Close
 


NANAY & TATAY - Dear Love | February 23, 2024
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Todo kayod si Nardo bilang isang tricycle driver para sa kaniyang housewife na si Carmen at para sa kanilang tatlong anak. Hindi na nila lubusang maisip kung paano nila maibibigay sa pamilya nila ang maginhawang buhay. Ang mga istoryang kukurot, kikiliti at magpapakilig sa natutulog mong PUSO. Dear Love with Conyo Bicolano at Robin Sienna 9:00 a.m. to 12 p.m. Listen or Watch Live: https://www.loveradio.com.ph Download our Mobile App: http://bit.ly/LoveRadioPH Facebook: https://www.facebook.com/loveradiomanila Twitter: https://twitter.com/loveradiomanila Instagram: https://www.instagram.com/loveradiomanila #LoveRadioManila
Love Radio Manila
  Mute  
Run time: 17:08
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
O, mukhang hindi ka gaano nakatulog ah.
00:07.5
Naalimpungatan ako kagabi.
00:09.8
Nakapangmintana ka pa.
00:12.4
Nakatulog naman.
00:14.6
Napaisip lang ako ng konti bago ako mahiga.
00:17.6
E ano naman ang naisip mo?
00:20.0
Itong buhay natin.
00:22.3
Minsan, nalulungkot ako.
00:24.8
Pakiramdam ko,
00:26.3
hindi ko na ibibigay sa mga anak natin
00:28.1
ang lahat ng pangangailangan nila.
00:30.2
Huwag ka nga magsalita ng ganyan.
00:32.9
Ginagawa mo ang lahat para itaguyod ang pamilya natin
00:35.6
at nakikita ng mga anak mo yun.
00:38.0
Nakikita ko.
00:39.6
Huwag kang mag-alala.
00:41.0
Para sa amin,
00:42.4
isa kang mabuti at responsabling ama.
00:45.7
Yan ang gusto ko sa'yo, Carmen.
00:47.9
Lagi kang nakasoporta kahit alam kong nahihirapan ka din.
00:52.7
O, alis na ako bago tuluyang sumikat ang araw.
00:56.5
Mag-iingat ka sa pangamasada.
00:58.8
Magpunas ka ng likod kapag
00:60.0
pawis na nang hindi ka ubuhin.
01:02.6
Masamang matuyuan ng pawis.
01:04.9
Ikaw din, Carmen.
01:06.5
Huwag ka masyadong magpapakapagod.
01:08.9
Huwag mong piliting tapusin lahat ng gawaing bahay.
01:11.9
Kapag napagod ka na,
01:13.7
kinabukasan mo na ituloy.
01:15.2
Oo.
01:16.0
Saka tinutulungan naman ako ng mga anak mo.
01:18.5
Kapag tapos na sila mag-aral,
01:20.5
wala naman ako masyadong gagawin ngayon.
01:22.8
Kukusutin ko lang yung mga binabad ko kahapon.
01:25.9
Sige.
01:27.2
Alis na ako at ng makarami.
01:29.1
Mag-iingat.
01:30.0
Sana hindi matumal ang mga pasahero ngayon.
01:48.6
Mga anak,
01:50.7
nandito na ang tatay niyo.
01:52.5
Tay,
01:53.5
naku,
01:54.3
pawis na pawis po kayo.
01:56.3
Ito po ang bimpo, tay.
01:57.6
Pupunasan ko po yung likod niyo.
01:59.1
Ay,
01:60.0
salamat, Cora.
02:02.2
Ay,
02:02.7
ang init sa kalsada.
02:04.4
Napaka-traffic pa.
02:06.1
Tay,
02:06.9
malamig na tubig po
02:08.1
para malamigan kayo ng konti.
02:10.7
Inumpu muna kayo.
02:13.3
Salamat, Minda.
02:14.8
Tay,
02:15.5
ito po ang sineras niyo.
02:17.6
Oh,
02:18.0
salamat, Jun.
02:19.7
Napakababait naman ang mga anak po.
