Close
 


LUMANG BAHAY SA DUMAGUETE | Agimat True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
LUMANG BAHAY SA DUMAGUETE | Agimat True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 58:17
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWENTO NI ZERO
00:30.0
Ito ang kamag-anak nilang kapatid ng Lolo Babing.
00:34.5
Huwag umanong gagalwin ang bahay dahil hindi lamang sumisimbolo ito ng kasaysayan.
00:39.9
Kung hindi may sumpa o mano ang naturang tirahan.
00:44.8
Kapag sinira ito at pinalitan ng bago, mamalasin ang buhay ng sino mang nakatira doon.
00:52.5
Bukod pa dyan, may mamamatay o mano sa kanila.
00:57.5
Literal naman pa mahihin ang kanilang angkan.
01:01.0
Pagamat napakahirap paniwalaan, pero sinunod na lamang ito ng mga magulang ni Japet.
01:08.3
Buwat ng personal din kasing nararanasan nila ang kababalagang naninirahan sa bahay na iyon.
01:17.0
Pakiramdam nila ay hindi lamang sila ang nakatira.
01:20.6
At maraming beses nang nakakita ang nanay ni Japet na mga nila lang na hindi niya mawari kung ano.
01:28.1
Lalo na umano sa silid sa pino.
01:30.0
Ang pinakailalim ng bahay.
01:32.1
Hanggang bewang ang tubig dito.
01:35.4
At may nagpaparamdam ang gabi-gabi nun.
01:39.7
Bali ganito ang postura sa kabuhan ng bahay.
01:43.9
Typical na ancestral house.
01:46.4
Dalawang palapag.
01:48.3
Ang bawat palapag ay may biranda.
01:51.8
Dito matatagpuan ang hagdan pababa ng kumukonekta sa isang pang biranda.
01:58.0
May underground ang bahay.
02:00.0
At dahil sa tagal na hindi na pangalagaan ang ilalim ay nasira ang drainage nito.
02:15.7
At halos na puno na yun ang tubig.
02:19.1
May mga ibang tirahan naman doon bukod sa kanila.
02:22.5
May katulad din mga ancestral pero yun lang na bahay na yun ang nakakakilabot tingnan.
02:29.2
May mga ibang tirahan naman doon bukod sa kanila.
02:30.0
Papano ba naman kasi?
02:32.3
Ang gilid nito ay napakalaking puno ng balete.
02:36.9
Kung mapapadaan-daan ka umano,
02:39.9
hindi mo maiiwasang matakot.
02:43.5
Nakakaasiwa.
02:45.0
Dahil parang may nakasilip sa bintana.
02:48.4
Kahit na wala naman dapat.
02:52.5
Siguro,
02:54.0
naiisip ng mga tagapakinig na pinamamahayan ito ng mga kaluluwa.
02:60.0
Kaklaruhin ko lang.
03:02.5
Hindi kaluluwa ang nakatira.
03:06.0
Malalaman natin yan.
03:08.9
Sa kabuan ng kwento.
03:12.6
May marang yung buhay sila, Joppet.
03:15.9
Sa bahay pangalang na nabanggit,
03:18.1
ay masasabi mong may kaya na.
03:20.9
Totoo naman ito.
03:22.8
Katunayan ay maraming negosyo ang pamilya.
03:26.9
Mula sa lupay nila sa bukid,
03:28.4
ay meron din sa may bayan.
03:31.9
Hindi ko na lamang babanggitin dito kung anong negosyo ba yun.
03:36.6
Hindi naman patungkul doon ang kwento.
03:40.5
Ang biyembro ng pamilya ay anim.
03:43.8
Tatlong anak.
03:45.3
Dalawang mag-asawa at isang katiwala.
03:49.0
Itong katiwala nila naman ay iba-iba gawa ng
03:51.5
hindi nakakatagalang pananatili sa bahay.
03:56.3
Sa mga panahon yun umano,
03:58.4
ikalimang katiwala na si Manang Rosilia.
04:01.9
At ito lamang ang nakakatagal hanggang sa panahon yun.
04:08.7
Laying albularyo kasi itong si Rosilia.
04:12.1
At alam na alam ang mga kababalagan sa bahay.
04:16.2
Maliban sa mga paalala ng mga kamag-anak,
04:20.1
si Manang Rosilia din ang isa sa dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagre-renovate.
04:27.0
Bakit?
04:28.4
Ayon kasi kay Manang Rosilia,
04:31.4
kahit nabaguhin pa ang bahay,
04:34.1
maniniraan pa rin ang nakatirang elemento doon.
04:38.3
Ang problema nga lang,
04:40.3
magiging iba na ang pakikitungo nito sa kanila.
04:45.5
Kung dati ay nakikis sa lamuha lang,
04:49.4
ngayon,
04:50.8
gagambalain na sila habang buhay.
04:54.3
Ito na rin ay base sa pangitain na nakikita ni Manang Rosilia.
04:58.4
Doon kasi nag-uusap ang pamilya na ipapagiba ang bahay na iyon.
05:03.4
Nagsibasagan naman nga ang mga figura na malapit sa may sala.
05:08.4
Tapos ay nabitak ang malaking salamin na bumubungan bago ka makapasok ng kusina.
05:14.4
Manang Rosilia, ano po bang elemento ang nakatira dito sa bahay?
05:20.4
Ang sabi kasi ng kapatid ng abuelo ko,
05:23.4
mga dating namatay daw nung mga panahon ng digmaan.
05:27.4
Sabit ni Japeth,
05:29.4
Hindi kaliluwa, Japeth,
05:31.4
kung hindi lamanlupa.
05:33.4
Walang kaliluwa ang kayang magparamdam sa pamamagitan ng pagbasag ng mga figurin.
05:37.4
Ang may kaya lang gumawa nito,
05:39.4
isang demonyo,
05:41.4
at ang mga engkanto na nakatira din sa lugar.
05:43.4
Pero nasa ibang oras,
05:45.4
at dimensyon lamang ito.
05:47.4
Pagkakataon ko,
05:49.4
kung hindi naman lupa,
05:51.4
walang kaliluwa ang kayang magparamdam sa pamamagitan ng pagbasag ng mga figurin.
05:55.4
At dimensyon lamang ito.
05:57.4
Tugon ni Manang Rosilia,
06:00.4
na sa pagkakataong iyon,
06:02.4
kasalukuyan nang nasa kusinang dalawa.
06:05.4
Ang mga kapatid ni Japeth,
06:09.4
kasama ng mga magulang sa sala.
06:12.4
Bunso si Japeth at ang dalawang kapatid nitong babae,
06:16.4
na sina Lovely at Dara ay nakapagtapos na ng pag-aaral.
06:20.4
At ang mga ito ay umaalalay sa negosyo nilang pamilya.
06:24.4
Si Japeth na mga panahon iyon,
06:28.4
nasa labing apat na taong gulang pa lamang.
06:31.4
Dagdag pa ni Manang Rosilia,
06:35.4
masanay na lamang umano ang pamilya,
06:38.4
at ituring na lamang nakapamilya ang hindi taong nakatira kasama nila.
06:43.4
Isang araw,
06:46.4
nagkaroon ng ekskarsyon silang mag-anak pero,
06:50.4
nagkataon namang may pinaghahandaan si Japeth.
06:53.4
Partikular ito sa proyekto na gagawin sa eskwelahan.
06:57.4
Kung kaya't itong si Japeth ay hindi naisama sa ekskarsyon na iyon.
07:02.4
Family gatherings ito nagaganapin sa isang isla,
07:06.4
at tatagal ng tatlong araw.
07:09.4
Si Japeth lamang at ang katiwalang si Manang Rosilia ang naiwan.
07:14.4
Tapos ay bumisita ang tatlong mga kamag-aaral noon ni Japeth,
07:19.4
si Naramil, Sam at Mateo.
07:23.4
Doon na natili hanggang gabi.
