Close
 


Eroplanong Natanggalan Ng Bubong Habang Lumilipad
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #flight #survivor #airplane
Moobly TV
  Mute  
Run time: 07:38
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang eroplano na natanggal ang bubong habang lumilipad.
00:03.9
Pupunta ka na naman sa ibang bansa at nakaboard ka na sa eroplano.
00:08.4
Pagod ka kaya sinuot mo ang headphones mo, nakinig sa music at natulog.
00:13.8
Maya-maya pa, bigla kang nagising sa sigaw ng mga tao at sa tila sobrang lakas na hangin na dumaan sayo.
00:21.4
Nang dinilat mo ang mga mata mo, una mong nakita ang mga langit at ulap sa paligid.
00:26.7
Doon mo lang napagtanto na natanggal pala ang bubong ng eroplano.
00:32.0
Nakakatakot diba? Pero paano kung sabihin ko sayong nangyari na ito sa totoong buhay?
00:37.2
Maniniwala ka ba? Pag-usapan natin.
00:40.0
April 28, 1988, Hawaii.
00:42.6
Nagboard na ang 89 na pasahero sa isang Aloha Airlines jet para sa isang inner island flight.
00:49.1
Sumakay sila sa isang 19-year-old Boeing 737 mula sa Hilo International Airport papunta sa Honolulu.
00:56.0
Ang eroplano ay pinangalan ng Queen Liliuokalani at may 35,000 flight hours na ito.
01:03.0
55 minutes lang ang itatagal ng flight at tumalis ang eroplano ng 1.25 ng hapon.
01:09.2
Noong umaga pa lang ay nagsasagawa na ng pre-flight inspection ang first officer at napagtanto na ready na ang eroplano.
01:17.1
Tila isang ordinaryong araw lang ito.
01:19.1
Noong 1946 pa nagsimulang lumipad papunta sa iba't ibang islands ang mga eroplano ng Aloha Airlines.
01:24.7
Pagkatapos, pinagkakatiwalaan sila ng mga tao.
01:27.3
Sa araw na iyon, nagkaroon na ng tatlong short flights ang eroplano mula Honolulu papuntang Hilo, Maui.
01:34.0
Wala naman nangyari, maganda ang panahon at maayos lang ang lahat.
01:38.1
Doon sila nagkamali.
01:40.3
20 minutes pagkatapos nila mag-takeoff, nakarating na sa 24,000 feet ang eroplano.
01:46.0
At tila maayos lang na lumilipad sa mga ulap.
01:48.1
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang nagkaroon ng crack ang front cabin ng eroplano.
01:54.8
Agad na naapektuhan ang kontrol ng mga piloto dito at ngayon ay gumagalaw-galaw na ito sa left and right.
02:01.5
Di nagtagal, may sumabog na sa loob dahil nakakapasok na ang hangin at natangay na nito ang parte ng bubong ng eroplano.
02:09.9
Mahigit sa 18 feet ang nawalang bubong ng eroplano.
02:12.8
Agad na nagpanik ang mga pasahero sa loob.
02:15.9
Dahil sa lakas ng hangin, natangay nito ang flight attendant na si Clarabel Lansing.
02:21.3
Mas natakot pa ang mga pasahero sa kanilang nakita.
02:23.9
Pero wala sa kanila ang natangay dahil sa masikip ang kanilang seatbelts.
02:29.1
Gayunpaman, may dalawa pang flight attendants sa loob at hindi sila nakaseatbelt.
02:34.2
Agad silang natumba sa eroplano at nahimatay ang isa dahil tumama ang kanyang ulo sa sahig.
02:40.2
Dahil nakakapasok na ang hangin, maraming mga maliliit na parte ng eroplano ang lumilipad-lipad sa loob at tinatamaan ang mga pasahero nito.
02:48.9
Lalo na ang mga flight attendants.
02:50.6
Isa sa attendant na si Michelle Honda.
02:53.9
Hinahimatay sa nangyari.
02:55.7
Ayon sa kanya, napuno ng usok ang cabin habang may mga lumilipad na fiberglass at asbestos.
03:02.0
Agad na sinuot na mga pasahero ang kanilang oxygen masks habang sinusubukan din nilang isuot ang kanilang mga life jackets.
03:09.1
Habang nakaupo, sinusubukan din nilang umiwas sa mga lumilipad na bagay.
03:13.1
Higit sa lahat, naghawak-hawak na ang mga pasahero upang hindi sila matangay papunta sa malaking butas at tuluyan na ang dalhin ng napakalakas na hangin,
03:23.9
papalabas.
03:25.1
Noong una ay hindi agad napansin ng mga piloto ang nangyari.
