Close
 


LITO | AICEL | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 34:58
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dito sa Papadudod Stories, ikaw ay hindi na...
00:06.3
Minsan may tao tayong makikilala at aakalain natin na dadaan lang sa buhay natin.
00:13.4
Pero sila pa pala, ang magtatagal at kahit wala sa plano ay pwedeng maging panghabang buhay.
00:21.6
Pero ang sabi nga nila pagdating sa pagdidesisyon sa pag-ibig ay mas mahirap talagang kalabanin ang puso kesa sa isip.
00:30.0
Kahit madalas na mas tama ang sinisigaw ng isip, mas sinusunod pa rin natin ang puso dahil ito ang lamang para sa atin.
00:41.2
Dear Papadudod,
00:44.4
Napakahihwaga talaga ng buhay, lalo na pagdating sa pag-ibig.
00:50.4
Kasi may oras na akala natin ay kontrolado na natin ang lahat,
00:54.1
lalo na kapag sinunod naman natin ang plano na ginawa natin para sa ating sarili,
01:00.0
akala natin ay makokontrol na natin ang lahat sa sarili natin lalo na itong puso natin na madalas ay pasawa'y pagdating sa pag-ibig.
01:11.2
Hello Papadudod at sa lahat ng mga kaistorya na kagaya ko ay hindi pinapalampas ang bawat sulat na inyong binabasa.
01:20.9
Tawagin nyo na lamang po ako sa pangalan na Asel, 34 years old at nagtatrabaho sa isang lending firm.
01:28.7
At gusto kong magbahagi ng kwento ko na alam kong pwede nang gawin ng mga producer na telenovela sa sobrang dami kong pinagdaanan.
01:42.5
Papadudod ako yung tipo ng tao na mahilig gumawa ng mga plano para sa sarili ko o kaya ay para sa ibang tao.
01:51.8
Ayoko kasi ng may nasasayang na oras kaya hanggat maaari ay sinusunod ko ang lahat.
01:58.7
Para wala akong panghihinayanganan sa huli.
02:02.7
Kaya lang minsan talaga ay darating sa buhay natin ang ibang tao para baguhin ang pananaw natin lalo na sa pag-ibig.
02:12.6
Aaminin ko na medyo mataas ang standard ko noon pagdating sa mga nanliligaw sa akin.
02:18.6
Lalo na nga ng makatungtong ako sa kolehyo kasi ang gusto ko ay kagaya ko na may pinag-aralan din.
02:26.0
Kaya lang minsan nasinamahan ko.
02:28.7
Ang kaibigan kong si Ina na ipaayos ang cellphone niya sa isang repair shop.
02:33.9
Hindi ko pinansin ang lalaking kumakausap sa akin doon.
02:38.8
Nakatambay lang siya sa may labas ng repair shop kung saan ko hinihintay si Ina na nasa loob at nagpapagawa ng kanyang cellphone.
02:48.8
Nakikipagkilala sa akin ang lalaki noon pero tinitignan ko lang.
02:53.1
Sinabi niya ang pangalan niya pero hindi ko ibinigay ang pangalan ko.
02:57.5
Hanggang sa umalis na nga kami doon ng kaibigan kong si Ina Papadudut.
03:03.9
Kaya lang ay nakatanggap naman ako ng tawag mula sa isang unknown number.
03:08.7
Magpakilala siya na si Jeff na Tropa Rao nang nag-aayos ng cellphone ng kaibigan kong si Ina.
03:15.9
Number ko pala ang iniwan ni Ina para kontakin kapag ayos na ang cellphone niya.
03:21.5
So ayos na ba ang cellphone ng kaibigan ko? Pasoplada ang tanong ko.
03:26.7
Hindi pa.
03:27.5
Eh, mamaya pa lang kasi bibili ng pyesa yung tropa ko.
03:31.9
Baka mamaya pa rin yung maayos. Tugon pa ni Jeff.
03:36.2
Kung hindi pa pala ayos ang cellphone niya, bakit ka tumatawag ngayon? Tanong ko.
03:42.1
Ang wala lang, gusto lang kitang makausap sa kama. Kumusta?
03:47.0
Bakit? May magagalit ba dahil tumawag ako sayo? Tanong niya rin.
03:52.8
Ah okay, gets ko na. Wala naman akong boyfriend kaya walang magagalit.
03:57.5
Tugon ko.
03:59.5
Ayun, sakto talaga ang timing ko. So okay lang na mag-uusap tayo ngayon. Tanong niya na ikinatawa ko.
04:08.3
Uy, bakit ka tumatawa? Seryosong, tanong yun. Tanong niya pa.
04:15.1
Ano ba kasing tawag dito sa ginagawa natin? Hindi ba nag-uusap na nga tayo? Natatawang tugon ko.
04:22.3
Oo nga naman, ang slow ko talaga. Pero thank you ha.
04:26.1
Kasi hindi mo ako sinusopladahan ngayon. Wika niya.
04:32.0
Nako, mainit lang din kasi ang panahon nun. Kaya medyo mainit din ang ulo ko.
04:37.0
Pasensya na Jeff. Dispensa ko.
04:40.4
Okay lang yun, ang mahalagang ngayon ay nakakausap na kita.
04:43.9
Thank you ulit sa pagsagot sa tawag ha, Asel. Tugon naman niya.