02:22.2
Kahit anong pagod ko sa maghapon,
02:24.5
kapag umuwi ako,
02:26.1
nawawala.
02:27.6
Carmen,
02:28.2
ito na yung kinita ko sa maghapong pamamasada, oh.
02:31.2
Bilangin mo na.
02:33.2
Ay, oo.
02:34.2
Nagtatabi na ako ng pambili ng bigas at konting ulam.
02:37.2
Kailangan ko din pala magtabi ng kaunti para kay Minda.
02:40.2
May project daw sila sa eskwela.
02:43.2
May kailangan din daw bilihing libro si Jun.
02:46.2
Kakasya pa kaya?
02:48.2
Eh, susubukan natin pagkasyahin.
02:51.2
Hayaan mo.
02:52.2
Kapag kinapos,
02:54.2
papakiusapan ko si Boss Canor na baka pwedeng
02:57.2
kalakasan mo.
02:58.2
Mahatiin muna ng boundary ang iabot ko bukas.
03:01.2
Sa susunod na araw ko na iabot ang kalahati.
03:04.2
Mabuti na lang at mabait si Mang Canor.
03:06.2
Naiintindihan ang sitwasyon ng pamilya natin.
03:09.2
Oo nga.
03:22.2
Cora,
03:23.2
magluto ka na ng hapunan at ng makakain na tayo.
03:26.2
Nakakuha na ba si Jun ang panggatong?
03:29.2
Opo eh, Nay.
03:31.2
Eh, may konting gas-gas nga lang ho yung mga binti ni Jun.
03:35.2
Umakyat pa yata ng puno para pumutol na mga tuyong sanga.
03:38.2
Oo nga, Nay.
03:40.2
Nay, buti pa yung kaklasiko yung pangluto ni Lagas.
03:43.2
Yung iikot-ikot lang tapos ay apoy na.
03:47.2
Tayo kailangan pang manguha ng sanga dyan sa bakuran.
03:50.2
Hayaan mo, anak.
03:52.2
Kapag may pera na tayo,
03:54.2
bibili din tayo ng lutoang bigas.
03:56.2
Talaga po, Nay?
03:57.2
Oo, anak.
03:58.2
Basta mag-aaral ka mabuti, ha?
04:00.2
Opo.
04:10.2
Nay, kapos na po yung bigas.
04:13.2
Di na po to kakasya sa atin.
04:16.2
Ganun ba, anak?
04:19.2
Sige, ilugaw mo na lang ng dumami.
04:22.2
Ang importante,
04:23.2
mainitan ang mga sigmura natin kahit papaano.
04:26.2
Opo, Inay.
04:27.2
Ilulugaw ko na lang po itong konting bigas
04:29.2
para makakain na po tayo ng hapunan.
04:33.2
Nasaan na nga pala si Naminda at Jun?
04:35.2
Tumidilim na.
04:37.2
Malamang eh, nakikinood na naman ang TV
04:39.2
kila Aling Tetay, Nay.
04:41.2
May paborito kasing telenobela.
04:44.2
Ay, oh.
04:45.2
Ito na pala sila eh.
04:47.2
Bakit kaya ang sungit ni Aling Tetay ngayon, Nay?
04:51.2
Nakikinood lang naman kami ng TV.
04:54.2
Sinaraduhan kami ng bintana.
04:57.2
Oo nga po, Nay.
04:59.2
Buti na lang di naipit yung kamay ko.
05:02.2
Kasi naman, pumirmin na lang kayo dito sa bahay.
05:06.2
Hmm. Kailang baya tayo magkaka-TV, Nay?
05:10.2
Kahit yung maliit lang,
05:13.2
ayaw na naming makinood kay Aling Tetay, di ba, Jun?
05:16.2
Oo.
05:17.2
Huwag ka ngayong mag-alala.
05:19.2
Palapit na yun, anak.
05:20.2
Palapit na.
05:21.2
Makakabili din tayo noon.
05:23.2
Basta mag-aral ng mabuti.
