Close
 


Bakit Milyun-milyong Bike Ang Inabandona Sa China? - 25 Million Bicycles
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nasa 25 MILLION na abandonadong bisikleta ang nakahimlay sa mga BICYCLE GRAVEYARD sa China. Milyon-milyon ang nagkalat sa mga daan, damuhan, ilalim ng tulay, at maging sa mga ilog. Itinuturing itong isang malaking "DISASTER" ng China. Ano ba ang nangyari bakit milyon-milyong bisikleta ang nagkalat at inabandona sa China? Alamin sa vidyong ito! Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Kung iyong titingnan, aakalain mong ito ay mga makukulay na bulaklak.
00:06.3
Napaka-colorful!
00:07.8
Pero kung iyong izuzungin, makugulat ka dahil ito pala ay mga bisikleta.
00:14.4
Welcome sa libingan ng mga bisikleta sa China!
00:18.1
Halos lahat ng syudad sa bansa ay merong ganito.
00:21.3
Nasa 25 million na abandonadong bisikleta ang nakahimlay sa mga libingang ito.
00:26.9
May mga sira na, pero karamihan ay bagong-bago pa.
00:31.2
Ang graveyard na ito sa Xiamen City ay gabundok ang pinagpatong-patong na bisikleta.
00:37.5
Sa sobrang taas, napakaliit ng tingnan ng tao.
00:41.1
Sa wuhan naman, halos matabuna na ang strukturan ito.
00:44.8
Punong-puno rin ang graveyard sa Shanghai.
00:47.9
At hindi lang yan, milyon-milyon pa ang nagkalat sa mga daan, damuhan, ilalim ng tulay at maging sa ilog.
00:55.4
May mga bisikleta rin halos matabuna na ng mga damo.
00:59.4
Pero alam mo ba, hindi naman ganito ang sitwasyon ng mga bisikletang ito noon.
01:04.3
Ginagamit sila ng mga Chinese araw-araw.
01:07.4
Layunin sana ng China na sa pamamagitan nito ay mabawasan ang vehicle emission at fuel consumption ng bansa.
01:14.9
Pero ngayon, ang mga bisikletang ito ay itinuturing na bilang isang malaking disaster.
01:21.0
Ano ba ang nangyari? Bakit milyon-milyong bisikleta ang nagkalat?
01:25.4
At inabanduna sa China?
01:29.1
Dati nang naging popular na uri ng transportasyon sa China ang mga bisikleta.
01:34.4
Minsan na nga itong kinilalang Kingdom of Bicycles noong mga dekada 70 hanggang 80.
01:40.8
Pansamantalang napalitan ito ng mga kotse, pero muling nanumbalik ang pagiging bida ng kalsada ng mga bisikleta nang mauso ang bike sharing.
01:49.7
Taong 2016 nang nauso ang bike sharing o bike rental sa China.
01:55.4
Pinadali at naging convenient ang pagrenta dahil sa makabagong teknolohiya.
02:00.2
Maaari mong makita sa isang app kung saan merong available na bisikleta at gamit din ang app ay pwede mo na itong ibuk at bayaran.
02:08.9
Napakamura din ang rental fee na maaaring umabot lamang ng 7 US cents o nasa 3 pesos kada kalahating oras.
02:17.0
Kaya itinuturing itong sulit na alternatibo sa pagbabiyahe at mabisang solusyon din sa masikip na trapiko.
02:24.4
Pinapaboran din ito sa mga bisikleta.
02:25.4
Ito dahil maituturing na environment friendly dahil nga sa nababawasan nito ang emisyon at fuel consumption.
02:32.7
Kaya naman mas pinipili bilang alternatibo ang paggamit ng mga shared bikes lalo na para sa mga malapitang biyahe lamang.
02:40.6
Dahil sa lumalaking demand, umabot na rin sa mahigit 70 ang mga kumpanyang nagtayo ng bike sharing business sa China.
02:48.7
Bawat kumpanya ay may kanya-kanyang designs at colors ng mga bikes.
02:52.7
Pagdating nga ng 2018 ay mahigit 20 milyon na ang mga shared bikes sa kalsada ng China.
02:59.8
Maging sa ibang bansa ay nauso rin ang bike sharing kung saan nagtagumpay ito gaya ng Taiwan at New York.
03:06.2
Pero sa China, ang bike sharing sa halip na maging successful ay naging isa pang disaster.