04:49.7
Papadudot nung una ay hindi ko alam kung bakit in-entertain ko ang tawag na yun ni Jeff.
04:53.8
Siguro kasi naghahanap lang din ako ng makakausap ng araw na yun dahil bad trip ako sa bahay namin.
05:01.5
Pero nasundan pa ang mga araw na nagkakausap kaming dalawa.
05:06.5
Bakasyon din kasi noon sa school namin. Kaya naman pampatanggal ko na rin ng inip sa bahay ang pakikipag-usap sa kanya.
05:14.7
Hanggang sa hindi nga nagtagal, niligawan na rin niya ako sa text at tawag.
05:21.9
Enjoy din naman kausap si Jeff.
05:23.8
Papadudot. Palagi siyang nakikinig sa mga ka-bad tripan na kinikwento ko sa kanya.
05:30.1
Pinapayuhan niya rin ako sa mga bagay-bagay. Lalo na kapag subasama ang loob ko sa parents ko o mga kapatid.
05:38.0
Feeling ko nga ay mas mature pa talaga siyang mag-isip kesa sa akin.
05:42.6
Kaya hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko na mahulog ang loob sa kanya.
05:47.7
Lalo na nang muli kaming magkita sa plaza para kumain ng pares.
05:51.5
At bago matapos ang bakasyon, ay sinagot ko na rin si Jeff, papadudot.
05:58.8
OMG! Sinota mo talaga ang lalaking yun, Asel?
06:02.9
Gulat na tanong ni Ina nang aminin ko sa kanya.
06:05.7
Ang tungkol sa relasyon namin ni Jeff.
06:09.1
Bakit? Ano namang masama dun? Wala namang siyang girlfriend.
06:13.1
Anak at mas lalong hindi naman siya adik. Wika ko.
06:17.0
Eh kahit na.
06:19.1
Hindi pa rin kayo bagay kasi tambay lang siya.
06:21.2
At tapos ikaw, nagsusumikap ka na makatapos ng pag-aaral mo, ang wika naman ni Ina.
06:28.0
Grabe ka naman maka-judge, Ina.
06:30.5
Hindi nang naman basta tambay yun si Jeff. May trabaho din yun.
06:34.5
Pagtatanggol ko sa boyfriend ko.
06:37.4
Anong trabaho naman yun?
06:39.6
Yung pa-ekstra-ekstra niya sa pagbabarker sa mga sakaya ng jeep papunta sa bayan?
06:45.7
Akala mo hindi ko alam yun ha? Kasi madalas ko siyang nakikita dun.
06:50.4
Wika pa ni Ina.
06:51.2
O alam mo naman palang may trabaho siya, kaya hindi totoo na tambay siya, ang sabi ko naman.
06:59.7
Eh basta, hindi pa rin kayo bagay, kaya pag-isipan mo nga buti ang ginagawa mo na pakikipagrelasyon sa kanya, ang payo niya sa akin.
07:10.0
Papadudot alam ko na magugula talaga si Ina noon kapag nalaman niya ang tungkol sa pakikipagrelasyon ko kay Jeff.
07:17.2
Malayo kasi talaga si Jeff sa kinagkwento ko sa kanya.
07:21.2
Na ideal guy ko.
07:23.6
At sobrang magkabaligtaran din kaming dalawa.
07:27.5
Kung ako ay nag-aaral sa kolehyo para makapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho,
07:33.4
si Jeff naman ay hanggang high school lamang ang natapos at nakuntento na lamang sa pagsasideline niya.
07:40.1
Medyo pala ayos din ako noon sa sarili lalo na nga at nasa college na ako.
07:44.8
Pero si Jeff naman yung tipo na madalas na parang walang pakialam sa itsura niya.
07:49.7
Kung itsura naman ang pakialam,
07:51.2
yung pagbabasehan ay medyo gwapo rin naman siya.
07:54.0
Ayun nga lang ay wala talaga siyang effort na mag-ayos ng sarili niya o kahit ng buhok man lang sana niya.
08:00.5
Kaya mas lalo siyang napagkakamalan na tambay at walang trabaho ng ibang tao na nakakakilala sa kanya.
08:10.8
Minsan papadudot ay sinasabihan ko siya tungkol sa bagay na yon.
08:15.8
Pero sana raw ay hindi ko siya baguhin dahil ayaw niya rin talagang magbago.
08:20.3
Lalo na.
08:21.2
At wala naman daw inaagrabyado ng ibang tao ang itsura niyang yon.
08:26.3
Tama naman siya sa mga sinabi niya.
08:29.5
Hindi niya kailangan na magbago para sa ibang tao.
08:33.7
Lalo na kung wala naman siyang naapakan o nasasaktan.
08:37.7
Ang mahalaga doon ay mabuti siyang tao na patuloy na nagpapaka-tao.
08:42.7
Papadudot bukod sa itsura at estado sa buhay ni Jeff ay wala naman akong ibang naging problema sa kanya kasi mabait naman siyang tao.
08:51.2
Gentleman din siya tapos ay malambing pa.
08:54.3
Kaya naman mas lalo ko siyang minahal sa paglipas ng mga buwan.
08:59.4
Sa relasyon naming dalawa, kaya lang papadudot eh, sa mga nag-uumpis ang relasyon ay palagi talagang may mga pagsubok na dumarating.
09:10.1
Minsan ay para patatagin ang dalawang tao.