07:27.4
Pagsapit ng gabi,
07:30.4
ang isa dito ay bigla na lamang nagwala,
07:34.4
habang isinasagawa ang proyekto.
07:37.4
Ito ay walang iba kundi si Mateo.
07:42.4
Inakala pa nila noon na nagbibiro lamang ito gawa ng likas na palabiro ang binata pero,
07:49.4
tumirik ang mga mata.
07:51.4
So,
07:52.4
sobrang lakas niya.
07:54.4
Kasabay ng pagwawala ni Mateo,
07:57.4
ay siya namang pagpaparamdam ng kung anong nilalang sa bahay na iyon.
08:04.4
Kasalukuyan silang nasa baba,
08:07.4
sa sala.
08:09.4
Doon sila nagpupulong noon.
08:11.4
Kung saan saan na lamang ang may kumakalabog sa taas ng bahay,
08:16.4
sa may labas,
08:18.4
sa kusina,
08:20.4
at maging sa ilalim.
08:23.4
Yung tubig doon sa ilalim ay dinig na dinig nila na wari ba may malaking nilalang
08:29.4
ang nagtatampisaw sa lugar na iyon.
08:34.4
Si Manang Rosilia noon ay panaysita.
08:37.4
Yun bang sigaw na merong dalang dasal noon?
08:42.4
Kumikibot-kibot ang bibig at nagkukumahog ito sa kakatakbo kung saan naroon ang pagpaparamdam.
08:50.4
Itong si Mateo.
08:52.4
Pinagtutulungan na nila.
08:54.4
Hinawakan na nila ang mga kamay.
08:57.4
Sa pilitang pinaupo sa muebles at tinaganan.
09:01.4
Kahit tatlo pa silang magtulong-tulong ay wari bang nakakagalaw pa rin si Mateo.
09:08.4
Nangangagat pa umano ito at tumutulo ang laway.
09:12.4
Yung dalawang kamag-aral ni Japet na sina Sam at Ramil,
09:16.4
hindi na mawari ang itsura.
09:20.4
Mababakas dito ang matinding pangingilabot at napaiyak pa si Ramil nang hindi na naatimang nakikita.
09:28.4
Pero hindi nila nilulubayan noon si Mateo.
09:32.4
Hanggang sa nagkaroon ng panandaliang katahimikan.
09:36.4
Si Mateo.
09:38.4
Kumalma.
09:39.4
Pero nakayuko ito habang humahangos.
09:44.4
Si Manang Rosilia naman nagmungkahi ng pakawalan si Mateo.
09:48.4
Hinawakan nima ng Rosilia ang kamay.
09:52.4
Hanggang sa bigla na lamang nagsalita si Mateo.
09:56.4
Nanlaki ang kanilang mga mata.
09:59.4
Dahil ang lumalabas na boses sa pipig nito.
10:03.4
Parang demonyo.
10:06.4
Gasgas at animoy nang gagaling sa ilalim ng lupa.
10:11.4
Unang mga binitawang kataga ay hindi nila naiintindihan.
10:15.4
Hanggang sa inangat o mano ni Mateo ang kanyang ulo.
10:20.4
Isa-isa silang tinitigan.
10:24.4
Si Manang Rosilia noon ay hindi natatakot.
10:28.4
Sa halip ay nakipagtitigan siya kay Mateo.
10:32.4
Ikaw na lamang lupa ka.
10:36.4
Sa ngalan ng Diyos ay lubayan mo ang binatang ito.
10:40.4
Bungan ni Manang Rosilia.
10:42.4
At habang nangyayari yun ay nakaduro ang kamay nito sa noo ni Mateo.
10:48.4
Naguusap naman si Najapet noon sa likuran.
10:51.4
Ang sabi ni Ramil, sinapian o mano si Mateo.
10:56.4
Si Sam naman nagalit ito.
10:59.4
May nakatirang demonyo o mano sa bahay nila, Japet.
11:03.4
Dapat man lamang o mano ay nagbigay babala ito sa kanila.
11:09.4
Hindi nakakibo si Japet.
11:12.4
Aminado siyang totoo ang mga sinasabi ng mga kamag-aral niya.
11:16.4
At dapat din siyang sisihin dahil hindi niya ipinaalam ang patungkol sa bahay nila.
11:22.4
Hanggang sa natahimik ang tatlo sa pag-uusap nang muling magsalita si Mateo.
11:30.4
Ang sabi nito,
11:32.4
Bibigyan ko kayo ng isang minuto.
11:36.4
Magsilayasan kayo sa bahay dahil kung hindi,
11:39.4
papatayin ko kayo.
11:42.4
Wala kayong mga respeto.
11:46.4
Nagkatitigan si Ramil sa majapet noon.
11:50.4
Walang sabi-sabing umalis ang dalawa.
11:54.4
Habang si Mateo naman ilang saglit lamang ay nagkaulirat na.
11:59.4
Takang-taka pa kung bakit siya nalang ang naiwan.
12:03.4
Pero pinaalis ito ni Manang Roselia.
12:07.4
Galit ang atin.
12:08.4
Galit ang ali.
12:10.4
Nagtanong kagalito kay Japit kung ano bang nangyari at bakit nagkaganon ang mga elemento.
12:17.4
Dito ay inamin ni Japit na si Mateo umano.
12:21.4
Naghihit-hit umano noon ng ipinagbabawal na gamot.
12:26.4
Walang mapaglagyan ang galit ni Manang Roselia.
12:30.4
Inakala niya ang pananatili ni Japit sa bahay ay dahil sa proyekto.
12:35.4
Hindi naman pala.
12:38.4
Hindi nakapagsalita si Japit.
12:41.4
Totoo at kapretsuan lamang nilang barkada ang dahilan.
12:45.4
Na impluensyan lamang umano siya noon.
12:49.4
Nagpatuloy sa pagsasalaysay si Manang Roselia.
12:53.4
Ang sumapi umano kay Mateo ay ang kap ring nakatira sa ilalim ng bahay.
13:00.4
Napatanong si Japit at kitas sa mukha ang paggabigla.
13:04.4
Kung hindi umano nagkakamali si Manang Roselia.
13:09.4
Nakatira ang lahat ng elemento dito na dapat ay sa labasanan ng bahay.
13:16.4
Pero maaaring tinawag ito ng lolo ni Japit para bantayan ang bahay na iyon.
13:22.4
Mababait umano ang mga elemento. Yan ay kung magbibigay respeto sa bahay na iyon.
13:31.4
Dagdag pa ng ali.
13:33.4
Isa ding dahilan kung bakit malapit ang abuelo ni Japit sa mga elemento.
13:38.4
Marahil ay may karunungan ng matanda noon.
13:42.4
Unang salta pa lamang umano ni Manang Roselia sa bahay ay napapaligiran na ito ng malakas na bakod at puder.
13:51.4
Ipiniliwanag naman ni Manang Roselia kung ano ang mga ito.
13:56.4
Karga umano ito ng isang bihasang tao.
13:59.4
Para protektahan ang teritoryo sa pamamagitan ng mga iba.
14:03.4
At ibang kombinasyon ng orasyon na isinasagawa sa isang ritual.
14:10.4
Dito pa lamang napagtanto ni Japit na totoo pala ang hakahakang may sanuno sa punso umano itong kanyang lolo Babing.
14:20.4
Dati umano itong kasapi sa kilusan noong lumalaga na pangdigmaan.
14:25.4
Napakatimik umano ng lolo Babing.
14:28.4
Ito ang naglinlang sa mga banyaga noon.
14:32.4
Para ilihis sa daan ang mga ito at dalhin sa isang lugar kung saan nila babagatin.
14:38.4
Maliban pa diyan.
14:40.4
Buhay pa noon ang bunsong kapatid ni lolo Babing.
14:44.4
Ito yung nagbigay babala sa kanila na huwag baguhin ang bahay.
14:49.4
Walang iba.
