Close
 


#33 - Ang Pinakamagandang Lugar sa Luzon? / The Most Beautiful Place in Luzon?(Ifugao Rice Terraces)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Isang UNESCO Heritage Site ang Banaue Rice Terraces. Ito ba ang pinakamagandang lugar sa Luzon? [FREE] Ito ang libreng transcript para sa'yo: ⁠https://drive.google.com/file/d/13YRivXUijDRS_dTFASh9vE2SL6X0DaNY/view?usp=sharing⁠ May comment ka? O gusto mo sumuporta sa proyekto na 'to? Gusto mo sumali sa Telegram Immersion Group? Patreon: ⁠⁠⁠https://www.patreon.com/ComprehensibleTagalogPodcast⁠⁠⁠ Gusto mo magbook ng lesson? Email me: ⁠⁠⁠learnrealtagalog@gmail.com⁠⁠⁠ Maraming salamat! About this project: I created Comprehensible Tagalog Podcast to create interesting content with transcripts for intermediate Tagalog learners. I teach Tagalog online and I'm always inspired by my students. They come from different parts of the world but they share the same passion and curiosity for Tagalog. Unfortunately, there aren't enough content for learners especially at the intermediate level. This stage is vital and I believe that the easy and painless route of learning a language is t
Comprehensible Tagalog Podcast
  Mute  
Run time: 07:09
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:07.4
At ngayong araw, pag-uusapan natin ang Banaue Rice Terraces o sa Tagalog, Hagdang-Hagdang Palayan sa Banaue.
00:19.2
So ito ay ang palayan sa norte, sa hilaga ng Pilipinas at ito ay maganda at ginawa gamit ang kamay.
00:37.0
So walang makina, walang teknolohiya pero talagang yung kamay lang at yung palayan.
00:49.2
Kasipagan ng mga ifugao ang ginamit nila para gawin yung Hagdang-Hagdang Palayan.
01:01.6
Sabi nila, ginawa itong Hagdang-Hagdang Palayan, dalawang libong taon na ang nakalipas o 2,000 years ago
01:14.3
bago ang mga pananakop sa...
01:19.2
Pilipinas, bago ang kolonisasyon ng Pilipinas.
01:26.2
Ito ay ayon kay... sa isang anthropologist na si Henry Otley Bayer at sabi pero, sabi ng mga bagong archaeologists,
01:46.1
lalo na yung sa ifugao, archaeological...
01:49.2
project, sabi nila hindi totoo na 2,000 years old ang Hagdang-Hagdang Palayan kahit na sikat na anthropologist si Henry Otley Bayer
02:04.0
at mga pioneer na historian sa Pilipinas, sabi nila hindi totoo yun dahil gumamit sila ng radiocarbon dating
02:17.8
at analisis ng paleoethnobotanical remains
02:24.0
at nalaman nila na siguro 300 o 400 na taon ang nakalipas noong ginawa ang Banaue rice terraces.
02:36.6
So 1600s or 1700s.
02:41.1
So ibig sabihin, yung simbahan sa Maynila na San Agustinio,
02:47.8
yung church, pwedeng mas matanda kaysa sa Hagdang-Hagdang Palayan.
02:56.5
At ang kasaysayan nito ay dahil noong 1600s,
03:06.2
nag-implement ang mga Espanyol ng batas, yung tinatawag na reduksyon.
03:17.8
So ito ay yung ginawa nila lahat ng lugar sa Pilipinas may sentro na simbahan.
03:29.6
So halimbawa, sa maliit na lugar, maliit na baryo, may sentro na simbahan.
03:42.1
So may mga tao na ayaw ng ganong sistema.
03:47.8
Ayaw ng simbahan ang sentro.
03:52.9
Kaya tumakas at pumunta sila sa mga bundok.
03:58.6
At dahil dito, yung mga galing sa syudad, pumunta sa bundok at nagtanim sila ng palay.
04:11.7
At yun ang sinasabing kasaysayan.
04:15.7
Ng Hagdang-Hagdang.
04:17.8
Ano ba ang itsura ng Hagdang-Hagdang Palayan?
04:23.4
So yung salitang hagdan sa Tagalog, sa Ingles, stairs, dahil madaming hagdan ng palayan.
04:36.7
Palayan o rice terraces.
04:39.7
Kaya tinawag na Hagdang-Hagdang Palayan.
04:44.1
At mahirap gawin ito.
04:47.8
Dahil ginamit lang ang kamay at nasa bundok ang palayan.
04:56.3
At kailangan rin ng magandang irigasyon, sistema ng irigasyon, para yung tubig dumaloy mula sa taas papunta sa baba.
05:11.7
Kaya para sa mga Pilipino o kahit sa ibang tao,
05:16.5
talagang mahirap gawin ito.
05:20.5
At nakakabilib na nagawa ito ng mga Ifugao, mga tao sa Banaue.
05:35.5
At noong 1995, ginawang UNESCO World Heritage Site ang Ifugao Rest Area.
05:46.5
Ang Banaue Rice Terraces.
05:50.3
At yun, kahit hindi sigurado ang kasaysayan ng Hagdang-Hagdang Palayan,
05:57.8
kung 2,000 years ago o 300 years ago,
06:03.3
talagang maganda pa rin ang Hagdang-Hagdang Palayan.
06:09.8
At madaling puntahan, medyo madaling puntahan,
06:13.4
kung galing ka sa Maynila,
06:16.5
kung meron kang kotse, pwede, pero mas komportablo siguro mag-bus galing sa Maynila papunta sa Banaue.
06:30.8
Dahil yung bayad sa bus, isang libo lang, nasa isang libo lang.
06:37.5
At yung biyahe, siguro sampung oras o labing isang oras.
06:43.8
So hindi masyadong...
06:46.5
malayo.
06:47.5
Okay lang.
06:48.9
Pero sulit at maganda.
06:52.1
So yun lang ang episode ngayon.
06:55.8
Salamat sa pakikinig.
06:58.2
Pwede kayong sumuporta sa Patreon.
07:00.6
May libreng transcripts sa description.
07:04.7
Ingat kayo at salamat.
07:07.2
Paalam.