09:14.3
Pero madalas ay para iparealize na hindi pa yon ang oras para sa kanilang dalawa.
09:21.2
Anim na buwan na kaming magkarelasyon noon nang mamatay ang nakababatang kapatid ni Jeff dahil sa pagkalunod sa ilog.
09:31.1
Mula noon ay nagbago ng ugali ni Jeff, papadudot.
09:35.1
Naging tahimik siya, malamig ang pakikitungo sa akin at hindi na niya ako masyadong tinatawagan at kinakausap.
09:42.9
Hanggang sa lumabo na nga ang lahat sa aming dalawa at tuluyan na kaming nag-break.
09:49.2
Masakit yon para sa akin kasi si Jeff.
09:51.2
Ang first boyfriend ko.
09:54.0
Pero wala naman akong choice kung hindi ang mag-move on na lamang.
09:59.1
Hindi ko na rin naman siya nakita at naramdaman pa.
10:02.8
Hanggang sa makilala ko naman si Andy na schoolmate ko.
10:07.3
Pero iba ang kuruso.
10:09.3
Naging close kami at naging magkarelasyon, papadudot.
10:13.0
Andy, wala ka ba talagang tiwala sa akin at ganyan na talaga kababa ang tingin mo para pag-isipan mo ako ng masama?
10:19.8
Palagi ka nalang ganyan eh.
10:23.0
Palagi ka nalang nagagalit nang wala ka namang talagang dahilan.
10:26.8
Naiinis na wika ako nang dahil sa pangaaway niya.
10:30.9
Nakita niya kasi ako na may kausap na lalaki na nagtatanong lang naman ang direksyon.
10:35.7
Pero kaagad niyang pinagsilosan yon.
10:39.0
May tiwala naman ako sayo pero wala sa mga lalaking nasa paligid mo.
10:43.3
Ang wika niya.
10:44.9
Kung may tiwala ka talaga sa akin, alam mo na hindi ako mag-i-entertain ang ibang lalaki.
10:49.8
Kasi nga, ikaw na ang boyfriend ko.
10:53.1
Ikaw ang sinagot ko kasi ikaw ang mahal ko.
10:56.5
Kaya kahit na sino pang lalaki ang sumubok na pumorma sa akin,
11:00.5
wala kang dapat na ikatakot kasi hindi ako maaagaw ng iba mula sa iyo pagpapakalma ko sa kanya.
11:08.8
Pasensya na.
11:10.5
Alam mo naman na ayaw ko lang talaga na nakikita kang may kasama o kausap na ibang lalaki.
11:15.2
Despensa niya.
11:17.0
Pero hindi ka pwede na palaging ganyan, Andy.
11:19.8
Hindi pwedeng lahat ng lalaking makakausap ko ay pagseselosan mo.
11:24.4
Noong isang beses, nagkatinginan lang kami noong nagwawalis sa gilid ng kalsada, inaway mo na kaagad ako.
11:31.8
Tapos noong kumakain tayo sa Tapsilogan,
11:34.4
nagpasalamat lang ako sa service crew, sinabi mo na nakikipaglandian na kaagad ako.
11:40.5
Ano ba naman yan, Andy?
11:42.4
Lahat na lang ba talaga pagseselosan mo?
11:45.0
Naiinis na sabi ko bago umalis sa harapan niya.
11:49.1
Papa, dun.
11:49.8
Pagdudot sa ilang buwan na relasyon namin ni Andy ay hindi talaga ako gaano naging tahimik at masaya.
11:56.2
Kasi palagi kaming nag-aaway.
11:58.9
At ang madalas na dahilan ay yung pagiging seloso nga niya.
12:03.4
Hindi ko alam kung saan ba niya hinuhugot ang mga isyo niya sa akin.
12:08.1
Kung bakit palagi na lamang niya akong pinag-iisipan ang masama.
12:12.5
At kung bakit ramdam ko na wala siyang masyadong tiwala sa akin.
12:16.7
Nang dahil tuloy sa ugali niya na yun,
12:19.8
nabawasan ang pagmamahal ko para sa kanya.
12:22.9
At sakto naman yun kasi biglang bumalik si Jeff sa buhay ko.
12:27.7
Enrollment namin noon at pauwi na ako sa bahay.
12:31.5
Nakasalubong ko habang naglalakad ako ang isang lalaki na medyo mahabang buhok at matangos ang ilong.
12:38.8
Isang tingin ko palang ay hindi na ako pwedeng magkamali pa.
12:42.8
Si Jeff yun, nakaagad din akong napansin at kinausap.
12:47.2
Saglit kaming nagkakumustahan, nagkwentuhan.
12:49.8
Hanggang sa magpalitan kami ng mga updated naming cellphone number.
12:53.9
At mula nga noon ay palagi na kaming magkatekst at tawagan.
12:57.2
Basta hindi ko kasama ang boyfriend kong si Andy.
13:01.0
Alam ni Jeff, ang lahat ng problema ko sa relasyon namin ang boyfriend ko papadudut.
13:07.3
Kagay nung una, siya ang sumalo ng bigat na nararamdaman ko.
13:12.5
Kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na muli siyang mahalin sa pangalawang pagkakataon.
13:18.6
Inamin naman sa akin ni Jeff na kahit kailan ay hindi na walang pagmamahal niya.