14:51.4
Kung hindi si lolo Victor.
14:54.4
Narinig ni Japit dito na may nakatago daw sa bahay na iyon.
14:58.4
Na isang gamit na napakahihwaga.
15:01.4
Gamit ito ng lolo Babing dati.
15:05.4
Hindi naman nila pinaniwalaan ito maliban na lamang sa babala.
15:10.4
Pero sa mga sandaling iyon umano.
15:13.4
Batay na rin sa mga nabanggit ni Manang Rosilia.
15:17.4
Ay naging makatotohanan ng lahat.
15:20.4
Kung kaya noon daw kahit hindi siya sigurado.
15:24.4
Pero nagkaroon siya ng interesa kung ano ba ang bagay na iyon.
15:28.4
At saan ito nilagay ng kanyang lolo.
15:31.4
Sinabi niya kay Manang Rosilia ang patungkol dito.
15:35.4
Nagkaroon ng sandaling katahimikan.
15:38.4
Makikitang parang naging aligaga itong si Manang Rosilia.
15:43.4
Kumunot kasi ang mukha habang nakatingin sa isang banda.
15:47.4
Halatang halata na may problema.
15:50.4
Napatanong si Japit.
15:53.4
Ayon kay Manang Rosilia.
15:55.4
Alam niya umano ang patungkol sa lolo nito.
16:00.4
Nagmama ang maangan lamang umano siya.
16:04.4
Ang lolo umano ni Japit at ang tatay ni Manang Rosilia.
16:09.4
Magkasama sa kilusan dati.
16:12.4
Alam din ang tatay niya ang sekreto ng lolo ni Japit noon.
16:16.4
Maging kung ano ang nasa loob ng bahay na ito.
16:20.4
Alam niya.
16:21.4
At lalong totoo na naroroon din sa bahay na iyon ang mga gamit ng kanyang lolo.
16:28.4
Alam mo ba kung saan posibleng nakalagay iyon?
16:31.4
Tanong ni Manang Rosilia.
16:34.4
Nasa ilalim ito ng bahay.
16:37.4
Naroroon nang gagaling ang presensya.
16:41.4
At naroroon din ang pinakamalakas na elemento na namamahay sa bahay na iyon.
16:48.4
Ayon pa dito.
16:51.4
Kung anumang bagay na iyon ay huwag na nilang pakialaman dahil
16:55.4
natitiyak si Manang Rosilia na delikado ito.
16:59.4
Dahil kung hindi pa.
17:01.4
Noon pa sana ipinasa ito sa mga anak pero
17:05.4
hindi yun ginawa ng abuelo ni Japit.
17:08.4
Sa halip ay tinago na lang.
17:12.4
Hindi nagsalita si Japit.
17:15.4
Wala din naman siyang maitatanong pa.
17:18.4
Ang sa kanya lamang na mga sandaling iyon
17:20.4
ay nagkaroon na ng kasagutan ang mga naglalarong tanong sa kanyang diwa.
17:26.4
Sa likod ng mga babala na sinabi ni Manang Rosilia.
17:30.4
Tila ba may tumutulak kay Japit na tuklasin kung ano ba ang naturang gamit na iyon?
17:37.4
Kinabukasan.
17:39.4
Maagang nagising si Japit.
17:41.4
Kabisado niya na kasi kung anong oras nagpaparamdam ang mga elemento sa bahay.
17:46.4
Tuwing hapon lamang ito hanggang gabi.
17:50.4
Pero kapag umagaw mano.
17:52.4
Hindi.
17:54.4
Kaya iyon.
17:56.4
Pinili ni Japit na gamitin ang pagkakataong iyon para halugugin ang buong kabayan.
18:01.4
Inuna niya ang dating silid ng kanyang lolo at lola.
18:05.4
Ginawa na lang itong bodega.
18:08.4
Nabalot ito ng makapal na likabok.
18:11.4
Maliban pa dyan ay puno din ang sapot ng gagamba.
18:17.4
Nagliwanag ang silid na iyon.
18:19.4
Nang buksan niya ang bintana na nakaharap sa silangan.
18:23.4
Kita niya ang detalye pero hindi pa rin maiwasang mangilabot si Japit.
18:28.4
Lalo tatak na sa kanyang isipan ng kababalagan sa bahay.
18:33.4
Hinalungkat ni Japit ang lahat ng aparador sa loob.
18:37.4
Maging ang mga kahon doon na wariba lagayan ng kayamanan.
18:41.4
May nakita siyang mga gamit.
18:44.4
Pero mga lumang damit ito ng mga matanda.
18:46.4
Naroroon din ang kupas na larawan ng dalawa.
18:51.4
Habang kinakalay kay ang mga kagamitan.
18:55.4
May nakita si Japit doon na isang libro.
18:59.4
Makapal ito at makakapal din ang mga tabon.
19:03.4
Nawari ba'y sino unang Biblia iyon?
19:06.4
Binuksan naman ni Japit.
19:09.4
Naroon niya nakita ang mga nakaipit na larawan ng kanyang lolo.
19:13.4
Noong nasa kilusan pa ito.
19:17.4
Nakasot ito ng kwintas na hugis at sulok.
19:21.4
Wala lamang iyon para kay Japit hanggang sa kahuli-hulihang pahina.
19:26.4
Ay may mga nakasulat kamay doon na wariba'y galing ito sa kanyang lolo.
19:32.4
Nakasaad doon ang mga kataganga.
19:36.4
Tiyo Pilo, ikaw ang susunod sa yapako.
19:40.4
Tanggapin mo sana ang pamanako sa iyong kaalaman.
19:45.4
Pero kapag ayaw mo naman, ibigay mo na lang sa panganay mong anak.
19:51.4
Nasa paderang mapa kung saan ko nilagay iyon.
19:56.4
Nanlaki o mano ang mga matanoo ni Japit.
20:00.4
Pa'pano ba naman kasi?
20:03.4
Ang pangalang Tiyo Pilo.
20:06.4
Ito ang pangalan ng kanyang ama.
20:08.4
Tatay Along lang ang tawag niya dahil ito ang nakasanayan nila noon.
20:14.4
Doon ay nagkaroon ng opinion si Japit.
20:18.4
May pinasahan pala ng gamit pero maaaring hindi ito tinanggap.
20:23.4
Ang Tatay Along kasi ay hindi mo makikitaan ng pagkawirdo.
20:29.4
Diba, iyon naman ang nakikita natin kadalasan sa taong may mga karunungan.
20:34.4
Parang may sariling mundo.
20:38.4
Si Tatay Along ay abala lamang ito sa negosyo at tila nagtataka din sa kababalagan sa bahay.
20:45.4
Para bang walang alam.
20:48.4
Pero sa isip-isip ni Japit noon, maaaring alam na ni Tatay Along ang lahat.
20:54.4
Nagmamaang maangan lamang din ito.
20:57.4
Kaya pala hindi kumikibo ang kanyang ama sa tuwing pinag-uusapan ng pagre-renovate sa bahay.
21:03.4
Si Nanay Gigi lamang ang tumutulak lagi noon.
21:08.4
Dito na unti-unting naging malinaw kay Japit ang lahat.
21:13.4
Pero ang tanong, saang pader ba ang nasabing mapa?
21:18.4
At ang isa pang tanong, pwede ba siyang makialam dito?
21:23.4
Dahil base sa nakasulat, ang panganay ang dapat bigyan kung tatanggi si Tatay Along.
21:31.4
Pero bunso si Japit eh, dapat pala iyang kanyang atidara ito.
21:38.4
Magpaganoon pa man ay hindi na mapigilan si Japit noon.
21:42.4
Habang nagkakaroon ng palaisipan ay siya namang paglakas ng kuriusidad nito.
21:48.4
Alam niyo ba kung anong ginawa niya?
21:51.4
Paraumanong baleo si Japit.
21:54.4
Kinapaka pa ang dingding ng bahay.
