#32 - Bakit gustong gusto ng mga Pilipino ang kanin? / Why do Filipinos love rice so much?
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:07.3
At ngayong araw, yung tema natin, bakit gustong gusto ng mga Pilipino ang kanin?
00:17.5
So, bakit mahilig kumain ng kanin ang mga Pilipino sa umaga, sa almusal,
00:27.8
sa tanghali, sa tanghalian, sa gabi, sa hapunan?
00:36.2
So, ang mga Pilipino ay talagang mahilig sa pagkain.
00:43.3
Kung maglalakad ka sa mga kalsada, sa mga kalye, sa Pilipinas,
00:50.8
mapapansin mo na madaming pagkain sa kalye.
00:56.3
Madaming mga tindahan na may pagkain, madaming mga restoran.
01:05.1
So, madaming lugar kung saan pwede kumain.
01:10.5
At syempre, sa loob ng bahay ng mga Pilipino, kadalasan may ulam, may lutong ulam,
01:21.4
at may mga pwedeng kainin.
01:26.3
Gustong gusto ng mga Pilipino ang kanin.
01:31.4
So, una, sa tingin ko, dahil talaga sa geografiya ng bansa,
01:41.7
dahil maraming supply ng kanin,
01:46.3
at ang klima ng Pilipinas ay maganda para magtanim ng palay,
01:56.3
at dahil doon, naging parte ng kultura ang kanin dahil lang madaming kaming kanin at madaming supply ng kanin.
02:13.4
Dahil yung agrikultura, yung sector ng agriculture,
02:19.4
naging sobrang mahalaga sa ekonomiya ng bansa.
02:26.3
At sa totoo lang, yung Pilipinas ang pangalawa sa pinakamalaking importer ng kanin kahit na madami kaming supply ng kanin sa Pilipinas.
02:45.8
So, medyo kakaiba dahil kahit madami ang supply namin,
02:54.4
kailangan mag-import ng kanin sa ibang bansa dahil mataas ang demand.
03:04.1
At mahalaga ang kanin sa kultura at sa kasaysayan.
03:13.3
Dahil mahalaga ito bago pa dumating ang mga Espanyol at mga Amerikano.
03:24.4
Sa totoo lang, kung makikita niyo ang Banaue Rice Terraces o sa Tagalog,
03:31.4
Hagdang-Hagdang Palayan.
03:34.5
Ito ang sikat na rice fields o palayan na ginawa ng mga ifugaw, mga katutubo, daang-daang taon na ang nakalipas.
03:51.6
So, makikita dito ang magandang palayan.
03:54.4
Na ginawa ng mga ifugaw, yung Banaue Rice Terraces.
04:00.1
Dahil madaming kanin sa Pilipinas at mahilig sa kanin ang mga Pilipino.
04:08.2
Dahil parte ito ng kultura, parte ng mga pagkain Pilipino.
04:16.3
Halimbawa, ang mga tradisyonal na pagkain ng mga Pilipino.
04:24.4
Tulad ng adobo, sinigang, kare-kare, paksiw, lahat ito halos kinakain talaga namin kasama ang kanin.
04:41.0
So, parte ng pagkain nito, ang kanin.
04:47.2
Hindi pwedeng walang kanin.
04:49.1
Kung walang kanin, sobrang kakaiba.
04:58.1
So, yun, sa pagkain, talagang kailangan ng kanin.
05:04.7
Sa katunayan, meron kaming isang sikat na folk song, isang kanta na tinuturo sa eskwelahan.
05:14.4
At siguro, alam ng lahat ng mga Pilipino,
05:17.3
ang pangalan ng kanta ay,
05:21.3
Magtanim ay di biro.
05:25.8
Planting rice is not easy.
05:28.8
Dahil, dito, bata pa lang kami, malaki na ang pagpapahalaga namin sa kanin at sa mga magsasaka na nagtatanim ng palay.
05:47.7
At lagi kaming tinuturoan ng mga magulang namin na,
05:53.5
mahalaga ang kanin
06:02.6
at salamat sa pakikinig nyo
06:05.2
pwede kayo sumuporta
06:07.1
sa patreon at mag email
06:09.6
ng mga suggestions nyo
06:16.9
maraming salamat at paalam