13:24.5
Para sa akin, nagsori din siya kasi nawalan siya ng oras sa akin noon.
13:30.4
At sa akin niya na ibunto ng lungkot na nararamdaman niya dahil sa pagkamatay ng kapatid niya.
13:38.1
Papadudut sa paglipas ng mga linggo at buwan ng pag-uusap naming yun ni Jeff,
13:44.6
ay nagkaroon na nga kami ng maling relasyon.
13:46.8
Pero hindi ko na pinatagal pa ang maling ginagawa namin dahil kaagad din akong nakipagkita kay Andy
13:52.8
para tapusin ang lahat sa relasyon naming dalawa.
13:57.2
Sabihin mo sa akin may iba ka na ba? May ibang lalaki ka na ba?
14:01.6
Naiiyak na tanong pa ni Andy.
14:04.6
Okay sige, aminin ko na meron bumalik ang first love kong si Jeff
14:10.0
at gusto ko nang ayusin ang lahat sa aming dalawa, ang wika ko.
14:15.6
Sinasabi ko na nga ba?
14:16.8
At may ibang lalaki ka na?
14:18.7
Kaya ang lakas ng loob mo na makipaghiwalay sa akin, panunumbat niya.
14:24.1
Lilinawin ko lang hindi lang si Jeff ang dahilan kung bakit ako nakikipaghiwalay sa iyo.
14:29.9
Ikaw, ikaw mismo Andy at yung ugali mo, panunumbat ko rin.
14:36.6
Asel, minahal lang naman kita.
14:38.9
Kung nasaktan man kita, dahil lang yun sa pagmamahal ko sa iyo, git niya.
14:43.9
Lecheng klase ng pagmamahal na yan?
14:48.3
Kunti na nga lang, malapit mo nang iparamdam sa akin na gusto mo na akong patayin dahil dyan sa paulit-ulit na pagsiselos mo.
14:56.5
Kaya huwag mong isisi sa akin ng lahat kung bakit ako nakikipaghiwalay sa iyo.
15:02.6
Kasi kung hindi mo ako sinakal sa relasyon na ito, hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa iyo Andy.
15:10.8
Tugon ko naman.
15:11.7
Papadudot, hindi kaagad ako binitawan ni Andy at pilit pa rin siyang nakipagbalikan sa akin kahit paulit-ulit ko na siyang iniiwasan at pinagtatabu yan.
15:23.0
Hanggang may isang beses na nagkaharap sila ni Jeff at nasaktan siya nito.
15:27.9
Hindi hama kasi na mas malaki ang katawan ni Jeff kumpara sa payat na katawan ni Andy.
15:33.0
Kaya kaagad nanasaktan at bumagsak si Andy sa ilang suntok na ginawa sa kanya ni Jeff.
15:39.9
Pinagbantaan din siya nito na huwag na ako.
15:41.7
At hindi na akong guguluhin pa kung ayaw niyang muli siyang mabugbog ni Jeff.
15:46.9
Nagigilty ako noon papadudot lalo na nang makita ko na bugbog talaga ang ex-boyfriend ko.
15:53.5
Ganun pa man ay inisip ko na lamang na kasalanan niya rin yun dahil masyado na siyang makulit sa pagkahabol sa akin.
16:01.2
Muli na nga namin inayos ang relasyon namin ni Jeff at sa pagkakataon na yun ay masasabi ko na mas mature na kaming pareho sa paghandel ng relasyon namin.
16:09.8
Ilang buwan bago ang college graduation ko ay nabuntis ako ni Jeff.
16:15.7
Pero hindi ako huminto noon sa pag-aaral hanggang sa makagraduate na nga ako na medyo malaki na ang tiyan ko.
16:23.1
Pinanagutan naman ako ni Jeff at pinayagan na rin ako ng nanay ko na doon muna tumira kina Jeff habang nagbubuntis ako.
16:32.8
Hindi pala ganung kadaliang makisama sa mga bagong tao sa ibang bahay papadudot.
16:38.3
Sa bahay kasi nina Jeff.
16:39.8
Sa bahay kasi nina Jeff ay kasama namin ang mama niya at tatlo pa niyang kapatid.
16:44.6
May sarili namang kaming malit na kwarto at mabait naman ang pamilya ng partner ko.
16:50.2
Siguro isa diyang nanibago lang talaga ako ng mga panahon na yun.
16:55.4
Nang makapanganak ako ay kinumbinsi ko si Jeff na baka pwedeng bumukod na kami ng bahay.
17:01.4
Pero ang sabi niya ay hindi pa raw namin kaya dahil sa mga gastusin na rin para sa baby namin.
17:07.7
Sa isang factory na rin siya.
17:09.8
Noon nagtatrabaho at maliit lang ang kinikitang pera.
17:13.6
Pero nangako naman siya na kapag nakaipo na siya ng pera ay bubukod na rin kami.
17:19.3
At sa dalawang taon naming pagsasama ay pinanghawakan ko.
17:23.2
Ang pangako niya na yun papadudot.
17:29.1
Um...
17:29.6
Babe may extra money ka ba?
17:33.0
Ubus na kasi yung binigay mo sa akin noong nakaraang buwan para pambili ng diaper at gatas ni baby.
17:38.6
Uwi ka ako kay Jeff.
17:40.6
Ubus na rin ba yung mga supply niya?
17:42.7
Tanong ni Jeff.