21:57.4
May mga pintura na kasi ito at pinakiramdaman niya ang kuruba.
22:02.4
Hindi pa na kontento ay kiniskis pa talaga ng kutsilyo.
22:05.4
Sinita naman siya ni Manang Rosilia.
22:09.4
Baka umanong pagalitan ng mga magulang, lalot nagkadungis-dungis ang bahay.
22:15.4
Animo'y may mga kalmot ito ng pusa.
22:19.4
At ang sabi naman ni Japit ay bibili na lamang siya ng pintura noon.
22:24.4
Teka, huwag mong sabihing hinahanap mo yung gamit ng lolo mo.
22:30.4
Binigyan na kita ng babala.
22:32.4
Nasa sayo na yan kung hindi ka makikinig sakin.
22:37.4
Huwag dyan sa silid ko. Tumbatang to. Pinturahan mo yan ah. Paluin kita nitong sandok eh.
22:46.4
Ngumisi lamang si Japit at sinabi nitong pipinturahan niya pagkatapos.
22:52.4
Hindi niya na pala kinakailangan pang bumili dahil may mga pintura naman sa likod ng bahay nila.
22:59.4
Naubos na lang ang oras na ginawang iyon ni Japit.
23:02.4
Inabot na siya ng tanghali. Pero wala siyang natagpuang mapa.
23:08.4
Kaya dito'y iniisip niya ang sinabi ni Manang Roselia na maaaring ang gamit na iyon.
23:14.4
Matatagpuan sa ilalim ng bahay.
23:18.4
Pinag-isipan yung maigi ni Japit kasi talagang nakakatakot ang ilalim.
23:24.4
Bagamat nasilayan niya na ito pero hindi pa siya minsan nilubog ang kanyang katawan sa tubig doon.
23:29.4
Napaka-itim ng tubig. Parang langis at kumikinangkinang pa.
23:36.4
Bukod pa dyan, ang dilim at parang may nakatirang buhaya doon sa tubig na iyon.
23:43.4
Yung pagtatampisaw kasi doong naririnig nila tuwing gabi, bukod sa elemento eh baka may alaga pa si Lolo Babing doon na buhaya diba?
23:54.4
Hanggang sa lagsa walang bahala na lamang si Japit noon.
23:59.4
Tinungo niya ang silid ng mga magulang dahil doon nakalagay ang susi sa para buksan ang pinto patungo sa underground.
24:07.4
Nasa baba lamang ito ng hagdan. Naroon ang isang aparador na ginawang harang sa may pintuan.
24:15.4
Nang makuha niyang susi, nagpatulong siya kay Manang Roselia na iusog ang aparador.
24:22.4
Ayaw pa sana noon ang ali kaso nagpumilit si Japit.
24:26.4
Sige papayag ako, huwag mo akong itawit dito. Alam mong maliban sa babala ko ay pinagbawalan din kayo na pasukin ang lugar.
24:37.4
Baka isipin ang magulang mo, hindi kita silita.
24:42.4
Tumangon si Japit at sinabing siya na ang bahala noon.
24:47.4
Pagkaalis ng aparador, gagag binuksan ang pinto at pumasok si Japit noon.
24:53.4
Bumungad kaagad sa binata ang malalawang tubig at may nakalutang pangupuan.
25:01.4
Si Manang Roselia noon ay hindi nakatiis at sumunod dito sa batang to.
25:07.4
Nag-aalala kasi siya. Buhat ng noong mabuksan ng pinto ay sumambulag kaagad sa kanya ang mabigat na presensya.
25:17.4
Napanguso pa noon si Manang Roselia habang minamasdan si Japit.
25:23.4
Pinuksan pa nito ang ilaw para kahit papano'y magliwanag ang lugar.
25:28.4
Si Japit naman sa pagkakataong ito, hinubad ang kanyang pantalon.
25:34.4
Nakabrief na lamang ang binata at nang simulan niyang tumapak sa tubig.
25:40.4
Kaagad naman siyang bumalik.
25:43.4
Papano ba naman kasi? Ayon kay Japit ay nagyayelo o manuho sa lamig yon.
25:50.4
Pero nakapagtataka namang maalinsangan ang mabigat.
25:53.4
Pagkabalik niya ng presensya, yung tubig lamang umano ang napakalamig doon.
26:00.4
Pagkabalik niya sa tubig, tiniis niya na lamang ang ginawa hanggang sa unti-unti siyang umaabante ng lakad at dahan-dahan ding lumalalim ang tubig.
26:13.4
Hindi alam ni Japit noon ang gagawin. Basta nasa isip niya ay sisisiri niya umano ang bawat bahagi doon.
26:21.4
May nasasagi pa ang kanyang paa dahilan namang napapatigil ito.
26:27.4
Kanya kasi itong kinaka pa at nalalaman niyang mga karaniwang bagay lamang.
26:33.4
Hanggang sa nakarating ito sa gitna at ang tubig doon ay nasa laig na.
26:40.4
Kinikilabutan na si Japit ng mga sandaling ito.
26:44.4
Bigla na lamang nagpapatay sindi ang ilaw.
26:48.4
Humahaalog yung tubig.
26:51.4
Hindi galing sa kanya ang pagalog na iyon.
26:55.4
Dahil damang-daman niya ito na galing sa ilalim.
26:59.4
Wari bang may dumaan sa kanyang tagiliran na sobrang laking nilalang noon.
27:06.4
Napamura si Japit lalo ng maalala na baka may buwaya doon.
27:12.4
Pero pinagdasal na lamang niya na huwag naman sana.
27:18.4
Sinigawan naman siya ni Aling Roselia.
27:21.4
Na umalis na siya doon.
27:23.4
May nakikita na umano ito na hindi nakikita ni Japit.
27:29.4
May naaaninag ang matanda.
27:32.4
Sa isang kanto ng kwartong iyon na may malaking nilalang.
27:37.4
Pero anino lang.
27:39.4
Ugis tao ito at nakapatong sa malaking kahon.
27:43.4
Natitiyak ni Manang Roselia na ito ang kapreng nakatira sa ilalim.
27:48.4
Narinig iyon ni Japit.
27:51.4
Kaagad niyang ginala ang kanyang paningin pero wala naman siyang nakikita.
27:57.4
Maliwanag ang loob kung kaya makikita niya dapat iyon.
28:01.4
Maliban na lamang sa tubig na ubod ng itim.
28:06.4
Hanggang sa muling nakasagi ng bagay si Japit.
28:10.4
Sa pagkakataong ito ay nakaramdam siya ng sobrang takot.
28:14.4
Gumalaw kasi ito na waribay malaking isda.
28:18.4
Umuusog iyon pero hindi tinatantanan ni Japit.
28:23.4
Hanggang sa matapakan niya ito at dahan-dahan niyang kinakapa gamit ng kanyang paa.
28:29.4
Dito ay napagtanto niya na parang banga ito.
28:34.4
Kaya naman sinisid iyon ni Japit.
28:37.4
Mabigat pero buong lakas niya itong inangat.
28:41.4
Matapos maiangat ay nakita niya ito.
28:43.4
At may nakatakip na waribay lagayan ito ng abo ng sinunog na labi.
28:50.4
Kulay ginto iyon.
28:53.4
At dahil para sa kanya ay naging sapat na sa puntong iyon ang tinagal niya sa tubig.
28:59.4
Kaagad itong umawan.
29:02.4
Nalibot niya na kasi at iyon lang ang huling nasagi ng kanyang paa.
29:07.4
Nilapag niya ito sa harapan ni Manang Rosilia.
29:11.4
Sinabi ng binata ng bubukas.
29:13.4
Buksan niya pero ayon kay Manang Rosilia.
29:17.4
Doon na lamang sa labas gawa ng ang nakikita niya umanong nilalang.
29:23.4
Parang galit.
29:26.4
Dagdag ng ali.
29:28.4
Lahat ng nilalang sa bahay nakita niya na lahat.
