Close
 


Kulungan Na Walang Bakod Sa Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #prison #prisoner #philippines
Moobly TV
  Mute  
Run time: 07:43
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Kulungan na walang bakod. Ito si Carlo. Nagtatrabaho siya ng 8 hours sa isang araw.
00:06.5
Pumupunta siya sa kanyang office pagsapit ng 8am at halos buong araw nakatingin sa kanyang computer.
00:12.7
Lumalabas naman siya ng 4pm at agad na umuwi sa kanyang pamilya.
00:16.9
Kung titignan mo, tila isang ordinaryong empleyado lang si Carlo. Pero dyan ka nagkakamali.
00:22.5
Dahil si Carlo ay isang bilanggo sa pinakakaibang kulungan sa Pilipinas.
00:27.0
Kung paano naging kakaiba ang kulungan, pag-usapan natin.
00:30.9
Ito ang Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan.
00:35.7
Ang nag-iisang open prison sa buong Asia at isa sa pinakamalaking open prison sa buong mundo.
00:42.4
Kung marininig mo ang salitang kulungan, agad mong mayiisip ang isang delikado, mainit, masikip at maruming lugar.
00:49.3
Pero kakaiba ang Iwahig. Kilala ito bilang the prison without walls.
00:53.6
May laki na 26,000 hectares.
00:56.2
Mas malaki pa sa siyudad ng Paris kahit gawin mo pa itong dalawa.
01:00.2
Wala itong makapal na pader na tulad ng ibang mga kulungan.
01:03.5
Sa halip, napapaligiran ito ng mga makapal na mangrove forest at bulubundukin.
01:08.7
May barbed wire lang ito na nagsisilbing harang.
01:12.1
Itinayo ito noong 1904 ng American government na namuno sa Pilipinas noon
01:16.5
at sa Iwahig kinulong ang mga pinakadelikadong kriminal na mga Pilipino upang malayo sila mula sa publiko.
01:23.7
Noong natapos ang World War II,
01:25.5
at naging malaya ang mga Pilipino,
01:27.5
binigyan ng chance sa mga bilanggo na natapos na ang kanilang prison sentence
01:32.0
na magkaroon ng kanilang sariling lupa mula sa Iwahig.
01:35.0
Depende din kung naging maganda ang ugaling nila habang nakakulong.
01:39.0
Noong 1970s, mas naging maganda pa ang sitwasyon nang pumayag na ang mga otoridad
01:44.0
na dalhin ng mga bilanggo ang kanilang pamilya sa Iwahig upang manirahan doon kasama sila.
01:49.5
Sa Iwahig, binibigyan nila ang mga inmates ng pagkakataon na magtrabaho.
01:54.5
May mga plantains,
01:55.3
farms at iba pang livelihood programs sa loob kung saan pwede silang magkaroon ng tila normal na trabaho
02:02.3
na tulad ng isang malayang tao.
02:04.3
Binibigyan din sila ng basic education at training para sa mga technical at vocational na trabaho.
02:10.3
Siyempre, hindi rin mawawala dyan ang sports at recreation sa loob.
02:14.3
Nakakatulong din ang trabahong ginagawa ng mga inmates upang kumita ang kulungan
02:19.3
at matustusan ang mga gastos para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
02:23.3
Siyempre,
02:24.3
may sahod din ang mga bilanggo.
02:26.3
Ang mga minimum security inmates ay nabibigyan ng 200 pesos buwan-buwan habang nakakatanggap naman ng 100 peso sa mga medium security inmates.
02:34.3
May iba pa nga ang inmates na kung walang trabaho,
02:37.3
nagbebenta sila ng cookies at manis sa mga bata sa paaralan at sa mga turistang lumalangoy sa pool.
02:43.3
Oo, may mga turista sa Iwahig.
02:46.3
Kilala ang Puerto Princesa sa Palawan bilang isang sikat na tourist destination dahil sa napakagandang mga beach dito at malulupit na araw.
02:53.3
At malulupit na underground river activities.
02:55.3
At isa pang tourist spot doon ay ang Iwahig Prison.
02:59.3
Oo, may mga turistang bumibisita dito upang makita ang kakaibang kulungan.
03:04.3
May natural swimming pool din sa loob kung saan pwedeng makarelax sa mga turista.
03:08.3
Sa katunayan, ayon sa isang foreign visitor noong 2015,
03:12.3
nagustuhan niya ang kulungan dahil naramdaman niya naligtas siya doon kahit nakikita lang niya ang mga inmates.
03:19.3
Kakaiba ito sa naiisip niya na kapag kulungan,
03:22.3
delikado at nakakatakot.
03:24.3
Pagpasok mo, makikita mo agad ang mga inmates na nagtatrabaho sa farm at sa plantations habang ang iba ay nasa mga offices.
03:32.3
Nakadepende din ang sitwasyon mo sa Iwahig sa kung anong uri ka na inmate.
03:37.3
Ang binibigyan ng pinakamagandang sitwasyon ay ang mga minimum security inmates.