17:44.4
Hindi pa naman kasi namili rin si mama noong isang linggo.
17:47.9
Tugon ko.
17:49.3
Ayun naman pala eh.
17:50.4
Eh bakit kailangan mo pa ng pera?
17:52.4
Tanong pa niya.
17:54.2
Eh kasi wala na rin lamang pera yung wallet ko.
17:57.0
Iba pa rin kasi yung may laman yung wallet ko kahit maliit na halaga lang.
18:01.0
Para in case of emergency na may kailangan akong bilhin at wala ka dito sa bahay, may madudukot at magagasas ako.
18:09.8
Paliwanag ko.
18:12.6
Hay na ko ang dami mong sinasabi.
18:15.3
Ito na nga.
18:16.5
Pagabot niya sa akin ng 20 pesos.
18:19.9
Ano to 20 pesos?
18:22.2
Tanong ko.
18:23.7
Alam mo ikaw ang aga-aga napakagulo mong kausap.
18:27.3
Binigyan ka na nga ng pera, nagre-reklamo ka pa.
18:30.1
Bahala ka na nga dyan at maniligo na ako.
18:32.5
Baka malig pa ako sa trabaho ng dahil dyan sa 20 pesos na yan.
18:36.5
Ang wika pa ni Jeff.
18:38.7
Papa Dudut.
18:39.8
Ang pagiging mahigpit ni Jeff sa pera ang madalas naming pinag-aawayan.
18:45.3
Yun din ang isa sa mga pinakaayoko sa ugali niya.
18:48.4
Ang hira pala talaga ng ganong sitwasyon.
18:51.1
Yung wala kang trabaho tapos wala pang sariling pera.
18:54.8
Naging madalas tuloy ang pagtatalo namin ni Jeff hanggang sa tuluyan na nga kaming magkahihwalay.
19:00.5
Umuwi muna ako sa bahay ng nanay ko.
19:02.4
Dala si Baby at hindi nagtagal ay dumalaw doon si Andy.
19:06.1
Nabalitaan niya raw ang paghihwalay namin ni Jeff at nandun siya para ligay.
19:09.8
Nung unay ayaw ko sana siyang entertain pero dahil ayaw ko rin na lumaking walang kinikilalang ama ang baby ko
19:17.0
ay hinayaan ko na siyang manligaw hanggang sa maging kami nangangmuli.
19:22.2
Mahigit dalawang taon na noon ng anak ko nang magsama kami sa isang bahay ni Andy Papa Dudut.
19:29.7
Solo namin ang bahay at si Andy lang din ang may trabaho pero palagi siya nagbibigay ng pera sa akin.
19:36.5
Masasabi ko na masaya kahit na paano ang naging pagsasama.
19:39.8
Kaya lang ay nagulo ulit ang lahat nang bumalik sa buhay ko si Jeff.
19:52.1
Tinawagan niya ako at nakipagkita siya sa akin.
19:55.0
Pinuntahan ko naman siya habang nasa trabaho si Andy.
19:58.6
At doon ay muling nagumpisa ang maling relasyon namin ni Jeff.
20:02.5
Ang masama pa doon ay hinayaan ko na may mangyari sa amin ni Jeff kahit si Andy ang karelasyon ko.
20:08.9
Hanggang sa magbibigay.
20:09.8
Bunga na nga ang kinakatakutan kong maling relasyon naming dalawa.
20:15.5
Papa Dudut nabuntis ako noon at inakalan ni Andy na siya ang tatay ng baby ko pero nagdesisyon ako na aminin sa kanyang katotohanan.
20:24.6
Andy I'm sorry pero kasi hindi ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko ngayon.
20:30.4
Naiiyak na wika ko.
20:33.1
Anong sinasabi mo Asel?
20:35.6
Hindi makapaniwalang sabi ni Andy.
20:38.5
Andy I'm sorry.
20:39.8
Hindi makapaniwalang sabi ni Andy.
20:40.4
Wika ko.
20:42.0
Huwag kang paulit-ulit na mag-sorry.
20:44.2
Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang totoo.
20:47.1
Sino talaga ang tatay ng baby na nandyan sa tiyan mo?
20:50.7
Pagputol niya sa gusto ko pa sanang sabihin.
20:54.1
Si Jeff.
20:55.4
Si Jeff ang tatay nitong baby ko, Andy.
20:58.4
I'm sorry hindi ko sinasadya na lokohin ka.
21:01.4
Sa wakas ay pag-amin ko sa kanya.
21:05.3
Hindi sinasadya pero ginawa mo?
21:07.6
Ang kapal naman ang mukha mo na sabihin niya.
21:10.6
Niloko mo na nga ulit ako tapos sa lalaki pa rin na yun?
21:15.8
Hanggang kailan mo ba ako gagaguhin?
21:18.2
Hanggang kailan mo ako gagawing tanga?
21:20.4
Hanggang kailan mo pa ako sasaktan ng ganito?
21:23.5
Alam mo ang mabuti pa ay impaki mo na mga gamit ninyo ng anak mo.
21:27.4
Naiiyak ng sabi niya.
21:29.7
Andy please makinig ka naman muna sa akin.
21:33.2
Naiiyak na rin sabi ko.
21:36.3
Ang sabi ko mag-impaki ka na at umalis ka na rito sa bagay.