03:12.5
Paano ba naman kasi? Nabawasan nga ang emisyon at fuel consumption nila pero gabundok naman ang inabando ng bisikleta.
03:22.7
Dahil sa dami ng mga kumpanya ng bike sharing at kawalan ng regulasyon sa pagpapatakbo nito, nagkaroon ng oversupply ng bisikleta sa lansangan.
03:32.5
Dahil rin sa pagdami ng kompetisyon, maraming kumpanya ang na-bankrupt at nagsara.
03:37.6
Kaya ang kanilang mga bisikleta ay inabandon na na lamang at nag-iwan ng malaking problema sa gobyerno para linisin ito.
03:45.6
Umabot rin sa punto na ang mga nagre-rent ng mga bisikleta ay wala na rin respeto at pangangalaga sa paggamit nila.
03:52.7
Ito ang mga bike ay nava-vandalize, binanakaw o ang iba ay basta na lamang iniiwan kung saan saan.
03:59.8
Yung iba ay iniiwan sa kalsada, halamanan o ilalim ng tulay.
04:04.4
Minsan nga raw ay umabot sa mahigit 3,000 ang bisikletang natagpuang inabandon na sa ilog ng Southern China.
04:12.5
Ito'y ikinagalit ng ilang mga Chinese dahil minsan ay nahaharangan na ang daanan sa sobrang dami ng bisikleta.
04:20.2
Pabaya at abusadong mga gumagamit, walang maayos na patakaran ng mga kumpanya,
04:25.9
kawala ng regulasyon ng gobyerno na inantay munang lumala ang sitwasyon bago solusyonan.
04:31.9
Ito ang mga naging kontributor kung bakit ang dating buhay na buhay na industriya ay nagatid sa mga bisikleta sa libingan.
04:40.2
Ayon sa South China Morning Post na sa 25 milyon na abandonadong bisikleta ang nakulekta ng mga lokal na opisyal
04:48.7
para dalhin sa mga graveyards noong 2020.
04:52.5
Ang filmmaker na si Wu Guoyong ay nakuna ng iba't ibang bike graveyards sa China.
04:58.6
Nasa mahigit 50 bike graveyards ang kanyang nabisita at ito ang ilan sa kanila.
05:04.2
Shanghai, Beijing, Guangzhou, Shenzhen, Xiamen.
05:09.1
Talaga namang nakapanghihinayang makita ang milyon-milyong bisikleta na nakatambak lamang.
05:15.3
Pero bakit nga ba hindi na lamang ito i-recycle?
05:18.7
Ibigay sa mga nangangailangan.
05:22.8
Well, yung iba naman ay idinudonate sa ibang bansang dumanas ng natural disaster.
05:28.1
Ang kumpanyang Ofu ay nagpadala noon ng 600 na bisikleta sa Puerto Rico.
05:33.5
Nang masalanta ito ng Hurricane Maria.
05:35.8
Pero yung mga kumpanyang na bankrupt ay kailangang isoli ang mga deposit ng customers.
05:41.7
Pero may mga kumpanyang hindi ito mabayaran.
05:44.6
Kaya kung ang obligasyong ito nga ay hindi nila magampanan,
05:47.8
paano pa nila i-claim ang mga naabandon ng bisikleta kung saan sila'y gagastos pa?
05:53.6
Hindi rin daw reasonable na i-donate sa ibang bansa ang mga bisikleta dahil sa mahal na shipping cost
05:59.8
at magiging problema din daw ang pagkuha ng mga parts sa pag-repair nito
06:04.2
dahil pagmamayari ng mga kumpanya ang disenyo ng mga parts at sila lang ang pwedeng mag-provide nito.
06:10.6
May mga bisikletang mahirap din daw i-recycle
06:13.7
dahil mahal ang pagtanggal sa mga GPS at ductless locksets.
06:17.8
At meron ding maging ang mga gulong ay mahirap tanggalin sa frame.
06:21.8
Maganda sana ang layunin ng pagpapatupad ng bike-sharing scheme.
06:26.8
Pero dahil sa kawalan ng regulasyon at kapabayaan,
06:29.8
ngayon ay nakadagdag pa ito sa basura na kailangang solusyonan ng China.
06:34.8
Nagustuhan niyo po ba ang content natin ngayon?
06:37.8
Kung oo ay mag-comment po kayo ng yes.
06:40.8
This is your Ati O from our Republic.
06:42.8
Hanggang sa muli and stay awesome!