29:33.4
Siya lang ang may kakayanang makita ito at malaman kung ano.
29:37.4
Dahil nga daw bukas ang kanyang banal na pangdama.
29:40.4
Itong si Manang Rosilia napakabihasa.
29:45.4
Ang binabanggit ni Manang Rosilia ay yung kanyang ikatlong mata.
29:51.4
Dalawang uri daw ng pandama ito.
29:54.4
Depende sa kung anong pinagkaloob.
29:57.4
Ang isa ay makikita talaga ang mga nilalang ng malinaw.
30:01.4
Ang ikalawa naman ay nararamdaman lamang na may mga pahiwatig sa bawat lugar.
30:07.4
Pwede ding magsabay ito.
30:10.4
Lalo na sa katulad ni Manang Rosilia na dumaan na sa bingit ng kamatayan.
30:16.4
Minsan kasing nagkaroon ng depresyon si Manang Rosilia at nagpatiwakal.
30:21.4
Pero nasalba ang buhay nito.
30:24.4
Doon na nagsimula ang mga pangitain at mga nakikita niyang hindi nakikita ng iba.
30:30.4
Idagdag pa dyan na lahing albularyo ang aling ito.
30:34.4
Lahat ng nilalang na iyon ikinubli lamang ni Manang Rosilia.
30:38.4
Buhat nang baka magdulot ito ng pagkatakot sa kanilang pamilya.
30:44.4
Kaya alam niyo na siguro kung bakit napatagal si Manang Rosilia sa bahay na iyon.
30:50.4
Kasi alam niyo namang mabubuting nilalang ang nakatira doon.
30:54.4
Maliban na lamang kapag hinama ka mga ito.
30:58.4
Sumangay naman si Japet.
31:01.4
Kagad silang lumabas, sinara at binadikdo ng aparador.
31:05.4
Naiwan pa sa loob ang pantalon ng binata pero hinayaan niyo na lamang ito.
31:12.4
Sa biranda binuksan ang banga.
31:16.4
Napakatibay umano ng pagkakakapit ng takip.
31:20.4
Wari ba'y nilagyan iyon ng pandikit?
31:23.4
Pero katagalan ay nabuksan naman ito.
31:27.4
Ang laman ay mga iba't ibang mga bato.
31:30.4
Mga karaniwang bato lamang pero gadaliri umano ang laki.
31:35.4
Ang sabi ni Japet, wala namang kakaiba sa bangang iyon pero nakasimangot ang mukha ni Manang Rosilia.
31:44.4
Ayon sa ale, ibuhos daw ang laman ito sa lupa.
31:49.4
Sinunod naman ito ni Japet.
31:52.4
At doon ay lumitaw ang hugis tatsulok na bagay.
31:57.4
Kulay itim ito at walang rebete o disenyo.
32:02.4
Basta tatsulok lang pero ang isang kanto nito may butas.
32:08.4
Dinampot iyon ni Manang Rosilia.
32:11.4
Ang sabi nito ay dignom umano ang batong iyon.
32:15.4
At may kakaibang enerhiya umano ang nagmumula dito.
32:20.4
At kung hindi siya nagkakamali, eto din ang presensya na bumabalot sa buong lugar.
32:28.4
Ito ang gamit ng lolo mo.
32:30.4
Sabi ko na nga ba, nasa ilalim ng bahay.
32:36.4
Nagtanong naman si Japet kung para saan umano ang bagay na iyon.
32:41.4
Ayon kay Manang Rosilia, literal na aggimat na mga sinaunang may karunungan.
32:48.4
Tatsulok ito, hindi trespiko.
32:52.4
Kung hindi tatsulok lang talaga, dagdag ng ali ay maaaring ang batong iyon.
33:00.4
Mutya na ginawa lamang tatsulok.
33:04.4
Proteksyon nitong dignom.
33:07.4
Pero ewan ko lang kung ano pang kayang ibigay nito sa taong matatangan.
33:12.4
Huwi ka ng ali.
33:14.4
Iligpit na daw nila ang mga bato, tapos ay itago umano ang tatsulok na iyon.
33:21.4
Bukas umano ng umaga ay pupunta nila ang kapatid ni Manang Rosilia.
33:27.4
Eto kasi ang bihasa sa mga mutya.
33:30.4
Samantalang siya ay hanggang pangitain lamang at orasyon.
33:35.4
Pumayag naman ang binata.
33:38.4
Bakante naman ito kinabukasan.
33:41.4
Araw ng linggo at sa lunes pa ang balik ng kanyang mga magulang.
33:46.4
Maging ang dalawang kapatid niyang babae.
33:49.4
Lunes din.
33:51.4
Kinagabihan habang nasa miranda at hawak hawak ang tatsulok.
33:56.4
Naguguluhan siya sa nabanggit na mapa doon sa aklat.
34:00.4
Bagamat posibleng yung tatsulok na ang tumbok nito pero,
34:05.4
talagang malaking katanungan kung bakit hindi niya nakita ang mapa.
34:10.4
Wala namang ibang binago sa bahay na iyon.
34:14.4
Maliban na lamang sa pintura.
34:17.4
Hanggang sa napahinto siya panandalian.
34:21.4
Nang maalalang pader nga pala ang nakasaad doon.
34:25.4
Hindi ka huwi.
34:27.4
Napapatawa si Japit sa sarili.
34:30.4
Hindi niya kaagad nakuha ang punto.
34:33.4
Wala namang pader na simento ang bahay.
34:37.4
Lahat ay kahoy lang.
34:39.4
Pero makakapal ng mga ito at antigo.
34:42.4
Tumayo si Japit.
34:45.4
Ginala niya ang paningin sa bakuran ng bahay.
34:48.4
Ito lang ang simentong pader.
34:51.4
Hanggang sa mapadako ang kanyang paningin.
34:55.4
Sa puno ng balete.
34:57.4
Ang gilid nito ay merong groto.
35:02.4
Para bang may kutob si Japit na doon nakalagay ang mapa.
35:06.4
Tinungo niya ang lugar.
35:09.4
Medyo nasanay na rin kasi siya kahit madilim pa.
35:12.4
Kahit pa nakakakilabot ang punong iyon.
35:16.4
Sumaglit muna ito sa gilid ng bahay gawa ng naroon roon ang pindutan ng ilaw.
35:23.4
Nang magkaroon na ng liwanag.
35:25.4
Masuring tinignan ni Japit ang detalye ng bakod.
35:30.4
Wala namang kakaiba.
35:33.4
Hanggang sa tinungo niya ang groto.
35:36.4
At doon ay nanlaki ang kanyang mga mata.
35:40.4
Nang makita ang hugis at sulok na guhit sa likod mismo ng groto.
35:46.4
Kagad inalis ni Japit ang mga lumot.
35:50.4
Hinawi niya rin ang ugat na balete na nakalambiti noon.
35:53.4
Hanggang sa dito niya namataan na ang tat-sulok na iyon.
35:58.4
May mga maliliit na letra.
36:01.4
May mga katagang nakasulat.
36:04.4
Ang sabi na sa tubig o mano nakalubog ang dignum.
36:08.4
At nasa likod naman ng inang berhen.
36:11.4
Ang basbas nito.
36:14.4
Ang nasa tubig na nakuha niya.
36:18.4
Naroroon na sa kanya.
36:20.4
Pero ang nasa likuran ng berhen.
36:22.4
Hindi pa.
36:24.4
Nakaramdam ng pagkakaba si Japit ng mga sandaling iyon.
36:29.4
Hindi niya alam sa sarili kung bakit siya biglang nanabig.
36:33.4
Naroroon lamang kasi ito sa likod ng pader ng groto.
36:37.4
At malamang sa malamang.
36:40.4
Nasa berhen Maria ang basbas.
36:43.4
Ang tanong na naglalaro sa isip ni Japit.
36:47.4
Ano ang makikita niya?