21:39.8
Umalis ka na at kahit kailan ay huwag na huwag ka na magpapakita sa akin.
21:46.2
Pagpapalayas niya sa akin.
21:48.9
Papadudot niyang hiya talaga ako noon sa nagawa kong kasalanan kay Andy.
21:53.4
Sobrang nag-guilt rin ako.
21:55.2
Kasi sa halos isang taon ang pagsasama namin ay puro kabutihan
21:58.5
at pagmamahal lang ang ipinakita at pinaramdam niya sa akin.
22:02.8
Tapos sa yun niloko ko naman siya.
22:05.4
Ewan ko ba sa sarili ko papadudot at hindi ko na rin maintindihan
22:08.8
ng nararamdaman ko noon.
22:11.4
Pero siguro nga ay masyado ko lang talagang mahal si Jeff.
22:14.8
Kaya palaging siya na lamang ang pinipili ko sa huli.
22:18.4
At dapat talaga sa umpisa pa lamang ay hindi na ako bumalik kay Andy.
22:22.8
Kasi hindi na rin naman bumalik ang pagmamahal ko para sa kanya.
22:27.6
Pero sa maniwala kayo at sa hindi ay sinubukan ko naman siyang ulit na mahalin papadudot.
22:33.2
Lalo na noong nagsama na kami sa isang bahay.
22:36.9
Pero noong ko na-realize na sobrang mahal ko.
22:38.8
Sobrang hirap pala talagang turuan ng puso.
22:41.9
Sobrang hirap nitong kontrolin.
22:44.0
Lalo na pagdating sa usaping pag-ibig.
22:48.1
Papadudot ng maimpaki ko ang mga gamit namin ni Baby ay umalis na ako sa bahay ni Andy
22:52.8
at doon muna dumiretsyo kay nanay.
22:55.7
Tinawagan ko na rin noon si Jeff at sinabi ko sa kanyang nangyaring pagpapalayas sa akin ni Andy.
23:01.6
Doon ko lang din sinabi sa kanyang tungkol sa pinagbubuntis ko na siyang ama.
23:05.7
Kagad naman niyang pinanagutan sa pangalawang pagkakataon.
23:08.8
Nang sumama kami ng baby ko kay Jeff ay tumira na kami sa solong bahay na kinuha niya para upahan.
23:18.0
Yun din kasi ang matagal ko ng request sa kanya.
23:21.2
Yung makapagsolo kami ng bahay na isang buong pamilya.
23:25.0
Naging maluwag na rin siya noon sa pag-ibigay sa akin ng pera lalo na nang makapanganak ako sa pangalawang baby namin.
23:31.6
Sobrang saya ko ng panahon na yun at sa paglipas pa ng mga taon sa aming dalawa kasama ang mga anak namin.
23:38.2
Kasi pag-ibig na rin siya.
23:38.8
Kasi para bang wala na kaming problema pa ni Jeff.
23:42.6
Kaya lang ah hindi pa rin pala tapos ang paggating ng mga pagsubok noon sa buhay namin.
23:47.7
Dahil nakitaan ko siya ng ipinagbabawal na gamot sa mismong bulsa niya.
23:52.5
Nagdahilan siya na hindi niya yun ginagamit at binibenta niya lamang.
23:57.1
Ang dami-dami mong pwedeng pasukan na trabaho.
24:00.0
Eto pa talagang pagbibenta ng bawal na gamot ang naisip mong pasukin?
24:04.4
Ni hindi mo man lang kami naisip ng mga anak mo?
24:07.7
Naiiyak sa galit.
24:08.8
Naiiyak sa galit na wika ko.
24:10.7
Wala kang dapat na ikatakot kasi hindi ko kayo madadamay dito ng mga bata.
24:15.9
Wika naman ni Jeff.
24:17.9
At paano ka naman nakakasigurado dyan sa mga sinasabi mo?
24:21.4
Tanong ko.
24:22.9
Dahil may proteksyon ako mula sa malaking tao sa sideline ko na ito.
24:26.6
Tugon niya.
24:28.6
Ayan na nga bang sinasabi ko eh.
24:30.5
Malaking tao pa yung may hawak sa iyo.
24:33.0
Bibigyan ka rin ba ng proteksyon sa mga oras na magkalaglaga na kayo sa raket mo na yan?
24:37.9
Ang pag-uusisa ko.
24:40.8
Hindi ko alam.
24:42.8
Pero hindi naman siguro mangyayari yun.
24:45.0
Wika niya.
24:46.5
Kita mo na?
24:48.0
Ni hindi ka sigurado kung kaya kang proteksyonan ng boss mo na yan.
24:51.8
Jeff, please.
24:53.3
Itigil mo na lang yung ginagawa mo.
24:55.6
Utos ko.
24:57.3
Hindi pwede dahil marami pa akong kliyente na naghihintay sa idideliver ko na bato.
25:02.5
Baka ako naman ang ipitin nila kapag hindi ko na ibigay ang mga tinatawag nila sa akin.
25:09.1
Wika niya.
25:10.7
Okay, sige. Deliver mo na yung mga dapat mong i-deliver.
25:13.1
Pero pagkatapos nun ay tama na. Please, pakiusap ko pa.
25:17.6
Pwede ba, Asel?
25:19.2
Huwag na lang natin pag-usapan to.
25:21.2
Wika niya.
25:23.0
Kailangan natin pag-usapan to, Jeff.
