Close
 


2800 | Saan maganda ang kita kapag may PhP100,000 na pang-invest?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#UsapangPera: Mga Tips sa Pagyaman with Sir Vince tackles money issues such as savings, loans, budgeting, and investing among others. Visit Sir VInce's website: www.vincerapisura.com. How to join SEDPI Coop: 1. Join SEDPI Foundation at bit.ly/SEDPIOnlineSRI by clicking “Register” and filling out the form 2. Take the online Pre-Membership Education Seminar (PMES) at bit.ly/SEDPICoopPMES 3. Pay membership fee and initial share capital Simulan ang pagiinvest the socially responsible way sa: bit.ly/SEDPIOnlineSRI Pag-IBIG MP2: * Watch the play list: https://www.youtube.com/playlist?list... SSS Retirement: Watch the playlist https://www.youtube.com/playlist?list... How to invest 100K: https://youtu.be/dxHRZn7uP-4 Celebrity guests include venus Raj (Season 1); Nicole Cordovez and Sinon Loresca (Season 2); Atom Araullo (Season 3) and Porky (Season 4). Smart Parenting Board of Expert
Vince Rapisura
  Mute  
Run time: 11:11
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
E pagdating po doon sa mas malaki-laki ang na-save, mga 100,000 na, ayan meron ka, yun ba eh, siyempre inaalagaan mo lang yan, parang ayaw mo talagang galawin.
00:16.3
Ngayon, umabot din sa point na ayaw mong i-invest kasi baka malugi or mapunta sa wala.
00:23.6
So, nandyan lang, nakatiwangwang, hindi rin healthy na nandyan lang.
00:30.9
So, aside from kung meron ka ng emergency savings, so on top of your emergency savings, yun na yung gagawin mo na pang-invest.
00:38.8
Kung meron kang long-term na horizon, maluloka ka Cheryl, kasi yung mga magulang nung 1975 ay bumili ng lupa, 20,000 pesos lang yun noon.
00:53.6
At ito lang, naibenta nila, 4,000,000 pesos.
00:58.0
Wow!
00:59.6
Pero, 1975 yun, so that's, oh my God, that's 50 years, di ba?
01:05.7
So, talagang mahaba yung fisik.
01:08.9
Pero, so maganda yun, kung meron kang 100,000 pesos ngayon, tumingin ka, baka mayroon tayong, meron kang lupa na pwedeng mabili, land banking ang tawag dyan.
01:18.7
Pero, ito dapat ay talagang long-term mo siya na investment.
01:23.6
Hindi yung, kunwari, magpag-i-invest mo ngayon, pero kailangan mo na after 1 year or 2 years.
01:29.1
Minimum pag land banking, yan ay 10 years to 15 years.
01:33.3
So, that's one, 500,000.
01:35.8
Pangalawa, ay pwede kang bumili ng low-cost na housing rental, housing property, tapos parentahan mo yun.
01:45.6
Kasi, ang low-cost housing rental, mga nasa 500,000 pesos yan eh.
01:50.2
So, ang kakailanganin mo, usually, magda-down payment ka ng 100,000.
01:53.6
Yung 400,000, either utangin mo sa bangko o kaya sa pag-ibig.
01:59.1
Pag-ibig.
02:00.1
Oo.
02:01.5
Mas gusto ko kung sa pag-ibig kukunin eh.
02:03.7
So, yun, kapag low-cost housing kasi yan, so paparentahan mo na, usually, sa 400,000 nahihiramin mo, tapos 20 years to pay yan.
02:13.5
Siguro, mga nasa 3,000 ang babayaran mo every month.
02:18.6
Kung paparentahan mo ngayon ng 5,000 pesos yung low-cost housing,
02:23.6
5,000 minus 3,000, may kita kang 2,000 pesos every month na hindi ka masyadong nagpapagod.
02:31.6
Ang tawag dyan ay passive income.
02:33.6
Passive income. Oo. Marami tayong mga kapatid na ganyan.
02:38.6
Oo, mga kapatid, tingnan nyo po. At least, sana nagkakaroon po kayo ng idea kung oo nga.
02:45.3
Baka masyado tayong kampante dyan. Yung pera nyo, 2 years ago, 100,000.
02:51.4
Pag-check nyo ngayon, 100,500. Ganun lang yung kinita na pwede nyo palang paikutin.
02:59.3
Pero katulad po ng sinabi ni Professor Vins, maging maingat po kayo doon sa pag-iinvesta nyo.