05:26.2
Tama.
05:27.2
Basta mag-aral ng mabuti, mga anak, ha?
05:40.2
Tay, tapos na po kayong mag-almusal?
05:43.2
Oo, anak.
05:45.2
Nagsabay na kami ng nanay mo.
05:47.2
Tay,
05:48.2
parang namamagayong ka ng paa niyo.
05:51.2
Umaatake na naman ang arthritis ko, eh.
05:54.2
Eh, pahinga muna kaya kayo ngayon.
05:56.2
Huwag muna kayong mamasada.
05:58.2
Isang araw lang naman, eh.
06:00.2
Hindi pwede, anak.
06:02.2
Kailangan natin ang isang araw na kita para sa pagkain at iba pang gastusin.
06:07.2
Muwawala din ang pamamaga nito.
06:09.2
Tay, mag-iingat kayo, ha?
06:12.2
Kapag hindi niyo na kinaya, eh, umuwi na kayo at magpahinga.
06:17.2
Huwag mo akong alalahanin, anak.
06:19.2
Kaya ko ang sarili ko.
06:21.2
Ang intindihin mo, yung pag-aaral mo.
06:25.2
O siya, ako'y mamamasada na.
06:38.2
Hoy, Minda at Jun!
06:40.2
Tapos niyo na ba mga assignments niyo?
06:42.2
Laro kayo ng laro dyan, ha?
06:44.2
Oo, hati.
06:45.2
Ginawa na namin kanina.
06:48.2
Hoy, mag-aaral kayo mabuti, ha?
06:51.2
Mangawa kayo kila tatay at nanay.
06:54.2
Tatlo tayong pinag-aaral nila at hindi, hindi madali yun, ha?
06:58.2
Magandang grades lang ang pambawi natin.
07:01.2
Alam namin, ate.
07:03.2
Pinagbubuti naman namin.
07:04.2
Promise, promise.
07:05.2
Dapat lang.
07:07.2
Tapusin niyo mga assignments niyo, ha, bago dumilim.
07:10.2
Alam niyo namang wala tayong kuryente.
07:12.2
Oo, ate.
07:15.2
🎵gesch 만큼 to space🎵
07:26.2
Tao po.
07:28.2
Maring Belen?
07:31.2
O!
07:32.2
Maring Carmen, napadalaw ka.
07:34.2
Naku Mari.
07:36.2
Magbaba ka sa kali sana ako.
07:39.2
Baka naman meron kang 500 pesos diyan.
07:42.2
Ay kailangan bayaran si Carmen sa eskwela.
07:44.8
Ibabalik ko din bukas ng gabi.
07:46.7
Mamasada naman si Nardo bukas maghapon.
07:50.3
O, eto, Mari.
07:52.8
Ibalik mo bukas at kailangan ko din yan, ha?
07:56.3
Kayo namang kasing mag-asawa.
07:59.0
Bakit ba sabay-sabay niyong pinag-aaral ang mga anak niyo?
08:02.3
Wala ka namang trabaho.
08:04.4
At si paring Nardo, tricycle driver lang.
08:07.7
Eh, mahihirapan talaga kayo niyan.
08:10.8
Eto, Mari, huwag mo namang mamasamain, ha?
08:12.9
Aba, e linggo-linggo kang nangihiram sa akin.
08:17.8
Kung hindi sa akin, kay Maring Vanji,
08:20.9
pinipilit niyo kasing kayanin.
08:24.1
Kung ako sa inyo, patigilin mo muna yung isang anak niyo.
08:30.0
Kapag may nakatapos at nakakatulong na,
08:33.2
saka napag-aralin yung iba.
08:35.9
Naku, Mari, napaka-importante sa aming mag-asawang edukasyon.
08:40.4
Lalo na at mahirap lang kami.
08:41.4
Wala naman kaming maipapamanang bahay, lupa, negosyo o kung anumang material na bagay.
08:48.0
Edukasyon lang talaga ang maiiwan namin sa mga bata.
