Close
 


Amerika, Bakit Naglagay Ng 2 Milyong Gulong Sa Dagat?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Bakit Sobrang Daming Gulong sa Gitna Ng Disyerto Ng Kuwait?‌ - https://youtu.be/FiUJqa8hMtE?si=d1Va_rYW_uuGTyMh Humigit-kumulang 2 MILLION na mga gulong ang itinambak sa Osborne Reef, Florida. Itinuturing itong "Libingan ng mga gulong sa ilalim ng dagat". Sinadya itong tinambak sa dagat para sana sa isang mabuting hangarin pero dahil sa mga gulong ay nasira ang marine ecosystem. Ano nga ba ang magandang hangarin ng mga mangingisda at itinambak nila ang milyon-milyong gulong sa ilalim ng dagat? Alamin sa vidyong ito Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under s
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:49
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa southeasternmost ng USA ay makikita ang state ng Florida
00:05.0
at sa siyudad ng Fort Lauderdale ay matatagpuan ang Osborne Reef.
00:10.3
Dito makikita ang itinuturing na libingan ng mga gulong sa ilalim ng dagat.
00:15.9
Kumikit-kumulang 2 milyon na mga gulong ang nakatambak dito.
00:20.3
Mahigit 50 years nang nakatambak ang mga gulong na ito.
00:23.8
Ngunit hindi ito itinapon bilang basura,
00:26.4
kundi sinadya talaga itong ilagay dito ng mga manging isda dahil sa isang mabuting hangarin.
00:32.7
Ngunit ang inakalang makakabuti sa karagatan ay naging isang malaking pagkakamali pala.
00:38.7
Dahil sa mga gulong ay nasira ang mga corals at marine ecosystem
00:43.2
at nawala ng tirahan ang mga isda.
00:46.1
Ito'y tila naging isang cancer na unti-unting kinakain ang buhay ng karagatan.
00:51.8
Ano kaya ang magandang hangarin ng mga manging isda?
00:55.0
Bakit nila itinambak?
00:56.5
Ang 2 milyong gulong sa ilalim ng dagat.
01:02.1
Sa buong mundo, tinatayang nasa 1 bilyong gulong ang itinatapon kada taon.
01:08.1
Ang problema nito sa gulong ay hindi na bago.
01:11.0
Sa Amerika nga ay naging malaking problema ang mga basurang gulong noong 1960s.
01:16.6
Bukod sa pinamumugaran ito ng mga lamok na naghahatid ng dengue,
01:21.0
ay delikado din ito na pagmulan ng sunok.
01:23.9
Kagaya sa nangyari sa isang tire graveyard,
01:26.5
nasa 60 milyon na mga gulong ang nakatambak doon.
01:31.1
Buti na lang hindi ito nasunog lahat.
01:33.5
May na-upload na tayong video tungkol dito.
01:36.0
Kung gusto nyo itong panoorin, ay ilalagay namin ang link sa description nitong video.
01:40.8
Balik tayo sa Amerika.
01:42.4
Dahil sa lumulobong basura ng gulong,
01:44.7
noong 1972, isang grupo ng mga manging isda,
01:48.1
ang Broward Artificial Reef o BARRENC,
01:50.6
ang nakaisip ng ideyang lumikahan ng artificial reef
01:54.0
sa pamamagitan ng paglalagay ng milenya.
01:56.4
sa pamamagitan ng paglalagay ng milenya.
01:56.5
sa ilalim ng dagat.
01:59.2
Kumbinsido sila na ang mga corals ay kakapit sa mga gulong
02:02.9
at bubuo ng mga bagong tirahan para sa mga isda.
02:06.4
Pero ang inaakalang artificial reef na magbibigay buhay sa mga lamang dagat,
02:11.5
ngayon ay mistulang simenteryo na ng mga gulong.
02:15.1
Ang tinatawag na Osborne Reef, na ngayon ay tinuturing na tire cemetery,
02:19.7
ay matatagpuan mga 2,134 meters mula sa pampang ng Sunrise Boulevard
02:25.7
sa baybayin ng Fort Lauderdale, Florida.
02:29.2
Ang proyektong ito na ang intensyon ay maging pinakamahabang artificial coral reef sa buong mundo
02:35.5
ay sinuportahan pa nga ng U.S. Army Corps of Engineers.
02:39.7
May higit sa 100 pribadong mga sasakyang pandagat din
02:43.2
ang tumulong sa paglalagay ng mga gulong sa ocean floor.
02:47.0
Maging ang kumpanyang Goodyear Tire and Rubber Company
02:50.4
ay nagbigay din ng mga equipment upang makatulong sa misyong ito.
02:54.3
Binundle o pinagdikit-dikit nila ang mga gulong gamit ang mga bakal na clips at nylon na lubid.