36:49.4
Sa likuran ng berhen.
36:52.4
Dahan-dahan siyang sumilip doon sa loob.
36:56.4
Nakita niya ang kumikinang na ribulto.
37:00.4
Na mahahalata dito na napangalagaan ng maayos ni Manang Roselia.
37:05.4
Kinapakapa niya ang paanan ng berhen.
37:08.4
Sa likod ito banda.
37:10.4
Doon ay may napansin siyang butas at may nahawakan itong tela.
37:15.4
At may napangalagaan niya.
37:17.4
At may nahawakan itong tela.
37:20.4
Paghila ni Japit.
37:23.4
Sisidlang bag ito na may selyong tali.
37:26.4
Maayos ang pagkabugkos na wariba'y mahigpit itong tinali nun.
37:31.4
Doon mismo sa harapan ng berhen niya binuksan ang bag na iyon.
37:36.4
At doon ay may nakita siyang isang dangkal na haba ng punyal.
37:41.4
At dalawang klase ng maliliit na lipro.
37:44.4
Walang sabi-sabing pumasok siya ng bahay at ipinakita niya ito kay Manang Roselia.
37:51.4
Sa maniwala man kayo o sa hindi.
37:54.4
Gulat na gulat ang ali.
37:57.4
Pamilyar o mano sa kanya ang dalawang libro.
38:01.4
Naglalaman ito ng iba't ibang katagang buhay na salita.
38:05.4
May tatlong bituin sa bawat tabon na mga aklat na iyon.
38:10.4
Isang indikasyon.
38:12.4
Nalihiti mo ang mga aklat na iyon at galing pa mismo sa mga priling bihasa nung araw.
38:19.4
Ito yung mga magagaling sa larangan na eksorsismo.
38:25.4
Nagtanong naman si Manang Roselia kung saan nakita ito ng binata.
38:30.4
Ipinaliwanag ni Japit ang lahat.
38:33.4
Mula o mano sa mga sinabi doon sa malaking aklat sa silid ng kanyang abuelo.
38:38.4
May mapa o mano sa pader.
38:40.4
At nakita niya iyon sa likod ng groto.
38:43.4
At isa sa mga nakatalaga sa mapang ito ay yung tatsulok.
38:50.4
Ayon kay Manang Roselia ay hindi na umano nila kailangang umalis pa.
38:55.4
Naroon roon na umano ang kasagutan.
38:58.4
Ang punyal o mano ay punyal ng isang mandirigma.
39:04.4
At ang kaparis noon ay ang tatsulok.
39:07.4
At malamang sa malamanga
39:09.4
ang isa sa mga aklat na iyon
39:12.4
ang bumubuhay sa mga gamit ng kanyang lolo.
39:16.4
Dagdag pa ni Manang Roselia
39:19.4
napakatusong tao o mano ng lolo ni Japit.
39:23.4
Dinaan talaga sa pahirapan bago matagpuan ang kanyang gamit.
39:28.4
Subok kumbaga
39:30.4
at kung sino ang makakakuha
39:33.4
siya ang pinagpala.
39:35.4
Manang Roselia
39:36.4
na nakasaad din po sa aklat na si Tatay ang susunod.
39:41.4
At kung hindi niya tatanggapin,
39:43.4
sa panganay daw ibibigay?
39:46.4
Tanong ni Japit noon.
39:49.4
Ayon naman kay Manang Roselia.
39:52.4
Baka umano na ipanganak na ang ate ni Japit noon bago mamatay ang kanyang lolo.
39:57.4
Kaya siya ang unang napili noon.
40:00.4
Pero sa pagkakataong iyon,
40:03.4
si Japit na umano ang nagmamay-ari noon.
40:06.4
Ang kulang na lamang ay ang pag-aaral kung paano ibalangkas ng maayos ang mga kataga.
40:13.4
Ultimong simanang Roselia.
40:16.4
Nagkaroon ng kuryosidad.
40:19.4
Ayon pa dito ay tuturuan umano niya si Japit ng karunungan.
40:24.4
Pero iyon ay nakadepende sa binata.
40:27.4
Kapag natuto umano ng orasyon ay wala nang atrasan iyon.
40:32.4
Sa oras na pumasok umano sa espiritwal na mundo,
40:36.4
maraming mga bagay ang hindi magugustuhan ni Japit.
40:40.4
Kagaya na lamang na mga nakikita ni Manang Roselia.
40:45.4
Pag-isipan umanong maigi ni Japit at baka magsisi ito sa uli.
40:50.4
Huwag pa dalos-dalos at huwag din umanong babasahin ang nilalaman ng dalawang maliit na aklat.
40:57.4
Kung hindi pabuo ang desisyon niya.
41:02.4
Sa pagpapatuloy ni Manang Roselia,
41:04.4
ang basbas umano na nasa aklat din,
41:08.4
kailangan niya itong banggitin ng maraming araw.
41:12.4
Pagdadaanan muna ni Japit ang pagsasakripisyo para mabigyang bisa ang basbas na iyon.
41:20.4
Nagtanong naman si Japit kung anong klase ng sakripisyo.
41:25.4
Ang sagot lamang ng ali.
41:28.4
Pagdidebosyon sa loob ng apatnapotsyam na araw,
41:31.4
walang palya,
41:33.4
at dapat ay nasat ng oras kada araw.
41:37.4
Sa kanumanong malalaman ni Japit ang bisa ng mga gamit ng kanyang lolo,
41:42.4
pagkatapos mapagdaanan ang sakripisyong iyon.
41:46.4
Siyempre,
41:48.4
etong si Japit ay sobrang nanabik matuklasan ng hiwaga.
41:52.4
Kaya ora mismo,
41:54.4
nagdesisyon ito na papasukin niya ang mundong espiritwal.
41:59.4
Tumango si Manang Roselia.
42:01.4
Nagmungkay na walang dapat makakalam na iba dito maliban na lamang sa kanilang dalawa.
42:08.4
Ang pagkakaroon daw kasi ng karunungan,
42:12.4
hindi ibinubunyag sa iba,
42:15.4
kung hindi sinasarili lamang dahil maraming kukutsa at huhukom sa pagkatao.
42:21.4
Sisimula naman nila ang sakripisyo sa susunod na buwan,
42:26.4
dahil paparating na ng mga panahong iyon.
42:29.4
Ang mahal na araw.
42:33.4
Sa mga nagdaang araw ay hindi na nagbabarkada si Japit.
42:38.4
Lagi na lamang itong nakabuntot kay Manang Roselia.
42:42.4
Paano ba naman kasi ay maraming mga sinasabi sa kanyang ali.
42:47.4
Lahat na mga batayan sa pagpasok sa pagiging may karunungan.
42:52.4
Katunayan noon,
42:54.4
nasama pa si Japit sa kapatid ni Manang Roselia.
42:57.4
Kahit alam na ni Japit ang patungkol sa kanyang natuklasang gamit ay hindi pa ito naging sapat para sa kanya.
43:05.4
Doon niya nalaman sa kapatid ni Aling Roselia,
43:09.4
na si Ernesto,
43:11.4
na mutya daw ang bato at tama si Manang Roselia noon.
43:15.4
Ang punyal,
43:17.4
nabahiran na ng dugo na mula sa maraming tao.
43:21.4
Nabahiran na din ito ng dugo mula sa mga aswang.
43:25.4
At yung punyal na iyon,
43:27.4
sa pagkakatansya ni Ernesto ay mula pa ito sa ikalabing limang siglo.
43:33.4
Gawa sa bronze ang hawakan,
43:36.4
at isang uri ng bakalang talim,
43:39.4
na siyang mabisa sa pagpatay sa mga masasamang nilalang.
43:43.4
Platino ito,
43:45.4
na tipikal na pampatay talaga ng mga aswang.
43:49.4
Kaya lamang naging matibay dahil hinaluan ng asero.