03:05.9
Huwag ho kayong bastang nakikinig sa kaibigan or nae-ingan nyo na,
03:10.4
oh, ito, bigay akin na yung 100,000 mo every month. Merong kang kitang 5,000 pesos or 10,000.
03:17.3
That's too good to be true, mga kapatid.
03:20.1
Yes.
03:20.5
So, alam natin, easy money, baka nga makakakuha ka ng, kadalasan maririnig natin yan,
03:27.0
the first 2 months, binibigay nila talaga yung interest.
03:31.0
After noon, yung mga susunod, wala na. Hindi mo na makita.
03:34.7
Oo.
03:35.3
Diba?
03:35.6
Ano noon, siniset up ka talaga nila sa isang patibong, iniinganyo ka nila para maglagay ka pa ulit.
03:42.6
So, ihiwasan natin yan talaga.
03:44.1
Kasi, isipin natin, anong klaseng business ang makakapagbigay ng ganyang klaseng kita?
03:50.5
Ang kapalan niya.
03:51.4
Oo.
03:51.6
Kapalan niya. May operating costs pa yan. Magpapasweldo pa siya. May mga bills na babayaran.
03:57.1
Anong klaseng business yan? Wala yata akong alam na business na ganyang kalaki kumita.
04:01.6
Totoo. Kung nakaluwag-luwag nga po kanina, no?
04:05.4
Yung nakaipon na ng 100,000, kanina napag-usapan na natin sa unpractical mag-invest.
04:11.9
Yung pwede kang bumili ng lupa, pero long term, siguraduhin nyo pong maayos ang papeles,
04:19.2
ang mga titolo niyan. Marami kasi ngayon, prof, tanungin ko na rin.
04:24.6
Marami kasi ngayon, mas mura yung lupa kasi, ano maantawag doon? Hindi yung title eh.
04:34.0
Tax declaration.
04:35.0
Ayun, tax deck lang ang hawak. Yun ba okay lang?
04:41.0
Nako, sa akin talaga ay hindi ako bibili ng tax deck, tax deck lang.
04:45.8
Kasi, hindi yun katibayan.
04:49.2
Kasi, hindi yun katibayan ng pagmamay-ari, no?
04:51.6
Yan ay, ang sinasabi lang yan ay nagbayad ka ng buwis doon sa property na yan.
04:58.9
Pero kahit sino naman, pwedeng magbayad ng buwis para sa isang property.
05:03.5
Ang tunay na katibayan talaga ng pagmamay-ari ng lupa ay ang land title.
05:09.6
So, ganun na lang po. Make sure. Okay.
05:12.1
Kung hindi investment ang hanap, or kung gusto naman magsimulat ng negosyo,
05:19.2
Ayan, magkumuha ng, advisable ba itong kumuha mag-franchise?
05:25.6
Ano ba yung mga industry na patok? Ano ba yung mabibigay mong tip para mapalago maging negosyo ang isang, yung naipon na pera?
05:36.6
Okay. So, sa akin talaga, no, maganda na tayo ay pumasok sa franchise.
05:42.4
Pero siguruduhin natin na yung franchise holder ay mayroon ng track record.
05:49.2
Kaya maayos yung kanyang produkto o servisyo na ibinibigay.
05:53.2
So, una yan.
05:54.3
Ang mga industriya na pwede nating pasukan in terms of franchise, sa akin ay ang pagkain.
06:00.3
Hindi naman talaga kasi tumitigil ang mga Pilipinong kumain.
06:03.2
So, mag-isip tayo, ay tumingin tayo ng mga franchise na pwede nating dalhin sa lugar natin
06:08.8
na magkukomplement doon sa mga existing na.
06:11.8
Huwag tayong kukuha ng mga franchise na kukumpitensya sa parehong produkto.
06:19.2
For example, may mga lechon manok, tapos kukuha ka rin ng franchise ng lechon manok.
06:25.3
O kaya bubble tea, actually. Yan yung sikat ngayon, no?
06:29.2
Mga bubble tea, boba tea. Tapos magpa-franchise ka rin ng boba tea.
06:35.0
Gaya-gaya. So, huwag tayong kukuha ng mga franchise na lalabas tayo ay gaya-gaya.
06:40.3
Dapat aralin natin ano ba yung magkukomplement na produkto doon sa lugar natin.
06:46.5
Ano yung wala pa? Ano yung pangailangan pa?
06:49.2
So, pwedeng pagkain yan. Pero ang isa na nakikita ko din na pwedeng maging patok
06:53.8
ngayong 2024 na negosyo o kaya franchise, something that has to do with repairs.
07:00.9
Yung mga inaayos. Kasi ang taas ng inflation ngayon.
