
ganyan lang.
13:52.5
Five minutes, pahinga.
13:54.5
Okay, huwag magsasalita,
13:56.5
bago ka magpa-check.
13:57.5
Yun ang tamang blood pressure.
13:59.5
Sana po nakatulong itong tips natin.
14:02.5
Share po natin sa ating kababayan.
14:04.5
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.