08:51.7
Mari, ayoko silang lumaking mangmang.
08:54.2
Ayoko matulad sila sa amin ang tatay nila na walang pinag-aralan.
08:58.4
Kapag nakatapos sila, makakakuha sila na maayos sa trabaho at hindi sila mahirapan sa buhay tulad namin.
09:04.7
Ay, sa bagay, Mari.
09:06.7
Hilip na ako sa inyo mag-asawa.
09:08.2
Kaya kapag meron lang din ako at nagsabi,
09:11.4
Sabi ka, kahit kahuli-hulihang pera ko na, pauutang ko pa sa'yo.
09:16.3
Naku, salamat, Mari, ha?
09:19.3
Paano? Uwi mo na ako, ha? Ibabalik ko na lang bukas.
09:23.3
Sige, Mari. Ingat ka.
09:34.4
Dear love,
09:36.1
Napaka-importante sa aming mag-asawang edukasyon.
09:39.9
Lalo na at mahirap lang kami.
09:41.4
Wala naman kaming maipapama ng bahay, lupa, negosyo, o kung anumang material na bagay.
09:47.6
Edukasyon lang talaga ang maiiwan namin sa mga bata.
09:51.8
Dear love,
09:53.3
Ayoko silang lumaking mangmang.
09:55.2
Ayoko matulad sila sa amin ang tatay nila na walang pinag-aralan.
09:59.5
Kapag nakapagtapos sila,
10:01.8
makakakuha sila na maayos sa trabaho at hindi sila mahirapan sa buhay tulad namin.
10:11.4
🎵 Music 🎵
10:27.6
Congratulations, Cora! Graduate ka na!
10:31.8
Proud na proud kami ng tatay mo sayo, anak!
10:35.0
Oo nga, anak. Nagbunga na lahat ng paghihirap mo.
10:39.0
Nakatapos ka na ng kolehyo.
10:41.4
Dahil po sa pagsisikap nyo, Nay at Tay, salamat po sa pagpupursigip para makatapos ako ng pag-aaral.
10:49.7
Alam mo, Tay, minsan po talaga, di ko maisip kung paano nyo ako napatapos ng pag-aaral sa pagtatricycle lang.
10:59.3
Aba, alam mo anak, yung mga bariyan ay binabayad ng mga pasahero kapag pinagsama-sama nakakabuhayan ng pamilya.
11:09.1
Nakakapagpaaral ng mga anak.
11:11.4
Salamat, Tay, ha? Ang swerte namin magkakapatid sa inyo.
11:16.3
Siyempre, swerte din naman kami ng tatay nyo sa inyong magkakapatid.
11:20.5
Ang babait nyo at ang sisipag nyo mag-aaral.
11:30.6
Tay, may trabaho na po ako!
11:33.7
Oy, congratulations anak! Abay, magandang balita yan!
11:37.9
Malapit lang dito sa atin, Tay, at maayos ang sweldo!
11:41.4
Opo! Pagbubutihin ko po!
11:43.4
Dapat anak, hindi lahat ng gustong magtrabaho, nakakapagtrabaho kaya pagbutihin mo, ha?
11:49.4
Opo, inay!
11:58.4
Wow, ate! Dito talaga tayo kakain?
12:01.4
Oo nga. Bagong sweldo si ate kaya sa labas tayo kakain.
12:06.4
Salamat anak at may trabaho ka na.
12:09.4
Ang dami ng magagandang nangyayari sa atin.
12:11.4
Nakakain na tayo sa labas.
12:13.4
Hindi ko na kailangan kumuha ng paggatong kasi may lutoang digas na.
12:19.4
Hindi lang yun. May sarili na tayong TV. Pagkatapos mamasada, nakakapalood na ako habang nagkakape.
12:27.4
Igit sa lahat, may kuryente na tayo. Hindi na umiitin yung butas ng ilong ko dahil sa usok ng kandila.
12:41.4
Opo, inay!
12:48.4
Tay, kailangan nyo pa ba talagang mag-tricycle?