03:28.4
Ang captain na nagmamaneho ay si Robert Shorns Thimer,
03:31.9
isang 44-year-old pilot na may 6,700 flight hours na experience gamit ang Boeing 737.
03:38.8
Sa kanyang tabi naman ay ang kanyang first officer na si Madeline Tompkins,
03:44.0
36 years old at may 3,500 flight hours gamit ang Boeing model.
03:49.4
Si Tompkins ang nagmamaneho ng eroplano sa mga oras na iyon,
03:52.9
at bigla niyang napansin na may mga maliliit na bagay na lumilipad sa cockpit.
03:57.7
Tumingin sa likod ang captain at doon na siya nagulat sa kanyang nakita.
04:02.7
Nakikita na niya ang ulap at wala na ang bubong sa isang parte ng eroplano.
04:07.5
Hindi na pwedeng manatili sa ulap ang eroplano at kailangan na nitong mag-emergency landing.
04:12.7
Nagro-roll na sa magkabilang gilid ang eroplano pero may kaunting kontrol pa ang mga piloto dito.
04:18.2
Ang captain na ang nagmamaneho ng eroplano ngayon.
04:21.5
Agad niyang ginamit ang speed brakes at binalak na mag-landing sa pinakamalapit na airport sa Maui Island.
04:28.7
Mas nahirapan pa ang dalawa nang biglang namatay ang left engine ng eroplano.
04:33.5
Kaya mas mabilis pa itong bumaba papunta sa Kahului Airport.
04:37.9
Habang sinusubukang mag-landing, kinokontakt din nila ang air traffic control upang mag-signal ng emergency.
04:44.8
Hindi na nila naririnig ang isa't isa kaya gumagamit na lang sila ng hand gestures upang mag-communicate.
04:50.6
Sa kabutihan,
04:51.5
nakuhan nilang i-landing ang eroplano ng maayos at nang walang iba pang aksidente sa Kahului Airport.
05:00.0
Nagawa nila ito sa loob lamang ng 13 minutes pagkatapos mangyari ang matinding aksidente.
05:06.2
Agad na nag-set up ng maliit na medical facility ang airport para sa 65 injured na pasahero.
05:12.3
Mula sa kanila, 8 ang nakatamo ng malaking injury.
05:15.5
Gayun pa man, nakasurvive ang mga pasahero na ito pati na rin ang nahimatay na isang flight attendant.
05:21.5
Mula sa 95 na tao sa loob ng aircraft, 89 na pasahero, dalawang piloto at tatlong flight attendants sa kasamaang palad, may isang hindi nakasurvive.
05:32.0
Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ng mga otoridad ang katawan ng natangay na flight attendant.
05:38.4
Pero ang tanong, ano nga ba ang naging sanhi ng pangyayari?
05:42.3
Sa investigation, isa sa mga sanhi nito ay ang paglampas ng eroplano sa designated nito na flight cycles.
05:48.8
Dahil short flights lang ang nililipad nito.
05:51.5
Masyadong naparami ang flight cycle o ang pag-landing at pag-takeoff ng eroplano mula sa isang airport papunta sa isa pa.
05:59.7
May epekto daw umano ang humid na environment na nililiparan ng eroplano na siyang nakadagdag sa damage nito at naging sanhi ng crack.
06:09.4
Gayun pa man, napagtanto ng airline management na maaagapan sana ito kung naging mahigpit lang ang kanilang inspection at maintenance sa eroplano.
06:17.3
Sa katunayan, napansin ng isang pasahero na si Gail Yamamoto.
06:21.5
Ang isang crack sa fuselage bago siya nag-board, pero dahil wala naman siyang alam, hindi na lang niya ito sinabi sa crew.
06:28.8
Kaya naman, noong 1991, nag-launch ng National Aging Aircraft Research Program ang Federal Aviation Administration upang masigpitan pa ang inspection at maintenance ng eroplano.
06:41.2
Lalo na para sa mga aircraft na madalas ginagamit at may maraming flight cycles.
06:46.4
Bilang pag-honor sa nag-iisang biktima ng aksidente,
06:49.4
nagtayo ang Honolulu International Airport ng isang memorial garden para sa flight attendant na si Clarabelle Lansing.
06:56.7
Hanggang ngayon, ay nakatatak pa rin sa isip ng mga pasahero at crew ang nangyari noong 1988.
07:03.2
Malungkot sila na may isang hindi nakasurvive, pero nagpapasalamat din sila na hindi na mas lumaki pa ang aksidente.
07:11.2
Higit sa lahat, gaano man kalungkot ang nangyari, nagsilbi naman itong leksyon upang mas ayusin pa ng mga airline companies na ito.
07:19.2
Ang mga airline companies ang kanilang pag-maintain sa mga eroplano upang hindi na mangyari ang mga ganitong aksidente sa hinaharap.