03:42.3
Tinatawag silang minimum security dahil hindi malaki ang kanilang threat sa loob ng kulungan.
03:47.3
May ilan sa kanila na nagsasaka at may ilan ding nagtatrabaho sa isang office,
03:52.3
na nag-e-encode ng mga importanteng dokumento.
03:55.3
Maliban dyan, sila rin ang nagsusupervise sa trabaho ng mga medium security inmates.
04:00.3
Higit sa lahat, may ilang minimum security inmates na nakapagtayo ng bahay sa loob ng kulungan at nanirahan doon kasama ang kanila mga pamilya.
04:09.3
Ayon sa datos, dalawampu na minimum security inmates ang nabigyan ng ganitong privilege.
04:14.3
Hindi ito problema dahil may paaralan din naman sa loob at ilan pang mga establishments na kailangan mo sa pangaraw-araw.
04:21.3
Kaya hindi na kailangang lumabas ng mga anak ng mga inmates na ito upang mag-aral.
04:26.3
May mahigit sa isang libong medium security inmates sa iwahig at malalaman mo kung anong uri sila na inmates dahil sa kanilang blue t-shirts.
04:35.3
Sila ang bahala sa mga trabaho sa coconut plantations, pagsasaka sa mga cornfields at mga pananim na gulay sa loob ng kulungan.
04:43.3
Kakaiba naman ang sitwasyon ng mga maximum security inmates o ang mga bilanggo na may malaking threat sa loob ng kulungan.
04:50.3
Hindi tulad ng medium at minimum security inmates, hindi sila nakakalabas sa kanilang mga selda upang magtrabaho o makita ang ganda ng iwahig.
04:59.3
Inilalayo sila sa mga tao at sa mga ibang inmates. Siyempre, kahit maraming kakaiba sa iwahig, may mga routines pa rin sila na ginagawa tulad sa ibang mga kulungan.
05:09.3
Isa na dyan ang roll count nila tatlong beses sa isang araw. Ginagawa nila ito ng alas 6 ng umaga, 12pm at 4pm, upang masiguro lang nila na wala na ito.
05:19.3
Kapag kulungan ang pinag-uusapan, hindi rin mawawala ang mga gwardiya. Pero tulad ng mga inmates, kakaiba rin ang sitwasyon ng mga gwardiya.
05:30.3
Imbes na umuwi sa kanila, binigyan din sila ng lupa sa iwahig upang magtayo ng bahay at manirahan doon kasama ang kanilang mga pamilya.
05:38.3
Ginawa ito upang malapit lang ang mga gwardiya kung sakaling may mga inmates na magbabalak na tumakas. Kaya ang tanong, may mga gusto nga bang tumakas sa kulungan na ito?
05:48.3
Ayon sa isa sa mga high official ng kulungan, kung may sumusubok man na tumakas, madali lang nila itong nahuhuli. May 4 hanggang 5 mga inmates ang nakakatakas sa iwahig taon-taon.
05:59.3
Gayunpaman, hindi masyadong nababahala ang mga otoridad sa iwahig. Para sa kanila, mas nakapokus sila na bigyan ng rason ang mga inmates na manatili upang ayusin ang kanilang mga buhay bago makalaya.
06:11.3
Kung nagtatanong ka sa epekto ng ganitong klaseng kulungan, simple lang ang sagot.
06:16.3
Ayon sa datos, 10% lamang ang repeat offender rate ng mga ex-convicts na mula sa iwahig. Ibig sabihin, sa bawat isang daang inmates na nakakalaya mula sa iwahig, sampu lamang ang bumabalik sa buhay krimen at nahuhuli.
06:30.3
Di hamak na mas mababa ito kaysa sa average rate ng buong Pilipinas na nasa 47.9, halos kalahati ng mga nakakalaya ay bumabalik sa kanilang dating bisyo o gawain.
06:42.3
Hindi mo may pagkakailan na ang iwahig prison ay isa sa pinakalaya ng mga inmates na nakakalaya mula sa iwahig.
06:45.3
Hindi mo may pagkakailan na ang iwahig prison ay isa sa pinakakaibang kulungan hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo.
06:51.3
Ayon sa superintendent ng iwahig, ang paunahing misyon ng kulungan ay gisingin muli ang kabutihan na nasa loob ng mga inmates upang makabalik sila ng maayos sa labas.
07:02.3
Mas pinili nila ito kaysa sa pag-focus sa parusan na ipapataw sa mga inmates. Restorative justice ang pinili nila kaysa sa punitive justice.
07:11.3
Ang tanong ngayon, mas maganda ba na ganito ang kulungan?
07:14.3
Kung saan mas marami ang hindi na bumabalik sa kanilang masamang gawain o mas mainam pa rin ang mga kulungan na mahigpit ang mga patakaran at parusahan ng mabigat ang mga bilanggo upang magsilbing babala at takot sa mga tao na huwag gumawa ng kasalanan.