25:25.6
Dahil buhay mo at buhay namin ang mga anak natin ang nakasalalay dito.
25:30.4
Napakagulo nitong raket na pinasok mo.
25:32.9
Ang sabi ko.
25:35.6
Tama na, okay? Tama na.
25:38.4
Kaya ko ang sarili ko at lahat ay gagawin ko o maproteksyonan lang kayo ng mga anak natin.
25:43.6
Pangako ko yan, Asel.
25:45.8
Hindi ko ahayaan na masaktang kayo ng iba nang dahil lang sa akin.
25:50.4
Pagmamatigas niya.
25:52.3
Papadudot, hindi ako makapaniwala na magagawa ni Jeff ang bagay na yon.
25:56.9
Ang pasukin ang nakakatakot na mundo ng ipinagbabawal na gamot.
26:00.6
Naintindihan ko naman siya sa part na napakarami namin gastusin sa bahay at pilit namin pinagkakasya ang pera namin.
26:09.1
Pero napakarami rin malinis na paraan para mamuhay kami sa tahimik na buhay.
26:14.7
Hindi yung kagaya ng pinili ni Jeff.
26:17.6
Hindi ko na nga siya napigilan pa na ipagpatuloy ang raket na yon.
26:21.6
Hanggang sa pati siya ay hindi na napigilan pa ang sarili niya na gumamit na mga binibenta niyang mga bawal na gamot.
26:28.5
Naging drug user at pusher.
26:30.6
Ang partner ko, Papadudot.
26:32.7
At sobrang hirap noon para sa akin dahil nakakatakot talaga.
26:36.8
Ang biglang pagbabago ng ugali niya.
26:40.0
Gusto ko na nga rin sana siyang iwanan at hiwalayan kaya lang eh ng mga panahon na yon.
26:44.5
Ay ipinagbubuntis ko naman ang pangatlong anak namin.
26:47.7
Kaya pinigtisang ko na lamang ang ugali niya.
26:51.4
Hanggang isang gabi ay nakarinig kami ng mga anak ko ng putok ng baril sa labas ng bahay namin.
26:57.4
Takot na takot ako noon lalo na.
26:59.5
Nang marinig kong nagkakagulo ang mga kapitbahay namin.
27:03.7
Saglit kong iniwan ang dalawakong anak sa loob ng bahay.
27:06.9
At mabilis akong lumabas.
27:09.5
Grabe ang kabako noon sa pagkakalang si Jeff ang nabaril ng gabing yon.
27:14.2
Pero laking pasasalamat ko nang makita kong siyang ligtas.
27:18.2
At buhay habang nakatingin sa lalaking duguan na nakahandusay sa kalsada na kilala rin niya.
27:24.6
Mula noon, Papadudot ay tinigil na ni Jeff ang paggamit at pagbibenta ng ipinagbabawal
27:29.5
na gamot.
27:30.8
Tumulong na rin ako sa kanya sa pagtatrabaho at pumasok sa isang lending firm.
27:35.9
Ganon ang naging routine namin hanggang sa maisilang ko na ang pangatlong anak namin ni Jeff.
27:41.9
Malaki talaga ang pinagbago ni Jeff.
27:44.7
At hindi ko akalain na darating kami sa point na yayayain niya na akong magpakasal.
27:51.7
Asel, magpakasal na tayo.
27:53.9
Ang wika pa ni Jeff.
27:56.3
Seryoso ba to?
27:58.1
Grabe.
27:59.5
Naiiyak na talaga ako.
28:01.5
Saan ba galing yung sing-sing na hawak mo?
28:04.2
Naiiyak na, tanong ko.
28:06.6
Matagal ko na itong binili.
28:08.3
Matagal ko na rin pinagplanuhan to.
28:10.7
Umahanap lang talaga ako ng perfect timing.
28:13.6
At sa tingin ko, ngayong 11th anniversary natin yung oras na hinihintay ko.
28:18.5
Gusto ko na ito ang maging simula ng bagong buhay sa ating dalawa.
28:22.7
Kasama ang mga anak natin.
28:25.2
Uulitin ko, Asel.
28:27.0
Will you marry me?
28:28.6
Muling tanong.
28:29.5
Umalang tanong niya.
28:30.8
Siyempre naman, kanino pa ba naman ako magpapakasal?
28:34.2
Ikaw lang naman yung lalaki na gusto kong makasama sa abang buhay.
28:38.3
Kaya yes, Jeff, magpapakasal ako sa iyo.
28:41.1
Mahal na mahal kita.
28:43.0
Kaagad na, sagot ko.
28:45.5
Papadudot, hindi ko pinag-isipan pa ang naging sagot ko kay Jeff ng gabi na yon.
28:50.4
Wala na rin naman akong dapat na pag-isipan pa kasi si Jeff ang nag-iisang lalaki
28:54.2
na nakikita ko noon na gusto kong makasama sa forever.
28:58.2
Alata naman siguro.
28:59.4
Kasi kahit ilang beses kaming nag-aaway at naghiwalay ay siya at siya pa rin ang binabalikan ko.
29:05.9
Minsan ko na rin tinuruan ang puso ko na kalimutan siya pero wala eh.
29:09.9
Siya lang ang nag-iisang tinitibok at sinisigaw ng puso ko.