43:54.4
Hindi may pagkakaila,
43:57.4
dahil talagang maalam itong si Ernesto.
44:01.4
Dagdag pa nito, ang magiging bisa nito kapag nakargahan ay pinsala na walang lunas.
44:07.4
Kahit ang tamaan pa nito ay normal na tao,
44:10.4
habang ang tatsulok naman, kabal at proteksyon.
44:15.4
At kapag nakargahan ng sagad ang tatsulok,
44:18.4
maaaring magbigay ito ng abilidad na hindi kapanipaniwala.
44:22.4
Mas lalong umantig ang pagnanais ni Japeth na matuto ng karunungan,
44:28.4
hanggang sa nagsimula na siyang magdibosyon.
44:32.4
Napakasipag ni Japeth,
44:35.4
ang mga nakatakdang oras ay talagang hindi pumalyang binata noon,
44:40.4
hanggang sa natapos niya na ang pagdibosyon.
44:44.4
At dito ay may napansin si Japeth nakakaiba sa kanyang katawan.
44:49.4
Madalas ay namamanid,
44:52.4
nagtatayuan ang kanyang balahibo.
44:55.4
Parang kinikilabutan umano siya kahit alam niya namang hindi nakakatakot ang isang lugar.
45:02.4
Ayon naman kay Manang Rosilia,
45:05.4
nasa proseso na daw sa pagbubukas ang katawan ni Japeth sa mundo ng espiritwal.
45:10.4
Antay na lamang umano ni Japeth na matapos ito,
45:14.4
dahil wala na siyang mararamdaman pa doon.
45:17.4
Pero ang susunod naman,
45:20.4
hindi na magugustuhan ni Japeth.
45:23.4
Ihandaan na lamang umano ang sarili at magaroon ng sapat na tapang noon.
45:28.4
Tumangu naman si Japeth at sinabing hindi siya natatakot sa kung anong matutunghayan niya.
45:34.4
Tumawa lamang si Manang Rosilia.
45:39.4
Piyarnes ng hapon,
45:42.4
nilagnat si Japeth.
45:44.4
Saktong pagkauwi niya galing sa eskwelahan.
45:47.4
Saka pa lamang bumigat ang kanyang katawan at uminit noon.
45:51.4
Hindi niya naman ito ipinalam sa kanyang mga magulang.
45:55.4
Maging kay Manang Rosilia,
45:57.4
hindi niya rin sinabi.
46:00.4
Ang hindi alam ni Japeth ay yun na pala ang hudyat para magbago ang pananaw at paniniwala ng tuluyan.
46:08.4
Ito ay basbas,
46:10.4
pero hindi kinaya ng kanyang katawan,
46:13.4
kaya siya nagkasakit.
46:16.4
Habang nasa silid noon ang binata,
46:18.4
nakakarinig siya ng iba't ibang boses,
46:22.4
ng tawa,
46:24.4
iyak ng sanggol,
46:26.4
tahol ng aso,
46:28.4
huni ng mga kuliglig at sobrang lalakas na mga ito.
46:32.4
Idagdag pa dyan ang hele na animoy nagsusumamong mga tao sa ilalim ng lupa.
46:38.4
Meron ding boses na wari galing sa napakalaking nilalanga,
46:44.4
at tumatawa yon.
46:46.4
Napatakip ng tenga si Japeth pero hindi nawawala ang mga naririnig niya.
46:53.4
Nagtalukbong pa siya ng kumot,
46:56.4
at doon ay bigla na lamang siyang nakaramdama,
46:59.4
nang tila may kumakalabit sa kanya.
47:04.4
Kinabahan si Japeth,
47:06.4
dahil nakakandado naman ang pintuan,
47:09.4
at alam niya sa sarili na siya lang mag-isa sa silid na iyon.
47:12.4
Kasabay nito ay siya namang pagkawala ng mga boses na naririnig ng binata noon.
47:19.4
Sandaling nakiramdam si Japeth,
47:22.4
at ilang saglit lang,
47:24.4
hinawi niya ang kumot para sipatin kung ano yung kumakalabit sa kanya.
47:30.4
Kitang kita mismo ng mga mata ni Japeth,
47:35.4
ang isang malaking tao na nakatayo sa kanyang tagiliran.
47:39.4
Maitim ito, at ang lalaki ng kalamnan.
47:45.4
Pagangat ng tingin niya sa muka,
47:48.4
gulat na gulat si Japeth.
47:51.4
Napakapangit.
47:53.4
Ang mga mata ay nagbabaga na wari ba'y buhay na apoy.
47:58.4
Napaatras si Japeth at sumandal sa dingding,
48:02.4
at dito niya nasilayan ang kabuuan ng nilalang na iyon.
48:06.4
Para ba itong igurot?
48:09.4
Pero isang higante.
48:12.4
Mapula ang labi,
48:14.4
at ang tenga ay parang sa baboy.
48:17.4
Nakatumba ang dulo ng tenga.
48:21.4
Napahesus ko Maria si Japeth,
48:24.4
na patanong kung anong klaseng nilalang ang kanyang nasa harapan.
48:30.4
Ilang saglit lang,
48:32.4
may nagsilitawan pang mga ubod ng kapangit na nilalang bukod doon sa iganding iyon.
48:39.4
Kasabay pa nito ay ang biglaang paglamig ng lugar.
48:43.4
Wari ba'y nakayakap sa kanya,
48:46.4
ang mga kaluluwa.
48:48.4
Yung mga nakikita niya ay hindi niya mapigura kung ano.
48:53.4
Basta may babae na parang ugat ng kahoy ang balat.
48:57.4
May nakadapa sa sahig na animoy tao na may ulo ng palaka,
49:02.4
at nagkalat ang mga maliit na nilalang doon.
49:05.4
Nakakakilabot ang mukha ng mga iyon.
49:07.4
May isa lamang ang mata,
49:10.4
may mahaba ang baba,
49:12.4
may nakangisi na abot tenga ang bibig,
49:15.4
at may kumakandirit pa na wari naglalaro.
49:20.4
Pinipikit-pikit ni Japeth ang kanyang mga mata,
49:24.4
pero hindi yun nawala sa kanyang paningin.
49:27.4
Saalip, nanatili ang mga ito na wari ba'y binabantayan si Japeth.
49:34.4
Hindi nakatiis ang binata.
49:37.4
Kaagad siyang nagkumahog ng takbo.
49:40.4
Lumabas ng silid at halos matisod pa ito habang pababa ng hagdanon.
49:46.4
Dumaan siya sa sala kung saan naroon na mga kapatid niya.
49:51.4
Sinita siya ng mga ito pero hindi siya nakinig.
49:55.4
Ang hinahanap niya noon ay walang iba kung hindi si Manang Roselia.
50:01.4
Ate, nakita niyo ba si Manang Roselia?
50:05.4
Nasaan po siya ate, lovely?
50:07.4
Ikaw ate Dara, nakita niyo ba siya?
50:12.4
Napatanong ang kanyang ate kung anong nangyari sa kanya.
50:16.4
Tila takot na takot ito.
50:19.4
Sinabi naman nila na baka may binili lamang si Manang Roselia noon.
50:24.4
Hindi na nagsalita pa si Japeth.
50:27.4
Tumangu lamang ito at mabilis na lumabas ng bahay.
50:31.4
Hanggang sa lumabas na rin ng tarangkahan,
50:33.4
sinipat niya ang ali doon sa mga tindahan sa labas.
50:38.4
Nakita niya itong paparating.
50:41.4
Nagtaka naman ito sa kanya.
50:44.4
Kagad niyang sinabi kung anong mga nakita niya sa silid noon.
50:48.4
Pero alam niyo ba ang reaksyon ni Manang Roselia?
50:52.4
Imbis na matakot, humagal pa kito ng tawa na siya namang kinainis ni Japeth.
50:58.4
Ano ba yan Manang?
51:00.4
Magseryoso ka naman po kayo.