07:06.6
At imbes na bumili ng bagong bag, for example, ipapagawa ko na lang muna yung bag ko
07:12.7
o yung sapatos ko, ipapagawa ko na lang muna.
07:15.6
So, yun. Mga repair shop, pwede rin natin pasukod.
07:19.2
Masukin yan.
07:21.6
Okay. Maliban doon sa puhunan. Bukod sa puhunan. Meron ka na yan eh. Di ba?
07:27.3
Pero ano pa yung kailangan mong i-consider?
07:30.7
Paano mo masasabi na handa ka na talaga sa mga ganitong klaseng investment, Prof?
07:36.4
Oo. So, ang unang-una talaga is kailangan mong magkaroon ng karagdagang kaalaman
07:42.6
sa kung ano man yung pinapasok mong negosyo o kaya investment.
07:47.0
Hindi po pwede yung naglagay.
07:49.2
Naglagay ka na ng pera mo, eh hindi mo pala alam kung ano yung terms and conditions ng pinapasok mo.
07:54.7
Kasi marami akong ganyan eh na parang,
07:57.1
Sir, nakapagbigay na ako ng ganitong amount eh.
08:00.3
Kaso hindi ko pala alam na ito pala yung terms and conditions niya.
08:04.7
Nakapag-winidraw ko pala ay kalahati lang ang makukuha ko.
08:08.9
So, dapat binabasa natin yung tinatawag na fine prints.
08:12.4
Yung mga maliliit na letra doon sa pinapasok natin na negosyo o kaya na investment.
08:19.7
Tapos, bago din tayo mag-invest,
08:22.3
ang matibay kasi na pundasyon sa paghawak ng pera ay ang pagkakaroon ng emergency savings.
08:29.3
Sa totoo lang, ito yung aking ginagamit na sukatan kung ikaw ay handa ng mag-invest.
08:35.9
Kasi kung wala ka pang emergency savings, para sa akin, hindi ka pa talaga handang mag-invest.
08:41.1
Kasi yun ang pundasyon natin sa pagpapalago ng ating pera.
08:46.7
Tapos, uunahin muna natin ang ating...
08:49.7
Siguraduhin natin, nakamaximum na tayo sa ating SSS contributions, may pag-ibig tayo, may PhilHealth tayo.
09:00.2
Bago pa tayo mag-isip ng ibang investments.
09:04.0
Kasi dito lang, yung pag-ibig alone and SSS mga kapatid.
09:09.4
Kung mag-re-research lang tayo, mabuti meron po sila katulad ng mga nabanggit nyo.
09:14.3
Bago yung sa SSS, parang MP2 nila ito ng pag-ibig.
09:18.3
Di po ba?
09:19.2
Prof?
09:20.0
Oo.
09:20.6
Yes, oo.
09:22.1
Yung WISP Plus ng SSS, parang yan yung pag-ibig MP2.
09:26.9
Oo.
09:28.1
Tignan nyo po, i-check nyo po yan sa kanilang website.
09:31.2
Napaka-ganda po yan na investment.
09:34.2
Napag-usapan na natin yan dito, pero gawin po natin ulit, iimbitahan po natin ulit ang SSS at pag-ibig para mas ma-explain po sa inyo yan ng mabuti.
09:43.9
Okay, yung sabi mo nga, magiging handa ka lang kung talagang may emergency savings ka.
09:49.2
Pag sinabi nating emergency savings, professor, may particular na amount ba yan na unless you have emergency savings of 500,000 pesos or 100,000 pesos,
10:02.6
huwag ka muna mag-invest ng kung ano-ano?
10:04.5
O katumbas ba yan ng yung sinasabi nila na dapat may at least 6 months ba or 1 year na ma-afford mo na walang trabaho at meron kang savings na nakalaan.
10:19.2
Yes, oo. So ako ang ginagamit ko ay 9 months equivalent ng expenses mo.
10:27.3
Yan yung iyong target na emergency savings.
10:30.1
9 months.
10:30.9
Kung mas matipid ka, mas kakaunti yung emergency savings na kakailanganin mo kasi kaunti lang yung kailangan mo sakaling mawalan ka ng trabaho ay kaya mo namang pagkasahin yun.
10:43.7
So yun, 9 months na equivalent ng expenses for the emergency savings.
10:49.2
At yung time span na pag-iipunan natin yan, usually nakikita ko siya ng 18 months to 3 years.
10:57.9
So 1 and a half years to 3 years, yan yung panahon na ginugugol para mabuo yung emergency savings.
11:05.2
Okay.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.