29:14.9
Hindi ko alam kung dahil siya ba ang first love ko o dahil siya lang talaga ang nag-iisang minahal ng puso ko.
29:22.8
Hindi ko na nga rin napigilan noon ang maiyak habang sinusuot ni Jeff ang singsing sa palasing singan kong daliri.
29:29.4
Si Ma'am Mel naman at iba pang kaopisina ko na naging witness sa espesyal na pangyayarin na yon ay naiyak na rin dahil sa amin.
29:38.8
Lalo lang tuloy akong napaluha kasi parang nag-flashback lahat noon sa isipan ko ang nangyari sa aming dalawa ni Jeff.
29:46.7
Ang labing isang taon na on and off ng relasyon namin bago kami napunta sa ganong senaryo.
29:54.0
Napakarami ng pagsubok ang dumating sa buhay naming pareho lalo na sa relasyon namin.
29:59.4
At hindi ko naisip na pwede pa pala na mauwi kami sa kasalan.
30:04.7
Hindi na kami nagaksaya pa ng oras noon ni Jeff at pagkalipas ng dalawang buwan ay nagpakasal na rin kaming kaagad.
30:12.1
At ngayon nga po ay tatlong taon na kaming masayang nagsasama bilang legal na mag-asawa.
30:19.3
Papadudot maraming maraming salamat po kung sakali maa na mapili at mabasa ninyo ang sulat ko at kwento namin ni Jeff.
30:27.1
Siguro kung may aral man.
30:28.7
At ngayon, ako na maiiwan ngayong araw, yun ay ang huwag nating sukuan na tulungang magbagong buhay ang mga mahal natin.
30:36.5
Lahat naman tayo ay nagkakamali at pwedeng maligaw ng landas.
30:40.4
Ang importante doon ay may isa pa rin tao na pwedeng humawak sa kamay natin at tulungan tayong iahon mula sa bumabahang mga pagsubok ng buhay.
30:50.1
Hindi naman kasi halos nauubo sa mga pagsubok na yan.
30:53.8
Pero kung hindi tayo mawawala ng tiwala sa Diyos.
30:57.6
Wala pong magbibigay.
30:58.7
At hindi tayo magiging mahira para sa atin.
31:01.0
Sa buhay ko at sa mga pinagdaanan ko, papadudot na patunayan ko po na marami talaga tayong tao na makikilala pero meron lang isang tao na nakatadhana para makasama natin sa panghabang buhay.
31:15.6
Hanggang dito na lamang po ang sulat ko.
31:19.5
Lubos na gumagalang,
31:22.4
Acel
31:23.9
Maraming maraming salamat Acel sa pagshashare mo ng kwento ninyo.
31:28.7
Salam mong si Jeff dito sa aking YouTube channel.
31:32.3
Sobrang nakapag-iwan talaga kayo ng inspirasyon sa ating mga kaistorya na nakapakinig ng inyong kwento.
31:40.4
Hindi rin ho kasi biro yung pinagdaanan ng dalawa nating sender.
31:45.3
Nasa parte na halos binahana kayo ng mga problema at pagsubok at talaga namang napakahirap pong pagdaanan.
31:52.8
Ang paglalong ni Jeff sa masamang bisyo ang isa sa mga pinakamabigat na pinagdaanan ninyo talaga.
31:58.7
Pero mabuti na lamang at hindi mo siya sinukuan at nagawang magbagong buhay ni Jeff bago pa mahuli ang lahat.
32:07.3
Ganon naman talaga sa isang relasyon.
32:10.6
Para mas lalo itong mapagtibay ay kailangan ng isang pundasyon ng tiwala, tulungan at tunay na pagmamahalan.
32:19.2
Mga kaistorya kagaya ng sinabi ng letter sender nating si Acel ay hindi tayo dapat mawawala ng tiwala sa puong may kapal.
32:26.7
Dahil kung napapagod na tayo,
32:28.7
kung pwede tayong tulungan at alalaya ng taong mahal natin,
32:32.0
pwede tayong tulungan ng nasa itaas para sabay kayong muling umangat ng taong mahal mo mula sa bumabag yung mga problema.
32:40.9
Kaya sa oras na nadadawn tayo, magdasal at magtiwala lang tayo sa Diyos na nasa itaas.
32:50.7
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
32:56.2
Napapansin po ng inyong sipapadudot na majority.
32:58.7
Majority po ng ating mga viewers ay hindi pa nakasubscribe.
33:02.7
Kaya ano pang hinihintay ninyo? Mag-subscribe na! Baka maunahan ko kayo.
33:07.6
Maraming salamat po sa inyong lahat.
33:09.7
Ang buhay ay mahihwaga
33:14.5
Laging may lungkot at saya
33:20.6
Sa papadudot stories
33:26.7
Laging may karamay ka
33:33.7
Mga problemang kaibigan
33:40.1
Dito ay pakikinggan ka
33:46.7
Sa papadudot stories
33:52.1
Kami ay iyong kasama
33:56.7
Dito sa papadudot stories
34:03.7
Ikaw ay hindi nag-iisa
34:08.7
Dito sa papadudot stories
34:17.6
May nagmamahal sa'yo
34:21.7
Dito sa papadudot stories
34:26.7
Papadudot stories
34:29.7
Papadudot stories
34:37.7
Papadudot stories
34:56.7
Papadudot stories
35:03.7
Papadudot stories
35:06.7
Papadudot stories