51:03.4
Totoo po yung sinabi ko, hindi na wala sa paningin po.
51:07.4
Kahit nga paglabas ko ng silid, nakasunod lang sila ng tingin sakin eh.
51:12.4
Ayon naman sa matanda ay hindi naman siya nagsabi na hindi siya naniniwala.
51:17.4
Natatawa lamang umano siya.
51:20.4
Sinabi niya naman sa binata na dapat ay magkaroon ito ng sapat na tapang.
51:26.4
Pero bakit ito tumakbo? Bakit ito natakot?
51:31.4
Natural lamang umano iyon sa katulad nila.
51:35.4
Malinaw na ba umano sa mga mata niya ang nakikita?
51:39.4
Bukas na bukas na umano sa espiritwal na mundo si Japeth noon.
51:44.4
May basbas na ito at hindi ito basbas na paunti-unti.
51:50.4
Kung hindi sukdulan kaagad.
51:53.4
Malamang sa malamang ang mga nagpakita ay ang mga kaibigan ng lolo niya.
51:58.4
Dahil kung hindi umano, malamang sa malamang ay sinaktan na siya ng mga iyon.
52:05.4
Dagdag pa nito ay lahat daw ng mga nakatira sa bahay, iyon na ang mga nakita niya.
52:12.4
At ang mga ito ay ayaw na ayaw titigan sa mga mata.
52:16.4
Dahil may gagawin ang mga itong hindi maganda.
52:20.4
Pero dahil sa walang ginawa kay Japeth ang mga iyon, isa lang ang ibig sabihin.
52:25.4
Tinanggap na si Japeth na mga ito bilang tagasunod ng kanyang lolo babing.
52:35.4
Dapat masanay ka na dahil mapaghahalataan ka ng ibang mga taong makakakita sa iyo na nababaliw ka.
52:43.4
Lalit yung mga kaibigan ng lolo mo.
52:46.4
Sasama na sa iyo kung saan ka magpunta.
52:50.4
Napabitaw ng mabigat na salita si Japeth.
52:54.4
Kagad siyang nagsisi kung bakit niya pa sinubok magkaroon ng karunungan, lalo na ang karunungan na meron si lolo babing nun.
53:03.4
Ito kasi ang kanyang sinunod.
53:06.4
Batay na rin ito sa mga nakalathala sa bawat pahina na nababasa niya sa mga aklat.
53:13.4
Nagtanong si Japeth kung pwede bang hindi na lamang siyang magpatuloy.
53:18.4
Pero umiling si Manang Rosilia.
53:21.4
Bukas na umano ang katawan ni Japeth sa kababalagan.
53:24.4
Hindi na ito masasara pa.
53:27.4
Dagdag pa nito.
53:30.4
Sinabi niya naman dati na walang atrasan na kapag napasubo.
53:34.4
Pumayag pa nga si Japeth nun.
53:37.4
At nakikita niya ang kuryosidad ng binata.
53:40.4
Pero para umano ang lumalabas ng mga panahon na iyon ay naging mayabang lamang si Japeth.
53:48.4
Hindi na kumibo si Japeth.
53:51.4
Napaisip-isip niya na tama naman si Manang Rosilia.
53:55.4
Lakas lamang ng loob niya iyon dahil sa pananabik matuklasan ang visa ng mga gamit ng kanyang lolo.
54:01.4
Pero ngayong nasilayan niya na ang nakakatakot na mundo.
54:05.4
Nabahag ang binata.
54:08.4
Pero ano pa bang magagawa niya?
54:11.4
Nariyan na yan at kailangan niya itong harapin.
54:14.4
Harapin at labanan ng takot.
54:18.4
Hindi ito yung kwento na magiging taga-tugis ng nilalangang bida.
54:22.4
Ipinaparating ng kwento na hindi madali ang magkaroon ng karunungan.
54:28.4
Lalo na ang karunungang meron ang napakabihasang tao.
54:33.4
Katulad na lamang ng lolo ni Japeth.
54:36.4
Dapat buo ang loob mo at may malaking pagkalalaki ka.
54:42.4
Dahil kung wala ka nito, marahil ito lamang ang dahilan kung bakit ka iiwan ng saktong pag-iisip.
54:48.4
Hindi na kaila sa atin na may mga iilang taong minsang pinasok ang mundo ng kababalagan.
54:56.4
Nabaliw ang mga iyon.
54:59.4
Totoo yan.
55:01.4
Sino ba namang hindi mababaliw kapag nakakita ka ng hindi kaaya-ayang nilalang.
55:06.4
At kahit saan ka tumingin ay makikita mo sila.
55:10.4
Kaya naman saludo ako sa mga bihasa na may sapat na tapang.
55:15.4
Na para bang nasanay ang mga ito.
55:18.4
Tila toom na lang.
55:20.4
Ibang kabarkada mo na lamang ang mga iyon.
55:23.4
Kahit pa malaki ang pababagong mangyayari.
55:27.4
Itong si Japeth pagkatapos noon, himala namang nakatagal sa tulong na rin ni Manang Roselia.
55:34.4
At yung mga gamit ay nalaman niya na ang bisa noon.
55:38.4
Talagang totoong nakakamangha ang mga ito.
55:41.4
Yung tatsulok.
55:43.4
Bukod sa tibay ng katawan.
55:45.4
Nagbibigay ito ng abilidad ni Japeth na sobrang bilis mag-isip.
55:51.4
Napakalakas din ang kanyang pandamanon.
55:54.4
Maliban pa dyan, bahagya ding lumakas ang kanyang katawan.
56:00.4
Manipis lang kasi si Japeth pero sa mabigatang trabaho, tumatagal ito.
56:06.4
Hindi naman yung tipong superhero. Hindi ganun ang tangan.
56:11.4
At yung parang sampung beses ang lakas sa normal na tao.
56:14.4
Hindi yun.
56:16.4
Bahagya lamang lalakas pero hindi talaga literal na ganun.
56:20.4
Hindi nakapadipaniwala yun.
56:23.4
Tandaan nating may batayan pa rin tayo.
56:27.4
Timbang ang lahat ng bagay.
56:29.4
Ito ay base na rin sa kung paano tayo nilikha.
56:33.4
Iba na yung mas nakakalamang may sapagkademonyo na yun.
56:39.4
Tumpunyal naman bagamat may angking hiwaga pero
56:42.4
hindi pa minsan nagamit ni Japeth.
56:46.4
Itinago niya na lamang hindi niya daw kailanman pinaglaruan.
56:51.4
Dahil alam niya sa sarili na sobrang delikado man nunon.
56:56.4
Nagpatuloy ito sa ligasiya ng kanyang lolo.
57:00.4
Yung mga nilalang umanos sa bahay.
57:03.4
Nakakausap niya ang mga ito na parang pamilya na rin.
57:07.4
Nilipat ni Japeth ang mga nilalang na yun sa likod bahay nila.
57:12.4
Sa pamamagitan din ito ng seremonya.
57:15.4
Nang sa ganon,
57:17.4
kapag may gusto silang gawin sa bahay,
57:20.4
malaya sila para na rin matuloy ang pagrenovate.
57:24.4
Pero magbasa hanggang ngayon,
57:27.4
nananatili ang itsura ng bahay.
57:30.4
Hindi nila pinabago.
57:32.4
Pinaganda lamang at pinanatili ang kasaysayan nito.
57:37.4
Sa mga taga Dumaguete,
57:39.4
makikita lang naman ang bahay na ito sa daanan patungo sa siliman.
57:44.4
Magkakasunod ang ancestral house dyan.
57:48.4
Pero hindi ko sasabihin dito kung alin.
57:53.4
Lahat ng ito ay dahil lamang
57:57.4
sa lumang bahay na iyon.
58:09.4
Pagkakasunod ang kasaysayan nito,
58:12.4
makikita lang naman ang kasaysayan nito.
58:15.4
Pagkakasunod ang kasaysayan nito,