12:52.4
Oo naman anak. Aba eh, mas nakakapagod yung walang ginagawa.
12:57.4
Sigurado kayo ha, kasi hindi nyo naman na kailangan gawin. Kapag pagod na kayo, umuwi na kayo at magpahinga.
13:07.4
Oo anak, huwag kang mag-alala.
13:11.4
Pagkatapos nyo pa ba talagang mag-tricycle?
13:19.4
Aba Carmen, napakaganda ng bahay mo ha.
13:25.4
Oo Maring Belin. Mula nung pinarenovate ni Cora, ang laki ng ginanda.
13:30.4
Sensado na talaga.
13:33.4
Hindi naman. Kailangan pa din maghanap buhay. Nakakatuwa lang na gumihawan ng konti simula na magkatrabaho si Cora.
13:40.4
Oo nga. Ang swerte mo dyan sa anak mong iyang Carmen.
13:45.4
Ay sinabi mo pa. Minsan nga lang sinasabihan namin na mag-ipon din para sa sarili. Aba eh, may sarili din naman siyang buhay.
13:53.4
Tama din naman.
14:04.4
Cora anak, bumili ka ng mas malaking TV?
14:08.4
Eh, oo nai.
14:10.4
Para mas masarap ang panonood nyo ni tatay.
14:13.4
Anako anak, dahan-dahan sa paggastos ha. Abay kaka-resign mo lang sa trabaho at nagsisimula pa lang ang negosyo mo.
14:20.4
Eh, okay lang nai. Kinita ko na po yung pinambili ko nyan. May sorpresa pa ako sa inyo nai. Hintay-hintayin nyo na lang po.
14:29.4
Ay naku nak. Mula nang nakapagtapos ka, palagi mo kaming sinosorpresa. Salamat ng marami ha.
14:38.4
Walang ano man nai. Basta ngayong may negosyo na ako. Ako nang bahala sa inyo.
14:52.4
Cora, naka-aircon na ang mga kwarto. Pati ba naman itong sala at kusina?
14:56.4
Eh, alam nyo naman ng klima sa atin, tay. Kapag panahon ng tag-init, eh saksa ka ng init. Ngayong may aircon na, hindi na tagaktak ang pawis nyo kapag tag-init.
15:07.4
Hindi ba sobrang na anak? Ang mahal ng kuryente. Dagdag na bayaran pa yan.
15:13.4
Eh, okay lang yan nai. Ang importante, komportable kayo.
15:31.4
O anak, maaga ka yata ngayon.
15:34.4
Eh, opo inay. Maaga mo.
15:35.4
Eh, opo inay. Maaga mo.
15:37.4
Dahil dahil natapos yung deliveries namin sa customers, si Tatay ho, pauwi na?
15:43.4
Ay, oo. Umuuwi yun para man ang halian. O, ayun na pala.
15:49.4
Kanino kaya ang tricycle yung nakaparada sa harap natin? Bagong bago, ah. Hinarang nga lang sa gate.
15:56.4
Eto yung susi, tay. Ipasok nyo na sa loob ng garahe.
16:01.4
Aba, eh ba't may susi ka? At saka bakit ko ipapasok sa garahe?
16:05.4
Hahanapin ng may-ari yan.
16:07.4
Eh, tay. Sa inyo kasi yan. Binili ko na kayo ng sarili nyo para hindi na kayo nakikiboundary kay Mang Kanor.
16:16.4
Para kapag ayaw niyong pumasada, walang problema. Pwedeng kayo na ang magpaboundary niyan.
16:23.4
Talaga, anak? Naku, salamat. Maraming salamat.
16:29.4
Kami po ang dapat magpasalamat sa inyo, tay.
16:33.4
Kung hindi dahil sa pagpupursigin yung makatapos kami magkakapatid, eh malamang hindi giginhawang buhay natin.
16:54.4
Kailangan pa bang imemorize yan?
16:59.4
Love Radio
17:01.4
Basic!