03:00.3
Ngunit dahil sa alat ng dagat ay mabilis na kinalawang at nasira ang mga metal clips.
03:06.3
At dahil sa malalakas na alon ay natanggal ang mga nylon straps o mga lubid
03:11.3
at ang mga gulong ay nagkawatak-watak at nagkalat sa ilalim ng karagatan.
03:16.3
Dahil sa mga hurricanes at coastal storm na karaniwan sa Florida,
03:21.3
ang mga gulong ay inanod at mas nakasiyahan.
03:24.3
Ang mga gulong ay natatira pa sa mga coral reefs na nababanggan ito.
03:27.3
At iyong mga gulong naman na nanatili sa lugar ay halos hindi rin kinapitan ng mga corals.
03:33.3
At mas nakasama pa na natatakpan ang mga gulong ang sahig ng dagat,
03:37.3
kung kaya wala nang pwedeng tumubo dito.
03:40.3
Kaya noong 2001, halos tatlong dekada ang nakalipas mula nang ilaglag ang dalawang milyong gulong sa dagat,
03:46.3
ay naging puspusa na ang aksyon para alisin ang mga gulong.
03:54.3
Kung naging madali man ang paglaglag sa mga gulong sa dagat,
03:57.3
maituturing namang bangungot ang pag-retreat sa mga ito.
04:01.3
Bukod kasi sa mahirap ay magastos din ang retrieval operation.
04:05.3
Tinadayang $30 million ang kakailanganin para kumuha ng mga pribadong kontraktor na tutulong sa pagkuhan ng mga gulong.
04:13.3
Kaya noong 2007 ay tumulong na rin ang ilang government institutions.
04:18.3
Kabilang rito ang Coastal America,
04:21.3
US Navy,
04:22.3
Army,
04:23.3
Coast Guard,
04:24.3
Florida Department of Environmental Protection,
04:27.3
Broward County Environmental Protection and Growth Management Department,
04:31.3
at ang Broward County Port Everglades Department.
04:35.3
Ang inilaang budget naman ay aabot sa $3.4 million government funds.
04:40.3
Ang halagang ito ay base sa target na buwanang pag-aalis ng 20,000 gulong.
04:45.3
Sa bilis na ito, inaasahang malilinis ang 650,000 gulong sa loob ng tatlong taon.
04:52.3
Pero pagsapit ng 2009, 73,000 gulong pa lamang ang nare-retrieve, habang patuloy din ang pagtaas ng gastusin sa operasyon.
05:01.3
Sa nakalipas na limang taon ay gumagastos ng $18.75 sa pagkuhan ng isang gulong.
05:07.3
At noong February 2023, muling tumaas ito sa $29.50 kada gulong, base sa kontratang may visa hanggang February 16, 2028.
05:19.3
Ang pagtaas ng gastos ay dahil na rin sa mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga.
05:20.3
Ang pagtaas ng gastos ay dahil na rin sa mas humirap ang retrieval process.
05:24.3
Mas kalat at hiwahiwalay na kasi ang mga gulong na umuuko pa sa 13 hectares na sahig ng dagat.
05:31.3
Mas pinahirap pa ito ng mga gulong na nalubog na sa buhangin, kaya mas mahirap iangat.
05:36.3
Noong February 2017 hanggang February 2023 ay naka-retrieve sila ng nasa 350,000 na gulong.
05:44.3
Sa huling pagtatala ng DEP o Department of Environmental Protection,
05:49.3
noong June 2023, nasa mahigit 677,000 na gulong pa lamang ang na-re-retrieve mula sa dagat.
05:57.3
Ibig sabihin, may nasa 1.3 milyong gulong pa ang hindi nakukuha sa ilalim ng dagat.
06:03.3
Ang ilan sa mga nakukuhang gulong ay ini-re-recycle.
06:06.3
Ang iba ay ginagawa pang bracelet ng kumpanyang 4ocean,
06:10.3
kung saan ang benta ay inilalaan para pondohan ang kanilang isinasagawang retrieval operation.
06:16.3
Ang mga gulong naman ay hindi na maaaring na-retrieve.
06:19.3
Ang mga gulong na maaaring i-recycle ay dinadala sa Solid Waste Authority sa West Palm Beach, Florida.
06:25.3
Ang trahedyang ito ay patunay na kahit maganda man ang intensyon,
06:29.3
kapag hindi lubusang pinag-isipan o pinag-aralan,
06:32.3
ang inaakalang solusyon ay magiging isang problemang nag-iiwan ng matinding leksyon.
06:38.3
Mga ka-awesome, kung nagustuhan niyo po ang content natin ngayon, mag-comment ng yes.
06:43.3
This is your Ate O from our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.